You are on page 1of 9

J.H CERILLES STATE COLLEGE.

Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur


Email add: jhcsc.main@yahoo.com
School of Teacher Education
4A’s-Masusing Banghay Aralin Sa Filipino G10
I. Pamantayang Pangnilalaman: Naibibigay ang kahulugan ng matatanglinghagang
pananalita na ginamit sa tula (F10PT-II-c-d-70)
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
a. Natutukoy ang uri ng tayutay na ginamit sa binasang tula.
b. Nabibigyang halaga ang paggamit ng tayutay sa pagsulat ng tula.
c. Nakagagawa at nakapagpepresenta ng tula na mayroong mga tayutay na salita.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Uri ng Tayutay
Kwarter: II
Kagamitan: Im's, Libro, TV
Sanggunian: Internet/Module

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A.Panimulang Gawain

Magsitayo ang lahat para sa ating pambungad


na panalangin. Sa ngalan ng Ama, Amen.

Magandang umaga sa klas!


Magandang umaga po Sir.

I-ayos niyo muna ang hanay ng inyong mga


upuan at pulutin ang mga basura. At
pagkatapos ay maari na kayong umupo.

Mayroon bang lumiban sa ating klasi klas? Wala po sir.


Magaling kung ganun. Ngayon ipapaalala ko sa
inyo ang ating mga napagkasunduang mga
alituntunin. Tahimik, makinig, at itaas ang
kamay.
Maliwanag ba? Opo sir.
Bago tayo magsisimula sa panibagong aralin,
balik-aralan muna natin ang tinalakay kahapon.
Ang tulang Ang Buhay ng Tao
Ano ang paksang tinalakay natin kahapon?

Wala na po sir.
Mahusay! Mayroon pa ba kayong mga
katanungan tungkol sa nakaraang talakayan?

Magaling kung ganun! Batid kong naintindan


ninyong mabuti ang ating nakaraang talakayan.
Kaya dahil diyan, bibigyan natin ng lets go klap (pak-pak-pak)
ang ating mga sarili para sa ating panibago na
namang paksang tatalakayin.

PAGGANYAK

At ngayon may inihanda akong piling linya na


ating babasahin, at pipili lamang ako kung sino Opo sir.
ang magbabasa. At ito ang magiging gabay
kung ano ang paksang tatalakayin natin.
Naintindihan ba?

*Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.

*Nagkasakit ang kotse ko.

*Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.

*Ang kahulugan ko`y isang paglilingkod


Na walang paupa sa hirap at pagod;
Minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
Pag-ibig sa kapwa ang lagi kong diyos.

*Sa tulong ko`y naging maalwan ang dukha,


Sa turo koy naging mulat ang mulala,
Tapang ko`y sa duwag naging halimbaw`t
Ang kamatayan ko ay buhay ng madla.

Mayroon pong mga malalalim na salita sir.


PAGLALAHAD Ginamitan po ng mga matalinghagang salita sir.
Ngayon klas, ano ang napansin ninyo sa mga Matalinghagang salita.
piling linya na ating binasa? Tula na may matalinghagang salita.

Magaling! Ito ay may mga matalinghagang


salita. Ano ang nahihinuha ninyo na ating
paksang tatalakayin?

Mahusay! Ang paksang ating tatalakayin ay


tungkol sa Mga Uri ng Tayutay:

Layunin
PAGBASA NG LAYUNIN
A. Natutukoy ang uri ng tayutay na ginamit
Bago tayo dadako sa ating talakayan, basahin sa tula.
muna natin ang ating mga layunin. B. Nabibigyang halaga ang paggamit ng
tayutay sa pagsulat ng tula; at
C. Nakapagpepresenta ng awit o tula na
mayroong mga tayutay na salita.

Iyan ang mga layunin na magiging gabay at


kailangan nating makamtan pagkatapos ng
ating aralin. Tradisyonal na tula- Bukod sa sukat at tugma,
dagdag pa sa mga katangian ng tradisyonal na
Ngayon, bago natin alamin ang iilan sa mga uri tula ang pagtataglay ng talinghaga, at haraya.
ng tayutay na ginagamit sa tula, alamin muna
natin kung ano ba ang katangian ng tradisyonal
na tula. Talinghaga- Ayon kay Roberto T. Anonuevo,
ang talinghaga ang “nagtataglay ng diwa o
buod na nilalaman ng tula; ang disenyong
nagtatakda ng paraan ng pagpapahayag,
Maraming Salamat! Ano ba ang talinghaga? paglalarawan, o pagsasalaysay ng tula.”

Opo sir!

Maraming salamat! Ang talinghaga ay ang


nagtataglay ng diwa o buod na nilalaman ng Haraya- Ang haraya ay ang kakayahan ng mga
tula. Tama? salitang ginamit sa tula na magpinta ng imahen
o larawang-diwa sa isip.

Ano naman ang haraya?

Dahil sa kahingian ng isang tula na magtaglay Tayutay- ay isang salita o groupo ng mga salita
ng lalim at ganda, angkop na magagamit sa na kadalasang ginagamit upang maipahayag
pagsulat nito ang mga tayutay. Pero ano ba ang ang emosyon sa paraang hindi karaniwan
tayutay? upang makabuo ng mas malalim na kahulugan.
Lumilikha ito ng mga larawan o imahen at
umaakit sa mga pandama.

1. Pagtutulad o Simili- Ito ay simpleng


paghahambing ng dalawang bagay na
Magaling. Una sa iilang uri ng tayutay ay ang magkaiba o magkatulad ang katangian.
pagtutulad o simili. Ginagamitan ito ng mga salitang parang,
kawangis, anaki, animo, gaya o kagaya, tulad o
katulad, mistula, tila, at iba pa.

Halimbawa;
a.Sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod,
sa pintong may susi`y walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anaki`y atungal ng hayop sa yungib.

b.Parang malamig na kape ang pakikitungo


niya sa iyo. 2. Pagwawangis o Metapora- Ginagamit naman
c.Ang pag-ibig mo ay parang tubig- walang dito ang tuwirang paghahambing kaya hindi na
lasa. ginagamit ang mga katagang gaya ng
nabanggit sa simili.

Ano naman ang Pagwawangis o Metapora?

Halimbawa;
a.Iya`y tunay na larawan
ng lahat mong kapaguran
bawat butil na masayang 3. Pagsasatao o Personipikasyon- Ikinakapit
ay pintig ng iyong buhay. ang katangian ng isang tao sa mga bagay na
b.Si Inay ay ilaw ng tahanan. walang buhay. Itinuturing na tao ang isang
c. Ang puso niya ay bato. bagay.

Halimbawa;
a.Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka; 4. Pagmamalabis o Hayperboli- Lubos na
Kung idiit sa tainga, pagpapasidhi o pagpapakulang sa tunay na
Nagbubuntunghininga! kalagayan o sitwasyon.
b. Nakangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
c. Inanyayahan kami ng ilog na maligo.
Halimbawa;
a.kamay na mabait, may bulak sa lambot, 5. Pagtawag o Apostropi- Madamdaming
may puyo sa gitna paglikom sa loob; pagtawag o pakikipag-usap sa isang tao o
magagandang kamay na parang may gamot, bagay na wala ngunit para bang kaharap
isang daang sugat nabura sa haplos. lamang.
b. Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.
c. nakakatunaw ang kaniyang pagtingin.

Halimbawa;
a.Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,
ang ilaw at hamog ng aking paggiliw; 6. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke- Pagtukoy sa
ilipad mo habang gising ang damdamin isang bahagi bilang katapat ng kabuoan o
sa banal na tugtog ng bawat bituin! kabuoan ng bagay-bagay ang itinatapat sa
b. O, tadhana! Pag ibig na tunay aki`y ibigay na. isang bahagi.
c. Hangin, pumarito ka at pawiin ang matinding
init.

Halimbawa;
a.May santaong bigas tayong nakalaan,
kahit na magtago sa ulap ang ulan; 7. Pagpapalit tawag o metonimi- Paggamit ng
ang hayop na gutom ay di na daratal, ibang pangalan upang tukuyin ang isang bagay
kapag bawat bisig ay may pagpapagal. o tao. Magkaugnay ang pangalang ginamit at
b. Dahil sa sampong mga kamay ay natapos ang tao o bagay na pinatutungkulan.
ng mabilis ang aming mga gawain.
c. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo
kahit kailan.

Halimbawa;
a.Ang kaligayahan ay wala sa langit
wala rin sa dagat ng hiwang tubig. 8. Oksimoron- Pagsasama ng dalawang
ang kaligayaha`y nasa iyong dibdib magkasalungat na kaisipan sa iisang pahayag
na inaawitan ng aking pag-ibig. upang maipakita ang talaban ng mga ito.
b. Ang palasyo ay nag anunsyo na walang
pasok bukas.
c. Ang kanilang pamilya ay isang kahig, isang
tuka.
Halimbawa;
a.Kaluping maliit sa tapat ng puso
ang bawat talata`y puno ng pagsuyo,
ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligaya`t siphayo.
b.Ikaw na ang matalinong-bobo! AKO ANG INA NG AKING TULA
c.Minsan kailangan mong mawala para makita. (I am the Mother of my Poems)
ni: Avon Adarna

Ngayon klas , ito ang halimbawa ng tulang Ang tula ay anak sa sinapupunan,
kakitaan ng talinhagang salita. Di dapat angkinin ng gayun-gayon lang,
Kung ina'y agawan - sanggol sa kandungan,
Di ba't ilalaban kahit sa digmaan?

Kung karangalan ang pagtampisawan,


Ng kapwang uminog sa puso't isipan,
Bakit hindi naman bigyang karangalan,
Ang siyang may tunay' likhang kalagayan?

Kung karangalan man, gamitin ng iba


Ang paa't kamay ko pati kaluluwa,
Hindi ba nararapat na bigyang-halaga,
Ang may-ari nitong bahaging dakila?

Itong pagnanakaw sa pawis ng kapwa,


Ay tila pulitikong hindi nagtitika,
Ang ibig ay kabig na tila nga linta,
Tuloy ang sipsip kahit pigang-piga!

Ang pagmamahala'y magandang katwiran,


Ng mga nilalang na may kasalanan,
Hihingi lang ng awa at pag-iibigan
At balik sa gawi't nakaugalian.

Saan hahanapin itong katarungan,


Kung ibinabaon ng ilang nilalang?
Mauuwing bigo sa mundo ng kawalan,
Ang sikap at layon ng patas lumaban.

Ang nagsasabi ngang umibig ng lubos,


Ngunit hindi naman nakikita sa kilos,
Daig pa sa daan ang mga busabos,
Na hingi ng barya't kaunti pang limos.

Ibigay ang puri sa dapat purihan,


At sa nagkasala ay kapatawaran,
Ngunit dapat naman na maliwanagan,
At maipaalam, kanyang kamalian!

Ok klas, dahil tapos na tayo sa ating talakayan,


dadako na tayo sa ating unang gawain. Pero
bago iyan papangkatin ko muna kayo sa limang
pangkat.

Unang Gawain; Oral Recitation.

1. Ano ang inyong napansin sa inyong


binasang tula?
Opo sir.
2. May mga salita ba sa tula na mahirap
unawain?
3. Gaano kahalaga ang mga tayutay sa
pagsulat ng tula?

Ikatlong gawain; Pangkatang Gawain.


Panuto: Gumawa ng sariling tula na kakitaan ng
matatanglinghagang salita at ipresenta ito sa
loob ng klase. Maliwanag ba klas? Bibigyan ko Opo sir.
kayo ng limang minuto sa gawaing ito.

Mga pamantayan sa pagbibigay ng marka.

Mga Pamantayan Laang Puntos


Orihinalidad
Kaangkupan sa
paksa
Lakas ng boses sa
pagpresenta
Kabuuang Puntos

Paglalahat
Ang tayutay ay tinatawag sa wikang inglish na
figure of speech. At ang pagtutulad,
pagwawangis,pagsasatao at iba pa ay iilan
lamang sa mga uri ng tayutay na ginagamit sa
tula.

Pagtataya
Panuto; Suriin ang sumosunod na Sagot;
pangungusap, at bilugan ang tamang sagot.
1. A
2. B
1.Ikaw ay tulad ng bituin. 3. C
A.Pagtutulad o Simili 4. D
B.Pagwawangis o Metapora 5. D
C.Pagsasatao o Personipikasyon 6. A
D.Pagmamalabis o Hayperboli 7. A
8. A
2. Si inay ay ilaw ng tahanan. 9. B
A.Pagtutulad o Simili 10. C
B.Pagwawangis o Metapora
C.Pagsasatao o Personipikasyon
D.Pagmamalabis o Hayperboli

3.Sumayaw ang mga bituin sa langit.


A.Pagtutulad o Simili
B.Pagwawangis o Metapora
C.Pagsasatao o Personipikasyon
D.Pagmamalabis o Hayperboli

4. Umuulan ng dolyar kina Ana ng


dumating si Peter.
A.Pagtutulad o Simili
B.Pagwawangis o Metapora
C.Pagsasatao o Personipikasyon
D.Pagmamalabis o Hayperboli

5. O, tukso! Layuan mo ako!


A.Pagwawangis o Metapora
B.Pagsasatao o Personipikasyon
C.Pagmamalabis o Hayperboli
D.Pagtawag o Apostropi

6. Masaya siyang umiyak ng manalo sa


timpalak.
A. Oksimoron
B. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke
C. Pagpapalit tawag o metonimi
D. Pagtutulad o Simili

7. Apat na mata ang patuloy na tumititig sa


kaniya.
A. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke
B. Pagpapalit tawag o metonimi
C. Pagtutulad o Simili
D. Pagsasatao o Personipikasyon

8. Ang kanilang pamilya ay isang kahig, isang


tuka.
A. Pagpapalit tawag o metonimi
B. Pagtutulad o Simili
C. Pagsasatao o Personipikasyon
D.Pagwawangis o Metapora

9. Tila parang isang rosas ang ganda niya.


A. Pagpapalit tawag o metonimi
B. Pagtutulad o Simili
C. Pagsasatao o Personipikasyon
D.Pagwawangis o Metapora

10. Sumasayaw ang puno sa pag kanta ng


hangin.
A. Pagpapalit tawag o metonimi
B. Pagtutulad o Simili
C. Pagsasatao o Personipikasyon
D.Pagwawangis o Metapora

IV. Takdang Aralin:


Magsaliksik ng tula o awit sa internet at tukuyin ang mga tayutay. Isulat sa isang buong papel.

Inihanda Ni;
Cariotes, Dennis S.
BSEd IV FILIPINO

You might also like