You are on page 1of 8

7

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pagsulat ng Sariling Tula

1
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo


mo ang sumusunod na kasanayan.
1. Maihahambing ang mga katangian ng tula/ awiting panunudyo,
tugmang de gulong at palaisipan.
2. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental
(tono, diin at antala).
3. Maisusulat ang sariling tula/awiting panunudyo, tugmang de
gulong at palaisipan batay sa itinakdang pamantayan

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.


_______1. Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng
buhay, hinango sa guni-guni at pinararating sa ating damdamin.
A. Awit C. Balagtasan
B. Liriko D. Tula

______ 2. Elemento ng tula na pinagpangkat-pangkat o pinagsama-


samang mga taludtod.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Saknong

______ 3. Ito ay isang elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakatulad


ng mga tunog sa huling pantig, sa dalawa o higit pang taludtod.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Saknong

______ 4. Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa


bawat taludtod.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Sukat

_______ 5. Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa mga salitang


angkop at nagbibigay ganda sa tula na nagbibigay impresyon sa mga
mambabasa.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Saknong

2
_______ 6. Tukuyin ang wastong bilang ng pantig sa salitang
LUWALHATI.
A. 5 C. 3
B. 7 D. 4

_______ 7. Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad


Sa bait at muni sa hatol ay salat
A. wawaluhin C. lalabing-animin
B. lalabingdalawahin D. lalabingwaluhin

_______ 8. Ano ang tawag sa tula na may tatlong saknong?


A. terset C. quatrain
B. couplet D. sestet
_______ 9. Ang nagpakilala ng tulang walang sinusunod na patakaran
o tinatawag na malayang taludturan ay si _____
A. Severino Reyes C. Jose Dela Cruz
B. Alejandro G. Abadilla D. Francisco Balagtas

_______ 10. Anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.
A. May sukat na walang tugma C. Malayang taludturan
B. Tradisyunal na tula D. Walang sukat na may tugma

Aralin

3 Pagsulat ng Sariling Tula


Sa Kalabang Hindi Nakikita
ni: Jennifer Meneses-Pagdanganan, Teacher III
Marcelo H. Del Pilar National High School City of Malolos, Bulacan

Hindi ko nakita ang bayan kong ganito katahimik


Nabalot ng pangamba, takot ay sumiksik
Nabigla, nanabik, nawalan ng imik
Pananalig at pananampalataya ay muling naibalik Nagulat ang mundo sa
iyong pagdating
Sana ang paglisan mo ay mabilis din
Ang panganib na dulot mo ay kay hirap tanggapin
Pakiusap, tumigil na, takot namin ay pawiin.
Lumitaw kang hindi inasahan ng lahat
Hindi handa, sa kaalaman ay salat
Hindi alam kung ang nasinop ba ay sasapat
Maging kung hanggang kailan mag-iingat
Isang virus ka lang, napakaliit kung tutuusin
3
Ngunit ang taglay mo ay di dapat maliitin
Ang sandaigdigan ay nagdusa, naparalisa
Sapagkat tiyak na kamatayan ang iyong dala
Hindi ka nakikita, nadidinig, nadarama
Ngunit kay bagsik, parang lason ka pala
Sandaling magkamali, buhay ay mawawala
Huwag na malingat, igugupo mong bigla
Pinagbuklod ng panahong ito ang lahat sa mundo
Nagkaisa at nagtulungan, mga bansang apektado
Anumang lahi at kulay hindi sa iyo nakaligtas
Sana sa madaling panahon, ikaw na ay magwakas
Nabigyan mong oras ang pagsasama ng pamilya
Kumain, humalakhak, nagdasal ng sama-sama
Natuklasan ang mga bagay nanoo'y hindi alintana
Sapagkat sa maraming bagay, sila ay naging abala
Namulat din ang mata ng mga nasasakop
Sa tunay na may malasakit sa mga nagdarahop
Ang iba ay nagbibigay ng hindi lantad, hindi hayag
Samantalang ang ilan, pati batas ng Diyos ay nilabag
Ang ingay, usok, at dumi ng aming mundo
Bahagyang nabawasan kung hindi man nahinto
Ito ba ay paraan mo upang mapahinga kahit saglit lang
Yaring nanganganib na Inang Kalikasan
COVID 19, pandemya ka kung ituring, walang nakakaalam san ka nga ba
talaga galing
Kalaban kang hindi nakikita ng mata, kahit gamitin alinman sa pandama
Ang bakas na dinulot mo ay hindi malilimutan
Buhay kaming saksi ng karanasang pinamalas mo sa sangkatauhan

Tula
Ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinago sa guni-guni,
pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-
iw.

Mga Elemento ng Tula


1. Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa
isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
Isda – is-da – ito ay may dalawang pantig.
Is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Mga uri ng sukat


a. Wawaluhin
Halimbawa: Isda ko sa Mariveles
Nasa loo bang kaliskis

b. Lalabindalawahin
Halimabawa: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat

4
c. Lalabing-animin
Halimabawa: Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

d. Lalabingwaluhin
Halimabawa: Tumutubong mga palay, gulay at maraming mga bagay

Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay


Ang mga tulang may lalabingdalawa at labingwalo ay may sesura o hati na
nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na
pantig.

Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya /ng tungkol sa aking / mga panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig, Pag-ibig!

2. Saknong – Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod)
2 linya – couplet 6 linya – sestet
3 linya – tercet 7 linya – septet
4 linya – quatrain 8 linya – octave
5 linya – quintet

Ang couplets, tercets, at quatrains ang madalas na ginagamit sa tula.

3. Tugma – Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod ay magkakasingtunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito
ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog. Mga Uri ng Tugma
Tugma sa patinig (Ganap)
Halimbawa: Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Tugma sa katinig (Di-ganap)


a. Unang lipon – b, k, d, g, p, s, t

Halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas


Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. Ikalawang Lipon – l, m, n, ng, r, w, y

Halimbawa: Sapupo ang noo ng kaliwang kamay


Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
4. Kariktan – Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan
ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Halimbawa: maganda – marikit
Mahirap – dukha o maralita

5
5. Talinghaga – Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit. Ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan
ng tula
Halimbawa: nag-agaw buhay
nagbabanat ng buto

Anyo ng Tula
1. Malayang Taludturan – isang tula na isinulat nang walang sinusunod na
patakaran kung hindi ang anumang naisin ng sumusulat. (Ito ay ang anyo ng tula na
ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla)
2. Tradisyonal na Tula – Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga
salitang may malalim na kahulugan.
3. May sukat na walang tugma
4. Walang sukat na may tugma

Paano nga ba magsulat o gumawa ng Magandang Tula?


Ang pagsulat ng tula ay isang bagay na kung titignan ay mahirap gawin. Ngunit, sa
kaunting pagsasanay lamang ay magiging natural na ito sa iyo. Tandaan ninyo, kahit
sino ay puwedeng sumulat ng tula. Hindi importante ang edad sa pagsusulat, ang
importante lamang ay pagpahiwatig ng iyong karanasan at damdamin.

Ito ang mga tips kung paano sumulat ng magandang tula:


Humanap ng Inspirasyon – Ito ang pinaka importante sa lahat. Kung wala ito,
hindi magiging kapanipaniwala ang iyong mga sulat.

Saan ba ako makakakita ng Inspirasyon? – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay


makakakuha ka ng inspirasyon. Minsan mayroong mga pangyayari o tao
na bigla na lamang bibigay sayo ng napaka tinding emosyon na para bang umaapaw.
Pag nakita mo na iyon, dapat handa ka ng mag sulat.

Magsimula sa Malayang Taludturan – Maraming pormal na paraan ng pag sulat


ng tula na gumagamit ng saktong sukat at tugma. Pero, mas maganda pa rin na mag
simula ka sa malayang taludturan.

Siguraduhing Alam mo ang Sinusulat mo – Hindi magiging kapani-paniwala ang


iyong tula kung hindi mo ito lubos na alam. Kung ang sulat mo ay tungkol sa
korupsyon sa gobyerno, dapat alam mo talaga kung anong nangyayari. Ganun rin
pagdating sa pag-ibig. Kung ikaw ay nasaktan na, gamitin mo ang karanasan na iyon
para maipahiwatig kung ano talaga ang naramdaman mo sa pagkakataong iyon.

Magbasa ng Tula ng Iba – Hindi ka magiging mahusay na manunulat kung hindi


ka natututo sa iba. Sa pagbasa mo ng ibang tula, maaring makakakita ka ng ibang
paraan ng pagsulat na puwede mong kunan ng inspirasyon.

6
MGA PAGSASANAY
A. Panuto: Iguhit ang puso kung ang isinasaad ng mga taludtod ng tula
ay magandang pangyayari dulot ng covid-19 at araw naman kung
tumutukoy sa sakit na covid-19
___________ 1. Isang virus ka lang, napakaliit kung tutuusin
Ngunit ang taglay mo ay di dapat maliitin
___________ 2. Pinagbuklod ng panahong ito ang lahat sa mundo
Nagkaisa at nagtulungan, mga bansang apektado
___________ 3. Nabigyan mong oras ang pagsasama ng pamilya
Kumain, humalakhak, nagdasal ng sama-sama
___________ 4. Kalaban kang hindi nakikita ng mata,
kahit gamitin alinman sa pandama
___________ 5. Nabigla, nanabik, nawalan ng imik
Pananalig at pananampalataya ay muling naibalik
___________ 6. Ang panganib na dulot mo ay kay hirap tanggapin
Pakiusap, tumigil na, takot namin ay pawiin.

C. Panuto: Tukuying ang anyong ng tula ng mga sumusunod na


kaalamang- bayan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

A. Tradisyunal na tula C. Malayang taludturan


B. May sukat na walang tugma D. Walang sukat na may tugma

_____ 1. Batang makulit


Palaging sumisitsit
Sa kamay mapipitpit

_____ 2. Isang pinggan,


Abot bayan

_____ 3. Ako’y bumili ng tatlong prutas


Ang pangalan ng prutas ay nagsisimula sa letrang O
Anong mga prutas ang binili ko?
.

7
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Sariling Tula, Isulat at Bigkasin.
Sumulat ng isang halimbawa ng tula/awiting panudyo, tugmang
de-gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

Mga Pamantayan Puntos Aking


Puntos
May orihinalidad at akma sa paksa ang mga
5
tulang nabuo.
Maliwanag na nabigkas ang bawat linya ng
tulang panudyo, tugmang de gulong at 5
palaisipan
Nalapatan ng wastong ritmo ang bawat linya
sa binigkas na tula dahil sa tono, diin at 5
hinto.
KABUUANG PUNTOS 15
5- Napakahusay 2- Di-gaanong Mahusay
4- Mahusay 1- Kailangan pang Paunlarin
3- Katamtaman

SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like