You are on page 1of 27

SHS

Malikhaing Pagsulat
Unang Markahan - Modyul 2
HUMMS – Malikhaing Pagsulat
Grade 11 Unang Markahan - Modyul 2: Pagbasa at Pagsulat ng Tula
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mary Joy L. Carillo


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II


Claire P. Toluyen, Librarian II
Malikhaing Pagsulat
Unang Markahan - Modyul 2:
Pagbasa at Pagsulat ng Tula
Sapulin

Panimulang Salita

Magandang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Nakahanda at sabik ka


na bang mag-aral at matuto? Batid kong oo, kung gayon ikaw ay maghanda na sa
mga susunod na araling ating pag-aaralan.

Modyul 2: Sa araling ito matututuhan ng mag-aaral ang mga


elememto/sangkap ng tula. Sa kabanatang ito mauunawaan ng mga mag-aaral
ang tula bilang isang anyo at nasusuri ang mga elemento/sangkap at teknik nito.
Inaasahang ang mag-aaral ay makasusulat ng maikli at masining na tula

Sa araling ito magagamit ang iyong imahenasyon para makagawa ng isang


komposisyong orihinal. Malilinang ang kasanayang praktikal at malikhain sa
pagbasa at pagsulat. Ipauunawa at tatalakayin ang mga pundamental na teknik sa
pagsulat ng maikling kuwento, tula, at dula na ginamit ng mga kilalang manunulat
ng nabanggit na mga anyo.

Sa modyul na ito, may mga mahahalagang paalala kung paano gamitin ito.

1. Sagutin nang buong katapatan ang mga Panimulang pagtataya o iba pang
gawain na makikita sa modyul. Masusukat nito ang lawak ng iyong
kaalaman sa paksa.
2. Basahin at pag-aralan na mabuti ang mga akda. Isagawa ang kaugnay na
gawain. Mababasa ito kung paano ito gagawin.
3. Tingnan ang naragdagan ang kaalaman. Sagutin ang pangwakas na
pagsusulit.
4. Tandaan, ang modyul na ito. Sagutin ng mabuti. Huwag susulatan at
pagkaingatang huwag masira.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

 Natutukoy ang iba’t ibang elemento, mga teknik, at kagamitang pampanitikan


sa panulaan. (HUMSS_CW/MP11/12c-f-6) Week 3 - 6
 Natutukoy ang mga tiyak na anyo at kumbensyon sa panulaan.
(HUMSS_CW/MP11/12c-f-7) Week 3 - 6
 Nakagagamit ng piling mga elemento sa panulaan sa maikling pagsasanay sa
pagsulat. (HUMSS_CW/MP11/12c-f-8) Week 3 - 6
 Nakatutuklas ng mga makabagong teknik sa pagsulat ng tula.
(HUMSS_CW/MP11/12c-f-9) Week 3 - 6
 Nakasusulat ng tula gamit ng iba’t ibang elemento, teknik, at literary devices.
(HUMSS_CW/MP/12c-f-10) Week 3 - 6

1
Aralin
Mga Elemento/Sangkap ng
2.1 Tula

Simulan

Handa ka na ba? Maaari ka nang magsimula sa aralin at mga gawain. Layon ng


pagsusulit na ito na masukat ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa

Panimulang Pagtataya

Alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ito bago sa kaapat na papel.

1. Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa


iba't ibang anyo at estilo. Nagpapahayag ng kaisipan o diwa sa pamamagitan
ng maayos at piling-piling mga salita.
a. Dula c. Nobela
b. Maikling Kuwento d. Tula

2. Sa napakamurang gulang, ang tulang naisulat ni Rizal noong siya’y walong


taong gulang ay:
a. Ang Unggoy at Pagong c. Mariang Makiling
b. Kundiman d. Sa Aking Mga Kabata

3. Sa tulang “Sa Aking Mga Kabata”, sa bawat taludtod na taglay ang ganda at
estilo ng may-akda, madarama mo ang____
a. Paghihimagsik c. Pagkamakabayan
b. Pagkabigo d. Pagmamahal

4. Ang pagkakaroon ng isang tunog ng huling pantig sa bawat taludtod na


lubhang nakakaganda sa isang tula ay _____
a. Diwa c. Sukat
b. Himig d. Tugma

5. Ang pinatungkulan ni Rizal ng mensahe ng kanyang tulang “Sa Aking Mga


Kabata” ay ang _____
a. Kabataan c. Matatanda
b. Mamamayan d. Pulitiko

2
6. Kapag ang isang akda ay naglalahad ng sariling palagay, pananaw o kuru-
kuro ng manunulat tungkol sa isang paksa tinatawag itong ____
a. Balita c. Talumpati
b. Talambuhay d. Sanaysay

7. Ang paglahahad sa isang paksa upang maging kawili-wili ay kailangang


mabisa at ____.
a. Maligoy c. Mapitagan
b. Malinaw d. Makatwiran

8. Ang taong tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa ay handing ____.


a. Magdusa c. Magpakamatay
b. Magpaalipin d. Magpakasakit

9. “Pag-ibig na labis na makapangyarihan,


Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw,
Pag ikaw ang nasaok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat ____
a. Masunod ka lamang
b. Maarok lang ang kalooban
c. Madama ang pagmamahalan
d. Mapayapa lamang ang buhay

10. Punan ang patlang ng angkop na salitang hango sa isang awit


pansimbahan.
“Pagkat ang Diyos nati’y Diyos ng Pag-ibig
Magmahalan tayo at magtulungan
At kung tayo’y bigo ay huwag limutin
Na may Diyos tayong ____
a. Nagmamahal c. Nagpapatawad
b. Nagmamasid d. Nagtuturo

3
Lakbayin

Alam mo ba na….
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa
pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag
na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan
o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin,
lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at
ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya
naman ay mahaba.

Mga Anyo ng Tula:


1. Tradisyonal
 Ito ay sumusunod sa lumang pamamaraan ng pagsulat. Nagtataglay
ito ng apat na sangkap: sukat, tugma, talinghaga, at kaisipan

Halimbawa:
Sa langit na iyon, agham ang may haka,
Walang katapusan, diya’y naglipana.
Ang napakaraming bitui’ bantala
O! Saan hahantong ang ganiyang hiwaga?
-“Ang Diyos at ang Agham” ni Conrado C. Fajardo

 Tanka - nagmula sa bansang Hapon na binubuo lamang ng 31 pantig,


nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7
 Haiku - nagmula sa bansang Hapon na binubuo ng tatlong taludtod na
may sukat na 5-7-5
 Diona- binubuo ng tatlong taludtod na may sukat na pitong pantig sa
bawat taludtod at may tugma
 Soneto- ito ay may 14 na taludtod at may striktong tugmaang
sinusunod: abba abba cde cde

2. Malayang Taludturan
 Mga tulang walang sukat at tugma ngunit nagtataglay naman ng
talinghaga at kaisipan

Halimbawa:
Sa bawat araw na nagdaraan
May mithiin tayong gagampanan
Marangal na hangarin
Taos sa damdamin

4
Tumulong sa kapwa, ating adhikain.
-“Kapit-kamay” ni Fernando Nocum

3. Blangkong Berso
 Mga tulang mayroong sukat ngunit walang tugma

Iba Pang Uri ng Tula:

1) Tulang Liriko o Pandamdamin


 Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin.
Ito ang itinuturing pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga
makata sa buong daigdig. Ito ay puno ng damdamin at madalas ding
gamiting titik ng mga awitin. Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at
musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang
dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko. Ito rin ang
dahilan kung bakit ngayon malimit pumapasok sa ating isipan na ang
liriko ay alinman sa dalawa: tulang talagang kakantahin o kaya'y
tulang may katangiang awit. Narito ang ilang uri ng tulang ito:

a. Awit (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig


b. Pastoral (Dalitbuki)
c. Oda (Dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o
pagbibigay parangal)
d. Dalit o Himno (Dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit
na pamamaraan.
e. Soneto (Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan
ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
f. Elehiya (Dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o
kalungkutan

2) Tulang Pasalaysay
 Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitanng mga
taludtod. Narito ang apat na uri ng tulang ito:

a. Epiko (Tulabuyani)
b. Tulasinta (Metrical Romance)
c. Tulakanta (Rhymed o Metrical Tale)
d. Tulagunam (Ballad)

3) Tulang Dula
 Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan.
Narito ang mga uri ng tulang dula:

a. Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)


b. Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
c. Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
d. Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)

5
e. Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
f. Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in
Poetry)
g. Tulang Dulang Pauroy (Farce in Poetry)

4) Tulang Patnigan (Justice Poetry)


 Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling
makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga
katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. Ang sumusunod ang mga
uri ng tulang patnigan:

a. Karagatan
b. Duplo - kadalasang isinasagawa tuwing may lamay. Ito ay sa anyo ng
labanan, at bilyako o bilyaka ang tawag sa mga manlalahok nito.

Mga Elemento/Sangkap ng Tula:

1. Sukat
 Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong.
 Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay may sukat na 12, 14,16. Kung
lalabindalawahin ang sukat, ang sensura o hati ay nasa ikaanim na pantig.

Halimbawa:
is•da – ito ay may 2 pantig
Ma•ri•ve•les – may 4 na pantig
Tandaang ang salitang "mga" ay laging binibílang ng 2 pantig.

Mga Uri ng Sukat:

Aanimin
Halimbawa:
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit

Wawaluhin
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nása loob ang kaliskis

Lalabindalawahin
Halimbawa:
Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat

6
Lalabing-animin
Halimbawa:
Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

Lalabingwaluhin
Halimbawa:
Ibon kang lumipad sa rurok ng langit na ang buong nasà
Silawin sa kinang ang nabaghang titig ng isang nilikha

Minsan, may mga makata ring gumagamit ng Sasampuin at Lalabing-apatin


ngunit ang 5 uri ng sukat na binanggit ang madalas na ginagamit.

1. Saknong
 Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa omaraming
linya o taludtod.
 Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tulang may 2 o maraming linya
(taludtod).
2 linya – couplet
3 linya – tercet
4 linya – quatrain
5 linya – quintet
6 linya – sestet
7 linya – septet
8 linya – octave

Ang couplets, quatrains, at quintet ang madalas na ginagamit sa mga tula.

1. Paksa/Kaisipan
 Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais
iparating

Halimbawa:

“Ang Guryon” ni Ildefonso Santos

Kapag hindi matibay ang pisi ng isang guryon, ito ay maaaring


bumagsak. Tulad ng isang tao na nagpapakataas at di
inaalagaan ang matagal na pinapangarap ay tiyak na babagsak

1. Tugma
 Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salitang bawat
taludtod ay magkasing-tunog.

Mga Uri ng Tugma:

1. Assonance – paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay


nagtatapos sa patinig.

7
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa, kung quatrain:
Unang Lipon – nagtatapos sa pare-parehong patinig
1
1
1
1

Ikalawang Lipon – nagtatapos ang una't ikalawang linya sa parehong patinig, ang
ikatlo't ikaapat na linya naman ang magkatulad
1
1
2
2

Ikatlong Lipon – magkasalitan


1
2
1
2

Ikaapat na Lipon – hindî gaanong ginagamit


1
2
2
1

2. Consonance – paraan ng tugmaan na kung saan ang mga salita ay nagtatapos


sa katinig.

a. Unang Lipon – mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t


Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. Ikalawang Lipon – mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y


Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

8
Dalawang Uri:

 Tugmaang Patinig – pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay


nagtatapos sa patinig
 Tugmaang Katinig - pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa katinig

Nagtutugma: b,k,d,g,p,t,s

Nagtutugma: l,m,n,ng,w,r,y

1. Tono
 Damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, pagkatuwa,
pagkagalit, at iba pa

1. Imahe O Larawang-Diwa
 Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o
konsepto sa nais ipakahulugan
1. Aliw-iw
 Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula

1. Persona
 Tauhang nagsasalita sa tula
 Maaaring ang persona sa tula ay lalake, babae, matanda o
bata. Kailangang may batayan sa pagtukoy ng persona sa tula.

2. Kariktan
 Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang
masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at
kawilihan.

3. Talinghaga
 Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng
tula.
 Nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na taglay ng tula,
pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan ng tula

Galugarin

Maalala niyo pa ba ang kamalayan at pag-ibig ni Dr. Jose P Rizal sa lipunan


at sa bayan? Alam mo bang ang batang si Jose ay nagkaroon ng edukasyon mula
sa kanyang ina na kahit hindi nag-aral ng pagtuturo ay naging mabisang guro.
Patunay rito, sa gulang niyang walong taong gulang naisulat ng pinakadakila sa
ating mga bayani na si Dr. Jose P. Rizal ang tulang, Sa aking Mga Kabata. Maniwala
ka, samantalang ito’y gawa ng isang batang wawalong taong gulang, ang

9
malalim na diwa nito at ang kaganapan sa sukat, sesura at tugma nito ay kahanga-
hanga.

Bago tayo magsimula sa aralin, nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni
Jose Rizal na bagaman naisulat noong Panahon ng Espanyol. Basahin at unawain
mong mabuti ang nilalaman nito.

Handa ka na ba?

Simulan mo na ang pagbabasa.

Sa Aking Mga Kabata


Ni Jose P. Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala,

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Naintindihan mo ba ang iyong binasa? Nagkaroon ba ng bias ang akda sa iyo


batay sa layon at nais sabihin nito.

Ang binasa mong akda ay isang tula na siyang pinakamasining na akda sa


alin mang wika. Likas sa makata ang masining sa kanilang pagpapahayag.
Gumagamit sila ng mga mabubulaklak na tula na siyang pinakamabisang

10
tagapagpahayag ng tagulaylay ng kanilang isipan at damdamin. Laging tandaan na
ang pagiging masining sa paglalarawan ay gumigising sa mayamang guniguni o
imahinasyon ng mga mambabasa o taga-pakinig. May mga matatalinghagang
pahayag na ginagamit at iba pang mga salita na masining at maayos nitong
inihahanay sa paningin ng mga mambabasa.
Gawain 1.1: Payamanin mo ang iyong kaalaman!

Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tinutukoy na larawang-diwa o
simbolo ng mga salitang nasasalungguhitan. Isulat sa isang buong papel ang
iyong sagot.

1. Dinatnan ng sigwa. Sa literal na pagpapakahulugan ang tinutukoy


nito ay __
B O Y A G

2. Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang sinasagisag ng ibon ay __


A K A L N A Y A

3. Lubhang mabisa ang pahayag na, salitang kaloob ng langit sapagkat


ang binabanggit ditto ay ang ___
O S I Y D

4. Ang baya’y sadyang umiibig. Ang pinatutungkulan ng salitang may


salungguhit ay ang mga ___
L P O P I N I l

5. Mahihinuhang may pinatutungkulan ang may-akda sa pamagat ng


tula. Sino kaya?
A B T A K A N A

Matapos mong matukoy ang nais ipahiwatig ng mga piling mga salita, magiging
magaan na bahagi mo na malapatan mo ng pansariling interpretasyon ang bawat
saknong ng tula batay sa kaisipang nakapaloob dito. Mapapadali nito ang iyong
gawain dahil isa-isa mong susuriin ang bawat saknong.

Kaya mo ito… Simulan mo na!

11
Pagsusuring pangnilalaman…

Lapatan ng pansariling interprestasyon ang bawat saknong ng tula batay sa


ipinahihiwatig na kaisipang nakapaloob dito. Pagkatapos, piliin mo ang titik ng
kahong angkop na interpretasyon na nasa ibaba. Isulat sa isang buong papel ang
iyong sagot.

Bilang ng Saknong Mensahe

Saknong bilang 1

Saknong bilang 2

Saknong bilang 3

Saknong bilang 4

Saknong bilang 5

Wika’y gamit sa pakikidigma sa Di pahuhuli ang Wikang


mapaniil na dayuhan na Filipino sa iba pang wikain ng
pinuhunanan ng dugo at luha ating mga kalapit bansa kayat
marapat na pag-ibayuhin ang
makamit lang ang tunay na
paggamit nito.
kalayaan
C
A

Wika ang sagisag ng


demokrasya o kalayaan na
tatak nitong ating lahi at
larawan n gating lipi

Mga di nagpapahalaga sa ating Ibon man ay may layang


pagkalahi pagkat gapos ng lumipad.
tanikala ng diwang kolonyal; Tao pa kaya ang hindi
wika’y iwinawaksi; ugaling Maghangad ng paglaya
kanluranin dinidiyos nang
husto.

B D

12
Naging madali lang ba sa iyo ang pagpapakahulugan sa mga saknong?
Iwasto mo na ang iyong papel. Kung malapit ang iyong pagpapakahulugan sa
nakakahong susing sagot, itama mo na rin ang iyong sagot, kung mali at malayo
talaga ang iyong pagpapakahulugan, huwag kang mawalan ng loob. Ang
sumusunod na gawain ang lalong makapagbibigay sa iyo ng kasiyahan.

Palalimin

Narito ang dalawang kaisipang hindi pa tapos. Tapusin mo ang mga ito.
Matapos kong mabasa ang tulang “Sa Aking Mga Kabata”. Isulat sa kalahating
pahalang ang iyong sagot.

Lalo akong nasisiyahan kung ako ay kabilang sa


pangkat ng mga taong ____________________

Hindi ako maligaya kung ako ay kabilang sa


pangkat ng mga taong ____________________

Sukatin

Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang upang makabuo ng isang slogan.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat sa kaapat na papel ang
iyong sagot.

tangkilikin lahi bansa

Wikang Filipino asal-buktot mapambusabos

bayani dibdib nasyonalismo maharlika

1. Ang wika’y sarili’y ____________________


Moog na matibay ng __________________

2. Wikang Filipino’y tatak nitong ______________


Wikang pinagtanggol ng mga _______________

3. Ang wika’y sagisag ng malayang _____________


Kadalo’y ng dugong lahing ___________________

13
4. Wika’y paunlarin, lagging _____________________
Wag yuyuraka’t magsisiklab yaring ____________

5. Ang wika ng dayuhan may ____________________


Diwang kolonyal, tunay _______________________

14
Aralin
Mga Teknik at Kagamitang
2.2 Pampanitikan sa Tula

Simulan

Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tula. Isulat sa


kaapat na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit

Ang binanggit sa pahayg ay tumutukoy sa ______


a. Pangako c. sumpa
b. Prinsipyo d. wika

2. Pagkat ang salita’y sadyang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian

Nangangahulugan na ang wika’y magsisilbing…


a. Batas c. palatandaan
b. Kasulatan d. sagisag

3. Sa taludtod na, “Ang hindi magmahal sa kanyang salita,” tinutukoy dito ang
mga kababayan nating may isipang
a. alipin c. optomista
b. kolonyal d. pesimista

4. Sa pamagat ng tula, mahihiwatigan na nais ikintal ng bayani ang pagmamahal


sa wika sa murang gulang pa lamang ng mga
a. kababayan c. kalaro
b. kabataan d. katandaan

5. Ang salitang may alfabeto at sariling letra ay ang wikang ______


a. Filipino c. Kastila
b. Ingles d. kinagisnan

15
6. Lutang na luting sa tula na ang sagisag ng bansang Malaya ang pagkakaroon ng
sariling ______
a. batas c. pamahalaan
b. edukasyon d. wika

7. Ito ay ang sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita kung kayat
nagiging maganda ang isang tula ______
a. dekorasyon c. pantasya
b. palamuti d. tayutay

8. Ang bilang ng pantig sa kabuuan ng tula ay tinatawag na ______


a. sining c. talinghaga
b. sukat d. tugma

9. Masasalamin sa tula ang mahahalagang aral na ______


a. pagpapahalaga sa sariling wika
b. isipang nauukol sa pag-ibig sa bayan
c. kamulatan/kamalayan at pag-ibig sa lipunan
d. lahat ng ito

10. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay sumasagisag sa ______


a. kalakasan c. kapangyarihan
b. kalayaan d. katatagan

16
Lakbayin

Alam niyo ba na…

Ang tula ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, bilang ng


mga pantig at tugmaang salita upang maipadama ang isang damdamin o kaisipang
nais ipahayag ng isang manunulat. Bagamat sa kasalukuyan ay unti- unti nang
nawawala ang sukat at tugma ng isang tula, dahil ang mga makabagong
manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan. Ang tula ay isang
akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, batay sa guniguni, kaisa ng
ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw- iw. Likha ito
ng isang makata at hinasa sa kalikasan at sa buhay ng tao. Ang isang tula ay
gumagamit ng tumpak na salita at larawang diwa upang maipahayag ang tunay na
damdamin. Itoy pagpapahayag ng mayayamang kaisipan sa maririkit na
pananalita sa pamamagitan ng taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay
tinatawag na taludturan o saknong.

Layunin ng Tula

Ito ay ang pagpukaw ng isang makata sa damdamin ng bumabasa o nakikinig nito


upang makilala ang kahulugan ng buhay na tinatanglawan ng kabutihan at
kagandahang ipinamalas sa pamamagitan ng tula ang matulaing katotohanan
(Poetic Truth) na nagsasaad na kung ano ang maaaring mangyari hindi ang kung
ano ang nangyari. Binigyang katuturan ng ilang magagaling na makata at
manunulat ang tula at ang ilan dito ay ang mga sumusunod: Katuturan ng Tula

Ayon kay Julian Cruz Balmaceda


 tula ay isang kaisipan na naglalarawan ng kagandahan at kariktan na
natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatan na matawag na
tula.
Ayon naman kay Inigi Ed Regalado
 ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tonong
kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.
Sinabi naman ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay
 ang tula ay paggagad- itoy lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok
at pagtatanghal- ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa
alinmang ibang gagad na mga sining, pagsama- samahin man ang mga iyon.

Para kay Alejandro G. Abadilla


 ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell, ang tula ay kamalayang
nagpapasigasig (heightened consciousness).

Mga Patnubay sa Pagsulat ng Tula

1. Pagganyak at pagpukaw sa marangal na damdamin. Ang pagpukaw ng marangal


na damdamin ay nag- aangat sa pag- iisip tungo sa isang mataas na layunin at
pagpapahalaga sa buhay.

17
2. Ang pagbibigay ng malikhaing guniguni. Kailangang Makita sa ating guniguni
ang mga larawang likha ng makata upang mapukaw an gating damdamin.
Kailangang maantig ang lahat n gating pandama, paningin, pandinig, panlasa,
pang-amoy at pakiramdam.

3. Ang pagkakaroon ng marangal na diwa. Kailangang taglayin ng tula ang


marangal at makatotohanang paksa upang makapukaw ng magagandang
damdamin at makaguhit ng larawan sa guniguni.

4. Ang pagtataglay ng tula ng isang magandang kaanyuan. Itoy nauukol sa


pamamaran ng makata sa pagbuo ng ng kanyang tula. Itoy nauukol sa paggamit
ng tugma, sukat, aliw- iw at mga piling- piling salita.

5. Mahahalagang tayutay. Itoy nauukol sa pananagisag (symbolism) ng makata,


gaya ng pagwawangis (metaphor), pagtutulad (simile), pagtawag (apostrophe),
pabaligho (paradox), padiwang- tao (personification) at marami pang iba.
Napayayabong ang mga ito sa mga larawang diwa na siyang pumupukaw ng mga
mararangal na damdamin ng mambabasa.

Dagdag kaalaman…

Ang paggamit ng magandang pahayag ay kailangan ng isang tula. Alam mo


bang magiging maganda’t masining ang isang tula sa tulong ng paggamit ng mga
tayutay? Sundan mo ang paliwanag ukol dito at sa mga uri nito.

Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita,


kung kayat magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding
palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.

Mga Uri ng Tayutay

a) Pagtutulad o simile
 Isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian.
Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, anaki’y, animo atb
b) Pagwawangis o metapora
 Naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang
paghahambing
c) Pagmamalabis o hyperbole
 Ay pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais
ipahayag
d) Pagtatao o personipikasyon
 Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay.

18
Ngayon nabatid mo ang tungkol sa iba’t ibang elemento ng tula at ang uri ng
mga tayutay, hand aka na bang sagutin ang sumusunod na gawain? Isaalang-alang
mo ang iyong natutunan. Masasagot mo iyan.

Galugarin

Subukin mo ang talas ng iyong isipan.

Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang nawalang salita sa bawat
patlang. Isulat ang iyong sagot sa kaapat na papel.

Hanggang hindi isinusulong ang 1. iawk ng taumbayan ay hindi

maaalis ang 2. gwaat sa pagitan ng 3. lait at nmoa . At may

kalinangan at nakararaming 4. m a a s . Ang 5. a ha m a m a l p g natin sa

6. segli n at ang higit na 7. lkipagni dito kaysa sa ating


g

8. arsilngi i wak . Ang dahilan ng malalim na 9. ngibha sa

pagitan ng mga 10. oapsle roy p at ng mga mata.


n

Palalimin

Ang susunod na gawain na pagtutuunan mo ng pansin ay paglalagay ng


tsek () kung ang pahayag ay naghatid ng bisang pangkaisipan; star () kung
pangkaasalan, at ang puso (♥) kung pandamdamin. Isulat ang iyong sagot sa
kaapat na papel.

_____1. Ang tunay na pag-ibig ay pagmamahal nang higit pa sa sariling buhay.

_____2. Walang sinuman ang maaaring humusga sa kahiwagaan ng pag-ibig.

_____3. Ang pag-ibig ay di bulag; ang pag-ibig ay may mata.

_____4. Walang mahalagang hindi inihandog ng may pusong mahal sa bayang


nagkupkop.

19
_____5. Wala nang hihigit pa sa pagkadalisay gaya ng pag-ibig sa inang bayan.

_____6. Sa mga akda ng mga bayani isiniwalat at iminulat ang isipan ng mga
Pilipino na lumaban sa mga mapambusabos na dayuhan.

_____7. Pagpapahalaga ng mga namumuno at empleyado ng gobyerno sa


integridad, karangalan at pananagutan.

_____8. Matapat na dinirinig n gating lingkurang bayan ang kagustuhan ng mga


tao sapagkat higit silang nakatatalos ng kanilang kailangan at
paglilingkod.

_____9. Ang lahat ng tao’y may pananagutan sa kapwa nilikha at maging sa


lipunan.

_____10. Kailangang tayo’y laging produktibo sa pagtatrabaho.

Sukatin

Marahil marami ka ng natutuhang kaalaman hinggil sa araling iyong pinag-


aralan. Subukan mo kung masasagot mo ang inihanda kong katanungan. Piliin
ang wastong sagot. Titik lamang ang isulat sa kaapat na papel.

1. Kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at


pagkakaisa. Ang may salungguhit ay nangangahulugang.
a. magbabago
b. maglalaho
c. magsusulputan
d. uunlad

2. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig. Ang


kasalungat na kahulugan ng may salungguhit ay
a. nahuhumaling
b. nalilihis
c. natutuon
d. nalalayo

3. Ang kasakiman at katampalasan ay nag-aanyo ring pag-ibig. Tinutukoy sa


pahayag na ito ang mga
a. manlolokong mangingibig
b. mapagbalatkayong manunuyo
c. tuso at materyalosong manliligaw
d. lahat ng nabanggit

20
4. Malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagdurusa. Ang argumentong ito
ay nagpapaliwanag na
a. mahiwaga ang buhay
b. masalimuot ang pamumuhay
c. maligalig ang paglalakbay
d. ang mabuhay ay batbat ng pakikipagsapalaran

5. Nang dahil sa pag-ibig marami ang minamahalaga pa ang buhay. Madarama mo


sa pahayag na ito na
a. kaysarap mabuhay kung may nagmamahal
b. nabibili na ang pagmamahal
c. makulay na daigdig ang buhay
d. masigla ang buhay

6. Kung susuriin, ang sanaysay ay nakatuon sa pagbibigay-puri sa


a. pagpapakabuti ng tao
b. himalang gawa ng pag-ibig
c. pagbubuwis ng buhay
d. pagkakawanggawa sa kapwa
7. Kapansin-pansin na piling-pili ang ginamit na salita, parirala at pangungusap sa
pagpapahayag ng
a. diwa
b. ideya at argumento
c. porma
d. sistema

8. Sa kabuuan ng paglalahad sa sanaysay, tumutugon ito sa katangian ng


a. pormal
b. palagayan
c. pahiwatig
d. talinghaga

9. Higit na dakila ang pag-ibig ng taong


a. marunong umunawa sa kalagayan ng iba
b. nakauunawa sa mga pagkukulang ng kapwa
c. nakalaang magpaalipin sa iba
d. handang magbuwis ng buhay para sa kanyang bayan

10. Ang pag-ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na kaginhawaan at


a. kasaganaan
b. kasarinlan
c. kadakilaan
d. kaligayahan

21
Susi sa Pagwawasto

Aralin
Mga Elemento/Sangkap ng
2.1 Tula

Panimulang Pagtataya Sulatin Mo…

1) a 1. Wikang Pilipino
2) d Nasynalismo
3) c
4) d 2. Lahi
5) b Bayani
6) b
7) b 3. Bansa
8) d Maharlika
9) a
10) a 4. Tangkilik
Dibdib
Galugarin

1. wika 5. Asal-buktot
2. agwat Mapambusabos
3. matatalino
4. masa
5. pagmamahal
6. ingles
7. pagkiling
8. sariling wika
9. bangin
10. propesyonal

Gawain 1.1: Payamanin mo ang iyong


kaalaman!

1. Bagyo
2. Kalayaan
3. Diyos
4. Pilipino
5. Kabataan

22
Aralin
Mga Teknik at Kagamitang
2.2 Pampanitikan sa Tula

Panimulang Pagtataya

1. D 6. D
2. D 7. D
3. B 8. B
4. B 9. D
5. A 10. B

1. Puso 6. Tsek
2. Star 7. Star
3. Tsek 8. Star
4. Puso 9. Tsek
5. Puso 10. Tsek

Sukatin

1. C 6. B
2. D 7. B
3. D 8. A
4. D 9. D
5. A 10. D

23
Sanggunian:

https://www.wattpad.com/150595584-grade-10-filipino-module-mga-elemento-ng-
tula

https://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan

https://m.facebook.com/daragalbay/posts/646542935388259

https://www.scribd.com/doc/244191410/Ang-Tula-at-Ang-Patnubay-Sa-
Pagtuturo-Nito+&cd=5&hl=fil&ct=clnk&gl=ph

http://mgaraullo.depedmanila.com/wpcontent/uploads/2019/02/MODYUL_1_PA
GSUSURI_BATAY_SA_ELE.

24

You might also like