You are on page 1of 1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7 Pahina 35 – Week 8

Ang Paggalang ay Umaani ng Parehong Paggalang

Isa sa mga katangian ng kabataang Pilipino ay ang hilig nilang makipagbarkada


at magkaroon ng maraming kaibigan. Nais nilang mamasyal sa mga lugal na malimit
puntahan ng mga tao tulad ng tabing dagat, parke, mall, at tambayan. Pagkatapos ng
kanilang mga kulitan at mga biruan bigla silang makakaramdam ng gutom at
maghahanap sila ng isang lugal na makakainan. Hindi lahat sa kanila ay palaging may
dalang pera kung kayat pag minsan ay gumagawa na lamang ng dahilan ang isang tao
upang hindi makasama sa kanyang mga kaibigan dahil nahihiya siya na wala siyang
maiaambag sa gastos. Minsan pumunta ako sa Jollibee kasama ng aking mga kaklase.
Bumulong sa akin ang isa kong kaibigan na walang laman ang kanyang bulsa kundi
pamasahe. Iniabot ko sa kanya ang limang daang pisong nasa pitaka ko at sinabi ko
na siya ay umorder ng dalawang chicken joy para sa aming dalawa.

Pagkatapos na ilang araw nagkita ulit kami sa Mall at noon ay may binibili akong isang
gamit sa isang tindahan. Nang bilangin ko ang aking pera ito ay kulang ng dalawang
daang piso para mabili ko ang gamit na nais ko. Napansin ng aking kaibigan na balisa
ako at gusto nang umuwi. Kaagad niya sinabi sa akin kung magkano ang kailangan ko
upang mabili ang gamit na iyon. Siya ang nagdagdag ng kakulangan at pagkatapos ay
pareho kaming umalis ng tindahan na Masaya. Nagpasalamat ako sa kanya at sinabi
niya sa akin na huwag ko na raw intindihin ang perang ibinigay niya sa akin. Doon ko
nawari na dahil binigyan ko siya ng Paggalang noon upang hindi mahalata ng aking
mga kaklase na wala siyang pambili ng pagkain ngayon naman ay tumanggap ako ng
kapwa Paggalang mula sa kanya upangmas hindi ako mabigo sa aking kagustuhang
mabili ang gamit na iyon.

Komentong Natanggap:

Sabi ng lola mas magaling daw po ang may pautang na loob kaysa ikaw ang may utang
na loob.

Sabi naman ng lolo ko kung ano raw ang aking itatanim sa pakikisama yon din daw ang
aanihin kong uri ng pakikisama. Kung magiging salbahe ako sa kanila, iiwasan daw nila
ako.

You might also like