You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

MIMAROPA Region
Division of Occidental Mindoro
San Jose West District
PAG-ASA CENTRAL SCHOOL
San Jose

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


Edukasyon sa pagpapakatao II

Pangalan : __________________________________________________________ Iskor: _________


Baitang/ Pangkat: __________________________________ Petsa: _________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Gumising ka ngayong umaga ng malakas at may maayos na pangangatawan. Ano ang unang una mong
gagawin?
A.Maliligo agad C. Magdadasal agad
B. Aayusin ko na ang aking hinigaan. D. Hahanapin si nanay para sa almusal
_____2. Sino ang dapat pasalamatan sa mga biyayang tinatanggap natin araw-araw?
A. guro B. Diyos C. kaibigan D. nanay at tatay
_____3. Sino sa mga bata ang nagpapakita ng pagbibigay halaga sa mga biyayang tinatanggap?
A. Si Arjielyn na umiiyak kapag hindi naibili ng mamahaling laruan.
B. Si Hanns na itinatapon ang inayawang pagkain.
C. Si Mariah Caecilia na sinisira ang mga halaman.
D. Si Jerielle na nagdarasal bago kumain.
_____4. Maraming pagkaing nakahain sa mesa para sa inyong tanghalian. Ano ang dapat gawin ng iyong pamilya?
A. Magdasal at magpasalamat sa Diyos.
B. Mag-away away sa harap ng pagkain.
C. Kumain habang nanunuod ng telebision.
D. Huwag kumain dahil hindi masarap ang nakahain.
_____5. Ang iyong kaarawan ay tatapat sa araw ng Linggo. Alin sa mga ito ang iyong unang-una mong gagawin?
A. Ayain si nanay na pumunta sa mall.
B.Ayain ang mga magulang na kumain sa labas.
C. Magkaroon ng “outing” kasama ang mga kaibigan.
D.Yayain ang mga magulang at kapatid upang makapagsimba.
______6. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagpapasalamat sa biyayang tinatanggap mula sa
Diyos?

A. C.

B. D.

_______7. Isang umaga, naghihintay ka ng traysikel sa may kanto patungo sa paaralan. May nakasabay kang isang
batang pilay na naghihintay din ng sasakyan. Ano ang gagawin mo?
A. Uunahan ko siyang sumakay sa traysikel at iingitin.
B. Titingnan ko siya kung paano siya sumakay.
C.Aalalayan ko siya sa kanyang pagsakay.
D. Pagtatawanan ko siya.

_______8. Tuwing gabi matapos mong gawin ang takdang-aralin, nakakaramdam ka nang antok. Alin sa mga
sumusunod ang iyon gagawin?
A. Pupunta ako sa sala at doon muna ako matutulog.
B. Tatawagin ko si nanay para iligpit ang aking mga gamit.
C. Pupunta ako sa kuwarto at magdarasal muna bago matulog.
D. Aalisin ko ang gamit sa study table at doon muna ako matutulog.
______9. Binilhan ka ng bagong krayola ng nanay mo. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang pagbibigay
pasasalamat at halaga sa mga biyayang bigay ng Diyos?
A.Iinggitin ko ang ibang bata .
B. Gagamitin at sisirain ko agad.
C. Iingatan ko at titipirin ang krayola.
D.Gagamitin ko kaagad para maibili ako ng bago.
______10. Marami kang pinagliitang damit. Ano ang dapat mong gawin?
A. Itatago ko sa aparador.
B. Ibebenta ng mas mahal.
C. Isasama sa patapong basura.
D. Ipapamigay sa mga nangangailangan.
______11. Papasok ka na sa inyong silid-aralan. Nasa may pinto ka nang mapansin mong nasa likod ang kamag-aral
mong may kapansanan at nahihirapan siyang lumakad papunta sa silid-aralan. Alin sa mga sumusunod ang iyong
gagawin?
A. Aalokin ko siya ng tulong na alalayan sa pagpasok sa silid-aralan.
B. Hindi ko na lang siya papansinin upang hindi siya mahiya.
C. Magkukunwari akong hindi ko siya napansin.
D. Bibilisan ko ang pagpasok sa silid-aralan.
______12. Ikaw ay may malusog at magandang katawan. Sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong pasasalamat
sa pagkakaroon nito?
A. Ingatan at panatilihing malusog ang pangangatawan.
B. Palaging uminom ng soft drinks.
C. Kumain lagi ng junk foods.
D. Magpuyat araw-aaraw.
______13. Ano ang naramdaman mo tungkol sa mga bagay na kaya mong gawin?
A. Malungkot ako dahil, marunong akong sumayaw ngunit hindi ako magaling umawit.
B. Masaya ako dahil may maipagyayabang akong talento.
C. Masaya ako dahil may mga kaya akong gawin.
D. Malungkot dahil may mas magaling sa akin.
______14. Napili ka ng iyong guro na tumula sa inyong paaralan, ano ang iyong gagawin?
A. Liliban ako sa klase.
B. Iiyak ako at sasabihing ayaw ko.
C. Magsasanay at tutula upang makita nila ang aking kakayahan.
D. Tatanggapin ko ang hamon at aking ipagmamayabang na ako ang napili.
______15. Ang pagtulong sa kapwa ay _______ gawain. Alin sa mga sumusunod ang kukumpleto sa pangungusap?
A. masamang C. mabuting
B. nakakalungkot na D. nakakairitang
______16. Pinagpapala ng Diyos ang mga ______ sa kapwa. Kumpletuhin ang pangungusap. Ano ang iyong sagot?
A. tumutulong C. mayayabang
B. hindi tumutulong D. nanloloko

______17. Si Daniella ay mahusay magluto. Ano ang dapat niyang gawin?


A. Tulungan ang nanay niyang magluto tuwing walang pasok.
B. Pagtaguaan ang mga batang nagpapaturo sa kanya.
C. Pagtawanan ang mga batang di marunong magluto.
D. Turuan ng mali ang nagpapturong magluto.
_______18. Ang batang matulungin ay _____. Ano ang kukumpleto sa pangungusap?
A. pinagpapala C. iniiwasan
B. inaaway D. niloloko

_______19. Alin sa mga sumusunod ang mararamdaman mo kung ikaw tumutulong sa kapwa mo?
A. Masaya B. Malungkot C. Naiinis D. Nanghihinayang
______20. Ano ang gagawin mo kung ang iyong kapatid ay nahihirapan magsulat?
A. Hindi papansinin ang kapatid
B. Tuturuan ito na magsulat.
C.Siya ay pagtatawanan
D. Pagagalitan ko siya.
_______21. Nakita mong nahihirapan ang iyong kaklase sa pagbabasa. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagkakalat ko sa iba na hindi sya marunong bumasa.
B. Pagtatawanan ko ang aking kaklase.
C. Hindi ko siya kakaibiganin.
D. Tuturuan ko siya.
______22. May nakita kang kapitbahay mo na may dalang mabigat na bag. Ano ang gagawin mo?
A. Iiwasan ko siya.
B. Tawanan siya at batiin.
C. Itanong kung ano ang dala niya.
D. Tulungan siya sa kanyang dala-dala.
_______23. Sino sa mga bata ang magiging maayos ang kanyang angking talino at kakayahan?
A. Si Alliyah na laging wala sa pagsasanay.
B. Si Athena na laging sumasali sa paligsahan.
C. Si Ashley na ikinahihiya ang kanyang kakayahan.
D. Si Ruby na tamad linangin ang kanyang kakayahan.
_______24. Alin ang nagpapakita ng tamang paggamit ng kakayahan?
A. Batang nagsasanay para lalo pang mahubog ang kakayahan.
B. Batang walang ginawa kundi maglaro ng cellphone.
C. Batang ikinakahiya ang talento.
D. Batang walang ginagawa.
_______25. Nadatnan mong nag-eensayo na iyong kagrupo sa pagsayaw. Ano ang gagawin mo?
A. Uuwi na lang ako
B. Hintayin ko silang matapos.
C. Aawayin ko sila dahil hindi nila ako hinintay.
D. Sasali pa rin ako sa pagsasanay kahit nahuli na ako.

_________________________________________________ _______________________
Pangalan at lagda ng Magulang/Tagapag-alaga Petsa ng Paglagda

SUSI SA PAGWAWASTO SA ESP 2

1. C
2. B
3. D
4. A
5. D
6. A
7. C
8. C
9. C
10. D
11. A
12. A
13. C
14. C
15. C
16. A
17. A
18. A
19. A
20. B
21. D
22. D
23. B
24. A
25. D

You might also like