You are on page 1of 6

TALAAN NG ISPIKASIPIKASYON

SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO V
Levels/Skills Total
Number # of
Competencies
Of Days Easy Average Difficult Questi %
on
1. Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang 5 3 1-3 10%
Pilipino
1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
1.2. tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong
1.3. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
(EsP5PPP – IIIa – 23)
2. Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng 5 3 4-6 10%
mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang multimedia o
teknolohiya (EsP5PPP – IIIb – 24)
3. Napananatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino 1 1 1 7-9 10%
sa pamamagitan ng pakikilahok (EsP5PPP – IIIb – 25)
4.Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya 5 1 1 1 10-12 10%
para sa kaligtasan.
Hal: 4.1. paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2. pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa
sunog at paalaala kung may kalamidad
(EsP5PPP – IIIc – 26)
5. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng 5 1 2 13-15 10%
pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran
5.1. pagiging mapanagutan
5.2. pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng
pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran
(EsP5PPP – IIId – 27)
6. Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang 2 1 16-18 10%
pangangailangan
6.1. pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira
sa kapaligiran
(EsP5PPP – IIIe– 28)
7. Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng 5 3 19-21 10%
pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan
7.1. paggalang sa karapatang pantao
7.2. paggalang sa opinyon ng iba
7.3. paggalang sa ideya ng iba
(EsP5PPP – IIIf – 29)
8. Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng 5 3 22-24 10%
mga batas para sa kabutihan ng lahat
8.1. pangkalinisan
8.2. pangkaligtasan
8.3. pangkalusugan
8.4. pangkapayapaan
8.5. pangkalikasan
(EsP5PPP – IIIg – 30)
9. Nakagagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t ibang 5 1 2 25-27 10%
multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga
batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan
(EsP5PPP – IIIg-h– 31)
10. Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing 5 3 28-30 10%
nakatutulong sa bansa at daigdig
(EsP5PPP – IIIh – 32)
Total Number of days: 40 18 10 2 30 100%
ACHIEVEMENT TEST in ESP 5
Pangalan: _____________________________________ Petsa:________________________

Baitang at Seksiyon: _____________________________ Marka: _______________________

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng karinderya habang kayo aykumakain. Maraming pagkain ang
nasa inyong mesa sapagkat natanggap na ng iyong ina ang kaniyang sahod. Batid mong hindi ninyo mauubos
ang lahat ng ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang bata.
B. Paaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita.
C. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger.
D. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita.
2. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na lutuan o kalan. Ang bahay ng iyong kaibigan ay
nadamay sa sunog samantalang hindi naman nadamay ang inyong bahay. Sinabihan ka ng pamilya ng iyong
kaibigan kung maaaring makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang inyong magiging
tugon ukol dito?
A. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay.
B. Sasabihin sa magulang na huwag silang patuluyin sa inyong bahay.
C. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.
D. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng pamilya ng iyong kaibigan.
3. Nakita mong patawid sa kalsada ang isang babaeng matanda at marami siyang dala-dalang gamit. Ano ang
gagawin mo?
A. Titingnan ko lang siya
B. Pabayaan ko lang siya, matanda na siya
C.Tutulungan ko siya sa pagbitbit at pagtawid
D. Sasabihin ko sa traffic enforcer na tulungan ang matanda
4. Napakahusay mong gumuhit. Nakiusap ang iyong guro na gumuhit ka ng isang larawan ng ospital at mga
pasyente ng Covid-19 para sa inyong aralin tungkol dito. Ano ang gagawin mo?
A. Magkukunwaring nakalimutan na ang pagguhit.
B. Guguhit ng larawan at ipapadala ito sa pamamagitan ng iyong facebook account.
C. Sasabihan na lamang ang guro na siya na lang ang gumuhit dahil ikaw ay tinatamad.
D. Huwag na lamang magbubukas ng cellphone o facebook upang hindi ka makausap muli ng
iyong guro.
5. Maaari ka pa rin bang sumali sa isang paligsahan sa pag-awit kahit ngayong panahon ng pandemya? Sa
papaanong paraan?
A. Opo, pupunta sa istasyon ng telebisyon at magtatanong kung mayroon silang paligsahan sa
pag-awit.
B. Opo, uutusan ang mga magulang na maghanap sa youtube o google tungkol sa paligsahan
sa pag-awit.
C. Hindi po, hahayaan ko na lamang na may taong makadiskubre ng aking talento dahil may
Pandemya ngayon.
D. Opo, hahanap sa facebook o google ng mga ipinopost o ipinapaskil na paligsahan sa pag-
awit gamit ang multimedia o iba pang teknolohiya.
6. Magaling sumayaw si Michaela. Isang kaibigan ang nanghingi ng tulong, nais nitong matutong sumayaw.
Bakit siya pagbibigyan ni Michaela?
A. upang mabigyan siya ng bayad
B. upang lalo silang maging matalik na magkaibigan
C. upang maibahagi niya ang kanyang angking kakayahan
D. upang pagbibigyan din siya kapag siya na ang nangangailangan
7. Bilang bata, paano ka makatutulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa panahon ng Pandemya?
A. Magkukulong at matutulog na lamang buong maghapon sa loob ng tahanan.
B. Mananatili sa loob ng aming bahay at ipagdasal na matapos na ang Pandemyang ito.
C. Uutusan ang mga magulang na sila na lamang ang tumulong dahil isa ka lamang bata na
walang magagawa.
D. Tutulong akong magre-pack ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga taong
nawalan ng trabaho at hanap buhay.
8. Hindi sagabal ang Covid-19 upang magawa mong sumali pa rin sa mga paligsahan upang makatulong sa
iyong pamilya. Paano mo ito gagawin?
A. Magtutungo sa mga tanggapan upang makasali pa rin sa mga paligsahang nagaganap.
B. Uutusan ang mga magulang na sila na lamang ang maglista na iyong pangalan.
C. Wala na lamang gagawin upang hindi ka mahawaan ng sakit.
D. Maghahanap ng paraan sa google kung paano makilahok.
9. Anong dapat gawin upang malaman kung karapat dapat ang tulungan ang ating tinutulungan?
A. Magsasawalang kibo na lang ako
B. Pagbigyan na lamang upang di na mangulit pa
C. Kilatisin kung tunay na nangangailangan ang tutulungan
D. Hayaan na kahit na ano pa ang kanilang gagawin sa bagay na binigay
10. Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal sa inyong kalye. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na nagkaroon ng proyektong pangkalikasan na
kasali ang mga bata at matatanda.
B. Sasabihan ko ang mga nakatatanda na linisin ang mga kanal.
C. Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
D. Wala akong gagawin.
11. Alin sa mga sumusunod ang ligtas habang bumabaha.
A. Hindi na lumalabas ng bahay si Kardo kung wala naman siyang kailangan.
B. Masayang naglalaro sa ulan sina Miggy at Ele kahit pa mataas na ang tubig nito.
C. Naglalakad at naglalangoy sina Ana at Bob sa umaagos na tubig para marating nila ang
kanilang bahay.
D. Kahit baha na sa kapaligiran nila Nena ay hindi parin niya pinatay ang main switch ng
kuryente sa takot na baka siya ma kuryenti.
12. Bilang mag-aaral ng ikalimang baitang, ano ang maitutulong mo upang maging malinis ang ating
kapaligiran?
A. Ikalat lang kung saan-saan ang mga balat ng pinagkainan
B. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan
C. Bata pa ako para tumulong
D. Walang gagawin
13. Magkakaroon ng “Clean Up Drive” sa inyong lugar. Napagkasunduan ng mga opisyales na magtulungan
ang lahat. Bawat tahanan ay may itinalagang representante na tutulong sa paglilinis. Sa paanong paraan mo
maipakikita ang iyong suporta?
A. Maglalaro nalang ako.
B. Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay.
C. Sabihin sa mga opisyales na wala kang oras na tumulong.
D. Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng inyong barangay.
14. May grupo na nagpuputol ng punong-kahoy sa inyong lugar. Alam mong sa maaari itong maging sanhi ng
pagguho ng lupa. Sa ganon, malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Paano mo ito maipararating
sa kinauukulan?
A. Di ako iimik.
B. Pabayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa.
C. Hikayatin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan.
D. Alamin kung sino ang maaring lapitan at ipaabot ang pangyayari.
15. Napansin mong habang nagsasalita ang inyong lider tungkol sa pangkatang gawain ang ilan sa iyong mga
ka grupo ay hindi nakikinig.
A. Makikinig ako kahit ayaw nila C. Makikisali sa kanilang pinag uusapan
B. Sisigawan ko sila upang tumahimik D. Kakalabitin ko sila at senyasan na making
16. Kung ang mga konstruksyon ay malimit na kukuha ng maraming bato at buhangin sa mga kabundukan,
ano ang masamang dulot nito?
A. Pagbaha C. Pagbaha at paglindol
C.Pagguho ng lupa D. Paglindol
17. Ang mga kabundukan ay dapat pangalagaan, alin sa sumusunod ang dapat nating gawin?
A. mangaso C. Magtanim ng mga puno
B. magkaingin D. Pumutol ng mga kahoy
18. Nakita mo ang iyong kaklase na nagtapon ng balat ng kendi sa parke kahit may nakasulat sa karatula na
“BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO.”
A. Ipahuhuli ko siya sa pulis
B. Ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa
C. Magkunwaring di siya kakilala ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa
D. Sabihin ko sa kanya na bawal ang magtapon ng basura baka siya ay maparusahan at di tama ang
kanyang ginawa

PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung mali.
__________19. Ipinahiya ni Nina ang kaniyang kamag-aral sapagkat hindi niya nagustuhan ang
ideya nito patungkol sa binubuo nilang proyekto.
__________20. Hinikayat ni Gng. Santos ang mga mag-aaral na laging igalang ang ideya at
opinyon ng kanilang kapwa.
___________21. Si Maya ay nagbakasakaling mapakinggan kaya siya ay nagtaas ng kamay at
nagbigay ng kaniyang suhestiyon nitong nakaraang Barangay Assembly.
___________22. Ang mga tanod sa barangay ay may kani-kaniyang oras ng pagroronda tuwing gabi upang
maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari.
___________23. Sumusunod ang mga tagabarangay sa ipinatutupad na No Segregation, No Collection Policy
ng munisipyo.
___________24. Hinahayaan ng bawat isa ang pagtatapon ng basura sa kanal.
___________25. Ipinagwalang bahala ni Kriezel ang proyektong ibinigay ng kaniyang guro dahil hindi siya
marunong gumamit ng gadget kahit gusto siyang tulungan ng kaniyang kapatid.

26. Ano- ano ang dalawang uri ng media at teknolohiya?


A. Makabago at makaluma C. Tradisyunal at makabago
B. Sinauna at kasalukuyan D. Wala sa nabanggit
27. Ang media at teknolohiya ay mayroon ding di mabuting epekto sa tao. Ang sumusunod ay di mabuting
epekto ng media at teknolohiya maliban sa isa.
A. Madalas na pagliban sa klase
B. Kawalan ng interes sa pag-aaral
C. Kawalan ng disiplina sa paaralan at pamilya
D. Napapadali at napapahusay ang mga gawain
28. May pangkatang gawain kayo ngunit isa sa inyong pangkat ay walang pokus sa inyong ginagawa
A. Hindi ko na siya isasama sa aming pangkat
B. Sasabihin ko na humanap nalang siya ng ibang grupo
C. Sasabihin ko sa aming guro na palitan siya dahil walang pokus
D. Kakausapin ko siya at tatanungin kung nahihirapan ba sya, para matulungan namin
29. Ipinagmamalaki ng iyong kaibigan ang pagtawid kung saan-saan
A. Sasama ako sa kanya
B. Hindi ko nalang siya papansinin
C. Sasabihin ko na mali ang ginagawa niya
D. Pagtatawanan ko lang ang sinasabi niya
30. Nagkakaroon ng pagtatalo ang mga kasama mo sa pangkat tungkol sa inyong pangkatang proyekto
A. Babalewalain ko nalang
B. Sasabihin ko nalang na huwag na sila sumali
C. Aalis nalang ako sa grupo kasi nagaaway-away sila
D. Sasabihin ko sa aming guro upang mabigyan ng agarang aksiyon
SUSI SA PAGWAWASTO SA ESP V

1. A
2. C
3. C
4. B
5. D
6. C
7. D
8. D
9. C
10. A
11. A
12. B
13. B
14. D
15. D
16. C
17. C
18. D
19. MALI
20. TAMA
21. TAMA
22. TAMA
23. TAMA
24. MALI
25. MALI
26. C
27. D
28. D
29. C
30. D

You might also like