You are on page 1of 21

Malikhaing Pagsulat Senior High School Alternative Delivery Mode

kwarter 1 – Modyul 6: Anyo at Kumbensyon sa Panulaan


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay

Malikhaing
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang

Pagsulat
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Kwarter 1- Modyul 6:
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

ANYO AT KUMBENSYON SA PANULAAN

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Maricar C. Ranara, Piolen C. Petalver, Johanna Vanessa C. Obedencio,
Bonifacio N. Gegato Jr., Marben A. Oco, Ian D. Oclaman, Jean G. Jo,
Dulce Amor S. Loquias, Mary Ann A. Maglangit, Maria Concepcion A.
Macalaguing, Lauro C. Nadayag, Celena J. Cabato, Dexie P. Dilag
Content Editor: Desiree E. Mesias
Language Editor: Louella Jane B. Mariano
Proofreader: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Management Team: Dr. Sally S. Aguilar

Mga Tagapamahala:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS;
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief;
Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager;
Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Malikhaing
Pagsulat
Kwarter 1- Modyul 6
Anyo at Kumbensyon sa
Panulaan

Ang Aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan.
Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon
na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

PANIMULANG MENSAHE
Kumusta ka na mahal kong mag-aaral? Aking ikinagagalak na iyong pag-
uukulan ng pag-aaral ang tungkol sa pagkakaiba ng makathaing pagsulat sa iba
pang angyo ng pagsulat.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng


kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa
serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Malikhaing
Pagsulat na para lamang sa mga mag-aaral ng HUMSS. Bigyan mo lamang ng
sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na
maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling
pagsisikap.

Ang modyul na ito ay hinahanda ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri


ng anyo at kumbensyon sa panulaan sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at
gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang sulatin. Ang modyul na
ito ay hinati sa iilang mga bahagi na may magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na


sisikapin nating matamo sa buong semestre.
Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang kaalaman
tungkol sa paksa.
Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito matututunan mo ang araling itinakda
na hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip
at isagawa.
Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo
ang bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng pagtataya ng natamong
kaalaman.
Karagdagang Gawain –Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang iyong
kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang iyong kailangang tapusin sa bahaging
ito.
Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na
Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang burador bago mo
pinal na isulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga
ay matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng
pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o
mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong
pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!

Mga May-akda

ALAMIN
Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pag-aaral ng Modyul 5. Ngayon
natitiyak ko na magugustuhan mo ang susunod nating mga aralin sa Modyul 6. Ito’y
tungkol sa mga anyo at kumbensyon sa panulaan.

Sa modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na binubuo ng balikan,


tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng
modyul na ito ay may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman
bago matapos ang aralin at mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran
(cognitive), pandamdamin (affective), at sayko-motor (psychomotor).

Nakapaloob sa modyul na ito ang Gabay ng Pagtuturo sa Baitang 12-


HUMSS. Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat mong malinang bilang
isang mag-aaral.

 Natutukoy ang mga tiyak na anyo at kumbensyon sa panulaan


(HUMSS_CW/MP11/12c- f6)

SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, subukin mong sagutin


ang pagsusulit na ito upang malaman natin kung ano na ang iyong nalalaman.

A. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat


lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa Anyo ng tula?


a. Tulang Liriko
b. Tradisyunal
c. Malayang Taludturan
d. Blangkong Berso
2. Isang uri ng tula na basahin man ng pahalang o pababa ay makabubuo ng
mensahe.
a. Typography
b. Tulang Diyamante
c. Tulang Paralel
d. Haibun
3. Alin sa mga sumusunod na tula ang hindi kabilang sa tradisyunal na anyo ng
tula?
a. Haiku
b. Tanaga
c. Diona
d. Oda
4. Isang uri ng sisning na may wikang nagsasaad ng higit pa kaysa sa
ordinaryong pamamahayag.
a. Tula
b. Maikling Kuwento
c. Sanaysay
d. Alamat
5. Alin ang dapat tandaan sa pagbigkas at pagbuo ng tula?
a. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at paksa ng tula.
b. Dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-uulit ng
mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig.
c. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay.
d. Lahat ng nabanggit
6. Alin sa mga tulang tradisyonal ang may 3 taludtod na may 7 pantig bawat
taludtod at may tugma.
a. Haiku
b. Diona
c. Tanaga
d. Soneto
7. Ito ay mga tulang mayroong sukat ngunit walang tugma.
a. Tradisyunal
b. Blangkong Berso
c. Malayang taludturan
d. Tulang Patnigan
8. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa kombensyon sa panulaan?
a. Tulang Diyamante
b. Tulang Paralel
c. Typography
d. Lahat ng nabanggit
9. Ito ay anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan.
a. Tradisyunal
b. Blangko Berso
c. Malayang Taludturan
d. Moderno
10. Tulang karaniwang nagtatapos sa haiku o tanaga.
a. Typography
b. Tulang Paralel
c. Tulang Diyamante
d. Haibun

B. Isulat sa inilaang patlang ang salitang TUMPAK kung tama ang pahayag at
salitang GANERN kung mali.

_____1. Ang isang tula ay gumigising ng damdamin at kamalayan ng mambabasa.


_____2. Maaring ang mga talinghaga sa tula ay nakasulat sa berso at maaaring
hindi.
_____3. Ang pagsukat sa tula kung ito ay tradisyonal o modern ay naaayon sa anyo
nito.
_____4. Ang mahusay na tula ay nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa.
_____5. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa elemento at paksa na
gianamit sa tula.

YUGTO NG PAGKATUTO
BALIKAN
Sa nakaraang talakayan, natutunan mo na ang tungkol sa “Elemento o
Sangkap ng tula”. Isulat sa loob ng Hugis – Diyamante ang kahalagahan nito sa
pagbuo ng isang mahusay na tula.

______________________
____________________________
___________________________________
__________________________________________
__________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________
_______________________________________
_________________________________
__________________________
___________________

TUKLASIN
Suriin ang mga tula sa ibaba at Isulat H kung ito ay haiku at D naman kung ito
ay Diona . Isulat ito sa patlang na inilaan sa bawat bilang.

1. _________ Ulilang damo,


Sa tahimik na ilog
Halika, sinta.

2. _________ Makalapnos ang araw


Bigla’y buhos ng ulan
“Kasal ban g bakuaw?”

3. _________ Ang paying ko’y si inay


Kapote ko si itay
Sa maulan kong buhay

4. _________ Tunay na diwa,


Nitong pakikisama,
Ay nasa digma.

5. _________ Maging tapat ka,


Sabihin ang problema
Huwag mangamba.

SURIIN
ANYO NG TULA AT KUMBENSYON SA PANULAAN

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang


paggamit ng wika sa iba’t ibang anto at estilo. Nagsasaad ng higit pa kaysa sa
ordinaryong pamamahayag. Karaniwang paraan ng pagsasabi nito ay sa higit na
kaunting salita at higit na kaunting espasyo (Prentice Hall 1989).Pinagyayaman ito
sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag
na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o
patten sa pagbigkas ng mga huling salita.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.
Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing
pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. Maaring ang mga talinghaga sa
tula ay nakasulat sa berso at maaaring hindi. Kapag nakasulat sa berso, may tiyak
itong tugma at sukat at maaari ring nakasulat sa malayang taludturan. Kung minsan
ay maiksi o kaya naman ay mahaba. Ang mahusay na tula ay may larawang diwa,
gumigising ng damdamin at kamalayan, at pinapagalaw ang guniguni ng
mambabasa.
Kumbensyunal na anyo ng tula, ang salitang kumbensyunal ay
nangangahulugang kaugalian, tradisyunal o matagal nang ginagawa batay sa
tanggap na tuntunin at pamantayan. Sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng tula,
matutunton natin ang malalim at malawak na ugat ng ating bansa.

MGA ANYO NG TULA


1. TRADISYUNAL Ito ay sumusunod sa lumang pamamaraan ng pagsulat.
Nagtataglay ito ng apat na sangkap- sukat, tugma,
talinghaga, at kaisipan
 Haiku – 3 taludtod
sukat: 5-7-5
 Tanaga – 4 na taludtod
sukat: 7 pantig bawat taludtod
 Diona – 3 taludtod
sukat: 7 pantig bawat taludtod,
may tugma
 Soneto – 14 na taludtod
May striktong tugmaang sinusunod:
abba abba cde cde
2. MALAYANG Mga tulang walang sukat at tugma ngunit nagtataglay naman
TALUDTURAN ng talinghaga at kaisipan.
 Enjambment - Pagpapatuloy ng ideya mula sa
isang taludtod tungo sa kasunod na taludtod.
Hindi pagtigil sa dulo ng taludtod bagkus pagpapatuloy sa
susunod at titigil lamang kung may tuldok o kuwit.

3. BLANGKONG BERSO Mga tulang mayroong sukat ngunit walang tugma.

KUMBENSYON SA PANULAAN
1. TYPOGRAPHY
Alak
Ni Lilia F. Antonio

PINA
sim
sim
mo ako,
aking
mahal,
ng matamis na alak
nalanghap ko ang
nakalalango nitong samyo
(waring ikaw sa kaloob-looban ko)
sa pagdaiti ng labi sa gilid ng kopita
(nadama ko ang alab ng iyong pagtatangi)
habang nilalaru-laro ng akjing dila
ang dumadaloy na likido
(nagsasanib an gating puso at isip)
sa pagkatitig sa iyong mga mata
nadama ko ang langit.

2. TULANG DIYAMANTE
Malayang pagkakaayos ng mga taludtod na nasa anyo ng iba’t-ibang hugis, tulad ng
diyamante, na nakadaragdag linaw at kahulugan sa paksa.

Kaibigan
Ni Neriza C. Pesigan

Kaibigan
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot man o ligaya
Wala kang kapara
Nag-iisa
3. TULANG PARALEL
Isang uri ng tula na basahin man ng pahalang o pababa ay makabubuo ng mensahe

Rosas
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:
Ni Nikki Lalaine M. Avila
1. Ano ang kahalagahan ng anyo at kumbensyon sa panulaan sa paggawa ng
Magandang bulalak Iba’t ibang kulay
tula?
May pula at dilaw Kay inam pagmasdan
2. Ano ang pagkakaiba ng tradisyunal na anyo ng tula sa iba pang anyo ng
Mayroon pang puti Busilak na tunay
nito?
Sagisag ng kalinisan Kakaibang katangian
3. Bakit kailangan ang paggamit ng kumbensyon sa panulaan?
4. HAIBUN
4. Bilang isang makata, mahalaga bang matutunan ang iba’t ibang kumbensyon
Binubuo ng prosa at tula na pangkaraniwang kinakikitaan ng mga elementong
sa panulaan sa pagbuo ng isang tula?
nakaaaliw at seryoso.
Karaniwang nagtatapos sa haiku o tanaga .

GAWAIN 1
PAGYAMANIN
Basahin ang halimbawa ng tulang soneto
Soneto Para sa Makatang Makabayan
Ni Ron De Vera

Kung wika ang sandata at tugmaan ang digma


Gawan ng sarswela ang aping magsasaka
Ikuwento ang buhay ng nasa selda
At ipagbalagtasan ang tunay na paglaya
Kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma
Sumulat ng tula para sa mga nawawala
Gawan ng dalit ang pinatay na walang aba
At bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka
Kaya’t pulutin ang sandata at mamuno sa
digmaan
Pagka’t tula mo’y di lang pang silid-aklatan
Ang sinulat mo’y mumulat ng kaisipan
Makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan
Ang obra mo ngayo’y di na lang pang libangan
Makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!

GAWAIN 2
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Sino ang tinutukoy sa tula? Ano ang paksa ng tula?


2. Ano ang mga imaheng binubuo o ipinapahiwatig ng tula?
3. Anu-ano ang mga napansin mong ipinakikita sa tula na mga
pagpapahalaga sa loob ng lipunan?

GAWAIN 3

Isulat T kung ang tula ay tradisyunal at MT naman kung ito ay malayang


taludturan. Isulat ang sagot sa patlang na inilaan.
1. _________ Tukal na batis
Kay ganda nitong tukal
Na sagupo ng batis
Na pangarap kong hagkan
Kahit nilang sa putik

2. _________ Matulog ka na bunso


Ang ina mo’y malayo
Di ko man masundo
May putik at balaho.
Hindi lahat ng tulang may sukat at tugma ay maituturing na tradisyonal. Ang pagsukat
_________
sa3.tula Nasaan
kung ito ay tradisyonal o ibangna’ng
anyoiyong
ng irog?
tula ay naaayon sa mga sangkap na
Kulasising may himutok
ginamit sa tula at sa paksang tinatalakay nito.
Galugad mo’y gubat sa bundok
Tinangisa’y
Ang tula ay laging may talinghaga. Hindiisang
man tuod
ito laging may sukat at tugma, mayroon
itong tono o indayog (tulad ng awitin) na hindi karaniwang maririnig sa ordinaryong
4. _________
usapin. Ginagamitan ito ng mgaMahirap tanggaping
salitang kapares ayna
may metaporikal naglaho na
kahulugan, o may mas
Subalit kailangang
malalim na sinasabi kaysa sa literal na kahulugan. ikaw ay magpakatatag pa
Kung ikaw man sa iba, turing ay basura na
Sa pagbigkas at pagbuo ng Meron
tula ay pa ringisaalang-alang
dapat iba, na pahahalagahan
ang mga ka.
sumusunod;
.
5.1. Ang bilis ng pagbigkasGuro
_________ ng tula ay naaayon
ay dakila, sa nilalaman at paksa ng tula.
hindi maipagkakaila
2. Masining ang tula kungSaginagamitan ng tayutay.
kanilang pagkalinga, silaNakatutulong
ay lumilikha ito upang maging
mabisa at kaakit-akit ang tula.
Mga taong propesyonal, na nagiging marangal
3. Sa maayos na pagbabasaNa noonng ay
tulaiminulat,
ay nagiging mabisa at
sa pagbasa atpagsulat
kapupukaw ng interes
ngISAISIP
mambabasa.
4. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog
o pag-uulit ng mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig.
ISAGAWA
GAWAIN 4

Sumulat ng isang tula tungkol sa “Kaibigan” na may malayang taludturan

Rubriks sa Pagmamarka
Masining at Malikhain 35%
Orihinal 15%
Nilalaman 50%
Kabuuan 100%
TAYAHIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat


lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa Anyo ng tula?


a. Tulang Liriko
b. Tradisyunal
c. Malayang Taludturan
d. Blangkong Berso
2. Isang uri ng tula na basahin man ng pahalang o pababa ay makabubuo ng
mensahe.
a. Typography
b. Tulang Diyamante
c. Tulang Paralel
d. Haibun
3. Alin sa mga sumusunod na tula ang hindi kabilang sa tradisyunal na anyo ng
tula?
a. Haiku
b. Tanaga
c. Diona
d. Oda
4. Isang uri ng sisning na may wikang nagsasaad ng higit pa kaysa sa
ordinaryong pamamahayag.
a. Tula
b. Maikling Kuwento
c. Sanaysay
d. Alamat
5. Alin ang dapat tandaan sa pagbigkas at pagbuo ng tula?
a. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at paksa ng
tula.
b. Dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-
uulit ng mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig.
c. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay.
d. Lahat ng nabanggit
6. Alin sa mga tulang tradisyonal ang may 3 taludtod na may 7 pantig bawat
taludtod at may tugma.
a. Haiku
b. Diona
c. Tanaga
d. Soneto
7. Ito ay mga tulang mayroong sukat ngunit walang tugma.
a. Tradisyunal
b. Blangkong Berso
c. Malayang taludturan
d. Tulang Patnigan
8. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa kombensyon sa panulaan?
a. Tulang Diyamante
b. Tulang Paralel
c. Typography
d. Lahat ng nabanggit
9. Ito ay anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan.
a. Tradisyunal
b. Blangko Berso
c. Malayang Taludturan
d. Moderno
10. Tulang karaniwang nagtatapos sa haiku o tanaga.
a. Typography
b. Tulang Paralel
c. Tulang Diyamante
d. Haibun

B. Isulat sa inilaang patlang ang salitang TUMPAK kung tama ang pahayag at
salitang GANERN kung mali.

_____1. Ang isang tula ay gumigising ng damdamin at kamalayan ng mambabasa.


_____2. Maaring ang mga talinghaga sa tula ay nakasulat sa berso at maaaring
hindi.
_____3. Ang pagsukat sa tula kung ito ay tradisyonal o modern ay naaayon sa anyo
nito.
_____4. Ang mahusay na tula ay nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa.
_____5. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa elemento at paksa na
gianamit sa tula.

KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 5

Gamit ang Venn Diagram, Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng


Tradisyunal, Malayang Taludturan at Blangkong Berso na tula.

Pagkakaiba

Pagkakapareho

Pagkakaiba

Pagkakaiba

Binabati kita! Natapos mo nang gawin ang Modyul 6.

Maaari mong ipagpapatuloy ang mga gawain na matatagpuan sa susunod na


modyul. Nawa’y patnubayan ka ng Maykapal.

SUSI SA PAGWAWASTO
Panimulang Pagtataya
A.
1. a 5. d 9. a
2. c 6. b 10. d
3. d 7. b
4. a 8. d

B.
1. Tumpak 4. Tumpak
2. Tumpak 5. Ganern
3. Ganern

BALIKAN
Nakadepende sa opinion ng mag-aaral
TUKLASIN
1. H
2. D
3. D
4. H
5. H
SURIIN
Gawain 1: Nakadepende ang sagot ng mag-aaral.
PAGYAMANIN

Gawain 2: Mga posibling sagot


1. Mga makata, pagkikiisa
2. Pagkilos at paglaban sa mga karapatang pantao
3. Nakadepende sa sagot ng mag-aaral

Gawain 3:
1. T
2. T
3. T
4. MT
5. MT

ISAGAWA

Gawain 4:
Nakabatay sa:
Rubriks sa Pagmamarka
Masining at Malikhain 35%
Orihinal 15%
Nilalaman 50%
Kabuuan 100%
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A.
1. a
2. c
3. d
4. a
5. d
6. b
7. b
8. d
9. a
10. d
B.
1. Tumpak
2. Tumpak
3. Ganern
4. Tumpak
5. Ganern
KARAGDAGANG GAWAIN:
Gawain 5: Nakadepende sa sagot ng mag-aaral ngunit natalakay ang
pagkakaiba at pagkakapareho ng Tradisyunal, Malayang Taludturan at
Blangkong Berso ng tula.
TALASANGGUNIAN

MGA AKLAT

Eugene Y. Evasco. Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat.


Quezon city: C & E Publishing, Inc.

Ang Tula (2016). In Malikhaing Pagsulat. SIBS Publishing House, Inc.

INTERNET

https://www.slideshare.net>mobilewebresultsTanagaDionaDalitTankaHaikuSli
deShare

https://www.slideshare.net>mobileMalikahingPagsulat:Tula-SlideShare

https://tl.m.wikipedia.org>wikiP...WebresultsPanulaan-
Wikipedia,angmalayangensiklopedya

https://www.wattpad.com>546...GabaysaMalikhaingPagsulat-
2.2.1AnyoatEksperimentalnaUringTula(Kumbensyunalngtula)

https://www.google.com/search?
q=Kahulugan+ng+tytpograpghy&prmd=in&source=Inms&tbm=isch&sa=X&ve
d=2ahUKEwjcxefaubvqAhXNFogKHb1IDUgQ_AUoAXoECBEQA&cshid=159
4135596052&biw=424&bih=626#imgrc=WUtrl6s_rRM18M

https://www.wattpad.com>493...MGATULANGMALAYA(MyCompilationofPoe
ms)-Wattpad

https://www.bulatlat.com>sonetop...webresultsSonetoParaSaMakatangMakab
ayan-Bulatlat
For inquires or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address

You might also like