You are on page 1of 8

Mitolohiyang Norse

Ang mitolohiyang Norse, o kilala bilang mitolohiyang Scandinavian, ay nagmula sa mga bansa ng
Europa tulad ng Sweden, Scandinavia, Norway, Denmark, at Iceland. Ilan sa mga kilalang karakter
ng mitolohiya mula rito ang magkapatid na sina Thor at Loki mula sa Iceland. Marahil ay
nakapanood ng rin kayo ng mga pelikula tungkol sa mga nabanggit na karakter. Ayon sa Mythology
ni Hamilton (1969), kilala sa tawag na Aesir ang mga diyos ng mitolohiyang Norse. Sinasabing
katulad sila ng mga tao subalit higit na malalaki gaya ng mga higante, at bihirang makihalubilo sa
mga tao. Nanunuluyan ang mga Aesir sa Asgard na katumbas naman ng langit sa ating mitolohiya;
ngunit ang lugar na ito ay hindi kaaya-aya sapagkat napakatahimik at nagbabadya ng kamatayan.
Kalaban ng mga Aesir ang mga higante, kaya naman pinoprotektahan nilang maigi ang kanilang
lugar dahil alam nilang darating ang sandaling mawawasak ang Asgard.
Ang pinakamataas na diyos ng mitolohiyang Norse ay si Odin, katumbas ni Zeus ng mitolohiyang
Griyego at ni Jupiter ng mitolohiyang Romano. Kabiyak niya ang makapangyarihang diyosa na si
Frigg na may kapangyarihang makita ang mga mangyayari sa hinaharap. Ang pinakamahalagang
diyos na naninirahan sa Asgard as sina Balder, Freyr, Heimdall, Tyr, at Thor. Si Thor ang
pinakamataas sa lahat ng diyos, at itinuturing ding diyos ng kulog at kidlat. Tangan niya palagi
ang kanyang martilyo na kilala sa tawag na Mjolnir. Itinatangi naman ng lahat ng diyos si Balder.
Si Freyr naman ang nangangalaga sa lahat ng prutas sa daigdig. Si Tyr naman ang diyos ng
digmaan, at si Heimdall naman ang tagapangalaga ng Bifrost, ang tulay na bahagharing nag-
uugnay sa Asgard at daigdig.

Ang Mga aesir, Vanir, at mga Higante


Ayon sa mitolohiya ng Norse, ang simula ng buhay ay apoy at yelo, na may pagkakaroon lamang
ng dalawang mundo: Muspelheim at Niflheim. Kapag ang mainit na hangin ng Muspelheim ay
tumama sa malamig na yelo ng Niflheim, nilikha ang jötunn Ymir at ang nagyeyelo na baka
Audhumla. Ang paa ni Ymir ay nagpalaki ng isang anak na lalaki at isang lalaki at isang babae na
lumitaw mula sa kanyang mga armpits, na ginagawang si Ymir ang progenitor ng Jotun. Habang
natutulog si Ymir, ang matinding init mula sa Muspelheim ay nagpagawa sa kanya ng pawis, at
pinalamig niya ang Surtr, isang jötunn ng apoy. Kalaunan ay nagising si Ymir at uminom ng gatas
ni Audhumbla. Habang siya ay umiinom, ang baka na si Audhumbla ay dumila sa isang batong
asin. Sa unang araw pagkatapos nito ay lumitaw ang buhok ng isang lalaki sa bato, sa ikalawang
araw isang ulo at sa ikatlong araw isang buong tao ang bumangon mula sa bato. Ang kanyang
pangalan ay Búri at sa isang hindi kilalang jötunn babae na pinanganak niya si Bor, ang ama ng
tatlong diyos na sina Odin, Vili at Ve. Nang malakas ang pakiramdam ng mga diyos ay pinatay
nila si Ymir. Ang kanyang dugo ay bumaha sa mundo at nalunod ang lahat ng jötunn, maliban sa
dalawa. Ngunit ang jötnar ay lumaki muli sa mga bilang at sa lalong madaling panahon mayroong
maraming mga bago namatay si Ymir. Pagkatapos ay nilikha ng mga diyos ang pitong higit pang
mga mundo na gumagamit ng laman ng Ymir para sa dumi, ang kanyang dugo para sa mga
karagatan, ilog at lawa, ang kanyang mga buto para sa bato, ang kanyang utak bilang ulap, ang
kanyang bungo para sa langit. Ang mga spark mula sa Muspelheim ay lumipad at naging mga
bituin. Isang araw habang naglalakad ang mga diyos ay may nakita silang dalawang puno ng putot
Binago nila ang mga ito sa hugis ng mga tao. Binigyan sila ni Odin ng buhay, binigyan sila ng isip
ni Vili at binigyan sila ni Ve ng kakayahang marinig, makita, at magsalita. Pinangalanan sila ng
mga diyos na Itanong at Embla at itinayo ang kaharian ng Gitnang-lupa para sa kanila; at, upang
maiwasan ang jötnar, naglagay ang mga diyos ng isang napakalaking bakod na gawa sa mga
eyelashes ni Ymir sa paligid ng Gitnang-lupa. Nagpapatuloy ang völva upang ilarawan ang
Yggdrasil at tatlong norn, Urðr (Wyrd), Verðandi at Skuld. Inilarawan niya ang digmaan sa pagitan
ng Aesir at Vanir at ang pagpatay kay Baldr, ang guwapo na anak ni Odin na minamahal ng lahat.
(Ang kuwento ay ang lahat ng umiiral na ipinangako na hindi saktan siya maliban sa mistletoe.
Sinamantala ang kahinaan na ito, gumawa si Loki ng isang bulok na mistletoe at linlangin si Höðr,
bulag na anak ni Odin at kapatid ni Balder, sa paggamit nito upang patayin si Balder. Sinabi ni Hel
na gagawin niya buhayin mo siya kung ang lahat sa siyam na mundo ay umiyak. Isang babaeng
jötunn - Thokk, na maaaring si Loki sa hugis-anyo na anyo - ay hindi umiyak.) Pagkatapos nito ay
ibinalik niya ang kanyang pansin sa hinaharap.

Pagkilala sa mga elementong bumubuo sa


mitolohiya
Katulad ng iba pang mga akdang pampanitikan, ang mga mitolohiya ay nagtataglay rin ng iba’t
ibang mga sangkap at elemento.
1. Tauhan
Ang mga tauhan ay mahalagang element ng anumang akdang pampanitikan. Sila ang nagpapaikot
sa kuwento. Sa mga mito, karaniwang mga tauhan ng diyos at diyosa na nagtataglay ng mga
kakaibang kapangyarihang nauugnay sa kalikasan. May diyos ng kalangitan, may diyos ng araw,
at ng buwan, at may diyos din ng mga halaman. Gayundin, may dyos ng digmaan, o ng
kapayapaan.
2. Tagpuan
Ang tagpuan ang pinangyarihan ng kuwento sa mito, Sa mga uring ito sa panitikan, karaniwang
ang tagpuan ay sinauna o makaluma. Inilalarawan nito ang kapanahunan noong bago pa lamang
ang daigdig, o wala pa ang daigdig.
3. Banghay
Kadalasang makikita sa banghay ng mito ang mga sumusunod:
a. kapana-panabik na aksyon at tunggalian; o pakikipagsapalaran ng mga diyos
b. pagkakalikha at pagkabuo ng daigdig; kung paano nagsimula ang lahat
c. mga suliraning sumusulpot at kung paano ito nasolusyonan
d. relasyon ng mga diyos at diyosa sa mga tao; kadalasang ipinakikita na nag mga diyos at
diyosa ay katulad din ng mga tao, subalit maaaring takbuhan o hingan ng tulong kapag
kinkailangan
4. Tema
Ayon sa pag-aaral ni Prof. Damiana Eugenio, ang karaniwang tema o paksa ng mga mito ay:
a. pagpapakilala ng iba’t ibang diyos at diyosa
b. pagkakabuo ng kalawakan at daigdig
c. pagkakabuo ng mga buntana, araw, buwan, at mga bitwuin
d. pagsulpot at pagkabuo ng mga anyong-lupa at anyong-tubig
Si Lumawig at ang daigdig
Si Lumawig ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ng mga ‘diwata.’ Sa langit siya nakatira
ngayon, subalit may isang panahon nuong nakaraan nang tumira siya sa Bontoc, isang nayon ng
Igorot, at nag-asawa ng isang dalagang Bontoc. Ang mga bato ng kanilang bahay ay nakikita sa
nayon hanggang ngayon. Si Lumawig ang lumikha sa Igorot, at mula nuon, lagi na niyang
inalagaan ang mga ito, tinuruan kung paano malabanan ang mga panganib sa kalikasan, kung
paano magtanim, mag-ani at, katunayan, lahat ng alam ng mga Igorot ngayon. Buwan-buwan,
pinaparangalan siya sa isang pagdiriwang sa banal (sagrado, holy) na kumpol ng mga puno. Sa
paniwala ng mga Bontoc, ang mga puno ay tumubo sa ibabaw ng mga libingan ng mga anak ni
Lumawig. Sa buwanang pagdiriwang, nagdarasal ang mga tao na maligtas sa sakit, mag-ani ng
maraming pagkain, at magtagumpay sa bakbakan.

Pagkilala sa pokus ng pandiwa


A. Pokus sa Tagaganap
Ang pokus ng tagaganap ay tumutukoy sa ugnayan ng pandiwa o salitang kilos at paksa ng
pangungusap na siyang gumagawa ng akto, kilos, o galaw. Ginagamitan ito ng mga panlaping um-
/-im, maka-, mag-, mang-(m/n), mag-, an, at magsipag-an-han. Malalaman ang pokus ng
pandiwang tagaganap sa pamamagitan ng mga panandang ang/mga kung tumutukoy sa pangalang
pambalana at si/sina naman kung tiyak na pangalan ng tao.
Halimbawa:
1. Si Frigga ay nakakakita ng mangyayari sa hinaharap.
(Si Frigga ang gumagawa ng kilos ng pandiwa. Ang pandiwa ay buhat sa pawatas na makita.
Panlaping makadiwa: ma-)
Narito ang iba pang halimbawa ng mga pandiwang may pokus sa tagaganap. Pansinin ang
panlaping makadiwa na ginamit sa pagbubuo nito.
1. um/-um-
kumain lumabas lumuha sumubok uminom bumili umalis kumuha sumali
2. maka-, mag-, mang-, mag –an, magsipag –an/-han
makagawa magluto manghiram makabasa magbasa manghula magsayawan magsipagsayawan
magkantahan magsipagkantahan
Tandaan na sa paggamit ng mga pandiwang may pokus sa tagaganap, maliwanag na ang simuno o
paksa ng pangungusap ang siyang gumagawa ng kilos ng pandiwa.
B. Pokus sa Layon
Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang layon ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
Makikita it sa pamamagitan ng mga panlaping –in/-hin, -an/-han, ma-, ipa-, pa-, at –in. Ginagamit
ang panandang ng ni, nina, ang, o ang mga para sa mga layon. Ginagamit naman ang
pangungusap si, sina, ang, o ang mga para sa paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Ang mga laman at buto ni Ymir ay ginawang anyong lupa
2. Binihag ng isang higante si Idun.
3. Dinilaan ni Audhumla ang isang bundok ng yelo.
C. Pokus sa Ganapan
Ang pandiwa ay nakapokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos. Ang mga
panlaping ginagamit sa pagpapahayag ng pokus sa ganapan ng makikita sa mga sumusunod:
-an/-han, tirahan, pag…-an/-han, pinagtaniman
Halimbawang pangungusap:
1. Tinirahan ng mga Aesir at Vanir ang Asgard.
2. Pinagtaniman nila ng mais ang hinawang lupa.
3. Napag-anihan nila ng maraming niyog ang dalisdis ng bundok.
4. Pinangisdaan ang mga tao ang lawa.
Pansinin na ang paksa ng pangungusap na gumagamit ng mga pandiwang nakapokus sa ganapan
ay mga lugar: hinawing lupa, Asgard, dalisdis ng bundok, at lawa.

Dula mula sa inglatera


Ang bansang England o Inglatera ay bahagi ng United Kingdom at kahangganan ng Wales sa
Kanluran at Scotland sa Hilaga. Nasasakupan ng bansa ang higit sa gitna at katimugang bahagi ng
Great Britain na nasa Hilagang Atlantiko, at higit sa 100 maliit na pulo tulad ng Isle of Scilly at
Isle of Wight. Kilala ang England sa mga bantayog at monument na itinayo noong sinaunang
panahon tulad ng Stonehenge, Arrow ng Diyablo, Rudson Monolith, at Castlerigg. Sa
pagpapakilala ang sinaunang arkitektura ng Roma, umunlad ang kanilang basilika, paliguan,
ampiteatro, arko, villa, temple, kalsada, fort, stockade, at aqueduct. Naitatag din ag mga unang
lungsod at bayan tulad ng London, Bath, York, Chester, at St. Albans. Nariyan din ang Wall
Hadrian na matatagpuan sa hilaga ng England. Mayaman at kakaiba rin ang panitikan ng England.
Ang mga alamat ng Inglatera ay nabuo sa paglipas ng maraming siglo. Karaniwang makikita sa
kani-kanilang mga habing kuwento ang mga kakaibang karakter gaya ng pixies, higante, duwende,
bogeymen, troll, at goblin. Sinasabing nagsimula ang panitikan ng England sa pagkakalikha ng
pinakatanyag nitong epkiong Beowulf sa kasagsagan ng ika-8 hanggang ika-11 na siglo. Lumitaw
at nakilala rin si Geoffrey Chaucer, may-akda ng The Canterbury Tales, na sinasabing isa sa mga
akdang nakapagbigay-impluwensya kay Dr. Jose Rizal upang sulatin ang kaniyang nobelang Noli
Me Tangere. Nakilala rin ang iba’t ibang mandudula tulad nina Ben Johnson, John Donne at
William Shakespeare. Si William Shakespeare ang itinuturing na pinakadakilang mandudulang
Ingles na nagpatanyag sa kaniyang mga obra gaya ng Hamlet, Macbeth, Julius Caesar, Antony and
Cleopatra, A Midsummer Night’s Dream, at Romeo and Juliet. Halos lahat ng kaniyang mga akda
ay may tema ng pag-ibig at romansa. Sinasabing hinango ni Shakespeare ang kuwento ng Romeo
and Juliet sa kuwentong Italyano na The Tragical Story of Romeus and Juliet ni Arthur Brooke
noong 1562. Madalas na isinasadula ang Romeo and Juliet sa mga dulaan noong araw at hanggang
sa kasalukuyan.
Sintahang Romeo at Juliet
Buod ng kwento:
Ang kuwento ay umiikot sa pag-iibigan nina Romeo at Julieta. Nang ang dalawa ay nagkita sa
isang handaan, sila ay agad na nagkagustuhan at hindi naglaon ay lihim na nagpakasal. Nang si
Romeo ay pinaalis dahil sa pagpatay sa isang Capuleto, si Julieta ay nakatakda nang ipakasal kay
Conde de Paris. Naiwasan ito ni Julieta sa pamamagitan ng pag-inom ng pampatulog na gamot na
ibinigay ni Padre Lorenzo, ang kaibigan at nagkasal sa dalawa. Dahil sa gamot na ito,
magmumukha siyang patay hanggang sa oras na magigising siya. Nakataon na ang sulat na
magsasabi ng kunwa-kunwariang pagpapakamatay ni Julieta ay hindi nakarating kay Romeo; sa
halip, natanggap ang balita ng kanyang pagkamatay. Sa pighati, pumunta si Romeo sa puntod ni
Julieta at saka unimon ng lason. Nagising naman si Julieta ilang sandali bago namatay si Romeo
kaya ang magkasintahan ay masuyong nakapagpaalam sa isa’t isa. Pagkatapos, sinaksak ni Julieta
ang sarili ng punyal. Matapos ang ilang sandali, ang pari, ang prinsipe, ang magulang ng
magkasintahan, at ang buong bayan ay dumating sa eksena. Ipinaliwanag ng pari ang lahat. Ang
mga magulang ay nagsisi at nagkabati, at ang magkasintahan ay inilibing sa iisang puntod.

Mga elemento ng DUla


1. Mga Aktor/Tauhan/Karakter. Sila ang umaakto, gumaganap at nagsasabuhay sa mga tauhan
sa iskrip ng pagbigkas ng mga diyalogo, pagpapakita ng iba’t ibang damdamin, at pagpaparanas
ng iba’t ibang sitwasyon.
2. Diyalogo. Ito ang pagbitiw ng linya ng mga aktor o gumaganap, daan upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon. Mas maganda, makapangyarihan, at tumatatak ang dula kung may
malakas at nakatatagos na mga linyang binibitawan ang mga aktor.
3. Tanghalan o Entablado. Anumang pook o lunan ito na pinagpasyahang pagtangahalan ng isang
dula na maaaring mataas na lugar sa harap ng manonood. Maituturing na tanghalan din ang
kalsadang pinagtatanghalan ng isang dula, o silid na pinagtatanghalan ng mga mag-aaral sa
kanilang klase.
4. Tagadirehe o Direktor. Siya o sila ang nagpapakahulugan sa isang iskrip, nag-iinterpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, pagganap, at kaanyuan ng tauhan, hanggang sa kaliit-
liitang mga bahagi at detalye ng dula.
5. Manonood o Awdyens. Sila ang mga taong manonood at huhusga ng dula
6. Tema. Ito ang pinakapaksa ng isang dula.
7. Iskrip o Nakasulat na Dula/Banghay. Itinuturing itong kaluluwa ng isang dula dahil lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nakabatay rito; mula sa mga diyalogo, yugto, tanghal at
tagpo.

Mga Bahagi ng Dula


1. Yugto. Ito ang ipinanghahati sa dula, na katumbas ng kabanata sa mga nobela. Ginagawa ito sa
pamamagitan ng paglaladlad ng tabing upang mabigyang-pagkakataon ang mga actor at manonood
na pansamantalang makapahinga.
2. Tanghal-eksena. Ito naman ang pinaghahati sa yugto kung kinakailangan magpalit o magbago
ng ayos ng tanghalan o tagpuan.
3. Tagpo. Ito ang paghahating tumutukoy sa pagpasok at paglabas ng mga tauhan sa tanghalan

Mga uri ng dula


1. Komedya ang tawag sa dula kung masasya, maagan, at kawili-wili ang mga pangyayari lalo na
sa pangunahing tauhan. Karaniwang masaya ang pagwawakas na ikinasisiya ng mga manonood.
2. Trahedya ang tawag sa dula kung malungkot, mabigat, nakalulunos, at nakaiiyak ang mga
pangyayari lalo na sa pangunahing tauhan. Kadalasang nagwawakas ito nang malungkot dahil ang
mga pangyayari ay humantong sa matinding pagkabigo o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Isang magandang halimbawa nito ang Romeo and Juliet.
3. Ang melodrama naman ay nagpapalamas ng mga nakaiiyak na eksena at nakapagbubuhos ng
matinding damdamin.
4. Ang parsa naman ay may layuning magpatawa sa pamamagitan ng mga kawili-wili at
nakatatawang eksena o pangyayari.
5. Parodya naman ang tawag sa panunudyo o panggagaya sa kakatwang anyo, kilos, akto,
pananamit, pananalita, at pag-uugali ng tao bilang komentaryo, pamumuna o pambabastos sa
pinag-uukulan.
6. Tinatawag na sayente ang dulang nagpapakita ng karaniwang pag-uugali o sitwasyon ng tao.

Pagkilala sa Pokus ng Pandiwa


A. Pokus sa Kagamitan
Tinatawag na pokus sa kagamitan ang isinasaad ng pandiwa o salitang kilos kung ang tuon nito
ay ang kasangkapan o instrumentong ginamit at nagsisilbing paksa ng pangungusap upang
maisagawa ang galaw, akto, o kilos. Panlaping ipang- at ma+ipang- ang kadalasang ginagamit na
mga panlapi ng pandiwang ito.
Halimbawa:
Ipinanasak ni Juliet ang balaraw sa kaniyang sarili.
Ang lason ay ipinangkitil ni Romeo sa kaniyang buhay.
B. Pokus ng Pinaglalaanan o Benefaktor
Ang pokus ng pinaglalaanan o benefactor naman ang tinutukoy ng pandiwa kapag ang
pinaglalaanan ng kilos ay paksa o simuno ng pangunugsap. Ginagamit sa pokus na ito ang mga
panlaping i-, ipag-, ma+ipag-, ipagpa-
Halimbawa:
Handang ipaglaban ni Romeo si Juliet sa kaniyang mga magulang.
Ipagkakasundo ang dalaga sa ibang lalaki.
C. Pokus sa Sanhi
Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
Ang mga panlaping ginamit ng naturang mga pandiwa ay i-, ika-, ikapang-.
Halimbawa:
Ikinalulungkot ni Romeo ang pagkamatay ni Juliet.
Ikinagalak ng reyna ang sagot ng anak.
D. Pokus sa Direksyon
Nasa pokus direksyonal ang pandiwa kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng
pandiwa. Ginagamit ang panlaping –an/-han.
Halimwaba:
Kaagad pinuntahan ni Romeo ang libingan ni Juliet.
Pinasyalan ng mga turista ang bagong parke.
Makikita sa mga pandiwang ito na ang pokus ng pandiwa ang nakaugnay sa ginamit na paksa sa
pangungusap.

Tula mula sa inglatera


Kilala ang mga pantikang kanluranin sa literaturang tungkol sa romansa o pag-iibigan, kagaya ng
unang binasang akda na tungkol sa malungkot na pag-iibigan nina Romeo at Juliet. Bukod sa dula,
marami ring nasulat na tula tungkol sa paksang ito. Isa na rito ang soneto na sinulat ng tanyag na
manunulat ng tula na si Elizabeth Barret Browning. Nagsimula ang pagsulat ng soneto noong ika-
13 siglo ng Europa, partikular sa bansang Italya. Karaniwang binubuo ito ng 14 na taludtod o
mahigit pa, nagmula ang salitang sonnet o soneto mula sa salitang Italyanong sonetto na
nangangahulugang “munting tula”, at sinasabing mula rin sa salitang Latin na sonus na ang ibig
sabihin ay “tunog.”

Paggamit ng mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay


Sa pagsasalaysay, mahalaga ang paggamit ng mga pananda na nagpapakilala ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari. Ilang halimbawa ang sumusunod:
Una sa Lahat, Pagkatapos, Panghuli
Sumunod, Tapos, Sa pangkalahatan
Gumagamit din ng mga salitang pangkayarian, tulad ng mga pang-ugnay. May tatlong uri ng pang-
ugnay: pang-angkop, pangatnig, at pang-ukol.
A. Pang-angkop
Pang- angkop ang ginagamit na pang-ugnay ng salitang nagtuturing (pang-uri o pang-abay) sa
tinuturingan nito.
malamig na tubig, mabilis na tumakbo, malaking sakuna, maagang gumising, mayamang biyuda,
mahinhing yumukod
B. Pangatnig
Ito naman ang mga salitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, o pangungusap upang mabuo ang
pagpapahayag.
1. Ang pangsugpo ng mga suliranin sa droga at krimen sa bawat bayan ay binibigyang-pansin ng
mga kawani ng mapahalaan.
2. Ang wastong pagpapalaki ng mga anak, pati wastong pangangalaga, ay nagdudulot ng mabuting
pag-uugali at pagiging makatao.
3. Mapapatawad ang makasalanan, kung ang nagkasala ay lubos na magsisisi sa kaniyang
nagawang pagkakamali.
C. Pang-ukol
Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng pangngalan sa iba pang mga salita sa loob
ng pangungusap.
1. Malapit nang matapos ang bagong gusali sa bungad ng paaralang bayan.
2. Ayon sa balita, marami ang naging biktima ng malakas na bagyo.
3. Ang balita raw hinggil sa pangulo ng Bagong Samahang Magbubukid ay totoo.

You might also like