You are on page 1of 7

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino V

Pangasinan State University


Bayambang Campus

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. maiisa-isa ang mga elmento ng tula;
b. matutuklasan ang wastong paggawa ng tula; at
c. makasusulat ng sariling komposisyon ng tula;

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Tula
Sanggunian : Filipino Modyul para sa mag-aaral pp. 185-193, at wikipedia.org/wiki/panulaan
Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

1.1 Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa ating


panalangin.

Cyrille pangunahan mo ang ating panimulang Opo sir (sa ngalan ng ama, ng anak, ng
panalangin sa araw na ito. espirito santo amen.

Panginoon, bigyan mo po kami ng


karunungan at malusog na kaisipan upang
lubos naming maunawaan ang aming mga
aralin. Sa ngalan ng Diyos ama, amen.
Maaari na ang magsiupo ang lahat.

1.2 Pagbati

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po sir!

1.3 Energizer

Bago natin simulan ang ating aralin ako ay


naghanda ng isang pangpagising.

Hatiin ang klase sa dalawang grupo

Handa naba kayo, klas? Opo sir!

Ito ay pinamagatang “Dugtungan Mo”.


Magbibigay ako ng halimbawa at
dudugtungan niyo ito. Pagandahan ito ng
tulang mabubuo. Mag-umpisa tayo sa
unang grupo.

1.3 Pagsasaayos ng silid

T-U-L-A TSEK
T-umayo ng tuwid
U-mikot ng isang beses
L-imusin ang kalat sa ilalim
A-yusin ang hanay ng upuan

1.5 Pagtatala ng lumiban

(Tatawagin ng Guro ang class monitor)


Missy, may lumiban ba sa araw na ito?
Wala po sir.

1.6 Tuntunin sa silid-aralan

Meron tayong mga alituntunin habang tayo’y


nagtatalakay, kailangang makinig ng mabuti,
maging marespeto, at iwasan ang
pakikipagkwentuhan sa katabi.

Maliwanag ba, klas?


Opo sir!
B. Balik- Aral

Klas, Sino ang makapaglalahad ng ating


aralin noong nakaraang lunes?

Joece?
Sir, mga uri ng panitikan

Magaling! Sino naman ang makakapagbigay


ng uri ng panitikan?

Gilyn?
Sir, balita, talambuhay, liham, editoryal
Mahusay! Ano naman ang panitikan?

Angel?
Sir, ito ay isang payak na salitang nahihiyasan
ng ibat-iba at malalalim na kahulugan.
Magaling! Ngayon ay nabatid kong
naunawaan ninyo ang ating nakaraang aralin.
Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong
aralin.
C. Pagganyak/Paglalahad

Mga bata, mayroon ba kayong alam na tula?


Opo sir!

Ano ang pamagat ng alam ninyong tula


Pen pen de sarapen po Sir.
Sa araw na ito, ang pag-aaralan natin ay
tungkol sa tula at ang kaniyang mga anyo, uri
at elemento.

Ano ba ang tula?

Edgardo maari mo bang basahin ang nasa


screen? Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao.
Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga
saknong ay binubuo ng mga taludtud.

Magaling! tama ang iyong sagot.

Jessica, basahin mo naman ang mga anyo


ng tula. Malayang taludturan
Tradisyonal
May sukat na walang tugma
Walang sukat na may tugma
Maraming salamat!

Ngayon naman ay dumako tayo sa uri ng tula


Sino ang makapag bibigay ng mga uri ng
tula?

Jayson, maaari bang basahin ang nasa


screen? • Liriko o pandamdaming tula
• Nalalarawan
• Naratibo o nagsasalaysay
• Padula/Drama
• Tulang may aral
• Pampagkataon
• Balagtasan
• Duple
Tama, magaling!

Ang susunod naman ay ang mga elemento


ng tula.

Resa, maaari mo bang basahin ang nasa


screen?
Ang mga ito ay:
• Sukat
• Saknong
• Tugma
• Kariktan
Maraming salamat! • Talinhaga
D. Paghawan ng Balakid

Bago natin basahin ang isang halimbawa ng


tula, atin munang bigayang linaw ang ilang
mga talasalitaan upang lalong maintindihan
niyo ito

Malinaw ba iyon klas?


Opo, Sir.
Annie, pakibasa at sagutan ang unang
pangungusap. Ang amoy ng sampaguita ay
humahalimuyak.
At ang ibig sabihin ng humahalimuyak ay?
Maamoy po Sir
Mahusay!

Pangalawang pangungusap naman ay


babasahin at sasagutan ni Jamaica. Nakahahalina ang iyong ganda.
At ang ibig sabihin ng nakahahalina ay?
Kaakit-akit po Sir.
Mahusay!

Ang pangatlong pangungusap naman ay


babasahin at sasagutan ni Marc John. Ang pagsibol ng mga halaman.
At ang ibig sabihin ng pagsibol ay?
Pag-tubo o pag-lago po Sir.
Tama! Mahusay.

Ang huli at ang ika-apat na katanungan


naman ay babasahin at sasagutan ni Prince
Lee. Payak ang aming pamumuhay.
Ano naman ang ibig sabihin ng payak?
Simple po Sir.
Mahusay! Maraming salamat.

E. Pagganyak na mga tanong

Ngayon naman ay sasagutan natin ang mga


tanong batay sa ating napag-aralan. Kung
tunay ngang kayo ay nakinig ay masasagot
ninyo ng tama ang mga tanong. Itaas lamang
ang inyong mga kamay kapag gustong
sumagot.

1. Ano-ano ang mga anyo ng tula?

Sige Ivy? Maari mo bang isa-isahin ang


mga ito? Sir ito ay ang Malayang taludturan,
Tradisyonal, May sukat na walang tugma, at
Walang sukat na may tugma
Tama! Bigyan natin ng palakpak si Ivy.

Sino naman ang makasasagot ng


pangalawang tanong natin?

RV? Maari bang pakibasa at sagutin?


2. Ibigay ang mga elemento ng tula?
Saknong, sukat, tugma, sining o kariktang,
talinhaga, anyo, tono, persona, tayutay,
Magaling! Bigyan din natin ng palakpak larawang diwa, at simbolismo po Sir!
si RV.

F. Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagbasa

Ano ano ang mga dapat gawin habang


mayroong nagbabasa ng tula?

Yes Missy?
Makinig ng Mabuti.
Huwag magsalita kung di kinakailangan.
Bigyang respeto ang nag-babasa.
Magaling!

G. Pagbasa ng Tula

Ngayon naman ay dadako tayo sa halimbawa


ng isang tula.

Maari bang pakibasa ang nasa screen


Andrie? Sige po Ma’am

Ang Bulaklak
Ni Ma. Luisa Lining

Bulaklak ay humahalimuyak
Sa tahanan naming payak
Taglay nitong ganda
Tunay na nakahahalina
Kaya ang bubuyog na umaaligid
Dagdag sa ganda ng paligid
Bawat araw ito’y nagbibigay sigla
Sa mga taong nababahala

Ang pagsibol nito sa hardin


Ay may pag-asang hain

H. Pagsagot ng mga Tanong/Malayang


Talakayan

Sa binasang tula ni Andrie kanina, maari niyo


bang isa-isahin ang mga elemento ng tulang
mayroon dito?

Yes, Julie?
Ma’am mayroon po siyang Tugma.
Tama ‘yon! Maaari mo bang banggitin
ang mga salitang tugma na nasa tula? Humahalimuyak at payak, ganda at
nakakahalina, umaaligid at paligid, sigla at
nababahala, hardin at hain po.
Magaling! Tunay ngang ikaw ay nakinig sa
aralin.

Maliban sa tugma, anu-ano pang element


ang mayroon sa tulang ito?

Yes Cyrille?
Saknong po Ma’am.
At ilang saknong naman ang mayroon dito?

Magaling Cyrille! Tatlo po.

Tunay ngang nakinig kayo ng maigi sa ating


aralin ngayong araw.

I. Paglalahat

Batay sa inyong natutuhan sa ating aralin


ngayon. Sino ang makapagbibigay ng
kanyang sariling maikling tula?

Yes Neal?

Napakagaling Neal! Bigyan natin ng malakas


na palakpak si Neal.
J. Pagpapahalaga

Bakit nga ba natin kailangang pag-aralan ang


tula? At alamin ang mga uri, elemento at
anyo nito?

Andrie? Para po makagawa po tayo ng maayos at


magandang tula

Tama iyon. Magaling Andrie!

IV. Pagsubok

Batid kong kayo ay nakinig sa ating aralin,


kaya’t para malaman natin kung may
natutunan talaga kayo ay kailangan ninyong
masagutan ang mga katanungang nasa mga
papel na ibinigay ko. Kumuha ng panulat.

Kumuha ng isa at ipasa.

Isulat lamang ang TAMA, kung ito ay wasto,


at MALI naman kapag hindi.

1. Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay


binubuo ng taludtod.
2. Ang tula ay pagpapahayag ng
magagandang kaisipan at pananalita
sa pamamagitan ng mga taludtod.
3. Ang tugma tumutukoy sa bilang ng
pantig sa bawat taludtod.
4. Ang saknong tumutukoy sa
pagkakapareho ng huling tunog o titik
ng salita sa bawat taludtod.

V. Takdang-Aralin

Para sa inyong takdang-aralin ay sumulat


kayo ng isang tula na ipinapakita ang ating
mga napag-aralan ngayong oras na ito.

Inihanda nina:

Dimalaluan, Arbenson
Samsom, Mark Joseph
Villanueva, Rusielyn Mae

You might also like