You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

SUMMATIVE TEST 1 Quarter 3

Panuto:Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng Jollibee habang kayo ay kumakain. Maraming pagkain ang nasa
inyong mesa sapagkat natanggap na ng iyong ina ang kaniyang sahod. Batid mong hindi ninyo mauubos ang lahat ng
ito. Ano ang iyong gagawin?
a. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang bata.
b. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger.
c. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita.
d. Paaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita.

_____2. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May dala siyang mabigat na bayong. Hirap na hirap siya sa
pagbubuhat papunta sa sakayan ng dyip. Ano ang iyong gagawin?
a. Lalampasan at hindi papansinin ang matanda upang makauwi agad sa
bahay.
b. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-uwi mo.
c. Magalang na kakausapin ang matanda na ikaw na ang magbubuhat ng
dala niyang bayong hanggang sa sakayan.
d. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.
_____3. Naliligo ang pamilyang Garcia sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si
Josh. May batang babae na naliligo malapit sa kanila. Maya-maya, nakarinig
sila ng tinig na humihingi ng tulong. Namumulikat ang paa ng batang babae
kaya nahihirapan siyang lumangoy. Ano ang posibleng gagawin ng pamilyang
Santos?
a. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod siya dahil hindi naman
nila kaano-ano iyon.
b. Sasagipin at tutulungan ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano.
c. Sasabihan ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya.
d. Lalayo at ipagpapatuloy ang kanilang gawain.
_____4. Nadapa ang isang bata habang siya ay tumatakbo. Ikaw lamang ang nakakita
sa kaniya dahil hindi matao ang lugar na iyon. May dala kang first aid kit sa
iyong bag. Ano ang gagawin mo?
a. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa bahay ninyo.
b. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan mo.
c. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang lunas ang sugat na natamo sa
kaniyang pagkakadapa.
d. Pagtatawanan ang bata at iiwanan siya.
_____5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na lutuan o kalan.
Ang bahay ng iyong kaibigan ay nadamay sa sunog samantalang hindi naman
nadamay ang inyong bahay. Sinabihan ka ng pamilya ng iyong kaibigan kung
maaaring makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang
inyong magiging tugon ukol dito?
a. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng pamilya ng iyong
kaibigan.
b. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay.
c. Sasabihin sa magulang na huwag silang patuluyin sa inyong bahay.
d. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.

Panuto: Lagyan ng ( / ) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino at (X) kung
hindi.

__________ 1. Laging nakikiisa sa programa ng pamahalaan.


__________ 2. Tumutulong lamang kung may kapalit.
__________ 3. Tumulong nang kusang-loob.
File Layout by DepEd Click
__________ 4. Tumulong lang minsan at hindi na umuulit pa.
__________ 5. Isinasapuso lagi ang pakikipagtulungan sa kapwa.
Panuto: Iguhit ang bituin ( ) kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng wastong
paggamit ng multimedia o teknolohiya sa pagpapakita ng iyong talent at bilog ( ) naman kung hindi.

__________ 1. Nakabuo ng sariling awitin ang pangkat tungkol sa kapaligiran matapos mapakinggan ang
kanta sa radio.
__________ 2. Paggaya o pagkopya ng poster na nakita sa internet.
__________ 3. Pagsali sa paligsahan ng pag-awit gamit ang voice recorder.
__________ 4. Paggamit ng “Tiktok” sa paggawa ng sayaw.
__________ 5. Pagguhit gamit ang application sa tablet.

Panuto: Ano ang iyong mga natutunan sa ating aralin ngayon? Piliin mo sa kahon ang tamang salita upang
mabuo ang pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

talento makilahok kabutihan


multimedia paligsahan mapagpakumbaba

1-2. Ipakita ang iyong __________ at sikaping mapaunlad hindi lamang sa


sariling kapakanan ngunit para sa __________ ng lahat.
3. Maging ________________sa pagtanggap ng papuri ng ibang tao at responsible
sa paggamit ng iyong mga talento.
4. Ugaliing __________ sa mga paligsahan upang lalo pang mahasa ang iyong
talento.
5.Paggamit ng _______________ o teknolohiya sa pagpapaunlad ng iyong talento
at pagiging malikhain.

File Layout by DepEd Click

You might also like