You are on page 1of 2

Ako si Kat Kalat

MAPEH 4 (HEALTH)
1. describes how communicable diseases can be transmitted from one person to
another. (H4DD-IIef-11)
2. practices personal habits and environmental sanitation to prevent and control
common communicable diseases (H4DDIIij-15)

“HAHAHAHAHAHHAA” Isang malakas na hagalpak ang umalingawngaw sa buong


kabahayan ng pamilya Cruzat. Dinig sa katahimikan ng bahay ang malulutong na
tawa ni Kat. Ang kaniyang paghagakhak ay daig pang naka mikropono ay daig pa
ang tilaok ng manok na gumising sa buong kabahayan nila.
Si Kat Cruzat ay lumaki sa pamilya na kung saan palagi siyang naiiwan ng mga
magulang na abala naman sa pagtatrabaho para lamang masustentuhan ang
kaniyang pangangailangan. Hindi naman sila matatawag na mahirap, bagkus sila ay
kilala bilang isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Barangay Linis. Sadya lamang
ayaw ng bumalik ng pamilya ni Kat sa masalimuot na nakaraan kung saan tiis sila sa
isang kahig, isang tukang pamumuhay, at sa butas-butas na bahay-kubo. Kaya
naman noong nagkaroon ng oportunidad na umalis sa dati nilang kinalalagyan ay
agad silang tumira at bumili ng lupa at lote sa Barangay Linis.
Kilala ang Barangay Linis sa buong munisipalidad ng Kahiwagaan bilang barangay
na may pinaka-disiplinadong mga mamamayan. Ang buong barangay ay
napapalibutan ng iba’t-ibang klase ng puno at mga halaman na siyang
nagpapaaliwalas ng kapaligiran. Ang mga basura ay maingat ring inilalagay sa
tamang lalagyan upang maihawalay agad ang mga nabubulok sa di-nabubulok, at
mga bagay na maaari pang gamitin muli.
“Hay naku Kat! Ang iyong mga kalat!” naiiritang sambit ni Yaya Mel habang
dinadampot isa-isa ang mga balat ng chichirya, softdrinks, at biskwit na nagkalat sa
buong silid ni Kat. Tiningnan lamang ito ni Kat sabay baling muli sa kaniyang
pinapanuod.
Dahilan sa palaging wala ang mga magulang ni Kat upang magtrabaho, naiiwan siya
kay Yaya Mel. Mahal na mahal ni Yaya Mel si Kat at tinuturing na nitong anak ito.
“Mahuhuli ka na naman sa iyong pagpasok Kat!” may pagbabantang paalala ni Yaya
Mel kay Kat. Halos tinatamad na bumangon si Kat sa pagkakahiga at dumiretso na
sa banyo upang mag intindi ng katawan. Ngunit dahilan sa ang oras ay kakaunti na,
naghilamos na lamang ng mukha si Kat at dali-daling nagbihis ng kaniyang
uniporme. Hindi nagsipilyo manlang o nagsabon. Ang mga naiwang kalat niya ay
hindi na niya naintindi manlang. “Yaya! Ikaw na ulet bahala sa kalat ko ha? Andyan
na ang school bus e,’ pangiting wika niya kay Yaya Mel. Malambing naman kung
maiituring si Kat ngunit ang kanyang katamaran lamang at pagiging makalat ang
isang katangiang inaayawan ng lahat sa kanya – lalo na ang kanyang mga kaklase.
“Ayan na naman si Kat Kalat! Pihado mapapagalitan na naman tayo ni titser dahil sa
mga nagkalat na balat ng pinagkainan niyan,” sambit ng kaklase ni Kat. Hindi naman
nga nagkamali ang kanyang kaklase at may kagat kagat na namang biskwit si Kat at
funchum naman sa kabilang kamay nito. Halos walang umiimik kay Kat pag – upo
niya sa kaniyang upuan. Sawa na sa kakasabi at kakapaalala ang kaniyang mga
kaklase na itapon sa tamang tapunan ang mga pinagkainan nito. “Hoy Kat!”
padabog na bati ni Jessa sa kaniya. “Magandang umaga Jessa,” malambing na bati
pabalik naman ni Kat. “Alam mo, walang magiging umagang maganda kung
mapapagalitan na naman tayo ni Ginoong Banal dahil dyan sa mga kalat mo sa
paligid ng upuan mo!” pagalit na wika ni Jessa. “Tama! Kakapasok mo pa lamang
pero tingnan mo at daig pang palamuti yang mga mumunting balat mo diyan sa
sahid,” sabat naman ni Princess na siyang lider ng grupong naka-toka sa paglilinis
sa loob ng silid-aralan. Para naming walang narinig itong si Kat at kumuha ng
librong pinapabasa sa kanila ng kanilang tagapayo. “Nakakainis ka talaga!” padabog
na sambit ni Princess sabay kuha ng walis at dustpan at winalisan ang kalat ni Kat.
“Wala ka talagang alam kundi ang magkalat Kat!” sigaw naman ni Jessa sa kanya.
Saktong dating ni Ginoong Banal sa klase ay katatapos lang ni Princess ibalik ang
walis sa lalagyan.
“Magandang umaga mga bata!” nakangiting bati ni Ginoong Banal sa mga bata.
“Magandang umaga din po Ginoong Banal,” tugon naman ng mga bata. “Maaari na
kayong magsi-upo,” sambit ni Ginoong Banal. Naunang umupo si Kat dahil itatabi pa
niya ang kaniyang funchum sa kaniyang lunchbox nang bigla itong natapon sa
kaniyang damit. “Ayyyyy!” bulalas ni Kat. Napatingin ang lahat sa kaniya. “Hay nako
Kat! Tingnan mo ang istura mo,” panimula ni Ginoong Banal sa kanya. “Agang aga
ay dugyot na agad ang itsura mo,” dagdag pa nito. “Pasensya na po Sir at napisil ko
po pala ng todo ang aking iniinom,” dipensa naman ni Kat. Akmang dadampot si Kat
sa kanyang bag ng tuwala ngunit naalala niyang hindi niya tinanggap ang tuwalya
na inaabot sa kanya ni Yaya Mel kanina pagmamadali. Ang tanging nakapa niya sa
loob ng kaniyang bag ay ang isang tuwalya na pagkadungis dungis na kaniya pang
ginamit noong nakaraang araw pampahid sa pawis noong naglaro siya sa paaralan
pagkatapos ng klase. Walang ibang pagpipilian ay dinampot niya ito at dali-daling
kinuskos ang kaniyang uniporme.
Natapos ang maghapon ni Kat na para siyang pulubi ang itsura. Nariyang kain siya
nang kain at ipinupunas na lamang sa kaniyang uniporme ang kamay. Lagkit sa
pawis kakalaro kasama ang ibang mag-aaral. Ang kaniyang pinagkainan ay basta
na lamang niyang inilagay sa kanyang bag. “Hay nako kay bata ka!” puna ni Yaya
Mel kay Kat matapos makita ang itsura nito. “Saan ka na naan

You might also like