Professional Documents
Culture Documents
Noong unang panahon, may isang kaharian ng luntiang mga bukid, malinaw na mga batis at asul na mga burol sa Lanao. Pinamumunuan ito ngisang maganda, mabait at napakarunong na prinsesa kaya ginagawa ngkanyang nasasakupan ang lahat upang mapaligaya siya.Pasaganain natin ang ani sa ating mga bukirin, wika ng mga lalaki.Sa gayon, maliligayahan ang ating reyna.Panatilihin nating malinis ang ating mga kabahayanan at maayos anga t i n g m g a t a h a n a n , w i k a n a m a n n g m g a k a b a b a i h a n . S a g a y o n , ikararangal tayong lahat ng ating reyna.Maging masunurin at magpakabait tayo, sabi ng mga kabataan. Sagayon, palagi tayong mamahalin ng ating mga magulang at ng reyna.At ginawa nilang lahat ang kanilang ipinangako. Sinunog ng mgakalalakihan ang kanilang mga sabungan at sugalan at gumawa sa mga bukidsa buong maghapon. Pinanatiling malinis at makintab ng mga babae angkanilang tahanan. Nagpakabait nang husto ang mga kabataan kaya itinaponnang lahat ng mga magulang ang kanilang pamalong patpat, samantalangitinurong mabuti ng mga guro ang mga araling nararapat ituro sa mga magaaral.Lumipas ang mga taon at patuloy ang reyna sa pamumuno nang nag-iisa.Ngunit may isang taong hindi nasisiyahan sa kaharian. Isa siyang masamang pinsan ng reyna. Nais niyang siya ang mamuno sa kaharian atnagisip ng maraming masasamang bagay upang maagaw ang trono ngreyna.Marami pang taon ang nagdaan. Nag-iisang pinamumunuan ng reynaang kaharian. Napakaraming mangingibig mula sa ibang mga bansa, mgahari at prinsipe ang nagmamakaawa sa kanyang pag-ibig, ngunit sinagot silang reyna ng: Kapag tinanggap ko ang isa sa inyo, magagalit ang iba.Magkakaroon ng digmaan. Mamabutihin ko pang manatiling walang asawaat maging payapa ang aking kaharian kaysa mag-asawa at maging dahilanng kaguluhan.Samantala, lihim na may pag-ibig ang masamang pinsan ng reyna saisa sa kanyang mga mangingibig. Nagbalak siya at binulungan niya ito:Bakit ka nagsasayang ng oras? Mahal ka ng pinsan kong reyna. Hindi lamang niya matanggap ang iyong pag-ibig sapagkat maglulunsad ngdigmaan ang iba niyang mangingibig. Dalhin mo rito ang iyong mga kawalat ipapatay mo ang iyong mga karibal at ang mga guwardya ng reyna. P a s u k i n m o a n g l u n g s o d , a t m a g i g i n g i y o a n g r e y n a a t a n g k a n y a n g kaharian.Pinaniwalaan siya ng mangingibig at matuling umuwi sa kanyangbayan. Tinipon niya ang pinakamahuhusay niyang mga sundalo at nagbaliksa kaharian ng reyna. I s a n g m a t i n g k a d n a k u l a y n g i b o n g m a y m a h i y a , a n g N o r i , a n g nakarinig sa pataksil na pakana ng pinsan ng reyna at ng mangingibig.Lumipad ang Nori sa may bintana ng reyna, iwinasiwas ang kanyang mgapakpak at nagsabi: Pakinggan ninyo ako, mahal na reyna. May nais akongsabihin sa inyo.Magsalita ka, sagot ng reyna.Dapat po ninyong malaman na may balak ang isa ninyongmangingibig na patayin ang lah at niyang karibal at ang inyong mga guwardya. Binabalak din po niyang agawin kayo nang sapilitan at pakasalankayo. Ngunit hindi iyan ang lahat. Nais ng inyong pinsan ang inyong koronaat hindi siya titigil hanggat hindi niya kayo napapatay at nakakamit ang pag-ibig ng inyong asawa.Matapos makapagsalita ay lumipad nang papalayo ang ibong maymahiya. Lubhang nabahala ang reyna.Aba, hinagpis niya, sinikap kong pamunuan ang aking kahariannang buong husay at katalinuhan. Sinikap kong mabigyang-kasiyahan angaking mga tauhan sa lubos ng aking makakaya. Ngunit ang sarili kongpinsan pala ang magtatraydor sa akin.Natigib ng kalungkutan a ng kanyang puso. Buong pait siyangnanangis na parang madudurog ang kanyang puso, ngunit hindi niya ipinakita ang kanyang pighati kaninuman.Nang sumapit ang gabi, inutusan niya ang lahat ng nasa palasyo mgakatulong, mensahero, at mga guwardya na lumabas sa bakod ng palasyo.Nag-alinlangan ang mga tao kung bakit gumawa ng ganoong pakiusap angreyna, subalit naisip nilang may mainam na dahilan ang reyna sapagkat walapa siyang nagagawang anumang bagay na hindi makatarungan.Nang makalabas na ang lahat, kinulong ng reyna ang sarili sa kanyangsilid at sinilaban niya ang silid. Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pangmga silid. Nakita ng mga tao ang apoy at tinangka nilang apulahin ito.Ngunit isinusi ng reyna maging ang mga pinto ng palasyo kayat natupok siyakasama ng buong palasyo.Ipinagluksa ng mga tao ang pagkamatay ng kanilang reyna. Nagtayosila ng magarang bakod sa palibot ng kanyang mga abo. Nararapat natinsiyang dakilain sapagkat minahal nila tayo ng lubos, wika nila.I s a n g u m a g a , h i n d i p a n a t a t a g a l a n p a g k a r a a n n o o n , i s a n g mahiwagang halaman ang lumitaw sa bunton ng mga abo. Malalakingpahaba ang berde nitong mga dahon na nakakapit sa isang tuwid na puttingsanga. Walang tinik sa katawan ng puno at iwinasiwas sa hangin ang mgadahon nito.Nakilala ang halaman bilang saging. Ito ay ang ating reyna, sabi ngmga tao sa isat isa. Nabuhay siyang muli. Tumubo ang halamang saging at hindi nagtagal, isang hugis -pusongbulaklak ang lumitaw mula sa ubod nito. Hubog-daliring mga bunga anglumitaw mula sa mga bulaklak nito. Nang mahinog ang bunga, tinikman itong mga tao at nagsabi: Napakasarap! Handog ito ng ating reyna sa atin.Kinain nila ang bunga at lahat ay sumang-ayon na handog sa kanila ngkanilang reyna ay kasintamis niya.Ginawang tsonggo ng Diyos ang masamang pinsan ng reyna.Natuklasan nitong napakatamis ng handog ng reyna kaya naging paboritoniya ito sa lahat ng mga prutas.
Alamat ng Baguio
lSa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba't ibang anito. Kung nagdaraos sila ng caao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya'y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya'y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, " Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caao." Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caao," ang pasiya ni Kunto. Ipinagbigay-alam sa lahat ang caao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain. Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila'y natakot. Maya-maya'y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: "Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo'y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin. "Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito. Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito." Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito'y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.Isang araw, anang isang mamamayan, "kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahatihatian natin." Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit. Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. " Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo'y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan."At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.
libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa
kanilang magandang prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila Magayon at Panganoron.