You are on page 1of 22

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

Senior High School

Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 10
Ang Elemento, Teknik at Literary Device sa Pagsulat
ng Maikling Kuwento

https://www.google.com/search?q=malikhaing+pagsulat+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjz4b-UlbbqAhXLAJQKHQldBpIQ2-
cCegQIABAA&oq=malikhaing+pagsulat+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEB46BggAEAUQHjoECAAQGFCsNFjMSWDzTWgAcAB4AIABmAGIAZwHkgEDNS40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=l84BX
7O6AcuB0ASJupmQCQ&bih=688&biw=1477#imgrc=shEXrmr4Bx_JWM

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Malikhaing Pagsulat – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 10: Ang Elemento, Teknik at Literary Device sa Pagsulat ng
Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral


Manunulat: Maricar C. Ranara, Piolen C. Petalver, Johanna Vanessa C. Obedencio, Bonifacio N. Gegato Jr.,
Marben A. Oco, Ian Oclaman, Jean G. Jo, Dulce Amor S. Loquias, Mary Ann A. Maglangit,
Maria Concepcion A. Macalaguing, Lauro C. Nadayag, Celena J. Cabato, Dexie P. Dilag
Content Editor: Desiree E. Mesias
Language Editor: Louella Jane B. Mariano
Proofreader: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS I
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS I Filipino; Celieto B. Magsayo,
LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph

Senior High School


Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 10
Ang Elemento,Teknik at Literary Device sa Pagsulat
ng Maikling Kuwento

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1

Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 2

Mga Layunin ------------------------------------------------- 2

Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2

Subukin ------------------------------------------------- 4

Yugto ng Pagkatuto ------------------------------------------------- 5-12

A. Tuklasin

B. Suriin

C. Pagyamanin

D. Isaisip

E. Isagawa

Paglalahat ------------------------------------------------- 14

Tayahin ------------------------------------------------- 16

Sanggunian ------------------------------------------------- 17
ALAMIN

Panimulang Ideya

Kumusta ka na mahal kong mag-aaral? Isang malaking karangalan para sa


akin ang makasama ka lemen-aaral mo ng bagong aralin. Tiyak na kawiwilihan
lemen bagong araling inihanda ko para sa iyo. Panibagong kaalaman na naman
ang magpapayaman sa iyong isipan at karanasan na magagamit mo sa pang-araw-
araw na lemen. Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang
makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot
ang mga gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan
lemen kaalaman hinggil sa kasanayang pasulat. Alam mo bang mahalaga ang
ginagampanang papel lemen-unawa sa kasanayan sa pagsulat? Ngunit dahil lagi
tayong abala, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito. Natural na
lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang
dating kaalaman ay maiuugnay mo rin leme. Pati na rin ang karanasang pansarili
ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang lemen. Alam kong makakaya
mong sagutin ito. Kaya mo to! lement na ba? Simulan leme.

MODYUL 10
10 111110
Ang Elemento, Teknik at Literary Device sa Pagsulat ng Maikling
Kuwento

Markahan: Unang Linggo: 10th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa


kasanayang pasulat at higit sa lahat ang pagkamit ng batayang kaalaman sa
pagsulat ay makakamit lamang ang pangangailangang ito sa pamamagitan ng
pagpapalinang ng inyong kasanayan sa pagsulat.. Ang mga kasanayang matutuhan
ay makatutulong nang upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa
pagkakaroon ng mabungang interaksyon.
1

1
Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang pag-aaral at pag-unawa sa


kasanayan sa pagsulat upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan.
Layunin ng Modyul
Sa modyul na ito, inaasahan sa katapusan ng araling ito ay matatamo ang
kasanayang pampagkatuto:
 Natutukoy ang iba’t ibang elemento, teknik, at literary deivice
maikling kuwento (Piksyon)* HUMSS_CW/MPlg-i-11;

 
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok leme ang tuklasin na magbibigay ng
maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang
pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang
mga konseptong may kinalaman sa malikhaing pagsulat. Makikita naman sa
bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa
konseptong may kinalaman sa malikhaing pagsulat na lilinangin sa
aralin.Pagpapahayag ng sariling ideya o kahulugan naman ang isaisip. Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo lemen mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
leme ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay.
Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-
pakinabang ang pag-aaral kung susundin lemen mga panuto o tuntunin sa
paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang
mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri lemen
paksa na nakapaloob leme.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa lemen mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin lemen huling pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at
kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi
sa pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan lemen modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

2
Ang Elemento. Teknik at Literary Device sa Pagsulat ng
Maikling Kuwento

“Isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa


isang tunay na pangyayari sa buhay.”
– Edgar Allan Poe –

http://angmgamaiiklingkuwento.blogspot.com/2018/07/maikling-kuwento.html

3
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi
wasto ang ipinahihiwatig nito. Isulat lamang ang mapipili mong sagot sa hiwalay na
papel o notbuk.

_______ 1. Ang maikling kuwento ay naglalayong lumibang sa pamamagitan ng


paglalahad ng isang maselang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan.
_______ 2. Ang tauhan ay ang sinasabing pinakamahalagang elemento ng maikling
kuwento dahil sa kanila umiikot ang istorya.
_______ 3. Ang Punto de Vista ay perspektibo, distansya o agwat ng awtor na
nagsasalaysay ukol sa tauhan at mga pangyayari sa isang kuwento.

_______ 4. Sa berbal na ironiya hindi intensyonal na ginagamit ng nagsasalita ang


katagang may naiiba o kabaliktarang kahulugan

_______ 5. Ang Tema ay ang pangunahing ideya o kaluluwa ng isang kuwento.

_______ 6. Ang nagbabasa ng kuwento ay kadalasang naghahanap ng solusyon sa


sarili niyang problema.

.
_______ 7. Ang Motif ay may pakakahawig sa simbolismo ngunit ang kaibahan ang
pagsasagisag ay makailang beses na inuulit sa kuwento
_______ 8. Ang tono ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa
teksto.

.
.
_______ 9. Ang sinumang may layuning sumulat, lalo na ng maikling kuwento, ay
nararapat na magsimula sa pamamagitan ng pagbabasa

_______ 10. Hindi mahalaga ang pagbabanghay sa isang nagnanais na maging


manunulat na imahe, karanasan ,impresyon at iba’t ibang konsepto na
buhat sa mga kuwentista , bantog man o hindi.
4

4
ARALIN 10

ANG ELEMENTO, TEKNIK AT LITERARY


DEVICE SA PAGSULAT NG MAIKLING
KUWENTO

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa mga konseptong may kinalaman sa kakayahan ng pagsulat.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa maikling kuwento.

A. TUKLASIN

https://www.google.com/search?
q=mga+larawan+akademikong+pagsulat+sa+maikling+kuwento&sxsrf=ALeKk03hB1opOI2OjvPAtyi8tz6rbIZPRQ:1594264518595&tbm=isch&source=iu&ictx=1
&fir=mOdJpghX3
5

5
 
Gawain 1

Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling


pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

MAIKLING
kUWENTO

B. SURIIN

Alam leme? Ang pagsusulat ay isa sa pangunahing gawain


ng mga mag-aaral. Dito naipapahayag ng mga mag-aaral ang
kanilang mga naiisip. Sa araling ito, ating bibigyan ng
kahulugan ang pagsulat at ating aalamin kung bakit ito
mahalaga.

Ano ang Maikling kuwento?

Ang maikling kuwento ay naglalayong lumibang sa pamamagitan ng


paglalahad ng isang maselang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito
ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento- isang kathang pampanitikang may
sariling kaanyuan at kakanyahan.
KATANGIAN NG MAIKLING KUWENTO
Dapat makatawag ng pansin ang simula at ang pumukaw- sigla ay
kinakailangang mapansin kaagad. Ang galaw ay nararapat na mabilis , ang
kasukdulan ay dapat may bisa , ang balangkas ay may maingat na pagkakayari .
hindi dapat itayong ang wakas. Kailangang magwakas kapag karaka pagkatapos
ng kalutasan ng suliranin.
ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

6
Ganap na mapahahalagahan ang pangkalahatang kagandahang taglay ng
bawat kuwento kung maingat na kakasangkapanin ang mga sumusunod na
elemento:

1. Tauhan – ang mga tauhan ang sinasabing pinakamahalagang elemento ng


maikling kuwento dahil sa kanila umiikot ang istorya. Sila ang kumikilos
para maisakatuparan ang banghay ng kuwento.
● Bida- Protagonista
● Kontranida- Antagonista
● Tauhang Lapad- Mga tauhan sa kuwento na hindi nagbago ang
paniniwala, katangian o pag-uugali.
● Tauhang Bilog- Mga tauhang nagbago ang paniniwala, katangian o
pag-uugali sa pagtakbo ng kuwento.

2. Tagpuan – tumutukoy hindi lamang sa lugar at panahong pinangyarihan ng


kuwento kundi pati na rin ang kasalukuyang atmospera.
3. Banghay
● Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at aksyon ng mga tauhan.
● Karaniwang banghay-Simula-gitna-kasukdulan-kalakasan –wakas.
Sa panimula, ipinakilala ang mga tauhan at ang maaaring
pinagmulan ng problema. Sa gitna, makikita ang tunggalian .Sa
kasukdulan matatagpuan ang pinakapanapanabik na tagpo sa
istorya. Sa kakalasan makikita ang resulta ng tunggalian. Sa wakas
malalaman kung paano tinanggap ang pangunahing tauhan ang
kabiguan o tagumpay.
● Episodikong banghay – serye ng mga magkakaugnay na
pangyayari o ipisodyo sa kuwento .
● Flashback - eksenang nagpapatigil sa kasalukuyang aksyon upang
ipakita ang mga nagdaang pangyayari bago magsimula ang
kwento.

4. Tunggalian

● Salungatan ng dalawa o higit pang mga tauhan o pwersa sa kwento.


Uri ng Tunggalian
●Tauhan laban sa tauhan
● Tauhan laban sa kalikasan
● Tauhan laban sa lipunan
● Tauhan laban sa sarili
● Tauhan laban sa supernatural
5. Punto de Vista
● Perspektibo, distansya o agwat ng awtor na nagsasalaysay ukol
sa tauhan at mga pangyayari sa isang kuwento .

Tatlong Uri ng Panauhan


● Unang Panauhan- bida ang nagsasalaysay sa mga pangyayari. Nasa unang
panauhan ang mga panghalip subalit may mga pagkakataong
gumagamit din ang mga panghalip sa ikalawang panauhin.
● Ikalawang Panauhan – gumagamit ng mga panghalip na ikaw,ko , mo,iyo,
7
mga pangungusap napautos o imperative mood.
● Ikatlong Panauhan – nasa ikatlong panauhan ang mga panghalip na ginagamit.
Mala-Diyos ang pananaw, napapasok niya at naggagalugad
ang isip at puso ng tauhan.
6. Estilo

● Omnisyente o batid lahat – batid ng nagsasalaysay an kaisipan at damdammin


ng
lahat ng tauhan.
● Limitadong omnisyente – kaisipan at damdamin ng iisang tauhan kanang ang
batid ng awtor, kadalasa'y ang sa bida.

● Obhetibo o objective – hindi sinasabi ng nagsasalaysay kung ano ang iniisip at


nararamdaman ng tauhan sa halip ay naglalarawan
lamang ito base sa pisikal na nakikita.
7. Ironiya – paggamit ng mga salitang ang kabaliktaran ng gusting sabihin ng
nagsasalita. Sarkastiko, pasining, nang-uuyam

Tatlong Uri ng Ironiya

● Berbal na Ironiya – intensyonal na ginagamit ng nagsasalita ang katagang may


naiiba o kabaliktarang kahulugan.
● Sitwasyonal na Ironiya – makikita ang hindi pagkakatugma ng inaasahang
pangyayari sa aktwal na pangyayari.
● Dramatikong Ironiya – nakakapagpatindi ng kawilihan ng mga mambabasa.

8. Tema – Pangunahing ideya o kaluluwa ng isang kwento.

● Aral – leksyong maaring mapuot sa isang salaysay.


● Dramatikong saligan – punong ideya, tatakbuhin o tutunguhin ng kwento.

● Kabatiran (Insight) – May pagkakataong hindi malinaw ang dahilan sa isang

aksyon ng mga tauhan partikular sa protagonist ang mabibigyang linaw kalaunan sa

kwento nang hindi direktang binabanggit sa istorya.

https://truyen.buitrieu.com/gabay-sa-malikhaing-pagsulat-3-maikling-kwento-546025511.html

Basahing mabuti at unawain ang maikling kuwento. Pagkatapos ay sagutin


ang mga tanong sa ibaba

8
Ang Batang Espesyal
Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na isang lalaki ay
abnormal. Ang tawag nito ay mongoloid. Ang batang abnormal pinangalanan nilang
Pepe.Malambot ang mga paa at mga kamay ni Pepe. Kahit na Malaki na siya ay kailangan
parin siyang alalayan ng kanyang ina sa kanyang paglalakad para hindi siya mabuwal. Ang
kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap maintindihan.

Kahit naman na abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe.Noong maliit pa ito


ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya .Hindi kinakitaan ng panghihinawa ang
mag-asawa sap ag-aalaga ng anak.Kahit binata na ay palagi pa ting nakasunod sa kanya
ang kanyang ina.Inaakay siya .Minsan ay sinusubuan siya. Pinapaliguan. Ano pa at
malaking panahon ng kanyang inay ay sa kanya lamang naiuukol.

Ang hindi alam ni Mang Mila ay nagseselos na ang iba pa niyang anak. Napapansin ng
mga ito na mas malaking oras ang ibinibigay niya kay Pepe kaysa mga ito.Lingid sa kanya
ay nag-uusap ang apat na magkakapatid. Napagkasunduan ng mga ito na kausapin siya
para maipahayag sa kanya ang kanilang mga hinanakit. Isang gabi pagkatapos niyang
patulugin si Pepe ay nilapitan siya ng apat na anak. Sinabi ng mga ito ang kanilang
malaking mga hianakit.

Gulat na gulat si Aling Mila. Hindi niya alam na nagseselos na pala ang apat niyang anak
dahil sa sobrang pag aasikaso niya kay Pepe. Pero nakahanda na ang kanyang paliwanag
sa mga ito.

“ Kayo ay mga buo, walang kulang, “ pagsisismula ni Aling Mila.“

“Kahit wala kami ng itay ninyo ay mabubuhay kayo ng maayos. Pero ang kapatis ninyo ay
hindi, kung kaya siya ay higit naming inaasikaso,” isa-isang tinitigan ni Aling Mila ang

Kanilang mga anak. “ Pero hindi naman namin kayo pinababayaan di ba?.”
9
Walang nakasagot sa isa man sa apat. Hiyang- hiya sila lahat.
https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-pamilya/#Isang-Aral-para-kay-Armando

 
Gawain 2

Panuto: Sa pamamagitan ng talakayan sa suriing bahagi, tukuyin at sagutin ang


mga tanong sa ibaba.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Sino – sino ang mga tauhan sa maikling kuwento?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Saan ang tagpuan ng maikling kuwentong pinamagatang “ Batang Espesyal”?


__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na elemento ng maikling kuwento: tauhan,


tagpuan, banghay, tunggalian, punto de vista,estilo , ironiya at tema?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Ano- ano ang limang ( 5 )uri ng tunggalian? Ibigay ang kahulugan ng bawat isa.
(Natutukoy ang iba’t bang elemento,teknik, at literary devices sa maikling kuwento
HUMSS_CW/MPlg-i-11; )

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
10
__________________________________________________________________

C. PAGYAMANIN

Mga Teknik sa Pagsulat ng Maikling Kuwento


Ang maikling kuwento ay ay isang salaysay sa tuluyan na pumapaksa sa
isang bahagi o aspekto ng buhay para makapagbigay ng matinding impresyon o
pagkakilala sa nasabing bahagi ng buhay.
Sabi ng isang awtoridad, ang nagbabasa ng kuwento ay kadalasang
naghahanap ng solusyon sa sarili niyang problema.
Sa sinabing ito ng awtor, mahihinuhang lagi na lamang may pinaksang
problema ang isang kuwento. Maari nga pagkat ang suliranin ay siyang
nagpapadaloy ng buhay.
Narito ang ilan teknik sa pagsulat ng maikling kwento:

Diyalog–Malaki ang silbi ng mahusay na diyalog sa maikling kwento dahil sa


ilang bagay:
● nakakatinig ang nagiging buhay ang mga tauhan;
● mabisang nababatid ng mga mambabasa ang mga kaisispan at damdamin
ng tauhan;
● dumadaloy ang kwento sa dinamikong paraan sa halip na puro
paglalarawan lamang ; at
● napapansin at nadarama ang realism sa mga tauhan at kwento.
Foreshadowing o pahiwatig
● Pangyayari, eksena o salitang nagsisilbing senyal, pahiwatig o babala sa
kung ano ang maaring maganap sa susunod na pangyayari.
● Inilalagay ng awtor sa dakong simula ng akda o simulang bahagi upang
manabik ang mga mababasa.
● Nililikha sa pamamagitan ng diyalog, eksena o simulang bahagi upang
manabik ang mga mababasa.
● Nililikha sa pamamagitan ng diyalog, eksena o aksyon.

Simbolismo o Pananagisag
● Paggamit ng mga salita o mga salitang tumutukoy sa isang espisipikong
bagay, tunog at kulay, pangyayari o tao na sumasagisag sa malalim at
mahalagang konsepto.

Motif

● Tumutukoy sa mga susing salita,kaisipan, imahen o paulit-ulit na mga salita.

11
● May pakakahawig sa simbolismo ngunit ang kaibahan ang pagsasagisag ay
makailang beses na inuulit sa kuwento.

Himig o Mood

● Tumutukoy sa atmosperang nadarama o napapansin ng mambabasa sa


tagpo
Mga teknik sa pagsulat ng pampanitikan
https://prezi.com/0ewscmtqeypk/mga-teknik-at-kagamitang-pampanitikan/?fallback=1
 
Gawain 3

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang. Isulat sa sagutang papel
ang iyong sagot.

______________1. Tumutukoy sa mga susing salita, kaisipan, imahen o paulit-ulit na


mga salita.
____________2. Nakakatinig ang nagiging buhay ang mga tauhan.
____________3. Tumutukoy sa atmosperang nadarama o napapansin ng
mambabasa sa tagpo.
____________4. Pangyayari, o eksena nagsisilbing senyal ,pahiwatig o babala sa
kung ano ang maaring maganap sa susunod na pangyayari.
____________5. Paggamit ng mga salita o mga salitang tumutukoy sa isang
espisipikong bagay,tunog at kulay,pangyayari o tao na
sumasagisag sa malalim at mahalagang konsepto.

D. ISAISIP

Ang sinumang may layuning sumulat, lalo na ng maikling kuwento, ay nararapat na


magsimula sa pamamagitan ng pagbabasa. Kailangang siyang maging palabasa ng
mga kuwento, magaganda o masasama man, nakakabagot o nakapagpapaliwanag
ng isip. Mahalaga ang pagbabanghay sa isang nagnanais na maging manunulat na
imahe, karanasan ,impresyon at iba’t ibang konsepto na buhat sa mga kuwentista ,
bantog man o hindi.

 
Gawain 4

12
Panuto: Gumawa ng hugis kahon sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa ibaba
at sagutin ang hinihingi sa nakapaloob sa kahon.

Mga dapat kong tandaan na mga teknik sa pagsulat ng maikling


kuwento (Maaari ring sabihing paano mapahahalagahan ang mga
konseptong natutunan)

1.

2.

3.

4.

5.

E. ISAGAWA
MGA KAGAMITANG PAMPANITIKAN SA
PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO
Mga Kasangkapan Pampanitikan na Nagbibigay-anyo sa Akda
1. Nilalaman- tumutukoy sa tauhan, tagpuan,suliranin, aksyon at tema.
2. Denotasyon – Ito ay karaniwan at likas o “ literal” na kahulugan ng salta o
pangungusap.
3. Konotasyon – ang tawag sa implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita.
4. Diksyon – ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng
maingat at makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit.
5. Mga Kasangkapan Panretorika – tumutukoy sa mga pamamaraan na ginagamit
ng akda upang makamtan ang
pinakamabisang epekto ng mga pangungusap
at komposisyon at ang mga sangkap nito.
6. Mga Kasangkapan Pansukat – tawag sa pamamaraan na ginagamit ng akda ,
lalo
na ang tula , upang bigyan ng angkop at kaaya-
ayang daloy at indayog ng mga salita at
pangungusap kapag ito ay binibigkas .
7. Mga Kasangkapan Metaporikal – ang mga ginagamit na tayutay na
nagpapayaman sa kabuluhan at kahulugan ng
paksa.
8. Tono- ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto.
9. Istruktura – Binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay
ng mga bahagi ng isang akda.

https://brainly.ph/question/2498399

 
Gawain 5
13
Natutuwa ako na natapos mo na nang maayos ang mga gawain sa limang
yugto ng pagkatuto. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka ng kaalaman upang
sagutin ang tanong na ibibigay ko sa iyo sa gawain 5.
Panuto: Paano nakatutulong ang mga elemento, teknik, at kagamitang
pampanitikan sa pagsusulat ng isang maikling kuwento . (Natutukoy ang iba’t ibang elemento,
teknik, at literary deivice maikling kuwento (Piksyon)* )* HUMSS_CW/MPlg-i-11;Isulat ang iyong sagot
sa loob ng speech bubble sa journal notebook .
)Pamantayan sa Pagwawasto: (10) Higit na Inaasahan (5) Nakamit ang inaasahan (4) Bahagyang
nakamit ang inaasahan(3)Hindi nakamit ang inaasahan( 2) Wlang napatunayan (1).

. Ang Maikling kwento o kilala rin sa tawag na maikling katha ay salaysay na


14
ginagamitan ng mga piling-piling mga salita sa paglalarawan ng iang pangyayari upang
makalikha ng kaisahang bisa.  Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling
karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa onakikinig. Ito ay
maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga tauhan.
https://truyen.buitrieu.com/gabay-sa-malikhaing-pagsulat-3-maikling-kwento-546025511.html

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi
wasto ang ipinahihiwatig nito. Isulat lamang ang mapipili mong sagot sa hiwalay na
papel o notbuk.

_______ 1. Ang maikling kuwento ay naglalayong lumibang sa pamamagitan ng

paglalahad ng isang maselang pangyayari sa buhay ng pangunahing

tauhan.

_______ 2. Ang tauhan ay ang sinasabing pinakamahalagang elemento ng maikling

kuwento dahil sa kanila umiikot ang istorya.

_______ 3. Ang Punto de Vista ay perspektibo, distansya o agwat ng awtor na

nagsasalaysay ukol sa tauhan at mga pangyayari sa isang kuwento.

.
_______ 4. Sa berbal na ironiya hindi intensyonal na ginagamit ng nagsasalita ang
katagang may naiiba o kabaliktarang kahulugan
_______ 5. Ang Tema ay ang pangunahing ideya o kaluluwa ng isang kuwento.

15

_______ 6. Ang nagbabasa ng kuwento ay kadalasang naghahanap ng solusyon sa


sarili niyang problema.

______ 7. Ang Motif ay may pakakahawig sa simbolismo ngunit ang kaibahan ang

pagsasagisag ay makailang beses na inuulit sa kuwento

______ 8. Ang tono ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa

teksto.

_______ 9. Ang sinumang may layuning sumulat, lalo na ng maikling kuwento, ay

nararapat na magsimula sa pamamagitan ng pagbabasa

_______ 10. Hindi mahalaga ang pagbabanghay sa isang nagnanais na maging


manunulat na imahe, karanasan ,impresyon at iba’t ibang konsepto na
buhat sa mga kuwentista , bantog man o hindi.

 
SUSI SA PAGWAWASTO

16
Subukin at Gawain 1,2, 4 & 5 Iwawasto ng guro ang paliwanag ng bata
tayahin
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Mali
TALASANGGUNIAN
Gawain 3 1. Motif 2. Diyalog 3.Himig o Mood 4. Foreshadowing o \
Pahiwatig 5. Simbolismo o Pananagisag

SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Madriaga, Ester r.,Ed.D., Dominguez, Letecia F. Ph.D., Opanao,Jesusita, Reyes,


Glorita P.1988 ,Tanglaw ng Filipino 1 :Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.

Arrogante, Jose A.2010. Pagpapahalagang Sining sa Filipino ( pinta at Literatura,


Sayaw at Musika, atbp.): Mandaluyong City: Cacho Hermanos, Inc. Pines Cor. Union
Sts. Mandaluyong City

B. Websites

http://angmgamaiiklingkuwento.blogspot.com/2018/07/maikling-kuwento.html

17
https://prezi.com/0ewscmtqeypk/mga-teknik-at-kagamitang-pampanitikan/?
fallback=1

https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-kahulugan/

https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-pamilya/#Isang-Aral-parakay-
Armando

https://truyen.buitrieu.com/gabay-sa-malikhaing-pagsulat-3-maikling-kwento-
546025511.html

18

You might also like