You are on page 1of 5

DIVISION OF MARINDUQUE

DISTRICT OF SANTA CRUZ EAST

PERIODIC TEST IN ESP 3 QUARTER 3


TABLE OF SPECIFICATIONS

ITEM PLACEMENT NO.


OF
No. of EASY (60%) AVERAGE( 30%) DIFFICULT (10%) ITEM
COMPETENCY CODE Days S
REMEMBER/ UNDERSTAND/ APPLY/ ANALYZE/ EVALUATE/ CREATE/

KNOWLEDG COMPREHENSI APPLICATION ANALYSIS SYNTHESIZ EVALUATION


E ON E

Nakapagpapakita
ng mga kaugaliang
Pilipino tulad ng:
pagmamano
paggamit ng "po" EsP3PPP-
10 1,2,3,4 5,6 7 7
at "opo" IIIa-b – 14
pagsunod sa
tamang tagubilin
ng
mga nakatatanda
Nakapagpapahaya
g na isang tanda
ng mabuting pag-
EsP3PPP-
uugali ng Pilipino 5 8 9,10 11,12, 13 6
IIIc-d– 15
ang pagsunod sa
tuntunin ng
pamayanan
ligtas na
pamayanan sa
pamamagitan ng:
paglilinis at
pakikiisa sa
gawaing
pantahanan at
pangkapaligiran EsP3PPP- 5
14,15,16,
18 5
wastong IIIe-g – 16 17
pagtatapon ng
basura palagiang
pakikilahok sa
proyekto ng
pamayanan na
may kinalaman sa
kapaligiran
Nakasusunod sa EsP3PPP- 5 19,20,21 22, 23,24 6
mga tuntuning IIIh – 17
may
kinalaman sa
kaligtasan tulad
ng
mga babala at
batas trapiko
pagsakay/pagbaba
sa takdang lugar
Nakapagpapanatil
i ng ligtas na
pamayanan sa EsP3PPP- 28,29,3
pamamagitan ng 5 25,26, 27 6
IIIi – 18 0
pagiging handa sa
sakuna o
kalamidad

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ESP 3

PANGALAN: __________________________________________ PETSA: _________

Basahing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot .

1.Umaga, pumasok sa iyong silid aralan si Gng. Supremo. Ano ang gagawin mo?
A. Lalabas kami. C. Hindi papansinin.
B. Mag-iingay kami! D. Babatiin namin siya ng “Magandang umaga po!”
2. Inutusan ka ng iyong tatay na pumunta sa iyong lolo para maghatid ng ulam. Kumatok ka sa kanyang
pintuan at sinabing __________.
A.“ O. heto na ang ulam mo, kumain ka na..”
B.” Kumain ka na lolo habang mainit pa ang ulam”.
C. ‘Lolo kumain ka na, habang maimit pa ang ulam”.
D. “Magandang tanghali po lolo, narito na po ang ulam, kumain na po kayo
3. Si Isabel ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay galing sa paaralan, gusto na niyang kumain dahil
mag-aaral pa siya ng kanyang aralin. Ano ang sasabihin niya sa kanyang nanay?
A. “Nanay, maghain ka na!”
B. “Maghain ka na nanay at kakain na ako”.
C. “Nanay, kakain na ko, pakibilisan lang ha?”
D. “Nanay, puwede na po ba akong kumain bago mag-aral?”
4.Dumating ang matalik na kaibigan ng iyong tatay. Ikaw lang ang nadatnan sa bahay. Ano ang iyong
gagawin?
A. Nagmano ka at iniwan mo sya sa may pinto.
B. Nagmano ka at pinaupo mo sya sa may hagdan.
C. Pinauwi mo sya dahil wala naman ang iyong tatay.
D. Nagmano ka at iyong pinatuloy at pinaupo sa sopa.
5.Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI wasto?
A. Ang pagmamano ay isang magandang kaugalian na dapat ipagpatuloy.
B. Ang pagsagot ng po at opo ay hindi na kailangan sa makabagong panahon.
C. Ang magandang kaugalian ay dapat ipakita sa loob at labas ng bahay.
D. Ang pagiging magalang ay nagpapakita ng isang magandang kaugalian.
6.Bakit kailangang isagawa mo pa ang mga kaugaliang Pilipino gayong makabago na ang paraan ng
pamumuhay ng mga tao?
A. dahil ang mga kaugaliang ito ang mga dapat tularan
B. dahil tataasan ako ng marka ng aking guro
C. dahil napipilitan lang akong gawin ito
D. dahil yun ang gusto ng magulang ko
7. Isinama ka ng iyong nanay sa palengke. Inutusan ka niyang makipag-usap sa tindera ng gulay. Alin sa
mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. Magkukunwari akong hindi narinig ang sinabi ng aking nanay.
B.Sasabihin ko sa aking nanay na siya na lamang ang makipag-usap sa tindera.
C.Hindi ako susunod sa aking nanay dahil ayokong makipag-usap sa mga tindera.
D.Susunod ako sa utos ng aking nanay at gagamit ako ng “po” at “opo” sa
pakikipag-usap sa tindera.
8. Ang mga sumusunod ay nagpapakitang dapat gawin sa basura maliban sa isa, saan
dito?

A. B.

C. D.

9.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin sa pamayanan?


A.Pamimitas ng bulaklak sa parke.
B.Pagtawid sa tamang tawiran.
C.Pagtatapon ng basura kahit saan.
D.Paglalaro sa halamanan sa paaralan.
10.Nakita ni Ana na naglalaro sina Daniel at ang kaniyang mga kaibigan sa kalsada. Ano ang gagawin ni
Ana?
A.Hayaan lang sila.
B.Magkunwaring hindi sila nakikita.
C.Sasali sa kanila sa paglalaro.
D.Pagsasabihan sila na huwag maglaro sa kalsada dahil maraming sasakyang
dumadaan.
11.Nais ni Dina na tumawid ng kalsada. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang piliin?
A.Tatawid sa tamang tawiran.
B.Tatawid kahit naka berde ang ilaw.
C.Maglakad sa tawiran habang naglalaro ng cellphone.
D.Tatawid kahit nakita ang babalang ”Bawal tumawid”
12. May programa sa inyong barangay tungkol sa paglilinis ng kapaligiran. Ano ang dapat mong gawin
bilang isang miyembro?
A.Hindi ako makikiisa.
B.Hayaan na magulang na lang ang makilahok.
C.Pagtatawanan ang programa ng Barangay.
D.Ako ay makikiisa sa programa tungkol sa kalinisan.
13.Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin upang makaiwas sa aksidente?
A.Maglaro sa loob ng sasakyan habang umaandar ito.
B.Itapon ang iyong basura sa bintana ng sinasakyang sasakyan.
C.Tumayo sa loob ng sinasakyang sasakyan habang umaandar ito.
D.Huwag ilalabas ang anUmang bahagi ng katawan sa bintana ng sasakyan.

14. Bakit dapat nating pahalagahan ang pagsunod sa mga babala at batas trapiko?
A.upang matuto
B.upang lumawak ang kaalaman
C.upang maiwasan ang kapahamakan o disgrasya
D.upang maipakitang kaya na ang sarili

15.Sino ang dapat tumulong upang maging ligtas ang pamayanan?


A. Mga bata C. Punong Barangay
B. Mga matatanda D. Lahat tayo

16.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagtatapon ng basura?


A. Itinatapon ni Shiela ang basura sa tabing-ilog.
B. Itinatapon ng mag-anak ang basura sa tamang basurahan.
C. Itinatapon ng matanda ang basura sa bakanteng lote.
D. Itinatapon ng mga bata ang basura sa tabing daan.
17. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong kaayusan ng tahanan?
A. Isinuksok ng iyong kapatid ang pinagbalatan niya ng kendi sa inyong sofa.
B. Nakita mong maraming hugasan sa lababo pero hinayaan mo lamang ito.
C. Tinulungan mo ang iyong ina sa pagwawalis ng iyong bakuran.
D. Hinayaan mo lang ang mga kalat na laruan ng iyong kapatid.
18. Mahalaga ba ang malinis na pamayanan? Bakit?
A. Opo, upang hindi magkasakit ang mga mamamayan.
B. Hindi po, dahil ito ang pinanggagalingan ng sakit.
C. Opo, upang ligtas ang mga matatanda.
D. Hindi po, dahil hindi ligtas manirahan sa malinis na pamayanan.
19. Alin sa sumusunod ang babalang batas trapiko na madalas nakikita sa kalsada?
A. Bawal pumasok dito. C. Mag-ingat sa aso.
B. Bawal tumawid dito. D. Bawal mamitas ng bulaklak.
20. Dapat nating pahalagahan ang mga babala at batas trapiko upang makaiwas sa ____.
A. aksidente B. kalungkutan C. kasiyahan D. galit
21. Nakita ni Maribel na kulay pula ang ilaw trapiko. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Pakinggan B. Tingnan C. Tumigil/hihinto D. Tumawid
22. Bakit dapat nating pahalagahan ang pagsunod sa mga babala at batas trapiko?
A. upang matuto
B. upang lumawak ang kaalaman
C. upang maiwasan ang kapahamakan o disgrasya
D. upang maipakitang kaya na ang sarili
23. Nais ni Dodie na tumawid ng kalsada. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang piliin?
A. Tatawid sa tamang tawiran.
B. Tatawid kahit naka berde ang ilaw.
C. Tatawid kahit nakita ang babalang ”Bawal tumawid”
D. Maglakad sa tawiran habang naglalaro ng cellphone
24. Nais mong tumawid sa kabilang kalsada. Nabasa niya ang babalang ”Bawal tumawid dito”. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Hindi susundin ang babalang nabasa.
B. Susundin ang nabasang babala.
C. Tatawid pa rin kahit bawal.
D. Wala siyang nabasa at tatawid pa rin siya.
25. Alin sa sumusunod ang mga halimbawa ng kalamidad?
A. Baha, bagyo, lindol, sunog, at pagguho ng lupa
B. Ulan, lindol, baha, pagdiriwang, at kagamitan
C. Bagyo, sunog, sakit, pagguho ng lupa, at lindol
D. Wala sa nabanggit
26. Alin sa sumusunod na kagamitan ang kailangan sa paghahanda tuwing may sakuna?
A. Sabon, kumot, at sipilyo C. Pagkain, gamot, at tubig
B. Sapatos, damit, at unan D. Bolpen, papel, at salamin

27. Masayang tumutulong si Dodoy sa kaniyang mga magulang sa pamimigay ng tulong sa mga nasalanta ng
bagyong Lando sa kanilang lugar. Anong katangian ang ipinakita ni Dodoy?
A. Masayahin B. Masipag C. Matulungin D. Mabait
28. Sa panahon ng bagyo, nararapat na ako ay _______
A.maghanda sa posibleng maging epekto ng bagyo
B. manatili sa loob ng bahay
C. manood ng balita tungkol sa bagyo
D. ihanda ang emergency kit
29. Anong tulong ang maaaring magawa ng iyong pamilya kung ang iyong kaibigan ay nasunugan at walang
pansamantalang matuluyan?
A. Hahayaan ko lang na humanap sila ng ibang matuluyan.
B. Patutuluyin ko muna siya sa aming bahay.
C. Sasabihan kong pumunta sa barangay.
D. Ituturo ko siya sa aming kapitbahay.
30. Bakit kailangang laging handa sa mga kalamidad o sakuna?
A. Upang maging ligtas
B. Upang maibahagi ang kaalaman sa iba
C. Upang maipagmalaki na magaling ako
D. Upang kumita ng maraming pera

You might also like