You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Pansangay na Pagsusulit para sa Ikaapat na Markahan sa


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 1

Pangalan: __________________________________ Iskor: ___________


Pangkat: ___________________________________ Petsa: ___________

Panuto: Piliin ang titik ng angkop na sagot sa bawat bilang. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Ang pagiging masunurin ay magandang kaugaliang dapat taglayin ng isang


bata. Ano ang kahulugan ng salitang “masunurin”?
A. palaging sumusunod sa utos
B. palaging nagdadabog kapag inuutusan
C. sumusunod nang labag sa loob
D. hindi sumusunod sa utos

2. Si Jenelyn ay palaging sumusunod sa utos ng kanyang mga magulang at iba


pang nakatatanda. Anong katangian mayroon si Jenelyn?
A. masunurin
B. magalang
C. mapagbigay
D. madasalin

3. Nanonood ka ng telebisyon nang utusan ka ni Tatay na tulungan si Nanay sa


paghahain para sa hapunan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Susunod ako sa utos pagkatapos kong manood.
B. Susunod ako sa utos para hindi ako mapalo.
C. Susunod ako sa utos nang nakasimangot.
D. Susunod ako sa utos para matulungan si Nanay.

4. Inutusan ka ng ate mo na isara ang gripo sa banyo. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Sasagot ng “wait lang”
B. Susundin ang utos ni ate nang padabog.
C. Susundin ang utos ni ate nang masaya.
D. Hindi ako susunod. Hindi ko naman siya magulang.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

5. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kasiyahan sa pagsunod sa utos ng mga


nakatatanda?
A. Manatiling nanunuod ng telebisyon kapag inuutusan.
B. Tatayo kaagad at susunod sa nag-uutos
C. Maglaro ng cellphone habang inuutusan.
D. Magkukunwaring may ginagawa para hindi na utusan.

6. Paano ang tamang paraan ng pag-sunod sa utos ng mga nakakatanda?


A. Masayang sumunod sa utos.
B. Magdabog habang sumusunod sa utos.
C. Huwag gawin ng tama ang iniuutos.
D. Huwag sumunod sa utos.

7. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng bukal sa pusong pagsunod sa utos ng


mga nakakatanda?
A. Si Wilson ay masayang sumunod sa utos ng kanyang nanay.
B. Si Anabel ay nagkulong sa kwarto upang hindi mautusan.
C. Nagbibingi-bingihan si Salie para hindi siya mautusan.
D. Si Brenda ay padabog na sumunod sa utos ng nanay.

8. Si Liza ay palaging sumusunod sa utos ng kanyang mga magulang, ngunit


hindi nya ginagawa ang proyektong sinabi ng guro. Masunurin ba si Liza?
A. Opo, dahil sinusunod nya ang utos ng kanyang magulang.
B. Opo, dahil sinusunod nya ang utos ng kanyang guro.
C. Hindi po, dahil pinipili lang niya ang sinusunod niya.
D. Hindi po, dahil hindi siya sumusunod sa kanyang guro.

9. Tayo ay dapat na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng ating kapuwa.


Ano ang kahulugan nito?
A. Dapat nating igalang ang paniniwala ng kapuwa kahit iba ito sa paniniwala
natin.
B. Dapat nating igalang ang lahat ng bahay dalanginan.
C. Dapat tayong tumahimik kapag may nananalangin.
D. Dapat nating igalang ang Salita ng Diyos.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

10. Magkaiba ang relihiyon ni Vincent at ni Jeric. Magkaibigan pa rin sila sa


kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala. Anong katangian mayroon sina
Jeric at Vincent?
A. may paggalang sa magulang
B. may paggalang sa paniniwala ng kapuwa
C. may pagsunod sa nakatatanda
D. may pagsunod sa batas

11. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng


kapuwa?
A. pag-aalok sa kaklase ng mga pagkaing ipinagbabawal ng kanilang relihiyon
B. pag-iingay sa lugar na malapit sa bahay dalanginan
C. pagtahimik kapag may gawaing pagsamba
D. pagtawanan ang kakaibang kasuotan ng ibang relihiyon

12. Mayroong ipinagbabawal na kainin sa relihiyon ng iyong kaklase. Paano mo


ipapakita ang pagrespeto sa kanyang paniniwala?
A. Pagtatawanan ko siya dahil pili lamang ang kanyang kinakain.
B. Ipagpipilitan ko na kumain siya kahit bawal.
C. Sasabihin ko sa kanyang pwede siyang kumain dahil wala naman nakakakita.
D. Rerespetuhin ko siya at hindi ko siya aalukin ng pagkaing ito.

13. Mayroon kayong bagong kaklaseng babae na napakahaba ng buhok, dahil


ang kanilang paniniwala ay hindi dapat itong putulin. Paano mo ipapakita ang
pagrespeto sa kanya?
A. Kakausapin ko siya.
B. Kakaibiganin ko siya.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Tutuksuhin ko siya.

14. Kakaiba ang kasuotan ng iyong kaklase dahil iyon ang utos ng kanilang
relihiyon. Paano mo ipapakita ang pagrespeto sa kanya?
A. Gagayahin ko ang pananamit niya.
B. Tutuksuhin ko siya.
C. Lalayuan ko siya.
D. Kakaibiganin ko siya.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

15. Paano ang tamang paraan ng paggalang sa paniniwala ng kapuwa?


A. Tawanan ang paniniwala nila na iba sa iyo.
B. Tuksuhin sila dahil may pwede kang gawin na bawal sa kanila.
C. Kaawaan sila dahil di nila maisuot ang kanilang gusto.
D. Irespeto ang kanilang mga paniniwala.

16. Alin ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapuwa?


A. Nakikipagkaibigan si Janet sa mga kaklase anuman ang kanilang relihiyon.
B. Inaalok ni Henry ng baon niyang dinuguan ang kaklase niyang Iglesia ni
Cristo.
C. Tumatahimik si Diane kapag nagdadasal ang mga Muslim sa kanilang
paaralan.
D. Nakiisa si Joy sa panalangin na pinangunahan ng kaklase niyang Born
Again.

17. Hindi Katoliko si Ken. Pinaglalaruan ni Ken ang pag-aantanda ng Krus.


Tama ba ang ginawa ni Ken?
A. Opo, dahil nakakatawa ang ginagawa nila.
B. Opo, dahil hindi siya naniniwala sa ginagawa nila.
C. Opo, dahil wala naman ibig sabihin iyon sa kanya.
D. Hindi po, dahil hindi niya iginagalang ang paniniwala ng iba.

18. Ang batang nakasusunod sa gawaing panrelihiyon ay _______.


A. nagiging mabuting bata
B. nagkakaroon ng mataas na marka
C. nagiging sikat sa mga kaklase
D. nagkakaroon ng maraming kaibigan

19. Bilang kasapi ng isang relihiyon, tayo ay dapat na sumusunod sa mga


gawaing panrelihiyon kung saan tayo ay kabilang. Ang sumusunod na mga
pangungusap ay nagpapakita ng pagsunod maliban sa:
A. Dapat tayong sumamba sa araw na itinakda ng ating relihiyon.
B. Dapat tayong makiisa sa mga gawin ng ating relihiyon.
C. Dapat tayong sumunod sa mga alituntunin ng ating relihiyon.
D. Dapat tayong sumamba kahit labag sa ating kalooban.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

20. Si Rico ay isang Katoliko. Nagsisimba siya tuwing Linggo. Si Rico ay


____________.
A. nakasusunod sa gawain ng paaralan
B. nakasusunod sa utos ng magulang
C. nakasusunod sa gawaing panrelihiyon
D. nakasusunod sa gawaing pambansa

21. Paano mo ipapakita ang pagsunod sa mga gawaing panrelihiyon?


A. Sasamba ako sa araw na itinakda.
B. Magsusuot ako ng mga damit na pinapayagan ng aming relihiyon.
C. Hindi ako kakain ng mga pagkaing ipinagbabawal.
D. Mananalangin ng taimtim kasama ang pamilya.

22. Si Marisa ay isang Muslim. Ipinagbabawal sa kanila ang pagkain ng


karneng baboy. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Kumain ng karneng baboy kung di siya nakikita ng magulang.
B. Kumain ng karneng baboy kung nakahalo ito sa gulay.
C. Kumain ng spaghetti na nilagyan ng karneng baboy.
D. Kumain ng mga pagkaing walang karneng baboy.

23. Sino ang nagpapakita ng pagsunod sa gawaing panrelihiyon?


A. Hindi nagsisimba si Orlando.
B. Kumakain ng marami si Vicky kahit panahon ng pag-aayuno.
C. Si Abel ay sumasama sa kanyang magulang kung pupunta sa bahay
dalanginan.
D. Natutulog si Mario sa oras ng pananalangin.

24. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagsunod sa gawaing


panrelihiyon?
A. Ipinagpapatuloy ni Ben ang pananalangin kahit pinagtatawanan siya.
B. Sumasama si Mely sa mga nananalangin sa kanilang barangay.
C. Naglalaro si Delia sa loob ng bahay dalanginan.
D. Nakikinig si Sanny sa pangangaral ng lider ng kanilang relihiyon.

25. Si Angela ay nakikiisa sa pagsagot at pag-awit tuwing ang kanilang pamilya


ay nasa bahay dalanginan. Sumusunod ba si Angela sa kanilang mga gawaing
panrelihiyon?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

A. Opo, dahil nakikiisa siya sa pagsagot at pag-awit.


B. Opo, dahil pumunta siya sa bahay dalanginan.
C. Hindi po, dahil hindi naman kailangang makiisa.
D. Hindi po, dahil bata pa siya.

Pansangay na Pagsusulit para sa Ikaapat na Markahan sa


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 1

Susi sa Pagwawasto

1. A
2. A
3. D
4. C
5. B
6. A
7. A
8. C
9. A
10. B
11. C
12. D
13. B
14. D
15. D
16. B
17. D
18. A
19. D
20. C
21. D
22. D
23. C
24. C
25. A
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Bibliography

Aggarao, Bernadette A. (2020), Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Baitang, Alternate


Delivery Mode, Ika-apat na Markahan, Modyul 2: Nakapagpapakita ng Paggalang sa
Paniniwala ng Kapwa, Unang Edisyon, Kagawaran ng Edukasyon

Cordova, Amalia S. (2020), Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Baitang, Alternate Delivery


Mode, Ika-apat na Markahan, Modyul 1: Paniniwala Mo, Igagalang Ko, Unang Edisyon,
Kagawaran ng Edukasyon

Department of Education Curriculum and Instruction Strand (2020), K to 12 Most Essential


Learning Competencies with CG Codes

Prepared by:

DEBORA JOY M. SAHAGUN


Teacher 2, Malabago Elementary School

You might also like