You are on page 1of 20

Nueva Ecija University of Science and Technology

Cabanatuan City, Nueva Ecija

Pagsusuri sa Penikulang

SEKLUSYON

Ipinasa nina:

Faustino, Jason Patrick

Seminiano, Aidan Leonard S.

BSCE 2-I

Ipinasa kay:

Kassandra Mae Salipsip

Filipino Teacher
Pagsusuring Pampenikula

A. Pamagat

Ang seklusyon ay pinalabas sa sinehan noong taong 2016 ika 25 ng Desyembre. Ito
ay isang kakatakutan na penikula na tungkol sa isang bata na may kakayahang
manggamot ng kahit ano mang uri ng sakit at sa pagpatuloy nyang pag gamut ng mga
taong may sakit, may isang itim na likido na lumalabas sa kanyang bibig na
nangangahulugan na epektibo ang kanyang ginagawa. Subalit ang kanyang katauhan
hindi alam ng karamihan, sya ay kilala lamang bilang batang mangagamot na napili
ng itaas. Ngunit may isang pari na naglakas loob na ilabas ang tunay nyang anyo sa
lahat na nagging daan upang maligtas ang mga inusente.

Dito sa penikula na ito ipapakita kung panong haharapin ng apat nating tauhan ang
mga pagsubok sa loob ng seklusyon.

Ang penikula na ito ay ginawa ni Erik Matti sa tulong ng Reality Entertainment. Ang
Seklusyon ay ang pangatlong ipinanglaban ni Erik Matti sa Metro Manila Film
Festival pagkatapos ng “Kubot: Ang Aswang Chronicles 2” noong 2014. Ang script
ng seklusyon ay ginagawa sa loob ng halos 2 taon.

B. Direktor

Hindi lang director si Erik Matti kung hindi ay isa din syang manunulat. Si Erik, ang director
ng seklusyon, ay ipinanganak noong taong 1970 sa buwan ng Desyembre ika 21 na araw.
Sya ay nakatangap din ng iba’t ibang gantimpala gaya ng:

Taon Awards Penikula

1996 Festive Prize Best Screenplay (Magic Temple)

2013 Jury's Choice Award Feature Film (On the Job)

Movie Director of the year (On the Job)


Star Award
Movie Screen Writer of the year (On the Job)

Best director (On the Job)


2014
FAMAS Award Best screen play (On the Job)

Best story (On the Job)

Golden Screen Award Best Original Story (On the Job)

2015 Festival Prize Best Director (Honor Thy Father)

Festival Price Best Director (Seklusyon)


2016
Best Asian Film Honor Thy Father

Sya din ay nanominado sa:

Tao
Nominee Penikula
n
2002 YCC Award Best Film (Sa huling paghihintay)

2005 FAP Award Best Director (Pa-siyam)


2010 Gawad Urian Award Best Direction (The Arrival)
Best Screenplay (The Arrival)

SACD PRIZE On the Job

Best of Puchon On the Job

Focus Asia Award On the Job


Movie Director of the Year (Tiktik: The Aswang
Chronicles)
Movie Screenwriter of the Year (Tiktik: The
Aswang Chronicles)
Best Screenplay (magic Temple)

Best Screenplay (Kubot: The Aswang Chronicles 2)


Best Original Story (Kubot: The Aswang Chronicles
2)
Golden Screen Award Best Director (On the Job)

Best Direction (On the Job)

Best Screenplay (On the Job)

Audience choice Award Audience Choice Award (ABCs of Death 2)

Festival Prize Best Original Story (Honor Thy Father)

2019 Gawad Urian Award Best direction (BuyBust)


Best screenplay (BuyBust)

FAP Award Best Director (BuyBust)

FAMAS Award Outstanding Achievement in Directing (BuyBust)

Bukod sa Seklusyon, sya rin ang nagging director ng “On the Job” na lumabas noong
taong 2013, “Honor Thy Father” na lumabas noong taong 2015, “BuyBust” na
sumikat noong taong 2018, “Kuwaresma” ang pinaka bago nyang labas na pinikula
noong 2019 at ito ay may pagkakahawig sa seklusyon, “Mano po” noong 2002,
“Gagamboy” noong 2004, “Tiktik: The aswang Chronicles” noong 2012, at ang
“Kubot: The aswang Chronicles 2” noong 2014.

C. Producer

Ang Reality Entertainment ang producer ng seklusyon. Bagamat ang Reality Entertainment
ay isa sa pinakabatang producer dito sa Pilipinas, ito ay nakakapagbigay ng magaganda at
bagong tema patungkol sa iba’t ibang larangan ng penikula mapa aksyon, drama,
katatakutan, katatawanan, o isang istorya na malayong magyari ito ay kayang gawan ng
Reality Entertainment ng magandang kinakatawan. Ang Reality Entertainment ay nabuo
noong taong 2003 sa kamay ni Erik Matti, isang magilas na manunulat at director, ay
nakapagbigay ng kasiyahan at aliw sa bayan. Ang mga penikula na gawa ng Reality
Entertinment ay nanalo din ng iba’t ibang medalya gaya ng “Kubot: The Aswang Chronicles
2” na nanalo ng 3rd Best Picture noong 2014 sa Metro Manila FilmFestival. Ang lahat ng
penikula na gawa ng Reality Entertainment ay dumadaan sa iba’t ibang tao upang husgahan
kung ito ng aba ay karapat dapat na ilabas.

Ang mga penikula ng Reality Entertainment ay ang mga sumusunod:

Tao
Penikula Genre Director
n
Exodus: Tales from the
Fantasy Erik Matti
2005 Enchanted Kingdom
Uro dela Cruz, Rico Maria
Shake, Rattle and Roll 2k5 Horror
Ilarde, Richard Somes
Rigodon Romance, Thriller Erik Matti
Tiktik: The Aswang Horror, Fantasy,
2012 Erik Matti
Chronicles Adventure
Corazon: Ang Unang
Horror, Thriller Richard somes
Aswang
Kung Fu Divas Acton, comedy Onat Diaz
2013
On the Job Action, Thriller Erik Matti
Kubot: The Aswang Horror, Fantasy,
2014 Erik Matti
Chronicles 2 Adventure
Honor Thy Father Action, Drama Erik Matti
2015
Resureksyon Horror Alfonso Torre III

2016 Seklusyon Horror, Thriller Erik Matti

2018 BuyBust Action, Thriller Erik Matti


Tol Comedy Miko Livelo

Second Coming Horror Jet Layco

Kuwaresma Horror Erik Matti

2019 And Ai, Thank You Comedy Joven Tan

The Ghosting Horror, Mystery Joey de Guzman

Santigwar Horror Joven Tan

Damaso Musical Joven Tan

D. Tauhan

d.1 Pangunahing tauhan


Miguel (Ronnie Alonte) ----- sya ay isang diyakuno at pumasok sa isang simbahan na
kung saan hindi nabibisita ng karamihan para sa kanyang huling pagsusulit.

Fabian (Dominic Roque) ----- kasama ni Miguel sa simbahan

Marco (John Vic De Guzman) ----- ang kasama ni Miguel sa simbahan

Carlo (J.R.Versales) ----- kasama ni Miguel sa simbahan

d.2 Pansuportang Tauhan

Sister Cecilia (Phoebe Walker) ----- sya ang tumutulong kay Angela sa tuwing may
gagamutin sya.

Erina (Elora Espano) ----- minamahal ni Miguel na namatay na

Sandoval (Lou Veloso) ----- isang dating pari na napatalsik

Anghela Sta. Ana (Rhed Bustamante) ----- ang bata na may kakayahang
magpagaling ng kahit anong uri ng sakit.

Padre Ricardo (Neil Ryan Sese) ----- gusto nyang malaman kung ano nag
pamamaraan ng mabilisang paggaling ng mga taong may mga karamdaman na hindi
kayang gamutin.
E. Banghay

e.1 Panimula

Sa isang baryo may isang batang nakakapagpagaling ng kahit anong karamdaman sa


isang iglap lamang.Nung ito ay malaman ni Padre Ricardo, pinuntahan nya ang lugar
na nasabi kung saan napapagaling ng mabilis ang ano mang uri ng kapansanan o
sakit, ngunit may kapagkatakatakang nangyari, sapagkat na ang batang si Anghela ay
naglalabas ng kulay itim na likido sa kanyang bibig. Nakuha nito ang buong atensyon
ni Padre Ricardo. Kahit na nakuha nito ang nuong atensyon ni Padre Ricardo, sya pa
din ay nagdududa na baka may lihim na nangyayari sa likod ng mala himalang
pangaggamot.

e.2 Suliranin
Habang naglalakad si Padre Ricardo, siya ay napatigil dahil sa isang nakakapagtakang
gamit sa sahig. Ng ang gamit na to ay gumalaw, ito ay kanyang sinundan patungo sa
ilalim ng upuan.

Sa kanyang pagkagulat napagtanto nya na si Anghela ang inakala nyang isang gamit
na nakakalat sa sahig. Matapos ang nangyari, nalaman nya na ang pamilya ni Anghela
ay napatay at ang kanyang mga kasama ay nawawala sa hindi alam na kadahilanan.

e.3 Saglit na Kasiglahan


Sa huling pagsubok ng apat, sinubukan ni Angela na kumbinsihin ang apat na hanapin
ang sarili nila sa pamamagitan ng pagtuliksa sa mga masasamang bisyo nila. Ang
nauna ay si Marco na may pagkamakasarili. Si Fabian na bayolente sa mga babae.
Carlo na mahilig sa mga batang babae. Ang huli ay si Miguel. Ngunit hindi sumunod
si Miguel dahil hindi nya pinagkakatiwalaan si Anghela. Iniisip ni Miguel na ang
prisensya ni Angela ay hindi totoo kung hindi peke lamang.

Habang iniisip ni Miguel ang mga nakikita nya kay Anghela sya ay tumakbo ng
walang dahilan. Hinabol sya ng kanyang mga kasama na nagging dahilan kung bakit
sya ay nadulas at tumama ang kanyang ulo sa sahig. Ng tumama ang kanyang ulo sa
sahig Nakita nya ang kanyang miamahal.

e.4 Kasukdulan

Si Sandoval ay isang paring napatasik dahil sa kasalanang kanyang nagawa.


Lumipag ang ilang araw nakumbinsi ni Anghela si Sandoval na ang ang dahilan
kung bakit sya napatalsik sa pagiging pari ay hindi nya kasalanan.

Ng sumapit ang gabi nagsama sama uli ang apat na diyakuno kasama sila Sister
Cecilia, Sandoval at Anghela. Pagkakuha nila ng pagkain sila ay nagulat sapagkat
ang mga pagkain nila ay sira at panis na. si Anghela naman ay umaksyon agad.
Sya diretong kinuha ang tinaoay upang ibalik ito sa dati upang makain. Matapos
ang hapunan pumunta si Anghela sa lababo upang gawing alak ang tubig gripo
e.5 Wakas

Matapos makakuha ng lakas ng loob si Padre Ricardo, kanyang hinarap si Anghela at


sinabi na kilala nya ang totoong kulay nya at sinubukan nya itong puksain. Subalit si
Anghela ay masyadong malakas kaya’t ang napuksa ay si Padre Ricardo.

Matapos ang nangyari, nasaksihan ni Miguel ang mga nangyari at dinala nya si
Anghela sa simbahan sinarado ang mga pinto at hinarap nyang magisa si Anghela.

Habang naghaharap si Anghela at Miguel, si Anghela ay nagpalit anyo at nagig


demonyo na nagngangalang NgaHela. Ang kanyang kapangyarihan na ginamit nya
upang mapagaling ang mga may kapansanang tao ay pwersahang namampalataya. Si
sister Cecilia at ang tatlong kaibigan ni Miguel ay sinira ang pinto upang makapasok
sa simbahan at kumuha si Miguel ng kutsilyo at pinagsasaksak nya si NgaHela hangat
ito ay mamatay. Pagkatapos ng nangyari, si Miguel ay hindi na natagpuan.
F. Mga Aspektong Teknikal

f.1 Sinematograpiya

Ang paggamit ng mga ilaw at micropono sa penikula ay may pagkakasabay.


Nagkakasunod ang dalawa kaya madali mong makikita ang pinupunto ng bawat
eksenang nangyayari. Mas naibigyan diin nito ang mga pangyayari at nababawasan
ang mga hindi mahahalagang bagay kaya’t hindi mo malalagpasan ang mga detalyeng
parte ng penikula.

Nabibigyan halaga ang bawat haligi na nagreresulta ng paagpapakita ng


makakatotohanan na senaryo. Aakalain mo ito na hango sa totoong buhay dahil sa
buhay na pagkakabuo ng bawat galaw at ang bawat pagkakasunod sunod ng mga
linya ng mga aktor. Sa pag ayos ng Angulo ng camera at ilaw ng paligid ay ang susi
upang makita ng manonood ang totoong nagyayari sa harap ng camera. Sa tamang
ayos at gamit ng sinematograpiya, ay sapat na upang malibang ang manonood. Hindi
na nito kinakailangn pa ng visual effects upang ito ay maging kamangha mangha pa.
f.2 Musika

May maga parte sa penikula na ang musika may natatakpan na nya ang mga boses sa
sobrang lakas. Ngunit ang musika sa penikula ay mas nagbibigay din ng kulay sa
bawat pangyayari. Mas nagiging kasabiksabik ang bawat senaryo lalo na sa mga parte
na kritikal. Ang musika ay ang nagdidikta kung paano ang susunod na magiging
daloy ng istorya. Kahit na sabihin namaganda ang mga linya at kilos ng bawat aktor.
Wala pa rin tatalo sa penikula na nakaaayos ng mabuti ang musika. Ito dapat ay
matiyang inilalapat sa video upang malaman kung sapat na ba ang kinakailanang bilis
o bagal na nailangay sa musika. Sa pamamagitan ng musika, nabibigyan nito ng
buhay ang mga kadalasang mahirap panooring penikula.

Sa tulong ng musika, makukuha nito ang iyong atensyon. Ang atensyon na


magbibigay daan upang makita kung karapat dapat nga bang ang penikula ay mas
bigyang halaga depende sa atensyon na makukuha nito. Kung gayon ang tangin
solusyon dito ay ang kagandahan ng kanta.
f.3 Visual Effects

Kahit na hindi ganon kadami ang special effects dito sa penikula na ito, madadama
mo pa din ang pinapahiwatig at galling ng manunulat sa pagbuo ng penikula. Ang
pinaka gusting gawin ng penikula na ito ay gawing makatotohanan hangat possible.
Sa pagbawas ng pagamit ng visual effects nagsisimula iyon.

Kung ang video effects ay mababawasan mas makikita ang totoong kulay ng paligid
at hindi nahaharangan ng iba’t ibang dumi. Hindi mo aakalain na ito ay gawa ng
visual effects sapagkat ito ay mukhang nangyayari sa tutuong buhay. Hindi lahat ng
aksyon ay masusukat kung gaano kaganda ang visual effects. Minsan, nadadala ito
kung paano umarte ang isang aktor.
G. Bisang Pampanitikan

g.1 Bisang Pangkaisipan

Aming napagtanto na hindi sa lahat ng oras ay mapagkakatiwalaan mo ang iyong


mata. Ikaw ay dapat marunong din makiramdam ng mga posibleng mangyari. Kung
ikaw hindi magiging maingat, pahamak lang iyong patutunguhan. Ito ay hindi mo
maating hatiin,ito ay dapat iniipon upang mas tumaas ang tsansa nito upang maging
ligtas ang isang tao. Sa pamamagitan din ng pagiging alterto sa paligid ay
maibabahagi mon a rin sa mga tao sa paigid mo na kailangang magingat lagi upang
pahamak ay maiwasan. Dapat piliin lamang ang mga taong iyong
mapagkakatiwalaan.

Hindi sa lahat ng oras ay ang kasakasama mo ay nanjan para depensahan ka, ang iba
ay nanjan upang saktan ka. Hindi lang ito nangyayari sa penikula, ito may madalas
mangyari lalo na kung ikaw ay lagging bukas palad. Ang pagiging bukas palad ay
hindi masama ngunit ang sobra nito ay maaring maituring na masama dahil hindi
hindi mo na ipiagtatangol sarili mo kinununsinti mo pa sila. Isa pa namin naisip ay
kailangan natin ang isa’t isa upang lumakas. May mga taong mas ginugusto nila ang
maging mapagisa ngunit kahit gano ka man kalakas matatalo ng 10 lobo ang 1 leon.
Sa pagtutulungan makakakuha ka ng katahimikan, kapayapaan sa isa’t isa. Ito ay isa
sa magiging gabay ng tao upang gumawa ng mabubuting gawain sapagkat ang gawa
ng lahat ay gawa ng isa. Pagkakaisa ang pinakakailangan ng tao, sapagkat ito ay
maaring maging gabay natin sa pagunlad at paggalaw ng ating kaalaman.

g.2 Bisang Pandamdamin

Hindi mapagkakaila na kami ay nasabik sa kadahilananngkahit na kahit nahihirapan


ang isang tao, patuloy padin itong lumalaban upang mapatunayan na hangangat
lumalaban hinding hindi mawawala ang pagasang manalo. Ito dapat ang ugaling ating
tinatangkilik. Sa pamamagitan nito, walang bagay na maiiwan, lahat ng kailangag
tapusin ay magagawa at ito ay hindi mawawala. Magiging matatag ang bawat isa
kung ito ay isasaisip. Ang simpleng pagsuko ay nangangahulugan ng pagsabi na ayaw
mo na. Kung ikaw ay aayaw na agad, paano mong malalaman na kaya mong tapusin
ang mga bagay na pinapangarap mo lamang, paano mo makikita ang pagasenso ng
iyong sarili habang tiatawanan ang iyong naranasan dati. Papaano mo makakamit ang
matagal mo ng inaasam? Yan ang madalas na matatanong mo sa sarili mo habang
iniisip ang plano patungong tagumpay. Isa pa sa aming naramdaman ay lungkot. Ito
ay dahil kahit Nawala na ang pinaka problema nila, nawala din ang tagapagligtas.
Ang nangyari ay buhay sa buhay. Hindi na makita kung saan napunta ang
tagapagligtas. Ngunit kahit na lungkot ang aming nararamdaman dahil sa pagkawala
ng bayani. Kasabay nito ang pagkatuwa, bagamat sya ay walang laban sinubukan pa
din nya. Alam nyang sa laban nayon, posibleng sya ay makuhanan ng buhay pero ito
ay itinuloy pa din nya. Hindi para sa sarli nya, kung hindi para puksain ag dilim at
pasikatin muli ang araw. Kahit ano ang mangyari may roong bayani na darating upag
iligtas ang sambayanan. Ang mga bayani na ito ay hinding hindi makakalimutan,
sapagkat tumatak na sila sa isip at diwa ng bawat tao na nahihirapan din. Nagsisibli
silang inspirasyon ng bawat tao na nagpuputsige upang makamit ang Kalayaan ng
bawat isa.

g.3 Bisang Pangkaasalan

Matapos panoorin ang penikula napagtanto naming na hindi lamang kailangan


matalas ang paningin dapat ay kilalanin mo ng maayos ang iyong nasa paligid. Ito ay
upang maiwasan ang mga paparating na kapahamakan. Kung ang kapahamanakan ay
iyong iiwasan madaming magagandang bagay ang mangyayari. Ito ang madalas na
sinasabi ng lahat, mas mabuti ng maging maingat, hindi dapat tayo maging padalos
dalos sa mga galaw natin dahil ang bawat pagkakamali ay maaring magdesisyon sa
ating kinabukasan. Minsan tayo ay nahihirapan na tanggapin ang mga bagay na
makakabuti pasa atin. Ito ay dahil sa takot sa pagsubok ng bago. Ang depinisyon ng
halos lahat ay ang bago ay delikado. Ito ngayon ay iniiwasan dahil ito ay walang
naidudulot na maganda. May makapagsasabi na ang pagbabago ay maganda pero
pagkatapos ng ilang sandali sabihin hindi ito maganda. Tayo na napapahinto na
lamang sa isang lugar, hindi gumagalaw kaya’t walang bagong nalalaman. Ngunit
kung may isa sa atin ang maglalakas loob na sumubok ng bago na iyon, and
determinasyon na magagamit ay tiyak na maipapasa sa mga susunod sa iyo dahil ang
pagsubok na iyong tatahakin ay puno ng kapalaran na madaming mababago sa iyong
sarili. Ating tatanungin sa sarili, ano ng aba ang dapat na gawin upang maging
matagumpay?
H. Implikasyon sa lipunan ng Penikula

Ipinapahiwatig nito na kahit anong gawing tago mo sa iyong personalidad mo. Hindi
mo ito maiiwasang lumantad sapagkat maitatago mo man ito ng pandalian hindi mo
ito kayang itago ng panghabang buhay dahil ang lahat ng bagay ay may hanganan.
Kahit ano pa ang rason ng isang tao kaya sila nagtatago ng kanilang totoong
personalidad, mas lalo itong nakaakpukaw ng pansini sa iba. Kaya ito ay nagiging
dahilan kung bakit mas nagiging interesado ang mga tao sa espesipikong bagay.

Ang pagtatago minsan ay nakakabuti, yan ang iniisip ng iba, dahil ito sa kakulangan
ng impormasyon na pagpapaliwanag at kung mayron mang impormasyon ito ay
madalas na sensitobo at pag ito ay kumalat hirap ang matatamo ng ating tagapagtago.
Minsan mapapaisip tayo, hindi lahat ng may tinatago ay masasama, na tama, ito ay
dulot minsan ng takot na nangunguna na agad sa isang tao. Napapangunahan agad ang
spesipikong tao nayon ng takot sa lahat kaya’t ang posibilidad na maging kilos ng tao
nayon ay limitado sapagkat kung ang isang tao ay may itatago gagawin nya lahat ng
bagay upang hindi ito lumabas. Ito rin ang dahilan kung paano nila sinisira ang sarili
nila. Sa pagpipilitang pagtago,hindi na nila namamalayan ang kaninlang ginagawa
dahil nakatuon lamang ang kanilang pansin sa kanilang tinatagong lihim. Mawawalan
sila ng kakayahan na rumesponda sa mga nasa paligid nya na magdudulot lamang ng
matinding aksindente.

I. Teoryang pampanitikan

Teoryang dekonstruksyon

Ang teoryang dekonstruksyon ay layunin na ipagbigay alam sa tao na walang iisang


bagay na nanatili sa mundo. Ito ay ang mga pangyayari na hindi karaniwang
pinaguusapan. Gaya ng penikula, hindi mo ito madalas pagusapan. Ito ay sa
kadahilanang nakakatako, o respeto sa mga masasaktan pag nakarinig. Hindi ito
madalas marinig sapagkat halos lahat satin ay alam ang kapangyarihan ng mga
masasamang espirito kung tawagin. Dito na nabuo ang takot na naipasa sa lahat at
habang ito ay kumakalat ito ay lumalaki. Bagama’t ito ay kalat, hindi pa din ito
napaguusapan.may ibang iniisip na pinapanood sila ng mga bagay na ito, ang iba
naman ay sabik malaman kahit na bawal. Susubukin ang bawat isang
pananampalataya dahil lahat ng tao mamamayanan ay naniniwala dito. Maging ito ay
isang alamat madami pa din dahilan kung bakit ito katakutan. Kahit hndi pa ito
nakikita ay karapatdapat lang iwasan.

You might also like