You are on page 1of 17

Immaculada Concepcion College

Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.


Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

Pangalan: _________________________________________ Strand and Pangkat: ______________________________


Guro: _______________________________________ Period cover: ____________________________
Linggo # 1-2

ARALIN 1: ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

I. INTRODUKSYON/POKUS NA TANONG
Pokus na tanong:
1. Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng mga akademikong
sulatin?
Sa araling ito’y bubuo ka ng isang pagsusuri na nagpapakita mg kahulugan at kalikasan ng pagsulat
ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin. Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog
sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsulat, naisasatitik ang nilalaman ng mga salita, ayos na
pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.

II. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
a. malalaman ang kahulugan ng pagsulat;
b. nakakasulat ng sanaysay patungkol sa kahalagahan ng pagsulat; at
c. mababahagi sa kapwa ang kaalaman hinggil sa pagsulat.

IV. ARALING NILALAMAN


Ang Pagsulat
May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba, ito ay magsisilbing libangan sapagkat sa
pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba nag kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili
o kasiya-siya para sa kanila. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang
matugunan ang pangangailangan mag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan. Sa mga
propesyonal namang manunulat tulad ng mga awtor, peryodista, sekretarya, trabahong kanilang
ginagampanan sa lipunan.
Anuman ang dahilan ng pagsusulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa mga
taong nakababasa nito, at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ng kanilang mga sinulat ay
magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng
susunod na henerasyon.

Ayon kay Mabilin 2012, Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa
bawat panahon.

Layunin ng Kahalagahan ng Pagsulat


Ayon kay Royo (2001), na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat, at
Pananaliksik, Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubong sa damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-
isip, at mga pagdaramdam.
Ayon naman kay Mabilin (2012) sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akdemikong
Filipino ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una, ito ay
maaaring maging personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansiriling
panama, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Pangalawa, ito ay maaari namang maging
panlipunan o sosyal kung saam ang layunin ng pagsulat ay ang maaari namang maging sa ibang tao o sa
lipunang ginagalawan.
ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 1 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

Sa pagkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benenipisyong maaaring makuha sa pagsusulat.
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanagnin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubong ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring Pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga
kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit g aklatan sa paghahanap ng
mga materyales at mahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapg-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga s paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsulat.

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat


Madala na marinig sa marami na ang pagsulat daw ay isang talent at hindi raw lahat ng tao ay may
kakayahang makapagsulat ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Totoong hindi madali ang pagsulat
para sa maraming tao ngunit ito ay maaaring mahubog o malinang. Upang mangyari ito, mahalaga ang
pagkakaroon ng interes at ng wastong kaalaman kung paano magiging isang mahusay na manunulat. Una sa
lahat, dapat mabatid ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat partikular ng akademikong
pagsulat. Narito ang ilan sa mga ito:
1. Wika –Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taing nais sumulat.
2. Paksa –Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing
pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
3. Layunin –Tulad ng tinatalakay sa unahan, mahalagang matiyak ang layunin sa pagsulat.Ang layunin
ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
4. Pamamaraan ng Pagsulat –May limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang
kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat. Una maaaring
gumamit ng paraang impormatibo kung saan ang pongunahing layunin nito ay magbigay ng
impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
5. Kasanayang pampag-iisip –Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o
magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi ganaong mahalaga, o maging ng mga impormasyon
dapat isama sa akdang isusulat.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat –Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng Malaki at
maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit sa bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap,
pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isang
mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin –Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula
ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.

Mga Uri ng Pagsulat


1. Maikling Pagsulat (Creative Writing) –Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng
damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mamababasa.

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 2 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) –Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o
suliranin.
3. Prospesyonal na Pagsulat (Professional Writing) –Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga
sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akdemya o paaralan.
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalist Writing) –Ito ay may kinamalan sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa.
5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) –Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon.
6. Akademikong Pagsulat (Academic Wrting) –Ang akademikong pagsulat ay isang intelekwal na
pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t
ibang larangan.

Ang Akademikong Pagsulat


Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos
at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa kasalukuyan sa laranagn ng edukasyon at trabaho. Sa pag-aaral, mahalagang masagot nang
maayos ng mga mag-aaral pagsusulit na nangangailangn ng masusing pagapapaliwanag, makabuo ng
organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon, at higit sa lahat ay
malikha ng mga papel pananaliksik.

Ang Paggamit ng Akademikong Filipino sa Pagsasawa ng Akademikong Pagsulat


Madalas inuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademiya. Ang akademiya ay tumutukoy
sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasaysayan at
karunungan. Ang mga elementong bumubuo rito ay mga mag-aarl, guro, administrador, gusali, kurikulum, at
iba pa. Higit sa lahat, hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademiya kung wala ang
instrumento upang mapakilos ito at maganap ang mga mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika. Sa
pag-aaral ng kursong ito, ang akademikong Filipino ang gagamit sa akademiya. Ayon kay Vivencio Jose
(1996), isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang sanaysay mula sa aklat ng Mga Piling Diskurso
sa Wika at Lipunan, epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademiya, hindi lamang sa larangan ng
pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at bihay sa
akademiya. Naniniwala siyang kailangan ang masidhing hangarin ng bawat isa sa atin na maging
tagapaghatid at tagapagtaguyod ng mga kaisipang dumadaloy sa kaisipang Filipino.
Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa kurikulum sa pag-aaral ng Senior High School ang
Akademikong Pagsulat kung saan sa asignaturang ito ay lilinangin, sasanayin, at uhubugin ang kasanayan at
kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino. Ang lahat ng pagsasanay sa
pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekundarya, kolehiyo, at maging graduate
school ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat. Sa inyong pag-aaral ay ikinintal sa inyong isispan
ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino at higit sa lahat ang mga tuntunin sa paggamit nito.
Kabilang sa mga pagsasanay na ito ang paggawa ng sanaysay, pagsulat at pasusuri ng mga akdang
pampanitikan, pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies, pagsulat ng
pamanahong papel, at pananaliksik.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

Mahalagang maunawaan din ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat. Ilan sa
mga ito ay ang sumusunod:
1. Obhetibo –Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagsusulat.
Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananliksik.
Iwasan ang pagiging subhetibo ang ang pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala hinggil sa

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 3 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

pagsang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa
aming haka-haka o opinyon.
2. Pormal –Dahil nga karaniwang ginagamit sa akdemikong pagsulat ang akademikong Filipino,
nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit ng salitang kolokyal o
balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawan ng mambabasa. Ang
tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat namaging pormal din.
3. Maliwanag at Organisado –Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging
malinaw at organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-
sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Maging ang pag-uugnay ng
mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito magkagulo sa ibang
sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa katangiang kaisahan at maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay dapat na mapalutang at
mabigyang diin sa sulatin.
4. May Paninindigan –Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang pansin
pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na
maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat.
Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang
pagsusulat sa napiling paksa.
5. May Panangutan –Ang mga ginagamit na mga sanggunian ng mga nakalap nang datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang mapananagutan ang
manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian. Bukod sa ito ay isang paraan ng pagpapkita
ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat
upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at
katumpakan ng iyong ginagawa.

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 4 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

Pangalan: _________________________________________ Strand and Pangkat: ______________________________


Guro: _______________________________________ Period cover: ____________________________
Linggo # 3

ARALIN 2: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM

I. INTRODUKSYON/POKUS NA TANONG
Pokus na Tanong:

1. Bakit mahalagang matutuhan ang kalikasan at paraan ng pagsulat ng natatanging uri ng lagom?
Sa araling ito, susulat ka ng isang uro ng lagom batay sa iyong sariling interes. Isa sa mga kasanayang
dapat matutuhan ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pasimple at pinaikling bersiyon ng isang
sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda.

II. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
a. malalaman ang mga Uri ng Lagom;
b. maibabahagi ang sariling saloobin patungkol sa kahalagahan ng paglalagom; at
c. maibibigay ang iyong ideya sa mga sumusunod na tanong.

IV. ARALING NILALAMAN

ANG PAGLALAGOM
- Ang lagom ay pinaiklining bersyon ng isang sulatin o akda.
- Tandaan sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o
teksto.

MGA KASANAYANG NAHUHUBOG SA PAGSASAGAWA NG PAGLALAGOM


1. Natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.
2. Natutuhan mong magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa.
3. Nahuhubog ang kasanayan sa pagsulat, particular ang tamang paghabi ng mga pangungusap
sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang maisulat ito ng malinaw, hindi maligoy at paulit-ulit.
4. Ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo.

URI NG LAGOM

Abstrak
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat sa mga akademikong papel
tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
desirtasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ang
naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman (1997) sa kanyang
aklat na How to Write an Abstract, bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, itinataglay nito ang mahalagang
elemento o bahagi ng sulating akademiko told ng introduksyon, mga kaugnay na literature, metodolohiya,
resulta, at kongklusyon. Naiiba ito sa kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat
bahagi ng sulatin o ulat.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 5 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o
kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring
maglagay ng kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pagaaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangngailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa
pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamagn ang mga pangunahinh kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit kumprehensibo kung saan mauunawan ng babasa
ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

Ang abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang
unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. Kaya naman, napakahalagang maging
maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng abstrak:

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin at gagawan ng abstrak.


2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin.
Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban lamang kung sadyang
kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat
isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Hangga’t maari, ang abstrak ay kailangan maisulat gamit ang isang buong pahina ng bondpaper, subalit
may mga gumagawa nito na lubhang detalyado.

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 6 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Address/Kinatatayuan: Sta. Mesa, Maynila
Pamagat: PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP, PUP, AT PNU SA KURIKULUM NG
PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT
PAGPAPAUNLAD NG WKANG FILIPINO
MAY-AKDA: ROMEO P. PENA, GRACE A. MORENO, AIZA R. GONZAGA, JOY ZERLAINE S. FELLIZAR,
ARNEL C. BALAURO, OLIVER GLENN S. OMAC AT ROLINA B. CASTILLO
Kurso: Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya ng minor sa Komunikasyong Pangmadla
Pondo: Personal at sa mga magulang
Petsang nagsimula: Oktubre 2006
Petsang natapos: Oktubre 2007

I. Panimula
Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang pangkolehiyo.
Itp ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang batayan at gabay ng mga
guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon.
II. Mga Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad ang kursong may malaking
kinalaman sa Filipino?
2. Ano-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa taltlong piling unibersidad sa
programang pangkolehiyo nam ay malaking kinalaman sa wikang Filipino?
3. Ano-ano ang pananw at kaalalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa
kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?
4. Sa anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon ng
mga sumusunod:
a. layunin ng programang pangkolehiyo na may malaking kianalaman sa wikang Filipino
b. mga kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na
may malakig kinalaman sa wikang Filipino
5. Paano umuugnay ang kurikulum ng programang pangkolehiyo sa tatlong piling unibersidad
sa Pangkalahatnang Edukasyon na inihain ng CHED?
6. Ano ang saloobin ng magaaral sa mga preperensiyang pangwika kaugnay sa
pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng
programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?
III. Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling mag-aaral na may kabuuang
bilang na pitumpu’t lima (75) na kumukuha ng programang kolehiyo na B.A. Filipino, B.A.
Malikhaing Pagsulat, at B.A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino
(PNU).

IV. Pamamaraan ng Pananaliksik


Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskiptibong paraan. Nagamit ang paraan na
ito sapagkat inilarawan ang kasalukuyang ginagamit na kurikulum ng UP, PUP, at PNU.
Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito ay kumonsulta ang mananaliksik sa iba’t
ibang silid-aklatan gaya sa Pambansang-aklatan, Ninoy Aquino Learning Resource Center,
at Silid-Aklatan ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika upang makapangalap ng
mahalagang datos nay kaugnayan sa pag-aaral, nangalap din ng mahalagang
ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 7 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

impormasyon mula sa website. Humingi ng pahintulot sa pamamagitan ng pormal na


liham ang mga mananaliksik sa dekana at nakakasakop sa mga nabanggit sa
programang pangkolehiyo upang makapagsarbey sa iilang piling mag-aaral na may
bilang na dalawampu’t lima (25) sa bawat unibersidad. May kabuoang pitumpu’t limang
(75) binahaginan ng talatanungan at ipinaliwanag ang nilalaman nito.
V. Buod ng Natuklasan at Kongklusyon
A. Mga Natuklasan
1. Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapili ng kursong kanilang kukunin
pagtuntong nila sa kolehiyo.
Malaki ang pananalig ng mga mag-aral mula sa UP, PUP, at PNU na magiging daan ang
mga programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat, at B.A. Araling
Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU).
2. sa pagaangat sa kamalayan bialng tunay na mamamayang Pilipino.
3. Higit na nakatuon ang mga nasabing programang pangkolehiyo sa propesyon bilang
tagahasik ng kaalaman sa mga paaralan o ang tinatawag na guro.
4. Ang isang mag-aaral na mapapabilang sa mga nabanggit na programang
pangkolehiyo ay Malaki ang posibilidad na mapayabong ang kanyang pagmamahal
sa wikang Filipino.
5. Pinakamabisang paraan upang magkaroon ng kaalaman ang mag-aaral tungkol sa
nilalaman ng kurikulum ay ang pagbabahagi ng kopya nito.
6. Sa wika, higit na nakasentro ang mga nabanggit sa programang pangkolehiyo.
7. Intelektuwal na pagkatuto ang higit na inihahain ng mga asignatura na nakapaloob
sa mga nasabing programa.
8. Ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensiya opisyal ay isa sa
mabisanng paraan sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino.
9. Ang pagtangkilik at panonod ng mga palatuntunang Filipino ay isa sa epektibong
paraan upang mapanatili at mapaunlad pa ang wikang Filipino.
10. Ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino ay isa sa
paraan ng pagpapanatili at pagapaunlad ng wikang Filipino.
11. Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat ng sulating pampanitikan ay epektibong
paraan sa pagpapanatili at pagpapaunlad nito.
12. Ang pagsasalin ng sa Filipino ng mga banyagang sulatin para lalong mabatid ng
maraming Pilipino ay isa sa mabisang paraan upang ito ay mapanatili at mapaunlad.
13. Ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ikinahihiya ay isa sa epektibong paraan
upang mapanatili at mapaunlad ito.
14. Ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wiakng Filipino upang dumami ang
sanggunian ng mga mananaliksik ay kaylangan upang manatili at mapaunlad ito.
15. Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay isa sa paraan upang ito ay
mapanatili at mapaunlad.
16. Ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ay isa sa epektibong paraan upang ito ay
mapanatili at mapaunlad.
17. Ang pagpapahayag ng kuro-kuro at saloobin gamit ang wiakng Filipino ay paraan
upang ito ay mapaunlad at mapanatili.
18. Ang pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang Filipino ay
daan upang ito ay mapanatili at mapaunlad.
19. Ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radio at telebisyon na wikang Filipino ang
midyum ay isa sa epektibong paraan upang ito ay mapaunlad at mapanatili.
B. Mga Kongklusyon
1. Ang pagpili ng mga mag-aaral sa programang pangkolehiyo na may malaking
kinalaman sa wikang Filipino.
ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 8 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

Sa masusing pagsarbey ng mga mananaliksik ay napagalaman na kaya pinili ng


mag-aaral na pumasok o mapabilang sa programang pangkolehiyo ay dahil ito ay
nagustuhan nila. Nagging Malaya ang mga mag-aaral sa pagpili ng kursong kanilang
kukuhain.
2. Sa pagsarbey, sa kabuoan, nagiging instrument upang maiangat ang kamalayan ng
mag-aaral bilang isang Pilipino sa mga programang inilahad, nagtala ang mga ito ng
pinakamaraming tugon na may bilang na 34 mag-aaral na katumbas na 45.33%
3. Ang pagkatuto –napatunayan na sa wika talaga nakasentro ang mga nabanggit na
programang pangkolehiyo.
4. Ang Pagtangkilik at Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Gawaing Pangunibersidad ng
mga Mag-aaral na may Kinalaman sa Pagpapaunlad Nito.
Tunangkilik ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng panonood ng mga
palatuntunang Filipino, pagbabasa, pagsasalita ng hindi kinakahiya, pagpapalimbag
ng maraming aklat ng hindi ikinakahiya sa wikang Filipino. Gayundin, ginagamit ang
wikang Filipino sa mga gawaing pang-unibersidad gaya ng ulat, pagsulat ng
pampanitikang sulatin, pagsasalin, pagtatalumpati at pagpapahayag. Samakatuwid,
amg mga mag-aaral na nasa ilamim ng programang pangkolehiyo ay may malaking
kinalaman sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.
5. Ang Pagpapaunlad sa Wikang Filipinong ng mga Mag-aaral sa Aspektong Sosyal
Ang pakikiisa sa mga kilos ang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang
Filipino at ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radio at telebisyon na nasa
wikang Filipino ang midyum ay ilang sa epektibong sa pagpapanatili at
pagpapaunlad nitosa askpektong sosyal.
VI. Rekomendasyon
1. Mas mainam kung ang maraming bilang ng Pilipinong mag-aral ay kukuha ng kursong
naaayon sa kanilang kagustuhan na maging daan sa pagpapaunlad sa sarili.
2. Dapat ipagpatuloy ang paghahain ng mga asignaturang mas magpapalawak sa
kaalaman ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon.
3. Higit na patatagin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino.
4. Higit na palaganapin ang mga pamamaraan at preperensiyanf pangwika na
magtataguyod sa wikang Filipino.
5. Higit na pahalagahan ng mga mag-aaral ang mga gawain na may kinalaman sa
wikang Filipino.
6. Dapat pag-ibayuhin ng mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman
sa wikang Filipino ang pangunguna at pagpapatatag at pagpapayabong ng wikang
filipino sa iba’t ibang larangang edukasyon.
7. Maging matulungin ang mga ahensiyang pang-edukasyon at pangwika sa patuly na
pagpapaunlad at papanatili sa wikang filipino upang mas maging malakas ang
pwersa na gaganap sa usaping ito.
8. Panatilihing tiyak, malinaw, at umuugnay sa kasalukuyang pangangailangan ng
panahon ang mga programang may malaking kinalaan sa wikang Filipino.
9. Ito ang tamang pagkakataon upang paramihin ang mga programang pangkolehiyo
na may malaking kinalaman s wikang Filipino.
10. Ang patuloy na pagdaragdag na makatulong sa pagpapahusay ng pananaliksik na
ito ay tinatanggap ng mga mananaliksik upang lalo pang tumibay ang kredibilidad
nito.

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 9 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 10 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

Pangalan: _________________________________________ Strand and Pangkat: ______________________________


Guro: _______________________________________ Period cover: ____________________________
Linggo # 4

ARALIN 2: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM( SINOPSIS/BUOD AT BIONOTE)

I. INTRODUKSYON/POKUS NA TANONG
Pokus na tanong:
1. Bakit mahalagang matutuhan ang kalikasan at paraan ng pagsulat ng natatanging uri ng lagom?
Sa araling ito, susulat ka ng isang uro ng lagom batay sa iyong sariling interes. Isa sa mga kasanayang
dapat matutuhan ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pasimple at pinaikling bersiyon ng isang
sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda.

II. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
a. malalaman ang mga Uri ng Lagom;
b. maibabahagi ang sariling saloobin patungkol sa kahalagahan ng paglalagom; at
c. Nakagagawa ng isang paglalagom.

IV. ARALING NILALAMAN


Sinopsis/Buod
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng pampanitikan.
Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng iilang pangungusap lamang. Sa pagsulat
nito mahalagang maibuod ang nilalamang binasang akda gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod at
pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pagunawa sa diwa ng seleksiyon o akda.
Nararapat maging payak ang salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang
taglay ng akda sa papagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring
lantad na makikita sa akda o misan naman, ito ay di tuwirang naglalahad. Sa pagkuha ng mahahalagang
detalye ng akda, mahalagang matukoy ang tanong sa sumusunood: Sino? Ano? Bakit? Saan? Paano? Kailan?
Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga ito, magiging madali ang pagsagot sa buod. Mahalagang maipakilala
sa mga mambabasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa
pamagat, may-akda, at pinaggalingan ng akda. Makatutulong ito upang maipaunawa sa mambabasa na
ang iyong inilahad ay hindi galling da iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasang
magbigay ng iyong sariling pananaw at opinyon.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod


Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng buod o sinopsis.
1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sat ono ng pagkakasulat ng pagsusulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot, dapt na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan magign ang kanilang gampanin
at suliraning kanilang kinaharap.
4. Gumait ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo
na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng
akda.
ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 11 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod

Narito naman ang mga hakbang na maaaring gamitin na masining at maayos na pagsulat ng buod ng isang
akda.
1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing Mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o
paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahinh kaisipan.
3. Habang nagbabasa magtala, at kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapapaikli pa ito ng hindi mababawasan ang kaisipan ay
lalong magiging mabisang ang isinulst na buod.

Basahin at suriin ang ang ilang halimbawa ng mga buod.


Halimbawa 1: Buod ng “Ang Alibughang Anak”

May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana nito at kanyang ginugol sa
mga makamundong Gawain. Dumating ang panahong naubos ang lahat ng kayamanang minana niya at
lubos siyang naghirap at nagdalita at namuhay ng masahol pa sa katayuan ng mga alipin sa kanilang
tahanan. Dahil sa mga hirap at sakit na kanyang naranasan, napagtanto niya ang kanyang masasmang
ginawa. Nagpasya siyang bumalik sa kanyang ama, nagpakumbaba at humingi ng tawad. Dahil sa labis na
pagmamahal ng ama sa anak, buong puso niya itong tinaggap, at hindi lang ito ipinagdiwang pa ang
kanyang pagbabalik na ikinasama naman ng loob ng panganay na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya
naranasan ipaghanda ng piging ng kanyang ama. Subalit siya ay inalo ng kanyang ama at ipinaliwanag na
siya ay lagi niyang kapiling at ang lahat ng ari-arian niya ay para sa kanya subalit ang bunsong anak ay
itinuring nang patay ngunit muling nabuhay, Nawala ngunit muling nasumpungan.

Bionote
Ang bionote ay maituturing na isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang
tao. Marahil nakasulat ka na ng iyong talambuhay o autobiography o kayâ ng kathambuhay o katha sa
buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionot ngunit ito ay higit na maikli kumpara sa mga i to.
Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay
tala ng tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababsa sa
mga journal, aklat, abstrak, web sites, at iba pa.

Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote


Narito ang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote.
1. Sikaping maisulat ito ng maikli. Kung ito ay gagamitin sa resumé kailangang maisulat ito gamit ang 200
salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5
hanggang 6 na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rina ng iyong mga tagumpay na
nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhektibo ang pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong
maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at
tuwirang paraan. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito
sa mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong
maglalarawan kung ano at sino ka.

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 12 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaaring ipabasa muna ito sa iba
bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpukan at kaayusan nito.

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 13 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

Pangalan: _________________________________________ Strand and Pangkat: ______________________________


Guro: _______________________________________ Period cover: ____________________________
Linggo # 5-6

ARALIN 3: PAGSULAT NG MEMO

I. INTRODUKSYON/POKUS NA TANONG
Pokus na Tanong:
1. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng ng adyenda at katitikan ng pulong?
Sa araling ito, mararanasan mong kumuha ng mahahalagang impormasyon mula sa isang miting o
pulong sa loob ng inyong silid-aralan uoang makabuo ka ng katitikan ng pulong at sintesis.
Narananasan mo na bang dumalo sa isang pulong? Paano mo ilalarawan ang pulong na iyong
dinaluhan? Ang pagpupulong o miting, lalo na ang business meeting ay bahagi ng buhay n maraming tao sa
kasalukuyan. Ito ay pangkaraniwang gawain ng bawat samahan, oragnisasyon, kompanya, paaralan,
institusyon, at iba pa.

II. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
a. Malalaman ang Kahulugan patungkol sa pagpupulong at memo.
b. Nakakagawa ng isang Memo.
c. Naibabahagi ang kaalaman patungkol sa kahalagahan ng pagpupulong.
III. PAUNANG-PAGSASANAY

IV. ARALING NILALAMAN


Memorandum, Adyenda, at Katitikan ng Pulong
May tatlong mahalagang elementong kailangan upang maging maayos, organisado, at epektibo ang
isang pulong. Bilang isang mag-aaral, mahalagang matutunan mo kung ano-ano at kung paano ginagawa
ang mga ito.

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 14 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

Memorandum o Memo
Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014), sa kanyang aklat English 4 workplace 3, ang
memoramdong o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala
tungkol sa isang nahalagang impormasyon. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang
mahalagang desisyon o proyekto ng kumpanya o orgganisasyon, magiging malinaw para sa lahat na hindi na
kailangan ang kanilang ideya o suhestyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto. Kadalasan ay
maikli lamang ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alitutuntuning dapat
isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong, pagsasagawa, o pagsunod sa bagong Sistema
ng produksyon o kumpanya.

Ayon kay Dr. Darwin Barg (2014) sa kanyang aklat na Writing in the Discipline ang mga kilala at
malaking kumpanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationary para sa kanilang
mga memo tulad ng mga sumusunod:
• Puti –ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
• Pink 0 rosas –ginagamit naman para sa request o order na nanggaling sa purchasing department.
• Dilaw o luntian –ginagamit naman para sa mga memo na nanggaling sa marketing at accounting
department.
Sa pangkalahatan, ayong din kay Bargo (2014), may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Narito ang ilang halimbawa ng memo na ginagamit sa pagsagawa ng pulong o pagbibigay ng kabatiran.

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite
MEMORANDUM

Para sa: Mga Puno ng kagawaran at Mga Guro ng Senior High School
Mula kay: Daisy T. Romero, Punong-guro, Academy of Saint John
Petsa: 25 Nobyembre, 2015
Paksa:

Ang nakatakdang pulong sa Sabado, Nobyembre 28, 2015 ay inilipat sa susunod na Sabado, Disyembre 5
ganap na ika-9:00 hanggang ika-11:00 ng bumaga.

Mula sa nakatalang halimbawa, mahalagang tandaan ang isang maayos at malinaw na memo ya
dapat na magtaglay ng sumusunod na impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni
Sudpasert (2014) na English for the Workplace 3.
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, instituston, o maging organisasyon
gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang ng numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina’ ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman
ay grupong pinag-uukulan ng memo. Para sa iang impormal na memo ang Para kay: Ailene ay sapat
na. ngunit sa pormal na memo, mahalagang isulat ang buong pangalanng pinag-uukulan nito =. Kung
ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento makakatulong kung ilalagay din ang
pangalan ng departamento. Hindi na kailangan ng G., Gng., Bb., maliban kung pormal.
3. Ang bahagi naming ‘Mula Kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.
Gaya rin ng bahaging “Para sa/Para Kay/Kina’ maaaring gamitin na lamang ang unang pangalan ng
ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 15 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

sumulat nito gaya halimbawa nito: Mula kay: Nestor. Ngunit kung pormal, isulat ang buong pangalan.
Gayndin, mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung angmemo ay galling sa ibang
seksyion o tanggpan. Hindi na kaillangang lagyan ng ng G., Gng., Bb., maliban kung pormal.
4. Ang ang bahaging Petsa, iwasan ang numero gaya ng 11/25/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan
ng buwan o ang dinaglat na salita nito halibawa Nobyembre o Nob.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw, at tuwiran upang agad na
maunawaan ang nais ipabatid.
6. Kadalasang ang ‘Mensahe” ay maikli ngunit kung ito ay isang detalyadpng memo kailangang ito ay
nagtataglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon –dito makikita ang panimula o layunin.
b. Problema –nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay mayroon
nito.
c. Soluston –nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.
d. Paggalang o pasasalamat –wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o
pagpapakita ng pagglang.
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang nasa ibabaw ito ng kanyang pangalan
sa bahaging Mula kay…

Ayon kay Sudpasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
Napakahalagang isagawa ito ng maayosat maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong.
1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:
a. Mga paksang tatalakayin.
b. Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa.
c. Oras na itinakda para sa bawat paksa.
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang
tatalalakayin aat kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbinh talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handac sa mga
paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakatutulong nang Malaki upang mananatiling nakapokus sa paksang tatalakayin sa
pulong.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda


Tulad ng paggawa ng memorandum, mayroon ding sinusunod na hakbang sa paggawa adyenda
tandaan na nmga paksang tatalakayin ay hindi lamang sa isang tao magmumula kundi manggagaling sa
mga taong kasapi sa pulong. Narito ang mga hakbang na dapat isagawa sa pagsulat ng adyenda.
1. Magpadala ng memo na maaring nakasulat sa papel o kaya naman sa e-mail na nagsasaad na
magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail
naman, kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga
dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
talakayin at maging ang bilang ng minutong kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala o nalikom na. Higit na magiging sistematiko kung ang talaan ng adyenda ay nakalatag sa
talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpapaliwanag,
at oras kung gaano ito katagal pinagusapan.

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 16 of 17
Immaculada Concepcion College
Of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.
Soldier’s Hills III Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa I isang araw bago ang pulong.
Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layuinin ng pulong, at kung kalian at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda

1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. Ginagawa ito upang
matiyak na ang bawat taong dadalo sa pulong ay may sapat na kaalaman hinggil sa mga paksang
pag-uusapan.
2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa. Sa pagplaplano ng pulong,
higit na makabubuti kung sa unang bahagi ng miting tatalakayin ang pinakamahalagang adyenda.
3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan. Tiyakin na nasusunod ang
itinakdang oras para sa mga adyenda o paksang talakayin.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda. Ang pagsunod sa
itinakdang oras ay nangangahulugan ng pagrespeto sa oras ng iyong mga kasama.
5. Ihinanda ang mga kakailanganing dokumento kasama nag adyenda. Makatutulong mang malaki
kung nakahanda na rin kasama ng adyenda ang mga kakailanganing dokumento para sa mga
paksang nangangailangan ng estaditika, kompyutasyon, at iba pa upang mas madali itong
maunawaan ng lahat at walang masayang na oras.

V. PALALAPAT
Gumawa ng sariling memo na ginagamit sa pagsasagawa ng pulong o pagbibigay ng kabatiran.

Immaculada Concepcion College of Soldier’s Hills Caloocan City, Inc.


Soldier’s Hills Subd. Brgy. 180, Tala, North Caloocan City

MEMORANDUM

Para sa:
Mula kay:
Petsa:
Paksa:

Ang nakatakdang pulong _________ ay inilipat sa susunod na


_________ sa ganap na ___________

ALL RIGHTS RESERVED: IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK Page 17 of 17

You might also like