You are on page 1of 14

DR.

JOSE RIZAL’S
“EL FILIBUSTERISMO”

***SCENE 1 SA KUBYERTA

DONYA VICTORINA: Buenos dias a todos ust edes! Kalahati lamang ang takbo ng makina, Kapitan,
wala na bang mas bibilis pa rito? (habang namamaypay)
KAPITAN KAPITAN: Kapag bumilis pa’y maglalagos na tayo sa palayang iyon Ginang... (sabay
kindat matapos inguso ang isang dako)
DONYA VICTORINA: Mangyari ay wala ni isa mang mang aayos na lawa sa lupaing ito!
(nagkatinginan ang mga prayle)
*** (sa kabilang dako ng kubyerta)
SIMOUN: Napakadali ng maaaring lunas, at ang totoo’y di ko mawari na itoy lingid sa kaalaman
ninyong lahat. (Tinitingnan siya ng may pagtataka) Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa
bunganga ng ilog (pagturo sa isang dako na sinundan ng mga mata ng naroon) hanggang sa labasan
at paraanin sa Maynila; alalaong baga’y magbukas ng isang bagong ilog at sadhan ang dating Ilog
Pasig.
DON CUSTODIO: Ngunit asan ang magiging pambayad sa manggagawa? (kumunot ang noo nito)
SIMOUN: Walang magugugol, Don Custodio, pagkat mga BILANGGO ang gagawa. (emphasis on
BILANGGO)
DON CUSTODIO: Walang sapat na BILANGGO. (mas lalong kumunot ang noo; also emphasis on
BILANGGO)
SIMOUN: Kung gayo’y piliting gumawa ang mga mamamayan! Bata man o matanda!
DON CUSTODIO: Ngunit iya’y kaguluhan lamang ang dulot! (medyo tumataas nang konti ang boses)
SIMOUN: (tatalikod) Kaguluhan, HAHAHAHA!!! Nag-alsa na ba kahit minsan ang baying Ehipto?
Nag-alsa na ba ang mga bilanggong Hudeo laban sa banal na si Tito? Buong akala ko’y kayo ang
mas lalong nakauunawa sa kasaysayan!
DON CUSTODIO: Ngunit kami rito’y hindi mga Ehipsyo ni Hudeo. At ang lupaing ito’y hindi
miminsang naghimagsik, sa panahong ang mga taga-rito ay pinipilit na maghakot ng malaking kahoy
upang gawing mga daong. Kung hindi dahil sa mga pari…
SIMOUN: Ang mga panahong yaon ay lumipas na, ang mga pulong ito’y hindi na muling magbabalak
maghimagsik, atasan man sila ng lalong maraming Gawain at patawan man sila ng lalong mataas na
buwis. (maglalakad palayo)
DON CUSTODIO: Isang mulatong Amerikano!
BEN ZAYB: Indyong ingles!
(itinaas lamang ni Simoun ang kanang kamay bilang paalam)
(napailing naman ang mga naroon)

*** SCENE 2 (OUTDOOR)

KAPITAN BASILIO: Ang kalagayan ng Kapitan Tiyago, kumusta?


BASILIO: Gaya ng dati, panay tanggi pa rin sa pagpapagamot at ngayon nga po’y inutusan akong
magpuntang San Diego upang masipat ang doo’y mga paupahang bahay.
KAPITAN BASILIO: Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ang masamang gamot na iyan.
ISAGANI: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isa pong uri ng halaman. Ito’y hindi isang
gamut na bagong tuklas ng iilan, at hindi rin isang halamang bagong tubo sa ganitong kapanahunan,
hindi ba, Basilio?
BASILIO: (palihim na napangiti sa sinabi ng kaibigan) Sang-ayon ako sa iyong tinunan kaibigan.
KAPITAN BASILIO: Tama’t meron nga! Hindi nga lamang gaanong napapnsin noon. Maiba ako, ang
plano ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
BASILIO: Mabuti naman po. Handa na ang mga guro maging ang paaralang gagamitin.
KAPITAN BASILIO: (bumuntong hininga) Palagay kong di matutuloy iyan dahil sa magiging pagtutol
ni Padre Sibyla.
ISAGANI: Matutuloy po matapos makipagkita ni Padre Irene kay Kapitan Heneral para sa
permiso.
KAPITAN BASILIO: Ang pondo’y saan magsisimula?
ISAGANI: Aambag ang bawat eskwela. Ang mayamang si Macaraig naman ang bahala sa mga
kagaitan.
KAPITAN BASILIO: Mabuti kung ganoon. Maging matagumpay nawa kayo. Maiwan ko na kayo.
(umalis at naiwan ang dalawa)
BASILIO: Maiba nga ako, ano nga pala ang sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita? (napangiti si
Isagani)
BASILIO: Teka! Kaibigan… (natatawa) nabanggit ko lamang ang ngalan ng iyong kasintaha’y
pinamulahan ka na! Ang umiibig nga naman!!! (iilig-iling) Kaya lang ay…
ISAGANI: (kinabahan) (kumunot ang noo) Ano?
BASILIO: Teka! Ibig kong sabihin ay kaya lang, palagi niyang kasama ang tiya niyang parang
pinaglihi sa sama ng loob. Palibahasa’y gurang na!
(nagtawanan ang dalawa)
(Dumating sng mag-aalahas na si Simoun)

***

SIMOUN: Magandang araw sa inyo. Anong mero’t tila kayo’y nagkakatuwaan? Basilio, ikaw ba’y
pauwi na at magbabakasyon?
BASILIO: Ganoon nga po, Ginoong Simoun.
SIMOUN: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan?
BASILIO: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang an gaming bayan. Hindi pa po ba nakararating
doon?
SIMOUN: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigang alam kong mahirap. (habang nakangisi)
ISAGANI: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi naming kailangan. (unti-unting
napalitan ng hilaw na ngiti ang kanina’y ngisi ni Simoun)
SIMOUN: Bueno, heto’t saluhan niyo na lamang akong uminom ng serbesa.
BASILIO: Salamat Ginoo, ngunit kami po’y hindi umiinom.
SIMOUN: Ganoon ba? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom. (gumuhit
ang inis sa mukha ni Isagani)
ISAGANI: ‘Di tulad ng lakohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay
nagalit, maaaring lumawak at maging dagat na hadang manghawak at pumatay. Kapag naman
pinainit at nagging singaw ay handing tumuaw.
(natigilan si Simoun at bakas ang pagkamangha)
(nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Basilio sa dalawa; siniko si Isagani)
BASILIO: Paumanhin Ginoong Simoun ngunit kami’y mauuna sa inyo. May naghihintay po sa amin
sa dakong hulihan.
SIMOUN: Walang anuman. (umalis si Basilio at Isagani) Pangarap, Basilio, pawing mga pangarap!
(ani ni Simoun habang tinatanaw ang dalawang papaalis)
*** (habang naglalakad)
BASILIO: Kinaya mong sagutin si Don Simoun nang ganoon.
ISAGANI: Siya’y halos kinakatakutan ko! Nakapanghihilakbot!
BASILIO: Siya ang tinawag na “Kayumangging Kardinal:!
ISAGANI: Kardinal? (sabay lingon kay Basilio)
BASILIO: Kamahal-mahalang itim kung siya mong ibig. Si Don Simoun ang Sanggunian ng kapitan
Heneral. (tila pagpapaintindi ni Basilio sa kaibigan)
(LOOB NG BARKO) (SA KABILANG DAKO)
KAPITAN HENERAL: Padre Florentino! Tayo na sa itaas! Naroon sina Padre Camorra at Padre
Salvi!
PADRE FLORENTINO: Salamat Kapitan, ngunit…
KAPITAN HENERAL: Kung hindi kayo papanhik sa kubyerta ay iisipin ng mga prayleng sila’y ayaw
mong makasalamuha.
PADRE FLORENTINO: (bumuntong hininga) Ako’y susunod na lamang.
(umalis si Kapitan Heneral)
(nilapitan ng padre si Isagani)

PADRE FLORENTINO: Isagani, iwasan mong pumtang kubyerta habang ako’y naroroo’t baka
magpakalabis na tayo sa kagandahang loob ng Kapitan.

ISAGANI: Opo. (pagkaalis ni Padre Florentino) Iyo’y palusot niyo lamang. Ang totoo’y ayaw niyong
makausap ko si Donya Victorina. (bulong nito sa sarili)

*** SCENE 3 SA KUBYERTA

(dumungaw ang ulo ni Simoun sa may hagdanan)


DON CUSTODIO: Saan naman kayo nagtago? (baling nit okay Simoun) inyong nakaligtaan ang
bahaging pinakamainam sa paglalakbay.
SIMOUN: Ay naku! Hindi ako nagtatago. (medyo ilang nitong sagot) Nakakita na ako ng mga ilog at
tanawin. Ang nakakamangha sa aki’y young may mga alamat.
KAPITAN HENERAL: Alamat. Mayroon ang Ilog Pasig niyan. Kung tama’y maging si Donya
Geronima ay mayroon din na….. (kaunting katahimikan)…..ah…. alam ni Padre Florentino?
PADRE SIBYLA: Iyan ay parang kwentong bayan na, alam ng lahat. (nagmamalaki)
DONYA VICTORINA: Ngunit pakiwari ko’y ‘di napadpad sa memorya ko iyan.
BEN ZAYB: Siyanga! Ang kwento’y tungkol saan Padre?
PADRE SIBYLA: (humakbang habang parang may tinatanaw sa malayo) Isang estudaynte raw…
BEN ZAYB: mawalang galang, ngunit Kapitan, nalalaman ba ninyo kung saang dako ng lawa
napatay ang isang nagngangalang Barbara, Guevarra ba o Ibarra? (tunog hindi kasiguraduhan)
DONYA VICTORINA: Ibarra, Crisostomo Ibarra iyong Ginoong Ben Zayb (sabay palo sa ginoo ng
abaniko nito) Saan nga ba Kapitan? (baling nito sa Kapitan) May bakas kaya sa tubig? (natahimik
ang kapitan at napukol ang tingin lahat dito)
KAPITAN HENERAL: (tumuro sa isang direksyon at huminto kay Simoun, sumunod ang mata ng
mga tao rito) Hindi sa kanya! Doon… sa malayo. Ayon sa kabo ng mga kawal na tumugis kay Ibarra,
nang malapit na siyang masukol, siya’y tunalon at sumisid ditto. May dalawang milya, ayon sa kanila,
ang kanyang nilangoy at sa minsang litaw ng ulo niya sa tubig ay inuulan siya ng bala. Nawa siya sa
kanilang paningin, ngunit ang tubig sa dakong iyon ay nagkulay dugo.
BEN ZAYB: Ang bangkay kung gayon…
PADRE SIBYLA: Nakasama sa bangkay ng kanyang ama!
PADRE SALVI: Hindi ba’t isa rin siyang filibuster? (umarko pa ang kilay nito)
BEN ZAYB: Napakamurang paglilibing, hindi ba, Padre camorra?
PADRE CAMORRA: (habang natatawa) Lagi ko ngang nasasambit na ang filibuster ay hindi bagay
sa mararangal na libing.
BEN ZAYB: (napatingin kay Simoun) Ngunit, may mali hob a na Ginoong Simoun? Nahihilo ba kayo?
Kayo pa naman na datihang manlalakbay! Kayo ba ay naluluha sa gantong halos patak lamang ng
tubig ang laman?
KAPITAN HENERAL: Hindi ninyo maikukumpara sa isang patak ng tubig ang lakbaying ito. Ang
lawing ito ay higit na Malaki sa alinmang lawa sa Suisa o lahat ng lawa sa Espanya pagsama-
samahin man marami nang mga sanay na mandaragat ang nangahilo rito.

*** SCENE 4 TAHANAN NI KABESANG TALES

JULI: (habang nagwawalis) Kuya, sa tingin mo, ako kaya’y tulad mong makapag-aaral sa Maynila?
TANO: Aba, ba’t hindi?
(lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo)
(lumapit ang maagkapatid kay Tales)
TANO: Ama, si Juli? Kailan ho kaya siya luluwas pa-Maynila upang mag-aaral?
JULI: Kuya… (sita ni Juli)
KABESANG TALES: Sa isang taon. Nagsaya ka na’t tulad ng ibang dalaga sa baya’y mag-aaral ka
na sa Maynila.
JULI: Totoo, ama?! (sa tuwa’y niyakap si Mang Tales)
TANO: Ang totoo ama, si Basilio’t ang pangako nitong kasal ang laman ng isip---aray! (siniko siya ni
Juli)
JULI: Kuya naman… (tumakbo si Tano at hinabol ni Juli)
KABESANG TALES: Maganda ang ani natin ama… (bumuntong hininga)
TATA SELO: Maganda? Ngunit saan nanggaling ang buntong hininga?
KABESANG TALES: (gumawa ng ilang hakbang at tinanaw ang lupain) Ang mga prayle ama…
(muling bumuntong hininga)
TATA SELO: Magpaumanhin ka! Ipapalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig at
sinakmal ng malaking buwaya at maging kanyang kamag-anak ay naroroon.
KABESANG TALES: Ngunit ama, sila’y umaabuso na!
TATA SELO: Magpaumanhin ka!
(Dumating si Padre Camorra at Padre Salvi maging mga guwardiya sibil)
PADRE CAMORRA: Talesforo! Buti’t naabutan kita!
KABESANG TALES: Magandang araw padre! Naparito ho kayo?
PADRE CAMORRA: Kailangan mo nang magbayad ng buwis! Dalawandaang piso!
KABESANG TALES: Dalawandaang piso?! Napakalaki naman. (humina ang boses sa huling
sinambit)
PADRE SALVI: Kung hindi ka magbabayad ay iba ang makikinabang dito!
PADRE CAMORRA: Oo nga’t hindi ka magbabayad, ang lupaing ito’y ipalilinang ko na lamang sa
aking trabahador. Matagal na rin siyang tapat na nanilbihan sa akin.
KABESANG TALES: Ako ang naghirap na magtanim at mag-ani rito. Dugo’t pawis ang ibinuhos ko
para rito.
PADRE CAMORRA: Hindi naman sa iyo itong lupang nililinang mo!
PADRE SALVI: Ito ay pag-aari ng korporasyon.
KABESANG TALES: Pag-aari? May kasulatan ba kayo bilang patunya na ang lupaing itoy’ iyo?
PADRE CAMORRA: Meron
KABESANG TALES: Asaa’t nang matingnan ko kung totoo?
PADRE SALVI: Hindi na kailangan.
KABESANG TALES: Hangga’t wala kayong naihaharap na katibaya’y ni kalahati ng buwis, hindi ko
babayaran!
TATA SELO: (bumulong sa anak) Anak, huwag kang magmatigas.
PADRE CAMORRA: Tama ang iyong ama. Telesforo? Walang paroroonan ang ‘yong
pagmamatigas.
KABESANG TALES: Katapatan naming ang nakatay rito, hiling kong makipag-usap.
(nanggagalaiting ani nito)
(bahagayang umabanate pasugod sa mga prayle)
(pinigilan ng mga guwardiya sibil at tinutukan ng baril)
PADRE CAMORRA: Que Barbaridad! Mula ngayo’y is aka nang ganap na guwardiya sibil! (turo kay
Tano) (pinalo si Tata Selo sa ulo ng baril at hinila si Tano)
JULI: Kuya!!! Huwag!!!
KABESANG TALES: Hindi!!! Huwag si Tano!!!
TANO: Ama!!! Juli!!! Aaaaahhhh!!! (niyakap ni Tales si Juli; maya-maya’y bumalik ang mga
guwardiya sibil)
GUWARDIYA SIBIL: Limang daang piso ang nais n gaming pinuno, kung hindi’y kikitilan g buhay
ang iyong ama, binibini.
JULI: Saan ko huhugutin ang ganoong halaga? Mga alahas ba? Liban lamang itong Agnos. (titingin
sa malayo) Basilio… (hahalikan at isusuot ang agnos) Ngunit kulang ito. (nag-isip muna) Tama!
Hermana Penchang! Dinig ko’y nangangailangan siya ng utusan ngayon. (sumibol ang munting ngiti
sa labi ni Juli, puno ng pag-asa)

*** SCENE 5

(NAGDADASAL SI HERMANA PENCHANG)


HERMANA PENCHANG: (mabilis na bigkas) Santos Dios Santo Fuerte Santo Immortal Libranos
senor de la peste y de todo mal.
JULI: (nauutal) P-Pasensiya na po at n-nahuli ako. Santo Dios S-Santo Fuerte Santo Immortal L-
Libranos senorde la peste y de todo mal.
HERMANA PENCHANG: (Binatukan si Juli) Tsk. Tsk. Tsk. Hindi ko mawari kong ni sa ba’y
nagdarasal sa iyong bahay at di makalabas nang tama ang dasal diyan sa bibig mo! (muling
nagdasal nang mabilis) Santo Dios Santo Fuerte Santo Immortal Libranos senor de la peste y de
todo mal. (sabay yuko)
JULI: Paumanhin po (sabay yuko)
HERMANA PENCHANG: Paumanhin? Tsk! Santo dios Santo Fuerte Santo Immortal Libranos senor
de la peste y de todo mal. Sagot?!! (Kinurot si Juli)
JULI: A-aray …O-opo… S-Santo Dios Santo F-Fuerte Santo Immortal L-Libranos senor de la peste y
de todo mal.
HERMANA PENCHANG: Kapag hindi namutawi nang maayos ang mga salitang iyan sa iyong bibig
ay magiging makasalanan ka habang buhay. Santos Dios Santo Fuerte Santo Immortal Libranos
senor de la peste y de todo mal… (balik nito sa dinadasal)
*** SCENE 6
BASILIO: (umikot sa isang pun at naupo sa tabi nito) Panahon na ang lumipas nang huli kong tapak
rito, ngunit sariwapa rin ang lahat sa akin. Parang kahapon lang ay sakit ng buong pagkatao ko
(Tumayo nang matanaw ang malapit na ilaw) (pilit niyang inaninag ang nakikita ) Ginnong Simoun?
Ngunit ano ang pakay niya rito sa libingan ng aking ina? (tanong nito sa sarili)
(Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon.
Isang alaala ang bumisita sa kaniyang isipan; labintatlong taon na ang nakalilipas, habang hinahabol
ang kaniyang ina noon, duguang lalaki ang naabutan niya sa gitna ng kagubatan. Naki usap ang di-
kilalang tao na sunugin ang bangkay ng isang lalaki.)
BASILIO: May maitutulong ho kaya ako, Ginoo?
SIMOUN: Ba’t ka naririto sa kagubatan?
BASILIO: Kung iyong magugunita, dito naganap ang una nating pagtatagpo may labintatlong taon na
ang nakakaraan. Kung ako’y hindi po nagkakamal. Kayo ang unang naghandog sa akin ng isang
pakikiramay. Ikagagalak ko kung muli akong makatutulong.
(Hinugot ang kamay sa bulsa kasabay ng paglabas ng kaniyang rebolber at itinutok kay
Basilio)
SIMOUN: Ako ba’y nakilala mo? (Humakbang patungo kay Basilio)
BASILIO: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang tao ng matagal nang sawi sa kaalaman
ng lahat.
SIMOUN: (nagpakita ng mukhang may halo-halong emosyon:pangamba, inis, at galit) Isang lihim ang
napapahamak sayo. Iyo bang nalalaman na maari kitang mapaslang? May katotohanan ang lahat ng
‘yong tinuran. (tatalikod kay Basilio) labintatlong taon nang ako’y pumarito upang dakilain ang isang
kaibigan na kahit buhay ay inilaan maipaglaban lamang an gating mga karapatan! (Bumaling kay
Basilio) At ngayon ako’y nagbabalik upang dugtungan ang kanya nang nasimulan. (tumingin sa
malayo) Hindi ko akalaing ang lasong naiwan ay tuluyan nang nilukob ang lipunan. (tinitgan si Basilio
sa mga mata) At ang mga kabataan! Parang animo’t sunud-sunuran sa kasamaan! Walang boses na
kahit pilit ay di pinakinggan!
BASILIO: Mali Ginoong Simoun! Pinag-aaralan ngmga kabataan ang wikabg KAstila nang sa
ganoo’y hinaing nati’y mapahalagahan ng pamahalaan! At ito ang wika n gating mga karapatan! Ng
ating mga pagkatao!
SIMOUN: Kasinungalingan! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Itatago lamang ng
huwad na wikang ito ang karapatang sinasabi mo! Ang mga pagkataong pinahahalagahan nating
mga Pilipino!
BASILIO: Ginoo, hindi ninyo naiintindihan. (medyo kalamadong boses ni Basilio)
SIMOUN: Kung ika’y makapagtatapos ay ano? Mararamdaman mo ba ang saya ng iyong bayan?
Ang mga tao ba’y magkakaron ng kalayaan? At ano? Hahayaan mo na lamang bang tapak-tapakan
ng mga pang makasalanan ang libingan ng iyong mga mahal?
BASILIIO: (nawalan ng pag-asa) Anong magagawa ko Ginoong Simoun? ‘Ni sarili kong karapatan ‘si
ko magawang pangatwiranan, paano pa ang kanila?! Isa lamang akong hamak na estudyante,
walang ibubuga. Hindi maaaring hukayin ko ang bangkay ng aking ia at iharap sa hukuman matapos
ay ituro sa kung sinong Kastila ang kasalanan! (umalis ng payapa si Basilio; nanatili naman si
Simoun)
SIMOUN: (voice over): Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Malakas ang manghahari’t ang
magihina’y mawawaksi. (end of voiceover) Kaunting pawis na lamang, didikit na sa’kin ang
tagumpay. (bulong nito) Kaunting tiis na lamang.

*** SCENE 7 (BAHAY NI KABESANG TALES)

SIMOUN: (habang nakacross legs at nakahilig sa upuan; kumuha ng kwintas) Nagkataon namang
mayroon akong mga katangi-tanging mga antigong kwintas dito. (kumuha pa ng isang kwintas) Isa
din dito’y pagmamay-ari ni Cleopatrana nakuha pa sa piramide. Meron din akong mga singsing ng
dating mga mambabatas ng Romano.
(tatango-tango ang mga kababaihan)
(napansin ni Simoun si Kabesang Tales)
SIMOUN: May nais ho ba kayong ipagbili?
KABESANG TALES: Ang lahat ng alahas ng aking anak ay ipinagbili na.
(hawak-hawak ni Kabesang Tales ang laket at pinagmamasdan)
(ang mga kababaihan ay sinisenyas na ito’y ipagbili kay Hermana Penchang)
HERMANA PENCHANG: (lumapit at sinipat ang kwintas) Kung sak’y itatago ko iyong parang relikya.
Ang sabi-sabi ay sa kumbento, si Maria Clara’y buto’t balat na, naghihina’t sabi pa’y mapuputulan na
ng hininga. Mataas ang pagtingin sa kanya ni Padre Salvi, siya ang padre compesor niya. Marahil
iyon ang dahilan ng pag-ayaw ni Juli sa pagbebenta ng Agnos, bagkus ang sarili ang kaniyang
isinanla.
KABESANG TALES: Kung ayos lang, ako’y tutulak muna patungong bayan upang isangguni sa
aking anak. Babalik ako bago magdilim.
(nagsialisan ang mga tao)
(naupo si Simoun at naghintay)
(kinuha ang lalagyan ng rebolber; nakakita ng sulat at Agnos ni Maria Clara imbes na ang
mismong rebolber)
VOICE OVER: (Sulat ni Kabesang Tales)
“Ipagpatawad po ninyo, na sa sarili kong tahanan ay pinagnakawan ko kayo, ako’y
pinangunahan lamang ng pangangailangan. Ipinalit ko sa inyong rebolber ang laket na
pinapapantasyahan ninyong makuha. Kailangan ko ang sandata pagkat sa mga tulisan ako’y
sasama. Ipinapayo ko sa inyong lumihis sa kasalukuyang landas na inyong tinatahak sapagkat
kung ika’y mahuhulog sa aming kama’y kayo’y aming hihingan ng malaking tubos sa
kadahilanang wala na kayo sa aking tahanan-“… Telesforo Juan De Dios
SIMOUN: (nakangisi) Natagpuan ko rin ang aking tauhan. (tumawa) HAHAHAHA!!! (agad nagligpit at
umalis)

*** SCENE 8

JUANITO: Galit ka ba?! Wala pang diperensiya ang pandinig ko!


PLACIDO: Hindi naman ako galit ah?! (pasigaw ring ani nito)
JUANITO: Talaga?! Eh ako’y iyong binubulyawan! Falta de respeto!
PLACIDO: Respeto? Hindi bagay sa inyo! Ang respeto, kakambal ng pasensya, matagal bago
malipon. Hindi tulad ng iniisip niyo… kung may naiiisip kayo. (sabay ngisi)
JUANITO: Pangahas ka!!! Anong pangalan mo ha?!
PLACIDO: Placido! Placido! Penitente!
JUANITO: Placido Penitente? Mas mabuting Placido Disparate!
PLACIDO: Tama na Padre! Wala kayong karapatang umalipusta ng kapwa!!!
(Tatalikod at aalis kaya hindi mapapansin ang pag-alis ng balat-kayo ni Juanito Bilang Padre Millon)
(dadating si Padre Millon)
MGA ESTUDYANTE: (Nagtawanan ng malakas)
PADRE MILLON: magandang umaga. (Hindi narinig kaya nilakasan) (tikhim) MAGANDANG
UMAGA!!!
MGA ESTUDYANTE: Magandang umaga padre!
PADRE MILLON: Bakit kayo sumisigaw, wala pang diperensiya ang pandinig ko!
MGA ESTUDYANTE: (nagtawanan dahil gayang-gaya ni Juanito kania si Padre Millon)
PADRE MILLON: (Nakita ang natutulog na si Tadeo) Hoy antukin! Masyado kag tamad! Ikaw ba’y
maalam na’t pulos tulog ang iyong inaatupag?
TADEO: (Biglang nahulog sa kinauupuan) Ah eh… Ano po ba ang sinasabi niyo?
PADRE MILLON: Tonto! Ba’t di ang iyong panaginip ang atupagin mo?! (nagtawanan ang lahat)
( nagkamot na lamang si Tadeo sa ulo)
TADEO: Ah!! Padre!!!Hinahanap po kayo ni Padre Fernandez! (sabay turo sa isang dako)
PADRE MILLON: Ha? Saan? (umalis)
MACARAIG: (tumayo at pumunta sa unahan) Sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito upang
tayo’y makapag-usap. Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya asa
akin na sa Los Banos daw pinag-usapa ang lahat. Lahat ay tutol. Ngunit hinayaan na nila ang
Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang magdesisyon.
PECSON: Ngunit kulang sa aksiyon ang lupong iyan!
MACARAIG: Iyan din ang akinig ipinabatid kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don Custodio, isang
sangguni ng lupon, ang magdedesisyon.
PECSON: Papaano kung laban sa atin ang desisyon?
MACARAIG: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at ang aniya’y Malaki na raw an gating tinamo,
nagwa na raw nating maiumang sa isang kapasyahan ang ating kahilingan. Sinabi ni Padre Irene na
kung tayo’y makikipagkilala kay Don Custodio ay magagawa nating hilingin ang kanyang pagsang-
ayon.
SANDOVAL: Ngunit paano?
MACARAIG: Dalawang Paraan ang sinabi sa akin ni Padre Irene.
PECSON: (hihilain ang gilid mata) Ang intsik na si Quiroga!
SANDOVAL: (Gigiling) Ang mananayaw na si (Sabay sabay sasabihin ang pangalan) “Pepay”!
ISAGANI: Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari namang si Ginoong Pasta an gating lapitan.
SANDOVAL: Ang abugadong tagapayo ni Don Custodio?
ISAGANI: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema kung papaano natin
siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na tayo ang paburan.
MACARAIG: Hindi ba’t si Ginoong Pasta ay may kalaguyong isang mananahi?
ISAGANI: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?
JUANITO: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaan pagkatapos . Kilala ko
ang babae, si Matea.
ISAGANI: Wala namang masama kung atin munang susubukan ang mga paraang hindi mahalay
tignan. Kakausapin ko si Ginoong Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin ang
ibang paraan.
MACARAIG: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng pakikipag-usap
niya kay Ginoong Pasta.

*** SCENE 9

(Pumasok si Isagani sa opisina ni Ginoong Pasta)


GINOONG PASTA: Ikaw pala Isagani! Maupo ka. Kumusta na si Florentino? May kailangan kaba?
ISAGANI: Maraming salamat po.
GINOONG PASTA: Ano ang iyong sadya sa akin?
ISAGANI: Marahil ay narinig niyo na ang tungkol sa balak naming mga estudyanteng magpatayo ng
akademya ng Wikang Kastila.
GINOONG PASTA: Ito ay isang bayan ng mga plano at panukala!
ISAGANI: Nais naming humingi ng tulong sa inyo upang mapakiling si Don Custodio sa amin.
GINOONG PASTA: Diyan nga nariyan ang suliranin, sa karaniwang sabi. Ang gumawa ng isang
bagay na laban sa kanyang mga panukala ay makasusugat.
ISAGANI: Inakala ko na ang pamahalaan ay dapat humanap ng matibay na saligan.
GINOONG PASTA: (Itinaas ang nakayukong ulo) Binata, nararapat na iwanan sa isang tabi ang mga
hakbang na iyan, sapagkat mapanganib. Dapat pagkatiwalaan ang pamahalaan.
ISAGANI: Paumanhin! Naintidihan ko na ang nais ninyong sabihin…
(May kung anong hinahanap si Ginoong Pasta)
ISAGANI: Kung gayon… (tumindig na) Mauuna na po ako! (Aalis si Isagani)
GINOONG PASTA: Tsk tsk tsk (natigilan) Kaawa-awang binate! Ako man ay nagkaroon ng ganoong
kaisipan. Ang tagumpay ay hindi nagbibigay ng kapanatagan sa kaisipan. Ang bawar bansa ay may
sariling pagpapahalaga gaya ng pagkakaroon ng sariling klima at mga sakit. Kaawa-awang binata!

*** SCENE 10

(nakaupo si Don Custodio at nagihintay)


DON CUSTODIO: (tingin ng tingin sa paligid at sa relo) Napaka tagal naman… may pagpupulong
pang naghihintay sa akin…
(sasayaw si Pepay sa gilid)
(mapapalingon si Don Custodio at pinag-papawisan)
PEPAY: (Seductive na lalapit kay Don Custodio) Custodoni…. Custodoni…!!! (hihipan ang tenga ni
Don Custodio)
DON CUSTODIO: Naparito ako upang sabihing huwag muna tayong magkita… nagkakagulo ang
mga estudyante ngayon at baka ako’y paman-manan.
PEPAY: Custodoni irog ko…. Naman eh….
(Naka upo sila: Lalayo si Custodio, lalapit si Pepay hanggang sa tumayo si Custodio at nahulog si
Pepay sa upuan)
PEPAY: (Tatayo agad) Custodi naman eh… (ilalapit ang mukha at aambang hahalik) Isa lang…
(Hinila si Don Custodio at kumandong)
DON CUSTODIO: Ano ka ba naman, baka may makakita sa atin (Kunwari pa pero yayapusin din si
Pepay)
PEPAY: Custodoni… alam mo kasi (habang pinaglalaruan ang buhok ni Don Custodio) nasagasaan
ang kalabaw naming at kailangan operahan…
DON CUSTODIO: Kalabaw? Eh ni manok wala kayo..
PEPAY: Ayyyy! Kambing pala. Tsaka may itlog kami, may manok rin naman sa loob no’n ‘di ba? Sige
na kahit limang daan lang…
DON CUSTODIO: Oh heto! (Naglabas ng isang libo at ibinigay kay Pepay) Sanlibo wala akong barya
eh…
PEPAY: Salamat Custodoni (hahalik kahit beso beso lang at biglang aalis).
DON CUSTODIO: Pepay!!! Tignan mo iyon! Pera lang yata ang ipinunta sa akin. Tsk tsk tsk. Paano
na ako ngayon?

*** SCENE 11 NAGHANDOG NG HAPUNAN SI QUIROGA

(Nagkwentuhan ang mga opisyal nang dumating si Simoun)


SIMOUN: Buenas tardes caballeros, Buenas noches, Kapitan Heneral (Sabay tanggal ng kaniyang
sombrero)
KAPITAN HENERAL: Magandang gabi rin sa iyo Don Simoun. Gusto mo bang sumayaw muna?
BEN ZAYB: Napakasarap ng mga pagkaing inihain sa atin ni Quiroga.
QUIROGA: Nagagalak po ako iyo nagustuhan, sinyo Ben Zayb.
(nagpatuloy na sa pagkain ang mga opisyal na nasa hapag-kainan)
PADRE IRENE: Soy diferente. Nakapagdesisyon ka na ba tungkol sa hinaing ng mga estudyante,
Don Custodio? Kinukulit na ako ng mga estudyante, quiren aprender el dioma del espanyol.
DON CUSTODIO: Ang aking desisyon patungkol diyan ay hindi. Hindi ko pahihintulutan na magtatag
ng Akademya sa Wikang Espanol dito sa bayan ng San Diego. Las clases de estudiantes no son
elegibles para aprender espanyol!
BEN ZAYB: Sang-ayon ako sa iyong mga tinuran Don Custodio. Hindi sila dapat matuto ng wikang
kastila. Son tontos.
(Nanatiling tahimik at nakikinig lamang sa usapan si Simoun)
PADRE SALVI: Sa ibang usapin naman tayo mga Ginoo. Huwag niyo nang masyadong ibaba ang
mg alas tierras echadas a perde mo son.
PADRE IRENE: Pag-usapan na lang natin ang aking mga estudyanteng sina Isagani at Juanito.
KAPITAN HENERAL: Ano naman ang mayroon sa dalawang iya, Padre Irene?
SIMOUN: Sa aking balita ay napakabait daw ni Isagani. Kapitan Heneral, hindi ba’t kaibigan mo si
Don Pelaez?
KAPITAN HENERAL: Si, sinyor Simoun. At bakit mo naman iyan naitanong?
SIMOUN: Napag-isip-isip ko lamang na magiging malaking tulong sa iyo kung magiging kabiyak ng
anak ni Don Pelaez na si Juanito ang pamangkin ni Donya Victorina na si Paulita. Balita ko’y may
lihim na paghanga si Juanito sa dalaga.
BEN ZAYB: Napakagaling Simoun. Pagsamahin ang dalawang mayaman at makapangyarihang
pamilya. Tiyak ngang pabor ito sa iyo, Kapitan Heneral.
PADRE SALVI: Sang-ayon ako, Kapitan Heneral.
PADRE IRENE: Gayon din ako, Kapitan Heneral. Maganda ga iyang ideya.
KAPITAN HENERAL: Gracias Senyor Simoun, kakausapin ko si Don Pelaez kung siya’y papayag.
(Simon excused himself, nagtungo si Simoun sa kusina kung saan naroon si Quiroga)
SIMOUN: Ano Quiroga? Kumusta ang iyong negosyo?
QUIROGA: Ah, Sinyo Simoun mahilap! Mahilap na akin negosyo!
SIMOUN: Sukat na ang daing Quiroga, nailayo kita sa mga opisyal na nanghuhuthot sa iyong mga
pera. Pinautang ko sila upang ikaw ay hindi na bagabagin.
QUIROGA: Pelo, Sinyo Simoun, malami na may utang sakin na di ko na masingil. Wala sin migay sa
akin lisibo kaya hindi niyo sila masisingil din.
SIMOUN: Kung gayo’y ako na ang bahala. Halika’t sa silid tayo mag-usap. (Nagtungo ang dalawa sa
isang silid) Kailangan kong maipuslit ang ilang kahon ng mga baril at itago sa kamalig!
QUIROGA: Panganib iyon Sinyo Simoun! (Horrified)
SIMOUN: Hindi ka manganganib bahagyaman! Ang mga baril na iyon ay isa-isang itatago sa mga
bahay-bahay, pagkatapos ay gagawin ang paghahalughog at marami ang makukulong sa
bilangguan! Ngayon ikaw at ako ang makikinabang sa pagsisikap na mapalaya ang mga bilanggo-
nauunawaan mo ba ako Quiroga?
QUIROGA: Siya siya, Basta huli malami tao, hah, Sinyo Simoun. Utos Lekisa, hah?

*** SCENE 12

SIMOUN: Kumusta na si Kapitan Tiyago?


BASILIO: Mahina ang pulso, walang ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason sa kanyang
katawan.
SIMOUN: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo binabasa
ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal sa bayan. Sa loob lamang ng iang oras,
magsisimula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala nang mga mag-aaral
at magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong
kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig ng iyong bayan?
BASILIO: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam!
SIMOUN: Magpasya ka! Kailangan mo nang magdesisyon, dahil ako ang namumuno sa
pagkakagulo. Ipakikiusap ko sa iyo ma samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan mo ang
isang hukbo at lusubin niyo ang Sta. Clara. Kukunin mo ang taong ikaw lamang ang nakakakilala
bukod kay Kapitan Tiyago, si Maria Clara.
BASILIO: Huli na kayo!!!
SIMOUN: (Naguluhan) Anong ibig kong sabihin?\
BASILIO: Si Maria Clara ay patay na!
SIMOUN: (Dapat medyo nangingilid ang luha dito; if possible) Patay? Hindi, papaanong nangyari ito?
(Tumayo at nilapitan si Basilio, hinawakan sa magkabilang balikat at niyugyog)
BASILIO: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita
nang sabihin nila sa akin ang lahat. May inabot na sulat sa akin si Padre Irene at maging ang Kapitan
at nanangis nang ito’y mabasa.
SIMOUN: Hindi maaari ito! Hindi pa siya patay! Buhay pa si Maria Clara! Ililigtas ko siya ngayon!
BASILIO: Ginoon Simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin ang
katotohanan.
SIMOUN: Namatay siya nang hindi man lamang nalalamang ako’y buhay! Namatay siya nang hindi
nalaman na ako’y babalik para sa kaniya! (I want a crying Simon, dapat drama feels)
(Pagkatapos ng kanta ni Simoun ay umalis na parang wala sa sarili)
(Maglalakad si Maria Clara palabas ng stage)
BASILIO: Nakakahabag. Labis siyang naghirap. Tiniis niya ang napakahabang panahon para sa
kaniyang iniibig. At eto lamang ang kaniyang sasapitin. Sadyang nakakapanghina ng damdamin.

*** SCENE 13 PERYA SA QUIAPO

(Inimbitahan ni Simoun sa piyesta ng Quiapo sina Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Salvi,
Quiroga, Donya Victorina, Don Custodio at Paulita)
(Nacurious silang lahat kaya’t nagpasya silang magtungo rito)
MR. LEEDS: Ako si Mr. Leeds mga ginoo! Nais ba ninyong Makita ang espinghe? Kung gayo’y halina
kayo sa loob! Ang kahong ito ay galing pa sa piramide ni Khufu! Noong una koi tong Makita ay
lamang abo at isang putol na papel, at doon sa papel na iyon natuklasan ko ngayon ang alabok n
laman ng kahon. DEMEROF!
IMUTHIS: Ako si Imuthis! Isinilang ako noong unang panahon ng Ameses at namatay noong
pananakop ng mga Persia ng panahon ng Cambyses! Sa paglalakbay ko sa Babylonia ay natuklasan
ko ang lihim ng nagpapanggap na haring si Smerdes. Sa takot niyang ipamalita ko ang kanyang
lihim, ipinanganyay niya ako s apammaagitan ng tulong mga paring ehipsyo! Noong panahong iyon,
mga pari’y makapangyarihan at siyang namamahala! Umibig ako noon sa isang dalagang anak ng
pari! Siya’y minimithi rin ng paring Abydos at ang ginawa’y lumalang ng kaguluhan at sinangkalan
ang pangalan ko! Ako’y nasakdal sa salang paghihimagsik! Sa pagtakas ko, ako’y hinabol at pinag-
uusig hanggang ako’y mapatay sa lawa! Buhat sa kabilang buhay ay nakita kong iniibig sa temple ni
Isis, si Philae! Tinutugis siya ng pari ng Abydos na walang tigil (titigil kay padre Salvi). Ang tumutugis
ay parang malaking bayakang humahabol sa isang munting kalapati! Baliw sa takot at pagtitiis ang
kaawa-awang dalaga! Ah, pari ng Abydos, nabuhay akong muli upang isiwalat ang iyong
kabaluktutan!
PARI NG ABYDOS! MAMAMATAY! LAPASTANGAN SA KABANALAN! MAPANIRANG PURI!
HAHAHAHAHAHA MAMAMATAY! MAPANIRANG PURI! ISINAKDAL KITA! LAPASTANGAN SA
KABANALAN! HAHAHAHA!
(mahihimatay si Padre Salvi) (OA na reaksyon ni Donya Victorina)

*** SCENE 14

(nakaupo si Isagani sa isang medyo taong bangko)


(dumaan si Paulita, Juanito at Donya Victorina)
DONYA VICTORINA: (Napakapit kay Juanito ng mahigpit na akala mo’y nagdedate sila) kay ganda
ng gabi, hindi ba Juanito? Kay sarap maglakad sa ilalim ng buwan. Kung sana’y… (Lumapit kay
Isagani at pinalo ng pamaypay) Hoy binate! Ano na ang balita sa esposo kong si Tiburcio Pilantod!
Hindi ba’t ikaw ang nahilingan kong humanap sa kaniya. O di kaya’y ang tiyuhin mo? Aba’y madali’t
nang malaman ka kung buhay pa ba o maaari nang palitan ng panibago. (Mukha namang naasiwa si
Juanito sa sinabi nito ngunit ngumiti rin ito)
(Lihim na hinawkaan ni Juanito ang kamay ni Paulita ngunit ito’y pumipiglas)
ISAGANI: Paumanhin Senyora, ngunit wala pa rin po kaming balita tungkol sa iyong asawa. (Galit na
nakatingin kay Juanito at Paulita)
PAULITA: Siya nga naman tiya. Bigyan niyo pa ng oras si Isagani na kayo’y matulungan. (Lilingon
kay Isagani) At kung maaari’y mauna na kayo ni Juanito sapagkat nahulog ko yata ang aking
abaniko. (Ngunit tinago niya lamang ito sa kanyang likod)
DONYA VICTORINA: (Pilit sinisilip kung ano ang nasa liko ni Paulita) Mabuti pa siguro at mauna na
kami ng binatang ito at magkasarilinan! Juanito! (Hihilahin si Juanito papalyao) Samahan mo ko’t
baka magbago pa ang isipan ng aking pamangkin at hindi kita masolo.
(Nang maka alis si Donya Victorina at Juanito)
ISAGANI: Kasama mo na naman ang binatang iyon. Pansin kong madalas kayong lumabas ng
magkasama, tila may nakakalimutan kang sabihin sa akin. (Tatalikod sa kasintahan at uupo sa
upuuan)
PAULITA: (Aamuhin ang nobyo) Ikaw ba’y naninibugho magal ko? Hindi ko naman nais na lagi
siyang maksama. Ngunit lagi siyang bukambibig ni Tiya Torina na iimbitahin tuwing kami’y lalabas.
(Uupo sa tabi ni Isagani). Huwag lang magdamdam, sige na... Nagsinungaling ako para kahit saglit,
tayo’y magkasama.
(Tatayo si Isagani pero nakatalikod pa rin kay Paulita)
PAULITA: (Tatayo at nakatalikod sa nobyo) Ikaw nga eh! Kanina ko pa napupuna ang panay lingon
mo sa isang dalagang Pranses.

(Lalapit si Isagani na akmang magsasalota ngunit tumalikod din nang mapanding paharap na ang
kasintahan)
ISAGANI: Huwag mong ipasa sa akin ang sisi... at wala akong alam at pakialam patungkol sa
Pranses o kung sino man ang sinasabi mo.
(Lumingon si Paulita ngunit tumalikod din nang mapsnsin niyang pagarap na ang kasintahan)
PAULITA: Kung gayon, kasalanan ko pala...
ISAGANI: (Lalapit at yayakapin ang nobya) Paulita alam mo naming sayo lamang nakatuon ang aking
mga mata. (Haharap si Paulita, holding hands, eye to eye.) Ikaw lamang ang hinihiling nitong lapatan
ng tingi’t pakatutukan.Simula ng makilala kita ay ikaw na ang pinakamaganda sa aking paningin na
noo ay sa bayan ko lamang inuukol. Ngayon ay masasabi kong kulang ang ganda ng aking bayan
kung wala ang iyong karikitan. Darating ang panahon na magiging Malaya na ang Pilipinas at
pagdating ng panahong iyon saka lamang makukumpleto ang aking kaligayahan.
PAULITA: (Bibitaw sa pagkahawak kamay) Pangarap!Pangarap! Sinabi ni Tiya Torina na lagi raw
alipin ang bayang ito.
(Bumalik na si Juanito at Donya Victorina)
DONYA VICTORINA: (Nakakapit kay Juanito at may dalang barbecue) Isang kagat at kuntento na
ako, Juanito.
JUANITO: Pasenya na po senyora. Wala na po akong gana.
DONYA VICTORINA: Walang gana?! Palagi ka na lamang walang gana! (Lumapit kay Paulita at
hinila ito) Halika na Paulita at umuwi baka puno na ng hamog ang iyong pangangatawan.
PAULITA: Dahan-dahan Tiya Torina! Magandang gabi at paalam Isagani… (Sabay hawak sa
naghihintay na braso ni Juanito) (Naglakad na papalayo)
ISAGANI: Amor, que astro eres? Kay hirap mo nang abutin.

***SCENE 15

(Sa isang pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Ang mga estudyante
ay nagtitipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat sila’y nabigo sa kanilang
panukala patungkol sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila.)

JUANITO: Luwalhati kay Don Custudio sa kaitaasan at pansit sa lupa sa mga binatang may
magagandang kalooban!!! (Nagtawanan ang mga estudyante)
SANDOVAL: Bakit hindi pinaburan ni Don Custudio ang ating kahilingan?
MACARAIG: Walang nakakaalam niyan.
JUANITO: Diba’t sandamakmak na ang kaniyang tagumpay? Bakit tayo’y hindi man lamang niya
hinandugan ng isa? Ang ating layunin ay hindi naman para sa kasamaan.
(Biglang duating si Tadeo; si Sandoval naman ay kuamin na)
TADEO: Alam niyo na ba? Ang mag-aalahas na si Simoun ay ginulpi ng di nakikilalang mga tao. At
ayaw daw nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak maghiganti. Sabi ng ilan s abaya, mga perayle
daw ang may kagagawan.
SANDOVAL: Sino ba naman sa atin ang may interes sa sinapit ng mag-aalahas na walang ibang
hangad kundi samsamin ang salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang sarap ng mga pagkain. (Patuloh
pa rin sa pagkain puno na ang kaniyang bibig)
MACARAIG: Mabuti at nakarating ka Isagani.
TADEO: Sana’y si Basilio na lamang ang ating inanyayahan!
(nang walang ano-ano’y dumating si Basilio)
(makikitang naglalakad ang mga guwardiya sibil na tila may hinahanap.)
BASILIO: Macaraig!! Macaraig!!
MACARAIG: O, Basilio! Narito ka pala! (Masayang bati ni Macaraig kay Basilio) (Narinig ng mga
guwardiya sibil si Macaraig na tinawag ang pangalan ni Basilo; lumapit sila kay Basilio)
GUWARDIYA SIBIL: Ikaw pala si Basilio!! (Nakaharap kay Basilio) Kung ganon, hindi na kami
magpapagod, dinadakip ka naming! (Saby hawak sa magkanilang kamay ni Basilio; pilit naming
nagpumiglas si Basilio) (Dinala na siya ng mga guwardiya sibil sa bilangguan)
BASILIO: Anong kasalanan ko?! Bitawan niyo ako!!!
***SCENE 16
Bahay ni Kapitan Tiyago
KAPITAN TIYAGO: Diyata’t si Basilio dinakip, Padre Irene?
PADRE IRENE: Oo ngunit huwag sana kayong mabahala, Kapitan! Makakasama sa inyo. (Pipiliting
tumayo ni Kapitan Tiyago ngunit…) Kapitan Tiyago huwag! Siya’y patay na!!! Pagpalain nawa ang
kaniyang kaluluwa. (Aaaktong nag sign of the cross)

***SCENE 17
(naglilinis si Juli nang…)

Juli: ano ang wika ninyo Hermana Bali? Dinakip si Basilio?


Hemana Bali: oo juli! Nakabilanggo siya ngayon kasama ng ibang mga estudyante!
Juli: Hindi! Hindi maaari. Si Kapitan Tiyago naman patay na! Sino po ang nalalabing tutulong kay
basilio? Sino?!!
Juli: (habang papalapit sa tanggapan si Padre Camorra) Diyos ko! Tulungan mo po si Basilio!
Padre Camora: Juli!!!
Padre Cammora: Aking tutuparin ang iyong kahilingan kung ako’y iyong pagbibigyan.

(Akmang hahalikan si Juli sa leeg ngunit babatuhin ng bote hi Hermana Bali. Magagalit ang
pari at sasampalin nito si Herman Bali kaya makakatakas si Juli ngunit maaabutan ni Padre Camorra,
maghahabulan sila sa loob ng bahay. Maabutan si Juli I Padre Camorra ngunit magpupumiglas si
Juli, sisipain niya si Padre Camorra. Tatakbo sa may bintana si Juli at tatalon dito upang makatakas)

***SCENE 18

(nakalayo na rin mula sa billanguan si Basilio at agad niyang tinungo ang tahanan ni Simoun
Basilio: Isa akong masamang anak at kapatid Ginoong Simoun. Nawaksi sa Isipan kong pinatay ang
aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Ngayo’y pinarrurusahan ako ng Diyos. Galit at
paghihiganti na lamang ang natitira sa akin.

(Hindi kumibo si Simoun)

Basilio: Kahit noong may himagsikan ay hindi ako naki alam. Nabigo sila at ako’y nakulong kahit
wala akong kasalanan. Iyon ang arusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo Ngayon,
handa na ako ipagtanggol ang Bayan!!! .
Simoun: Nabigo ang kilusan dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon, dahil sa
pag-ibig. Ngayon patay na ang aking puso, wala nang dahilan para umatras. Pareho na tayo ngayon.
At sa tulong mo ako’y magtatagupay. Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng bango at rangya,
ikaw nama’y gigising s mg a kabataan sa gitna ng dugo.

(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory, pinakita niya roto ang kaniyang
mga gamit at eksperimento sa kemikal. Saloob ay makikita ang lampara na may kakaibang hugis)

Basilio: Ang Lampara’y para saan Ginoo?


Simoun: Maghintay ka

(Pagkaraan ay inilagas n Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na nitroliserina, isang
pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)

Basilio: Dinamita!!!
Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta na dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga
kagagawang walang katwiran at mapang –api . Ngayong gabi, makaririnig ng pasabog ang Pilipinas
at mapaprusahan ang mg a makasalanang hindi magawang parusahan.
(IPinagpatuloy ni Simoun ang kanyang ginagawa)
Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gtna ng handaan.
Napakaningning ng liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang. Pagkaraan ng dalawangpung
minute, ang ilaw ay maglalaho. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang Bomba!
Basilio: Kung gayo’y hindi niyo na po pala ako kailangan
Simoun: Iba ang para sa iyo. Pagkarining ng putok ay lalabas ang artilyero at iba pang kinasundo ko
noon. Pupunta ang lath sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na
susugod. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Dalhin mo sila sa
bahay ni Quiroga dahil doon nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang tales ay
susubukang agawin ang tulay. Mauubos ang mahihina! Hindi nila napaghandaan!
Basilio: Lahat?! Kahit ang mga walang Laban?
Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangan ng bagong simula.
Mula sa dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! iSang bagong lipunan na kahit kalian ay hindi
pagagapi.
Basilio: at ano naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangan isipin kung pupurihin nila ito o hindi?
Bakit ko kailangan lingapin ang mundong kailanman ay hindi lumingap sa akin!!!
Simoun: Tama ka!
(Inabot ni Simun ang isang rebolber kay Basilio)
Simoun: Hintayiin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayo kayo sa
Daan Analouge sa alas-nuwebe.
Basilio: Kung Gayo’y magkita na lamang tayo mamaya.

(Tuluyan nang umalis si Basilio)

***SCENE 19

(Maglalakad si Paulita patungong altar at sasalubungin ni Juanito)


(SaDulong bahagi ng Simbahan, sa huling upuan ay nakaupo si Isagani)
Padre Irene: En nombre del padre, del hijo y del espiritu santo
Juanito, tinatanggap mo ba bilang asa ang babaeng ito, magsasama ng tapat sa hirap
at ginhawa, habang buhay hanggang sa kamatayan?
Juanito: Opo Padre.
Padre Irene: Paulita, tinatanggap mo ba bilang asa ang babaeng ito, magsasama ng tapat sa hirap
at ginhawa, habang buhay hanggang sa kamatayan?
Paulita: (Lumingon-lingon sa mga tao sa loob ng simbahan) (Pinandilatan siya ng mga mata ng
kaniyang Tya Torina) O-opo Padre
Padre Irene: Sa kapangarihan ibinigay sa akin ng panginoon at ng simbahang ito, kayong dalwa ay
kasal na

***SCENE 20

Simoun: May mga handog ako para sa iyo sa bagong kasla (Sabay ipinakita at iniabot sa
magkatipan ang lampara)
Juanito: Maraming salamat Don Simoun.
Paulita: Maari na ba naming itong magamit?
Simoun: Oo’t maari. Ilagay ninyo roon sa kainan
(Aalis si Simoun)

***SCENE 21

Basilio: Hindi dapat sila madamay!


(Pumunta si basilio Sa may pintuan at sinubuang pumasok)
Basilio: Papasukin niyo ako. May panganib!!!
Guwardiya Sibil: Hindi Ka maaring pumasok dito! Tingnan mo ang iyong sarili!
Basilio: Papasukin ninyo ako!!!
Nakita ni Simoun si basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Nilapitan nito si Basilio)
Simoun: Tao na sa Escolta, madali!
(At tuluyan nang umalis si Simoun)
Basilio: Ililigtas na niya ang kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.
(nagsumilang lumakad palayo si basilio. Kanyang nakasulobong si Isagani sa daan, patungo
sa pista)
Isagani: Ano ang iyong pakay rito?
Basilio:Isagani, tayo na! Umalis na tayo rito!
Isagani: Bakit aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang Makita.
Basilio:Ibig mo na bang mamatay?
Isagani : Hindi Kita maunawaan, ano ang iyong ibig sabihin (Naguguluhang tanong ni Isagani)
Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras
ngayon. Tayo na! (Tumarbo na palayo)
Isagani: Sandali! Ililigtas ko si Paulita,Ililigtas ko ang aking mahal (Tumakbo patungo sa bahay na
pinagdarausan ng pista.)
***SCENE 22

Kapitan Heneral : Nakasulat dito “Mane thecel, pares”-Crisostomo Ibarra.


Ben Zayb: Isang patawa lamang yan!
Donya Victorina: Hindi magandang biro iyan Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang
namayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang liham)
Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Ito’y kanyang sulat kamay!
Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang ganyang biro.
Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahit?
(Hindi kumibo ang lahat.Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara)
Kapitan Heneral: Padre Irene pakitaas na lamang ang mitsa.
Padre Irene: Isang Saglit lamang.
(bago pa man makatay si Padre Irene ay nakuha na ni Isagani ang lampara)
(Tatakbosi Isagani)
Lahat: Magnanakaw
(tumakbo s abahay ang magnanakaw at inihagis ang lampara sa ilog)

***SCENE 23

(Nagpa- alaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang
kanyang tahanan.)
Guwardiya sibil: halughugin ang buong kabahayan. (Patuloy na naghalughog ang mga guwardiya
sibil hanggang sa Makita ang mga baril at pulbura.)
Guwardiya Sibil: Hanapin si Simoun, huwag na huwag titigil haggang hindi siya nadadakip.
(Ayaw magpahuli ng buhay si Simoun kaya't uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre
Florentino upang mangumpisal) (May sugat na siya nang dumating sa tahanan ni Padre Florentino)
Padre Florentino: Masama ba ang iyong pakiramdam?
Simoun: Wala ito Padre, maghihilom rin ang lahat pagkaraan ng ilang sandal. Anumang oras at
tatalab na ang lason ssa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos ko! (nataranta)
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim.
Maari mo bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?
Padre Florentino: Kahit saan tayo magtungo nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre, ayokong mamatay bitbt ang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, na malaon nang
ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ay umuwi ako rito upang
pakasalan ang babaeng tinatangi kong si Maria Clara, ngunit ito’y hindi natupad.
Padre Florentino: Patawarin ka nawa ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na
ikaw ay nadaig lamang ng galit at paghihiganti. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa
kaniya. Sapagkat alam niyang hindi ito tama. Igalang natin ang kaniyang kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?
Padre Florentino: Walang makapagsasabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian may hindi naghangad ng
masama para sa atin.
Simoun: Kung gayon, bakit hindi niya ako tinulungan.
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng dakila.
Simoun: Bakit ako ang nagdurusa’t hindi iyong mga kampon ng kasamaan? (may diin pa ring ani
Simoun)
Padre Florentino: Kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.( sabay tingin ni
Padre F. sa malayo)
(Nagpatuloy sa pangungumpisal si Simoun kay Padre Florentino.. hanggang sa pinisil ni Simoun ang
kamay ng pari.)
Simoun: Maraming salamat padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban. (Mulin pinisil ni
Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan a siyang nawalan ng buhay.)
(Inayos niya ang posisyon ni Simoun at binalutan ng kumot na puti)
(Kinuha ni Padre Florentino ang Kahon na dal-dala ni Simoun.)
(Tuluyang iniwan si Simoun)

***SCENE 24

(Nasa isanhg talampas na nag baba ang karagatan si Padre Florentino dala ang kayamanan ni
Simoun)
Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailalaliman ng dagat… ngunit kung kakailanganin ka ng tao
para sa ating marangal na hangarin, ipanhintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon.
Pansamantala, diyan ka mun, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.
**END**

You might also like