You are on page 1of 7

FIRST SCENE

Palengke, maingay mga tao, bumibili, nagtitinda.

(Pwede mag pasok ng kanta here parang yung scene sa Beauty and the Beast kumakanta si Belle
sa town except si bunso kanta)

“Bili kayo!” “Ate magkano po to”

“Gulay niyo dyan!” “Wala na bang tawad kuya”

“Suki, eto oh murang mura lang”,

Bunso, lumulusot sa pagitan ng mag tao, kumukumuha ng wallet\shoplift. Lalayo sa mga tao,
mapapaItngin pabalik, exit ng scene sa palengke.

Enter scene ng family.

2ND SCENE (BAHAY)

Naghahain ng pagkain nanay, exit ng scene, babalik sa kusina. Kuya nakaupo, ate, nakaupo.
Tatay papasok, lasing, may hawak na bote or can (anything na pwede ibagsak.)

Tatay: Tanginang buhay to! Ano yan? Tuyo na naman!

Ate: Tay, eto na lang po kasi yung kinaya ng budget natin.

Kuya: Eh kung hindi mo kasi sana nilulustay dyan sa sabong nayan yung perang kinakayod ni
nanay edi sana hindi tuyo yang ulam natin. (dabog sa mesa)

Tatay: (kwelyuahan kuya, start ng kanta)

Nanay: Tama naaaa!!!!! (mahihimatay)

3rd SCENE (HOSPITAL)

SA WARD. MAY KASAMANG PATIENT NA MAS MAYAMAN SA KANILA

*darating yung mga anak tapos nakita nila si nanay na hindi pa nagigising*

Bunso: Ma! Ok ka na ba? Eto oh may dala kaming mga prutas para sayo!

Ate: Kayo kasi eh, alam niyo na nga na lagging pagod ang nanay, dumadagdag pa kayo. Ayan
tignan niyo nangyari kay nanay.

Kuya: Alam mo (name ng ate)! Di ka nakakatulong eh. Puro ka reklamo. Pwede ba manahimik
ka na lang muna kahit ngayon lang?
*Darating yung mga kapamilya nung katabing pasyente, tapos dapat mayaman sila pumorma*

Mga anak: Daddy (hugs)

Mayamang asawa: Hi hon! Kamusta ka na?

Patient: Aweeee you guys are so sweet talaga. (hugs back) Okay naman hon! Masakit pa rin
yung dicky ko! Ikaw kasi eh, nasobrahan ata tayo sa jurjur!

*Darating si doc*

Doc: Good morning! Kamusta ka na? Iniinom mo ba yung gamot mo?

Patient: Okay naman po doc. Yes doc masunurin to! Effecive nga po pala yung gamot!

Doc: Good! Ah siya nga pala, may bakante na nga pala na private room sa taas. Lilipat pa ba
kayo?

Asawa: Please doc! Nagmumukha naman kasi kaming walang kaya dito sa ward. Nakakahiya!

Doc: *smirks* Oh sige. If that would be more convenient for you. Pano ba, iwan ko muna kayo
dito. See you sa annex!

Patient at asawa: Sige po doc thank you po!

*Pamilya ni tatay, naiingit*

Ate: Pano na tay?

*Papasok si kuya*

Kuya: Nakausap ko na yung doctor. Aabutin daw tayo ng 200,000 pampagamot kay nanay.

(awkward silence for 3 seconds)

Ate at bunso umiiyak sa tabi ng nanay, tatay tahimik sa sulok, nag iisip.

Kuya: Ano na tay? Wala ka na bang gagawin na matino para sa pamilya natin? Hahawakan tatay
sa balikat,aalugin.

Tatay itutulak anak.

Tatay: Mag usap tayo sa labas.

4th SCENE

Kuya: Ano na Tay!?


Tatay: May raket kami ng kumpadre. May balak kaming pasukin yung isang bahay dun sa
mayaman na subdivision. Hindi siya matutuloy. Ano, gusto mo ba talagang gumaling ang nanay
mo?

Kuya: Tay, wala nap o bang ibang paraan?

Tatay: Saan sa tingin mo tayo makakahanp ng ganun kalaking halaga para sa nanay mo!

Kuya, mapapatingin sa nanay, mapapatango na lang. Tatay, maglalakad palayo. Kuya,


kakausapin ng doctor, di makikita na narinig ng bunso ang pinagusapan.

5th SCENE

Nakabihis ng itim and kuya at tatay, naka mask ng itim. Asa loob ng bahay. Maghihiwalay ang
tatay at kuya. Magsisimula kumuha ng mga gamit, alahas, relo, magbubukas ng safe,
makakakita ng droga tas pera ang kuya. Biglang may tututok na baril sa likod ng ulo niya.
Bubukas ang ilaw, makikita na nahuli din ang tatay, may baril nakatutuok sa ulo. Mayor
nakatayo kasama bodyguards. Pukpukin sa ulo ng baril, mahihimatay.

Kuya: Tay…

6th SCENE:

Sa bahay, naghahain ate. Papasok bunso.


Bunso: Ate, sila tatay at kuya?
Ate: Wala sila. Ngapaalam na late makakauwi. Kumain ka na maaga pa pasok mo bukas.
Bunso: Ate, paano si nanay?
Ate: Hindi ko din alam.
Tahimik kakain.

7th SCENE

Magigising ang tatay at anak nakagapos sa silya. Mayor at bodyguard asa harap nila

Kuya: Anong nangyari, asan kami? Bakit niyo kami dinala dito?
Tatay: Pakawalan niyo kami!
Mayor: Hindi niyo ba alam kung sino ako? Pwede ko kayong kasuhan at ipakulong pero eto
kayo. Dapat magpasalamat kayo sa akin di ko kayo ipinapatay dahil sa nalaman ng anak mo.
Tatay: Anong ibig mong sabihin?
Kuya: May mga droga kang tinatago. Parte ng negosyo ni mayor ang drug dealing. Ikakasira ng
imahe niya kapag nalaman na drug dealer siya kaya andito tayo.
Mayor: Matalino ang anak mo. Too bad, mabubulok kayo sa bilangguan ng tatay mo.
Tatay: Mayor nagmamakaawa kami, kahit ano wag lang yun. Kailangang kailangan naming
ngayon ng pera.
Kuya: MAGTATRABAHO KAMI SAYO! Kahit anong trabaho na kahit pagpuslit ng droga
matustusan lang naming pagpapagamot ni nanay!
Mayor: Sige. Mag uumpisa kayo bukas. Pakawalan niyo sila at sabihin kung ano mga gagawin
nila.
Mayor, exit scene, bodyguards pakawalan sila, then exit scene.

8th SCENE
Uuwi sa bahay kuya at tatay. May dalang bag na may lamang droga. Makikita si bunso at ate.

Tatay: Eto, pera, bayaran mo yung bill sa ospital para sa nanay mo. (Abot ng sobre)
Ate: San to galing tay?
Tatay: Wag nang madaming tanong basta gawin mo na lang.
Bunso, mapapansin ang bag, lalapit habang nag uusap ang tatay at ate, bubuksan, makikita ang
droga, magugulat.
Bunso: Kuya? Ano to, Shabu?
Magagalit kuya. Aagawin ang bag.
Kuya: Wag ka ngang nangigialam ng gamit! Aalis kami ni tatay. Gagabihin ulit kami.
Tatay: Eto pa pera pantustos sa bahay.
Bunso, pupunta sa tabi ng ate, tatay at kuya lalabas ng bahay.

9th SCENE
May mga sketchy na tao, nagyoyosi, may hawak na kutsilyo iba, yung iba baril. Tatay at anak
may dalang case laman ay drugs. Hihipak ng yosi nag isa bago magsalita.
Lalake: Asan na?
Kuya, bubuksan ang case, ipapakita ang droga.
Tatay: Ang pera?
Pupunta sa harap ang isa sa mga lalake, ipapakita ang case na may lamang pera. Magaganap
yung exchange. Handshake.
Lalake: Pakisabi kay mayor na aasahan naming ang susunod na transaction.
Kuya: Makakaasa kayo.

10th SCENE
Nakaupo mayor, may babae sa lap. Papasok tatay at anak. Iaabot sa body guard ang case,
bubuksan ng guard at iapapakita sa mayor.
Mayor: Magaling, magaling! (gesture sa body guard na bigyan ng sobre each for a job well
done). Eto, dinagdagan ko. Pagbutihin niyo lang at magkakasundo tayo. HAHAHAHA.
“Maraming salamat mayor” –tatay at kuya.
Aalis ang tatay at kuya. Ibubulsa ng kuya nag sobre, mahuhulog ang wallet. Iaabot kay mayor.
Makikita ni mayor yung pic ng kapatid. Papaalisin ang babae sa lap, mapapahawak sa chin si
mayor tas lip bite or something basta manyak siya.
11th SCENE
Basta the next day, palengke, mga nagtitinda, bumibili. Ate kasama ng bunso may dalang eco
bag ng pinamili.
Bunso: Ate, paano kung mapahamak sila kuya at tatay sa ginagawa nila? Pano kapag sumabit
sila, nahuli ng pulis o di kaya nabaril?
Ate: Hindi ko rin alam. Pati ako nag aalala pero para kay nanay din to.
Bunso: Gusto ko bisitahin si nanay.
Ate: Sige pwede ka naman pumunta sa ospital. Eto, bumili ka ng gusto mong meryenda mamaya
tas umuwi ka na mauna ka na sa bahay. Magbabayad lang ako ng kuryente at tubig.
Bunso: Sige ate.
Aalis si bunso palayo. Si ate maglalakad sa opposite direction. Di mapapamsin na may
sumusunod sa kanya. Chloroform, mahihimatay, bubuhatin. Magigisng sa bahay ni mayor.
12th SCENE
Nakaupo mayor, nagyoyosi. Ate, papasok ng kwarto, umiyak, maglalakad, manghihina tuhod,
mapapupo.
Mayor: Oh, tapos ka na magbihis?
Ate: Bakit mo nagawa yun.
Mayor: Bakit hindi? Kaya kong gawin lahat ng gusto ko.
Ate: Hindi tama ginagawa mo!
Mayor: Anong gagawin mo? Magsusumbong ka? Ipapapulis mo ako? HAHAHAHAHA.
Subukan mong gumawa ng kalokohan, ipapakulog ko ang tatay at kuya mo.
Ate: Napakasama mo.
Mayor: I have money, and when you have money, you have power. I can get away with
anything.
Guard: Mayor, may tawag ka. Importante daw.
Mayor: Sige. Ihatid niyo na to pabalik sa kanila.
Papasok mga guard tas kakaladkarin palabras si ate.

13th SCENE
Ate tulala, balot ng kumot, nakayakap sa unan. Tapos na umiyak, in shock.
Ate: Nay, nay, nay, asan ka nanay, tay, kuya. Ayoko na. HAhahaahah. Nay, asan ka nay. Ayoko
na.
Tatayo, lalapit sa mesa, makikita yung kutsilyo, ngingiti. Maglalaslas, gagamitin ang dugo para
sumulat ng letter.Mamamatay, babagsak. Bubukas ang pinto, darating ang bunso, makikita ang
ate nakahandusay.
Bunso: Ate! Ate anong nangyari ayos ka lang ba? Yuyugyugin ang ate, makikita ang dugo,
hahawakan, titignan ang kamay. ATEEEE!!!! Iiyak, umpisa ng monologue. (monologue pag
isipan pa kung wag na, iyak na lang siya dito or kanta.
MONOLOGUE NG BUNSO, kasabay papasok sa gilid ang tatay at kuya tumatakbo sa mga
pulis.
Tatay: Tanginang mga pulis!
Kuya: Tay! Bilisan mo mahuhuli na nila tayo!
Pulis: Tigil! Babarilin naming kayo!
Bang! Babagsak ang tatay at kuya.
Kuya: Tay, bakit? Hindi naman natin kasalanan na maging mahirap.
Tatay: Patawarin mo ako anak.
Kuya: Paano sila (ate), (bunso), sino mang tutustos kay nanay?
Tatay: Hindi ko rin alam anak. Hindi ko na rin alam…
Deads na sila.
Nanay, mag fa-flatline. Tut tut tuuuuuuuuuuuuut na sound effects. Off lights. Dark lahat.
Characters line up then final song suggested ni Mika parang maganda siya. “Usisa” need
choreo dito.
Then end na.

You might also like