You are on page 1of 2

1. Sino si Ymir? Sino ang sumusustento sa kaniyang buhay?

Ans: Si Ymir ay isang higante. Kinitil ng mga anak ni Borr ang buhay ng
dambuhalang ito. Kinuha ng tatlonf magkapatid ang bangkay ni Ymir at mula sa
laman ng dambuhala ay nilikha nila ang daigdig. Ang susumustento sa buhay ni Ymir
ay ang baka na kung tawagin ay Audhumla. May apat na ilog ng gatas na dumadaloy
mula sa nakaluyloy nitong suso. Ito ang pinapainom niya kay Ymir.

2. Sino si Borr? Ano ang kaniyang pinagmulan? Punan ang family tree na ito ni Borr:

Ans: Si Borr ay anak ni Buri. Nagmula sila sa yelong bato na dinilaan ni Audhumla.

Borr J Besta
(asawa)

Mga Anak

Odinn Vili Ve
3. Paano namuno ang tatlong anak nina Borr at Besta sa langit at lupa?
Ans: Namuno ang tatlong anak nina Borr at Besta sa langit at lupa at nangyari ito
dahil sa ang anak nila ang siyang pumaslang kay Ymir. Ginamit nila ang mga laman,
dugo, at iba pang bahagi ng katawin ng dambuhala upang mailikha ang daigdig. Doon
ay nagsimula na ang kanilang pamumuno sa langit at lupa.

4. Paano nilikha ng tatlong anak nina Borr at Besta ang daigdig at uniberso gamit ang
katawan ni Ymir? Isa-isahin ang paggamit nila sa mga bahagi ng katawan?
Ans: Nilikha ng tatlong anak nina Borr at Besta ang daigdig at uniberso gamit ang
katawan ni Ymir sa pamamagitan ng pagkuha sa laman, dugo, ngipin, bagang, at
durog na mga buto ng higante. Mula sa laman ng dambuhala ay nilikha nila ang
daigdig. Ginawa naman nila ang mga lawa’t dagat mula sa kaniyang dugo at ang mga
bundok mula sa kaniyang buto. Ang kaniyang mga ngipin, bagang, at durog na mga
buto ang siyang naging mga bato naman na nagkalat sa mga bundok at kapagatagan.
Kinuha din nila ang bungo ng higante at nilikha ang kalawakan.

5. Sa iyong palagay, ano ang nangyari kay Bergelmir matapos makatakas sa


paglunod?
Ans: Sa aking palagay, ang nangyari kay Bergelmir matapos makatakas sa paglunod
ay nabuhay na ito kasama ang kaniyang asawa na puno ng pangamba at takot
pagkatapos masaksihan nila ang karumal-dumal na sinapit ng kanilang buong angkan.
6. Paano ipinapaliwanag ng paglalang ng tatlong anak nina Borr at Besta ang
pagkakaroon ng araw at gabi sa lupa? Paano rin ipinapaliwanag sa paglalang na ito na
ang daigdig na hugis bilog?
Ans: Sa kuwento, ipinaliwanag ng paglalang ng tatlong anak nina Borr at Besta ang
pagkakaroon ng araw at gabi sa lupa. Ayon sa naturang kuwento, ay kinuha ng
magkakapatid ang bungo ni Ymir at nilikha ang kalawakan. Sa bawat sulok na iyon
ay nagtalaga sila ng isang duwende na sina Austri, Vestri, Nordi, at Suori. Tinipon
nila ang ang mga alipato’t tilamsik ng apoy na walang tigil na lumilipad at
bumabagsak at iniligay ito sa gita ng papawirin- ang isa’y sa itaas, at ang isa naman
ay sa ibaba. Ang ilan sa mga bola ng liwanag ay nakatirik lang sa kalangitan,
samantalang ang iba’y palibot-libot sa kung saan-saan kaya naman ay inilagay nila
ang mga ito sa tamang puwesto at pinagalaw sa isang partikular na direksyo. Dito raw
nagmula ang araw at gabi. Naipaliwanag rin ang paglalang na ito na ang daigdig na
hugis bilog sa pamamagitan ng pag-lalarawan sa mga bawat kanto ng lupa na ito daw
ay pabilog.

7. Ano-anong mga bahagi sa kuwento ng paglalang ang napapansin mong may


katulad sa ibang kuwento na iyong nabasa noon?
Ans: Ang bahagi sa kuwento ng paglalang ang napansin kong katulad sa ibang
kuwento na aking nabasa noon ay ang bahagi kung saan ay ginamit ang mga laman,
dugo, bungo at iba pang bahagi ng katawan ni Ymir upang ilikha ang daigdig. Ito ay
magkapareha sa nabasa kong mitolohiya sa Tsina kung saan ay ginamit niya ang
kaniyang katawan upang ilikha ang daigdig.

8. Bakit may iba’t ibang bersiyon ang kuwento ng simula ng daigdig at uniberso? Sa
partikular, ano ang ipinapaliwanag ng kuwentong ito hinggil sa paglikha sa daigdig?
Ans: Hindi magkatulad ang kultura, tradisyon, at paniniwala ng mga ninuno/ tao sa
iba’t ibang bansa kaya naman ay may iba’t ibang bersiyon ang kuwento ng simula ng
daigdig at uniberso. Sa kuwentong ito, ipinaliwanang kung paano ginamit ang laman,
dugo, at iba pang bahagi ng katawan ng isang dambuhalang nagngangalang Ymir
upang mailikha ang daigdig.

You might also like