You are on page 1of 2

KwentongBayan sa Rehiyon VIII

Rehiyon VIII- Silangang Kabisayaan Ang Kataksilan ni Sinogo Maraming maraming


taon sa nakaraan sa bayan ng Leyte, nuong si Maguayan pa ang panginuon sa
dagat, at ang mapusok na Kaptan ang naghahagis ng kidlat mula sa kanyang
kaharian sa langit, pulos mga halimaw ang lumalangoy sa tubig at lumilipad sa
himpapawid. Malalaki ang ipin at matatalas ang kuko ng mga halimaw sa
himpapawid. Subalit kahit ano ang bangis nila, sama-sama silang nabubuhay nang
tahimik dahil takot sila sa galit at lupit ni Kaptan. Kaiba ang lagay sa dagat sapagkat
dambuhala ang mga halimaw na lumalangoy at malakas ang luob nila sa kanilang
laki at lakas. Pati si Maguayan ay sindak sa kanilang laki at dahas kaya hindi siya
sinunod, ni hindi iginalang ng mga halimaw. Balisa araw-araw si Maguayan na baka
siya ang balingan ng mga ito. Natakot at nawalan ng pag-asa si Maguayan na
igalang siya ng mga halimaw sa karagatan kaya’t humingi siya ng tulong kay
Kaptan, ang namumuno sa kalangitan • Tinipon ni Kaptan ang mga halimaw mula
Luzon, Visayas hanggang sa Mindanao at inutos nitong igalang si Maguayan tulad
ng paggalang nila sa Kaptan. Ang sinumang sumuway ay parurusahan at
papatayin. • Nang pinauwi nya ang mga halimaw, nagpiging ang dalawang diwata,
Inutusan ang kanyang tatlong tagahayag na sila Dalagan, ang pinaka-mabilis, si
Gidala, ang pinaka- matapang, at si Sinogo, ang pinaka-makisig at pinaka-mahal ni
Kaptan. • Binigyan ni Kaptan ng gintong kabibe si Maguayan upang kung
mayroong talipandas na sumuway sa utos nito at kalabanin si Maguayan ay maari
nyang isubo ang kabibe at magbagong anyo na mas malakas at mas malaking
halimaw upang matalo nya ang kakalaban sa kanya. Nagpasalamat si Maguayan at
nagpatuloy sa piging •Matagal bago namalayang wala si Sinogo, at ipinahanap siya
ni Kaptan kay Dalagan. Kasing bilis ng lintik, bumalik si Dalagan at hinayag na wala
na sa pulo si Sinogo. Nataon namang napansin niMaguayan na naglaho ang
gintong kabibi kaya nahulaan ni Kaptan na ninakaw ito ni Sinogo at tumakas.
Sumisigaw sa galit, inutos ni Kaptan kina Dalagan at Gidala na habulin at bihagin
ang taksil,Nang namataan nila sa isang daungan si Sinogo, susunggaban na sana
nila ito subalit isinubo ni Sinogo ang kabibe at naging isang malaking buwaya at
sumisid sa dagat. Hinabol nila ito at pinagta-taga subalit hindi umubra ang armas
nila sa kapal ng balat nito. Bumalik si Dalagan sa Kaptan, iniwan nito si Gidala at
ibinalita kung saan lumalangoy itong si sinogo. • Tinambangan ng Kaptan si sinogo
at lumipad patungo sa tinatawag ngayon na Tanon Strait hawak ang isang malakas
na kidlat. Habang tinataga ni Gidala si Sinogo, umalingawngaw ang malakas na
kulog at tumama sa likuran ni Sinogo ang malakas na kidlat ni Kaptan. •Nakatuhog
sa kidlat, hindi naka-alpas si Sinogo at sa pagpu-pumiglas niya, nailuwa niya ang
gintong kabibi. Mahuhulog sana sa putik ang kabibi subalit sinalo ito ng isang isda,
pagkatapos dinala kay Kaptan. Samantala, nanatiling buwaya si Sinogo at patuloy
na palag nang palag sa ilalim ng dagat. •Ang walang tigil na palag ni Sinogo na
dambuhalang buaya ang sanhi ng mga ipu-ipu sa bahaging iyon ng Pilipinas,
bahaging laging iniiwasan ng mga namamangka, sa takot nila sa panganib.

You might also like