You are on page 1of 2

PAGSUSURI SA ISANG KONTEMPORARYONG ISYU : CLIMATE CHANGE

PANUTO : IPALIWANAG ANG BAWAT KASAGUTAN SA LOOB LAMANG NG DALAWANG PANGUNGUSAP.

1. KAHALAGAHAN
 BAKIT MAHALAGA ANG ISYU?

Ang isyu tungol sa climate change ay isang mahalagang isyu, sapagkat pasok sa usaping ito ang mundo
na ating tinitirahan. Bukod doon, kung hindi natin aalagaan ang mundo papaano na ang mga susunod na
mga henerasyon.

 SINO ANG NAAAPEKTUHAN SA ISYU?

Ang naaapektuhan sa isyung ito ay ang daigdig o ang sandaigdig. At, ang isa pang naaapektuhan ay ang
buhay at kalusugan nating mga tao na naninirahan sa lupaing ito.

 SINO ANG NAPIPINSALA SA ISYU?

Katulad ng nabanggit ko kanina, ang napipinsala sa isyung ito ay ang lupain nati at tayo na mismo. Sa
kabilang banda, maari rin na mapinsala ang buhay ng mga susunod na henerasyon.

 KAILAN/SAAN/PAANO NAGSIMULA ANG ISYU?

Nagsimula ang isyung ito dahil sa mga greenhouse gases, at isa rin sa mga sanhi ay ang pagkasira ng
ating ozone layer. At sa kasamaang palad, tayo na pala mismo ang sumisira sa lupain na ating tinitirhan.

2. PINAGMULAN
 MAPAGKAKATIWALAAN BA ANG ANG MGA SANGGUNIANG NAGPAPALIWANAG SA
ISYU?

Ang masasabi ko lamang ay, pagbigyan natin ng pagkakataon na patunayan nila kung may kwenta ba sila
o wala. Bukod doon, dito natin mapagtatanto kung nararapat ba talaga sila sa mga posisyon nila.

3. PERSPEKTIBA O PANANAW
 KANINONG PANANAW ANG HINDI NAPAPAKINGGAN?

Base sa aking pananaw, walang pananaw ang hindi napakinggan. At bukod doon, masasabi kong lahat
tayo ay iisa lamang ang gusto at ito ang iligtas ang mundo.

4. MGA PAGKAKAUGNAY
 PAANO NAAAPEKTUHAN NG ISYU ANG KAPALIGIRAN, EKONOMIYA, AT LIPUNAN?
KALIDAD NG BUHAY?

Naaapektuhan ng isyu ang kapaligiran natin sa paraang, ito ay nakakasira. At para naman sa ekonomiya
at lipunan, ang isyung ito ay may hindi magandang maidudulot, sapagkat kung ekonomiya ang
pagbabasehan ito ay isang malaking banta sa ating ekonomiya, at para naman sa lipunan, maaari tayong
makaranas ng iba’t ibang trahedya o kalamidad nang dahil sa climate change.

5. PERSONAL NA DAMDAMIN
 ANO ANG PAKIRAMDAM TUNGKOL SA ISYU MATAPOS ANG PAGSUSURI TUNGKOL DITO?

Ang aking nararamdaman tungkol sa isyung ito ay, ako’y naaawa sa inang kalikasan sapagkat hindi natin
siya napangalagaan nang maayos. At saka, ako ay umaasa pa rin na maisalba natin ang mundo.

6. EPEKTO
 ANO ANG NAGANAP SA LOKAL, PAMBANSA, AT PANDAIGDIGANG ANTAS TUNGKOL SA
ISYU?

Nang dahil sa isyu, nagpulong ang mga opisyales para bigyan ito ng solusyon. At, nag-isip sila ng
estratehiya kung ano ang gagawin tungkol sa climate change na nararansan ng mundo.

7. MAAARING GAWIN
 ANO ANG MAGAGAWA O DAPAT GAWIN TUNGKOL SA ISYU?

Ang magagawa na lang natin tungkol sa isyung ito ay, dapat kumilos tayo habang maaga pa para
mailigtas nating ang ating lupain. Ang mga simpleng aktibidad na ating pwedeng gawin katulad ng
pagtatanim ng puno ay dapat ipatupad.

 PAANO MAHIHIKAYAT ANG TAO NA KUMILOS TUNGKOL SA ISYU?

Hikayatin natin ang ating kapwa na kumilos ukol dito sa paraang, ating ipakita o ipaliwanag ang mga
hindi magagandang epekto na idudulot nito sa mundo. Bukod doon, anyayahin natin sila sa paraang
ipakita natin ang magiging magandang epekto nito hindi lamang sa inang kalikasan kung hind isa ating
lahat.

You might also like