You are on page 1of 28

0

IKALAWANG MODYUL
Panitikan Hinggil sa Kahirapan
Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao
Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmanggagawa, Pangmagsasaka at
Pambansa
Panitikan Hinggil sa Isyung Pangkasarian
Panitkan Hinggil sa Sitwasyon sa Mga Pangkat Minorya
Panitikan Hinggil sa Diaspora/Migrasyon

ARAW NG MGA BULDOSER AT DAPITHAPON NG ISANG BANGKANG PAPEL SA BUHAY NI ATO


Jun Cruz Reyes

Ayaw ni Misis sa entablado. Ginawa kasi iyong koral. Ayaw rin niyang makihalubilo sa mga
kalabaw, baboy, sa dumi nito, sa dayami. Ayaw rin niya sa may simbahan, hanggang singit pa rin
ang tubig sa loob nito. Lubusaw ang tubig, ayaw niyang alipungahin. Kaya sa may bukana na
lamang siya ng six by six tumayo.

Nagtawag ng pangalan si Misis. Katabi niya ang kapitan ng baryo bilang tagapatunay sa
katauhan ng mga natawag. “Simeon Alvaraz, Corazon Santos, Pelagia Cruz. Teka, teka ikaw ba
‘tong Corazon Santos? “Hiningan niya si Kapitan ng isang tango. Saka siya nagpatuloy sa
pagtatawag.

Magandang-maganda si Misis sa kanyang gayak. Pusturang-pustura. Kuntodo make-up,


nakasuot ng malapad sa sambalilo at may malaking manikuradong daliri. Magagarbo rin ang
ayos ng kanyang mga alalay, pero namumukod-tangi si Misis. Mula sa bukana ng trak, para
siyang diyosang tinitingala. Tanging ang drayber at dalawang kargador lamang niya ang hindi
nakiuso sa kanyang tropa. Kaya lang, ang kanyang gayak ay kasalungat sa ayos ng kanyang mga
binibiyayaan na panay nakapambaha.

Nangawit na si Misis sa papel na kanyang ginagampanan. Buwisit na siya sa mga batang


mauulit. “Mga bata, baba sabi e, hindi kayo kasali dito. Hala baba, baba, makagulo lang kayo!”
Konsumido na si Misis sa mga taong nagsisiksikan. “Paano ba tayo makaabante nito e ayaw
kayong umayos. Konting disiplina naman.” At talagang maiiyak na si Misis sa inis sa mga
tinawag na halos pati siya ay tangayin, “Ale naman, dahan-dahan baka ako mahulog.
Nakababasa kayo. Para naman kayong hindi aabutan.”
Sandaling ibinaba ni Misis ang kanyang listahan. Dinampian ng tissue paper ang make-up sa
kanyang ilong. Muli siyang nagtawag ng pangalan hanggang matapos ang listahan.

Nagsiuwi na ang mga nakakuha ng rasyon: isang kilong bigas at isang latang sardinas. Ngunit
marami pa ring naiwan. Sila na umaasa na sana’y magbago ng loob si Misis na sana’y idamay na
yaong mga wala sa listahan.

Noon lamang nagkalakas ng loob si Nena Tesang na lumapit kay Misis.

“Kahit na ho kaunti lamang.” Pakiusap nito.

“Ubos na ho ale, sa pagbabalik na lang naming.” Pero nasisilip ni Nena Tesang na marami
pang laman ang trak. Tinatakaw ang kanyang mata ng ipinapakiusap na kaunting pagkain na
halos abot-kamay lamang ay hindi pa rin makuha.

“Ay ang ulit n’yo naman. Hindi ba kayo marunong ng Tagalog? ‘yun lang na nasa listahan ang
pwede, yung natirang rasyon, para sa kabilang baryo naman. Gusto n’yo naman kayo lang ang
mabuhay.” Nagbubulong ito saka sabay irap na tinalikuran ang kaharap.

May ilan pa ring katulad niyang naglakas -loob. Sa katwirang lahat naman sila’y nabahaan at
pare-parehong nangangailangan. Tutal nama’y naroroon na sila, bakit nga naman uunahin pa
ang kabilang baryo. Iisa ang sagot ni Misis. “Hindi pwede!”

Umali sang trak. Naiwan ang mga himutok at pangako na may susunod pang-rasyon. Sa
ngayon ay kulang, tamang maraming nangangailangan pero hindi sapat ang dala nila kaya hindi
hindi pwedeng pagbigyang lahat. Pagbabalik na lang. Kailangang tulungan nila ang kanilang
sarili. Pagliit ng tubig, makarating na ang ibang tulong na nakalaan sa kanila.

Usapan ng mga naiwan:

“Piling-pili nga talaga sila kung mamigay. Lung hindi ka kapanalig ay sa kamag-anak ng
kapanalig.”

Wala talagang ibang maaasahan kung hindi ang lamang- dagat.”

Mabigat ang paa ng mga naiwan. Si Nana Tesang, parang binabakas ang daan sa ilalim ng
tubig sa pagkakayuko.

Hindi kalayuan sa tagpong iyon, sa may gilid ng simbahan, tahimik na nagmamatyag lamang
si Ato. Walang imik na nililimas niya ang tumagas na tubig sa gasa ng Bangka nang makita ang
papalapit na ina. Sumampa sa Bangka si Nena Tesang. Tumutulo ang kanyang gaon. Isinuot niya
ang kanyang salakot, saka hinudyatan ang anak na sumagwan nang pauwi. Wala silang imikan.
Tiyak ang pagsagwan ni Ato. Kabig, ugit, sagwan, iniwasan niya ang malakas na agos sa mga
bakuna ng bukas na bakuran. Namamaybay siya sa gilid ng kalsadang ilog. Nasa isip niya ang
mga pangayayari. May nadarama siyang kakaibang lungkot. May mga tanong sa kanyang isip na
hindi pa niya kayang bigyan ng kasagutan. Mabigat ang kanyang pakiramdam. Naitatanong niya
sa sarili kung paano na sila, si Neneng, si Bodyok, si Bengbeng, at si Popoy. Sayang at wala na
siyang ama na tutulong sa kanila.

Isang linggo na ang baha. Kung gaano kabilis ang paglaki ng tubig ay siya naming bagal ng
pagkati nito. Ang baryo ay tabing-ilog, dulo ng ilog Pampanga, malapit sa Manila Bay. Doon
umuuho ang tubig na nanggagaling sa Pampanga, Bataan, Nueva Ecija at iba pang Bayan sa
Bulacan.

Totoong doo’y walang punong nabunot at walang kalabaw na naanod. Totoo ring bangus
lamang sa palaisdaan at palay sa bukid ang nasasalanta bawat bahang magdaan. Ngunit tuwing
babaha doo’y linggo ang binibilang bago humupa ang tubig. Malalim ang tabing-dagat at lubog
ang lupang pinagkakakitaan ang mga tao.

Bago nagsimulang lumaki ang tubig, noong unang dalawang araw, noong signal number two
pa si Didang at ipinapaalala sa radio matapos ang balita sa panahon na “ang lahat ay pinag-
iingat, “ natural lamang ang laki ng ilog. Isang araw na pamamasyal ni Didang sa Gitnang Luzon
at ang ilog ay tuluyan nang umapaw. Dalawang araw pang naglimayon si Didang at parang
hinihipan na ang ilog sa paglaki. Pumasok ang tubig sa mga bakuran at sumampa sa loob ng
mga bahay. Ang ilog na dati-rati’y parang mahabang ahas at naging daga-dagatang kape na may
gatas.

Iyon ang mga oras ng pagkabagabag ng mga taga-Dulong Baryo.

Noong gabing iyon sa pagitan ng dagsa ng ulan at hapit ng hangin sa pagitan ng dasal at
kaba ni Nana Tesang, si Ato’y naglulusong sa baha. Abala rin si Nana Tesang na nagsindi pa ng
kandilang isinunod niya sa prusisyon noong nakaraang Biyernes Santo. Mabisa raw iyon laban
sa kulog at kidlat. Sinambit-sambit niya ang pangalan ng mga santo’t santa: San Roque, Sta.
Elena at Ina ng Laging Saklolo. Sinasabayan din niya ito ng dasal na may halong paalala sa anak.

“Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya… Ato, ‘yung batalan, dagdagan mo ng tukod…
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat…Matagal ka pa ba riyan sa ibaba, malamig, baka ka
masipon…At pinagpala naman ang kanyang anak na si Jesus. Amen.” Paminsan-minsa’y
naibubulong din niya ang panghihinayang at wala roon ang kanyang kabiyak. Panay rin ang lipat
niya ng palanggana, tabo, timba sa kung saan mas lumalakas ang tulo ng bubungan.Naroon ding
paalalay ito kay Neneng sa pagsusuksok ng kahit na karton sa tumutulong bubong na parang
sinasabunutan ng hangin. Si Neneng ma’y abala ring nag-aayos ng mga gamit na hinahakot ni
Ato buhat sa silong. Dalawang bangko, lamesa, kalan, panggatong, palayok, tapayan, inuminan,
palabigasan at iba pang abubot. Lalong nagsikip ang dati nang masikip na kabahayan. Ang mga
bata, sina Bodyok, Bengbeng at Popoy ay susunud-sunod sa ina sa paghahanap ng tuyong sulok.
Magdamag silang walang pahinga, waring nakikipaglamay sila sa pagsusungit ng panahon.
Pabugsu-bugso ang hampas ng ulan at ang hangi’y umuugong sa pagngangalit. Kidlat lamang
ang nakapangngahas na tumanglaw sa madilim na gabi.

Umaga na nang sila’y makatulog. Sandaling pagkakaidlip ni Ato na agad pinukaw ng ina.

“Naririyan ang Tatang mo, baka raw gusto mong sumamang maghakot ng palay kina Ka
Teban.” Nananakit pa ang katawan ni Ato, ngunit kailangan niya ng kumilos. Pagkakain,
tumugpa na silang mag-amain kina Ka Teban.

“Hoy, Manuel, tatagal ba yang dala mo?” ani Ka Teban nang mapansin si Ato.

“Iyan ba “ka mong anak ng bayaw mo?

“Oo.”

“Hala, mang-umpisa na’t tanghali na. Lumalaki pa ang tubig.” Utos nito sa iba pang
nagsidating.

Tira na lamang ang kanilang hahakutin. Nang mag-umpisang lumaki ang tubig, ipinahakot na
ni Ka Teban ang kanyang palay sa kiskisan sa kabayanan, At sapagkat di nga tumigil ang tubig sa
paglaki, hindi a nakabalik ang trak. Gabi ito nang hakutin. Ipinasok ang trak sa garahe nang sa
gayo’y walang makamalay sa mga kapitbahay. Sigurista si Ka Teban. Noong baha ng 1974,
tinubuan ng ugat ang kanyang nababad ng palay. Ayaw kasi niya itong ipahakot sa takot nab aka
malaman ng mga tao na may kabuhayan siya sa bahay, kahit iyo’y hindi naman lihim sa baryo.
Ayaw na niyang maulit iyon.

Nag-umpisa ang paghahakot. Halos hanggang dibdib ni Ato ang tubig. Mababasa lamang
niya ang kakargahin, kaya sa kamalig na lamang siya idinistino bilang tagasalin ng palay si sako.
Madalian ang paghahakot mula sa kamalig sa likod-bahay hanggang sa itaas ng magarang
bahay. Silid ng palay, tali, lusong, akyat, baba. Dumapo na sa tuktok ng nagsisispaghakot ang
mainit na singaw ng palay habang mamad naman sa lamig ang kanilang talampakan hanggang
baywang. Namamaga na ang mga mata ni Ato sa giik at nananakit na ang kanyang kasu-kasuan.
Tuloy ang pagtatrabaho at pagtitiis.

Katanghaliang tapat na nang sila’y makatapos. Apurahan ang pananghalian. Habang


namamahinga, may kaunting painom at pasigarilyo – “pampainit”- si Ka Teban. May kwentuhan
din sila.

“Ngayon lang ako nakakita ng ganitong baha sa tanang buhay ko.”

“Aba’y mas malaking di hamak iyan kaysa noong sitenta’y dos at sitenta’y kuwatro.”
“Noong araw, ang siyam-siyam ay siyam na bagyong magkakasunod. Ngayon ang siyam ay
isang bagyo lamang na namamahinga sa isang lugar ng siyam na araw.”

“Ngayon lang ako nakakakita ng bagyo na namamahinga pa.”

“Mangyari daw e me ibinuhos na gamo’t ‘yung mga eroplano sa ulap para malumpo si
Didang.”

“Ayun, nalumpo nga kaya hindi makausad.”

“Kung bakit naman pati kalikasan ay pinapakialaman.”

Nagawi rin ang usapan sa paboritong paksa ni Ka Teban, ang tungkol sa kanyang palaisdaan.
Na nalugi ito ng siento mil. Na sa isang parsela ay huhuli na lang, hinihintay lang ang katihan
pero bagyo ang dumating. At sapagkat Mayo pa lang naman at hindi pa talaga tag-ulan,
pinalipas na ang bagyo. Nalubog ang palaisdaan at pati ang mga bagong bulos ay nadamay. Ang
kaunting nahuli nama’y hindi mabili sa ponduhan sa bayan at hind rin maibiyahe sa Malabon. At
ang tambakan ng sisi, ‘yung bantay na papatay-patay raw na hindi agad sinabi na kailangan na
palang patambakan ang pilapil. At heto nga raw kung nagkataon, pati ang palay na ani ng
kanyang bukirin ay nadamay.Pero salamat na rin sa Diyos, sa kanyang pagiging maawain at
hindi idinamay ang lahat niyang kabuhayan.

Hindi kasangkot si Ato sa kanilang usapan. Hindi iyon ang kanyang interes at isa pa’y wala
namang interesado sa kanya roon kahit mayroon siyang ipapakli. Buhat sa sulok na kanyang
kinalalagyan, pinapanood na lamang niya ang mga naglalarong anak ni Ka Teban. Nasa may
terasa ang mga ito. Nagtatampisaw, paminsan-minsa’y nagbabasaan at nagbabangka-bangkaan.
Ipinatatangay sa agos ng baha ang kanilang bangkang plastik na nakatali ng pisil sa kani-kanilang
kamay. Nagkakatuwaan sila. Parang gustong sumali ni Ato, pero naaalangan siya. Nakakahiya
kung hindi siya pansinin ng mga iyon. Makikinis ang mga iyon at siya’y basang-basa.Matagal-
tagal na rin namang hindi siya nakapaglalaro. Mula pa nang siya ang maging ama sa kanila, mula
pa nang pasanin niya ang responsibilidad sa pagbuhay ng kanilang pamilya. Noong araw, noong
taga-Malabon pa siya, nagbabangka-bangkaan din sila nina Neneng at Bodyok. Dyaryong
tiniklup-tiklop nga lamang ito at sa estero nila pinahihipan sa hangin para umusal.
Nagbabangka-bangkaan din sila noong araw, kapag nauuwi sila dito sa Dulong Baryo. Dito’y
totoong Bangka na ang kanilang sinasakyan. Si Unyo, ang kanyang pinsan, ang pasimuno.
Maglalanguy-languyan sila, mangangamatsile at maghahanap ng makakapang palaisdaan. Hindi
sila aahon hangga’t walang matandang nagagalit na magpapaahon sa kanila.

Nauntol ang panonood ni Ato nang muli silang tawagin ni Ka Teban.Kasangkapan naman ang
kanilang ililipat sa itaas, T.V. piano, stereo, range, refrigerator at mga eskaparate ng asawa ni Ka
Teban na punung-puno ng Maxwell, Lipton, peaches, cherries, Kellog’s at kung anu-ano pang
pagkain na panay p.x. daw. Kasabay nila sa baiting ng hagdan ang asawa nito, pirming
minamatyagan ang kanilang binubuhat at panay ang’Oops, dahan-dahan, baka mangasgas’yan,
naku pagkamahal-mahal niyan kung ngayon mo bibilhin.”
Panay na panay din ang sunod niya ng basahang tuyo sa bawat paglalawang iwanan ng mga
basing kutod ng naghahakot. “Mabubulok ang mga table kapag pinamahayan ng tubig,” aniya.

Bago sila umalis, pinainom muna ni Ka Teban ng kapeng Siga. Doon na rin ibinigay ang kani-
kanilang upa. Apat na kilong bigas at tig-aapat na bangus. “Pasensya na kayo, nalubog tayo,
saka na lang kayo bumawi. Hamo’t pagkati ng tubig ay ipatatawag ko kayo sa kabisilya para
isama sa tambakin.”Hindi na makatutol pa ang mga pinartihan. Nagsuklian na lamang sila ng
makahulugang tinginan.

Apat na kilong bigas na tumagal kina Ato ng dalawang araw. Nang maubos ito’y oatmeal na
ipinamudmod naman ng simbahan ang kanilang pinagtiyagaan. At nang pati oatmeal ma’y wala
na, grasya naman ng kamag-anak ang inasahan. Mabait nga ang mga ito, lalo na si Tata Manuel,
pero nakakahiya na. Kahit na nga sabihin pa nito sa kanila na “kapag kumain kami’y kakain din
kayo.’ Pito ang anak nito at problema rin ang paghahagilap ng isasalang sa kalan.

Ngayo’y wala silang nakuhang rasyon. (Lugaw lamang ang kanilang hinapunan at kape ang
inalmusal) Nagugutom na ang mga bata. Maraming pagsala pa sa oras ang naghihintay para sa
kanila kapag hindi siya kikilos. Malamang na si Nana Tesang ay lumapit na naman sa kapatid. Si
Ato’y nababalisa rin. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi iyon ang oras ng pag-iitindi
lamang. Hindi iyon ang oras ng paghiling ng milagro at awa. Kailangan niyang kumilos, paraan,
hahanapin niya iyon.

Pagkasauli ng bangkang hiniram sa amain, sumama siya sa bangkang de motor ni Unyo,


isang pinsang namamasada mula sa kanila hanggang sa kabayanan. Nagpaiwan siya sa
kabayanan. Saglit nagpaikut-ikot sa lubog ng mga pasilyo ng palengke. Maraming saradong
tindahan. Sa grocery ni Mrs. Lim siya huminto. Kinakabahang nagplano. Nagmatyag. Naghanap
ng pagkakataon. Pagkakataong natiyempo sa dakot niya sa kahon ng bigas sa matalas na mata
ng tindera. Sumigaw ito. Nataranta si Ato. Nagtatakbo siya sa baha. Mabagal humakbang sa
tubig. Natisod siya kung ano at siya’y nadapa.

Saglit na nagkagulo sa palengke. Isang mabigat na kamay ang naglublob sa kanyang ulo sa
tubig . Itinaas lamang ang kanyang mukha na nagkikisay siya sa pagkalunod. Ngunit hindi niya
ibinukas ang kanyang palad. Ipinasok niya iyon sa kanyang bulsa.

Sa minisipyo na siya nahimasmasan.

“Anong pangalan mo?

“Ato,” mahina niyang sagot.

“Tarantado,” sabay sampal sa kanya, “hindi ka marunong sumagot. Anong pangalan mo?”

Jaime Santos.” Pabulong na lamang niyang sagot.


“Anong Jaime Santos?” Pinaglantaran ng kaharap ang kanyang name plate, “Capt. Gonzales,’
ma ibig sabihin matuto kang gumalang sa nakatataas sa iyo. Nahinuha iyon ni Ato.

“Jaime Santos po,” mabagal niyang ulit. May bumigwas sa kanyang dibdib. Saka sila
nagtawanan.

‘Ilang taon ka na?”

“Trese po.”

“Pangalan ng tatay mo?”

“Patay na po.”

“Taga-saan ka?”

“Taga- Dulong Baryo po.”

“Niloko mo ba Kami?” Akmang sasampalin siya. Umiling sa Ato. Puntong Maynila nga
naman, sasabihing taga-Dulong Baryo.

“Paano ka napadpad rito?”

“Tagarito po ang nanay ko. Malabon po kami dati nakatira, pero pinaalis nap o kami roon.”

“Iskwater boy ho, kaya pala tekas.” Sabi ng isa pang pulis.

“Kayo talagang mga iskwater, kahit saan mapadpad me gulo. Kung hindi sanggano,
magnanakaw.

“Bakit mo ginawa iyon?”

Hindi sumagot si Ato. Nagbagsakan na naman ang mga kamao sa kanyang mukha at dibdib.

“Tarantado ka talaga ano? Ilang beses ka nang nagnakaw?” Akmang may susuntok na
naman sa kanya.

“Putang inang ‘yan, siguro nakaw rin ang ipinakain ng tatay niya riyan,” singit ng isa pang
pulis at nakaambang mananampal na naman.

“Nga… ngayon lang po.”

“Anong ngayon lang, bakit sabi ni Mrs. Lim ay dati ka nang aali-aligid doon. Hindi ka lang
daw talaga matyempuhan.”
“Hindi po iyon totoo.”

At iginanti nila sa katauhan ni Ato ang kanilang hinanakit sa mundo. May dugong tumulo sa
kanyang ilong. Nakalasa siya ng alat. Alat na pumait nang mahaluan ng luha. Pinipigil din niya
ang pag-iyak. Hindi raw sa lalaki iyon, sabi daw ng kanyang itay. Pinipigil din niya ang pagdilim
ng kanyang paligid, pero pakiramdam niya’y kandila siyang nauupos. At wala na siya natandaan.

“Sir, aanhin natin ‘yan?”

“Kung patay na, ilibing mo. Kung hindi pa, bulukin mo ang tumbong. Upakan mo pa kung
gusto mo. Kung buhay pa rin lunurin mo na.”

“Sir, lubog na ang selda.”

“Alam ko, baka nakalimutan mong si Mrs. Lim ang may reklamo riyan.”

Biro lang iyon, ang palabras na pananakit. Nagtatawanan pa nga ang mga ito. Gusto lang
nilang takutin si Ato. Kailangan iyon sa pagdidisiplina. Para madala. Para hindi na umulit. Pero
masakit ang kanilang biro. Ang mga matang naniningkit at ang mga bibig na nagbubulalas ng
kagalakan sa bawat kaganapan ng kamay na bakal ay nakakalimot na ito’y isang biro lamang.

Madilim na nang matauhan si Ato. Sa seldang hanggang tuhod ang lalim, para siyang layak
na naanod at napadpad sa ibabaw ng double deck. Ayaw na siyang dalawin ng antok. Madilim
ang gabi ay siya’y nag-iisa. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang makatakas sa lugar na iyon.
Gusto niyang magtago o mabuti pa’y maglaho na.

Iskwater, sanggano, magnanakaw. Nauulinigan pa iyon ni Ato. Kay bilis ng mga pangyayari.
Nagtatanong siya sa sarili, Bakit nagkaganoon? Bakit walang marunong umunawa? Layak nga
lamang siya at walang kabuluhan, namimigat ang kanyang mata, nagdidilim ang kanyang
paligid. May isang patak na luhang tumulo. Hindi niya pinigil. Wala na siyang kinahihiyan at
iniilagan. Tuluyan nang namatay ang kislap sa kanyang mga mata. Bawat sulok ng selda’y
naaaaninaw niya ang kanyang sarili, ang kahulugan ng pagiging taga-looban, ang kanyang
pagiging iskwater at ang kanyang itay.

Balang araw, aasenso rin tayo. Iiwan din natin ang lugar na ito. Parati itong sinasabi ng
kanyang itay noong ito’y nabubuhay pa. “Kaunting pagpupunyagi pa, kaunting sipag pa at
balang araw… “Balang araw na hindi dumating. Balang araw na nakamatayan ng kanyang itay.
Naalaala niya noong unang palugitan sila sa looban. Tatlong buwan, sa ayaw nila at sa gusto,
kailangang sila’y umalis. Buhay pa noon ang kanyang itay. Kasama pa ito ng mga kagawad ng
looban na naglakad sa opisina ni Mayor na sila’y palugitan, kahit maka-Pasko man lamang.
Dalawang linggo matapos ang Pasko, muling dumating ang sulat. Panibagong taning na hindi na
nakamulatan ng kanyang itay.
Ang kanyang itay ay iginupo ng pangarap. Doon sa dulo ng looban, doon sa pasilyong walang
taga-labasang mangangahas na pumasok nang walang kaba, doon na ang mga istambay ay
nakabihis ng tato, doon na hindi pwedeng maglakad ng taas-noo sa mga andamyo sapagkat ang
pusalian sa ilalim nito’y hindi tumanggi sa mga nagkakabiso ng hakbang, doon naghanap ng
kapalaran ang kanyang itay. Doo’y libre ang mabuhay. Walang sipag lamang pumila at libre rin
mula eskuwelahan hanggang ospital. Doon nga hinabi at ipinundar ng kanyang itay ang kanyang
mga balang- araw. Bagong kasal pa lamang noon ang kanyang mga magulang at nag-
uumpisang mangarap.

Katatapos lamang niya noon ng elementary at si Neneng nama’y nasa ikatlong baiting na ng
mataas na paaralan. “Ganyan nga mga anak, kaunting tiyaga sa pag-aaral, “sasabihin ng
kanyang itay na siyang-siya sa matataas na markang nakukuha nila ni Neneng. Ito ang tanging
kaligayahan sa buhay ng kanyang itay.

Buhay na buhay pa kay Ato ang alaala ng kanyang itay, ang kanyang idolo. Nakikita pa niya
ito kung paano aalis ng alas-sais ng umaga sa kanila at uuwi na mag-aalas onse ng gabi. Araw-
araw ay ganito ito. Overtime kahit linggo basta papaya si Mang David na amo nito sa baradero.
“Kailangannating magpursigi para may ipanustos sa pag-aaral ng mga bata.” Sasabihin nito sa
kanyang ina. Sa pasukan nga nama’y dalawa na ang kanilang high school. “Kahit pambili man
lamang ng libro at panguniporme’y maisubi na.” At pati meryenda ay tinipid nang husto. Sayang
din iyon. A, Kay bait ng kanyang itay. Sa baradero bilang welder, ito lamang ang hindi nag-uuwi
ng pintura at bakal bilang sideline.

Mabait nga ang kanyang itay. Kaya ito ang ginawang tagapagsalita ng mga kasamahan sa
trabaho. Ito ang naglakas-loob na magpaalala kay Mang David na may bonus na sinasabi sa
diyaryo, may sick leave at S.S.S pa itong idinagdag. Hindi rin ito nakabuhayan ng kanyang itay.

Si Mang David man ay idolo rin niya dati, ngunit iniisip niya kahit noon pa kung bakit ayaw
nito sa kanyang itay. Si Mang David ay ipinanganak na mahirap, tulad din nila. Nagsumikap at
yumaman. Hindi basta mayaman lang kung hindi ubod pa ng yaman. Nag-ismagler daw, sabi ng
mga nakakaalam. Maano ‘yon, mabait naman si Mang David. Kabalitaan ito. Ang pangalan
nito’y nakaukit sa mga pader ng simbahan, sa mga posto ng eskuwelahan, sa mga lapida ng mga
entablado at kahit saan pa na puwedeng itanda ang donasyon ng mga mapagkawanggawa.
Ngunit inisip ni Ato kung bakit ayaw nito sa kanyang itay. “Hindi ba pareho silang mabait?”

Isang gabing sinisikmura lang daw ang kanyang itay, nagduduwal ito at namimilipit sa sakit
ng tiyan. Hindi iyon nakuha sa mainit na kape at balsamo. Isinugod sa ospital, ngunit huli na.
“Matagal na palang may ulser ay hindi agad ipinagamot.” Nasisi pa sila ng doctor. Ang kanyang
ina ay hindi nakapangatwiran. D.O.A. (Dead on Arrival) , itinala sa record. Nang araw ng libing,
inambagan sila ni Mang David ng singkuwenta pesos na tseke. Saglit itong tumigil sa kanila,
nangungumusta sa mga kakilala ngunit hindi sa kanilang kalagayan. Agad din itong umalis. Hindi
niya maintindihan noon ang ikinilos ni Mang david.
Iyon ang gabing tumapos sa kanilang ambisyon. Mga gabing sinundan ng mga madaling
araw ng pagkayod. Araw-araw kailangang gising na siya bago mag-alas singko. Kasama ng iba
pang taga-looban, inaabangan nila ang pagbababa ni Enteng ng diyaryo sa bayan. Para
makarami ng benta, kailangang alas singko pa lang ay nadala na niya ito sa kanyang nga maging
suki.

Isisingit niya ito sa mga pintuan o bintana, isaksak sa pagitan ng mga paso o kaya’y iaabot sa
mga katulong na gising na rin sa gaanong oras. Kailangan ding bago mag-alas otso’y nasa
lansangan na siya at nag-aalok ng balita sa mga papasok sa opisina.

Malimit niyang makasabay noon si Mang David. Nagdya- jogging kasama ng kanyang mga
amigos at tuloy-tuloy sa tennis court at maglalaro hanggang abutan na roon ng init. Kailangan
daw ito para hindi lumaki ang tiyan at para maiwasan ang sakit sa puso. Kapag nakikita niya si
Mang David, para na rin niyang nakikita ang kanyang itay. Gising na rin iyon sa ganoong oras at
naghahanda na rin sa pagpasok. Hindi rin lumaki ang tiyan ng kanyang itay at hindi rin sakit sa
puso ang ikinamatay nito. Humpak ang tiyan at butas ang bituka nang ito’y mamatay. Kung
minsa’y naiisip niya na mabuti pa ang mayayaman at de paehe-ehersisyompa, samantalang
silang mahihirap ay kailangang umaga pa lang ay nagbabanat na ng buto para mabuhay. Parang
nadarama niya ang sakit at hirap na tiniis ng kanyang itay. Iba talaga si Mang David, libangan
lamang niya ang magpapawis. Noon niya nakita ang kanilang pagkakaiba. Hindi na ito ang
kanyang idolo mula noon.

Pagdating ng tanghali ay susumahin nila ni Nenenng ang kanyang kita. Kulang na naman.
May utang pa sila sa serbisyo sa pagpapalibing sa ama. Doon din sa kita nila dapat manggaling
ang pambayad. Pati si Neneng ay kumayod na rin. Nagtitinda ito ng kakanin. Gagawin nila ni
Ato, babaguhin ang hiwang iguhit ng kinukuhanan nito at gagawa sila ng panibago. Sa gayo’y
mas malaki ang kanyang tubo kahit magreklamo ang mga mamimiling “Ke-mahal-mahal naman
niyang tinda mo.” Kung hindi maubos ang paninda, iyon ang kanilang kakainin. Si Nana Tesang
na talagang walang muwang sa paghahanapbuhay (mag-ayos lamang ng bahay, magluto at
mag-asikaso sa kanila ang alam nito) ay natuto na ring mamakyaw sa palengke. Dala ang
kaunting puhunan, binabarat nito ang mga konsignitorya kapag malapit nang mag-umaga. Sa
ponduha’y bumababa ang halaga ng isda habang nagtatanghal. Ang napapakyaw niya’y itinitingi
naman sa ibang palengke tulad ng Divisoria at Pritil.

Si Bodyok ma’y tumutulong na rin sa kanila. Pero pinatigil na nila ito sa pagtatrabaho mula
nang saktan ng amo nitong si Chua. Ipinasok ito ng kumpare ng kanyang itay sa bodega ni Chua
na tagasalin ng alcohol sa maliliit na botelya. Sa may looban din naroroon ang bodega. Magaan
sana ang trabaho, kahit limang piso lang ang ibinayad kay Bodyok. Pero masungit ang among
Intsik. Tantiyado nito kung ilang botelya ang kinalabasan ng isang galong alcohol. Kapag hindi
iyon umabot sa gusto niyang bilang, binabawasan nito ang kita ng mga trabahador. Pati ang
naliligwak o natatapong alcohol na hindi naman maiiwasan sa pagsasalin, pinababayaran din
nito.
Hindi na sana bale ang sungit, pero magaan ang kamay ng Intsik. Minsa’y may kumatok na
kartero sa bodega. Matagal. Walang nangahas pumansin. Naawa si Bodyok sa kartero, iniwanan
ang kanyang puwesto. Kinuha ang sulat na dadalhin na sana sa mesa ni Chua. Napataong
naroroon na pala ang Intsik at kinagalitan siya nito. Kay liit-liit pa raw ay mahilig nang sumimple
sa trabaho. At nang buksan ang sulat at makitang treasury warrant pala ang laman nito,
napagsabihan pang magnanakaw si Bodyok. Piningot ito at pinagbabatukan saka
pinagmumura. Minura rin siya ni Bodyok. Kinabukasan, ayaw na nitong magbalik sa bodega.

Kahit na nasa paano’y nabubuhay pa rin sila. Ngunit naputol ang kanilang panimula nang
dumating ang araw ng mga buldoser. Kayraming hinimatay. Kayraming nakiusap at
nagngangagawa. Kay raming nakipagtalo at nangahas humasa. Walang nangyari. Kailangang
sila’y umalis (Kung maaari’y mawala na sa mundo). Matagal nang natapos ang palugit sa kanila.
Sila ang “dahilan ng baha, “ sila ang “pugad ng masasama.” Bukod pa rito’y” pinagaganda ang
Kamaynilaan.” Sa madaling salita ay hindi sila kailangan doon.

Ano ang kanilang gagawin? Saan sila pupunta? Iyon ang unang mabigat na problemang
inintindi ni Ato. Carmona ba o Sapang Palay? Ngunit wala naman palang ipinangako sa kanila,
haka-haka lang pala ang libreng lupa ng mga taga-looban. May balita pa na ng ang magagarang
bahay na itinatayo sa Lawa-lawaan ay sa kanila ibibigay. Sinong may sabi? Wala. Imahinasyon
din lang pala ng mga taga-looban. “Bahala na.” Iyon lang naman talaga ang naikakatwiran ng
isang nagigipit. “Bahala na ang Diyos.” Noon sila nagpasiyang lumipat ng Bulakan, sa bayan ng
kanyang ina.

Natatandaan pa ni Ato ang unti-unting paggiba sa kanilang bahay. Pakirandam niya noo’y
siya ang ginigiba, siya ang haliging binubunot, siya ang dingding na binabaklas, katauhan niya
ang winawasak. Hindi tumigil ang buldoser hanggang ang looba’y maging isang tambakan ng
mga gamit na yero at table. Napalis ang looban. Nang umalis ang mga buldoser, tanging ang
bodega ni Chua ang doo’y naiwang nakatayo.

Totoong pinangarap nilang iwanan ang looban, ngunit hindi sa ganoong paraan, ang itaboy
silang parang hayop o kaya’y ituring na parang basura na maitatapon kung saan nila hinangad
na sirain ang kanilang sarili. Pangarap na magandang kinabukasan, matagal na iyong namatay sa
isip ni Ato. Mabuhay na lamang nang kahit paano, ang kumain ng tatlong beses maghapon. Iyon
na lamang ang kanyang pangarap. Munting pangarap na nagtatak ng kanyang krimen sa
lipunan. “Magnanakaw.”

Akala’ niya’y sa looban lamang nagaganap ang karahasan, ang pagbaklas sa bahay-ng-may-
bahay, ang pagtakot sa nangangatwiran, at ang pangkaraniwang paghahabulan ng mga
“sanggano”.” Akala niya’y mga siga lamang ang mabibigat ang kamay o isang Chua kaya. Akala
niya’y doon lamang sa looban nakikita ang paimbabaw na bait tulad ng kay Mang David. Akala
niya’y doon lamang masakit magsalita ang mga “tao.” Hindi pala. Kay rami pala nila sa
lipunan.
Ngayo’y sina Misis naman ang kanyang nakikita, si Ka Teban at ang asawa nito, ang tindera
ni Mrs Lim, si Kapitan Gonzales at ang mga bataan nito. Sa dilim ng gabi, muli niyang nakita ang
kabuuan ng kanyang looban at ang baha sa Dulong Baryo. Walang masilungan sa looban at
walang maisubo sa Dulong Baryo. Malaya ang kanyang busog na gunita.

Kinabukasan, alas nuwebe, “Almusal mo,” sabi ng bantay sabay abot ng isang nutriban na
hindi na puti ang kulay at isang tasang kape. Maaasim ang tinapay, kahit hugasan sa init ng
kapeng lasang plastik. Ngunit kumukulo ang tiyan ni Ato. Kahit iyo’y pampalipas-gutom rin.

Buhat sa siwang ng rehas, nasisilip ni Ato ang mga batang nagtatampisaw sa plasa. Mga
batang hindi pansin ang labusaw na tubig. Sila na kasinggulang niya ay nagbabangka-bangkaan,
tulad rin ng mga anak ni Ka Teban. Hindi nila alintana ang panahon, ang baha, ang bagyo.
Bangka-bangkang kung tumaob ay ititihaya, kung maanod ay sasagipin at kung malayak ay
sisinupin. Saglit na sa kanya ang panahong iyon. Hindi na ito ang kanyang laro. At sinalat niya
ang ilang butil na bigas na naiwan sa kanyang basang bulsa.

GAWAIN 1
-M2

TALAS NG ISIPAN

1. Ilarawan ang unang aksyon sa kwento.


2. Ano ang naging tugon ni Misis nang humingi ng rasyon si Nana Tesang?
3. Ano ang suliraning pumasok sa murang isipan ni Ato nang umalis silang walang dalang
pagkain?
4. Gaano-katagal na ang baha sa Dulong Baryo?
5. Bakit si Ato ang naging katu-katulong ng ina? Paano siya nakatutulong sa pamilya?
6. Isalaysay ang naganap kay ato sa kabayanan?
7. Anu-anong alaala ang nagbalik sa isip ni Ato habang nasa loob ng selda?
8. Sa paanong paraan naranasan/namalas ni Ato ang karahasan ng tao- Chua, Mang David,
Mrs. Lim, Misis, Kapitan Gonzales, at Ka Teban?
9. Ano ang kahulugan para kay Ato ng buldoser at dapithapon ng bangkang papel?

SA KABILA NG MGA PAHAYAG

1. Realistiko ang akdang ito. Anong pangkasalukuyang problema ang tinatalakay rito ni JC
reyes? Ipaliwanag ang sanhi at bunga ng suliraning panlipunan na makikita sa akda.
2. Bigyang paliwanag ang sumusunod na bahagi ng akda.
a. Natandaan pa ni Ato ang unti-unting pagiba sa kanilang bahay. Pakiramdam niya
noo’y siya ang ginigiba… Hindi tumigil ang buldoser, hanggang ang looban maging
isang tambakan ng mga gamit na yero at table.
b. Buhat sa sulok na kanyang kinalalagyan, pinanood na lamang niya ang mga
naglalarong anak ni Ka Teban. Ipinatatangay sa agos ng baha ang kanilang bangkang
plastic… Noong araw… nagbabangkaan din sila Neneng at Bodyok.
c. Namimigat ang kanyang mata, nagdidilim ang kanyang paligid. May isang patak na
luhang pumatak. Hindi niya pinigil. Wala na siyang kinahihiyan at iniilagan. Tuluyan
nang namatay ang kislap sa kanyang mata.
TANGLAW SA PAGPAPAHALAGA

1. Ang kawalan ng “haligi ng tahanan” ay totoong malaking dagok sa normal na buhay ng


mga anak. Anong magandang pagpapahalaga ang ipinamalas ni Ato sa pamilya?
Makatwiran ba ang ginawa niya sa groseri ni Mrs. Lim? Ipaliwanag.

TAYOG NG KAALAMAN/KASANAYAN

1. Ang labis na kahirapan ay isang realidad sa ating lipunan. Magkaroon ng isang takdang
panahon o oras para magmasid sa kapaligiran ng iba’t ibang mukha ng buhay-
mahihirap. Maaaring sumipi rin ng mga babasahin at/o larawan ng ganitong
pamumuhay. Iuulat nang pasalita sa harap ng klase o sa ating Google Meet. (Isahang
Gawain)

Panuto: Pakinggan at Panoorin sa youtube ang Tula/Awitin gamit ang link na ibinigay
sa ibaba, pagkatapos isagawa ang mga sumusunod na Gawain.

GAWAIN 2-
M2

1. Anong isyung Panlipunan ang tinalakay sa tula/awitin? Magbigay ng mga patunay/paliwanag sa


isyung panlipunang binanggit sa tula/awit.

2. Ibigay ang mga sanhi at bunga ng suliraning panlipunan na makikita sa akda.


3. Aling linya ng tula/awitin ang nagustuhan at hindi nagustuhan. Bakit?

4. Sumulat ng sariling tulang kapareho ng paksa sa tulang/awiting napakinggan.(Malayang


Taludturan)
WALANG PANGINOON
Ni Deogracias A. Rosario (Panahon ng mga Amerikano, 1932)

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang
sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan
siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay
ipapasak sa mga butas ng kanyang tainga.

Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa
malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayunman, kahit na saan
siya magsiksik, kahit na saan siya magtungo. Kahit na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang tainga
ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

“Tapos na ba? Tapos….” Ang sunod-sunod niyang tanong na animo’y dinadaya ang sarili kung wala
na siyang nauulinigang anumang taginting ng kampana.

“Tapos na. Tapos….” Ang sunud-sunod naming itinugon ng kanyang ina na paniwalang-paniwalang
hindi nga niya narinig ang malungkot na animas.

“Ngunit Marcos….” Ang baling uli ng matandang babae sa anak. “Bakit ayaw mong marinig ang oras
na ukol sa kaluluwa? Iya’y nagpapangunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati
ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Lalo ka na Marcos, marami kang dapat ipagdarasal.Una-una’y
ang iyong ama, ikalawa’y ang kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong bunso, saka….saka si
Anita.” Ang huling pangalan ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae.

Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinangangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mata
niyang galing sa pagkapikit kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng ningas,
saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subalit sa kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa
kanyang kaluluwa ay may nangungusap, may nagsasalita.

“Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng
batingaw,” ang sinasabi ni Marcus sa sarili. Kinagat niya ang labi hanggang sa dumugo upang ipahalata
sa ina ang pagkukuyom ng kanyang damdamin

Akala ng ina’y nahulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay nababasa
niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagkat
hindi pa natatagalang namatay si Anita, ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa
nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pag-iimpok na ginawa nito upang maging
isang ulirang anak-pawis ay ukol kay Anita. At saka namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung
gaano kakirot para sa kanyang anak ang gayong dagok ng kasawian. Dapat ngang maging malungkutin
ang kanyang anak. Ito ang kanyang ibig na libangin. Ito ang nais niyang aliwin. Kung maaari sana’y
mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.
“Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila e, baka kailanganin ang
mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara,” ang sabi ng ina. “Walang pagsalang masasayahan ka
roon.”

“ Si Inang naman,” ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang sinabi nang
malaks. Sa kanyang sarili’y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano ang pait para
sa kanya ng pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyari sa
pagkamatay nito.

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,” ang nasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang
minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan na ipinalalagay
niyang kaluluwa ni Anita, “sisi’y hindi ako itataboy sa kasayahan.”

Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nanag umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagkat
mabuti ang lagay ng tanim nilang palay, nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating na taglay
ang utos ng hukumang sila’y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan, at sinasamsam ni Don Teong na
ama ni Anita, ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

“Inang, matalim baa ng itak ko? Ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matunghayan ang utos
ng hukuman.

“Anak ko! Ang palahaw na panangis ng matandang babae sabay kapit sa lleg ng anak. “Bakit ka mag-
iisip nanag gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?”

Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag sa kalooban ng binate. Gayunman, sa harap ng bagong


pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot
na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.

Ang bsabi’y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa.Walang sinumang
sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumang nakikialam sa anumang maging bunga ng kanilang mga
tanim, maging mais o tubo, o kaya’y maging anuman sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.

Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng lupa at sinasabing yaon ay kanila.
Palibhasa’y wala silang maibayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa
kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang
mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng lupang
kanilang sinasaka. Subalit nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa may-lupa dahil sa
mga kasunduang ipinasok sa pana-panahon, gaya ng takipan at talinduwa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama ng loob kay Don Teong. Ang
kapatid niya’y namatay dahil sa paglilkingkod sa bahay nito at higit sa lahat, nalaman niyang kaya
namatay si Anita ay sapagkat natutop ng amang nakipagtagpong minsan kay Marcos sa loob ng
halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.

Saka ngayo’y paaalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?


Si Anita ay lihim na nagging kasintahan ni Marcos, mahigpit nang isang taon noon. Sapul nang
dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sap ag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si
Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayan na halos
ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang lamo sa ilog.

Si Marcos ay nagtapos ng katesismo sa iskwelahan sa silong ng kumbento sa kanilang bayan at


natutong sumulat sa pisara ng malaking numero,. Ngunit gayon n=man, nagsikap siyang idilat ang
kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sa
pagkatuto sapagkat sap ag-anib niya sa mga samahang pambayan ay natuklasan niyang walang
mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sariling wika
na hindi binabasa ni Marcos. Kahit manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbabasa rin siya ng
mga nobela at ibang akdang katututuhan niya sa wikang Tagalog, o kaya’y salin sa wikang ito.

Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi
ang isang araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang
sinasaka.Isa pa’y bukod sa naniniwala siya sa kasabihang “ang lahat ng tao, kahit hindi magkakulay, ay
sadyang magkakapantay, “Dahil diyan kaya kahit bahagya ay hindi siya nag-atubili nang pagsisimpan ng
pag-ibig kay Anita.

At naibig naman siya maiibig? Minsan si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang Bangka at
nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas ng tubig ni Anita.
Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog at sa pamamagitan ng langoy na
hampas-tikin ay inabot niya si Anita na kumakamot na sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalwitin ng
kaliwa niyang bisig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim
kaya’t pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagtikad ng dalawa niyang paa
ay nakasapit sila sa pampang.

“Marcos, matagal narin naman kitang iniibig,” ang pagtatapat ni Anita sa binate, makaraan ang may
ilang buwan buhat nanag siya’y mailigtas. Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang
lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang mga ninuno ay binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon.
At saka silang mag-ina ay itataboy. Sino ang hindi magdadalangpoot sa gayong kabuktutan?

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya ang kanyang
mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit.Kinuyom niya ang kanyang mga kamay hanggang
matimo sa palad niya ang kanayang mga kuko.

Isang takipsilim nang margining niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas.
Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae na
nalagutan ng hininga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian ng
buhay. Wala siyang nalalamang may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkakatutop sa kanila isang gabi, ang
dalaga ay sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay.
Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita at nang tangkain
niyang dumalaw na minsan ay hinirang siya ni Don Teong na may hawah na rebolber. Susuong din sana
si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng
kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa
kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Pang-aagaw ng lupa sa kanila. Pagpapautang
nanag patung-patong. Pagkamatay ng kanyang ama. Pagkamatay ng kanyang kapatid. At saka noo’y
pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nanag tuluyan ni Anita, na ayon sa
balita niya’y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa kanilang
lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang maggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, ay lumaki ang puso sa
pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pag-aapi ng maylupa. Hanggang
noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maaari pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng
itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis roon,
talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay,
yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliliit.
Magtiis tayo.”

Hindi na niya itinuloy ang paghanap sa kanyang itak na matals.Pagkakain niya ng agahan, nilibang
niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na
lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at hinampasan niya ng tanaw ang
karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumangatngat sa kanyang
puso. Gaanong pawis ang nawala sa kanya upang masaka ang naturang bukid? Gaanong pagoda ng
kanyang pinuhunan upang ang palay nila’y magbungang mabuti?Saka ngayo’y pakikinabangan at
matutungo lamang sa ibang kamay?

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man niyang pagdimlan ng isip kung
nagugunita ang utos ng hukuman, subalit ang alaala ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahagharing
sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig upang huwag niyang pabayaan
ang kanyang ina na ipinapangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay, bago
nakitlan ng hininga ang kanyang ama.

Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y magsasarili. “Tutungo tayo sa
hilaga at kukuha ng homestead. Kakasundo tayo ng mga bagong magsasaka, paris ni Don Teong. Di
Kailanagang magkaroon din ako ng gayak na paris niya.”

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-umpisa ang ina. Wala siyang nalalaman kundi
tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon, ang buong kagayakan ay isinusuot ng
kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa ni
Marcos, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda.

“Marcos,” sabi ng matanda. “Dalawang lingo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo pa
ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong. Kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani
ngayon?”
“Huwag po kayong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak, nalalaglag po ang dahoon sa kanyang
kapanahunan.”

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos.Gayunman ay may nagunita siyang isang bagay na ibig
niyang malaman sa anak.
“Bakit hindi mo inuwi ang kalabaw sa bakuran mo?” tinutukoy ang kalabaw na mahal na mahal sa
lahat ni Marcos. Maaaring magpakahinahon si Marcos, subalit ang huling kapasyahan ni Don Teong ay
numakaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit hinihingi ng
pagkakataon.

Nagunita niya ang sinabi ni Rizal na walang mang-aalipin kung walang nagpapaalipin. Napailing siya
sa harap ng gayong masaklap ng katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa
kanya ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos na marami pang ibang
kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg ng
manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hiningi sa hangad na mahamig na lahat ang
kanilang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagpapa
buwis pa.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!” ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahan na ginawa ni
Marcos.

“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, switer, at latigo, anak Ko?” ang tanong ng matanda kay Marcos,
isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.

“Inihahanda kop o iyan sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong,” ang nakatawang sagot ng
anak. Kung tayo po’y makaalis na rito di tayo’y magiging Malaya,” ang tila wala sa loob na tugon ng anak.

Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni Don
Teong. Kung takipsilm ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at switer, saka dala ang
latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng
palo ang kalabaw hanggang sa ito’y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng
bayan. Kung di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito
titigilan. Sa gayon ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. Kung dumarating siya’y
daratnan niya ang kanyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo
sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

“ Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang sasabihin na lamang ng matanda. “Akala ko’y napahawak ka
na..”

Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa, ang
ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong si Marcos at ang kanilang panginoon, ay hindi
makapagpigil ang sinuman. Nalalaman din ng matandang babae na lagging may dalang rebolber sa
baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang
inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang
iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng
kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may
sinisimpang galit sapagkat bigla na lamang sinibad ang mayamang matanda at nasapol ang kalamnan ng
sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Paqgkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas
at paglagpak ay sinalo naman sa kabilang sungay.
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak ang switer sa katawan at
saka pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang
lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loo
bang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung
papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minute na lamang sa ika-8 ng
gabi.Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig. Sa halip na idalangin ang
kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang niyang kalabaw.

“Mapalad na hayop na walang panginoon, “ang kanyang naibulong.

GAWAIN 3-M2

1. Anu-ano ang mahahalagang pangyayari na tutugon sa sumusunod na dayagram?

Unang Pangyayari

Suliranin ng Pangunahing Tauhan

Mga Sanhi ng Galit ni Marcos kay Don Teong

Binhi/Babala ng Paghihiganti ni Marcos

Ang Paghihiganti ni Marcos

2. Tukuyin ang suliraning panlipunan na makikita sa binasang akda, ano ang sanhi at bunga nito at
ipaliwanag (Think Pair Share)
3. Gumawa ng pagsasaliksik tungkol sa suliranin ng mga magsasaka kaugnay ng sistema ng hatian
sa pagsasaka, ang mga gawi ng usurero at iba pa. (Pangkatang Gawain)
Tungkol sa May-akda: JOEL COSTA MALABANAN

Makata at musikerong guro. Kasalukuyan siyang full time propesor ng Filipino sa Fakulti ng
mga Wika at Sining dito sa Philippine Normal University. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Cavite
State University at nakakumpleto naman ng kanyang digring Master sa Sining sa Wika at
Panitikan sa Filipino sa De La Salle University, Taft Avenue. Bilang makata, nagkamit siya ng
Ikatlong Karangalang Banggit sa Talaang Ginto 2010 na iginawad ng Komisyon sa Wikang
Filipino at nagkamit ng unang karangalan sa DALITEXT, isang patimpalak sa paglikha ng tula
gamit ang cellphone na inisponsor ng NCCA noong 2003. Nagwagi rin siya sa DIONA Kontra-
Depresyon na pinamahalaan ng Foundation for Advancing Wellness and Talents (Awit) noong
Nobyembre, 2012. Nagwagi rin siya sa Diona Para kay Apolinario Mabini sa Tulaan sa Facebook
noong Pebrero, 2014. Naging grandprize winner siya ng DALITEXT tungkol sa climate change na
inisponsor ng United Nation Information Center noong Oktubre 2014. Kasapi rin siya ng
samahang Tanggol Wika na nananawagang papanatilihin ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.
Noong Agosto 23, 2014 ay matagumpay siyang nakapagkonsiyerto sa Rizal Park tampok ang 15
niyang komposisyon para sa programang Mga Himig at Tula para sa mga Bayani at sa ika-151
taong kaarawan ni Andres Bonifacio noong Nobyembre 30, 2014.
“Bisan Pa”

Ni Popong Landero
Bisag sinena nako di makabakal

Bisag ang pantalon nako gisi ug daan

Bisag kineng sapatos mura na ug tsinelas

Tungod sa panabraho gamay lang ang suweldo

Bisag ining akong buhok wala’y hinapay tungod halos di

na makapalit ug suglay bisan nagkamuritsing ining

akong nawong usahay walay sipelyo kining mga ngipon

Ok man lang gihapon bisan gamay ang sweldo

tungod wa ko’y mangilad sa akong isigkatawo

ang singot nga gipatulo ang kusog u gang kahagu maoy

puhunannako limpyu ang konsensya bisag diutay ang kwarta

dili ko mangandoy nga mahimung sapian u gang ginikanan

trabahong dautan mahilig mangawkaw sa mga katauhan igu lang

mabuhi nga dunay kadungganan.

Karanaiwang Tao

Ni Herbert Bartome

Pagkat ako’y karaniwang tao may simpleng trabaho

Katamtamang sweldo walang bahay at lupa o

kotseng magarang na mayron sila ako’y wala

Hindi bale, ok lang sa akin basta’t walang

Masamang Gawain at ang tanging yaman

Ay mga kaibigan na kung kailanagn ko’y nariyan.

Darating din sa akin ang swerte

iyan ang aking lagging pinakahihintay kung dumarating ang

pagoda ng kunting pahinga kinakailangan

upang bukas ay magpatuloy ngunit lalong


ang bayan ko’y naghirap halaga ng piso

ay lalong bumagsag at ang mga bilihin tumaas

ang presyo ngayo’y kulang na ang sweldo ko.

Darating din sa akin ang swerte ngunit

Kalian kaya, kalian pa, kalian pa.

Kung dumarating ang pagod wala na akong

Oras upang magpahinga ngunit kailangan magpatuloy.

Ang tanong ko’y ba’t nagkaganito subrang trabaho

Di sapat sa sariling bansa bakit mayron ang dayuhan ako’y wala.


Mga Awitin ni Joel Acosta Malabanan (Guro mula sa PNU MAIN, Manila)
Tungkol sa May-akda: JOEL COSTA MALABANAN

Makata at musikerong guro. Kasalukuyan siyang full time propesor ng Filipino sa Fakulti ng
mga Wika at Sining dito sa Philippine Normal University. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Cavite
State University at nakakumpleto naman ng kanyang digring Master sa Sining sa Wika at
Panitikan sa Filipino sa De La Salle University, Taft Avenue. Bilang makata, nagkamit siya ng
Ikatlong Karangalang Banggit sa Talaang Ginto 2010 na iginawad ng Komisyon sa Wikang
Filipino at nagkamit ng unang karangalan sa DALITEXT, isang patimpalak sa paglikha ng tula
gamit ang cellphone na inisponsor ng NCCA noong 2003. Nagwagi rin siya sa DIONA Kontra-
Depresyon na pinamahalaan ng Foundation for Advancing Wellness and Talents (Awit) noong
Nobyembre, 2012. Nagwagi rin siya sa Diona Para kay Apolinario Mabini sa Tulaan sa Facebook
noong Pebrero, 2014. Naging grandprize winner siya ng DALITEXT tungkol sa climate change na
inisponsor ng United Nation Information Center noong Oktubre 2014. Kasapi rin siya ng
samahang Tanggol Wika na nananawagang papanatilihin ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.
Noong Agosto 23, 2014 ay matagumpay siyang nakapagkonsiyerto sa Rizal Park tampok ang 15
niyang komposisyon para sa programang Mga Himig at Tula para sa mga Bayani at sa ika-151
taong kaarawan ni Andres Bonifacio noong Nobyembre 30, 2014.

You might also like