You are on page 1of 5

Takdang-Aralin #5

A. Katanungan Hingil sa Depinisyon at Opinyon Tungkol sa Pagsusulat

1.) Paano binigyang kahulugan ng iba't ibang eksperto ang pagsulat?

Ang pagsusulat ay isang uri ng pisikal na aktibiti kung saan ginagamit ang mga kamay upang

makapagsulat o makapagtype gamit ang keys ng keybord upang maisagawa ang layunin. Ito rin

ay tinatagurian ng ibang mga eksperto bilang isang mental na aktibiti sapagkat nahahasa ang

mga indibidwal sa pagiisip, pagaayos, at pagoorganize ng mga ideya sa paraang maiintindihan at

may wastong grammar. Gaya ng sabi ni Xing Jin, ang pagsusulat ay ang wastong paggamit ng

mga salita, malalim man o mababaw, sa paraaang masining at may organisadong kaisipan at

ideya. Sinabi rin dati Badayos (1999) na ang pagsusulat daw ay isang paraan ng

pakikipagkomunika sa ibang mga tao sa pamamagitan ng masining na pagpapahayag o mga

pahayag na may simbolismo. Nabanggit din ni Rivers (1975) na ang pagsusulat ay mahirap

unawain sapagkat kakailanganin ito ng matinding kasanayan at ng experience.

2.) Ano ang sarili mong pagpapakahulugan sa pagsulat?

Sa aking pananaw, ang pagsusulat ay isang uri ng ekspresyon upang maipahayag ang iyong

mensahe o damdamin sa mga particular na grupo ng tao o sa mundo. Naipapahayag ng mga

manunulat ang kanilang mensahe sa pamamagitan lamang ng isang pen at papel o gamit ang

mga digital devices tulad ng mga Phones at mga Computer. Dahil sa ganitong pamamaraan, mas

napagiisipan at naoorganize ng mga manunulat ang kanilang ideya, kaisipan, o mensahe na

gustong ilahad sa sulatin. Ang mga ibang tao ay nahihirapan magsalita o magkaron ng malakas
na boses sa personal, pero dahil sa pagsusulat, naipapahayag nila ang kanilang mga damdamin

ng malaya.

3.) Bakit kinakailangan pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsusulat?

Para sa akin, mahalagang pag-aralan muna ang kasanayan sa akademikong pagsusulat

sapagkat sa pagalam o kaya sa pag-aaral nito, mas mapapadaling maipahayag ng mga

manunulat ang kanilang kaisipan at mga ideya sa mahusay at epektibong paraan lalo na’t

kailangan ng matindi o mataas na lebel ng kasanayan at pagkakaintindi pagdating sa pagsusulat

at pagbabasa ng mga akademikong sulatin.

4.) Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral tulad mo ang mga layunin

ng Akademikong Pagsulat?

Sa tingin ko ay mahalagang unawain ng mga mag-aaral ang mga layunin ng akademikong

pagsusulat sapagkat sa pamamagitan ng pagunawa ng mga ito, mas nakakapagsulat ng wasto

at tama ang mga manunulat. At dahil din sa kanilang wastong pagsusulat, ang kanilang mga

kaisipan, mga ideya, o kahit anong gusto nilang ipahayag o ipaalam sa kanilang mga

mambabasa ay mas madaling maiintindihan, mas mahusay na maipapahayag, at mas

organisado.
5.) Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o pangongopya ng ideya ng iba lalo

na sa pangangalap ng matibay na impormasyon sa pananaliksik?

Hindi mabuti ang plagiarism sa rason na ito ay isang uri ng pagnanakaw. Pinaghirapan din ng

mga mananaliksik na hanapin at kunin ang mga datos at impormasyon na ating hinihiram kaya

nararapat lang na sila’y mabigyan ng credits o acknowledgement.

6.) Bakit mahalagang pag-aralan ang Akademikong Pagsulat?

Sa pag-aaral ng akademikong pagsusulat, gaya nga ng nabanggit ko kanina tungkol sap ag-

aaral ng mga layunin nito, mas nagkakaroon ng kaalaman ang mga manunulat sa kung paano ba

bumuo o makapagsulat ng akademikong sulatin ng wasto at tama. Bukod pa dun, nahuhubog,

natututo, at nasasanay ang mga mag-aaral o kaya mga nagsusulat ng akademikong sulatin in

general, sa paghahagilap ng mga iba’t-ibang impormasyon sa iba’t-ibang uri ng mga sources.

Dahil din sa sulatin na ito, mas lumalawak pa ang mga kaalaman hingil sa mga hindi pa

masyadong pamilyar na mga bagay, topic, o diskusyon sa lipunan na maaaring hindi pa

masyado napagtutuunan ng pansin ng mga mananaliksik o iba pang grupo ng mga tao.

7.) Paano magkakaiba-iba ang mga pamantayan sa akademikong pagsusulat?

Sa tingin ko ay nakadepende ito sa asignaturang hinaharap ng manunulat at minsan ay

nakadepende rin sa kanyang kurso o strand (minsan din ay nakadepende sa professor/teacher).

Halimbawa, sabihin nating ikaw ay isang stem student. Natural lang isipin na ang akademikong
sulatin na ipapagawa saiyo ay isang research paper at malamang sa malamang ay may

kasamang experimentation. Kapag ikaw naman ay ICT student at ang asignaturang hinaharap

mo ngayon ay ang ICT programming o kaya Research, maaaring ikaw naman ay pasulatin ng

isang research paper kung saan ang iyong topic ay kailangan related sa technology.

B. Katanungan Hingil sa Sariling Kasanayan/Experience sa paggawa ng Akademiko

ng Pagsusulat 

1. Ano-ano ang mga halimbawa ng akademikong sulatin na nagawa mo na? 

Ang mga akademikong sulatin na aking nagawa na ay: abstrak, replektibong sanaysay, at pa

nukalang proyekto, posisyong papel, at nakasulat na rin ako ng bionete.  

2. Paano mo ilalarawan ang karanasan mo sa paggawa nito? 

Ang iilan sa mga sulatin na ito (except siguro sa bionete)

ay nangangailangan ng matinding pananaliksik at ng matinding kasanayan/experience

para maisulat.Kung ako ang tatanungin, ako ay nahirapan sa pagsulat ng mga ito pero ako ay n

asiyahan at naexcite din. 

3. Paano nagkaugnay ang pagsulat at pagbasa ng akademikong sulatin? 

Parehas itong ginagamit upang makapaggawa ng isang wasto, tama,

at magandang akademikong sulatin.

Ang pagsulat ay ginagamit upang maipahayag ng manunulat ang kanyang mga ideya o kaisipan 
samantalang ang pagbabasa namanay ginagamit upang maintindihan o maanalyze ang sulatin 

na isinulat.  

4. Ano ang akademikong sulatin? 

Ang akademikong sulatin ay isang sulatin na ginagamit sa pangakademikong disiplina. Sinus

ulat ito na may layunin na magbigay ng impormasyon sa mambabasa sa scholarly

at mahusay na paraan. Kumpara sa teknikal na sulatin,

mas malawak ang idinidiscuss dito. Kadalasan ng mga akademikong sulatin na isinusulat ng mg

a mag-aaral ay ang mga research papers, thesis, at pati na rin ang mga essays.  

5. Ano-ano ang mga halimbawa nito? 

Iilan sa mga halimbawa ng akademikong sulatin ay

ang mga sumusunod: Abstrak, talumpati, Bionete, Replektibong Sanaysay, Panukalang Proyekt

o, Sintesis, Posisyong Papel, Agenda, Pictorial essay, Lakbay-sanaysay, at iba pa.  

You might also like