You are on page 1of 33

ARALIN 1.

1 MITOLOHIYA: ITALY

CUPID AT PSYCHE

Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak


na babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinaka
maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay
talaga namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit
ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi kayang tumapat sa
gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang
nakapag pagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan
na magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay
napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga papuri na
para sa kanya ay napunta sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na


si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang,
ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay
Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito
ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si Venus sa
kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa.

Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit


wala ring umibig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng
mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila
ang dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay
nakapag-asawa na ng hari. Nagging malungkot si Psyche sa mga
nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang
humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting
lalaking makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari
na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo
kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang
nakakatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang
sundin ang kanyang ipapayo.

Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo.


Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang
damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang
anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok
ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan naghintay
ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag
kamalay mala yang magandang dalaga na ang kanyang
mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid.

Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa


mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang
hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak.
Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kalian ay hindi
niya sasabihin sa mga kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan
ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni
Psyche ay may masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita
ng mga ito kay psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon
ng kanyang asawa.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong


mukha ni Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil
sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit
kay Psyche at irto ay pinahirapan niya ng husto. Iba’y ibang mga
pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong
lahat ni Psyche at ‘di naglaon Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa
(Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa
kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.

MITOLOHIYA

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga


tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na
binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang
tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng
mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na
ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May
kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.[1]
ANG KWENTO NINA BUGAN AT
KINGGAUAN

May isang bathala, si Hinumbian, at ang asawa niya ay si Dakaue.


Sila ay nagkaanak ng isang babae, si Bugan. Magkakasama silang
pamilya sa Luktag (ikalawa sa mga suson o layer ng kalangitan.
Ang pinakamataas ay ang Hudog, sunod ay Luktag, pangatlo ay
Hubulan, at panghuli ay Kabunian na pinakamalapit sa lupa.).

Noong si Bugan ay dalaga na, inanyayahan siya ng kanyang tiyong


si Baiyubibi, bathala ng ulan, na bumaba sa ikatlong rehiyon ng
langit na Hubulan. Inimbitahan siya rito sapagkat doon sa Luktag,
wala siyang gustong mapangasawa. Pagkarating dito, pinayuhan
siya ng kanyang mga kamag-anak na humanap ng mapapakasalan.
Ngunit ayaw pa rin niya. Pinababa nila siya sa huling suson ng
langit, sa Kabunian. Nanirahan siya sa bahay ni Liddum,
tagapangalaga sa Kabunian. Niligawan siya nito, ngunit inayawan
niya rin ang inialay nitong pag-ibig.

Malapit sa bahay ni Liddum (ang napangasawa ay nagngangalang


Lingan) ay may isang lugar na tinatawag na Habiatan na
pinaninirahan ng diyos na gayon din ang ngalan. Dumalaw si
Habiatan kina Liddum, at doo’y nakita niya si Bugan. Itinanong
niya, “Ang magandang dalagang ito, bakit hindi pa siya nag-
aasawa?”

Sinagot siya ni Liddum, “Sinabihan na namin siya, ngunit ayaw


niya. Tinanong ko siya kung bakit. At, alam mo ba? Tumawa
lamang siya. Kaya’t winika ko, ‘Kung hindi mo gustong mag-asawa
rito sa Kabunian, ang mabuti pa’y umuwi ka na roon sa inyo sa
Luktag.’ At tumugon siya: ‘Hindi mangyayari iyon. Nais kong
manatili rito sa iyong bahay. Ako ang bahala kung kailan ko
gustuhing magpakasal. Kapag nakakita o nakatagpo ako ng
maiibigan ko, sasabihin ko sa iyo.’”

Pagkarinig niyon, nagsalita si Habiatan. “Kung gayon, pasamahin


mo sa akin si Bugan. Dadalhin ko siya sa amin at ipakikilala ko sa
aking anak na si Bagilat (diyos ng kidlat).”

“Mabuti nga kung gayon. Tatawagin ko lamang siya,” sang-ayon ni


Liddum. Si Bugan ay pumayag naman.

Pagkarating sa Habiatan, dinatnan nila ang binatang si Bagilat na


nagtatrabaho. Tinanong ni Habiatan ang diyosa, “O, Bugan,
tingnan mo. Hindi ba’t maganda siyang lalaki? Nais mo ba siyang
pakasalan?”

Sumagot si Bugan, “Siya? Paano ko siya pakakasalan? Ang tapang


at ang bagsik kaya niya. Tingnan ninyo, nakapangingilabot ang
paggamit niya sa kanyang nakatatakot na sibat! Hindi rin siya
marunong tumigil, takbo siya nang takbo rito sa buong kalangitan,
sa hilaga, sa timog, sa silangan, sa kanluran. At higit sa lahat,
ayaw ko ng kanyang ginagawang pagwasak sa mga halaman, sa
mga puno, at sa mga prutas, dahil baka pati ako ay masaktan
niya!”

Pagkatapos ay nawika ni Habiatan, “Naku, maselan ka pala.


Pihikan! Mapili! Tunay ngang hindi madali sa iyo ang makapag-
asawa. Kung ayaw mo rin lang palang magpakasal, dapat ay
bumalik ka na roon sa inyo sa Luktag.”

Sumagot si Bugan. “Ayaw ko nang bumalik pa sa Luktag. Ibig kong


magpakasal, subalit doon sa lalaking aking maiibigan. Paumanhin
sa inyo. Ako’y aalis na.”

At umalis nga siya sa bahay ni Habiatan. Habang siya’y naglalakad-


lakad, napagmasdan niya ang lupa sa ibaba. Maaliwalas at payapa
ang panahon kaya maliwanag niyang nakikita ang mundo. Natawag
ang kanyang pansin ng isang lugar na tinatawag na Pangagauan.
Sa gitna ng gubat doon, may isang Ifugao na nagngangalang
Kinggauan – isang binata, nakahubad, walang suot na bahag
(sapagkat ang kanyang bahag ay lubhang luma na), at
nagtatrabaho. Gumagawa siya ng mga hukay na patibong para sa
mga usa, at mayroon siyang tirahang kubo. Nang makita siya ay
biglang naibulalas ni Bugan: “O! Kaawa-awang lalaki! Kahabag-
habag ang kanyang kalagayan!” At, walang anu-ano’y tumakbo
siyang pabalik sa Luktag. Ipababatid niya sa kanyang ama, si
Hinumbian, na ibig niyang bumaba sa daigdig at pakakasalan niya
si Kinggauan.

Pumayag naman ang kanyang ama, at siya nga ay bumaba sa


mundo. May dala-dalang isang lalagyang naglalaman ng lutong
kanin at isang bahag, nagtungo si Bugan sa kubo ni Kinggauan.
Pagkapasok, kanyang itinanong, “Sino ang nagmamay-ari ng
kubong ito?”

Nagulat si Kinggauan at siya’y agad na nagtago. “Ako,” sagot niya


sa nagtanong, “ngunit ako’y nahihiyang lumabas sapagkat babae
ka at wala akong suot.”

Wika naman ni Bugan, “Di bale! Hindi ka dapat mahiya. Heto, may
dala akong bahag para sa iyo.”

Ngunit hindi pa rin lumabas ang lalaki dahil sa hiya. Kung kaya’t
inihagis na lamang ni Bugan ang bahag na kinuha’t isinuot naman
ni Kinggauan. Laking gulat ng lalaki nang makita ang babae at
winika, “Bakit ka naparito? Hindi mo ba alam na isang malaking

kamalasan kapag ang babae ay nakipagkita sa lalaki habang


gumagawa ng mga patibong sa pangangaso?”

Sagot naman ng babae, “Bahala ka sa iyong iniisip, ngunit sinasabi


ko sa iyo: sa halip na kamalasan, isang malaking suwerte ang
darating sa iyo dahil sa akin. Sa ngayon, halika, sabay tayong
kumain at matulog dito sa iyong bahay. Bukas na bukas din,
makikita natin ang iyong suwerte sa pangangaso mo.”

Nang sumunod na araw, pinuntahan nila ang mga patibong na


hinukay ni Kinggauan, at ang mga iyon ay punung-puno ng mga
hayop. Pinatay ni Kinggauan ang mga nahuli at buong araw ay
wala siyang ginawa kundi iyon at ang pagdadala ng mga ito sa
kanyang kubo. Nagtira lamang siya ng dalawang buhay na hayop –
dalawang biik, isang lalaki at isang babae – na pinaalagaan niya
kay Bugan.

Kinabukasan, inusisa ni Bugan si Kinggauan. “Matanong ko lang,


bakit mag-isa ka lang na naninirahan sa ganitong klase ng lugar?”

“Dahil ang mga magulang ko ay mahirap lamang at sila’y kuripot.


Hindi nila kayang ibigay ang aking pangangailangan,” malungkot
na sagot ng lalaki.

“Halika. Pumunta tayo sa inyo,” biglang yaya ng babae.

“Ha? A… e…”

“Sige na. Gusto kong makita ang mga magulang mo,” pangungulit
ni Bugan.

Napapayag naman si Kinggauan. Iniwan nila ang kubo pati ang


mga nahuling hayop. Ang dala lamang nila’y ang dalawang biik.
Nagtungo sila sa Kiangan kung saan naroon ang mga magulang ng
binata. Unang pumasok sa bahay si Kinggauan, kasunod si Bugan.
Dinatnan nila roon ang kanyang ina. Nagulat ang matanda, “Aba,
sino ang babaeng ito?”

“Naroroon lamang po ako sa aking bahay nang bigla siyang


lumitaw. Ni hindi ko nga po alam kung saang lupalop siya
nanggaling.”

Ang matandang nanatili sa pagkakaupo, matapos mapagmasdan


ang dalawa, ay tinanong si Bugan. “Binibini, ano ang iyong
pangalan? At saan ka ba nakatira?”

Sumagot ang dalaga. “Ako po si Bugan, anak nina Hinumbian at


Dakaue, isa po akong bathala sa rehiyon ng langit na tinatawag na
Luktag. Subalit ako po ay bumaba rito sa lupa, sapagkat nais ko
pong samahan ang inyong anak. Nakita ko kasi siyang nag-iisa at
lubhang nalulungkot. Naawa ako kaya dinalaw ko siya sa kanyang
bahay at pinagkalooban ng suwerte sa pangangaso. A, siya nga po
pala, bukas po, dapat tayong magpadala ng mga tao roon sa kubo
niya upang kunin ang napakaraming mga hayop na kanyang
nahuli.”

Namangha ang matanda sa mga sinabi ni Bugan. Nagkataong ang


pangalan ng ina ni Kinggauan ay Bugan din, na may karugtong na
na kantalao.

Hindi naglaon, nagpakasal ang binata at dalaga, ngunit hindi


maringal (enggrande) o pormal na kasal. Nagsilang si Bugan ng
isang malakas na sanggol na lalaking pinangalanan niyang Balituk.
Ang mga biik na dinala nila ay lumaki na at nagkaroon na rin ng
anak.

Sapagkat galing sa langit, si Bugan ay hindi kumakain ng mga


pagkaing gaya ng kinakain ng mga tao. Ang gusto lamang niya ay
kanin, mga ibon, at karne ng mga hayop na nahuhuli ng kanyang
bana (asawang lalaki). Ang mga tao sa kanilang lugar ay hindi siya
nagustuhan dahil hindi niya sila katulad, isa siyang estranghero sa
kanila. Lalo pang tumindi ang kanilang inggit at galit sa kanya
nang makita nila ang napakarami niyang alagang mga ibon at

baboy. Pagkatapos ay kanilang nalamang ayaw ni Bugan ng ilang


mga gulay at isda. Kung kaya’t isang araw ay pinalibutan nila ang
bahay niya ng mga ito. Nagtagumpay sila, at si Bugan ay
nagkaroon ng matinding pangangati sa katawan at mataas na
lagnat. Lumisan siya sa kanyang bahay at nanirahan sa ibang
lugar, habang si Kinggauan naman ay tumira sa isang kamalig o
imbakan ng mga bigas. Subalit ang mga tao sa pook na kanyang
tinuluyan ay nagalit din sa kanya at naglagay na naman ng mga
gulay at isda sa kanyang paligid. Hindi siya gumaling sa sakit at
nagdulot pa ang mga ito ng pagsusuka.

Bunga ng masasamang pakana ng mga tao, iminungkahi ni Bugan


kay Kinggauan na pumunta sila sa langit, sa Luktag, kasama ang
kanilang anak. Sinagot siya ni Kinggauan, “Gusto sana kitang
samahan, Mahal, ngunit lubha akong natatakot na umakyat sa
gayong kataas na lugar. At isa pa, tirahan iyon ng mga bathala.
Ako’y isang hamak na tao lamang.”

“Walang dahilan para ka matakot, Mahal,” sabi naman ni Bugan,


“dahil ako mismo ang magdadala sa iyo sa itaas gamit ang ayud
(isang uri ng duyan). Ako ang bahala sa iyo.”

Ngunit anumang pilit na gawin ni Bugan, hindi naisantabi ni


Kinggauan ang kanyang takot.

Naisipan ni Bugan na gumamit ng lubid. Una siyang umakyat sa


langit bitbit ang kanilang anak. Siya’y nakarating na sa itaas,
subalit si Kinggauan ay hindi sumunod sa kanya. Kung kaya,
bumaba siyang muli, bitbit pa rin ang kanilang anak at hinarap
ang bana.

“Ano ka ba naman, Kinggauan? Alam mo naman ang ginawa sa


akin ng mga kababayan mo. Matindi ang galit nila sa akin
sukdulang ikamatay ko. Kailangan kong lisanin ang inyong bayan.
Ngunit ayaw mo namang sumama sa akin sa Luktag…. A, ang
tanging magagawa natin ay hatiin ang ating anak.”

“Ano?!” gulat na tanong ni Kinggauan.

Ngunit bago pa man siya nakatutol, nakakuha na ng kutsilyo si


Bugan at hiniwa ang batang si Balituk. Hinati niya ito sa gitna, sa
bandang baywang. Ang ulo at itaas na parte ng katawan ay ibinigay
niya kay Kinggauan sa pag-iisip na mas madali para sa banang
buhaying muli ang bahaging ito. Sa kanya naman ang ibabang
parte hanggang paa. Ang mga lamang-loob, bituka, puso, atay,
maging ang dumi ng bata ay pinaghahati rin ni Bugan at ibinigay
ang mga kalahati sa kanyang bana. Pagkatapos nito, umakyat na si
Bugan sa langit. Doon ay binugahan niya ng hininga ng buhay ang
dala-dala niyang bahagi ng kanyang anak. Ito ay nabuhay muli at
naging isang bathalang pinanatili ang pangalang Balituk.

Sa kabilang dako, ang mga bahaging kay Kinggauan ay nabulok at


nasira, dahil isa lamang siyang tao at wala siyang alam at
kakayahan sa pagbuhay muli ng mga patay. Ang mabaho at
umaalingasaw na amoy ng mga nabulok na laman at lamang-loob
ay umabot sa tirahan ni Bugan sa Luktag. Nagtungo siya sa
Kabunian para malaman kung ano iyon, at natagpuan niya ang
mga bahagi ng katawang iniwan niya kay Kinggauan. Labis siyang
nahabag at naghinagpis sa nakitang nangyari sa anak. Bumaba
siya sa Kiangan at doo’y pinagalitan at sinumbatan si Kinggauan.
“Ano’ng ginawa mo sa anak natin?! Ang tindi mo! Wala kang awa!
Wala kang silbi! Binulok mo siya! Bakit wala kang ginawa? Bakit
hindi mo siya binuhay?!”

“Ngunit ano’ng magagawa ko?! Ano’ng alam ko sa pagbuhay ng tao?


Wala akong kapangyarihan para gawin iyon! Tao lamang ako,
Bugan!” pangangatuwiran ni Kinggauan.
Sa huling sinabi ng kanyang bana ay nagimbal si Bugan. Nawika
niya sa sarili, “Hangal! Isa akong hangal! Tao lamang siya! Bakit
nawala sa isip ko ang bagay na iyon?!” Pagkatapos ay nagmadali
siyang kunin ang mga nabulok na bahagi ng anak niya. Maingat
niyang tinanggal ang mga nasirang parte at inihiwalay ang mga ito.
Sa mga nalabing bahagi, ang ulo ay ginawa niyang kuwago, isang
panggabing ibong tinatawag na akup ng mga Ifugao. Sa ibong ito
nagsimula ang isang pamahiin ng mga Ifugao – nagdadala ang
akup ng kamalasan, kung kaya’t dapat silang mag-alay ng mga
ibon kay Bugan upang hindi na sila lapitan o gambalain ng akup.

Ang mga tainga naman ay itinapon ni Bugan sa gubat at tumubo


ang mga ito sa mga puno bilang mga mapanganib na halamang-
singaw (isang uri ng fungi). Ang ilong ay inihagis din niya sa gubat
at ginawang isang uri ng mga kabuteng nakadikit din sa mga puno.
Ang dumi naman ng anak ay ginawa niyang tuka ng isang maliit na
ibong tinatawag na ido* na nagpapasya ng kapalaran o kamalasan
ng tao.

Sa nabubulok na dila ay gumawa siya ng isang sakit – pamamaga


ng dila ng mga tao – na magagamot lamang ng nilagang itlog o
manok na iaalay nila kay Bugan.

Mula sa mga tadyang ay lumikha siya ng mga makamandag na


ahas. Mula sa puso, gumawa siya ng bahaghari. Mula sa mga
daliri, gumawa siya ng mga kabibe, mahahabang kabibeng parang
mga daliri. Ang buhok naman ng anak ay itinapon niya sa tubig, at
iyon ay naging maliliit na bulati at uod. Sa balat ay gumawa siya ng
isang ibong kulay pula, ang kukuk. Sa dugo ay lumikha siya ng
maliliit na mga paniki (litalit). At gamit ang atay, gumawa siya ng
isang sakit sa dibdib ng mga tao. Mula sa mga bituka, lumikha siya
ng medyo malalaking hayop na kahawig ng kuneho o daga
(amunin?). At gamit ang mga buto ng braso, gumawa siya ng mga
bulok na kahoy na nahuhulog mula sa mga puno at bumabagsak
sa mga taong naglalakad.
Ang mga nilikhang ito ni Bugan ay pawang mga bagay na mapanira
sa mga tao, bilang ganti at parusa sa kanilang mga ginawang
pagpapahirap sa kanya noong siya ay namumuhay sa mundo. Ang
ido, o idu, ay ang tawag ng mga Ifugao sa masasamang espiritu.
May maliliit na ibong kulay puti at itim na tinatawag nilang pitpit
at pinaniniwalaan nilang nagtataglay ang mga ito ng masamang
espiritu. Ang mga ibong ito ay tinatawag din nilang ido. Kapag ang
isang Ifugao ay naglalakbay at nakakita siya ng ibong ito at narinig
niya itong humuni, agad siyang hihinto sa paglakad at
mananawagan sa ibon. Tatanungin niya ito kung saan siya
marapat pumunta at bakit. Kapag lumipad ang ibong ito pasulong
o sa gilid, magandang senyales ito; ngunit kapag lumipad ito
pabalik, at humuni sa takot, babala ito sa masamang mangyayari,
kaya ititigil na ng tao ang kanyang lakad at uuwi na muna para
ipagpatuloy sa ibang araw ang kanyang paglalakbay.

GAMIT NG PANDIWA

1.AKSYON- may aksyon ang pandiwa kaapag may actor o


tagaganap ng aksyon/kilos.

Halimbawa:

a. Lumipad ang ibon na nagdidikta kung ano ang mangyayari.

2. KARANASAN- nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag


may damdamin.

Halimbawa:

a. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang


nangyayari.

3. PANGYAYARI- ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

Halimbawa:

a. Sumasaya si Bugan tuwing makikita niya si Kinggauan


ARALIN 1.2 SANAYSAY: GREECE

ANG ALEGORYA NG YUNGIB

Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba,
naka-tanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa
ating likuran at ang tanging nakikita natin ay mga anino ng mga
bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating
humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang
katotohanan tungkol sa mga bagay.Ang larawang ito ang buod ng
rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang “Alegorya ng Kuweba.”
Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa
mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay
na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng
bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan.
Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran
upang sila’y matuklasan.Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na
kanyang naging estudyante. Ayon kay Aristotle, ang katotohanan
ay ang karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata, tenga,
pandamdam, pang-amoy at panlasa. Ang mga ideya ay wala pa sa
ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang
si Plato. Ang isip ng tao ay tinagurian ni Aristotle na ‘Tabula Rasa’
na ang ibig sabihin ay blankong tableta. At bawat karanasan sa
pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa nasabing tableta.
Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.Sa paglipas ng mga
taon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang
empirisismo. Kahit ako ay palo sa kaisipan ni Aristotle. Ngunit
napag-isip-isip ko, bagama’t mali si Plato, may binuksan siyang
pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo – ang pagtingin
lampas sa realidad na ating nakikita.Sa tingin ko’y may punto
pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa aninong
tinuran ni Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating
nakikita kundi may katotohanang mas makapag-papalaya na hindi
makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay binubuo
ng mga ‘atomos’ na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Hindi
ba’t ang materya ay patuloy na mahiwaga sa atin? Misteryo pa rin
ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa
quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na
ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa ating agham.Sa
ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng
kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti, ng ebolusyon ng
pakikisalamuha sa iba pang materya. Alam kong mali ang konsepto
ni Plato sa kanyang rasyunalismo ngunit gusto kong sundan ang
kanyang lohika – ang pagtuklas sa mas malawak at
makapagpapalayang na realidad.

SANAYSAY- ay isang uri ng akdang nasa anyong tuluyan.

 PANIMULA- sa bahaging ito madalas inilalahad ang


pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda at kung bakit
mahalaga ang paksang tinatalakay.
 GITNA O KATAWAN- inilalahad sa bahaging ito ang iba pang
karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na
pasa upang patunayan o suportahan ang inilalahad na
pangunahing kaisipan.
 WAKAS- nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng
sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya batay sa mga
katibayan at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

 TEMA- madalas na mayiisang tema ang sanaysay. Ang tema


ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.
 ANYO AT ESTRUKTURA- ang anyo at estruktura ng sanaysay
ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa.
 WIKA AT ESTILO- ang uri antas ng wika at estilo ng
pagkakagamit nito ay nakakaapekto rin sa pagunawa ng
mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple natural at
matapat na mga pahayag.
 LARAWAN NG BUHAY- nailalarawan ang buhay sa isang
makatotohanang salaysay.
 DAMDAMIN- naipahahayag ng isang magaling na may-akda
ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at
kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
 HIMIG- nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
Maaaring masaya, malungkot, o mapanudyo at iba pa.
ARALIN 1.3 PARABULA: SYRIA
Puasa: Pag-aayunong Islam

Nag-aayuno ang mga Muslim. Tinatawag itong Puasa ng mga


Muslim sa Pilipino at Saum sa Arabic. Ginagawa ito upang tupdin
ang turo ng Qur’an na nagsasaad ng ganito: “Kayo na naniniwala!
Ang pag-aayuno ay iniuutos sa inyo at inutos din sa mga nauna sa
inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina sa sarili.”

Ang puasa ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom,


kasama na ang ano mang masasamang gawi laban sa kapwa mula
sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Hinihinging mag-
ayuno ang mga Muslim sa loob ng 29 hanggang 30 araw ng
Ramadam, ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islam. Napili
ang buwang ito dahil dito nangyari ang unang paghahayag ng
Qur’an kay Propeta Mohammad, sa kuweba ng Hira.

Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ikaanim


ng hapon, sama-sama o grupo-grupong naliligo ang mga Muslim
bilang paglilinis at bilang paghahanda sa puasa. Ang araw na ito’y
tinatawag na peggang ng mga taga-Maguindanao. Naghahanda ng
kanduli o pagkain ang bawat bahay. Kung minsan, ang mga
pagkain sa iba’t ibang bahay ay dinadala sa mosque at ipinakakain
sa mga naroon. Ang kanduli at paliligo ang simula ng gawaing
Ramadan sa loob ng 29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng
bagong buwan.

Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw,


ang bawat Muslim na may kakayahang mag-ayuno ay kumakaing
mabuti ng almusal na tinatawag na saul. Pagkakain ng saul o
kaya’y bago sumikat ng araw, lahat ng uri ng pagkain, maiinom o
ano mang dadaan sa bibig ay ipinagbabawal. Pagkakain, maaaring
bumalik sa pagtulog o magbasa ng Qur’an.

Ipinagpapatuloy ang araw-araw na gawain sa panahong ito ng


puasa. Ang ila’y umuuwi nang maaga sa bahay o nagtitipon sa
mosque kasama ang mga kaibigan, nagbabasa ng Qur’an o nag-
uusap ukol sa relihiyon. Mahigpit na ipinagbabawal ang
pagtsitsimis.

Ang pag-aayuno ay natitigil paglubog ng araw. Sa ilang


pagkakataon, ang pagtigil ng pag-aayuno ay ginagawa sa bahay ng
datu o sinuman sa komunidad na boluntaryong maghahanda ng
pagkain. Tinatawag na pembuka ang paghahandang ito.

PARABULA- Ang salitang PARABULA ay buhat sa salitang Griyego


na “parabole”. Ito’y matandang salita na nangangahulugang
pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Ang parabula
ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng din ang
kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at
kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay. Ang
mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na
kahulugan; ang binibigyan ng diin ay aral sa kuwento.
ANG TUSONG KATIWALA

Noong unang panahon, may isang katiwala na gusto ng paalisin ng


kanyang amo dahil diumano ay hindi maganda ang pamamalakad
nito sa mga ari-arian. Kaya bago siya pinaalis ay hiningan muna
siya ng ulat ng pangangasiwa. Nag-alala ang katiwala dahil wala
naman siyang ibang alam gawin maliban sa pangangasiwa kaya't
tinipun niya lahat ng nagkautang sa kanyang amo at ginawan ng
kasulatan ang mga utang nito ngunit sinigurado niyang mas maliit
ang utang na nakatala sa kasulatan kaysa sa tunay na utang nito
para kung matanggal man siya sa trabaho ay may iba pang
tatanggap sa kanya. Natuwa naman ang kanyang amo sa mga
natanggap na ulat mula sa kanya. Ang ipinahihiwatig ng
parabulang ito ay ang pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa
iyo. Mas higit kang pagkakatiwalaan sa malalaking mga bagay kung
naipakita mong mahusay ka kahit sa maliliit lamang.
ANG ALIBUGHANG ANAK

May isang may-kayang pamilya. Ito ay binubuo ng ama at dalawang


lalaking anak. Simula't sapul ay tinutulungan na ng ama ang
kaniyang dalawang lalaking anak. At magkakasama sila sa matagal
na panahon. Hanggang sa isang araw ay ipinasya ng bunsong anak
na kunin na ang kaniyang mana at maging mag-isa.

Ipinagkaloob ito na ama. At nagsimula nang lumisan ang bunsong


anak. At sa paglipas ng panahon, ay nagastos ng bunsong anak
ang kaniyang mana. Nabaon sa utang at iba pa. Kaya siya ay
naghirap. Nang maglaon ay nagbalik siya sa kaniyang ama. At ang
ama ay nagpasiyang tanggapin siyang muli. Nung malaman ito ng
nakatatandang kapatid ay nagalit siya sa ama. At kinuwestiyon ang
desisyon nito. Ngunit ng malaman niya na ginawa ito ng ama
upang malaman niya ang kahalagahan ng pamilya, ay nagbago na
ang kaniyang saloobin at lubusang pinatawad ang kapatid.
ARALIN 1.4: MAIKLING KWENTO:
FRANCE
ANG KUWINTAS

Si Mathilde ay nakapangasawa ng isang abang lalaki na hindi


kayang ibigay ang lahat ng kanyang luho. Dahil dito laging mainit
ang ulo ni Mathilde sa kanyang asawa. Isang araw, naanyayahan
ang mag-asawa sa isang kasiyahan. Sa halip na masiyahan, si
Mathilde ay nangamba at nagalit sa kanyang asawa dahil wala
siyang magarbong damit na isusuot at kahit ang kaniyang asawa ay
hindi mabibili ang damit na kaniyang nais. Sa kabila ng mga
bayarin at pangangailangan, mas inuna pa ng mag-asawa na bilhin
ang damit. Ngunit hindi pa rin nakuntento si Mathilde dahil wala
siyang alahas na susuotin, kaya’t sila ay nanghiram sa isang
kaibigan na si madam Forestier ng kwintas na ubod ng ganda.

Labis na nagsaya ang mag-asawa kaya’t 4:00 na ng umaga nang


sila ay makauwi. Ngunit nagimbal ang mundo ng mag-asawa ng
mapansin nila na wala na ang kwintas. Sa ganda nito, tiyak na
malaki ang halaga na katumbas ng kwintas. Kaya’t ginugol nila ang
kanilang panahon sa pagtatrabaho upang mapalitan ito. Sa
sobrang pagtatrabaho, tumanda ang itsura ni Mathilde, kaya’t ng
makasalubong niya si madam Forestier habang siya ay naglalakad,
hindi siya nakilala.

Sa kanilang pag-uusap ipinagtapat ni Mathilde ang tunay na


nangyari kay madam Forestier. Gulat naman ang naging reaksiyon
ni madam Forestier dahil sa lahat ng pinagdaanan na paghihirap
ng mag-asawa, ang lahat ng kanilang pagod ay para lang sa pekeng
kwintas.

KULTURA NG FRANCE: KAUGALIAN AT TRADISYON

 Mga wika sa France- French ang pangunahing wika ng 65.4


milyong mamamayan,subalit may iba pang wika ang mga
rehiyon. Tinatayang 3% ng populasyon ang nagsasalita ng
wikang German. Arabic ang ikatlong pinakamalaking wikang
ginagamit. Italian naman ang ikalawang wika ng mga nakatira
sa hangganan ng Italy.
 Relihiyon ng France- Katoliko ang pangunahing relihiyon ng
France tinatayang 80% ay nagsasabing sila ay Katoliko. Ang
iba pang pangunahing relihiyon ng Islam, Protestante at
Judaism.

 Pagpapahalaga ng mga taga-France- Malaki ang


pagpapahalaga ng mga taga France sa kanilang bansa at
pamahalaan at karaniwang nagagalit kapag nakaririnig ng
negatibong komento tungkol sa kanilang bansa. Ang
ekspresiyong “chauvinism” ay nagmula sa France. Ang mga
taga France ay naniniwala sa “egalite” na nangangahulugang
pagkakapantay-pantay, at ito’y bahagi ng motto ng kanilang
bansa “Liberte, Egalite, Fraternite.” Marami ang nagsasabi
na mas pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-pantay
kaysa kalayaan at pagkakapatiran, ang dalawang huling salita
sa kanilang motto.

 Lutuin- Ang pagkain at alak ay sentro ng buhay sa lahat ng


antas ng lipunan, at maraming mga pagtitipon ang nagaganap
sa isang marangyang hapunan. Palaging may tinapay sa
bawat oras ng pagkain at karaniwan nang makakita ng
mahaba, crusty baguettes na iniuuwi sa bahay. Ang keso ay
mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing French.

 Pananamit- Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion


houses; ang mga taga-France ay kilala sa hindi matatawarang
mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay sopistikado
kung manamit, disente at sunod sa uso (professional and
fashionable style), ngunit hindi sobra sa dekorasyon (overly
fussy). Ang karaniwang damit nila ay mahahabang amerikana,
terno, mga bandana (scarves) at berets o bilog at malalambot
na sombrero.
 Sining- Ang sining ay nasa lahat ng sulok ng France – lalo na
sa Paris at iba pang pangunahing lungsod – at ang
impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at Neoclassic ay
makikita sa maraming simbahan at iba pang pampublikong
gusali. Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang
ang Espanyol na si Pablo Picasso at Dutch-born Vincent van
Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at sila rin ang
nagpasimuno ng impressionism movement. Ang Louvre
Museum sa Paris ay ilan sa pinakamalalaking museum at ang
tahanan ng maraming kilalang gawa ng sining, kasama na
ang Mona Lisa at Venus de Milo.

PANITIKANG PILIPINO

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga


damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin
ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na


kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa
salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature),
na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang
titik.
BANYAGA
Liwayway A. Arceo

Dahil sa angking talino at lakas ng loob ni Fely nakapag-aral siya


sa Maynila atnagtapos ng kanyang pag aaral. Siya ay isang hukom
na ngayon. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral siya ay nagtrabaho sa
ibang bansa. Mula nang dumating si Fely kanina ay hindi
miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang
siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon kung
araw ng ga patay at kung pasko. Mula sa salain sa kanyang
harapan aynaita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod
ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang
kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang
serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Ibang-
iba na ang lahat kay Fely, nagbago na ang kanyang pananait, kilos,
pananalita at aging ang kanyang ugali. Ang kanyang ilos ay hindi
na mawari ng kanyang kanayon at higit sa lahat sa kanyang ugali
ay hindi na nagugustuhan ng kanyang nana ibang. Ang pinipigil na
paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Napansin niyang nahapis
ang mukha ng kanyang nana ibang. Abot ang paghingi nito ng
paumanhin. Wala naman siyang balak dumalo sa parangal ngunit
naisip niyang ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang
nayon. Waring hindi niya mataggihan ang karangalang iniukol sa
kanya ng samahan ng mga magsisipagtapos sa kanilang paaralan.
Sa paligid ng kotse ay marami nang tuitingin sa kanya. Ang pinto
ng kotse ay ay hawak ng isang lalaki nang mapagsino niya ay
bahagya siyang napatigil. Pinigil niya ang anyang buntong
hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Hindi kinakailangang
makita niyang nakaharap si Eduardo. Napansin niya sa pagsasalita
nito ang panginginig ng mga labi ni Eduardo. Si Eduardo ang
tanging lalaking nagging malapit sa kanya noon. Ngayon, nalaman
niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan at ito ang
pangulo ng samahan ng mga nagsipagtapos. Bagung-bago sa
kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang
ukha sa bintana ng sasakyan ay nakita niya ang ga atang
nakamasid sa anya. Isinuot niya ang salaming may kulay. At nag
busan ni Eduardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong
nagtumining ang kahungkangang nadarama niya kanina pa.

KOHESYONG GRAMATIKAL-

Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga


salita, parirala at sugnay.

Anapora- Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang


nabanggit sa unahan ng teksto o pahayag o panghalip sa hulihan
bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.

Halimbawa:

Kinausap ko si Kobe, sinabi ko sa kaniya na ang


kaniyang gawa ay mahusay.

Katapora- Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay


binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o ipinalit;
panghalip na ginamit sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto
o pahayag.

Halibawa: Sila ay nag aagawan ng bola dahil sila ay magkalaban.


ARALIN 1.5 NOBELA: FRANCE
ANG KUBA NG NOTRE DAME

Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang


napakapangit na si Quasimodo na nagkakagusto kay La
Esmeralda, isang napakagandang mananayaw. Ngunit hindi lang si
Quasimodo ang may gusto kay La Esmeralda, maging ang paring
kumupkop kay Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan ng
tagapagtanggol ng kaharian na si Phoebus ay nabighani rin. Labis
ang pagnanasa ni Frollo kay La Esmeralda kung kaya't
sinunggaban niya ito isang araw na naglalakad mag-isa. Nailigtas si
La Esmeraldan ng pilosopong si Pierre Gringoire. Dinakip sa
Quasimodo at nakatakdang bitayin ngunit nakiusap si La
Esmeralda kaya't hindi nabitay si Quasimodo. Noong mga oras na
iyon ay nahulog na ang loob ni Quasimodo kay La Esmeralda. Sa
kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay Phoebus ang
katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't
pinagdesisyunan siyang bitayin. Nang oras na siya ay bitayin ay
sumugod ang mga magnanakaw na kaanak ni La Esmeralda upang
ipagtanggol siya at nandoon din si Quasimodo. Pinapili ni Frollo si
La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o mahalin na lamang
siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa mahalin
si Frollo. Noong makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La
Esmeralda ay labis siyang nasaktan at bigla na lang naglaho ngunit
kalaunan ay natagpuan ang isang kalansay ng kuba na nakayakap
sa kalansay ni La Esmeralda.

NOBELA

Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga


pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas
na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila
-isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng
nobela.
PUSONG WALANG PAG-IBIG

Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal


na ang anak niyangsiyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda
na malapit na siyang mamatay at mapapalagay lamang siya kung
mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay.
Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay
wala pang trabaho. Wala namangmagawa si Loleng dahil iyon ang
kagustuhan ng kanyang ama. Bagama't napupusuan niya siTone
na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba.
Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na nga kay
Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang
pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa
hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad
nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata
ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang
dayo ang siya pangmanliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang
nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit
sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na
walasiyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang
nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at
Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay
sa kanyanganak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa
tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at
kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong
sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang
magagawa ang kinauukulanay siya mismo ang gagawa ng hakbang
para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo aynaisipan
nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni
Tenyente Pedro ang mag-amang taga- Pulong-gubat para ikasal na
sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil
wala na talagang ibang paraan bagama't dalawang buwan na ang
lumipas. Natuloyang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi
mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang
pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na
namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si
Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa
anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging
palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na
wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at
pinangalanang "Elisa", at "Nene" ang naging palayaw. Unti-unting
naubos ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa
pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene
at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging
kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na
huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang
mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang
himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang
nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si
Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang
kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa't anak.
Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga
Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang ng
mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan
ang nangyari at nagtakbuhanang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay
Nene kaya't siya'y muntikan nang mabaliw sa kakahanap
samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama
na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging
kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene saMaynila. Hindi
inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang
tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil
pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya
matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina.
Habang tila mababaliw na sa kakahanap ay napagtanungan ni
Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng
ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni
Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling
Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli
ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling
Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba
na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at
binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka.
Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot
si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni
Tomas at Ikeng ang isa't isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng
apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni
Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila
hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at
Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang
humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San
Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang
humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng
pagkukulangniya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at
siya'y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni
Ikeng, ang "pusong walang pag-ibig".
ARALIN 1.6 TULA: EGYPT

ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA

Ang tinig ng ligaw na gansa

nahuli sa pain, umiyak

Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,

hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,

subalit kay ina'y anong masasabi?

Sa araw-araw ako'y umuuwi,

karga ang aking mga huli

Di ko inilagay ang bitag

sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag

Tulang Liriko- Ay punong masidhing damdamin ang tao tulad ng


pag-ibig, kalungutan, kabiguan, kaligayahan at iba pa.
Uri ng tulang liriko

A. Pastoral- ang salitang pastoral ay hango mula sa salitang


latin na “pastor”. Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol
sa nuhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang
pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng
pamumuhay, pag-ibig at iba pa.
B. Elehiya- Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala
ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan at iba pa.
C. Soneto- Tulang ay labing apat na taludtod hinggil sa
damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may
malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao.
D. Oda- Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri
ng damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiya na
bilang ng taludtod sa isang sanong,
E. Awit- Ang karaniwang pinapaksa nito ay ay kinalaman sa pag
ibig, kabiuan kalungkutan, pagasa, pangamba, poot at
kaligayahan.
F. Dalit- Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa
paglilingkod sa Diyos at pananampalataya.

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat- Bilang ng pantig sa bawat taludtod ang isang taludtod


ay karaniwang may 8, 12 at 16 na pantig o sukat.
2. Tugma- Pagkakasintunog ng mga salita sa huling pantig ng
bawat taludtod.
3. Talinghaga- Ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng
makata.
4. Kariktan- Ang malinaw at di-maliliutang impresyon na
naikiintal sa isipan ng mambabasa.
ANG BUHAY NG PALAY

~ Munting butil na tumbagang isinabog sa bukirin


Nang tumubo'y tila damong anong inam pagmalasin
Mga daho'y makikitid na sa uhay tila man din
Kumakaway sa amihang kung umihip ay kay lambing!
~
Sa patak ng mga hamog ng malamig ng umaga
Sa sinag ng haring araw na may taglay ng pag-asa
Sa halik ng hanging-bukid na lagi nang nagsasaya
Ang buki ay naging kumot na luntiang anong ganda!
~
Ang malamig na Nobyembre nang dating ng panahon
Palay natin ay namunga sa tulong ng mga ambon
Nang ang araw ng Disyembre'y sumikat na mahinahon
Kabukirang dating lunti'y naging kulay ginto noon.
~
Ang uhay nn mapipintog ng palay na tila ginto
Nang humapay sa pilapil at sa linang ay yumuko
Magsasaka'y nagsilabas na ya galak bawat puso
At ginapas ang biyayang sa bukid ay tumutubo.
~
Sa saliw ng mga biro at tawanang masisigla
Ginapas ang ating palay, inani rin ang pag-asa
Ang pag-asang kulay ginto ng bukas na maligaya
Ng bukas na mariwasa ng bayan kong sinisinta.

You might also like