You are on page 1of 1

Tagapo Elementary School

Unang Maikling Pagsusulit sa Filipino 3


Unang Markahan
Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_____1. Talaan ito ng bilang at pamagat ng yunit, mga kuwento, tula at ang mga pahina kung
saan makikita ito.
A. Paunang Salita
C. Pahinang Pabalat
B. Karapatang Pag-aari
D. Talaan ng Nilalaman
_____2. Makikita rito ang nagmamay-ari ng sinulat na aklat at ang naglathalang kompanya.
A. Paunang Salita
C. Pahinang Pabalat
B. Karapatang Pag-aari
D. Talaan ng Nilalaman
_____3. Ang pamagat ng aklat, ang pangalan ng mga may-akda at publikasyon ng aklat.
A. Paunang Salita
C. Pahinang Pabalat
B. Karapatang Pag-aari
D. Talaan ng Nilalaman
_____4. Ang ________ ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, at
pangyayari.
A. pangngalan
B. panghalip
C. pangalan
D. pangungusap
_____5. Magkatugma ang mga salita kung ito ay _________.
A. magkapareho
C. magkasalungat
B. magkasing tunog
D. magkasingkahulugan
_____6. Ang mga sumusunod ay bahagi ng aklat maliban sa_______.
A. Pabalat
B. Kabuuan
C. Katawan
D. Paunang Salita
_____7. Ano ang dapat sabihin kung nais humingi ng paumanhin?
A. Magandang Umaga
C. Paumanhin po
B. Kumusta po
D. Maaari po ba
_____8. Ang ______ ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan
o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
A. aklat
B. pangungusap C. pangngalan
D. pantig
_____9. Ang diksiyunaryo ay isang aklat ng nakatalang mga________ ng isang partikular
na wika.
A. pantig
B. salita
C. panlapi
D. salitang ugat
_____10. Ang Sino ay para sa ngalan ng ______________.
A. Tao
B. Bagay
C. Hayop
D. Pook o lugar
_____11. Isang umaga, nakita mo ang nanay ng iyong kaibigan. Ano ang iyong sasabihin?
A. Hoy ate!
C. Magandang umaga po.
B. Paumanhin po
D. Nasaan si Juan?
PANUTO: Piliin sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
12. Dumalaw si Lea sa kaniyang kaibigang may-sakit. ( bumisita, nagtampo, nagpaalam )
13. Masarap tumira sa probinsiya dahil payak ang pamumuhay doon.
(maingay, simple, marumi)
14. Maraming magandang tanawin ang makikita sa probinsiya ng Ilocos.
(lungsod, bayan, lalawigan)
15. Sabi ng tatay ko, manang-mana ako sa kaniya dahil pareho kaming mabait.
(magkaiba, magkatulad, magkabagay)
16-20

Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito, isulat ang pangalan mo.


Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang puso. Kulayan ito ng pula.
GOODLUCK

You might also like