You are on page 1of 109

Aralin1: Kahulugan ng Panitikan

Masasalamin sa panitikan ang kultura ng isang bansa. Malaki ang papel na


ginagampanan nito sa identidad ng ating pagkalahi. Maaaring magpapalit-palit ang
lahi mawala ang mga tao sa bansa ngunit mananatiling buhay ang pagkilala sa
panitikan.

Sa pag-aaral ng panitikan, higit na makapagpapahalaga ang mga mag- aaral sa


katutubong panitikan sa pamamagitan ng mga leksyon hinggil dito. Lubos nilang
mauunawaan ang pag- unlad ng panitikan sa mga nakahanay na talakayin.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

Leksyon 1 at Panitikan
2 1. Nakabubuo ng tiyak at malinaw na kahulugan ng panitikan.
2. Nasusuri ang kahulugan ng panitikan sa lapit-estruktural.
3. Nasasabi ang kaugnayan ng panitikan sa sarili at lipunan.
4. Naiisa-isa ang halaga ng panitikan batay sa iba’t ibang
kategorya o pamantayan.
5. Nakikritika ang kahalagahan ng pantikan batay sa sariling
danas.
6. Nakabubuo ng posisyong papel kaugnay sa halaga ng
pagtuturo ng panitikan sa elementarya.

Pagganyak:
Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag- aralan ang panitikan? Ano nga ba
ang maitutulong nito sa atin?
2
Talakayan
Panitikan

Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster, ang panitikan ay


ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o nailimbag sa isang
tanging wika ng mga tao.

Ayon kina Bro. Azarias sa kanyang pilosopiya ng Literatura, pagpapahayag


ito ng mga damdamin ng tao hinggil sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan na may kaugnayan sa kaluluwa at
Dakilang Lumikha.

Nagsasabi o nagpapahayag ito ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan
lalo na sa pagsulat.
Nagsasalaysay rin ito ng tungkol sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampatalaya at mga karanasang may kaugnayan sa iba’t ibang uri ng
damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Ang Tunay na Panitikan

Ang tunay na panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na


isinasagawa sa paraang masining. Isa rin itong maayos na pagtutugma-tugma ng
mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na paraan ng pagpapahayag.

Ayon kay Long (1971), naitala ng pinakamabubuting damdamin ng tao


ang isang tunay na panitikan.
3

Sang-ayon naman kay Dr. Rufino Alejandro (1949), ang panitikan ay


katuturang bungang-isip na isinatitik.
Ang panitikan ay nagmula sa unlaping pang na nagiging pan kapag ang
kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang-
ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan at
sa hulaping an.

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN

1. Malaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.


2. Mabatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala
at pag-uugali.
3. Maging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Malaman ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang
lalong mapayabong.
5. Magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
1. Ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng
mga sinaunang Pilipino.

2. Mas magiging pamilyar tayo hindi lamang sa mga pagkakamali ng ating


mga ninuno, pati na rin sa mga tagumpay nila.

3. Dahil sa panitikan, ang mga tao ay nabibigyan ng tulay sa nakaraan


na maaari ring salaminin sa kasalukuyang panahon.
4

4. Sumasalamin ito sa ating mga emosyon na kadalasang hindi natin


maaaring ipakita.

KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN

a. Klima- may kinalaman sa pag-iisip at pag-uugali ng tao.

b. Hanapbuhay - gawaing pang-araw-araw at mga tungkulin ng tao.

c. Kinatitirhan- ang kinatitirhang pook ng lahi ay nagtatakda sa hilig at takbo ng


talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan.

d. Lipunan at pulitika- mga ugaling panlipunan at mga simulaing pampulitika at


pamahalaang nagdadala ng kahiligan at kabihasnang nagpapasama sa
panitikan ng isang bansa.

e. Relihiyon at edukasyon- ang tayog, lalim, at lawak ng isang panitikan ay


nakukuha rin sa pananampalatayang dala ng relihiyon, kabihasnan at
kalinangang naituturo ng pilosopiya ng edukasyon ng bansa.

MGA IMPLUWENSYA NG PANITIKAN

Malaki ang naging impluwensya ng iba’t ibang akda sa buhay ng mga


Pilipino. Narito ang ilan sa mga aklat na binanggit:
5

1. Doctrina Christiana. Sinulat ni Pari Juan De Plasencia noong 1593. Naglalaman ito
ng sampung utos ng Diyos, ang mg utos ng Santa Iglesya, ang pitong sakramento
at ang labing-apat na pagkakawangawa.

A. Ang Sampung Utos ng Diyos

1. Ibigin mo ang Diyos nang lalo sa lahat.

2. Huwag mong saksihin ang Diyos kung hindi totoo.

3. Mangilin ka kung Domingo at kung pista.

4. Igalang mo ang iyong ama at ina.

5. Huwag kang pumatay ng kapwa mo tao.

6. Huwag kang makiapid sa hindi mo asawa.

7. Huwag kang magnakaw.

8. Huwag kang magsisinungaling.

9. Huwag kang magnasa sa di mo asawa.

10.Huwag mong pagnasaan ang di mo pag-aari.

B. Ang mga Utos ng Santa Iglesya

1. Makinig ng misa, huwag liliban lalo na kung Domingo, o pistang pangilin.

2. Magkumpisal at magkomunyon, minsan lang sa isang taon, at kung may

hirap na ikamamatay.

3. Magpakasal ayon sa batas ng Santa Iglesya

4. Mag-ayuno kung ipinag-uutos ng Santa Iglesya.


6

5. Mag-abuloy sa Santa Iglesya ayon sa kakayahan

C. Ang Pitong Sakramento

1. Baptism o Pagbibinyag

2. Confirmer o Pagkukumpil

3. Confesar o Pangungumpisal

4. Comulgar o Pagtanggap ng komunyon

5. Extrema uncion o pagpapahid ng langis

6. Order ng sacerdote o banal na pagpapari

7. Pagpapakasal

D. Ang Labing-apat na Pagkakawanggawa

1. Dalawin ang mahihirap.

2. Painumin ang nauuhaw.

3. Pakainin ang nagugutom.

4. Damitan ang walang damit.

5. Tubusin ang nabihag.

6. Patuluyin ang walang tutuluyan.

7. Ibaon ang namatay.

8. Aralan ang di-nakaaalam.


7

9. Aralan ang di-napaaaral.

10.Ang taong nagkasala ay pagdalitain.

11.Iwalang-bahala sa loob ang kasalanan ng nagkasala sa iyo.

12.Huwag ipaaalam sa loob ang pagmumura ng tao.

13.Aliwin ang nalulumbay.

14.Ipanalangin sa Diyos ang nabubuhay at nangamatay na kristiyano.

E. Ang Pitong Kasalanang Mortal

1. kapalaluan

2. kahalayan

3. kasakiman

4. katakawan

5. galit

6. inggit

7. katamaran

2. Nuestra Señora del Rosario. Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni


P. Blancas De San Jose noong 1602.

3. Barlaan at Josaphat- Isinulat sa wikang Griyego ni San Juan Damaceno at isinalin


sa wikang Tagalog ng heswitang pari na si Antonio de Borja. Kauna-unahang
nobelang Tagalog.
8

4. Koran – pinakabibibliya ng mga Muslim at nagmula sa Arabia.

5. Banal na kasulatan o Bibliya- Mula sa Palestina at Gresya. Nagmula sa salitang


Griyego na “Biblios” na nangangahulugang koleksyon ng mga sinaunang aklat
na kinasusulatan ng tungkol sa Diyos at ng Kaniyang pakikipag-ugnayan sa mga
tao. Nahahati ito sa dalawang bahagi:
a. Lumang Tipan- binubuo ng 46 na mga aklat.
b. Bagong Tipan- binubuo ng 27 mga aklat.
6. Iliad at Odeysey- Kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya ng Gresya.
7. Maha-Bharatas -Kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
8. Ang Aklat ng mga Patay- Kinapapalooban ng mga mitolohiya at teolohiya ng mga
taga- Ehipto.
9. Divina Comedia nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali
ng mga Italyano.
10. Canterbury Tales- Naglalarawan ng mga ugaling Ingles at kanilang
pananampalataya.
11. Noli Me Tangere at El Filibusterismo -Pinakadakilang likha ni Dr. Jose Rizal na
mula sa Pilipinas.

Paglalapat:

Pumili mula sa mga aklat na nakaimpluwensya sa panitikan at buhay ng


mga tao, para sa iyo, paano nakaimpluwensya ang mga ito?
9

Paglalahat:

Sinasabing ang tunay na panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng


buhay na isinasagawa sa paraang masining. Isa rin itong maayos na pagtutugma-
tugma ng mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na paraan ng
pagpapahayag.
Ayon kay Long (1971), naitala ng pinakamabubuting damdamin ng tao ang isang
tunay na panitikan.
Sang-ayon naman kay Dr. Rufino Alejandro (1949), ang panitikan ay katuturang
bungang-isip na isinatitik. Ibinigay rin dito ang iba’t ibang layunin ng panitikan maging
ang kahalagahan ng pag- aaral nito, at ang mga kalagayang nakapangyayari rito
gaya ng klima, hanapbuhay, kinatitirhan, lipunan at pulitika, at ang relihiyon at edukasyon.
Mayroon ding mga akda na nakaimpluwensya sa panitikan at kaisipan ng mga
Filipino at ito ay ang mga sumusunod: Doctrina Christiana na isinulat ni Pari Juan De
Plasencia noong 1593. Naglalaman ito ng sampung utos ng Diyos, ang mg utos ng
Santa Iglesya, ang pitong sakramento at ang labing-apat na pagkakawangawa.

Nuestra Señora del Rosario, ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni
P. Blancas De San Jose noong 1602. Barlaan at Josaphat na isinulat sa wikang
Griyego ni San Juan Damaceno at isinalin sa wikang Tagalog ng heswitang pari na
si Antonio de Borja. Koran, pinakabibibliya ng mga Muslim at nagmula sa Arabia.
Banal na kasulatan o Bibliya, mula sa Palestina at Gresya. Nagmula sa salitang Griyego
na “Biblios” na
nangangahulugang koleksyon ng mga sinaunang aklat na kinasusulatan ng tungkol
sa Diyos at ang Kaniyang pakikipag-ugnayan sa mga tao. Nahahati ito sa dalawang
bahagi: Lumang Tipan na binubuo ng 46 na mga aklat at Bagong Tipan na binubuo
ng 27 mga aklat.
10

Iliad at Odeysey, kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya ng Gresya. Maha-


Bharatas, kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya. Ang Aklat ng mga Patay na
kinapapalooban ng mga mitolohiya at teolohiya ng mga taga- Ehipto. Divina Comedia,
nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga
Italyano. Canterbury Tales na naglalarawan ng mga ugaling Ingles at kanilang
pananampalataya at ang pinakatanyag na obra ng ating pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal- ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Pagtataya:

MGA PAGSASANAY

I.IDENTIPIKASYON A. Panuto. Punan ang patlang ng angkop na salita.

1. Si Padre Plasencia ang sumulat ng DOCTRINA CHRISTIANA.


2. Ang taong nagkasala ay dapat PAGDALITAN.
3. Huwag ipaalam sa iba ang PAGMUMURA ng tao.
4. Dalawin ang MAHIHIRAP.
5. PAINUMIN ang mga nauuhaw.
6. Aliwin ang mga NALULUMBAY.
7. Magkumpisal at MAGKOMUNYON, minsan lang sa isang taon, at kung may
hirap na ikamamatay.
8. MAGPAKASAL ayon sa batas ng Santa Iglesya.
9. Mahalin mo ang DIYOS nang lalo at higit sa lahat
10. TUBUSIN ang nabihag.
11

IDENTIPIKASYON B. Panuto. Isulat ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod.


Iliad and Odeysey 1. Kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya ng Gresya.
Canterbury tales 2. Naglalarawan ng mga ugaling Ingles at kanilang
pananampalataya.
Koran 3. Pinakabibliya ng mga Muslim at nagmula sa Arabia.
Maha- Bharatas 4. Kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
Nuestra Señora Del Rosario 5. Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas na akda ni P.
Blancas De San Jose noong 1602.
Lipunan at pulitika 6. Mga ugaling panlipunan at mga simulaing pampulitika at pamahalaang
nagdadala ng kahilingan at kabihasnang nagpapasama sa panitikan ng
isang bansa.
Klima 7. May kinalaman sa pag-iisip at pag-uugali ng tao.
Hanapbuhay 8. Tumutukoy ito sa gawaing pang-araw-araw at mga tungkulin ng tao .
Kinatitirhan 9. Ito ang kinatitirhang pook ng lahi na nagtatakda sa hilig at takbo ng
talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan.
Bibliya o banal na kasulatan 10. Ilang aklat ang bumubuo sa Lumang Tipan?
12

Pagpapayamang Gawain:

Mula sa labing- apat na pagkakawanggawa, pumili ng dalawa na gusto


mong isagawa kapag dumating ang panahong mayroon ka ng kakayahan.
Ipaliwanag.

Mungkahing Kawing (Suggested link):


https://philnews.ph/2020/10/07/kahalagahan-ng-panitikan-sa-buhay-at-sa-
lipunan-halimbawa-at-iba-pa/
13

Aralin 3. Tula at Bugtong


Ang pagsulat ng tula ay naging libangan din ng mga sinaunang
manunulat sapagkat sa pamamagitan nito ay nakapagpapahayag ng damdamin
ang mga tao lalo na kung ang pag- uusapan ay ang nararamdaman ng isang
lalaki sa babaeng kaniyang iniirog.

Nagamit din nang makabuluhan ang bugtong sa pagpapalawak ng


kaisipan sapagkat kailangang matukoy ang kasagutan sa mga ibinibigay na
bugtong. Nagbibigay ito ng kaaliwan sa mga nagbubugtungan at napalilipas
nila ang oras nang hindi namamalayan.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

Leksyon 3 Tula at Bugtong


1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang kahulugan ng tula.
2. Napag-uusapan ang mga elementong bumubuo sa tula.
3. Nailalapat sa piling tula ang mga elementong tinataglay
nito sa tulong ng maikling pagsusuri.
4. Naibibigay ang malinaw na kahulugan ng bugtong.
5. Nasusuri ang paraan ng konstruksiyon ng bugtong at
kung paano ito maituturo sa mga mag-aaral sa
elementarya.

Pagganyak:
Ano ang tulang tumatak sa inyong isipan? Bakit? Naranasan ba ninyong
sumulat ng tula? Kung ikaw ay susulat ng isang tula, kanino mo ito iaalay at bakit?
14

Talakayan:

Patula o Panulaan (Poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng


salitang binibilang ang pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma ang mga dulo
ng mga taludtod sa isang saknong.

Mga uri ng tula:


1. Tulang liriko o tulang pandamdamin- tula ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob na
karanasan, guniguni o damdamin ng may akda.
A. Dalit- nagbibigay parangal sa Maykapal.
B. Soneto- may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.
C. Elehiya- isang uri ng panaghoy o panangis.
D. Oda - pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
E. Awit- ang mga paksa nito ay pag-ibig, pag-asa, kaligayahan, at iba pa.

2.Tulang Pasalaysay – tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo o


pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

A. Awit /Korido– tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao


sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at prinsesa.
Awit- labindalawang pantig
Korido- wawaluhing pantig
B. Epiko- isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
15

3. Tulang Patnigan
A. Karagatan- paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay.
B. Duplo- paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa
bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang- aliw sa
naulila nito.
C.Ensileda- paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang- aliw sa namatayan.

Ginagawa ito gabi- gabi hanggang ikasiyam na gabi.


D. Balagtasan- isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng
katwiran sa pamamaraang patula.
E. Tulang pandulaan- dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro
at komedya.
F. Balad – uri o tema ng isang tugtugin.
G. Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na
naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa
pagpapagunita sa mga kabataan.
H. Haiku- isang panitikang tula na nagmula sa bansang Hapon.

A. Tula- ito ay uri ng akdang pampanitikan na binubuo ng mga saknong at ang


bawat
saknong ay binubuo naman ng mga taludtod.

Mga Uri ng Tula:

1. Tradisyunal
Tinatawag na tradisyunal ang isang tula kung mayroon itong sukat,
tugma at indayog.
16

2. Malayang Taludturan

Itinuturing na malayang taludturan ang tula kung walang sukat at


tugma o di- regular ang sukat at kumbensyunal ang tono o hagod.

Mga Sangkap ng Tula:

1. Tugma- magkakasintunog ang huling pantig ng bawat taludtod.

2. Sukat- tumutukoy sa bilang ng pantig, saknong, at taludtod ng tula.

3. Paksa o kaisipang taglay ng tula- ito ang mga nabubuong kaalaman, mensahe,
pananaw at saloobin nito.

4. Talinghaga- kung napagagalaw nang husto ang guniguni ng bumabasa bunga


ng pagtataka at pagtatanong.

5. Imahen o larawang- diwa- kung may nabubuo sa guniguni ng mambabasa na


isang tao, pook, sitwasyon o pangyayari.

6. Aliw- iw- kung maindayog ang pagbigkas.

7. Tono- ito ang damdaming nakapaloob sa tula. Maaaring may kalungkutan,


kasiyahan, galit, pag-aalala, at iba pa. Maaari ring ang tono ng tula ay
nangangaral o kaya naman ay nang-aaliw.

8. Persona- tumutukoy sa nagsasalita sa loob ng tula.


17

B. Bugtong- binubuo ito ng mga parirala at mga pangungusap na maaaring patula


at patalinhaga kung bigkasin.

Mga halimbawa ng bugtong:

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila


2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. Sagot: langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino
6. Sa araw ay bumbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper
8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo
9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos
11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo
12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig
13. Baka ko sa palupandan, unga’y nakararating kahit saan. Sagot: kulog
14. May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: gunting
16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy
17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo
18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata
19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga
20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril
18

Paglalapat:

Matapos pag-aralan ang tungkol sa bugtong, inaatasan ang bawat isa sa


inyo na sumulat ng sampung (10) halimbawa ng bugtong.

Paglalahat:

Sa bahaging ito, tinalakay ang Patula o Panulaan (Poetry). May mga uri ng tula:
Tulang liriko o tulang pandamdamin, tulang pasalaysay, at tulang patnigan.

Ang tulang liriko ay kinabibilangan ng oda, soneto, elehiya, oda, at awit.

Ang tulang pasalaysay ay maaaring awit/korido, at epiko. Samantalang ang tulang


patnigan na binubuo ng karagatan, duplo, ensilada, balagtasan, at tulang
pandulaan. Kabilang din dito ang Balad, Tanaga, at Haiku.

Ang tula ay uri ng akdang pampanitikan na binubuo ng mga saknong at

ang bawat saknong ay binubuo naman ng mga taludtod. Mayroon itong mga uri

gaya ng: tradisyunal at malayang taludturan. Binubuo rin ito ng mga sangkap tulad ng

tugma, sukat, paksa o kaisipang taglay ng tula, talinghaga, imahen o larawang- diwa,

aliw- iw, tono at persona.

Pinag-aralan din ang tungkol sa bugtong na binubuo ng mga parirala at mga


pangungusap na maaaring patula at patalinhaga kung bigkasin.
19

Pagtataya:
MGA PAGSASANAY

I. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Isulat ang Mali kung di wasto
ang pahayag.

Tama 1. Tinatawag na tradisyunal ang isang tula kung mayroon itong


sukat at tugma.
Mali 2. Ang bilang ng pantig, saknong, at taludtod ng tula ay tinatawag
na tono.
Tama 3. Tumutukoy sa nagsasalita sa loob ng tula ang persona.
Tama 4. Ang damdaming nakapaloob sa tula ay tinatawag na aliw- iw.
Mali 5. Ang paksa o kaisipang taglay ng tula ay ang mga
nabubuong kaalaman, mensahe, pananaw at saloobin nito.
Tama 6. Tumutukoy sa sukat ang bilang ng pantig, saknong, at taludtod ng
tula.
Tama 7. Ang talinghaga ang napagagalaw nang husto ang
guniguni ng bumabasa bunga ng pagtataka at
pagtatanong.
Mali 8. Ang Tanaga ay katumbas ng Haiku ng mga Hapones.
Tama 9. Itinuturing na malayang taludturan ang tula kung walang sukat
at tugma o di- regular ang sukat at kumbensyunal ang tono o
hagod.
Tama 10. Ang tulang may aliw- iw ay maindayog ang pagbigkas

II. IDENTIPIKASYON. Panuto. Isulat sa patlang ang tinutukoy ng mga sumusunod:

Tulang liriko 1. Tula ito ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob na


karanasan, guniguni o damdamin ng may akda.
20

Dalit 2. Nagbibigay parangal sa maykapal.

Duplo 3. Paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw


sa namatayan.

Bugtong 4. Isang uri ng sawikain na pagpapahayag na ang


kahulugan ay hindi komposisyunal.

Bugtong 5. Pangungusap o tanong na may iba o may nakatagong


kahulugan.

Epiko 6. Parirala na nagpapahiwatig ng sentimiyento ng isang


grupo ng mga tao.

Balagtasan 7. Isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan


ng katwiran sa pamamaraang patula.

Ensileda 8. Paligsahan sa tula na karaniwag ginaganap sa


ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos
mailibing ang patay bilang pang- aliw sa naulila nito.

Oda 9. Pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo


ng mga tao.

Soneto 10. May labing- apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral


ng buhay.
21

Pagpapayamang Gawain:
Sumulat ng sariling tula. Malaya kayong pumili ng inyong paksa
ngunit kinakailangang sundin ang mga sumusunod na mga pamantayan:

A. Kinakailangang buuin ng limang (5) saknong


B. May sukat at tugma,
C. May talinghaga
D. May kariktan

Mungkahing Kawing (Suggested link):


https://pinoycollection.com/mga-bugtong/
22

Aralin 4. Salawikain at Maikling Kuwento


Ang salawikain ay kakikitaan ng mga aral sa buhay. Magbibigay ito ng
gabay lalo na sa mga mag- aaral upang hindi maligaw ng landasin sa buhay.
Magiging kapakipakinabang ito sa kaisipan ng bawat isa kung gagamiting gabay
sa buhay.

Samantala, nakalilibang ang pagbabasa ng maikling kwento. Sa bawat


wakas nito ay kapupulutan natin ng mga aral sa buhay. Ang mga aral nito ay
kalimitang isinasabuhay at nagiging makabuluhan sa bawat isa sa atin/.

Makikita rin sa maikling kwento ang buhay ng mga tao na nakapagbibigay


ng inspirasyon sa mga mambabasa at sap ag-aaral nito ay matutunghayan ang
kwento na kapupulutan ng aral sa buhay.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

Leksyon 4 Salawikain at Maikling Kuwento


1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng salawikain.
2. Nabibigyang-pagpapakulugan ang ilang piling salawikain.
3. Nakakalikha ng sariling makabagong salawikain.
4. Nabibigyang-kahulugan ang kuwento.
5. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga kuwento
sa paghubog ng kamalayan ng mga mag-aaral.
6. Nakalilikha ng sariling kuwentong pambata.

Pagganyak:
Magtala ng limang (5) kwento na inyong nabasa at ibigay ang napulot na
aral mula sa mga ito.
23

Talakayan:

A. Salawikain- nagpapahayag ng aral sa buhay sapagkat kinapapalooban ng


mabubuting payo ng mga matatanda na batay sa kanilang karanasan sa
buhay.

Katangian ng mga Salawikain:

a. Payak
b. Karaniwan ang mga pananalita
c. May tugma ang karamihan
d. Kinasasalaminan ng puna sa buhay
e. Maiikling pangungusap
f. Pag-uulit ng mga salita

Halimbawa:

1. Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib

2. Kapag may isinuksok


May madudukot

3. Ang tao kapag mayaman,


Marami ang kaibigan.

4. Ang tunay na anyaya,


Sinasamahan ng hila.
24

5. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,


Tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.

6. Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.

7. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.

8. Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili.

9. Ang paalaala ay mabisang gamot sa taong nakalilimot.

10.Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.

B. Maikling Kuwento – ito ay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.

Edgar Allan Poe

Tinaguriang Ama ng Maikling kuwento at nagpahayag na ang


maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni o
bungang- isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Sebastian
Ang dula ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop
ng
mga Amerikano.

Tiongson

Ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat ibang kasuotan, iskripto,


“characterization”, at “internal conflict.”
25

Uri ng Maikling Kuwento:

1. Kuwento ng tauhan- inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga


tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila
ng isang mambabasa. Ang diin nito ay nasa mga tauhan.

2. Kuwento ng katutubong kulay- binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit


ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.
3. Kuwentong bayan- inilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kuwento ng kababalaghan- pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.

5. Kuwento ng katatakutan- naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga


pangyayaring kasindak- sindak.
6. Kwento ng madulang pangyayari- binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. Kwento ng sikolohiko- ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang


tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling
kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan.
8. Kwento ng pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento.

9. Kwento ng katatawanan- nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.


26

10. Kuwento ng romansa- tungkol ito sa pagliligawan at pagmamahalan ng


dalawang tao, karaniwan ng isang binata at dalaga.

Elemento ng Maikling Kuwento:

1. Paksa- pinakakaluluwa ng maikling kuwento.


2. Banghay- tumutukoy sa pagkakasunud- sunod ng mga pangyayaring naganap
sa kuwento.
3. Kaispan- ideya o ang mensahe sa kuwento.
4. Panimula- ipinakikilala rito ang mga tauhan sa kuwento. Nakasalalay rito kung
ipagpapatuloy pa ng mambabasa ang pagbasa sa kuwento.
5. Saglit na kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang nasasangkot sa suliranin.
6. Suliranin- ito ang problemang kahaharapin ng mga tauhan sa kuwento.
7. Tunggalian- tagisan ito ng talino ng lahat ng tauhan.

Uri ng Tunggalian:
a. Tao laban sa tao
b. Tao laban sa sarili
c. Tao laban sa lipunan
d. Tao laban sa kapaligiran o kalikasan

8. Kasukdulan- pinakarurok na bahagi ng kuwento kung saan maaaring


makamtan ng tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.

9. Kakalasan- ito ang unti- unting paghulagpos ng damdamin ng tauhan at tulay


ito sa wakas.

27
10. Wakas- ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento. Ito rin ang nag-
iiwan ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.

Mga Katangian ng maikling kuwento ayon Kay Alejandro G. Abadilla:

1. May paksang diwa


2. May banghay
3. May paningin
4. May himig
5. May salitaan/ diyalogo
6. May kapanabikan
7. May galaw
8. May pagtutunggali
9. May kakalasan
10. May suliranin
11. May kasukdulan

Paglalapat:

Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng salawikain at ipaliwanag ang ibig


sabihin. Ano ang mga aral na inihahatid ng mga salawikaing nasaliksik?

Paglalahat:

Pinag-aralan sa bahagi ng leksyong ito ang hinggil sa salawikain at


maikling kwento. Binigyan ng kahulugan ang salawikain na nagpapahayag ito ng
aral sa
28

buhay sapagkat kinapapalooban ng mabubuting payo ng mga matatanda na


batay sa kanilang karanasan sa buhay. Samantala, ang maikling kwento ay hinggil
sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. May mga uri ito na kinabibilangan ng
kuwento ng
tauhan, katutubong kulay, Kuwentong- bayan, kababalaghan, katatakutan,
madulang pangyayari, sikolohiko, pakikipagsapalaran, katatawanan, at romansa.

Mayroon din itong iba’t ibang element gaya ng paksa, banghay, kaispan,
panimula, saglit na kasiglahan, suliranin, tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas.

Pagtataya:

Mga Pagsasanay

I. Identipikasyon. Isulat ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod.

Paksa 1. Pinakakaluluwa ng maikling kuwento.

Edgar Allan Poe 2. Tinaguriang Ama ng Maikling kuwento.

Kwento ng Katutubong Kulay 3. Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga


pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Kasukdulan 4. Pinakarurok na bahagi ng kuwento kung saan maaaring
makamtan ng tauhan ang katuparan o kasawian ng
kaniyang ipinaglalaban.
Saglit na kasiglahan 5. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga

tauhang nasasangkot sa suliranin.


29

Suliranin 6. Ito ang problemang kahaharapin ng mga tauhan sa kuwento.


Sebastian 7. Ayon sa kaniya, ang dula ay nagsimula noong mga unang
taong
pangungupkop ng mga Amerikano.

Kwento ng pakikipagsapalaran 8. Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng


kuwento.

Wakas 9. Ito ang kahinatnan ng kuwento.

Tunggalian 10. Tagisan ito ng talino ng lahat ng tauhan.

Pagpapayamang Gawain:

Sumulat ng isang maikling kwento na totoong naganap sa iyong buhay.


Ibigay ang mga aral na iyong natutuhan mula rito.

Mungkahing Kawing (Suggested link):

https://pinoycollection.com/salawikain/
30

Aralin 5. Alamat at Pabula


Maituturing na simple lamang ang mga alamat. Batid ng bawat isa sa atin
na tumutrukoy ito sa pinagmulan ng mga bagay- bagay sa daigdig.
Ipinagpapalagay na totoo rito ang mga nagkukwento maging ang mga
tagapakinig. Nag-iiwan din ito ng kakintalan sa kaisipan ng mga mambabasa.

Ang pabula naman ay isang kwento kung saan ay mga hayop ang
gumaganap. Kinahihiligan itong basahin ng mga bata kung saan ay maaari ring
ikwento ng mga magulang sa kanila. Bagama’t mga hayop ang gumaganap,
kapupulutan din ito ng mga aral sa buhay.

Magiging makabuluhan ang pag- aaral ng alamat at pabula sapagkat hindi


lamang ito makapagdudulot ng kasiyahan bagkus ay makatutulong pa ang mga
aral na matututuhan mula sa pagbabasa ng mga ito.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

Leksyon 5 Alamat at Pabula


1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng alamat.
2. Nakababasa ng ilang piling alamat.
3. Nakikritika ang nilalaman ng alamat lalo na ang taglay
na pagpapahalaga o esensiya nito.
4. Nailalahad ang pagiging epektibo ng mga pabula sa pagbibigay
ng aral lalo na sa mga mag-aaral sa elementarya.
5. Nakakabasa ng ilang piling pabula.
6. Naitatanghal ang ilang piling pabula.
31

Pagganyak:

Naaalala pa ba ninyo ang madalas na ikuwento sa inyo ng mga magulang


ninyo? Hinihiling ninyo na kuwentuhan kayo upang makatulog. Sa kanilang
kuwento, binibigyan nila ng diin ang mga aral na dapat ninyong matutuhan.
Sa bahaging ito, matutunghayan ninyo ang pagtalakay hinggil sa alamat at
pabula.

Talakayan:
A. Alamat

Ang alamat o folklore ay itinuturing na isang kwentong bayan na


nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay
kadalasang kathang- isip at nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito
ay buhay na
buhay pa rin hanggang ngayon.

Uri:

A. Alamat ng Pook- tumutukoy sa pinagmulan ng isang lugar.


B. Alamat ng Pangyayari -tumutukoy sa pinagmulan ng mga mahahalagang
okasyon.
C. Alamat ng Bagay- tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay
32

Elemento ng Alamat:

 Tauhan- ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel
na ginagampanan ng bawat isa.

 Tagpuan- inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon


at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.

 Saglit na kasiglahan- ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng


mga tauhang masasangkot sa suliranin.

 Tunggalian- ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o


pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan.

 Kasukdulan- ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring


makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian
ng kanyang ipinaglalaban.

 Kakalasan- ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng


takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

 Katapusan- ito ang bahaging naglalahad ng magiging resolusyon ng


kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
33

Halimbawa ng Alamat:
Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na


may kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at


malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si
Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may
kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na
may gaspang na kaakit- akit. Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba
ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang
lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang


itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa
kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang
katangian ng mga gulay at kanyang isinuot. Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang
dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang
lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at


laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na
kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si
Ampalaya. Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng
lupain. Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit
34

ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya


gulay. Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang
kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay
nag-iba ang kanyang anyo. Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at
gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan.

Maging ang mga iba’t ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi


magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang
kulay ay naging madilim na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi


nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.

Halaw sa https://pinoycollection.com/alamat-halimbawa/

B. Pabula
35

3. Banghay- ito ang kabuuang pangyayari ng kuwento.


4. Aral- mahahalagang matututunan ng mambabasa sa kaniyang binasa.

Halimbawa ng Pabula

Ang Inahing Manok at ang Kanyang mga Sisiw

Sa gitna ng taniman ng mais ay may naninirahang isang inahing manok na


may anak na tatlong sisiw. Isang araw ay lumabas ng bahay ang magsasakang
may-ari ng taniman at sinabing, “Panahon na upang anihin ko ang aking maisan!
Kailangang tawagin ko ang aking mga kapitbahay upang tulungan ako sa aking
pag- ani bukas!”

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, “Inang,


kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan! Kung hindi,
matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag- ani bukas at huhulihin tayo upang
kainin!

“Huwag kayong mabahala mga anak,” ang wika ng inahing manok. Kung mga
kapitbahay lamang ang aasahan ng magsasaka, hindi agad magsisikilos ang mga
iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito.”

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga’y walang mga
kapitbahay na dumating upang tumulong sa pag- ani ng magsasaka.

“Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapitbahay, sa aking mga kamag- anak
ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!” sabi ng
magsasaka sa sarili.
36

Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka kaya dali-dali nila itong sinabi
sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing,
“Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa, hindi susunod ang mga iyon! May
mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan.
May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!”

Kinabukasan nga’y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Wala ni isang kamag-
anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil sa pangyayaring iyon, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang


anak at sinabing, “Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa
ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!”

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
agad na iniulat ang sinabi ng magsasaka.

Noon din ay nagdesisyon ang inahing manok na lumisan na sa lugar na iyon


at sinabing, “Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag- ani,
dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan
kundi ang kanyang sarili!”

Halaw sa https://noypi.com.ph/pabula/

Paglalapat:

Ilapat sa buhay ang aral na natutuhan sa pabulang “Ang Inahing Manok at


ang Kanyang mga Sisiw”
37

Paglalahat:

Tinalakay sa leksyong ito ang tungkol sa alamat at pabula. Nabatid ng bawat


isa na ang alamat ay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.
Mayroon itong tatlong (3) uri: ang alamat ng pook, alamat ng pangyayari, at alamat ng
bagay.

Natukoy rin ng bawat isa ang mga elemento nito gaya ng tauhan, tagpuan,

saglit na kasiglahan, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at katapusan.

Pinag-aralan din ang hinggil sa pabula at napag-alaman na isang uri ito ng


akdang pampanitikan kung saan ang mga hayop o mga bagay na walang buhay
ang siyang mga tauhan sa kwento. Nagbibigay rin ito ng aral sa buhay.

Binubuo ito ng iba’t ibang elemento: ang tauhan, tagpuan, at banghay.


38

Pagtataya:
MGA PAGSASANAY

I. IDENTIPIKASYON. Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy ng mga sumusunod na


pahayag.
Banghay 1. Ito ang kabuuang pangyayari ng kuwento.
Pabula 2. Isang uri ito ng akdang pampanitikan kung saan ang mga
hayop o mga bagay na walang buhay ang siyang mga tauhan
sa kwento.
Alamat 3. Itinuturing na isang kwentong bayan na nagpapaliwanag
kung saan nanggaling ang isang bagay.
Katapusan 4. Bahaging naglalahad ng magiging resolusyon ng kwento.
Aral 5. Mahahalagang matututunan ng mambabasa sa kaniyang
binasa.
Alamat ng pangyayari 6. Tumutukoy sa pinagmulan ng mga mahahalagang
okasyon.
Kasukdulan 7. Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring
makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Tagpuan 8. Tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinagganapan
ng kuwento.
Alamat ng pook 9. Tumutukoy ito sa pinagmulan ng isang lugar.
Saglit na kasiglahan 10. Naglalahad ito ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin
39

Pagpapayamang Gawain:
Sumulat ng isang pabula ngunit marapat na ito ay:
1. Sariling likha
2. Kakikitaan ng mga elemento ng pabula
3. Mailalahad ang aral mula rito.

Mungkahing Kawing (Suggested link)


https://philnews.ph/2019/06/22/panitikan-kahulugan-uri-anyo-akda/
40

Referensya:

1. Aguilar, R., et.al. (2012). Panitikan ng Pilipinas. (Rehiyunal na pagdulog) Filipino


21. Pateros, Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc.

2. Añonuevo, R. (2014). Talab: mga sanaysay sa panitikan, wika at pagtuturo.


Naga City: Ateneo de Naga University Press.

3. Casanova, Arthur P. Klasrum Drama. Mga Anyo ng Dulaan para sa


Paaralan. Lunsod Mandaluyong. Anvil Publishing, Inc 2011.

4. Corpuz, B. & Salandanan, G. (2015). Principles of Teaching with TLE).


Quezon City: LORIMAR Publishing.

5. Gojo Cruz R. “Sampung Pinakamahusay na Teknik na Ating Ginagamit sa


Pagtuturo ng Panitikan”. Nasa Villafuerte, Pat V., Pamfilo D. Catacataca,
PhD. Ang Manghahasik ng Edukasyong Pangwika. Lunsod Caloocan:
Suatengco Publishing House. 2009.

6. Marquez, S. T., and Garcia, F. C. (2008). Panitikang Pilipino


(interaktibo at integratibong talakay). Makati City: Bookquick
Marketing.

7. PPST- RPMS Manual

8. Reyes, S. (2012). Narratives of note: studies of popular forms in the


twentieth century. Manila: University of Santo Tomas Pub. House.
41

9. Torres-Yu, R. (2011). Alinagnag: sanaysay ng mga panlipunang panunuri


sa panitikan. Manila: University of Santo Tomas Pub. House.

10. Tumangan Sr., A. (2012). Panitikan ng Pilipinas. Pateros, Metro Manila:


Grandbooks Publishing Inc.

11. Villafuerte, Patrocinio V. Pagpapahalaga sa Panitikan (Sining


Pantanghalan). Lungso dMalabon: Jimcyzville Publications. 2012
42

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-


Panitikan ng Pilipinas

Modyul Bilang 2

y g impormasyon sa
n
44

Aralin 1 at 2. Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng


Kagamitang Panturo at Pagtataya
Ang pagtuturo ng iba’t ibang epektibong dulog at estratehiya sa pagtuturo
ng panitikan ay lubos na magiging makabuluhan sa mga guro at magiging mga
guro sa hinaharap. Magkakaroon dito ng kasanayan ang mga guro at mga mag-
aaral sa mga pamamaraang gagamitin upang maihatid nang maayos ang mga
paksang tatalakayin.

Makahihikayat ang mga kagamitang panturo gaya ng banghay- aralin sa


mga kabataang mag-aaral upang maiparating ang leksyon nang walang sagabal.
Magagamit din ang mga dulog at estratehiya sa pagbuo ng makabuluhang
pagtataya na aangkop sa kaisipan ng mga tuturuan.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

Leksyon 1 Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan,


paglikha ng kagamitang panturo at pagtataya

1. Naipamamalas ang kahusayan sa pagtuturo ng Filipino gamit


ang wikang Filipino at mother tongue at akmang dulog
pagtuturo at pagkatuto ng/sa panitikang Filipino ayon sa
kahingian ng K-12 kurikulum,
2. Nakapipili, nakalilikha at nakagagamit ng kagamitang
panturong nakaugat sa lokal na kultura.
3. Nakapipili, nakalilikha at nakagagamit ng mga akmang
pagdulog sa pagtasa at pagtaya sa pagtuturo at pagkatuto
ng/sa wikang
Filipino.
45
Pagganyak:

Bilang mga magiging guro sa hinaharap, marapat na marami kayong


kaalaman sa mga dulog o estratehiya sa pagtuturo. Maaari ba ninyong ibahagi
ang mga kaalamang ukol dito?

Marapat na magkaroon kayo ng kaalaman hinggil dito upang lubos na


maihatid ang leksyon

Talakayan:

Ang dulog ay sistematikong pag-aaral o pagsusuri ng mga akdang


pampanitikan. Isa rin itong set mg pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng
wika, pagkatuto at pagtuturo.

A. Pagdulog Pormalistiko

Ito ang pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aaralan ang


mga elementong bumubuo sa katha.

Pormalistiko ang dulog kung inihihiwalay ang akda sa buhay o


pangyayaring kinasasangkutan ng may akda, pangkasaysayan man o
panlipunan.
46

B. Pagdulog Konseptwal

Nagbibigay- diin ito sa pag-aaral ng kaisipan o konsepto. Nakatutulong


ito sa pagbubuo at pagkatuto upang matuto. (Learning how to learn).

C. Pagdulog nosyonal/Functional

May kinalaman ito sa tunay na paggamit ng wika sa tulong lamang ng


mga kaalamang may kinalaman sa pambalarila, ayon sa konteksto ng
hangarin, sitwasyon at pangangailangan. Ipinakikita rito ang estratehiyang
komunikatibo at nakatuon lamang sa mga mag-aaral. {learner-centered)

D. Dulog Microwave

Pagpapunawang pasalita tulad ng pamamaraang padula-dulaan o


dialogue conversation. Gumagamit dito ng siklo o cycles.

E. Moralistiko

Tumatalakay sa pagpapahalagang gamit. Lubos na pinahahalagahan


ang moralidad, disiplina, at kaayusang nakapaloob sa akda.

F. Sosyolohiko

Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang


panitikan.
47

G. Sikolohikal

Mamalas ang takbo ng isipan ng may akda. Makikita rito ang antas ng
pamumuhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan at mga
tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may akda.

H. Pormalismo

Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkabuo gaya ng


kabisaan ng paggamit ng matatalinhagang pahayag sa akda.

I. Imahismo

Umusbong noong 1900 at nagpatalas sa isipan ng mga mambabasa.

B. Kagamitang Panturo- Banghay- aralin

Ang banghay- aralin ay isang balangkas ng mga layunin, paksang aralin,


kagamitan at mga hakbang na sunud- sunod na isinasagawa sa
pagsasakatuparan ng layunin na ikapagtatamo ng mga inaasahang bunga.

Ito ay maaaring tanawin bilang isang iskrip na sinusunod ng guro sa


pagtuturo ng isang paksa para sa isang tiyak na oras o panahon.

Ito ay may kalimitang apat o limang bahagi;


I. Mga Layunin
II. Paksang- Aralin
48

III. Pamaraan
IV. Takdang- Aralin

Isa pang modelong banghay- aralin na ang pormat ay kalimitang ginagamit sa


Pilipinas batay sa DepEd Order No. 42, series of 2016;

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang kowd ng bawat

kasanayan) Nilalaman

Paksa

II. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- aaral
Mga Pahina sa Teksbuk
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal na Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo

III. Pamamaraan
A. Balik- aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimulang Aralin
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
49

C. Pag- uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan
#1
E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan
#2
F. Paglilinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment 3)
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- araw- araw na Buhay
H. Paglalahat ng Aralin
I. Pagtataya ng Aralin

IV. Mga Tala

May tatlong uri ng kayarian ang pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo:

1. Masusing Banghay Ng Pagtuturo

Ito’y ginagamit ng mga bagong guro at mga gurong mga- aaral.


Ginagamit din ito ng mga datihan ng guro kapag naatasang magpakitang
turo. Sa ganitong anyo ng banghay, nakatala pati ang tanong ng guro at ang
inaasahang dapat na sagot ng mag-aaral.

2. Mala- masusing Banghay- Aralin

Ito’y higit na maikli kaysa masusing banghay ng pagtuturo. Sa halip


na mayroon pang bahagi ang Gawaing Guro at Gawaing Mag- aaral
binabanggit na lamang nang sunud- sunod ang gagawin ng guro sa klase.
50

3. Maikling Banghay

Ito’y talagang maikli lamang, sa banghay na ito, sapat ng banggitin kung


anong pamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya’y banggitin ang sunud-
sunod na hakbang sa maikling pangungusap.

C. Pagtataya- mga pagsusulit na isinasagawa matapos ang pagtalakay ng


anumang lekyon. Ginagawa ito upang malaman kung may natutuhan ba
ang mga mag-aaral o may kinakailangan pang idagdag na kapaliwanagan
para sa mas maunawaan pang mabuti ang paksang tinalakay.

Paglalapat:

Gamitin ang iba’t ibang dulog sa iyong pang-araw-araw na pakikisalamuha.

Paglalahat:

Sa ating pag-aaral ng panitikan ay may mga dulog na ating ginagamit nang


hindi natin namamalayan.

Ilan sa mga ito ay ang pagdulog Pormalistiko, Konseptwal, Nosyonal/Functional,


Microwave, Moralistiko, Sosyolohiko, Sikolohikal, Pormalismo, Imahismo. (Hayaang ang
mga mag-aaral ang magpaliwanag ng mga dulog).
51

Ipinakita rin ang halimbawa ng isang banghay-aralin na siyang batayan ng


isasagawang pagtuturo.
Natutuhan din ang pagtataya na kinakailangan upang malaman kung may
natutuhan ba ang mag-aaral o wala.

Pagtataya:
MGA PAGSASANAY

I. Identipikasyon. Isulat ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod.

Sikolohikal 1. Mamalas sa dulog na ito ang takbo ng isipan ng may akda.


Dulog Microwave 2. Gumagamit dito ng siklo o cycles.
Dulog 3. Isang sistematikong pag-aaral o pagsusuri ng mga akdang
pampanitikan.
Sosyolohiko 4. Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha
ang panitikan.
Imahismo 5. Umusbong noong 1900 at nagpatalas sa isipan ng mga
mambabasa.
Pagdulog nosyonal/Functional 6. Ipinakikita rito ang estratehiyang komunikatibo at
nakatuon lamang sa mga mag-aaral.
Pagdulong konseptwal 7. Nagbibigay- diin ito sa pag-aaral ng kaisipan o konsepto.
Moralistisko 8. Tumatalakay ito sa pagpapahalagang gamit.
Pormalismo 9. Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkabuo gaya
ng
kabisaan ng paggamit ng matatalinhagang pahayag sa akda.
Pormalistiko 10. Ito ang dulog kung inihihiwalay ang akda sa buhay o
pangyayaring kinasasangkutanng may akda, pangkasaysayan man
o panlipunan.
52

Pagpapayamang Gawain:
Bumuo ng isang Banghay- aralin sa Filipino.

Mungkahing Kawing (Suggested link):


https://www.scribd.com/presentation/458270225/mga-dulog-pampanitikan-
pptx
https://www.slideshare.net/NylamejYamapi/banghay-aralin-74246892
53

Aralin 3: Parabula at Kuwentong- bayan


Ang parabula ay mga kwentong hango sa bibliya. Binubuo ito ng mga
talinhagang pumupukaw sa ating kamalayan. May mga talinhagang kailangang
unawain upang matukoy ang nais nitong iparating. Mga aral ito ng Panginoon na
maaaring pumukaw sa puso at damdamin at nagsisilbing inspirasyon sa buhay ng
mga mambabasa.

May apat na kategorya ang kwentong- bayan- alamat, pabula, mito at


parabula na napag- aralan na sa mga unang bahagi ng pagtalakay maliban sa
mito. Kung ating tutuklasin sa pamamagitan ng pananaliksik, matutunghayan na
ang bawat lalawigan ay may kaniya-kaniyang kwentong- bayan na
pinagkaabalahan noong unang panahon. Sa pag-aaral ng leksyong ito ay
matutuklasan ng mga mag- aaral ang kaalamang nakapaloob sa parabula at
kwentong- bayan.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

Leksyon 3 Parabula at Kuwentong- bayan


1. Naikokontrast ang parabula sa pabula.
2. Nakakabasa ng ilang piling parabula.
3. Naitatanghal ang ilang piling parabula.
4. Naipapaliwanag ang katuturan ng kuwentong-bayan.
5. Nakakahanap sa sariling lugar ng mga kuwentong-bayan.
6. Naisasalaysay sa klase ang nilalaman ng nahanap na
kuwentong- bayan.
54

Pagganyak:

Narinig na ba ninyo ang parabulang Ang Alibughang Anak? Sinong


makapaglalahad ng buod nito? Anu-ano ang mga aral na hatid nito?

A. Parabula – o tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral
na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.

Ang Pinakamaliit na Bato

Ang guro at ang kanyang mga estudyante ay naglalakad sa isang


bulubunduking lugar. Malayo pa ang kanilang lalakbayin. Ang mga estudyante ay
nakaramdam na ng gutom. Wala naman silang nadaraanang puno na may bunga
para makapitas sila ng makakain. Dalawang batis na ang kanilang dinaanan.
Uminom silang lahat sa dalawang batis. Napawi naman ang kanilang uhaw. Ang
hindi lang nawala ay ang nararamdaman nilang matinding
gutom.

Wala rin naman mga bahay at tindahan sa kanilang dinaraanan. Maaari


sana silang bumili o humingi ng anumang pagkain para mapawi ang kanilang
gutom. Nahihiya naman silang magsabi sa kanilang
guro.

Alam nilang ang kanilang guro ay mayroong kapangyarihan. Kung


gugustuhin nito ay maaari itong makagawa ng pagkain para sa kanilang lahat.
Kaya laking pasasalamat nila ng huminto sa paglakad ang kanilang guro at
humarap sa kanilang lahat. Malayo pa ang ating lalakbayin, sabi nito. Kailangang
magkaroon tayo ng panibagong lakas. Dumampot kayo ng tig-i-tig-isang bato at
dalhin ninyo,
55

Nagdamputan naman ang mga estudyante. Mayroong dumampot ng


malaki at mayroong maliit. Isa sa mga estudyante si Islaw. Naiinis siya sa
kanilang guro dahil gutom na nga sila at pagod ay pagdadalhin pa sila ng bato.
Sa inis niya ay maliit na maliit na bato lang ang kanyang dinala’t lihim pa niyang
pinagtawanan ang ibang kasama dahil malalaki pang bato ang kinuha ng mga ito.

Pagsapit nila sa isang batis ay sinabi ng guro na magpapahinga muna sila


doon at kakain. Saan po tayo kukuha ng kakainin? inis na tanong ni Islaw.
Iyang mga batong pinadala ko sa inyo ay gagawin kong tinapay, sagot ng guro.
Iyan ang magiging pagkain ninyo.

Sa isang pitik ng daliri ng guro ay naging tinapay nga ang mga batong
dinala ng bawat isa. Sising-sisi si Islaw dahil sa pinakamaliit ang dala niyang
bato.

Halaw sa https://philnews.ph/2020/01/15/parabula-ang-kahulugan-at-mga
halimbawa-nito/

B. Kwentong- bayan

Ayon sa Panitikang Pinoy, ito ay mga salaysay na mula sa mga likhang-


isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan tulad ng
hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
56

Ito ay kadalasang kaugnay sa isang tiyak na pook o rehiyon ng isang


bansa o lupain. Ito ay katulad rin ng mga alamat at mga mito. Ang mga
akdang ito ay karaniwang may ibinibigay na mensaheng ubod ng kaalaman
katulad ng salawikain.

Halimbawa ng kwentong- bayan

Ang Batik Ng Buwan


mula sa Bayan ng Bisaya

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.

Gustung- gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig

niyang

yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw

ang mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak

kapag lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming

damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang

lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan

niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik

at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang

lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa

kanya ay biglang natunaw. Hindi naman nagtagal at umuwi n ang

buwan. Nagtaka siya sapagkat


57

malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya

nakita ang maliliit kaya’t hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya

matagpuan ang mga anak. Sa gayo’y sinumabatan niya ang asawa. “Niyakap mo

sila? Huwag kang magsisinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang
puno ng saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang
kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang
sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at
inihagis sa mukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang
mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito
sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

https://philnews.ph/2020/01/13/kwentong-bayan-ang-kahulugan-at-mga- halimbawa-
nito/

Paglalapat:
Anu- ano ang mga aral na inyong natutuhan sa binasang parabula? Ilapat
ito sa inyong buhay.

Paglalahat:
Ang parabula at kwentong-bayan ay mga makalumang anyo ng panitikan.
Sa kabila nito, marami pa rin ang handing makinig at mnagbasa ng mga ito
katulad ng ginawa nating pagtalakay.
58

Sinasabing ang parabula ay kwentong hango sa bibliya samnatalang ang


kwentong- bayan ay mga kwentong maaaring walang katotohanan ngunit
naghahatid ng kasiyahan.

Pagtataya:
MGA PAGSASANAY

I.Identipikasyon. Isulat ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod.

Parabula 1. Ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango


mula sa Bibliya.
Islaw 2. Sino ang mag-aaral na nainis sa kaniyang guro?
Kuwentong Bayan 3. Ito ay mga salaysay na mula sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan tulad ng hari, isang marunong
na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Batis 4. Dito nagpahinga ang guro at mga mag-aaral upang kumain.
Bato 5. Ito ang dinampot ng mga mag-aaral na ginawang pagkain ng kanilang
guro.
Bisaya 6. Dito nagmula ang kwentong-bayan na “Ang Batik ng Buwan”
Ilog 7. Saang lugar naglakad ang guro at mga mag-aaral?
Alamat at mga mito 8. Saan inihalintulad ang kwentong-bayan?
Bituin 9. Sino ang anak ng Buwan at Araw sa kwentong-bayan na Ang Batik ng
Buwan?
Wag mainitin ang ulo 10. Magbigay ng isang aral sa parabulang Pinakamaliit na Bato.
59

Pagpapayamang Gawain:

1. Basahin ang parabulang “Ang Alibughang Anak”


2. Ibuod ito.
3. Ibigay ang aral na natutuhan mula rito.
60

Aralin 4 at 5: Mitolohiya at Epiko


Nakaaaliw basahin ang mga mitolohiya na kung saan ay nakaugnay ito sa
paniniwala at pananampalataya na nagtataglay ng mga tauhang karaniwang mga
diyus- diyusan na nagtataglay ng mga kapangyarihang wala ang mga
ordinaryong tauhan.

Nilikha ito upang maaliw ang mga mambabasa sa kwento at matutuhan


ng mga mambabasa lalo ng mga mag-aaral ang mabuting aral na hatid nito.

Naglalayon din ang epiko na maihatid ang ang di pangkaraniwang lakas


ng pangunahing tauhan sa epiko. Mahiwaga at punumpuno ito ng pakikibaka at
pagtatagumpay ng pangunahing tauhan. Nakaaaliw rin itong basahin at
naghahatid din ito ng aral sa buhay.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
Leksyon 4 Mitolohiya at Epiko
at 5
2. Naipaliliwanag ang ibig sabihin ng mitolohiya.
3. Nakikirtika ang ilang piling mitolohiya sa tulong ng mga
karakter na bida rito.
4. Nakikilala ang mga tanda ng isang epiko, at
napangangalanan ang mga sikat na epiko sa bansa.
4. Nasusuri ang mga epiko lalo na ang mga karakter dito.
61

Pagganyak:

Nakawiwiling magbasa ng mga mitolohiya at iba’t ibang epiko na tanyag sa


bawat lalawigan o probinsya. May naaalala ba kayong halimbawa ng mga kwento
hinggil sa mga diyus-diyosan, mga bathala at mga kabayanihang ginawa ng isang
bayani na maaaring hindi kapanipaniwala

Talakayan:

A. Mito
Isang tuluyang pagsasalaysay na pinaniniwalaang naganap noong unang
panahon. Sa Pilipinas, naglalahad ito ng tungkol sa mga anito at sa mga
pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring hindi lang tao ang pangunahing tauhan
kung hindi mga hayop, mga anito, mga bayani o ang kanilang pinaniniwalaang
Diyos.
Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa
Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu,
na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa Klasikal na Mitolohiya, ang
mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga
sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang
misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga
nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig.
62

Ang labindalawang (12) pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece


na kilala rin sa tawag na The 12 Great Olympian Gods.
Greek / Roman - Katangian at Kapangyarihang Taglay

1. Zeus / Jupiter
- hari ng mga diyos; diyos ng kalawaka at panahon
- tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
- asawa niya si Juno
- sandata niya ang kulog at kidlat

2. Hera / Juno
- reyna ng mga diyos
- tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa,
- asawa ni Jupiter

3. Posiedon / Neptune
- kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo

4. Hades / Pluto
- kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno
63

5. Ares / Mars
- diyos ng digmaan
- buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya

6. Apollo / Apollo
- diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan
- diyos din siya ng salot at paggaling
- dolphin at uwak ang kaniyang simbolo

7. Athena / Minerva
- diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan
- kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya

8. Artemis / Diana
- diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan

9. Hephaestus / Vulcan
- diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

10. Hermes/ Mercury


- mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalakal, siyensiya,
pagnanakaw, at panlilinlang

11. Aphrodite / Venus


- diyosa ng kagandahan, pag-ibig,
- kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya
64

12. Hestia / Vesta


- kapatid na babae ni Jupiter
- diyosa ng apoy mula sa pugon

B. Epiko- mahabang tulang-buhay o tulang pasalaysay na nagpapakita ng


pakikipagsapalaran ng mga tauhan na may di-pangkaraniwang lakas sa
pakikipagtunggali sa kaniyang mga kalaban.

Mga halimbawa ng epiko sa Pilipinas:


A. Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano
B. Labaw Donggon ng mga Bisaya
C. Bantugan ng mga Mindanaw
D. Ibalon ng mga Bicol
E. Maragtas ng mga Bisaya
F. Darangan ng mga Maranao
G. Indarapatra at Sulayman ng mga Maguindanao
H. Tuwaang ng Mindanao
I. Bidasari ng minadanao
J. Humadapnon ng mga Panay

Halimbawa ng Epiko:

Buod ng Biag ni Lam-ang

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may


mag-asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.
65

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo


ng Igorot ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng
galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga
tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita,
siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita


agad at siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng
kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama,


sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang,
ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng
kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si
Lam-ang na makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang


mahiwagang tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang
kanyang talisman mula sa punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay
madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni
Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa
kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang
ama. Nagpatuloy si Lam- ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga
Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging
kawayan.
66

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang


upang huwag siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos
lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon
ay narinig ng marami kaya’t dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si
Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang
maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot
niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng
saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng


mga dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang
mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.

Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian


upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni
Lam- ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso.
Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si
Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa
ikapitong bundok.

Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang.


Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang
mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.
67

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni


Lam- ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung
magbibigay si Lam- ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina
Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan


ang mga magulang ni Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa


simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa
Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita
ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na
berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod


ni Ines ang bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon
ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at
mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.
Walang anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si
Lam- ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang.


At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.
68

Paglalapat:

Mula sa mga halimbawa ng mga mitolohiya, pumili ng isa at saliksikin ito.


Matapos saliksikin, ibigay ang buod nito at mga aral mula sa binasa.

Paglalahat:

Isa sa mga libangan noong unang panahon ay ang pakikipagkwentuhan


hinggil sa mga nagagawa ng mga diyus-diyosan, mga kwentong hindi kapani-
paniwala ngunit maaaring kapulutan ng aral sa buhay.

Sa ating pag-aaral, natunghayan natin na likas na naniniwala pa rin ang


iba sa mga kababalaghang magagawa ng pinaniniwalang iba’t ibang diyos lalo na
ang mayamang mitolohiya ng Gresya katulad nina Zeus / Jupiter, Hera/ Juno, Posiedon
/
Neptune, Hades / Pluto, Ares / Mars, Apollo / Apollo, Athena / Minerva, Artemis /
Diana, Hephaestus / Vulcan, Hermes Mercury, Aphrodite / Venus, Hestia / Vesta.

Ang mga epiko rin ay pinagkaabalahang pag-usapan sapagkat


nakahahanga ang kanilang kabayanihang ginawa. Isa na rito ang Biag ni Lam-ang,
Labaw Donggon, Bantugan, Ibalon, Maragtas, Darangan, Indarapatra at Sulayman ng mga
Maguindanao, Tuwaang, Bidasari, at Humadapnon.

Pagtataya:

MGA PAGSASANAY

I. Identipikasyon. Isulat ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod.

Aphrodite/Venus 1. Siya ang diyosa ng kagandahan, at pag-ibig.


Epiko 2. Mahabang tulang-buhay o tulang pasalaysay na nagpapakita
ng pakikipagsapalaran ng mga tauhan na may di-
pangkaraniwang lakas sa pakikipagtunggali sa kaniyang mga
kalaban.
Hephaestus/Vulcan 3. Diyos ng apoy, at bantay ng mga diyos.
Labaw donggon at Maragtas 4. Kilalang epiko ng mga Bisaya.

Athena/Minerva 5. Diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan.


Mito 6. Isang tuluyang pagsasalaysay na pinaniniwalaang
naganap noong unang panahon. Sa Pilipinas,
naglalahad ito ng tungkol sa mga anito at sa mga
pagkagunaw ng daigdig noon.
Berkahan 7. Ito ang pating na kumain kay Lam-ang.

Poseidon/Neptune 8. Hari ng karagatan, lindol, at kabayo ang kaniyang


simbolo.

Hermes/ Mercury 9. Mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalakal,


siyensiya, pagnanakaw, at panlilinlang.

Tandang at Aso 10. Mga hayop na alaga ni Lam-ang.


69
70

Pagpapayamang Gawain:

A. Pumili ng isang epiko.


B. Basahin at ibuod ito.
C. Ibigay ang aral na iyong natutuhan mula rito.

Mungkahing Kawing:

https://www.facebook.com/934611410042808/posts/mitolohiyafilipino-10-
ang-salitang-mitolohiya-ay-nangangahulugang-agham-o-pag-
aa/1093944917442789/

https://www.pinterest.ph/belledette0603/epiko/
71

Referensya:
1. Aguilar, R., et.al. (2012). Panitikan ng Pilipinas. (Rehiyunal na pagdulog) Filipino 21.

Pateros, Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc.


2. Añonuevo, R. (2014). Talab: mga sanaysay sa panitikan, wika at pagtuturo. Naga
City: Ateneo de Naga University Press.
3. Casanova, Arthur P. Klasrum Drama. Mga Anyo ng Dulaan para sa Paaralan.

Lunsod Mandaluyong. Anvil Publishing, Inc 2011.


4. Corpuz, B. & Salandanan, G. (2015). Principles of Teaching with TLE). Quezon City:

LORIMAR Publishing.
5. Gojo Cruz R. “Sampung Pinakamahusay na Teknik na Ating Ginagamit sa
Pagtuturo ng Panitikan”. Nasa Villafuerte, Pat V., Pamfilo D. Catacataca,
PhD. Ang Manghahasik ng Edukasyong Pangwika. Lunsod Caloocan:
Suatengco Publishing House. 2009.

6. Marquez, S. T., and Garcia, F. C. (2008). Panitikang Pilipino


(interaktibo at integratibong talakay). Makati City: Bookquick
Marketing.
7. PPST- RPMS Manual

8. Reyes, S. (2012). Narratives of note: studies of popular forms in the


twentieth century. Manila: University of Santo Tomas Pub. House.
9. Torres-Yu, R. (2011). Alinagnag: sanaysay ng mga panlipunang panunuri sa

panitikan. Manila: University of Santo Tomas Pub. House.


10. Tumangan Sr., A. (2012). Panitikan ng Pilipinas. Pateros, Metro Manila: Grandbooks

Publishing Inc.
12. Villafuerte, Patrocinio V. Pagpapahalaga sa Panitikan (Sining
Pantanghalan). Lungsod Malabon: Jimcyzville Publications. 2012.
72

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-


Panitikan ng Pilipinas Modyul
Bilang 3
74
Aralin 1. Sanaysay
Isang anyo ng panitikan ang sanaysay na kung saan ay maaari itong
tahas na paglalahad ng ating sariling kaisipan, pala-palagay at damdamin. Kung
ating susuriin, sa isang sanaysay ay mailalahad natin ang mga pangyayaring
nagaganap sa pang- araw- araw nating pamumuhay.

“Essay” ang tawag dito sa wikang Ingles. Dito, natin maibabahagi ang
ating mga karanasan sa buhay. Bilang mga mag- aaral, nagagamit dito ang tindi
ng wika.

Mababatid dito ang kahalagahan at kabuluhan ng wika sa anyong pasanaysay.

Sa pag- aaral nito, magkakaroon ng kasanayan ang mga mag- aaral na


hindi lamang malayang nakapaglalahad sa anyong pasalita kung hindi maging
sa

pagsusulat.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

Leksyon 1 Sanaysay
1. Nakabubuo ng sariling kahulugan ng sanaysay.
2. Nakikilala ang pagkakaiba ng pormal at di pormal na sanaysay.
3. Natutukoy ang bawat bahagi nito.
4. Naibibigay ang mga katangian ng isang mahusay
na mananaysay.

Pagganyak:
Pagpapabasa ng isang sanaysay na isinulat ng pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal. Pinamagatan itong tsinelas. Saan
ito patungkol? Sinong
75

makapagbabahagi sa inyo ng dahilan kung bakit kinakailangang itapon ang


kabiyak ng kaniyang tsinelas?

Talakayan:
Sanaysay

Isang anyo ito ng paglalahad na kadalasang naglalaman ng mga


pananaw, kuru- kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Isa rin itong paraan ng
pakikipagtalastasan na naglalayong maipabatid ang saloobin hinggil sa isang
paksa. Sa sanaysay ay maaaring mabatid ang estilo ng manunulat. Malalaman
din kung seryoso ang kaniyang kaisipan, palagay, damdamin, at reaksyon sa
buhay (Rubin,1995), pigil, masalita, kahanga- hanga, at kaibig- ibig.

Ang sanaysay ay nagmula sa pariralang pagsasalaysay ng isang sanay o


nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Nilikha ito ni Alejandro
G. Abadilla na kilala sa tawag na AGA, isang makata ng makabagong panulaan at
kinikilalang mahusay na manunuring pampanitikan. Essay ang tawag dito sa
wikang Ingles.

Uri ng Sanaysay:

1. Pormal o maanyo- seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at


lumalayo sa katauhan ng manunulat. Sa sanaysay na ito, dapat may lohikal na
paglalahad ng kaisipan o may maayos na balangkas.
76

2. Impormal o personal- nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso


ang pagkakalahad ng paksa. Tinatawag din itong malayang sanaysay.

Mga Bahagi:

 Simula/Panimula- pinakamahalagang bahagi ito dahil dito inaasahan kung


magpapagpatuloy ang mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat
makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.

 Gitna/ katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang
puntos o ideya ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin
malalaman ang buong puntos dahil ipinaliliwanag nang maayos ang paksang
pinag-uusapan.

 Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o


katawan ng isinulat niya. Nag- iiwan ito ng isang kakintalan sa isipan ng
mambabasa.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaysay:


1. Mabilis mag-isip.
2. Sensitibo sa kapaligiran.
3. May laging tugon at hinuha sa interes ng buhay ng tao, at mga bagay-bagay.
4. May kakayahang manuklas ng mga bagay- bagay na hindi lamang
panlabas ang nakikita.
5. Malikhain at orihinal sa isip at damdamin.
6. May mapiling panlasa.
7. Mapagkakatiwalaan
77

8. May kabatiran sa mga makabagong kaalaman.


9. Pamilyar sa mga mabubuting panitikan at iba pang sining.

Paglalapat:

Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa paksang “Ang Aking Pangangarap”

Paglalahat:

Ang Sanaysay ay isang anyo ito ng paglalahad na kadalasang naglalaman


ng mga pananaw, kuru- kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. May dalawa
itong uri: ang pormal o maanyo at ang impormal o personal.
Natalakay rin ang mga bahagi nito gaya ng simula, gitna at wakas.
Maging ang katangian ng mahusay na mananaysay ay inilahad at ipinaliwanag sa
bahagi ng leksyong ito.
Pagtataya:

MGA PAGSASANAY

I. Identipikasyon. Isulat ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod.


Wakas 1. Nag- iiwan ito ng isang kakintalan sa isipan ng mambabasa.
Sanaysay 2. Isang anyo ito ng paglalahad na kadalasang naglalaman ng mga
pananaw, kuru- kuro, o opinyon ng isang awtor o akda.
Impormal o personal 3. Nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi
seryoso ang pagkakalahad ng paksa.
Simula/panimula 4. Pinakamahalagang bahagi ito dahil dito inaasahan kung
magpapagpatuloy ang mambabasa sa kanyang binabasang
sulatin.
Pormal o maanyo 5. Seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at
lumalayo sa katauhan ng manunulat.
Alejandro G. Abadilla 6. Isang makata ng makabagong panulaan at kinikilalang
mahusay na manunuring pampanitikan.
Awtor 7. Tawag sa taong mahilig sumulat ng isang sanaysay.
Mabilis mag-isip 8. Katangian ng isang mananaysay na masining na lumilikha ng
sarili niyang sanaysay.
Mapagkakatiwalaan 9. Katangian ng mananaysay na kinakailang upang maging tapat
ang loob sa kaniya ng mambabasa.
Essay 10. Ito ang Ingles ng sanaysay.
78

Pagpapayamanag Gawain:

Karagdagang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay Hinggil sa paksang,

“Kahalagahan ng Edukasyon”

Mungkahing kawing:
79

Aralin 2. Pagsulat ng Sanaysay

Ang pagsulat ng isang mahusay na sanaysay ay nakasalalay sa taong


susulat nito. Maaaring isulat ito sa pormal o impormal na anyo. Kinakailangang
piliin nang maayos ang mga salitang gagamiti para sa kalinawan, kaugnayan at
pagbibigay ng diin sa mensaheng nais ihatid ng manunulat.
Bagama’t hindi lahat sa atin ay isinilang na manunulat, maaari pa rin
itong matutuhan. Malalaman dito ang mga katangian na dapat taglayin ng isang
mahusay na mananaysay. Pagkatapos ng pagtalakay ay maaasahan na
makasusulat ang bawat isa ng makabuluhang sanaysay.
Isang pinakamagandang batayan ng pagsulat ay ang sarili nating
karanasan at ang leksyong tatalakayin ay makatutulong upang makasulat nito.
Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
Leksyon 2 Pagsulat ng Sanaysay
1. Naipaliliwanag ang paraan ng pagsulat ng sanaysay.
2. Nakasusulat ng sariling sanaysay.
3. Nakikritika ang sanaysay batay sa nilalaman at estilo
ng pagkakasulat nito.

Pagganyak:
Naranasan ba ninyong makapagsulat ng sarili ninyong sanaysay? Saan
ito patungkol? Isa- isang magbabahagi ang mga mag-aaral sa naisulat na
nilang sanaysay.
80

Talakayan:

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Sanaysay

Nangangailangan ito ng masusing pag-iisip at dapat isaalang-alang ang mga


sumusunod:

 Tiyakin ang paksang susulatin at kung paano bubuuin ang kaisipan.


 Piliin ang paksang kawili-wili.
 Mahusay na pagkakabuo
 Paghahanda ng isang balangkas bago sulatin ang isang sanaysay.
 Paggamit ng mga salitang may tiyak ay malinaw na kahulugan.

Dapat taglayin ng isang sanaysay:


A. Kaisahan- ang pagtalakay sa paksa ay kailangang tiyak at hindi masaklaw.
B. Kohirens- sa pagpapalutang ng isang diwa, kailangang wasto ang
pagkakasunud- sunod at pagkakaugnay- ugnay ng mga
pangungusap.
C. Kalinawan- sa kabuuan ay tumutukoy sa linaw ng pokus ng ideyang nais
ihatid ng manunulat.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sanaysay:

4. Pagbabalangkas. Pagpaplano kung ano ang paksa at kung paano ito


ilalahad.
5. Pangangalap ng mga impormasyong kakailanganin ng paksang susulatin.
6. Pagsusulat. Paglalahad ng lalamnin ng sanaysay sa paraang malinaw at
kawili-wili.
7. Pagrerebisa. Pagpapakinis sa isinulat na sanaysay.
81

Paglalapat:

Sumulat ng isang replektibong sanaysay hinggil sa pandemyang COVID-19.

Paglalahat:

Ang sanaysay ay napag-aralan na sa unang bahagi ng modyul na ito. Sa


bahaging ito ay natalakay naman kung paano susulat nito.

Natukoy rito ang mga tuntunin sa pagsulat, ang mga katangiang dapat
taglayin at maging ang mga hakbang ng pagsulat nito.

Sinasabing marapat magtaglay ang sanaysay ng kaisahan, kohirens at


kalinawan. May mga hakbang din itong sinusunod gaya ng pagbabalangkas,
pangangalap ng mga impormasyon, pagsusulat at pagrerebisa.

Pagtataya:

MGA PAGSASANAY

I. Identipikasyon. Isulat ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod.


Kaisahan 1. Ito ang pagtalakay sa paksa ay kailangang tiyak at hindi masaklaw.

Pagsusulat 2. Paglalahad ito ng lalamnin ng sanaysay sa paraang malinaw at kawili-wili.

Kalinawan 3. Tumutukoy sa linaw ng pokus ng ideyang nais ihatid ng manunulat.

Pagrerebisa 4. Pagpapakinis sa isinulat na sanaysay.

Pagbabalangkas 5. Ito ang pagpaplano kung ano ang paksa at kung paano ito ilalahad.
82

Pagsulat ng sanaysay hinggil sa nasa ibabang paksa. Isaalang-alang ang rubriks sa pag-iiskor. (5
puntos bawat isang titik)

A. Ang Tunay na Kaligayahan


B. Pagpaparaya

Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay

5 4 3 2 1
Pangangatwiranan
 Pagsunod sa
uri ay anyong
hinihingi
 Lawak at
lalim ng
pagtalakay
Balarila
 Wastong
gamit ng
wika/salita
 baybay,
bantas,
estruktura ng
mga
pangungusap.
Organisasyon
 Lohikal na
pagkakaayos ng
daloy ng mga
ideya
 pagkakaugnay
ng mga
ideya.
83

Pagpapayamang Gawain:

Pagsasaliksik ng iba pang halimbawa ng sanaysay. Ilahad ang mga hatid


nitong aral sa iyo.

Mungkahing Kawing:

https://www.scribd.com/document/370291970/Ang-Pagsulat-Ng-Sanaysay
https://brainly.ph/question/10344203

Aralin 3: Dula

Maraming manunulat ng dula na hinggil sa paghihimagsik lalo na noong

panahon ng mga kastila. Ang mga unang dula noon ay may iisahing yugto na
kung ihahalintulad natin ngayon sa makabagong panahon na binubuo ng dalawa
o higit pa rito. Namalasak noong panahon ng Kastila ang mga dulang makabayan
at mga dulang politikal naman noong panahon ng mga Amerikano.

Masasabi natin na nakaaaliw ang pagsulat at panonood ng dula sa ibabaw


ng entablado. Hindi lamang kakikitaan ng kagandahan ang diyalogo ng bawat
tauhan maging ang karakter na bibigyang buhay nila rito.

Sa pagtalakay ng leksyong ito ay mararanasan ninyo ang pagsulat ng


isang dula na aangkop sa murang edad ng mga batang nasa elementarya.
84

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

Leksyon 3 Dula
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng dula.
2. Naiisa-isa ang mahalagang sangkap at uri ng dula.

3. Nasusuri ang iba’t ibang elemento at gampanin ng mga ito.


4. Natatalakay ang mga unang uri ng dula.

Pagganyak:

Isa sa magandang libangan ay ang panonood ng isang dula. Sa mga


paaralan ay hindi nawawala ang organisasyon ng mga mandurula. Sila ang
mga may angking kakayahan sa larangan ng pag-arte. Sino sa inyo ang
nakaranas ng magdula-dulaan? Sa mga nakaranas nang makasama sa mga
gawaing ito, magiging madali na sa inyo ang gagawin sa klaseng ito at sa mga
hindi pa nakaranas magbigay buhay sa mga karakter, ituring ninyong isang
magandang karanasan ang bahaging ito ng ating gagawing pag-aaral.

Talakayan:
Dula

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa


tanghalan. Ito ay isang pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa
85

pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Hinahati ito sa pamamagitan ng


yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.

Sebastian
Ang dula ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga
Amerikano.

Tiongson

Ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan, iskripto,


“characterization”, at “internal conflict.”

Casanova

Ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na


siyang pinag- ugatan ng mga unang anyo ng dula.

Memises

Ang pagbibigay- buhay ng aktor sa mga pang- araw-araw na pangyayari


sa buhay ng mga Pilipino.

Bahagi ng Dula:

1. Yugto- ito ang bahaging ipinanghahati sa dula.


2. Tanghal- ito ay ipinanghahati sa yugto kung kailangang baguhin ang tanghalan.
3. Tagpo- ito ang paglabas- masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa
dula.
86

Mga Unang Dula:

1. Wayang Purwa- (Bisaya) Kasaysayan ng pakikipagsapalaran ng isang sultan.


2. Bayok, Embayoka at Sayatan - (Muslim). Isang pagtatalong patula tulad ng
balagtasan.
3.Tibaw – Tagalog Tungkol sa panliligaw at pamamanhikan.

Sangkap ng Dula:

1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad
sa dula.

2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay- buhay sa dula; sa tauhan umiikot


ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng diyalogo at
nagpapadama sa dula.

3. Sulyap sa suliranin –ang halaga ng dula kung wala itong suliranin; maaaring
mabatid ito sa simula o kalagayan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari;
maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula.

4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning


nararanasan.

5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan


laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring
magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula.
87

6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa


sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian.

7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos


sa mga tunggalian.

8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga


suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong
mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.

Elemento ng Dula:
 Tema
Ang pinakapamagat o pinakapaksa ng isang dula.

 Iskrip
Nakasulat na dula, banghay o plot na itinuturing na pinakakaluluwa ng
isang dula.

 Karakter
Ang mga aktor na gumaganap at nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip.
88

 Diyalogo
Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata
upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.

 Tanghalan
Anumang pook na pinagpasiyahang pagtanghalan ng isang dula.
 Direktor
Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-
iinterpret sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan
ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
 Manonood
Mga nakasaksi o nakapanood
 Eksena o Tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na
pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

Uri ng Dula:

1. Komedya

Ang kuwento ay kadalasang nakabatay sa mga tunay na buhay na mga


karakter, mga nakatatawang karanasan sa buhay, o anumang uri ng sitwasyon
na nakapagpapasigla. Ang dramang komedya ay maaari ring sarcastic. Ito ay
karaniwang magaan sa kalooban at may maligayang pagtatapos.
89

2. Trahedya

Ang trahedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang


trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng
tao, pagtataksil, at pagkamatay. Ang magandang dulang trahedya ay
maaaring malalim ang epekto sa mga manonood. Ang mga ito ay bihirang
magkaroon ng masayang pagtatapos.

3. Melodrama

Ang melodrama o soap opera ay labis na nakaaapekto sa emosyon ng


manonood. Ito ay isang pamamaraan upang mas maging nakaaakit ang mga
kararkter. Karaniwan nitong inilalarawan ang mabuti at masamang aspeto ng
mga karakter.

4. Parsa

Ang parsa o farce ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga


pinagrabe at nakatatawang sitwasyon na ang layon lamang ay magpatawa ng
madla. Kung minsan ay tinatawag din itong saynete/

5. Saynete

Mga karaniwang ugali ang pinapaksa rito.


90

PAGTATANGHAL NG DULA

AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.


S – seen before heard (makita muna bago marinig)
T – talk in projection (magsalita na may tamang tindig)
A – act realistically (Umarte nang totoo)
G – give your all (Ibigay ang lahat)
E – exaggerate (Eksaherado)

Ang Dulang Panradyo

Isa itong natatanging uri ng dula. Tinig lamang ang maririnig ng mga
gumaganap ang naririnig ng mga tao na kakaiba sa mga dulang itinatanghal sa
entablado o tanghalan. Mahalaga ang tinig dito at hindi ang panlabas na anyo ng
isang tao. Ang mga ikinikilos ng mga artista sa tanghalan ay isinasatinig ng mga
gumaganap sa dulang panradyo.

Pag- arte

Tumutukoy ito sa pagbibigay buhay ng mga karakter sa papel na kanilang


ginagampanan.

Pagpasok

Dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na


nasa tiyak na pag- iisip dahil ang unang impresyon na kanyan ibibigay sa mga
manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan.
91

Paglalapat:

Makinig ng isang dula sa radyo at suriin ito. Ibigay ang kaibahan nito sa
dulang pantanghalan?

Paglalahat:
Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Sinabi ni Sebastian na ang dula ay nagsimula noong mga unang taon
ng pangungupkop ng mga Amerikano. Ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t
ibang kasuotan, iskripto, “characterization”, at “internal conflict.” ayon kay
Tiongson.
Samantala, batay kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa
mga awit, sayaw, at tula na siyang pinag- ugatan ng mga unang anyo ng dula.
Ang pagbibigay- buhay ng aktor sa mga pang- araw-araw na
pangyayari sa buhay ng mga Pilipino ay tinawag na Memises.

Mayroong tatlong bahagi ang dula: ang yugto na ipinanghahati sa dula, ang

tanghal na ipinanghahati sa yugto kung kailangang baguhin ang tanghalan, at ang


tagpo na tumutukoy sa paglabas- masok sa tanghalan ng mga tauhang
gumaganap sa dula. Mayroon din itong mga sangkap gaya ng tagpuan, tauhan,
sulyap sa suliranin, saglit na kasiglahan, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at kalutasan.

Tinalakay rin sa bahaging ito ang mga elemento ng dula gaya ng: tema,
iskrip, karakter, diyalogo, tanghalan, director, manonood, at eksena o tagpo.
92

Mayroon ding iba’t ibang uri ng dula. Kinabibilangan ito ng Komedya na


may maligayang pagtatapos; Trahedya na karaniwang may malungkot na wakas;
Melodrama na ang Karaniwang inilalarawan ay ang mabuti at masamang aspeto
ng mga karakter; Parsa na gumagamit ng mga pinagrabe at nakatatawang sitwasyon
na ang
layon lamang ay magpatawa ng madla; at Saynete na karaniwang ugali ang pinapaksa
rito.

Pagtataya:
MGA PAGSASANAY

I. TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi wasto
ang pahayag.

Mali 1. Mga karaniwang ugali ang pinapaksa ng komedya.


Tama 2. Ang tagpo ay ang paglabas- masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Tama 3. Ang parsa ay tinatawag ding saynete.
Tama 4. Ang trahedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula.
Tama 5. Tinatawag na manonood ang nakasaksi o nakapanood.

II. Identipikasyon. Isulat ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod.


Tanghalan 1. Anumang pook na pinagpasiyahang pagtanghalan ng isang dula.
Karakter 2. Ang mga aktor na gumaganap at nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip.
Tema 3. Ang pinakapamagat o pinakapaksa ng isang dula.
Kakalasan 4. Ito ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-
ayos sa mga tunggalian.
Bayok, Embayoka at Sayatan 5. Isang pagtatalong patula tulad ng balagtasan ng mga
Muslim.
Tanghal 6. Ito ang bahaging ipinanghahati sa dula.
Sebastian 7. Ayon sa kaniya, ang dula ay nagsimula noong mga unang taon ng
pangungupkop ng mga Amerikano.
Diyalogo 8. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon.
Direktor 9. Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.
Kasukdulan 10. Climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan.
93

Pagpapayamang Gawain:
1. Sumulat ng isang maikling dula na angkop sa kaisipan ng isang bata o
mag- aaral sa elementarya.

2. Ibahagi ito sa klase.

3. Ihanda ang sarili para sa pagkikritik ng sariling akda.

Mungkahing Kawing (Suggested link):


http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/
94

Aralin 4 at 5: Mga epektibong dulog at estratehiya sa pagtuturo ng panitikan, paglikha


ng kagamitang panturo at pagtataya
Sa pagtuturo ng panitikan sa elementarya ay makatutulong ang
kagamitan lalo na ang banghay- aralin na magiging gabay at sanligan para sa
maayos na daloy ng pag- aaral.

Magiging maayos at ganap ang pagtanggap sa kalalabasan ng anumang


pagtataya na gagawin ng isang guro sa kaniyang mga mag- aaral sa paggamit ng
rubriks at iba pang mga pamamaraan sa pagtuturo.

Magagamit ang mga epektibong dulog na tatalakayin upang mas


mapalawak ang kaalaman ng mga guro sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto
ng mga mag- aaral. Bunga nito, mailalapat ang lahat ng natutuhan kapag nasa
aktwal na sitwasyon ang mga mag- aaral.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

Leksyon Mga epektibong dulog at estratehiya sa pagtuturo ng panitikan, paglikha


4 at 5 ng kagamitang panturo at pagtataya
1. Naipaliliwanag ang kahusayan sa pagtuturo gamit ang
wikang Filipino at mother tongue.
2. Nakapipili, nakalilikha at nakagagamit ng mga akmang pagdulog
sa pagtasa at pagtaya sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa wikang
Filipino.
3. Nakasusulat ng Banghay-aralin sa Filipino.
4. Naidedemonstreyt ang binuong banghay- aralin sa
pamamagitan ng pakitang turo.
95

Pagganyak:

Sa inyong karanasan, masaya bang makapagturo muli ng panibagong


banghay-aralin? Anong panibagong dulog ang mabisang gamitin?
Makapagpapakita ba kayo ng iba pang estratehiya upang maging mabisa ang
gagawing pagtuturo?
Sa ngayon, alam kong nakapaghanda na kayo ng kagamitang panturo at
mabisang pagtataya para sa inyong pakitang turo. Handa na ba kayo?

Talakayan:

Mga Epektibong Dulog sa Pagtuturo

Ang pagtuturo ay isang gawaing masalimuot at may maraming anyo.


Maraming mga pamamaraan sa pagtuturo, kinapapalooban ito ng maraming
ideya at halimbawa. Gayunman, maaaring pagsama-samahin ang mga ito sa
ilang pangkalahatang paksa sa mga pamamaraan, kasanayan, o estilo ng
pagtuturo na lubhang mahalaga sa epektibong pagtuturo.

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan


1. Dugtungang Pagkukuwento

Ang pagkukwento ay maaaring simulan ng isang guro o mag-aaral.


Bibigyan siya ng pagkakataon na makapaglahad ng isa hanggang dalawang
pangungusap hinggil sa kwento at pagkatapos niya ay susundan siya ng
susunod na mag-aaral at ng iba pa hanggang sa matapos ang kwento.
96

2. Picture Frame

a. Pagsusunud- sunurin ng mga mag-aaral ang mga larawan, ayon sa


pagkakaganap ng mga pangyayari. Pagkatapos nito, igagawa ng buod ng
mga mag-aaral.

b. Bibigyan ng sitwasyon at isasagawa ng mga mag-aaral.


3. Pakwadradong Pagsasalaysay
Paglalahad ng isang kwento na may tugtugin habang binabasa ang
kwento, magpapatugtog ng mga awiting instrumental instrumental.

Kwadrado 1 Kwadrado 2 Kwadrado 3


Tagpuan Tauhan Simula
Ang kwento ay nangyari sa Ang mga tauhan ay sina Nagsisimula ang kwento sa
. , pamamagitan ng

Kwadrado 4 Kwadrado 5 Kwadrado 6


Pananabik Tunggalian Kasukdulan
Ano ang saglit na kasiglahan Ano ang gusot ng kwento? Tukuyin ang kasukdulan ng
o pananabik? kwento.

Kwadrado 7

Wakas

Ibigay ang wakas ng kwento


97

4. Pagbabalita (newscasting)

Gumagamit ng mga biswal na kagamitan sa pagbabalita.

a. Ano ang pamagat ng balita?


b. Sino ang nagbabalita at ano ang ibinabalita?
c. Saan naganap ang ibinabalita?
d. Kailan naganap ang balita?
e. Bakit?

5. Aklat- ulat
 Pamagat ng aklat
 May akda
 Pamagat ng kwento
 May akda ng kwento o nobela
 Mga tauhan
 Pagpapakilala sa pangunahing tauhan
 Pagpapakilala sa mga sumusuportang tauhan

6. Panel Discussion

 Maaari itong gamitin sa estilong panradyo o pantelebisyon.


 May mga mag-aaral na uupo sa harap ng klase
 Ang ibang mag-aaral ay makikibahagi sa mga tanong o reaksyon ng
mga nasa unahan.
98

7. Role-play o Simulasyon

Paglalagay sa mga mag-aaral sa sitwasyon ng mga tauhan sa kwento.


Bibigyang buhay nila ang papel ng mga tauhan sa kwento.

8. Walk-A-bout Technique

Tanong: Anu-ano ang inyong naaalala sa paksang tinalakay?

Tanong: Ano ang inyong reaksyon sa paksang tinalakay?

K
99

Tanong: Ano ang inyong naunawaan sa paksang


tinalakay?

N
9. Cycle Graph
Pag-uugnay ng karanasan sa tulong ng pangkatang gawain.

10. Round Robin


Dito ay may paksang pag-uusapan. Papangkatin ang buong klase sa ilang
pangkat at magbabahaginan ng kaalaman ang bawat miyembro ng pangkat.
100

Paglalapat:

Bumuo ng isang banghay-aralin sa panitikan gamit ang unang wika o


mother tongue. Maaari kayong pumili ng anumang baitang sa Una, Ikalawa o
Ikatlo.

Paglalahat:

Sa leksyong ito ay tinalakay ang mga epektibong dulog sa pagtuturo. Ang ilan sa
mga ito ay ang mga sumusunod: Dugtungang pagkukuwento, picture frame,
pakwadradong pagsasalaysay, pagbabalita, aklat- ulat, panel discussion, role-play o simulasyon,
walk-a-bout technique, cycle map at round robin.

Sa bahaging ito, hahayaang ang mga mag-aaral ang umunawa sa mga


ibinigay na ilang mga dulog sa epektibong pagtuturo ng panitikan.

Pagtataya:

MGA PAGSASANAY

I. Identipikasyon. Isulat ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod.

Pagbabalita 1. Gumagamit ng mga biswal na kagamitan sa pagbabalita.


Picture Frame 2. Pagsusunud- sunurin ng mga mag-aaral ang mga larawan, ayon sa
pagkakaganap ng mga pangyayari.
Panel Discussion 3. Dito ay may paksang pag-uusapan na kung saan ay may
isang paksang pagbabahaginan ang mga mag-aaral.
Pakwadradong pagsasalaysay 4. Paglalahad ng isang kwento na may tugtugin habang
binabasa ang kwento, magpapatugtog ng mga awiting instrumental.
Cycle Graph 5. Pag-uugnay ng karanasan sa tulong ng pangkatang gawain.
Walk A bout technique 6. May nabubuong katanungan dito gaya ng ano ang
naalala, reaksyon, at naunawaan.
Role play o simulasyon 7. Paglalagay sa mga mag-aaral sa sitwasyon ng mga tauhan sa
kwento.
Dugtungang pagkukuwento 8. Ang pagkukwento ay maaaring simulan ng isang guro o
mag-aaral.
Aklat-Ulat 9. Ipinakikita sa dulog na ito ang pamagat ng aklat, may
akda, pamagat ng kwento at mga tauhan.
Panel Discussion 10. Maaari itong gamitin sa estilong panradyo o pantelebisyon.
101

II. Gawain 1. Mag-isip/gumawa ng sariling dulog na maaaring magamit sa


pagsusuri ng isang akda. Ibatay ito sa sariling pag- uugali, gawi, kilos, at
kinalakihang tradisyon.

Rubriks: Pangalan ng Teorya: 2


pts. Pagpapaliwanag: 5 pts.
Presentasyon: 3 pts.
Kabuuan: 10 pts
102

III. Gawain 2. Gamit ang mga natutunang estratehiya sa pagtuturo ng


panitikan, gumawa ng banghay- aralin na gumagamit ng isa sa mga
natutunang estratehiya sa pagtuturo ng panitikan.

Sumangguni sa talahanayan sa ibaba para sa rubrik ng Banghay-aralin.

Pamantayan Napakahusay Mahusay- Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng


(5) husay (4) (3) (2) Pagpapahusay (1)

Kaalaman sa
paksa
Kalinawan
Kahusayan
ng
presentasyon
Kaangkupan
ng
Pagkakabuo

Pagpapayamang Gawain:
Magsaliksik ng iba pang dulog at estratehiya sa pagtuturo ng panitikan at
ilahad ito sa harap ng klase.

Mungkahing kawing:
https://www.scribd.com/presentation/382399769/Mga-Estratehiya-Sa-

Pagtuturo-Ng-Panitikan
103

Referensya:

1. Aguilar, R., et.al. (2012). Panitikan ng Pilipinas. (Rehiyunal na pagdulog) Filipino


21. Pateros, Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc.

2. Añonuevo, R. (2014). Talab: mga sanaysay sa panitikan, wika at pagtuturo.


Naga City: Ateneo de Naga University Press.

3. Casanova, Arthur P. Klasrum Drama. Mga Anyo ng Dulaan para sa


Paaralan. Lunsod Mandaluyong. Anvil Publishing, Inc 2011.

4. Corpuz, B. & Salandanan, G. (2015). Principles of Teaching with TLE).


Quezon City: LORIMAR Publishing.

5. Gojo Cruz R. “Sampung Pinakamahusay na Teknik na Ating Ginagamit sa


Pagtuturo ng Panitikan”. Nasa Villafuerte, Pat V., Pamfilo D. Catacataca,
PhD. Ang Manghahasik ng Edukasyong Pangwika. Lunsod Caloocan:
Suatengco

Publishing House. 2009.

6. Marquez, S. T., and Garcia, F. C. (2008). Panitikang Pilipino


(interaktibo at integratibong talakay). Makati City: Bookquick
Marketing.

7. PPST- RPMS Manual

8. Reyes, S. (2012). Narratives of note: studies of popular forms in the


twentieth century. Manila: University of Santo Tomas Pub. House.
104

9. Torres-Yu, R. (2011). Alinagnag: sanaysay ng mga panlipunang panunuri


sa panitikan. Manila: University of Santo Tomas Pub. House.

10. Tumangan Sr., A. (2012). Panitikan ng Pilipinas. Pateros, Metro


Manila: Grandbooks Publishing Inc.

11. Villafuerte, Patrocinio V. Pagpapahalaga sa Panitikan (Sining


Pantanghalan). Lungsod Malabon: Jimcyzville Publications. 2012

Website

https://philnews.ph/2019/06/22/panitikan-kahulugan-uri-anyo-akda/
https://www.slideshare.net/NylamejYamapi/banghay-aralin-74246892

You might also like