You are on page 1of 83

Nailalarawan ang mga

elemento ng kwento
(tauhan, tagpuan,
banghay) (F3PBH-Ie-4, F3PB-IIb-e-4)
Subukin

Bago ka magpatuloy sa pag-aaral, tingnan


muna natin kung ano na ang alam mo sa
bago nating aralin.
Gawin ang pagsasanay na ito. Basahin at
unawain ang mga teksto. Bilugan ang letra
ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng
bawat aytem.
Imis
Ni: Arem Ramirez
Nagulat ang Barangay Dungis sa mga
pinaggagagawa ni Imis, ang ipis na malinis.
Tuwing umaga ay hinahakot niya ang mga
ipot na nakakalat. Iniipon din niya ang mga
tira-tirang pagkain. Ibinabaon niya ang
mga ito sa lupa upang maging pataba.
Winawalis ang mga alikabok at mumo ng
mga nagdaang piging.
Tuwing hapon, tinatanggal ni Imis ang mga
bara sa lababo at kanal. At kapag sasapit
na ang gabi, nilalampaso ni Imis ang sahig
na napuputikan, lalo na’t tag-ulan. “Hindi
‘yan ang gawain ng tunay na ipis,” sigaw ng
kaniyang Ama. “Ngunit ito po ang aking
kagustuhan,” magalang na sagot ni Imis.
“Mas nais ko pong maging malinis.”
“Tungkulin mong magkalat, magdumi at
magsalin ng mikrobyo at sakit,”
pagpapaalala ng kaniyang Ina. “Ayaw ko po
sa maalikabok,” sagot ni Imis. “Ayoko sa
maputik! Ayoko sa makalat!” Ipinagpatuloy
ng mga ipis ang pagkakalat ng basura.
Napakarumi ng mga sinampay at kurtina
ng mga barong-barong sa Barangay Dungis.
“Ito ang ating buhay,” paggigiit ng kaniyang Ama.
“Ngunit baka tayo magkasakit,” may pag-
aalalang tugon ni Imis. Tila walang narinig ang
mga taga-Dungis. Sila’y nagliparan, naglundagan
at nagpasirko-sirko pa ang ilan. Bigla na lamang
may nag- ispray ng insektisayd. Umulan ng
nakalalasong likido sa buong kapaligiran. Para
bang sinisilaban ang mga pakpak ng bawat ipis,
lamok, langgam, bangaw at langaw.
Nagpaikot-ikot ang kanilang paningin.
Sumuko ang mga mikrobyo. Napaatras
ang mga ipis. Naduling ang mga langaw.
Nahimatay ang mga bangaw. “Ito na nga
ba ang sinasabi ko!” sigaw ni Imis.
Umagos ang alon ng bumubulang tubig.
Sa bawat bulang pumuputok ay
kumikinis ang sahig at dingding.
Nagliliwanag ang buong paligid.
Kinaumagaha’y nawala na ang panganib.
Parang bulang nawala ang gabundok na
basura. Wala na rin ang mga
nakasampay na burak at putik sa mga
kurtina. Maraming bangaw, langaw, at
ipis ang nasaktan. Marami rin ang
nasalanta. “Kung nakinig lang sana tayo
kay Imis,” wika ng iba
Pindutin ang letra ng
tamang sagot ayon sa
hinihingi ng bawat
aytem.
Click to start
1.Sino ang pangunahing
tauhan sa binasang
kuwento?
A. Imis B.Lumis C. Debris D. Demis
2. Saan naganap ang
kuwento?
3. Ano ang suliraning
nangibabaw sa
kuwento?
A. Gustong yumaman ng Ama

B. Maging tamad ang anak


C. Mabuhay na marumi ang
mga tauhan
4. Paano nalutas ang
suliranin sa kuwento?
A
. Nakipaglaban sila sa
mga tao.
B.
Umalis ng barangay a
C. May nag-ispray ng likido a
t nalupig ang mga ipis.
D. Nagkaroon ng pagpupulo
ng sa kanilang barangay
5. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa
kuwento.
1. Mula noon, nagging malinis na ang
barangay at nasalanta na ang mga ipis.
2. May isang ipis na ubod ng linis, dahilan
kaya nagagalit ang magulang niya.
3. Isang araw, may nag-ispray ng insektisayd
kaya nalupig ang mga ipis.
4. Lagi siyang pinaaalalahanan ng magulang
na magsabog ng sakit at dumi.
A. 1-2-3-4
B. 2-4-3-1
C. 3-2-4-1
D. 4-1-3-2
Balikan
Pindutin ang mga pangngalang
nabibilang (PN) at Huwag
pindutin ang pangngalang di-
nabibilang (PDN).
Sino sa inyo ang madalas magbasa? Anong uri ng
babasahin ang pumupukaw ng inyong atensyon?
Bakit mas madalas ninyo itong basahin? Marahil
ang iba sa inyo ay nagbabasa ng mga aklat tungkol
sa mga bayani, mga alamat, mga talambuhay ng
isang tao, at maaari rin namang mga pabula. Alam
ninyo bang bawat kuwentong binabasa ninyo ay
may mga elemento? Nabatid ninyo ba kung ano-
ano ang mga ito? Kaya alamin mo na ang mga ito.
Basahin ang kuwento.

“ Isang Sabado sa Pamilya


Reyes ”
Isang Sabado, sa tahanan ng
mga Reyes, magkasamang
binaybay nina Tatay Pilo at
Marlon ang taniman ng palay
at mabatong daan patungo sa
bukid.
Sa bukid, magkasamang
nagtanim ang mag-ama ng palay,
at halinhinang inararo ang lupa
katulong ang kanilang kalabaw
na si Bayani
Maya-maya pa ay dumating na si Aling
Marta kasama si Ana na naghatid naman
ng kanilang masarap na tanghalian. Dali-
daling umupo ang mag-anak sa ilalim ng
mabungang puno ng mangga, at sabay-
sabay na pinagsaluhan ang mainit nilang
tanghalian.
Ilang sandal pa, biglang kumulimlim ang
langit. Unti-unti ay pumapatak na ang ulan.
Palakas ito nang palakas. Nataranta ang
mag-anak sa paglilinis ng kanilang kinainan
saka tumakbo sa kanilang maliit na kubo sa
bukid.“Naku! Ang bago nating tanim na
palay! Baka malunod sa lakas ng ulan,” ang
sabi ni tatay. “Sana hindi masira ang mga
ito.”
Matagal-tagal din ang buhos ng malakas na
ulan. Makalipas ang mahigit isang oras, tumila
na ito. Matapos ang malakas na ulan, ang mag-
anak na Reyes ay masayang umuwi sakay ng
bagon na hila-hila ni Bayani. Nilisan nila ang
kanilang bukid na may pag-aalala bago mag
dapit-hapon. Ganon pa man, masayang umuwi
ang pamilyang Reyes sa kanilang munting
bahay sa baryo
Mga Tanong sa pag-unawa.
1. Sino-sino ang tauhan sa
kuwento?
2. Saan nangyari ang
kuwento?
3. Ano ang suliranin sa
kuwentong?
4. Paano ipinakita ng mag-anak
ang malasakit nila sa bukid?
5. Ano-anong mga
magagandang katangian ang
taglay ng mag-anak na Reyes?
Suriin
Alam mo ba? Ang kuwento ay maikling salaysay
tungkol sa buhay, karanasan at mga pangyayari
sa isang tao. Ito ay nababasa sa isang upuan
lamang. Ang mga kuwento ay may sangkap o
elemento na nagpapatingkad at nagpapaganda
sa akda. Alamin kung ano-ano ang elemento ng
isang kuwento.
Mga Elemento ng
Kuwento (Tauhan)
TAUHAN
-mga karakter na
gumaganap sa
kuwento. Sumasagot
sa tanong na SINO?
Paglalarawan ng Tauhan

Inilalarawan ang mga


tauhan batay sa:
1. Kilos o galaw
2. Pagsasalita
3. Damdamin
A. pagkatakot B.pagkatuwa c. pagkaligaligD.pagkalungkot
TAGPUAN

- lugar na pinangyarihan
ng kuwento o kailan
nangyari. Sumasagot sa
tanong na SAAN?
Banghay(plot)-
Banghay (plot)- ito ang sunod-sunod
na pangyayari sa isang kuwento.
Ginagamitan ito ng mga pananda ng
pagkakasunod-sunod gaya ng una,
pangalawa, sumunod, kalaunan, sa
huli, sa pagwawakas upang ipakita
Banghay(plot)-
Sa elementong ito nakapaloob din ang suliranin
ng kuwento. Ito ang nangibabaw na problemang
hinaharap ng mga tauhan na sinusundan ng
solusyon o pagkalutas ng problema ng mga
tauhan. Ang banghay ay may simula, gitna at
wakas na mga pangyayari
Pagyamanin
Basahin at unawain ang kuwento. Gawin
at punan ang balangkas pagkatapos.
“ Ang Araw at ang
Hangin “
Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang
hangin? Madalas daw ay naga-away itong
dalawang ito noong araw dahil sa
nagpapalakasan nga.

Isang araw, sinabi ng hangin, "O, gusto


mo ba talagang patunayan ko na mas
malakas ako kaysa iyo?"
Ngumiti ang araw. "Sige, para hindi
ka laging nagyayabang, tingnan
natin. Hayun, may lalaking
dumarating. Kung sino sa ating
dalawa ang makapagpapaalis ng
suot niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas."
"Payag ako. Ngayon din, "
magkakasubukan tayo," malakas
na sagot ng hangin. "Ako ang
uuna," dugtong pa niya dahil
ayaw niyang maging pangalawa
sa anumang labanan.
Sinimulan niyang hipan ang
naglalakad na lalaki. Sa umpisa ay
tila nagustuhan ng tao ang hihip
ng hangin kaya naging masigla at
bumilis ang lakad nito.
Nilakasan ng hangin ang paghihip.
Isinara ng tao ang lahat ng butones
hanggang sa may leeg ng kaniyang
polo. Inubos ng hangin ang buong
lakas sa paghihip. Lalo
namang pinakaipit-ipit ng mga braso
ng lalaki ang damit dahil tila
giniginaw na siya.
Nanghina na nang katakot-takot ang
hangin sa paghihip niya ay talagang hindi
niya makuhang mapaalis ang damit ng
lalaki. "Sige," sigaw niya sa araw.
"Tingnan naman natin ang galing mo.
Marahil, hindi mo rin naman
mapapahubad ang taong
iyon.
"Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at
unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo
ang pawis ng lalaki. Dinagdagan pa ng
araw ang init na inilalabas niya, at ang
lalaki ay nagkalas ng mga ilang butones
sa baro.
Maya-maya, nang uminit pang lalo
ang araw, hindi na nakatiis ang tao at
tinanggal nang lahat ang mga
butones ng polo at hinubad ito.
Panalo ang araw! Mula noon, di na
nagyabang uli ang hangin.
Araw, Hangin, Lalaki kalawakan

Laging nag-aaway Nagkaroon ng


sina araw at paligahan ang
hangin. dalawa.
Isagawa
Matapos mong tuklasin ang mga
kaalaman at kasanayang dapat
malinang sa modyul na ito,
ipagpatuloy pa ang pagpapalawak ng
kasanayan sa mga susunod na gawain.
Handa ka na ba? Basahin ang pabula.
Ang Leon at ang Daga
May isang Leong mahimbing na
natutulog sa ilalim ng puno nang
may lumapit ditong isang Daga.
Inakala ng Daga na tuyong damo ang
buhok ng leon kaya kinutkot-kutkot
niya ito.
Nagising ang Hari ng Kagubatan at
mabilis na umiktad at dumamba-
damba na ikinahulog ng pobreng Daga.
Dali-daling sinakmal ng matutulis na
kuko ng Leon ang gumambala sa
kaniyang pagtulog.
“Pa… patawarin ninyo ako, mahal na
Hari. Hindi ko sinasadya ang paggambala
sa inyong pagtulog. Marami po ang mga
anak ko na dapat pakainin
Kung mapalalaya ninyo ako ay tatanawin ko
itong malaking pagkakautang.
Makababayad din po ako sa inyo sa
hinaharap.” “Hindi man lang ako
mabubusog kung kakainin kita. Sige,
makalalaya ka na!”
Isang araw ay makikitang paikot-ikot sa
gubat ang Leon. Naghahanap siya ng
pagkain sa pananghalian. Nang
matanawan ang nakabiting inihaw na
tapa ng Usa sa isang puno ng akasya ay
dali-dali itong nagtatakbo.
Sa kasamaang palad, bitag pala iyon ng
mga mangangaso. Nakulong sa
makakapal na lubid ang Hari ng
Kagubatan. Hindi siya makawala sa bitag.
Pinilit niyang magdadamba pero napatali
pati mga paa niya. Walang nagawa ang
lakas ng Hari.
Nagkataong nagdaraan ng
tanghaling iyon ang Daga kasama
ang kaniyang mga anak. Naisip ng
Inang Daga, ito na ang oras na
kailangang bayaran niya ang
pinagkakautangan ng buhay.
Dali-daling lumapit ang Daga at
pinagngangatngat ang makapal na lubid
sa paa ng Leon. Inutusan niya ang mga
anak na ngatngatin naman ng mga ito
ang makakapal na lubid sa ulunan ng
Hari. Sa tulong-tulong na pagkagat sa
mga lubid ay napalaya ng mga Daga ang
Leyon
“Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan mo,”
pagpapakumbaba ng Leon. “Totoo nga pala
na kung may malalaking nakatutulong sa
maliliit ay makatutulong din ang maliliit sa
isang higanteng katulad ko.” Naging matalik
na magkaibigan ang Daga at ang Leon
magmula noon.
Tayahin

Bilugan ang letra ng tamang


sagot ayon sa hinihingi ng
bawat tanong.
Tayahin

May isang Leong


mahimbing na natutulog sa
ilalim ng puno nang may
lumapit ditong isang Daga.
1. Anong elemento ng kuwento ang
sinalungguhitan?

A. tagpuan C. suliranin

B. tauhan D. solusyon
2. Saan naganap ang kuwento?
A. loob ng kuweba
B. ilalim ng puno
C. mabatong daan
D. sa bukid
3.Ano ang naging suliranin sa pabulang
binasa naganap ang kuwento?
A.Nahulog ang Leon sa balon.
B.Nabitag ang Leon sa mga tali.
C.Nalunod sa malalim na ilog ang Leon.
D.Nadaganan ng malaking bato ang Leon
4.Nagising ang Hari ng Kagubatan at
mabilis na umiktad ang dumamba-
damba na ikinahulog ng pobreng daga.
Ano ang kahulugan ng may
salungguhit?
A.bumangon C.natulog
B.humiga D.gumapang
5.Paano nalutas ang suliranin ng Leon ?
A.Dumating ang hukbo ng mga Leon at sumaklolo
sila
kay Leon.
B.Dinagsang malaking uwak si Leon at tinuka ang
mga lubid.
D.Dinamba si Leon ng malalaking hayop sa gubat
hanggang makawala.
C Dumating ang mag-anak na daga at nginatnat nila
ang lubid.
6. “Pa…patawarin ninyo ako,mahal na
Hari.Hindi ko sinasadya ang
paggambala sa inyong pagtulog.
Marami po ang mga anak ko na dapat
pakainin. Kung mapalalaya ninyo ako
ay tatanawin ko itong malaking
pagkakautang. Makababayad din po
ako
6. ” Batay
sa pahayag, ano ang mahihinuhang katangian
ng Daga?
A.mapagmalaki
B.mapanghinayang
C.matatakutin
D.mapagkumbaba
7. “Hindi man lang ako mabubusog kung
kakainin kita. Sige, makalalaya ka na!”
Ano ang katangian ng Leon?
A.makatarungan
B.mapagkakatiwalaan
C.maligalig
D.mapagmataas
8. Paano nagsimula ang kuwento o pabula?
A. Nagkagitgitan sa daan sina Leon at Daga.
B. Nagkakarerahan sina Leon at Daga sa mabatong
daan.
C. Nahagip ni Leon ang buntot ni Dagan ang talunan
nito ang ulo ng leon.
D. Mahimbing na natutulog si Leon
9.Ano ang pinakakapana-panabik na bahagi
ng pabula?
A. Nang mabitag si Leon at tinulungan ng mag-anak
na daga.
B. Nang dumating ang taumbayan at hulihin si Leon.

C.Nang umuwi si Daga at nagsabing mabait si Leon.


D. Nang minamaliit ni Leon si Daga sa itsura nito.
10. Ano ang naging wakas ng kuwento?
A. Mula noon naging matalik nang magkaibigan si
Leon at si Daga.

B. Tuluyan nang naglaho si Leon sa bayan na iyon.

C. Hinahanap pa rin ng taumbayan si Leon.

D. Namatay si Leon sa kamay ng mga tao.


MALI

https://www.needpix.com/photo/170207/wrong-incorrect-delete-abort-cancel-remove-red-small-mark
TAMA

https://pixabay.com/nl/vectors/recht-arrow-toets-blauw-ronde-24837/
a w a in
g a n g G a t o
a r a g d a , a l a m
K p ab u l a a k l at o
g is a n g a m ga
a n a p n b a t a s a b a s a
Magh n g p a m m g a n
u w en t o in a n g g a
isan g k an g ka s a n g m
b e . B a l g a m it .
yo u tu w e n t o g ra p i ko
sa d n a k u g a n g
p a n o o a b a y a n
o n a w in g g n o .
n t o g a w a d e r
eleme s a i y o n g k u
i n ito
Gaw
Tauhan: Pamagat: Banghay o
Suliranin: sunod-sunod na
pangyayari:
Tagpuan:
Solusyon:

You might also like