You are on page 1of 31

Labis na Mapaghangad

May isang lalaking mangangahoy na kilala sa kanyang kasakiman. Walang


makatawad sa mga ipinagbibili niyang kahoy, karne at halaman o makahingi ng kaunti
mang dagdag. Kaligayahan niya ang mapalago nang mapalago ang kanyang salapi na
labisna sa kanilang pamumuhay.

Minsan, habang nasa kagubatan ang lalaking mangangahoy at ang kanyang anak,
isang mabangis na tigre ang biglang sumunggab sa ama. Sa kabutihang palad, sa damit
lamang siya nasunggaban kaya bibitin-bitin siya sa bibig ng tigre habang itinatakbo siya
nito. Nakita ng binatilyong anak ang nangyari. Agad na kinuha ang pinamatalim nilang
itak upang tagain ang tigre.

“Huwag mong sirain ang balat!Huwag mong sirain ang balat!” ang sigaw ng ama sa
anak. “Patayin mo nang walang sira ang balat. Maipagbibili natin nang mahal ang balat
nito.”

Napatigil ang anak na binatilyo. Iniisip niya kung paano niya mapapatay ang tigre
nang hindi masisira ang balat.

Habang nag- iisip ang anak, nakalayo ang tigre. Hindi na niya ito nakita at ang
amang tangay- tangay nito.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang pinagkukunan ng kabuhayan ng lalaki sa kwento?


2. Ano ang itinuturing na kaligayahan ng lalaki?
3. Mahal kaya ng mga taong baryo ang mag- amang ito? Bakit?
4. Ano ang masasabi ninyo sa pamumuhay ng mag-ama?
5. Anong kapahamakan ang nangyari sa ama isang araw?
6. Ano kaya ang nangyari sa ama? Patunayan ang sagot.
7. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa ama?
Nasa Huli ang Pagsisisi

Isang araw, isang lalaking gula-gulanit ang damit at malaki ang pangangatawan
ang nagpunta sa kakahuyan. Tumingin- tingin ito sa ilang malalaki at matitigas na puno.
Maya- maya, nakapili ito ng isang maliit at tuwid na sanga ng nara.

“Tamang- tama ang maliit na sangang ito sa aking pangangailangan, “ ang wika
niya. “Maaari ko na itong putulin.”

“Bakit nga ba hindi? Para iyan lamang! Sulong, pumutol ka ng sukat na iyong
kailangan,” ang tugon ng punong nara na habag na habag sa lalaki.

Pinutol ng lalaki ang kapirasong sanga ng nara. Hinugis niya ito at inilapat sa ulo
ng palakol na kanyang dala. Ayos na ayos. Matibay na matibay ito.

Sinimulan na ng lalaki ang pagtigpas ng malalaki at matitigas na puno sa


kakahuyan. Putol dito, putol doon ang kanyang ginawa. Mayamaya pati ang malaking
puno ng nara ay tinigpas na rin niya.

“Naku po!” ang buntong- hininga ng punong nara. “Dapat sana ay inisip ko muna
ang maaaring ibunga ng aking pagmamagandang- loob,” ang panaghoy nito bago
tuluyang bumagsak sa lupa.

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1.
Alexander Graham Bell

Nalalaman ba ninyo kung sino ang nakaimbento ng telepono? Siya si Alexander


Graham Bell. Isa siyang Amerikano na may layuning makatulong sa mga bingi.

Sa pagnanais ni Alexander na matulungan ang mga bingi, gumawa siya na


maraming pagsubok tungkol sa kuryente at tunog. Natuklasan niya na ang tunog ay
bunga ng panginginig ng isang bagay. Ang panginginig ng isang bagay ay naililipat sa
isang metal at napapadaloy sa kuryente. Muling naibabalik ng kuryente ang panginginig
na ito sa isnag metal, na maaaring muling marinig bilang tunog.

Paulit- ulit na sinubukan ni Alexander ang kanyang natuklasan. Sa wakas, noong


1876, nakapagpadaloy si Alexander ng tawag sa isang kaibigan. Ito ang simula ng
telepono.

Kung nabubuhay pa ngayon si Alexander, magugulat siya marahil sahusay ng


telepono. May mga siyentistang gumawang pagbabago sa teleponong inimbento niya.

Maaari nang makatawag sa telepono saan mang panig ng daigdig. May mga tawag
na dumaraan sa malalaking kable sa ilalim ng dagat. May isnag uri rin ng telepono na
tinatawag na “cordless” o walang kawad.
Si Prinsesa Urduja

Mga pitong daang taon na ang nakalilipas, ang lalawigan ng Lingayen, Pangasinan
ay pinamumunuan ng isang prinses, si Prinsesa Urduja. Maganda, matalino, at matapang
si Prinsesa Urduja. Makatarungan ang kanyang pamumuno. Madalas siyang kasama sa
mga pakikipaglaban sa mga kaaway. Mahal na mahal siya ng kanyang mga nasasakupan.

Maraming datu, raha at lakan ang nangibig kay Prinsesa Urduja ngunit nangabigo
sila sa kanilang pangingibig Wala isa man sa kanila ang nakatalo sa prinsesa sa labanan.

Minsan, nagkaroon ng panauhing Arabo ang prinsesa. Mula sa Arabong ito


nabalitaan ng prinsesa ang uri ng pamumuhay sa India. Nanabik tuloy ang prinsesa na
marating at makita ang India.

“Magpagawa ka ng isang barkong matibay na matibay at mabilis upang hindi ka


mabagot sa tagal ng paglalayag sa dagat, “ang mungkahi ng Arabo.

“Hindi na bale!” ang sagot ng Prinsesa Urduja. “Ang barkong sinabi mo ay


mangangailangan ng malaking halaga at maraming tauhan. Mamasarapin ko pang
gugulin ang halagang iyan sa pagpapalusog at pagpapatalino sa aking mga nasasakupan at
gamitin ng aking tauhan sa pagbubungkal sa aming bukirin. Para sa akin, ang kabutihan
muna ng aking mga kababayan bago ang aking sariling kaligayahan.
Ang Yeso

Halos araw- araw, nakakikita kayo ng yeso sa paaralan. Ang binabasa ninyo sa
pisara ay nasusulat sa pamamagitan ng yeso. Malaki ang naitutulong ng yeso sa inyong
pag-aaral, hindi ba?

Isang uri ng bato ang yeso. Nanggagaling ito sa mga labi ng halaman at hayop na
nabuo noong daan- daang libong taong nakalipas. Nagmula ito sa kailaliman ng
karagatan.

Noong unang panahon, maraming maliliit na hayop sa karagatan. Sa kaliitan,


mahirap Makita ang mga ito. Nang nangamatay ang mga hayop na yaon, naipon sa ilalim
ng karagatan ang kanilang kabibeng maliliit.

Sa loob ng libu- libong taon, nagkaroon ng maraming suson ng kabibeng maliliit


sa ilalim ng karagatan. Sa bigat ng tubig sa ibabaw nito, ang mga suson ng kabibe sa
ilalim ay nagkadikit- dikit at nagging bato- isang uri ng batong malambot na kung
tawagin ay batong apog o yeso.

Milyun- milyong taon pa ang nagdaan. Unti-unti, ang dating mga batong yeso sa
karagatan ay nagsisitaas at nagging bundok naman. Natabunan pa ang suson- susong
alikabok ang mga yeso rito. Kadalasan, kailangan pang humukay nang malalim sa ilang
bundok upang makakuha ng yeso. May mga bangin sa England na may 800 talampakan
ang taas na pawang yeso.
Pinakamataas na Damo

Nakakita na ba kayo ng damong sintaas ng punongkahoy? Ang damong ito ay


tinatawag na kawayan. Nabibilang ang kawayan sa pamilya ng damo dahilan sa mahaba
nitong mga dahon at bukung- bukong katawan. Tumutubo ito sa mga pook na mainit at
maulan.

Humigit- kumulang sa 500 ang uri ng kawayan. May uri ng kawayang napakabilis
lumaki- halos isang talampakan sa isang gabi. May uri naman ng kawayan na hanggang
tuhod lamang ang taas.

Sa lahat ng damo, maraming gamit ang kawayan. Nakagagawa ng bahay na halos


lahat ng bahagi- poste, bubungan, sahig, dingding, hagdan, bakod gayundin ang bintana-
ay kawayan. Maaaring yari sa kawayan pa rin ang mga gamit sa loob ng bahay tulad ng
mesa, plorera, kama, kurtina, gayundin at inuman. Nagagawang tulay ang malaking
kawayan. Yaon namang mahaba, kapag inalis ang mga buko sa loob at pinagdugtong-
dugtong ay nagagawang tubong na nagsisilbing daluyan ng patubig sa mga bukirin buhat
sa ilog. Nagagawang papel ang kawayan. Yaong maliliit ay nagagamit na tukod, baston at
pamingwit ng isda. Naipapakain din sab aka ang dahon ng kawayan. Masarap na pagkain
ang usbong ng kawayan na kung tawagin natin ay labong. Inilalata pa natin ang labong at
ipinadadala sa ibang bansa.
Ang Maliit na Tindahan ni Tandang Sora

Walumpu’t apat na taon na si Melchora Aquino nang magsimula ang rebolusyong


pinangungunahan ni Andres Bonifacio. Dahil sa kanyang gulang, tinagurian siyang
Tandang Sora.

Mayroong maliit na tindahan si Tandang Sora sa Pasong Tamo na malapit sa


Balintawak. Ito ang naging tagpuan ng mga rebolusnaryo. Ito rin ang nagsilbing
pagamutan ng mga katipunerong nangangailangan ng gamot, pagkain, at pahinga. Laging
nakalaan sa mga katipunero ang munting tindahang ito kaya napamahal si Tandang Sora
sa mga Katipunero.

Natuklasan ng mga Espanyol ang ginagawang pagtulong ni Tandang Sora sa mga


katipunero Isang araw, nilusob nila ang tindahang ito at nasaksihan nila ang pagkandili ni
Tandang Sora sa mga rebolusyunaryo. Hinuli siya at ipinatapon sa piitan ng mga bilanggo
sa pulo ng Marianas.

Nanatili siya rito sa loob ng tatlong taon. Nang dumating ang Amerikano, pinalaya
siya at pinabalik sa Pilipinas. Nawala na ang kanyang maliit na tindahan ngunit kinupkop
siya ng mga kababayan at inaruga hanggang sa namatay siya sa gulang na 107.
Ang Unang Punong Niyog

May isang diwatang lihim na umibig sa isang lalaking mayroon nang kasintahan.
Araw- araw ay hindi nagsasawang pagmasdan ng diwatang ito ang binatahabang ito ay
nagsasaka sa kanyang bukirin. “Kay kisig niya, “ ang sabi ng diwata sa kanyang sarili.
“Kailangang mapaibig ko siya.”

Nag- anyong isang magandang dalag ang diwata at inakit ang binate. Ngunit dahil
tapa tang pag-ibig ng binatasa dalagang kasintahan, kinamuhian niya nag dalagang hindi
niya nalalamang diwata.

Nagalit ang diwata at sa pamamagitan ng taglay na kapangyarihan, ginawa niyang


igat ang binata.

Sa pamamagitan ng isang panaginip, ipinahiwatig ng binata sa dalagang


kasintahan ang nangyari sa kanya, na siya ay ginawang igat ng isang diwata at ibig nitong
ipaputol at ipalibing ang kanyang ulo.

Kinaumagahan, nang sumalok ng utbig sa balon ang dalaga ay namataan niya ang
igat. Hinuli niya ang igat, pinutol ang ulo nito at inilibing. Hindi nalaunan ay may
tumubong isang mataas na puno sa pinagbaunan ng ulo ng igat. Iyon ang unang punong
niyog.
Kaugalian ng mga Hapones

Bata pa ay iminumulat na sa mga Hapones ang kahalagahan ng sariling disiplina.


Sinasanay na sila sa pagkakaroon ng kaalaman sa wasto at di-wastong kaugalian.

Mapagmahal sila sa sariling bayan at pangunahing katungkulan nila bilang


mamamayan ang maglingkod sa emperador.

Magalang ang mga Hapones. Yumuyuko sila kapag nagkakasalubong kahit saan.

Mataas ang kanilang pagpapahalaga sa sarili. Kadalasan, nagpapakamatay ang


sinumang napahiya o nawalan ng puri o karangalan. Tinatawag na “hara- kiri ang sariling
pagpapakamatay.Lumuluhod sila sa harap ng isang dambana at nilalaslas nila ang
kanilang tiyan sa pamamagitan ng espadang tinawag na “samurai”.

Malilinis ang mga Hapones. Naliligo sila araw- araw. Naghuhubad sila ng sapin sa
paa bago pumasok sa bahay.
Kilala Kahit Saan

Isa sa pinakamahalagang tanim na prutas sa buong daigdig ang kamatis.


Malinamnam ito at mayaman sa bitamina lalo na sa bitamina C. Mahalagang sangkap ito
sa pagluluto ng ginisa, sinigang at iba pa. Masarap itong sawsawan ng pinirito o daing.
Hindi sasarap ang itlog na maalat kung wala nito.

Iba’t iba ang uri ng kamatis. May uring mabuto, may pino ang balat at maasim
tulad ng CAMBAL AMBAG. May ilang uring buhat sa ibang bansa, tulad ng PEARL
HARBOR,RUTGERS,ACE, at iba pa na mainam na panggamit sa bahay o ipagbili. May
uring mabuting isalata tulad na SAN MARZANO at PEARSON.

Maaring itanim ang kamatis kahit sa ano mang uri ng lupa. Nangangailangan ito
ng maiinit na panahon,saganang sikat ng araw katamtamang tubig o pataba.

May mga uod na sumisira sa kamatis. Maaring puksain ang mga ito sa
pamamagitan ng pagbobomba ng pamatay-kulisap.

Maaring anihin ang kamatis kapag berde pa o marosas-rosas na ang bunga at saka
imbakin upang mahinog. Maari ring pahinugin ito sa puno at pitasin kung kalian
kailangan.
ANG KAPUSPALAD

Dahil sa kahirapan, magkasunod na namatay sa sakit na tuberculosis ang ama at


ina ni Marina. Labing-isang taon pa lamang siya at sa kanya naiwan ang pag-aaruga sa
kanyang dalawang taong gulang na kapatid. Wala ni isang kamag-anak na kumupkop sa
kanila marahil dahil sa inakalang nahawa sila sa sakit ng kanilang yumaong mga
magulang.

Naging palaboy sa lansangan ang magkapatid. Araw-araw, makikitang pahabul-


habol sila sa mga sasakyang humihinto upang makapanghingi ng limos. Nakasaklay sa
kanyang likod ang kanyang batang kapatid. Ang pagpapalimos ang kanilang
ikinabubuhay.

Nakikituloy sila sa tahanan ng isang iskwater, sa tabi ng riles ng tren. Nang


mapaalis ang mga iskwater, tuluyan na silang nawalan ng matutuluyan.

Sinubok ni Marina na pumasok na katulong ngunit wala ni isa mang tumanggap sa


kanya dahil sa kapatid niyang alagain. Masakit man sa kalooban, inilagak niya sa bahay-
ampunan ang kanyang kapatid at ipinabahala na sa madre roon ang pag-aaruga rito.
ANG LABANOS

Isa sa halamang-ugat na isinasangkap sa mga lutuin ang labanos. Tumutubo ang


labanos kahit sa anong uri ng lupa ngunit higit na mainam kung itatanim ito sa
buhaghag, madaling daluyan ng tubig at mamasa-masang lupa. Itinatanim ito sa lupang
mabuhangin upang madali ang paglalaman ang ugat.

Makapagpapatubo nito saan man dako ng Pilipinas at sa alinmang panahon subalit


sa mga buwan ng Oktubre hanggang Enero ang pinakamabuting panahon ng
pagpapatubo nito.

Mabilis tumubo ang labanos sa matabang lupa. Dapat itong diligin araw-araw
hanggang sa panahong maari nang anihin ang mga laman. Sa gayon ay
nagigingmalambot, matamis at malutong ang labanos.

Maaring anihin ang labanos matapos ang 30-40 araw pagkatanim. Hindi dapat
ipagpaliban ang pag-ani nito sapagkat umaanghang at nakakaubod ito.Binubunot lamang
ng mga kamay ang labanos, inaalis ang dahong tuyo at binubungkos.
SI MARCELO H. DEL PILAR

Tinataguriang “DAKILANG PROPAGANDISTA” si Marcelo H. Del Pilar. Kinalaban


niya ang kabuktutan ng mga prayle at ng pamahalaang Español sa pamamagitan ng
kanyang panulat na walang takot at may lihim na pang-uuyam. Nang itatag niya ang
“DIARIONG TAGALOG” noong 1882, ibinunyag niya ang kasamaang ginagawa ng
mapagkunwaring mga alagad ng relihiyon at ng pamahalaang Español sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging mahusay na manunulat, isa rin siyang makata, manananggol,


mananalumpati at mabuting kaibigan. Isa siyang mahusay na mang-aawit at mahusay rin
siyang mahusay na mang-aawit at mahusay na tumutugtog ng biyolin.

Ginamit niya ang kanyang kaalaman sa pagsulat, pagtula, pag- awit at


pagtatalumpati sa pagtuligsa sa kapalaluan at kalabisan ng Español sa Pilipinas.
Alamat ng mga Purok ng Maynilad

Noong araw, may magagandang bulaklak na tinaguriang “nilad” na tumutubo sa


baybayin ng Ilog Pasig. Napakarami ng mga bulaklakna ito kaya ang pook sa may
baybayin ng Ilog Pasig ay tinatawag na Maynilad. Sa katagalan, tinawag na Maynila o
Manila ang pook na ito. Unti- unti itong nagbago at naging maganda at maunlad na
lungsod.

Binubuo ang Maynila ng iba’t ibang purok at bawat isa ay may kanyang- kanyang
magandang alamat.

Galing sa salitan “Tundok” na nangangahulugang “maburol na lugar” ang Tondo.

Hango sa pangalang “Binondok” ang Binondo dahil sa mataas na kinalalagyan ng


lugar na ito.

Isang krus na mapagmilagro ang pinagmulan ng Sta. Cruz.

Isang napakalaking puno ng sampalok na may dahon at balat na


nakapagpapagaling ng sakit ang pinagmulan ng Sampalok.

Nagmula ang pangalang Quiapo sa halamang tubig na tinawag na kiyapo na


nakikitang lumulutang sa Ilog Pasig.

Galing sa salitang “pandan” na isang halaman, ang Pandacan.

Noong araw, ang Malate ay isnag maliit na nayon na tinatawag na “maalat” na


nangangahulugan na maasin ang tubig na nanggagaling sa Look ng Maynila. Hindi
masabing mabuti ng mga Espanyol ang maalat kaya tinawag nilang Malate ang pook.
Ang Hudyat ng Himagsikan

Noong madaling- araw ng ika-30 ng Agosto 1896, inihudyat ang pagsisimula ng


himagsikan. Itinaas ni Andres Bonifacio at ng kasama niyang iba pang katipunero ang
kanilang mga sandata upang labanan ang pang-aalipin ng mga Espanyol.

Sa Pinaglabanan naganap ang unang sagupaan ng mga katipunero at mga


Espanyol. Sa nabanggit na labanan, 153 katipunero ang may hawak ng itak., si Bonifacio
lamang ang tanging may hawak ng baril. Nasasandatahan nang husto ang mga Espanyol.
Gayunman, tatlo ang napatay ng mga katipunero sa kanilang labanan. Ito ang nagbunsod
sa mga Espanyol upang umatras at magkanlong sa gusali ng El Deposito sa San Juan,
Rizal.

Nagpatuloy pa rin ang himagsikan. Maraming Pilipino ang nagbuwis ng buhay


hanggang sa tuluyang makamtan ang kalayaan.
Ang Mga Planeta

Siyam ang mga planeta. Ang Mercury ang pinakamalapit sa Araw. Lumilibot ito sa
Araw sa loob lamang ng 88 araw.

Ang Venus ang tinatawag na kakambal ng daigdig. Makikita itong tulad ng isang
makinang na bituin sa langit.

Ang daigdig ang ikatlong planeta mula sa Araw. Sa lahat ng planeta, tinatayang
dito lamang may nabubuhay.

Sinasabing maaari ring may buhay sa Mars sapagkat tila may tubig ang atmospera
nito bagaman kaunti lamang ang oksiheno. Ito ang tinatawag na “pulang planeta”.

Pinakamalaking planeta ang Jupiter. Lumiligid ito sa Araw minsan tuwing 12 taon.

Ang Saturn ang isa sa pinakamagandang planeta. Mayroon itong nakapaikot na


mga singsing na sinag na binubuo ng mga gas, alikabok at mga batong nababalot ng yelo.
Mayroon itong tatlumpu’t isang buwan.

Halos hindi makita sa daigdig ang Uranus sapagkat kaunting- kaunting liwanag
ang nakasisinag dito.

Napakalaki ngunit makikita lamang sa tulong ng teleskopyo ang Neptune dahil sa


kalakihan nito. Mayroon itong dalawang buwan.

Pinakamalayo, pinakamaliit at pinakamadilim sa lahat ng planeta ang Pluto.

Marahil mayroon pang planeta sa likod ng Pluto. Sa kasa;ukuyan ay patuloy pa rin


ang mga siyentista sa pagtuklas nito.
Ang Bawang

Mahalagang sangkap sa pagluluto ang bawang. Ginagamit ito sa paggigisa at sa


pagluluto ng adobo, mitsado, asado at ib pa. Nakapagpapasarapn at nakapagpapabango
ito sa anumang lutuin.

Tumutubo ang bawang sa matabang lupa. Bago itanim ay ibinababad muna sa


tubig nang magdamag ang mga piling ulo ng bawang. Pagkatanim, tinatakpan ng dayami
ang lupa upang mapanatili ang halumigmig at maiwasan ang pagtubo ng mga damo bago
sumibol ang butil.

Dinidilig na lagi ang tanim na bawang upang makatiyak na maraming ani.


Ginagasaman at nililinang ang lupa upang maging madali ang pag-aani.

Kung gugulayin. Inaani ang bawang bago lumaki ang ulo nito at habang berde pa
ang mga dahon. Kung gagamitin ang mga ulo, hintaying gumulang muna nang husto ang
mga tanim. Madaling mabulok sa imbakan ang bawang na hindi gaanong magulang.
Anihin ito kung manila-nilaw o tuyo na ang mga dahon at patuyuin ang ulo sa loob ng isa
o dalawang linggo.

Bago imbakin, pinatutuyong muli sa ilalim ang mga ulo ng bawang nang dalawang
linggo pa.
Si Ramon Magsaysay

Si Ramon Magsaysay ang tinatawag na “Ama ng Programang Lupa para sa mga


Walang Lupa”. Pinasimulan niya ang programang ito upang akitin ang mga Huk na
magsisuko at magpanibagong buhay.

Sa hanay ng ating mga naging pangulo, masasabing si Magsaysay ang may taglay
na karunungang dapat taglayin ng isang namumuno. Isa siyang mekaniko lamang subalit
natakpan ito ng kanyang ipinamalas na pagmamahal, pagmamalasakit at katapatan sa
paglilingkod sa higit na nakararaming maliit na mamamayang Pilipino. Napamahal siya at
dinakila lalo ng mahihirap.

Siya ang kauna-unahang Pangulong nagsuot ng barong Pilipino sapanunumpa sa


katungkulan. Sa pagtanggap sa mga diplomatiko, basi (alak ng mga Ilokano) ang kanilang
iniinom.

Nagluksa ang bayan nang mamatay si Magsaysay sa pagbagsak ng sinakyan niyang


eroplanong Pinatubo, sa bundok Manunggul, cebu noong ika- 17 ng Marso, 1957.
ANG PINAKAMATANDANG LUNGSOD SA PILIPINAS

Isa sa pinakamaunlad na lungsod sa Pilipinas ang Lungsod ng Cebu. Ito rin ang
pinakamatandang lungsod ng Pililpinas.Tinagurian din itong “Lungsod ng Pinakabanal na
Panggalan ng Sto. Nino”.

Makasaysayan ang pook na ito. Sa gitna ng lungsod, makikita ang Krus na itinayo
ni Magellan noong 1521. Makikita sa malapit din ang simbahan ni santo Nino, patron ng
mga magdaragat. Itinayo ito ng mga Espanol noong 1521. May paniniwala ang mga taong
taga-cebu na bumababa ang imahe ng Santo Nino mula sa kanyang pedestral sa altar at
nakipaglalaro sa mga bata. Madalas makikita ang laruan ng mga bata na nasa kamay ng
Santo Nino.

Matatagpuan din sa Cebu ang Colon,ang pinakamatandang kalsada sa Pilipinas.


Maunlad ang lungsod na ito bagaman makikipot ang mga kalsada.

Pinauunlad ang pagtatanim ng mga ubas sa Cebu, hindi lamang sa lungsod kundi
sa buong lalawigan. Daan-daang ektarya ng lupa ang ngayon ay matatamnan ng ubas.
Maaring dumating ang panahon na hindi na tayo aangkatng ubas sa ibang bansa
bagkus,tutustusanna ang buong Pilipinas ng ubas mula sa Cebu.
UNANG SIYENTISTANG PILIPINO

Si Leon Ma. Guerrero, ipinanganak sa Ermita, Maynila noong ika-24 ng Enero 1853,
ang tinataguriang “Unang Siyentistang Pilipino”. Isa siyang parmasyotiko. Dahil sa
kanyang matagumpay na pananaliksik sa bisa ng mga halamang panggagamot, malaki
ang naitulong ni Guerrero sa pagpapaunlad ng kalusugan ng mga Pilipino.

Malaki rin ang naitulong ng kanyang mga unang tuklas sa parmasya at mga
kaugnayan na siyensiya nito sa sangkatauhan. May mga bagong gamot siyang natuklasan
at lalo niyang pinabuti ang bisa ng mga gamut na ginagamit na. Naging daan sa paggawa
ng tiki-tiki sa tulong ng mga halamang katutubo.

Nagbigay sa kanya ng karangalang pandaigdig ang kanyang pag-aaral tungkol sa


ating mga katutubong ibon, kulisap, at halamang ginagamit sa panggagamot.

Hinangaan ng mga siyentista sa ibang bansa ang kanyang mga sulatin sa siyensiya.
ANG PAGTITIYAGA NG MAG-ANAK

Walang dala ang mag-anak ni Mang Arding nang dumating sila sa pook na iyon
kundi kaunting damit at sapat na puhunang ibibili ng kaunting paninda. Umupa sila sa
silong ng isang bahayat nagsimulang magtinda-tinda.

Tulong-tulong silang mag-anak sa pagtitinda. Sa umaga nagbabantay si Olet, sa


tanghali si Aling Ipang at sa dakong hapon si Mang Arding. Sa tiyaga, unti-unting
naragdagan ang kanilang paninda.

Bukod sa matiyaga marunong ding magtimpi ang mag-anak. Iba’t iba ang uri ang
mamimili.May madaling pakiharapan at kausapin at mayroon din naming suplado.
Ngunit para sa kanila lagging tama at dapat pagsilbihan nang wasto ang mamimili.

Umunlad ng umunlad ang munting tindahang iyon, subalit kung kalian pa ito
naging matatag ay saka pa itong nasunog.

Hindi nawalan ng pag-asa ang mag-anak ni Mang Arding. Nagsisimula uli silang
matatag ng bagong tindahan sa pamamagitan ng kaunting salapi na naimpok sa bangko.

Ngayon, masaganang namumuhay ang mag anak, ngunit sa kabila nito ay nanatili
silang mabait at mababa ang loob.
Ang “Great Wall” ng Maynila

Noong unang panahon, pinamamahalaan ng mga raha ang mga nayong bumubuo
sa Lungsod ng Maynila. Napaliligiran ng mga kutang kahoy ang mga nayong ito. Nang
dumating ang mga Espanyol, lumaban ang mga raha ngunit nagapi sila. Gumawa ang mga
Espanyol ng matitibay na pader sa paligid ng lumang kuta. Nakapaloob sa pader na ito na
tinatawag na Fort Santiago, ang lumang lungsod ng Maynila na naging makasaysayang
pook.

Sa loob ng pader ng Fort Santiago nakulong si Dr. Jose Rizal at isa sa mga silid-
piitan nito ang kanyang isinulat ang “Huling Paalam.”

Nang dumating ang mga Amerikano, tinamnan nila ang loob ng pader at ginawa
itong “Sunken Garden”.

Nang dumating ang mga Hapones, ginawang bilangguan ang kuta para sa mga
Pilipinong ayaw makiisa sa kanila. Daan- daang Pilipinong babae at lalaki ang namatay sa
bilangguang ito.

Ngayon ay kinikilalang isang dambana ng kagitingan ang Fort Santiago.


Unang Paaralang Pambayan sa Pilipinas

Sa Corregidor itinatag ang unang paaralang pambayan ng Pilipinas. Ang mga


sundalong Amerikano na tinatawag na Thomasites ang mga unang nagturo roon. Wala
silang mga aklat at papel. Gumamit lamang sila ng pisara sa paglalarawan ng mga aralin
na sinisisipi naming ng mga mag-aaral sa mga dahon ng saging. Ipinadala sa United State
ang mga sinisiping aklat sa dahon ng saging at itinanghal ang mga roon. Pagkatapos nito
daan-daang aklat ang ipinadala sa Pilipinas United State.

Lumaganap ang mga paaralang pambayan sa Piliinas sa ilalim ng pamahalaang


Amerikano. Itinayo ang mga paaralan sa Maynila sa iba pang lalawigan sa ilalim din ng
pamamatnubay ng mga gurong Amerikano.

Sinasabing nagsimula ang ating sistema ng paaralang pambayan sa pagtatag ng


unang paaralan sa Corregidor.
BAYANI NG HIMAGSIKAN

Isa sa mga di-kilalang bayani ng himagsikansi Nazaria Lagos. Isa siya sa mga
kababaihang Pilipinong buhat sa Kabisayaan na nakipaglaban para sa kalayaan.
Ipinanganak siya sa Iloilo noong ika-28 ng Agosto 1851.

Noong panahong ng Himagsikang Pilipino, naatasan siyang mag-alaga ng mga may


sakit at mga sugatang kawal sa Panghukbong Pagamutan ng Himagsikan sa Duenas,
Iloilo. Naglingkod siya bilang patnugot ng naturang pagamutan at ito ang nagbigay sa
kanya ng pagkakataon upang lubos niyang mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan.
Wala siyang itinatanging paglingkuran, maging kawal man o karaniwang pasyente. Dahil
sa kanyang kapuri-puring paglilingkod nahirang siyang pangulo ng local na sangay ng
Red Cross sa Duenas.
ANG LUNGSOD NG BAGUIO

“Lungsod ng mga Pino” ang taguri sa Baguio dahilsa maraming puno ng pino na
matatagpuan dito. Malamig ang klima sa Baguio kaya ito ang panggunahingpook na
bakasyunan lalung-lalo na sa panahon ng tag-init.

Nasa Baguio ang Bumham Park na panggunahing pasyalanng mga tao rito.
Mayroon itong look na bangkaan, laruan ng skating at awditoryum.

Naririto ang dating base military ng mga Amerikano, ang Camp John Hay. Ito ay
isa rin sa magagandang pook- libangan at matatagpuan dito ang mamahaling kainan at
ang palaruan ng golf.

Sa tuktok ng Mirador Hill naman makikita ang groto ng Lourdes. Maaaring akyatin
ito ng mga sasakyan sa pamamagitan ng liku- likong daan. Maaari rin itong akyatin ng
mga tao na gamit ang hagdanang iniukit sa gilid ng bundok na may limang daang baitang
na yari sa semento.

Naririto rin ang Mansion House na opisyal na tahanang pantag- araw ng Pangulo
ng Pilipinas, ang Philippine Military Academy o sanayan ng mga kadete, ang Mines View
Park, ang La Trinidad Valley at marami pang ibang pook na pawing naggagandahan.
Ang Utak ng Katipunan

Tinaguriang “Utak ng Katipunan” si Emilio Jacinto dahil sa kanyang talino at


pagkadalubhasa sa pagsulat.

Mahirap lamang ang mga magulang ni Jacinto. Ngunit sa kabila ng kanilang


kahirapan, naitaguyod nila ang pag-aaral ng kanilang anak hanggang sa makatapos ito.

Labinsiyam na taon pa lamang si Jacinto nang sumapi siya sa Katipunan.


Hinangaaan siya ng ibang katipunero dahil sa kanyang talino, mga payo at kahinahunan
gayong batam- bata pa siya. Naging piskal, kalihim, tagapayo at heneral siya ng
Katipunan.

Sinulat niya ang “Kartilya” na naging bibliya ng mga Katipunero.

Isa ring makata si Jacinto. Kinatha niya ang kanyang pinakamahusay na tulang “Sa
Inang Bayan” sa lilim ng niyugan sa Sta. Cruz, Laguna.

Nakipaglaban siya sa mga Espanyol sa Nagcarlan, Laguna. Nabihag siya ng mga


kaaway ngunit dahil sa kanyang katalinuhan, pinalaya siya ng mga ito. Ipinagpatuloy niya
ang kanyang makabayang paglilingkod ngunit nagkasakit siya at binawian ng buhay
noong ika- 16 ng Abril 1899.
“Rice Terraces” ng Banaue

“Hagdang Paakyat sa Langit” ang taguri sa rice terraces sa Banaue. Binubuo ito ng
hagdan- hagdang taniman ng palay na inukit sa gilid ng bundok. Ginawa ng mga Ifugao
ang mga bukirin sa pamamgitan ng kanilang mga kamay at mga kagamitang bato. Kung
tatanawin sa ibaba, tila ito mga baiting ng isang pagkatarik- tarik na hagdang patungo sa
kaitaasan.

Hinahangaan ito sa buong daigdig bilang isang kagila- gilalas na likha ng tao.
Pinagdarayo ito di lamang ng mga tagarito kundi pati ng mga banyagang nagmumula pa
sa iba’t ibang malalayong bansa.

Isang hamon sa imahinasyon ng makabagong tao ang taniman sa mag gilid ng


bundok. Kung pagdurugtung- dugtungin ang mga dulo nito, aabot sa 14, 000 milya sa
kahabaan, kulang- kulang sa kalahati ng sukat ng daigdig.

Isa itong dakilanglikha ng katalinuhan at gawang- kamay ng tao.


Harana-Awit ng Pag- ibig

Tinaguriang “awit ng pag-ibig” ang harana. Sinasabing isinasagawa na ang


paghaharana noon pa mang panahon ng mga Griyego at Romano.

May kanya- kanyang pamamaraan ng paghaharana ang bawat bansa Naayon ito sa
mga katutubong awitin at kaugnay ng pamimintuho sa nililiyag. Karaniwang sa saliw ng
gitara ang paghaharana sa katahimikan ng gabi.

Nagpasalin- salin ang haran sa mga lahing sumusunod. Bungan g pagbabago ng


kultura, naging makabago na rin ang paghaharana. Sa ngayon, wala nang naghaharana sa
mga lungsod. Ngunit sa malalayong nayon at sa mga lalawigan, buhay na buhay pa rin
ang kaugaliang ito.

Dapat nating pagyamanin ang kaugaliang ito.


Paggalugad sa Karagatan

Ang pagnanasang makatuklas ng mga bagong lupain at mapabuti ang buhay ang
nagbunsod sa mga taong tawirin ang malawak na karagatan at maggalugad sa malayong
lugar. Ang mga Portuges ang nagpasimula ng paggalugad sa karagatan. Ang kanilang mga
mandaragat ang unang nakatuklas at nakapaggalugad sa mga baybayin ng Africa. Isa sa
kanila si Vasco da Gama. Siya ang nakatuklas ng unang ruta sa dagat sa Lisbon patungong
India sa pamamagitan ng pagdaan sa “Cape of Good Hope”. Ito ang nagbibigay- daan sa
Portuges na makarating sa Silangan at magtayo ng emperyong kolonyal sa Asya.

Noong 1492, natuklasan ni Christopher Columbus ang America. Sumunod ang


Spain. Noong 1521, nakarating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas matapos tawiririn ang
Atlantic Ocean at Pacific Ocean. Ang kanyang bapor na Victoria, sa pamumuno ni
Sebastian del Cano ang kauna- unahang bapor na nakapaglibot sa buong mundo.

Marami pang mandaragat na mga Portuges, Espanyol, Ingles, Pranses, Amerikano,


at iba pa ang tumuklas ng mga bagong lupain. Ginalugad nila ang mga kontinente upang
magkamit ng mga kayamanan at karangalan para sa kani- kanilang bayan.
Bayaning Pambansa

“Dakilang Malayo” ang tawag sa kanya,

Nasa Pilipinas, bayaning pambansa.

Sinilangan niya’y Calamba, Laguna

Hunyo labing- siyam nang isilang siya.

Isa siyang henyo na ubod ng dunong;

Doktor, manunulat, pintor at eskultor.

Isang manlalakbay sa maraming nasyon

At maraming wikang natutuhan doon.

Talim ng panulat ang kanyang panlaban,

Ginamit na tabak laban sa dayuhan.

Ang Noli at Fili na lubhang matapang

Ang siyang nagbukas sa mata ng bayan.

At sa Bagumbayan siya’y binaril,

Pag-ibig sa bayan ang naging dahilan.

Subalit sa puso at sa diwa natin

Buhay siyang lagi at sadyang ginigiliw.

You might also like