You are on page 1of 3

UNANG MARKAHAN PAGSUSULIT SA ESP IV

TABLE OF SPECIFICATION

Layunin Bilang ng Bahagdan Kinalalagyan


Aytem ng Aytem

1. Napahahalagahan ang katotohanan sa


pamamagitan nang pagsusuri sa mga
balitang napakinggan, patalastas na 4 10% 1,2,3,5
nabasa/narinig, napanood na mga
programang pangtelebisyon at nabasa sa
internet.

2. Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting


maidudulot sa sarili at miyembro ng
pamilya ng anumang babasahin, 8 20%
napapakinggan at napapanood sa mga 4, 34-40
sumusunod na uri ng media dyaryo,
magasin, radyo, telebisyon, pelikula at
internet.

3. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong


saloobin sa pag-aaral • pakikinig •
pakikilahok sa pangkatang gawain •
pakikipagtalakayan • pagtatanong • 7 17.5% 6-12
paggawa ng proyekto (gamit ang anumang
technology tools) • paggawa ng takdang-
aralin • pagtuturo sa iba

4. Nakapagpapakita ng matapat na paggawa


sa mga proyektong pampaaralan.
5 12.5% 14-18

5. Nakapagpapatunay na mahalaga ang 11 27.5% 13,19-28


pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain.

6. Nakapagpapahayag nang may katapatan ng


sariling opinyon/ideya at saloobin tungkol
sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili 5 12.5% 29-33
at pamilyang kinabibilangan.

Kabuuan 40 100%

Prepared by:

JENNEFER R. JUNSAY
Teacher III Checked by:

GLENDA A. ALDABA
Master Teacher I
Unang Markahang Pagsusulit sa ESP
Quarter I
Name: ______________________________ Score ____________

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____1.Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin?
A. Komiks C. Aklat tungkol sa kagandahang asal.
B. Aklat tungkol sa karahasan. D. Pahayagan na may pornograpiya
_____2.Paano masasabing makabuluhan ang isang aklat.
a. Ito ay may maraming magagandang larawan
b. Wasto at may kumpletong impormasyon ang nilalaman nito
c. Maganda ang uri ng papel
d. Ito ay makapal
____3.Si Aleiah ay palaging nagbabasa ng aklat. Ano ang kaibahan niya sa mga batang hindi nagbabasa ng
aklat?
a.Mas malawak ang kanyang kaalaman. C. Mas malaki ang kanyang mga mata.
b.Mas antukin siya. D. Mas maging madaldal siya
____4.Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o pahayagan?
A. Maniwala kaagad. C. Ipagkalat kaagad ang balita.
B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig. D. Balewalain ang balita
____5. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa inyong lugar. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig. C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol.
B. Suriin muna kung totoo ang balita. D. Aalis kaagad sa inyong lugar.
____6. Ano ang kailangan mong gawin upang matupad ang iyong pangarap?
a. magdasal at hintayin na lamang na magkatotoo ito.
b. umasa sa mga taong tutupad sa iyong pangarap.
c. mag-aral ng mabuti na may sipag at tiyaga.
d. wala sa mga nabanggit.
____7. Ano ang mabuting naidudulot ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip?
a. hindi sumusuko sa mga problemang kinahaharap.
b. nawawalan ng pag-asa.
c. mabilis malungkot at magalit sa mga sitwasyon.
d. lahat ng nabanggit.
___8. Ano ang iyong gagawin kung mayroon kang hindi maintindihan sa iyong mga aralin?
a. hahayaan na lamang ito at hindi na aaralin.
b. hihingi ng tulong sa pamilya o mga kaibigan na unawain ang aralin.
c. sasagutan na lamang ito ng hindi iniintindi.
d. pasasagutan na lamang ito sa nanay at tatay.
____9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong kaisipan?
a. Iniiwasan ni Gabriel na tumulong sa mga gawaing bahay dahil alam niyang mapapagod siya dito.
b. Umiiyak si Angelo tuwing sinasabihan siya ng nanay niya na magsanay sa pagbabasa.
c. Iniiwan ni Allysa ang kanyang aralin sa tuwing nahihirapan siyan intindihin ito.
d. Humahanap ng iba pang source si Joyce upang intindihin ang mga aralin na siya ay nahihirapan.
_____10. Ito ay ang katangian na humanap ng iba pang solusyon sa mga problema.
a. maparaan b. masunurin c. masipag d. mabait
____11. Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat upang maging mabilis at
maayos ang gawain?
A. Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling sila sa iyo.
B. Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.
C. Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.
D. Ipagpilitan ang nabuong ideya tungkol sa gawain.
____12. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?
A. Hayaan na lang kasi nakakahiya.
B. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.
C. Hindi na lang iintindihin ang sinasabi ng guro.
D. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.
____13. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang iyong pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro
D. Upang purihin ng guro
____14. May nagpuntang bata sa inyong bahay. Kukunin niya ang kaniyang laruan na nahulog sa inyong
bakuran. Bago pa man pumunta sa inyo ang bata, nakita mo na ang hinahanap niyang laruan. Kinuha mo ito.
A. Itatanggi mong nasa iyo ang laruan C. Papaalisin ang bata
B. Ibabalik sa may-ari ang laruang nakuha sa bakuran D. Hind sya papansinin
____15. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili sa tindahan. Sobra ang perang pambili na naibigay sa iyo.
A. Ibabalik ang sobrang pera C. Itatago ang sobrang pera
B. Ibibili ng kendi ang sobrang pera D. Hindi sasabihin na sobra ang pera
____16. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kinuha ang bolpen ng iyong kamag-aral.
A. Sasabihin mo na itabi ito sa bag niya C. Papauwiin na ang kaibigan
B. Hindi kikibo at babalewalain ang mga nangyari D. Sasabihin sa kaibigan na ibalik ang bolpen
____17. Inihabilin sa iyo ng inyong guro na bilangin mo ang mga test tubes na ginamit ninyo sa eksperimento
pagkatapos ng klase. Nabilang mo na at ibabalik na sana nang napatid ka at nabitawan ang mga test tubes na
hawak at ito ay nabasag.
A. Magkunwari na walang alam sa nangyari
B. Ipagtatapat sa guro ang nangyari at sasabihin kung ilan ang nabasag
C. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan
____18. Niyaya ka ng matalik mong kaibigan na dumaan muna kayo sa palaruan bago pumasok sa paaralan.
Sa kapipilit ay sumama ka sa kaniya dahilan para mahuli kayo sa klase. Tinanong kayo ng inyong guro kung
bakit ngayon lang kayo dumating.
A. Sasabihin sa guro na inutusan ng iba pang guro kung kaya nahuli sa klase
B. Hindi na lamang kikibo
C. Ipagtatapat sa guro ang ginawa, hihingi ng tawad at mangangakong hindi na uulit
D. Sinabi mo na may inutos pa magulang nyo.

Isulat sa sagutang papel kung TAMA o MALI ang diwang isinasaad nito.

_______19. Mahalagang bahagi ng ikatatagumpay ng isang proyekto ang pagkakaisa.


_______20. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa lahat.
_______21. Dapat ang lider ng pangkat ang laging masusunod.
_______22. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
_______23. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.
_______24. Ang pakikilahok ay pagpapahalaga sa iniatas na tungkulin.
_______25. Ang pagkakaisa ay maaari ring maipakita sa tahanan.
_______26. Huwag ipaalam sa pangkat ang kakayahan para hindi mautusan.
_______27. Huwag punahin ang mali ng miyembro sa harap ng nakararami
_______28.Sa anumang gawain, kumilos lamang kung may parangal.

Isulat sa sagutang papel ang tsek (✓) kung sang-ayon ka sa pahayag at ekis (X) kung hindi.

_______29. Mahalagang bahagi ang tagumpay ng isang proyekto kung magkakaisa ang mga miyembro
ng pangkat.
_______30. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa lahat.
_______31. Ang lider ng pangkat ang dapat masusunod.
_______32. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
_______33. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.

Isulat ang Wasto kung ang diwa na ipinapahayag ng pangungusap ay tama o Di Wasto kung mali.

________34. Manood ng malalaswang palabas sa youtube.


________35. Gamitin ang multi-media sa makabuluhang paraan.
________36. Huwag gayahin ang mga masasamang nakita sa palabras at nabasa sa pahayagan.
________37. Nakatutulong sa pag-aaral ang multi-media kung gagamitin nang maayos.
________38. Mapapadali at mapapagaan ang trabaho gamit ang multi – media.
________39.Agad-agad maniniwala sa mga balitang nakapost sa facebook.
________40. Naikukumpara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan
o facebook.

You might also like