You are on page 1of 16

Learning Activity Sheets

(Quarter 4; Week 2)

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Ikaapat na Markahan-Modyul 2
Pagpapakita ng Paggalang Sa Paniniwala ng Kapwa

Tandaan Natin:
Ang Paggalang sa Paniniwala ng Kapwa
Ang paggalang ay isang mahalagang sangkap sa ating pakikipagkapwa tao. Ito
ay karapatan ng tao na maibigay sa kanya at tungkulin naman niya na ibigay sa iba.
Lahat ng tao ay may paniniwala at gawaing panrelihiyon, iba-iba man ito ang
mahalaga ay nagkakaisa tayo sa paniniwala na may iisang Diyos.
Narito ang ilang halimbawa ng pagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng
kapwa
1. Maging tahimik sa lahat ng bahay dalanginan lalo na kung may mga
nagdarasal, banal na pagdiriwang o misa dito.

2. Pagtanggap sa bawat isa bilang kaibigan at paggalang sa kanilang kasuotan,


kilos at mga gawaing pansimbahan.

3. Respetuhin ang pinaniniwalaan ng kapwa at huwag makipagtalo tungkol dito.

Gawain:
Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang salitang tama kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba at salitang mali naman kung hindi.
_____________1. Magkalaro at magkaibigan pa din si Jianne at Louise sa kabila ng
pagkakaiba nila ng relihiyon.
_____________2. Pinagtatawanan ni Adrian ang kaniyang kapitbahay na Muslim sa tuwing
nagdarasal ang mga ito.
_____________3. Hindi pinipilit ni Mica si Fiona na pumasok at sumama sa loob ng
simbahan dahil magkaiba sila ng relihiyon.
_____________4. Tahimik na nakikinig si Enzo sa sinasabi ni Carlo tungkol sa paniniwala
at paraan ng kanilang pagsamba.
_____________5. Iniiwasan si Aya sa kanilang lugar dahil sa kaniyang kasuotan sa
pagsisimba.

English 1
Quarter 4 - Module 2
Defining Describing Words

Remember This:
Defining Describing Words
A student like you needs to know what are describing words. It can help you
make a clear description about a person, place, thing or animal.
Describing words are words that describe names of person, place, thing or
animal. It is also called adjectives.

Adjectives tell what kind, color, size, shape, or how many.

What kind - small, slow, smart, curly


What color - red, yellow, purple, blue, green
What shape - round, square, oblong
What size - short, tall, big, huge, tiny, wide
How many - seven, twenty, five, four
How you feel - happy, sad, angry, scared, tired

Some adjectives have similar meanings. Words with similar meanings are called
synonyms.
Example:
small - tiny pretty - beautiful clean - tidy
Antonyms are words that have opposite meanings.
Example:
big - small happy - sad fast - slow

Activity:
Choose the letter of the correct describing word to complete the sentence. Circle the
letter of correct answer.

Mother Tongue-Based 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Paggamit ng Tambalang Salita sa mga Pangungusap

Tandaan Natin:
Ang mga salita ay tambalang salita. Pansinin ang mga salitang bumubuo ng
tambalang salita.

bahaghari - bahag at hari


abot-tanaw - abot at tanaw
agaw-pansin - agaw at pansin
taos-puso - taos at puso

Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salita.


Sa pag-uugnay ng dalawang magkaibang salita, ang mga ito ay nagiging isang
salita na lamang.

May mga tambalang salita na ang kahulugan ng dalawang salita ay nananatili.


Halimbawa:
abot-tanaw agaw-pansin
bungangkahoy punong-guro
taos-puso takdang-aralin

May mga tambalang salita naman na ang dalawang salita ay lumilikha ng


bagong kahulugan.
Halimbawa:
anak-araw bahaghari
dalagang-bukid hanapbuhay
kapitbahay pusong-mamon

May pagkakataong ang tambalang salita ay isinusulat ng buo.


Halimbawa:
bahaghari punongkahoy
hanapbuhay

May pagkakataon ding isinusulat ito nang hiwalay. Nilalagyan ito ng gitling (-) sa
pagitan ng dalawang salita.
Halimbawa:
silid-aralan takdang-aralin
silid-tulugan

Gawain:
Bilugan ng krayolang pula ang letra ng tamang sagot.

1. Nagbabasa ng aklat sina Mona at Nida sa _______________.


a. agaw-pansin b. silid-aklatan c. hanapbuhay

2. ___________________ ang ginawang liham ni Karla.


a. Sulat-kamay b. Kapit-kamay c. Kapit-bahay

3. Nakita ng mga bata ang _______________ matapos umulan.


a. pusong mamon b. anak-araw c. bahaghari

4. Tahimik na pumasok sa _______________ ang mga magaaral.


a. silid-aralan b. sulat-kamay c. takdang-aralin

5. Nagtanim ng _______________ si Mang Dino sa likuran ng kanilang bahay.


a. Kapit-kamay b. baboy-damo c. punongkahoy

Mathematics 1
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Araw at Buwan sa Kalendaryo

Tandaan Natin:
Ang mga buwan na Enero, Marso, Mayo, Hulyo, Agosto, Oktubre, at Disyembre
ay mga buwan na binubuo ng 31 na araw. Ang mga buwan naman na Marso, Hunyo,
Setyembre, at Nobyembre at binubuo ng 30 na araw. Samantala, ang Pebrero ay
binubuo ng 28 na araw ngunit nagiging 29 na araw tuwing leap year.
Ang Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, at Sabado ang mga
araw na bumubuo sa kalendaryo.

Gawain:
Gamitin ang kalendaryo sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Anong araw maglalaro si Kalen at ang kanyang kuya sa parke?
_______________________________________
2. Kailan inaasahan ang namumuong bagyo? ______________________________
3. Kailan ang kaarawan ng kanilang lola? __________________________________
4. Anong araw sila aalis papunta sa kanilang lolo at lola? ____________________
5. Gamit ang kalendaryo anong araw magsasagot ng modyul sa Math si Kalen?
_____________________________________________

Filipino 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Paggamit ng Salitang Kilos sa Pakikipag-usap Tungkol sa Iba’t Ibang Gawain sa
Tahanan, Paaralan, at Pamayanan

Tandaan Natin:

Ang salitang kilos ay nagsasabi ng kilos o ginagawa. Sa bahagi ng pananalita ang


salitang kilos ay tinatawag na Pandiwa.
Halimbawa:
(nagdidilig) Si Tina ay nagdidilig ng halaman.
(nakikinig) Si Mara ay nakikinig nang mabuti sa guro.
(sumusunod) Si Henry ay sumusunod sa batas.
Maaari mong gamitin ang salitang kilos sa pakikipag-usap tungkol sa gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan.

Gawain:
Piliin ang wastong salitang kilos na naaangkop sa bawat larawan. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

_______1.

_______2.

_______3.

_______4.

_______5.
Araling Panlipunan 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Payak na Mapa ng Loob at Labas ng Tahanan

Tandaan Natin:

Payak na Mapa ng Loob at Labas ng Tahanan


Ito ay larawan ng isang tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi. Pagmasdang
mabuti ang mga bahagi na makikita sa loob ng bahay.

Ang mapa ay isang larawan na kumakatawan sa kinalalagyan ng bagay o lugar.


Ipinakikita rito ang mga bagay o lugar. Nakatutulong din ito sa paghahanap ng
kinaroroonan ng isang bagay o lugar.
Ang bahay ay binubuo ng iba’t ibang bahagi at lokasyon. May sala, kusina, silid-
tulugan at palikuran.
Ang silid-tulugan ay bahagi ng isang bahay kung saan tayo kadalasang natutulog
para magpahinga.
Ang silid- kainan ay isang silid o pook sa loob ng isang tahanan kung saan
kumakain ang mga naninirahan. Makikita rito ang hapagkainan.
Ang palikuran ay bahagi ng tahanan o pook sa loob para sa pag- ihi at pagdumi.
Ang sala ay bahagi ng tahanan kung saan tayo karaniwang tumatanggap ng
bisita.
Ang kusina ay bahagi ng isang tahanan kung saan ginagawa ang pagluluto at
paghahanda ng pagkain. Karaniwang makikita sa kusina ang lutuan, lababo, mesa, at
mga kasangkapang gamit sa pagluluto.
Mahalagang malaman natin ang iba’t ibang bahagi ng ating bahay.

Gawain:
Tingnan at suriin ang larawan upang masagot ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa patlang.
______1. Anong bagay ang nasa likod ng bahay?
A. aso B. ilaw C. kotse D. puno

______2. Anong bagay ang makikita sa kanan ng bahay?


A. aso B. kotse C. puno D. sisiw

______3. Anong bagay ang makikita sa kaliwa ng bahay?


A. bahay B. kotse C. puno D. upuan

______4. Ano ang nasa gitna ng kotse at puno?


A. aso B. bahay C. ilaw D. puno

______5. Ano ang nasa harap ng bahay?


A. aso B. ilaw C. kotse D. puno

Physical Education 1
Ika-apat na Markahan - Modyul 1
Pagtalon nang Sunod-sunod at Ilang Ulit sa Ibabaw ng Isang Bagay na Hindi
Gumagalaw, Gamit ang Kilos Pasulong, Paatras at Patagilid

Tandaan Natin:

Pagtalon nang paulit-ulit sa ibabaw ng isang hindi gumagalaw na bagay gamit ang
pasulong, patalikod at patagilid na Pattern.

Ang kilos lokomotor ay tumutukoy sa mga kilos na ginagawa ng isang tao o hayop
na nagpapakita ng pag-alis sa kinatatayuan o paglipat ng pwesto.
Ang pagtalon ay isang halimbawa ng kilos lokomotor. Maaari tayong tumalon
nang sunod-sunod sa ibabaw ng isang bagay na hindi kumikilos. Ito ay pwedeng talon
na pasulong, paatras at patagilid.
Ang paglukso sa ibabaw ng patpat at hula hoop ay ilan lamang sa mga kilos na
kaya nating isagawa nang pasulong, patalikod at patagilid.

Gawain:
Gumuhit ng lobo ( ) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at bola ( )
kung mali.

_______1. Kaya nating lumundag nang patagilid sa ibabaw ng patpat.


_______2. Ang paglalaro ng piko ay ginagamitan ng luksong pasulong lamang.
_______3. Maaaring tumalon ng pasulong, paatras at patagilid sa ibabaw ng maliit na kahon.
________4. Gumagamit ng luksong paatras sa larong luksong tinik.
________5. Ang paglundag nang pasulong, paatras at patagilid ay maaaring isagawa sa isang
hindi gumagalaw na bagay.

Health 1
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Ligtas at Responsableng Pag-uugali sa Araw-araw na Pamumuhay

Tandaan Natin:

Maging Responsableng Mag-aaral


Ang kaligtasan at pagiging responsableng mag-aaral ay isa sa dapat na
matutunan ng isang batang tulad mo. Masasabing ang pagiging ligtas sa iyong mga
ginagawa ay nagpapakita ng pagiging responsable. Ang ganitong uri ng bata ay
napagkakatiwalaan din.
May ibat-ibang sitwasyon na kinakailangan ng responsableng pagdedesisyon o
pagtugon na naaayon dito. Halimbawa na lang nito ay kung kailan nararapat
makikipag-usap sa taong hindi mo kakilala. May mga bagay ka rin na dapat isaalang-
alang kung ikaw ay makipag-usap sa taong hindi mo kakilala upang ikaw ay malayo sa
kapahamakan.

Narito ang mga Nararapat Gawin Kapag Makikipag-usap sa Taong Hindi mo Kakilala
1. Makipag-usap lamang sa tamang tao tulad ng pulis, guwardiya, guro, pari, pastor,
mga namumuno sa barangay at iba pang awtorisadong tao sa pamayanan.
2. Gumamit din ng magagalang na pananalita tulad ng “po” at “opo” sa pakikipag-
usap.
3. Ibigay lamang ang iyong personal na impormasyon tulad ng pangalan at tirahan
kung kinakailangan.
4. Isa rin sa mga sitwasyon na kailangan mong ibigay ang iyong personal na
impormasyon ay kung ikaw ay nawala sa isang lugar na wala kang kakilala.

Gawain:
Basahin ang bawat dayalogo. Lagyan ng tsek (✓) ang na nagpapakita ng wastong gawi
sa pakikipag-usap sa taong hindi mo kakilala at ekis (X) naman kung ito ay mali. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
________1. “Magandang araw po. Alam po ba ninyo ang direksyon papuntang parke?”

________2. “Magtanong na nga po. Alam po ba ninyo kung saan matatagpuan ang lugar na
ito?”

________3. “Mamang pulis nawawala po ako. Maaari nyo po ba akong tulungan?”

________4. “Hoy! Samahan mo nga akong umuwi sa amin. Hindi ba kilala mo ang aking
tatay?”

________5. “Nawawala po ako. Maaari po ba ninyo akong matulungang mahanap ang aking
Nanay?”

Performance Tasks
(Quarter 4; Week 2)

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Pagpapakita ng Paggalang Sa Paniniwala ng Kapwa

Layunin:
Nalalaman ang mga asal at gawi na nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa
EsP1PIVb-2
Gawain:
Isulat sa kahon sa ilalim ng mga larawan ang pangalan ng mga batang nagpakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba.
1. Binabati at kinakausap ni Arvin ang mga kaklaseng Muslim.
2. Nakikipagtalo si Roan sa mga kaklaseng iba ang relihiyon.
3. Nakikinig si Carla sa turo ng pari.
4. Laging nakikiisa sa panalangin ng pamilya si Nora.
5. Tuwing makikita ni Jose ang kapatid na nagbabasa ng Bibliya ay nagpapatugtog
siya ng malakas.
English 1

Defining Describing Words

Objective:
Identify describing words
EN1G-IVf-j-5
Activity:
Cross out (X) the word that does not have same meaning.
Mother Tongue-Based 1

Paggamit ng Tambalang Salita sa mga Pangungusap

Layunin:
Nakikilala ang tambalang salita
MT1VCD-IVa-i-3.1
Gawain:
Buuin ang mga tambalang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa loob ng kahon
ang iyong sagot.

1. Pinuno ng mga guro sa paaralan.

2. Pook na pinag-aaralan.

3. Muling pag-aaral sa dating aralin.

4. Lugar kung saan nakalagay ang mga aklat na makakatulong sa pagdaragdag ng kaalaman.
5. Gawain na ibinibigay ng guro sa mga mag-aaral na inaasahang gagawin sa kani-kanilang
tahanan.

Mathematics 1

Araw at Buwan sa Kalendaryo

Objective:
Determines the day or the month using a calendar.
M1ME-IVa-2
Gawain:
Punan ng tamang buwan at araw ang pagsasanay sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.

Filipino 1

Paggamit ng Salitang Kilos sa Pakikipag-usap Tungkol sa Iba’t Ibang Gawain sa


Tahanan, Paaralan, at Pamayanan

Layunin:
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pakikipag- usap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan
F1WG-Ille-g-5
Gawain:
Piliin sa kahon ang salitang kilos. Tukuyin kung ito ay ginagawa sa tahanan, paaralan
at pamayanan. Isulat ang sagot sa tamang kahon.
1. nagwawalis nanay bahay tatay
2. maingay madilim nagsusulat tahimik
3. tumatawid trapiko pulis busina
4. kusina silid-tulugan nagsasampay garahe
5. nag-aaral malinis maganda maliwanag

Salitang Kilos Saan ginagawa?


1.

2.

3.

4.

5.

Araling Panlipunan 1

Payak na Mapa ng Loob at Labas ng Tahanan

Layunin:
Nailalarawan mo ang kabuuan at mga bahagi ng sariling tahanan at ang mga lokasyon nito
AP1KAP- IVb-4
Gawain:
Gumupit ng larawan ng mga bahagi ng bahay at idikit ito sa tamang lugar.
Rubriks:
Iskor 5 4 3 2 1
Malinis, kaaya-aya, maganda May isang kulang na Kulang ng dalawang Kulang ng tatlong Kulang ng apat na
Pamantayan ang pagkakadikit, sa tamang sangkap na sangkap na sangkap na sangkap na
pamagat. kinakailangan. kinakailangan. kinakailangan. kinakailangan.

Physical Education 1

Pagtalon nang sunod-sunod at ilang ulit sa ibabaw ng isang bagay na hindi gumagalaw,
gamit ang kilos pasulong, paatras at patagilid.

Objective:
Demonstrates relationship of movement.
PE1BM-IVc-e-13
Gawain:
Kulayan ng pula ang bituin ( ) kung kayang gawin at kulay asul kung hindi kaya.
1. Paglundag ng 4 na beses nang nakapikit sa ibabaw ng hoola hoop.
2. Paglundag sa patpat nang pasulong at paatras.

3. Pagtalon nang paatras sa ibabaw ng gulong ng kotse.

4. Pagtalon nang patagilid sa ibabaw ng lubid.

5. Paglundag nang pasulong, paatras at patagilid sa ibabaw ng lata ng gatas.

Health 1

Ligtas at Responsableng Pag-uugali sa Araw-araw na Pamumuhay

Objective:
Identifies situations when it is appropriate to ask for assistance from strangers
H1IS-IVa-1
Gawain:
Iguhit sa kahon ang lugar na madalas ninyong puntahan kasama ang inyong pamilya.
Isulat sa ilalim ang pangalan ng lugar at kulayan ito.

Rubriks:
Iskor 5 4 3 2 1
Malinis, kaaya-aya, maganda May isang kulang na Kulang ng dalawang Kulang ng tatlong Kulang ng apat na
Pamantayan ang pagkakaguhit, at may sangkap na sangkap na sangkap na sangkap na
tamang pamagat. kinakailangan. kinakailangan. kinakailangan. kinakailangan.

You might also like