You are on page 1of 7

Mas Tuso kay Bos Toso

Tiktiklaok! Tiktilaok! Shhhhhhh…agos ng tubig, nagkakantahang ibon, naghahabolang

mga aso’t pusa, putak ng manok, nagkikiskisang dahon na tilay sumasayaw sa awit ng mga ibon.

At maging ang pasilip na ulo ng isang kumukinang na hugis bilog na may dalang liwanag sa

papaalis na kadiliman.

Isang maliit na kislap ng mala mapula pulang liwanag na pumasok sa maraming maliliit

na butas ang humawi sa madilim na animo’y kasinlaki ng isang kalabaw ang munting silid, ang

repleksyon nito’y tila ay nasa kalawakan at kasabay nito ang lumilipad na usok na nanggagaling

sa isang sulok na animoy nasusunog na bawang ang amoy. Rinig na rinig ang mga tunog ng mga

kubyertos na tila pinanday na ng panahon kasabay nito ang kalimitang sigaw ng isang ulirang Ina

na halos nakikisabay sa mga huni ng mga alagang hayop. “Anak, Anak… …..”

Sa isang banda, Sssshhhh! Shhhhhhh! Tulak, kabig, tulak, kabig paulit-ulit na pagalaw

hangga’t makuha ang kinang na ninanais. Saglit na yapusin ang dulong bahagi saka uulitin

ikiskis sa bato. Suot ang isang berding mahabang damit, pantalon na maong na tila itim na ang

kulay dahil sa mga mantsang nakadikit dito, at isang sombrero na parang mababalot na ang

mukha dahil sa laki nito.

Tsug tsug tsug tsug! Rinig ang isang ingay na nagpabago sa kapaligiran, isang

nakasumbrerong puti, mahabang damit, makapal na jaket, at nakapantalon na tila hindi

madapuan ng langgam sa sobrang linis at halos masilaw ka sa sobrang kaputian nito.

Kumikinang na sapatos na tila ayaw maiapak sa maduduming lupa. Isang mapag angkin,

gahaman, tuso, uhaw sa salapi subalit nag iisa lamang at walang pamilya. Inuutusan niya ang
mga alagad niya para sirain ang mga ari-arian ng ibang tao para lumapit ito sa kanya at humingi

ng tulong kapalit ang mga titulo ng lupa nito. Isang matikas at halos hindi mo matitigan ng mata

sa mata dahil sa kulobot at parating nakaunat ang dalawa nitong kilay hawak ang latigong tila

naihampas naman, kasama nito ang tatlong lalaking matatangkad at nakaitim na suot na may

salamin.

Nakita ng Mag-asawa ang paparating na sasakyan, pansin sa kanila ang pangangamba at takot.

Sinalubong agad ng dalawa ang mga ito sabay sabi “Mukhang maniningil na naman ito.”

Pabulong na sabi ni Mang Enon.

“Magandang Araw po Boss Toso, ano po ang maipaglilingkod namin sainyo?” Sabi ni Mang

Enon.

“May darating akong mga kasusyo sa aking Negosyo bukas, para pagplanohan ang paggawa ng

malaking istruktura sa lugar, sila ay galing sa ibang bansa nais nilang bisitahin ang campsite at

mga alagang hayop doon.” Sambit ni Boss Toso. “Aba! May darating palang bisita, ano po ang

nais niyong gawin namin?” Tanong na ni Mang Enon. “Nais kong ayusin ninyo ng mabuti, at

pagandahin niyo lalo ang aking Campsite, paliguan ang mga alagang hayop doon at maghanda

ng mga sariwang prutas at kakanin at alisin ninyo ang mga basurang inyong nilagak doon.” Sabi

ni Boss Tuso. “Sige po Boss Toso, subalit kinakailangan ko po ng mahabang panahon para

maisaayos po ang Campsite, hindi ko po kayang ako lang ang mag aayos doon”, Ang aking

asawa ay may sakit at kinakailangan maidala kaaagad sa ospital” dagdag na tugon ni Mang

Enon. “Pwes! hindi ko na problema ang bagay na iyan! Kung ano ang utos ko yun ang sundin

mo!”. Sigaw na sagot ni Boss Toso.” “Pero Boss, paano ang asawa ko? Maawa naman po kayo!”

pagmakaawang sambit ni Mang Enon. “Kung ano ang sinabi ko yun ang masusunod! Wag

kanang magsalita pa diyan kung ayaw niyong bumalik sa ilalim ng tulay at kunin ko agad ang
inyong inutang saaakin! Mamili ka!” Patalikod na sabi ni Boss Toso habang papalayo sa

nakaluhod sa lupa’t umiiyak na si Mang Enon.

Pumatak ang luha sa butas butas na sahig, nakapikit ang mata ni Dusok subalit bumungad

sa pandinig niya ang hagulhol ng kanyang ama. Narinig ni Dusok ang dalawang nagbabangayan,

kaya dali-dali itong nag ayos ng higaan, nagpalit ng mamanstang mahabang damit na kulay

dilaw dala ang mapurol na itak at kumaripas ng takbo papunta sa Campsite. “whaaaaaaaaaaaaa!

bakit ninyo hinahayaang gawin saamin ito?” Sigaw na sabi ni Dusok. Nagliparan ang mga ibon

na tila naalimpungatan sa sigaw ng bata. Humagulgol sa iyak ang bata, kumuha siya ng maliliit

na bato at itinapon paisa-isa, wala siyang pakialam kung ano man ang matamaan niya. “Bakit

ganito ang pinaparanas ninyo saamin? Kinuha na saamin ang lahat! Nagpaalipin kami dahil sa

mga malulupit na mga tao! May kasalanan ba kaming dapat pagdusahan? Habangbuhay na ba

kaming magkakaganito? Parusa bai to saamin? Maawa naman po kayo saaking mga magulang!”

Pangalawang sigaw ni Dusok.

At biglang umihip ng malakas, kumulog ng malakas at hindi man lang matanto ni Dusok

kung ano ang nangyari sa kapaligiran, humagulgol siya lalo sa iyak at kumuha ng isang pang

bato sabay tapon sa isang malaking puno malapit sa rumaragasang tubig sa ilog, biglang nagbago

ang kapaligiran, nagkaroon ng makapal na usok sa may ilog at biglang nagkaroon ng mga

pagbabago at kakaibang anyo ang bawat nilalang sa Campsite. Ang puno ng saging ay nagkaroon

ng kamay at paa, Malalaking tipak ng bato ay gumagapang na, mga hipon at isda sa tubig ay

naglalakad sa lupa, maging ang mga ibon ay nakakalangoy sa ilog, ang mga alagang hayop

naman sa Campsite tulad ng manok, bibe at maging ang mga pato ay nagsasalita na, ang kalabaw

at kabayo ay nagkaroon ng pakpak. Ang mga paru-paru at mga maliliit na insekto ay


kumikinang. Napalitan ang simpleng Campsite sa mala mahikang lugar. Lahat ng mga makikita

rito ay may buhay at may kakaibang anyo.

Napatulala at halos hindi makagalaw si Dusok sa sobrang takot sa kanyang nasaksikan.

Naninigas ang kanyang buong katawan at maging ang panghinga nya ay parang titigil din.

Lumabas sa makapal na usok ang isang malaking puting usa na may pakpak sakay nito ang isang

matipunong lalaki, kumikinang ang kasuotan, mahaba ang tainga, maputi ang buong

pangangatawan at may hawak na gintong baton. Lumapit ang matiponong lalaki kay Dusok,

niyapos ang mukha nito at pinunasan ang mga luha nito. “Ako si Campinie, Ako ang

tagapangalaga ng Campsite.” Sabi ng matiponong lalaki. Hindi Makapagsalita si Dusok. “Bata,

bakit ka umiiyak? Anong nangyari saiyo? Bakit mo binubulabog ang lugar?” Sunod-sunod na

tanong ng matipunong lalaki. Pinaikot ng dalawang beses ang baton ni Campinie at biglang

nagkaroon ng upuan at agad na umupo ang bata, matapos ang ilang minuto biglang humagulgol

sa iyak si Dusok at ikinuwento kay Campinie ang buong pangyayaring nasaksihan niya sa labas

ng kanilang bahay.

Lubos na naawa si Campinie, Hinawakan ang ulo ni Dusok at nabasa niya ang totoong

sitwasyon ng kanilang pamilya. Matagal na palang inaalipin ni Boss Toso ang pamilya sa

kadahilanang nangutang si Mang Enon sa taong iyon dahil sa parating pagkakasakit ang asawa

nito kaya dahil sa walang maipangbabayad si Mang Enon kahit labag sa kanyang kalooban

ipinambayad niya ang Campsite kaya napunta ito kay Boss Toso. Halos napamahal na ang

pamilya nito sa Campsite dahil sagana sa likas na yaman ang lugar na ito. Halos taon ang

bibilangin at ginugol para mapaunlad ang lugar na ito ngunit sa isang kislap ay napunta iso sa

isang gahamang matanda.


“Tutulungan kita, pero saiyo manggagaling ang solusyon.” Hindi alam ni Dusok na siya

ay sinusubukan ni Campinie kung ito ba ay may kabutihang loob na tinatago.

Halos limang minutong nag isip si Dusok kung ano ang dapat gawin para matulungan nya

ang kanyang mga magulang. Biglang naisip ni Dusok ang paraan na iparanas sa kaniya ang poot

at sakit na ginagawa nya sa mga alila na gaya naming. Subalit paano ito gagawin? Tumaas ang

isang kilay ni Dusok saka nag isip ulit.

“Aha! Alam ko na!” Pasigaw na sambit ni Dusok. Bigyan ninyo po ako ng

pansamantalang kapangyarihan para sa aking plano at dahil sa kagustuhan ng nito tumugon

naman kaagad si Campinie, hindi alam ni Dusok na kapag ginamit ito sa kasamaan ay mawawala

kaagad ang kapangyarihan nito at siya ang magiging matanda na. Magiging kulubot ang mukha

at uugod ugod.

Bago umalis si Campinie, hindi man lang ito pinaalalahanan sa mangyayari kung gagawa

ito ng masama. Madaling nagbalat kayo si Dusok gamit ang kapangyarihan na bigay ni

Campinie. Ginaya niya ang mukha ni Boss Toso. Pumunta siya kaagad sa Mansyon ni Boss Toso.

Pinasok niya ang silid kung saan ito nagpapahinga. Sinamantala ni Dusok na natutulog ang

matandang mayaman. Dali-dali niyang nilagyan ng mahabang oras na pampatulog ang matanda.

Lumabas si Dusok sa silid ng mayaman gamit ang hiram na mukha sa matandang Toso.

Mukha, pagalaw, tindig maging ang pananalita nito ay parehong pareho mismo kay Boss Toso

kung kaya ay iniutos niya sa lahat ng mga katulong maging ang mga tagapagbantay na kunin ang

lahat ng mga kayamanan nito, walang ititirang kahit kusing maging ang mga damit nito ay dapat

ipunin at ilagay sa kanyang harapan. Matapos ang ilang oras na pag iipon nasa harapan na ni

Dusok ang kayamanan. Maging ang mga mukha ng mga katulong ay naging kulay ginto dahil sa
kinang ng mga alahas ni Boss Toso. “Boss Toso bakit mo po pinakuha saamin ang mga

kayamanan mo?” tanong ng isang guwardiya. Hindi makapagsalita si Dusok, gulong gulo ang

kanyang isipan. Pwede ko na ba itong angkinin? Padalhin ko na kaya ito sa bahay? Magiging

masagana na kami! Mapapagamot ko na ang aking nanay. Babalik na saamin ang aming

Campsite. Hindi na magtatrabaho ang aking mga magulang. At higit sa lahat hindi na kami

makakaranas nang pang aapi ng mga mayayaman na katulad ni Boss Toso. Iyan ang mga umiikot

sa isipan ni Dusok.

Subalit, nanaig sa puso’t isipan ang magandang pag uugali na ipinamulat sa kanya ng mga

magulang nito, kaya ang naisip niya ay ibigay ito sa mga alila at pag hati-hatian ang mga

kayaman ni Boss Toso. “Kumuha kayo ng lalagyan at hatiin ninyo ang aking kayamanan, sabay

iuwi niyo ito sainyong mga pamilya ang mag umpisa ng bagong buhay”. Tugon ni Dusok na

nagbalat kayo bilang si Boss Toso, napatulala ang mga tao at ang iba’y dali daling kumuha ng

lalagyan at inilagay ang mga kayamanan. Ang iba’y titulo ng lupa ang mas piniling kunin kesa sa

mga ginto o alahas. Palihim naman na itinabi ni Dusok ang titulo ng lupa ng Campsite. Lubos na

nagtaka ang mga tao kay Boss Toso, ngunit sa dulo ay lubos na nagpasalamat ang mga tao sa

kanya. Walang kalam-alam ang matandang mayaman na ubos na ang mga kayamanan nito.

Matapos maubos ng mga alila ang kayamanan agad agad na iniutos ni Dusok na bumalik na sa

kanikanilang tahanan o lugar at hindi na kailanman magpaalila sa mga mayayamang katulad ni

Boss Tuso. Bumalik si Dusok sa silid ni Boss Toso at nag iwan siya ng isang sulat na naglalaman

ng “Ang pagiging gahaman at mapang api ay kailanman hindi mananaig sa kabutihan, lasapin

mo ang paghihirap na ipinaranas mo sa mga taong pinahirapan mo.” Matapos ang ilang oras

nagising na lamang si Boss Toso na nakahiga sa isang kama na halos maruming tela ang kayang

suot pambaba. Nabasa ang sulat na iniwan ni Dusok. Sumigaw ito ng malakas. Tumakbo sa labas
na halos walang patutunguhan sa kakatakbo. Nag mukhang baliw si Boss Toso. Tinawag ang

mga alila ngunit wala man lang kahit isang humarap sa kanya. Araw araw itong sumisigaw

hanggang sa ito’y manghina. Napagtanto niya ang mga ginawang pang aapi sa mga mahihirap.

Hindi man lang nalaman ni Boss Tuso kung ano ang totoong nangyari sa kanyang mansion.

Lubos na pagsisisi ang naranasan ni Boss Toso subalit ngayon lamang niya ito naisip dahil

walang wala na siya.

Bumalik si Dusok sa Campsite at tinawag si Campinie. Lubos na nasiyahan sa ginawa ni

Dusok ang matipunong lalaki. Matagumpay na naisagawa ni Dusok ang kanyang plano. Dahil sa

maganda ang ipinakitang pag higanti ni Dusok ay binigyan ng ito ng panibagong gantimpala.

Iniikot nito ang gintong baton at lumabas ang isang palayok na kung saan anuman ang ilalagay

na bagay sa loob nito ay dadami, ngunit may limitasyon at kasunduan ang pagamit nito. Bago

bawiin ni Campinie ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya, lumuhod siya dito at nagpasalamat.

Dali daling kumaripas ng takbo si Dusok pauwi at masayang iniulat ang mga pangyayari. Hindi

makapaniwala ang mga magulang ni Dusok subalit dahil sa sobrang saya binigyan ito ng isang

mahigpit na yakap at matamis na halik.

Naging Matiwasay ang kanilang pamumuhay at lumago ang kanilang Campsite. Mula

noon hindi na nagkakasakit ang Ina nito at naging masaya ang pamilya ni Dusok. Namuhay sila

ng mapayapa at masagana.

MELC: Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip na teksto (fiction at non-
fiction)

You might also like