You are on page 1of 1

NANG MINSAN NALIGAW SI ADRIAN

Lumaki si Adrian at ang kanyang mga kapatid sa isang tahanan


na puno ng pagmamahalan. Bukod rito, may kaya rin ang
kanilang pamilya at naka pagtapos siya ng kursong doktor.
Ngunit, makalipas ang dalawang taon, namatay ang ina ni
Adrian. Dahil rito, naiwan sa kanya ang responsibilad ng pag
bantay sa kanyang amang may sakit.

Dahil sa kanyang pag-iisa, na isipan niyang mangibang bansa


katulad lamang ng kanya mga kapatid. Subalit, hindi ito maka
alis dahil sa kanyang ama. Dagdag pa rito, nagkaroon siya ng
inggit sa mga kasamahan niyang doktor at bigla siyang may
naisip na masama laban sa kanyang mahal na ama.

Dinala niya ang kanyang ama sa kagubatang para iligaw ito.


Ngunit, habang sila ay naglalakad, napansin niyang ang ama ay
nag-iiwan ng mga putol na sangang kahoy. Dahil rito, tinanong ni
Adrian kung bakit ginagawa ito ng kanyang ama.

Sinagot ng ama si Adrian na ginagawa niya ito upang sa pagbalik


ni Adrian ay hindi siya mawawala sa kagubatan. Alam niya rin
daw ang balak ng kanyang anak. At kahit alam niya, na isipan pa
rin niyang gawin ito para sa kanyang mahal na anak.

Pagkatapos nito, hindi na tinuloy ni Adrian ang kanyang planong


masama at gumawa ito ng mabuting plano at hindi na siya na
ligaw ng landas sa buhay.

You might also like