You are on page 1of 3

Ikatlong Markahan sa Filipino 3

S.Y. 2019-2020
Panuto: Basahing mabuti at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sikat na diwata si Maria Makiling. Alin ang salitang naglalarawan sa pangungusap?
A. diwata B. Maria C. sikat D. Makiling
2. Naputol ang lahat ng punong-kahoy sa gubat. Dahil dito,wala nang puno na nakapipigil sa pagbaha sa ating lugar. Ano ang
pangungusap na may salungguhit?
A. bunga B. sanhi C. pandiwa D. pang-uri
Punan ng angkop na pang-uri ang patlang sa bawat pangungusap. Piliin ang mga sagot sa kahon.

malamig matamlay matarik mabangis malayo

3. _________ang tubig sa sapa.


4. _________ang bundok na aakyatin ni tatay.
5. _________ang bagong panganak na ginang.
6. ________ang Leyon sa Manila Zoo.
Isulat kung katotohanan o kathang-isip.
___________________7. Naging bato ang mga manliligaw ni Maria Makiling.
___________________8. Mataas ang lipad ng ibong Agila.
___________________9. Makukulay ang mga lumilipad na isda.
___________________10. Magaling na mang-aawit si Sara Geronimo.
11. Matapang si Janno kaya hindi siya natatakot sa madilim sa yungib. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
A. marami B. kaunti C. duwag D. bata
12. Ang batang salbahe ay______________.
A. mabait B. magalang C. masayahin D. masama
Piliin sa loob ng kahon ang mga damdamin na ipinapahayag sa bawat pangungusap.

A. naiinis B. natatakot C. masaya D. kinakabahan

13. Tinawag na ang pangalan ni Angelo dahil siya na ang susunod na magtatanghal sa bulwagan.
14. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa magandang tinig ni Sipa.
15. Umabot ng isang oras ang paghihintay ni Camille sa labas ng sinehan dahil sa daming tao.
16. Ang lakas ng ulan, may kasama pang malalakas na kulog at kidlat.
17. Ang may-kaya ay kasingkahulugan ng salitang_____________________.
A. mahirap B. matalino C. mayaman D. mabagal
18. Alin sa mga sumusunod ang tambalang salita?
A. mahal kita B. hanapbuhay C. panauhin D. kaklase
Basahin ng mabuti ang isang anunsiyo. Sagutin ito pagkatapos
ISANG PAANYAYA
Ano? May gaganapin na isang Audition sa gaganaping dula
Saan? Sa mababang paaralan ng Can-olin
Kailan? Ika- 10 ng Pebrero 2016
Paano? Magpalista lang sa guro ng Gr. 3
19. Tungkol saan ang paanyaya?
A. Paligsahan sa pagkanta
B. Audition sa gaganaping programa
C. Audition sa gaganaping dula
D. Audition sa pagsayaw
20. Kanino magpapalista ang nais sumali?
A. mag-aaral B. punongguro C. guro D. presidente
21. Kailan gaganapin ang audition?
A. sa Mayo 12 B. sa Pebrero 10 C.sa Enero 15 D. sa Marso 10
Pag-aralan ang pictograph, sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Bilang ng mga Nagawang Bahay sa Loob ng Anim na Taon
Taon 2016

Taon 2015

Taon 2014

Taon 2013

Taon 2012

Taon 2011

= 10 bahay
22. Anong taon ang pangalawa sa may pinakamaraming bilang ng bahay na nagawa?
A. 2011 B. 2016 C. 2015 D. 2014
23. Ilang bahay ang nagawa sa taong 2013 at 2011?
A. 7 B. 77 C. 70 D. 700
24. Si G. Felix T.Perez ang punongguro ng aming paaralan. Ano ang ibig sabihin ng dinaglat na G.?
A. ginang B. binibini C. mister D. ginoo
25. Si Edgar M. Chatto ang gobernador ng Bohol. Ano ang daglat ng salitang gobernador?
A. Gobe. B. Gov. C. Gob. D. Gobr.
26. Malakas humilik ang tatay kapag pagod. Alin ang pang-abay?
A. pagod B. malakas C.humilik D. tatay
27. Ano ang masasabi mo sa larawan? Magsulat ng pangungusap tungkol dito.

28. Maagang gumising si Ricky. Sasama siya sa kaniyang tatay sa bukid. Ang salitang may salungguhit ay__________.
A. panghalip B. pang-abay C. pandiwa D. pangngalan

You might also like