You are on page 1of 2

KABANATA VII

Pangkat 9:

Kyla Valdez

Angela David

Prince Valerio

9. Nakita mo ba ang katangian ni Ibarra ng Noli Me Tangere sa


katauhan ni Basilio? Magbigay ng mga patunay.

- Oo nakikita namin ang katangian ni Ibarra ng Noli Me Tangere sa


katauhan ni Basilio. Matalino at magalang si Ibarra. Mataas ang
katayuan sa lipunan dahil na rin sa kaniyang angkan at sa ugnayan
niya sa mga kastilang nasa posisyon. Si Basilio ay mayaman at
magalang din gaya ni Ibarra. Nakapag-aral sa Europa si Ibarra at
nangarap na makapagtayo ng paaralan sa San Diego upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan dito. Si
Basilio ay isang matalinong mag-aaral ng medisina. Siya ay
nagsisikap na mag-aral at makamit ang mga pangarap. Makikita
natin ang pagpapahalaga ng edukasyon nina Ibarra at Basilio at
ang pagsisikap na makamit ang kagustuhan at pangarap nila.
Nagiging sensitibo si Ibarra kung ang pag-uusapan ay tungkol sa
kanyang ama. Si Basilio naman ay mayroong masalimuot na
nakaraan sa pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Siya ay may
busilak na puso at matatag na paninindigan. Masasalamin natin na
ang dalawa ay naiisip ang paghihiganti, tulad ni Ibarra na nagiging
palaban siya kung ito ay hinahamak at nililibak. Subalit, sa Kabuoan,
mas pinili ni Crisostomo Ibarra ang mapayapang pakikipaglaban
kaysa ang marahas na paraan. Si Basilio naman ay nakatuon ang
kanyang pansin sa pagiging maunlad sa pamamagitan ng
pagsuporta sa grupo ng kabataan na nagnanais na aralin ang
wikang Kastila at maging lalawigan ng Espanya ang pilipinas. At
dahil dito, nakikita niya ang sagot sa pag-unlad ng bansa.
Masasalamin natin ang pagkatulad nila sa ibang bagay ngunit
magkaiba ang kanilang layunin sa isa’t isa.

You might also like