You are on page 1of 18

10

Filipino

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 6:
Buod ng El Filibusterismo
Filipino – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Sariling Linangin Kit 6: Buod ng El Filibusterismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Sariling Linangan Kit


Manunulat: Yvette Rosanna P. Escalera, / Mary Jean L. Sarol / Helen P. Tacdoro
Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan, Lyn Vincent J. Balatero
Tagaguhit: Hareld Candari / Jemar D. Aliñabo
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jean B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Rene P. Sultan
Mary Jane M. Mejorada May Ann M. Jumuad

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education – Division of Davao City
Office Address: DepEd Davao City Division.E. Quirino Ave., Davao City
Telefax: 227-4726
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 6:
Buod ng El Filibusterismo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang SLK na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan sa pagsagot,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang pagtitimpi o pagpipigil sa sarili ay magandang katangian na


nakatutulong para sa isang mabuting usapan. Karapat-dapat na magpakatao
nang naaayon sa batas ng tao at ng Diyos. Makagawa nang sama-sama at
maging maingat sa pagpuna upang hindi makasakit ng damdaming ng iba.
Ang bawat isa sa atin ay may tinatamasang karapatan at sa bawat
karapatan ay may kaakibat na responsibilidad. Pagkatapos mong pag-aralan
ang araling ito, inaasahang matatamo ang sumusunod na kasanayang
pampagkatuto na:

a. nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10WG-


IVg-h81);
b. naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong buod sa iba
pang katulad na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88).

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap tukuyin


ang salitang naghahambing na ginamit sa pangungusap. Isulat
sa sagutang papel ang tamang sagot.

_____ 1. Kasimbilis ng kidlat ang paglobo ng bilang ng mga


nagkakasakit dahil sa covid.
_____ 2. Magkasintangkad sina Bea at Angelica.
_____ 3. Di-gaanong naapektuhan ang bayan ng Batanggas nang
sumabog ang Bulkang Taal.
_____ 4. Labis ang pagdadalamhati ng mga pamilyang namatayan ng
mahal sa buhay dahil sa covid.
_____ 5. Di-masukat ang dinaranas na paghihirap ng mga tao dahil sa
pandemyang nararanasan sa kasalukuyan.

Aralin Natin

Ikaw ba ay handa ng pag-aralan ang bagong aralin? Batid ko na ikaw


ay handa na upang pag-aralan ang bagong aralin. Basahin at unawaing
mabuti ang isang buod sa SLK na ito upang lumawak ang iyong kaalaman at
maunawaan mo ang nilalaman ng araling ito.

1
Buod ng El Filbusterismo

Nagsimula ang El Filibusterismo sa paglalayag ng Bapor Tabo mula sa


Ilog Pasig sa Kamaynilaan patungong Laguna. Palibhasa’y Disyembre noon at
bakasyon sa mga paaralan, lulan dito ang ang mag-aaral na sina Isagani at
Basilio, ang anak ni Sisa. Binata na si Basilio at nag-aaral ng medisina sa
Ateneo Municipal.
Lulan din ng bapor ang mga tauhan sa Noli Me Tangere, na sina Doña
Victorina at Padre Salvi. Hindi pa rin nagbabago si Doña Victorina. Patuloy
siyang nagpapanggap na isang taga-Europa. Pinagpapaumanhinan lamang
siya kapag kasama niya si Paulita Gomez. Si Paulita Gomez ay katipan ni
Isagani.
Naglalakbay si Doña Victorina upang hanapin si Don Tiburcio na ayon
sa balita ay nagtatago sa Laguna. Tumakas si Don Tiburcio dahil sa
pagmamalabis ni Doña Victorina.
Si Padre Salvi, tulad ng dati, ay nangangalirang pa rin.
Kabilang din sa mga pasahero sina Ben Zayb, ang manunulat na
mukhang prayle; Padre Camorra, ang prayleng mukhang artilyero at siyang
kura sa bayan ng Tiyani, ang bayan ni Kabesang Tales; ang prayleng
Dominiko na si Padre Irene; Padre Sibyla, ang Bise Rector ng Unibersidad ng
Sto. Tomas, at si Don Custodio, ang sanggunian ng mga prayle. Natatangi sa
lahat si Simoun. Isa siyang mag-aalahas na matagal ng naninirahan sa
America del Norte. Ipinalalagay na isa siyang mulatong Amerikano dahil kahit
siya mestisuhin ay may kaitiman ang kaniyang kulay. Lagi siyang
nakasalamin ng bughaw na nagbibigay-anyo sa kaniya na isang bulag o dili
kaya ay may kapansanan sa mata. Ang mag-aalahas ay pinanganganinuhan
kahit na ng mga prayle dahil ang mga payo niya ay nakapangyayari sa lahat
ng gawain at pagpapasya ng Kapitan- Heneral.
Nang bisperas ng Pasko, palihim na nagtungo si Basilio sa gubat ng
mga Ibarra, sa puntod ng kaniyang ina. Sa pagdalaw niyang yaon, isang
mapanganib na lihim ang natuklasan ni Basilio- si Simoun at si Ibarra ay
iisa!
Hindi pinatay ni Simoun si Basilio. Alam niya na malihim ang binata
at mapagkakatiwalaan.
Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa kaniyang pagpapabagsak
sa pamahalaang Español. Inihayag ni Simoun ang kaniyang balak. Sa
pamamagitan ng kaniyang salapi, uudyukan niya ng kasamaan ang mga nasa
tungkulin upang mapilitang mag-alsa ang bayan. Si Basilio ang mangunguna
sa paggiba ng pinto ng kumbento ng Sta. Clara upang kunin si Maria Clara
dahil siya lamang ang nakakikilala rito bukod kay Kapitan Tiyago at Ibarra.
Tumanggi si Basilio sapagkat ang tangi niyang hangad ay mamuhay nang
tahimik at makatapos ng medisina.

2
Muli, minsan pang lumapit si Simoun kay Basilio upang pakiusapang
mamuno sa pagkuha kay Maria Clara sa kumbento. Isasabay ito sa unang
pagtatangka ni Simoun ng paghihimagsik. Naghinagpis si Simoun. Nalaman
niya kay Basilio na namatay na ang dalaga nang gabing iyon. Nawala si
Simoun sa sarili kaya hindi siya sumipot sa tipanan nila ng mga taong kausap
niya tungkol sa gagawing pag-aalsa.
Nagbago ng pasiya si Basilio tungkol sa paghihimagsik nang ibilanggo
siya kasama ng iba pang mga mag-aaral. Ito’y dahil sa kilusan sa pagtatatag
ng Akademya ng Wikang Español. Lumapit si Huli kay Padre Camorra upang
humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio. Pinagsamantalahan ni Padre
Camorra si Huli kaya nagpatiwakal ang dalaga sa pamamagitan ng pagtalon
mula sa mataas na bahagi ng kumbento.
Si Simoun ang tumubos kay Basilio sa piitan. Kusa nang ihandog ni
Basilio ang kaniyang tulong sa paghihimagsik na inihanda ni Simoun. Ang
mga kabig ni Simoun na mga tulisan ay mga taong biktima ng kalupitan ng
pamahalaan. Isa na rito si Kabesang Tales, ang ama ni Huli. Natalo ito sa
usapin laban sa mga prayleng umangkin sa kaniyang lupa na pinagbuwisan
ng buhay ng kaniyang maybahay at panganay na anak. Naging guardiya sibil
si Tano, nabihag ng mga tulisan si Kabesang Tales habang nagbabantay ng
kaniyang lupain. Si Huli ay nagpaalila upang may ipantubos sa ama. Napipi
si Tandang Selo sa matinding pagdaramdam sa sinapit nilang mag-anak.
Tuluyan nang namundok si Tales nang palayain ng mga tulisan. Naging
kilabot ng Luzon si Kabesang Tales bilang Matanglawin. Isa pang matinding
kasawian ang naganap nang sa pagsasagupa ng mga kawal at tulisan ay
ipinatudla kay Tano ang kaniyang ama na hindi niya napagsino. Pinatay din
si Tandang Selo ng mga guardia sibil sa nasabing pagsasagupa.
Kabilang si Isagani sa mga nabilanggong mag-aaral dahil kusa niyang
isinuko ang kaniyang sarili. Para kay Paulita, isa itong kahangalan ni Isagani
kaya nakipagkasira sa binata at magpapakasal na kay Juanito. Ang Kapitan
Heneral ang tatayong ninong, mga opisyal at mga prayle ang panauhin.
Magkakatipon sa pagkakataong iyon ang mga diyos-diyosan ng Olimpo.
Itataon naman ni Simoun ang pagpapasabog sa pagdarausan ng kasal – ang
bahay ni Kapitan Tiyago na pag-aari na ngayon Don Timoteo sa tulong ni
Simoun. Pinalagyan ni Simoun ng pulbura ang sahig sa ilalim ng kiyosko,
ang mga dingding, kisame, at bubong.
Isang natatanging lampara na may dinamita ang handog ni Simoun sa
mga ikakasal. Ito ang magsisilbing mitsa sa pagpapasabog sa buong bahay.
Ang pagsabog na ito ang hudyat ng malawakang himagsikan sa buong
Maynila.
Lahat ng ito ay batid ni Basilio sapagkat siya ang pinamuno ni Simoun
sa mga arabal nagmamasid ang binata sa tahanan ni Kapitan Tiyago.
Inaabangan niya ang pagpananaog ni Simoun sapagkat ito ang palatandaan
na malapit na ang pagsabog. Pagkaraan ng dalawampung minuto na

3
masindihan ang lampara, lalamlam ang liwanag nito. Pag itinaas ang mitsa,
ito ang magiging dahilan ng pagsabog ng lampara.
Paalis na si Basilio nang mamataan niya si Isagani. Malungkot na
nakatanaw kay Paulita. Napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang
magaganap. Nanaig ang pag-ibig ni Isagani kay Paulita kaya nang lumalam
na ang lampara, sumugod siya sa bahay at simbilis ng kidlat na sinunggaban
ang ilawan at inihagis sa ilog.
Nabigo na naman ang balak ni Simoun sa paghihimagsik. Natuklasan
ang masama niyang tangka kaya pinag-uusig siya ng maykapangyarihan.
Gayundin ng mga manghihimagsik na makalawa na niyang isinubo sa
panganib.
Nagtago si Simoun sa tahanan ni Padre Florentino sa baybayin ng
Dagat Pasipiko. Uminom siya ng lason upang hindi mahuli ng buhay. Ngunit
bago siya namatay, ipinagtapat niya sa pari kung sino siya at kung ano ang
naging buhay niya sa loob ng mahabang panahon na wala siya sa Pilipinas.
Bago siya nalagutan ng hininga, nagkaroon sila ng palitang-kuro ni Padre
Florentino sa katumpakan o kamalian sa paraang kaniyang ginamit sa
paghihimagsik.
Pagkamatay ni Simoun, inihagis ni Padre Florentino sa dagat ang
sisidlan ng kayamanan ni Simoun upang hindi na ito makapag-udyok ng
kasamaan.
Pinagkunan: Alab ng Lahi pahina 222- 225

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin at


isulat ang titik ng iyong tamang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Sino ang pangunahing tauhan sa nobela? Bakit naging


makapangyarihan siya?
A. Basilio, dahil siya ang may kakayahan na mamuno sa isang
kilusan tungkol sa himagsikan.
B. Kabesang Tales, dahil siya ay isang kabesa na may katungkulan
sa lipunan at matapang.
C. Isagani, dahil nais niyang maghiganti kay Juanito Pelaez dahil
inagaw nito ang kaniyang minamahal.
D. Simoun, dahil sa kaniyang salapi at planong maghiganti sa mga
taong nagpahirap sa kaniya.

4
_____ 2. Kung ikaw ay isa sa naninirahan sa San Diego isang mayaman na
bayan bibili ka rin ba ng mga binibentang mamahaling alahas ni
Simoun? Bakit?
A. Oo dahil ito ay isang investment na maaari kong magamit sa
pagdating ng panahon.
B. Hindi, dahil hindi ito makatutulong sa aking katayuan ngayon
na isang mahirap lamang.
C. Marahil, upang magkaroon ako ng karagdagang palamuti sa
aking katawan.
D. Hindi, dahil hindi ito ang pangunahing pangangailangan ng tao.
_____ 3. Kung ikaw si Padre Florentino itatapon mo rin ba ang kayamanan
ni Simoun? Bakit?
A. Hindi ko itatapon dahil ito ay mahalaga sa akin.
B. Marahil, dahil baka mapapasama ang buhay ko.
C. Oo itatapon ko ito dahil ito ang naging puno’t dulo ng kasamaan
ni Simoun.
D. Hindi ko itatapon bagkus ay itatago ko ang kayamanang nag -
udyok kay Simoun upang maging matapang siya.
_____ 4. Sino ang prayleng nilapitan ni Huli upang hingian ng tulong para
sa pagpapalaya kay Basilio mula sa piitan?
A. Florentino B. Camorra C. Sibyla D. Irene
_____ 5. Ano ang dahilan kung bakit uminom si Simoun ng lason.
A. ayaw niyang magpahuli ng buhay C. matinding depresyon
B. pagkamatay ni Maria Clara D. pagkabigo sa pag-ibig

Ang ibig sabihin ng paghahambing ay paraan ng paglalahad na kung saan


nakatutulong sa pagbibigay - linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na
pinaghahambing. Ang paghahambing ay ginagamit kung naghahambing ng
dalawang antas o ilang katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba
pa. Ang paghahambing ay isa sa 3 antas ng pang-uri na lantay,
pahambing at pasukdol.
Dalawang Uri ng Paghahambing
1. Pahambing o Komparatibo – ginagamit kung naghahambing ng
dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya,
pangyayari at iba pa. May dalawang uri ang kaantasang pahambing.
a. Paghahambing na magkatulad- ginagamit kung naghahambing
ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka,
ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga salitang paris, wangis,
kawangis, gaya, tulad, hawig, kahawig mistula, mukha, kamukha.

5
ka- nangangahulugan ng kaisa o katulad

Halimbawa: Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia

magka – nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad


Halimbawa: Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.
Sing – (sin / sim) – gaya rin ng ka – nagagamit ito sa lahat ng uri ng
pagtutulad. Ginagamit ang sin / sim kapag tuwing may pinaghahambingan
o kinukumpara. Ang sin ay ginagamit kapag ang sinundang salita ang nag-
uumpisa sa katinig maliban sa titik p at b. Ang sim naman ay ginagamit
kapag ang salita ay nag-uumpisa sa titik p at b.

Halimbawa: Magkasingganda ang bansang India at Singapore.


Simputi ng sampaguita ang kaniyang kutis.

Ang maramihang sing -ay naipakikita sa pag-uulit ng unang pantig ng


salitang-ugat. Muli wala ang ganitong pattern sa mga rehiyon ng bansa ang
hindi gumagamit ng reduplikasyon.
Kasing- (kasin /kasim) – ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing,
(sin/sim). Pansinin kapag ginamit sa pangungusap, ganito ang
pattern ng pagkakabuo:
kasing+s.u+ng/ni+pangngalan+si/ang+pang.

Halimbawa: Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat


sila ang sentro ng teknolohiya.
Magsing – (magkasing/magkasim) – ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa
ng pangungusap.
Halimbawa: Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.
Ga/gangga – nangangahulugan ng gaya, tulad, para, paris
Halimbawa: Gamundo ang pagpapahalaga nila sa Kalayaan sa wika at
rehiyon upang magkaroon ng pagkakaisa.

b. Paghahambing na Di-Magkatulad – kung nagbibigay ito ng


diwa ng pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayan.

Uri ng paghahambing na di magkatulad


⚫ Pasahol - kung ang hinahambing ay hindi nakahihigit sa hinahambingan.
Ginagamitan ito ng mga kataga/salitang di gaano, di lubha atbp.

Halimbawa: Di-gaanong mabigat ang bayong ko ngayon kaysa


kahapon.

6
⚫ Palamang - kung ang hinahambing ay mas nakalalamang sa
hinahambingan. Ginagamitan ito ng mga mas, higit na.

Halimbawa: Labis ang naramdaman ni Lea noong nakita niya ang


nanay niya.

Pinagkunan: brainly.ph/question/598578

Gawin Natin

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at punan


ang patlang ng angkop na panlapi o salitang naghahambing. Piliin
lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. _____ ang pangungulila ni Simoun nang malamang pumanaw na


ang kaniyang pinakamamahal na si Maria Clara.
A. Higit B. Labis C. Gasino D. Gabundok

2. _____ halong lungkot at panghihinayang ang natuklasan ni Simoun


tungkol sa nangyari kay Maria Clara.
A. Magka B. Magsing C. Kasin D. Ka
3. _____ ang sakit na naramdaman ni Paulita nang pumanaw
ang kaniyang kaibigan kaysa kay Belen.
A. Gasino B. Di-gaano C. Kasin D. Katulad
4. _____ ganda ang magkaibigang Julia at Juvy.
A. Magkasing B. Magsing C. Kasing D. Katulad
5. Ang buhay noon ay _____ simple kompara sa komplikadong
buhay ngayon.
A. mas B. sing C. Ka D. ga

Sanayin Natin

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (✔) ang


patlang kung ito ay nagsasaad ng paghahambing at ekis (X) kung
hindi. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

_____ 1. Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang nagpaantig sa puso ng mga


Pilipino.

7
_____ 2. Ang nobelang Noli Me Tangere ay hinango mula sa ebanghelyo ni
San Juan Bautista na ang ibig sabihin ay “Huwag Mo Akong
Salingin” samantalang ang El Filibusterismo ay isang nobelang
sinulat ni Dr. Jose Rizal para sa kaniyang kaibigang si Ferdinand
Blumentrit.
_____ 3. Sa nobelang El Filibusterismo ay higit na ipinakita ni Dr. Jose Rizal
ang kaniyang galit sa mga mapang aping dayuhang Kastila.
_____ 4. Di-hamak na mas matapang si Basilio kaysa kay Isagani.
_____ 5. Labis ang paghihinagpis ni Simoun kaysa kay Basilio nang
malaman nitong namatay na si Maria Clara.

Tandaan Natin
Mahalagang maunawaan natin ang kahalagahan ng mga salitang
ginagamit sa paghahambing. Ang paghahambing ay isang paraan ng
paglalahad na nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang
bagay na pinaghahambingan. Ang paghahambing ay ginagamit kung
naghahambing ng dalawang antas o ilang katangian ng tao, bagay, ideya,
pangyayari, at iba pa. Ang paghahambing ay isa sa 3 antas ng pang-uri na
naghahambing sa dalawang bagay.

Suriin Natin

A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap at


punan ang patlang ng angkop na salitang naghahambing.
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

A. Higit B. Labis C. Kasing D. Kapwa E. Mas

1. _________ malawak ang kaniyang kaisipan kaysa sa akin.


2. _________ nakamamangha ang talentong ipinakita ng magkapatid
na Julia at Jolina.
3. _________ ganda si Myrna kaysa kay Angelina Jolie.
4. _________ ang pagkalungkot ni Aling Maring nang malamang nasali
sa pagkasunog ang dalawang niyang aso sa nasusunog
niyang bahay.
5. _________ maayos ba ang naging buhay nila sa Amerika kaysa sa
Pilipinas?

8
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap
tukuyin ang salitang naghahambing na ginamit sa
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

_____ 1. Labis ang paghihirap ng mga tao dahil sa pandemyang


nararanasan sa kasalukuyan.
_____ 2. Di-gaanong naapektuhan ang bayan ng Batangas nang
sumabog ang Bulkang Taal.
_____ 3. Magkasintangkad sina Bea at Angelica.
_____ 4. Labis ang pagdadalamhati ng mga pamilyang namatayan ng
mahal sa buhay dahil sa bagyong Odette.
_____ 5. Kasimbilis ng kidlat ang paglobo ng bilang ng mga
nagkakasakit dahil sa kumakalat na “Omicron variant.”

Payabungin Natin

A. Panuto: Lagyan ng Tsek (✔) ang patlang kung ang paghahambing sa


pangungusap ay patulad, ekis (X) kung ang paghahambing
naman ay di-patulad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____ 1. Higit na maraming mag-aaral ang sumali sa paligsahan ngayon


kaysa nung nakaraang taon.
____ 2. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Raul.
____ 3. Si Deo ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.
____ 4. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.
____ 5. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang
pagsusulit.
____ 6. Kasimbata ng anak niya ang pamangkin ko.
____ 7. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa
nakaraang taon.
____ 8. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Tales.
____ 9. Ang magkaibigang sina Allysa at Bea ay magkasintangkad na.
____ 10. Gabutil ang yelong umulan sa Batangas.

9
B. Panuto Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap at punan
ang patlang ng angkop na salitang naghahambing. Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Kasim B. Labis C. Magkasing D. Kapwa E. Ga

1. _________ bilis ng kidlat ang kumakalat na balita tungkol sa Christine.


2._________ nakamamangha ang talentong ipinakita ng magkapatid na Julia
at Jolina.
3. _________ ganda sina Myrna at Myra.
4. _________ ang pagkalungkot ni Belen nang malamang nasali sa
pagkalunod ang dalawang niyang alagang aso sa nalulunod
niyang sasakyan.
5. _________ mundo ang problemang dala ng Covid 19 sa ating bansa.

Pagnilayan Natin

May mga pangyayari sa binasang buod na maaaring ihambing sa mga


pangyayari sa buod na alam mo katulad ng buod ng Noli Me Tangere.

Panuto: Gumawa ng pagpapaliwanag at paghahambing sa pagkakatulad ng


mga pangyayari sa nabasang buod ng El Filibusterismo o buod ng
ibang akdang nabasa. Gumamit ng mga angkop na mga salitang
naghahambing.

Gawing gabay sa paghahambing ang balangkas na nasa ibaba.


a. Paksa
b. Mga pangunahing tauhan at kanilang katangian
c. Suliraning hinarap
d. Mahalagang pahayag na maiiwan sa isip
e. Mga pagtatangkang ginawa sa paglutas sa suliranin

10
Mga Pamantayan

1 2 3 4 5
Hindi Hindi gaanong
Nakabuo at
naipaliwanag naipaliwanag
naipaliwanag
nang buong linaw nang buong linaw Angkop na
nang buong linaw
ang ang angkop ang mga
ang
paghahambing paghahambing Angkop ang mga salitang ginamit
paghahambing ng
ng buod na ng buod na salitang ginamit sa paghahambing
buod na binasa
binasa at binasa at sa paghahambing at naipaliwanag
at nakagagamit
nakagagamit ng nakagagamit ng nang buong buo
ng mga angkop
mga angkop na mga angkop na ang paksa
na salita sa
salita sa salita sa
paghahambing
paghahambing paghahambing
Mabisang -
Hindi gaanong
Hindi mabisa ang Mabisa ang mabisa ang Kabisaan ng mga
mabisa ang
mga ginamit na ginawang ginawang ginagamit sa
ginawang
salita. pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapaliwanag

Ang
Ang Ang
Ang pagpapaliwanag
pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapaliwanag ay hindi
ay walang nagbibigay ng Kabisaan ng
ay walang nagbibigay ng
gaanong kakintalan sa Kabuoang ng
kakintalang kakintalan sa
kakintalang isipan at pagpapaliwanag
ibinibigay sa isipan at
ibinibigay sa damdamin ng
mambabasa. damdamin ng
mambabasa. mambabasa.
mambabasa.

11
12
Payabungin Natin Suriin Natin Sanayin Natin
A. 1. x 6. / A. 1. C A. 1. x
2. / 7. x 2. D 2. x
3. / 8. x 3. E 3. /
4. / 9. / 4. B 4. /
5. x 10. / 5. A 5. /
B. 1. A B. 1. Labis
2. D 2. Di-gaanong
3. C 3. Magkasing
4. B 4. Labis
5. E 5. Kasimbilis
Gawin Natin Pag-unawa sa Binasa Subukin Natin
1. D
1. B 2. D 1. Kasimbilis
2. A 3. D 2. Magkasing
3. B 4. B 3. Di-gaanong
4. B 5. A 4. Labis
5. A 5. Di-masukat
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Liwanag, Elvira R., Aranzaso, Rebecca E., Badua, Zenaida S. Alab ng Lahi, El
Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal Pinagaang Edisyon Vibal Group
Inc.1253 Gregorio Araneta Ave., Quezon City, Philippines, 2014.

Bucu, Amelia V., Carreon Marga B., Cuaño Felicidad Q., Batayang Akdang
Pampanitikan Obra Maestra El Filibusterismo Ikaapat na Edisyon Rex
Book Store, 856Nicanor Reyes, Sr. St.1977 C.M. Recto Avenue, Manila,
Philippines, 2012.

Marasigan, Emily V., Dayag Alma M., Pinagyamang Pluma, Ang Bagong
Baitang 10 Phoenix Publishing House, Inc., 927 Quezon Ave., Quezon
City. 2015.

brainly.ph/question/598578
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like