You are on page 1of 4

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

GE11

PANUNURING PAMPELIKULA
GAMIT ANG IBA’T IBANG TEORYANG PAMPANITIKAN

PAGSUSURI SA PELIKULANG

ODA SA WALA

Nina

CRISELLE SALAZAR
PATRICIA GARCIA
ERICA DACLAN
(Pangkat)

MR. ABELARDO MIRANDA


GURO

GAWAING PANGKLASE
Unang Semestre 2021-2022
NILALAMAN NG PAGSUSURI

I. PANIMULA
Tukuyin ang kaligiran ng pelikula. Alamin ang motibasyon ng director/sumulat
ng pelikula kung bakit niya ito isinulat. Ilalagay rin sa bahaging ito ang lokasyon ng
pelikula, banghay, makabuluhang kaugnayan sa pangyayari sa kasaysayan(kung
mayroon man). Magsaliksik pa ng karagdagang detalye hinggil pelikula. Ilagay sa
bahaging ito ang mga tauhan at ginampanan sa sa pelikula.

 Ang pelikulang ito ay sinulat at direktor nito ay si Dwein Ruedas Baltazar, Nagsimula ang
"Oda sa Wala" sa isang musika na tune ng Chinese na tumutugtog sa isang imahe ng
nag-iisang puting bumbilya, na pinag iikutan ng mga maliliit na mga langaw. Tulad ng
naunang pelikula ng writer-director na si Dwein Baltazar, Gusto Kita with All My
Hypothalamus, itong pambungad na kumbinasyon ng imahe at musika ay isang iconic na
pagpapahayag ng mga tema ng pelikula. (Ang pambungad na kuha ni Oda ay nasa
salamin sa huling eksena, ngunit ang bumbilya ay pinalitan ng buwan, ang mga langaw ay
may mas nakakabagabag. Ang kantang Chinese na "Mò Lì Huā", ibig sabihin ay bulaklak
ng jasmine, at tulad ng paksa ng kantang iyon ang pelikulang ito ay puno ng kaputian,
isang oda sa wala na ibinigay sa kulay ng kadalisayan at kawalan ng laman, isang ganap
na liwanag na kasing kulay ng kamatayan gaya ng itim.

Lokasyon ng pelikula: Lumang bahay na may kasamang lumang funeraria.


Direktor: Dwein Baltazar
Tagasulat ng iskrip: Dwein Baltazar
Inedit: Dwein Baltazar
Producer by: Bianca Balbuena-Liew, Kriz Gazmen, Iana Bernardez at si Marizel Samson.
Executive Producers: Eduardo Lejano Jr. at Manet Dayrit.

Mga Pangunahing Tauhan (bida)

Marietta Subong (Pokwang) - bilang si "Sonya"


Joonee Gambao - bilang tatay ni Sonya
Angelita Loresco - Bangkay na matandang babae
Dido Dela paz - bilang si Theodore
Anthony Falcon - bilang si "elmer"
Iana Bernardez - bilang asawa ni elmer

II. Buod ng Pelikula


Isang makabuluhang buod. (Gamitin ang gabay na ibinigay sa elemento ng
pelikula)

 Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang babae na nangangalang Sonya, isang matandang
dalagang nagtatago sa isang maliit na bayan. Walang nakakakilala sa kanya kundi ang
mga bangkay na dinadala sa kanyang punerarya. Isang umaga, nagbago ang takbo ng
kanyang buhay nang dalhin sa kanya ang isang misteryosong bangkay na naging susi sa
panibagong kabanata hindi lamang ng kanyang buhay, kundi maging ang buhay ng
kanyang ama. Ngunit hindi habambuhay ang swerteng kanyang natamo, dahilan upang
magbalik siya sa dati niyang buhay. Hinarap niya ang katotohanang ang bangkay na
kanyang naging kaibigan at ang kanyang sarili ay walang pinagkaiba.

III. Mga Teoryang Pampanitikan na Makikita sa Pelikula


Pumili ng tatlong teorya. Tukuyin ang mga karakter. Itala ang linya ng
karakter, running time kung saan makikita ang teorya. Ipaliwanag ang
kaugnayan ng karakter, linya nito sa teoryang ginamit.

Sundan ito
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
A. Pagdating ni Theodore sa bahay nila Sonya para sa itinakdang paniningil na
humantong sa sakitan , pagtangkang ipagamit ni Sonya ang katawan kay
Theodore at pagkuha ng ari-arian.
B. Ang tauhan na si Sonya ay isang tagapangasiwa ng isang Funeral Home,
embalsamador taga make-up ng patay etc. Sa twing may dumadating na patay si
Sonya ang gumagawa nito.
C. Kaarawan ni Sonya, habang nasa hapag-kainan naisipan niyang patugtugin ang
paborito niyang Chinese song( Jasmine Flower) at nagsimula syang
sumayaw,inaya niya ang kanyang tatay at isinayaw din nila ang bangkay ng
matandang babae. Na binihisan pa nila at tinatrato na buhay.

Running time:
A. 1:19- 1:20:50 (1minute and 50 sec.)
C. 56:05 - 58:35 (2 minutes and 35 secs.)

Teoryang Ginamit:
A. Teoryang Realismo( Panlipunang Realismo)
B. Teoryang Feminismo
C. Teoryang Realismo ( Mahikal na Realismo)

Pagtalakay/Paliwanag:
A. Dito ipinapakita ang kalagayan ng pamumuhay at lagay ng mga mahihirap. Na
dumadaan na sa punto na handa mung ibigay ang iyong puri at dangal kapalit ng
pera o pambayad utang.Ang saklap pa ang mga taong nakakaangat sa buhay ay
mas lalong ginigipit ang kapwa nila dahilan ng mas higit pang pagkalugmok.
B. Ang teoryang ito ay nagpapakita na may kakayahan din ang Isang babae sa
ganitong larangan, di nia alintana ang deskriminasyong nararamdaman nia Kung
bakit sa edad na 44 single pa din sya batay sa kanyang trabaho. Binigyang halaga
niya ang trabaho na iyon para sa kanyang mga obligasyon. Pinapakita Niya lang
Dito Kung Hanggang saan ba Ang kayang gawin Ng Isang babae para sa pamilya.
C. Dito sa eksena na ito,wala mang mahikal na elemento nagkaroon naman sila ng
isang pantasya na buhay pa ang kasamang matandang babae na binihisan pa at
kinakausap na animo'y isang totoong taong buhay.

IV. Pangkalahatang Teorya


Magtala ng isang (1) teorya na maaaring ilapat sa kabuuan ng pelikula.
Magtala ng 2 patunay/eksena/sitwasyon mula sa pelikula na nagpapakita ng
kaugnayan sa teoryang napili.

Sundan ito

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
A. Swerte Talaga" - Sonya,
Huwag mo na batiin baka mausog pa."-Rudy
B. “Alam mo bago ka dumating naiisip ko, siguro mas mabuting bigla nalang akong
maglaho, kaya yung nandito ka nga pero parang wala rin.”- Sonya
Running Time:
A. 50:26 - 50:32
B. 52:24-52-47

Teoryang Ginamit:
A. Teoryang Realismo
B. Teoryang Realismo (Panlipunang realismo)

Pagtalakay/Paliwanag:
A. Ito ay ilan sa mga pag-uusap sa loob ng pelikula. Ito ay nagpapahiwatig ng pang-
unawa sa magandang kapalaran o kakila-kilabot na magandang kapalaran. Kung
sumasalamin ka sa pagsasaalang-alang dito. Kami ay karaniwang may
kagustuhan at ito ay maaaring magdikta kung ano ang mangyayari
B. Ito ay isang pahayag na sinabi ni Sonya sa pelikulang Oda sa wala. Kaya
naging realismo ito dahil karamihan sa ating mga pilipino ay binabanggit
ang pahayag na “siguro mas mabuting bigla nalang akong maglaho”
kapag tayo ay nakakaramdam ng kalungkutan ito ayb maihahalintulad sa
realidad ng mga tao.

Mga Petsa ng Pagpapasa: Setyembre 17, 2022

You might also like