You are on page 1of 1

Araling Panlipunan 10

Bea Nathalie Golingan September 24, 2021


Grade 10-Emerald Quarter 1-Week 1

Performance task:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8:

Kontemporaryong Isyu: Pag-aaral Tungo sa Pag-Unlad


Kahirapan sa mga mamamayan, hindi pagkapantay-pantay, labis na populasyon, paggamit
ng mga droga, diskriminisasyon, at pandemya. Ito lamang ang mga iilan sa mga kontemporaryong
isyu na pumapalibot sa bansa natin ngayon. Mahalaga talaga na pag-aralan natin ito upang ito’y
malutas, at babangon ang lahat. Sino pa ba ang may kakayahang tuusin ito? Kundi tayo lang, at
tayo lamang.

Importante na may alam tayo sa mga nangyayari sa ating paligid. Dahil ang taong may alam
sa buhay, siguradong may kakayahang bumangon sa anumang problema. Ito ang iilan sa mga
kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Bilang isang estudyante, ang pagiging
kamalay-malay sa mga nangyayari sa labas ng silid-aralan ay mahalaga dahil ito ang nagsasanay sa
atin sa magiging desisyon natin sa kinabukasan. Ito rin ay isang paraan upang dakilain natin ang
demokrasya at ibuwal ang kamangmangan. Mahalaga rin na ibahagi natin ang ating nalalaman sa
mga tao sa palibot natin, partikular sa mga kabataan, upang mabuskan rin ang kanilang mga mata sa
mga isyu patungkol sa kapaligiran, ekonomiya, politika at lipunan, at hindi sa kathang-isip lamang.

Ang mga tao ay hindi maaaring tunay na may alam kapag hindi sila mahusay na mga
mambabasa.

Sa katagalan, ang mga may alam patungkol sa mga kontemporaryong isyu ay magiging
bukas-isip na mga indibidwal. Magiging hasa rin sila sarili nilang wika, bokabularyo, malalim din
ang pag-unawa nila sa kanilang binabasa, kritikal ang pag-iisip, madali nilang malulutas ang mga
problema, maibabahagi nila nang maayos ang kanilang nararamdaman, at tataas din ang kasanayan
nila sa pakikinig. Sila ang bumubuo ng mga may alam na mga mamamayan kung saan naiintindihan
nila ang mga pumapalibot sa kanila. Sila ang nagsisilbing huwaran sa komunidad, na tumutulong
upang paunlarin ang lugar na kanilang kinabibilangan. Ang mga may alam tungkol sa mga
kontemporaryong isyu ang mga taong hinahangad natin para sa ating kinabukasan.

Kahirapan sa mga mamamayan, hindi pagkapantay-pantay, labis na populasyon, paggamit


ng mga droga, diskriminisasyon, pandemya, at marami pang iba. Malulutas natin ang mga ito sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu.

Bilang isang mamamayan at mag-aaral nararapat ba na makialam sa paglutas sa mga


kontemporaryong isyu na nagaganap sa atin komunidad? Bakit?

- Oo, dapat na mag-aalok din tayo ng mga pagmumungaki upang malutas ang mga
kontemporaryong isyu na mga ito dahil naaapektuhan din tayo nito at mga mahal natin sa
buhay dahil nagaganap ito sa sarili nating komunidad. Naniniwala rin ako na mas madaling
malutas ang isang problema kapag sama-sama tayo dito, at marami talagang mga sariwang
ideya ang mga mag-aaral patungkol dito.

You might also like