You are on page 1of 20

KABANATA IV:

PELIKULA HINGGIL SA
DIASPORA/MIGRASYON
REPORTERS:
CRISELLE SALAZAR
PATRICIA GARCIA
ERICA DACLAN
LAYUNIN
• Maipakita ang katotohanan sa buhat at sitwasyon ng
mga OFW sa ibang bansa.
• Malaman ang iba't ibang tauhan at
kanilang ginagampanan sa pelikulang natalakay.
• Magpapahiwatig ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
masasandigang organisasyon ng mga OFW's. 
PAGBIBIGAY KAHULUGAN
 MIGRASYON – Ang migrasyon ay ang paglipat ng paninirahan ng
tao mula sa isang pook papunta sa isang lugar. Ang migrasyon ay
maaring panandalian o pang matagalan, pansamantala o permanente. 

 DIASPORA – Tumutukoy sa isang etnikong populasyon


na puwersahan o boluntaryong iniwan ang kanilang tradisyunal na
etnikong tahanan upang mamuhay at manirahan sa ibang komunidad
na malayo sa pinanggalingan. 
DALAWANG URI NG MIGRASYON 
1. INTERNAL MIGRATION (PANLOOB
NA MIGRASYON)

2. INTERNATIONAL MIGRATION
(PANLABAS NA MIGRASYON)
EPEKTO NG MIGRASYON
• Pagbabago ng populasyon 
• Kaligtasan at karapatang pantao
• Pamilya at pamayanan 
• Pag-unlad ng ekonomiya
• Ilang Pilipino na nga ba ang umaalis ng bansa upang
makipagsapalaran sa ibayong dagat bunga ng kawalan
ng maayos at permanenteng trabaho sa
lupang sinilangan?

• Ilang Pilipino naman ba ang guminhawa ang buhay


dahil sa pangingibang bansa?
 Malaki ang kontribusyon ng mga Pilipinong
nangingibang-bansa sa ekonomiya ng bansang
Pilipinas, na naghihikahos bunga ng kawalang
maayos na sistemang pampolitika at kakulangan ng
maayos na lider ng bansa.
• Dahil sa gantong sakripisyo ng mga Pilipino, sila ay
tinaguriang "Bagong Bayani".

• Sa kasalukuyan, pumalo ng 9.1 milyong Pilipino ang nag


tatrabaho at naninirahan sa ibang bansa ayon sa ulat ng
Department of Foreign Affairs noong 2015. Mahigit
5,000 Pilipino naman ang umaalis ng Pilipinas kada araw ayon sa
Commision on Filipino Overseas at
Philippine Overseas Employment Administration nang nasabi
ring taon. 
 Sa mga nasabing bilang, karamihan sa mga Pilipinong ito ay nag tutungo sa
sumusunod na bansa:

1. USA ( 3,176,208 ) 6.    QATAR (379,432)


2. SAUDI ARABIA (1,075,148) 7.    JAPAN (377,233)
3. CANADA (662,600) 8.    CHINA (246,800)
4. MALAYSIA (620,043) 9.    ITALY (227,177)
5. UAE (537,393) 10.  AUSTRALIA (210,934)
Joanne Dimafelis Maricris Sioson  Flor Contemplacion Sara Balabagan
• Ano nga ba ang karaniwang
dinaranas ng ating mga
kababayan sa ibang bansa?
• Bukod sa paghihirap na pisikal sa kamay, ng amo, nariyan
din ang sikolohikal na paghihirap ng mga Pilipinong
manggagawa sa ibang bansa bunga ng homesickness,
kaibahan ng kultura, at pagkasira ng relasyon nila sa kani-
kanilang mga anak at asawa bunga ng kanilang pagkakalayo
sa isa't-isa.
• Sa kabilang banda, marami rin namang Pilipino ang
nagtagumpay sa ibayong dagat.

• Sa katunayan sa sanaysay na pinamagatang The first three


years Are the hardest na matatagpuan sa librong Being
filipino abroad  ni Dr. Arlene Torres D'Mello ay
madamdaming tinalakay ng may akda ang naging paghihirap
ng kaniyang pamilya sa unang tatlong taon ng kanilang
pananatili sa Australia, kabilang n a ang kawalan ng
pera dahil sa hindi pagtatagumpay sa mga inaplayang
trabaho. 
EMIREALIDAD: PAGSUSURI SA PELIKULANG 
EMIR ni Edward L. Labiana
Carlos P. Garcia High school
DIRECTOR: Chito S. Roño
SCREENPLAY: Jerry Garcia
CAST: Frencheska Farr, Sid Lucero, Nel Gomez, Bojie Pascua, Dulce
PRODUCERS: Rolando Atienza, Lea Calmerin, Nestor Jardin, Digna Santiago
MUSIC: Ebe and Vin Dancel, Diwa De Leon,Gary Grana, Chino Toledo 
CINEMATOGRAPHY: Niel Daza
FILLM EDITING: Jerrold Tarog
PRODUCTION DESIGN: Digo Ricio
EMIR
EMIR 
Ang tema ng pelikulang Emir ay drama at musikal.

Ang Emir ay ang kauna-unahang Filipino musical film. Ito ay tungkol sa isang babae na
nagngangalang Amelia na nadesisyong mag trabaho sa ibang bansa para matulungan ang pamilya
dahil na rin sa hirap ng buhay. Siya ay magsasakripisyo na mawalay sa kanyang pamilya upang
mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya.

Ang Emir ay kuwento ng isang OFW na si Amelia siya ay isnag Ilocana mula sa Mountain
Provnce,na ginagampanan ng baguhang singer-actress na si Franchesca Far, in her 20's. Nag
punta ng middle East si Amelia upang magsilbing yaya (nanny) ng asawa ng Sheik at kalaunan
ay naging yaya siya ng bagong silang na si Ahmed, ang panganay na anak ng Sheik. At dito nag
umpisa ang makulay niyang kuwento.
REALISMO- PORMALISMONG PAGSUSURI SA PELIKULANG
ILO ILO ni Rosemarie S. Fajurado
Arellano University- Andres Bonifacio Campus
DIREKTOR AND WITTER: Anthony Chen
ACTORS: Yann Yann Yeo,Tian Wen Chen, Angeli Bayani, Jia Ler Koh,Peter Wee, Jo
kukathas, Naomi Toh,Delwin Neo, Grace Jean Cruz, Pamela Wilheart, Judee, Bendiola
PRODUCER: Hwee Sim Ang, Yanyan Chan, Anthony Chen, Wahyuni A. Hadi,
Wenhong Huang, Anita Kuan, Gina Lau,Sze Hian Leong, Aik Hock Ng, Ivan Tan
SINEMATOGRAPHY: Benoit Soler
EDITING: Hoping Chen, Joanne Cheng
MUSIC: Jenn chia, Weiming Hu,Jevin Lim, Tong Wai See, Susanna Soon, Dongsheng
Su, Wei Yong Teo, Xiaojun Wang, Charlotte Wong,Zhe Wu, Lianto Poedijono
ILO ILO
ILO ILO
Ito ay tungkol sa paghihirap ng isang OFW bilang katulong sa ibang bansa at kung ano ang
epekto sa pamilya na kaniyang pinagsisilbihan. Pinakita sa penikula na kayang iwan ng isang
magulang ang kanyang mga anak at tiisin lahat ng hirap para lang mabigyan sila ng magandang
buhay.

Ang paglisan sa sariling bansa at magtrabaho sa dayuhan bayan para bigyan ng marangyang
buhay ang mga naiwang mahal sa bayan ay naging bahagi na rin ito ng kultura ng mga Pilipino.

Hindi rin maikakailang itunuturing ng maraming Pilipino ang pag tatrabaho sa ibang na isang
oportunidad para makahaon sa hirap. Kahit sa kabila nito walang tiyak o seguridad ang kanilang
kahihitnan sa ibang bansa.

You might also like