You are on page 1of 7

FILIPINO SA

PILING LARANG - AKADEMIK

Pangalan: _________________________ Modyul ng Pagkatuto Blg. 1


Langkay: _________________________
IKATLONG MARKAHAN

Tungkol saan ang modyul na ito?


Ano ang “Akademikong Pagsulat”? Bakit mahalagang kasanayan ang pagsulat sa akademikong
larangan at buhay ng isang tao? Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga batayang kaalaman sa
akademikong pagsulat. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating
lilinang sa kanilang kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling
larangan. Ang mga paksa, pagtataya, at iba pang gawain ay sadyang iniangkop sa kanilang kakayahan at
interes na magsisilbing daan upang mahikayat ang mga mag-aaral na pahalagahan ang pagsulat hindi lamang
sa akademikong larangan kung hindi maging sa pang-araw-araw na buhay at upang lubusang maging
makabuluhan ang kanilang pagkatuto na lilinang sa kanilang kritikal at mapanuring pag-iisip.
Ang sumusunod na paksa ang nilalaman ng modyul na ito:
(1) Mga Batayang Kaalaman sa Akademikong Pagsulat
(2) Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat

Anong inaasahan mong matutuhan?


Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang matamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:
(1) Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
CS_FA11/12PB-0a-c101 (DepEd-MELC,DICES)
(2) Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian, at anyo
CS_FA11/12PN0a-c-90 (DepEd-MELC, DICES)

Panimulang Pagtataya
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang
pahayag ay tama at MALI naman kung hindi.
______1. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat.
______2. Ang pormal na akademikong sulatin ay ginagamitan ng pormal na salita.
______3. Ang abstrak, sintesis, at bionote ay hindi maituturing na akademikong sulatin.
______4. Ang pagbuo ng isang akademikong sulatin ay hindi nakabatay sa kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal.
______5. Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng asignaturang
“Akademikong Pagsulat.”

Natapos mo na ba ang panimulang pagtataya? Tiyak na ba ang iyong mga sagot? Kung “oo” ang iyong
sagot, pumunta ka sa huling pahina ng modyul na ito upang maiwasto mo ang iyong mga kasagutan. Inaasahan
ko ang iyong katapatan sa pagwawasto. Mula roon, malalaman mo kung ano-ano ang mga bagay na alam mo
na at ang mga bagay na kailangan mo pang alamin tungkol sa aralin sa modyul na ito.

Unang Araw
Upang maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, sagutan ang gawain. Isagawa ang
gawain sa isang malinis na papel. Maaari ka nang magpatuloy!

1
Aralin 1: Mga Batayang Kaalaman sa Akademikong Pagsulat
Bahagi na ng buhay akademiko ng isang mag-aaral ang paggawa ng mga akademikong sulatin,
kaya naman sa araling ito matututuhan mo ang tungkol sa iba’t ibang katangian, layunin, at maging
ang anyo ng akademikong sulatin. Ang mga ito ang lilinang sa iyong kakayahan na makapagsulat o makabuo
ng isang masinop at sistematikong sulatin na nauukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging
batayan ng marami pang pag-aaral na kanilang magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
Taglay ng akademikong sulatin ang mataas na gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang
batayan ng karunungan.

Pagganyak
PANUTO: Sariwain ang mga sulatin na iyong naisulat noong ikaw ay nasa Baitang 7 hanggang
Baitang 11. Ano ang pinakanagustuhan mo sa mga ito at ano ang naramdaman mo habang ito’y
iyong isinusulat at bakit? Sa iyong palagay, sapat na ba ang iyong kaalaman at kakayahan upang makabuo o
makasulat ka ng isang akademikong sulatin? Ipaliwanag. Isulat ang iyong sagot sa ibaba.
Isa ka ba sa mga mahilig magsulat? O isa ka sa mga kinaiinisan ang pagsusulat? Hindi maikakaila
na dahil sa pagbabagong nagaganap sa ating lipunan partikular sa pagbabagong dala ng makabagong
teknolohiya ay unti-unting nawawaglit sa isipan ng mga mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng pagsulat
hindi lamang sa larangang pinili maging sa pang-araw-araw na buhay at sa lipunang kinabibilangan. Sa kabila
ng pagbabagong nagaganap sa mundo, kinakailangan pa ring malinang sa mga Pilipino, lalong-lalo na sa mga
mag-aaral, ang palagiang paggamit ng wikang Filipino . Ito ay upang magkaroon nang maayos at mabisang
pakikipagtalastasan, pasalita man o pasulat.
Halina’t ating tuklasin ang iba’t ibang batayang kaalaman sa akademikong pagsulat upang maging
komprehensibo at epektibo ang pagbuo ng mga sulating pang-akademiko.
Pamagat: Mga Batayang Kaalaman sa Akademikong Pagsulat
Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.
Pagpapahalagang Pagkatuto: Ang mga mag-aaral ay magiging mapagpahalaga sa wika gamit ang
kanilang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang sulating akademiko.
Sanggunian: Filipino sa Piling Larang (Akademik). Florante C. Garcia, PhD, pahina 2-5

KONSEPTO NG ARALIN:
Ang Akademikong Pagsulat
Ang Akademikong Pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay
isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalim sa kultura, reaksyon, at opinyon batay sa manunulat at
tinatawag din itong “intelektwal na pagsusulat” dahil ang mga impormasyon na nakapaloob dito ay dapat
nagtataglay ng lohikal, kritikal, maugnayin, at malikhaing paraan upang iugnay ang kaalaman sa nilalaman
ng akademikong sulatin. Ito ay naglalayong magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na
manlibang lamang.
*Para sa karagdagang pagtalakay at halimbawa, basahin ang aralin sa inyong aklat sa pahina 2-5.
PAGSASANAY 1: Sagutin ang mga katanungan sa Suriin Mo Na sa pahina 6.

Ikalawang Araw
Upang maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, sagutan ang gawain. Isagawa ang
gawain sa isang malinis na papel. Maaari ka nang magpatuloy!

Gawaing Pampagkatuto Blg. 1.1


Oras ng simula: ______
Oras ng tapos: ______
PANUTO: Isagawa ang gawain sa Isabuhay Mo Na pahina 6-7.

2
Ikatlong Araw
Upang maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, sagutan ang gawain. Isagawa ang
gawain sa isang malinis na papel. Maaari ka nang magpatuloy!

Aralin 2: Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong


Pagsulat
Makikilala ang isang akademikong sulatin sa pamamagitan ng layunin, katangian, at anyo nito.
Taglay ng akademikong sulatin ang mataas na gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang batayan
ng karunungan.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
 Obhetibo- Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga
pahayag na batay sa sariling pananaw o ayon sa haka-haka o opinyon.
 Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga
salitang pormal na madaling maunawaan ng mga mambabasa.
 May Paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang
pansin o pag-aralan; ibig sabihin ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang
kanyang isusulat.
 May Pananagutan- Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o impormasyon ay
dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang paraan ng pagkilala sa pinaghanguan ng
impormasyon.
 May Kalinawan- Mahalagang magkaroon ng kalinawan ang pagkakasunod-sunod ng mga datos
at ang pangunahing paksa ay dapat na nabibigyang-diin sa sulatin.

Handa ka na ba para malaman ang iba pang batayang kaalaman sa akademikong pagsulat? Sama-
sama nating tuklasin ang mga “Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat.”

Pagganyak
PANUTO: Buuin ang mga letra upang makabuo ng mga makabuluhang salita na may
kinalaman sa paksa ng araling ito.
1. SAPIGUSUR __________________
2. NAPINAGDININ __________________
3. FORLOTIPO __________________
4. HOBITOBI __________________
5. TIBANOOBI __________________

Mahusay! Nabuo mo ang mga salita! Bigyan natin ng kahulugan ang mga ito batay sa inyong
pagkakaunawa. Ano kaya ang kaugnayan ng mga salitang ito sa ating tatalakayin ngayong araw? Sama-
sama nating bigyan ng kasagutan ang inyong mga katanungan!
Pamagat: Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat
Kasanayang Pampagkatuto: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangian, at anyo.
Pagpapahalagang Pagkatuto: Ang mga mag-aaral ay magiging mapanuri at mapagnilay sa pangangalap
ng mga impormasyong kanilang isusulat na nakabatay sa layunin, gamit, at anyo ng akademikong
sulatin.
Sanggunian: Filipino sa Piling Larang (Akademik), Florante C. Garcia, PhD, pahina 2-5____________

PANGKATANG GAWAIN: Maghanap sa Internet ng mga online journal. Pumili ng limang (5)
akademikong sulatin batay sa interes ng pangkat. Punan ang gabay na talahanayan bilang data bank ng
iyong nasaliksik.

3
PAMAGAT SANGGUNIAN KATANGIAN KAHULUGAN LAYUNIN NG
NG ILANG NASALIKSIK
SALITA

Ikaapat na Araw
Upang maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, sagutan ang gawain. Isagawa
ang gawain sa isang malinis na papel. Maaari ka nang magpatuloy!

Gawaing Pampagkatuto Blg. 1.2


Oras ng simula: ______
Oras ng tapos: ______

PANUTO: Isagawa ang gawain sa Tapusin Mo Na sa pahina 8. Kung walang mahanap na pangulong-
tudling sa pahayagan ay maaaring maghanap at kumuha mula sa Internet. Huwag kalimutang ilagay
ang sanggunian o ang pinaghanguan ng impormasyon.

Ikalimang Araw
Upang maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, sagutan ang gawain. Isagawa
ito sa iyong LMS o sagutan ito sa modyul na ito. Maaari ka nang magpatuloy!

Pangwakas na Pagtataya
I. BINAGONG TAMA O MALI: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad sa
pahayag ayon sa mga salitang may salungguhit at kung mali naman ay isulat ang salitang maaaring
magpatama rito.
________________1. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa akademikong institusyon.
________________2. Ang malikhaing pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa
pagbuo ng sulatin.
_______________ 3. Ang pagbuo ng isang akademikong sulatin ay hindi nakadepende sa kritikal na
pagbasa ng isang indibidwal.
_______________ 4. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko ay dapat isaalang-alang ang mga target
na mambabasa, layunin, at paksa.
_______________ 5. Hindi mahalaga ang gramatika sa pagsulat ng isang akademikong sulatin.
_______________ 6. Isa sa mga layunin ng akademikong pagsulat ay ang pagkakaroon ng kalinawan
sa pagsulat ng mga impormasyon at pagpapahayag sa pagsulat ng direktibo at
sistematiko.
_______________ 7. Layunin ng akademikong pagsulat ang manlibang sa halip na magbigay ng
makabuluhang impormasyon.

4
_______________ 8. Ang journal ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng
kursong Akademikong Pagsulat.
_______________ 9. Ang karaniwang estruktura ng akademikong sulatin ay may simula, gitna, at
wakas.
_______________10. Ang panimulang bahagi ng akademikong sulatin ay karaniwang naglalaman ng
mga paliwanag tungkol sa paksa.

II. PROSESO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.
PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nagpapakita ng lubos na Nagpapakita ng Bahagyang Maraming pagkukulang
kahusayan sa pagiging pagiging kumpleto nagpapakita ng sa nilalaman at
kumpleto sa mga sa mga pagiging sapat sa inaasahang impormasyon.
Paglalahad
mahahalagang mahahalagang mga tamang
impormasyong dapat impormasyong impormasyong
taglayin, at ang kabuuan dapat taglayin. kailangan.
ay higit pa sa inaasahan.
Nagpapakita ng kapansin- Nagpapakita ng Bahagyang Mayroon ngunit hindi
pansing kahusayan ang mahusay na nagpapakita ng nagkakaisa ang mga
Pagkakaisa pagkakaisa ng mga pagkakaisa ang mga pagkakaisa ang konseptong inilahad.
konseptong inilahad na konsepto at mga konseptong
higit pa sa inaasahan. kaisipang inilahad. inilahad.

1. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang maunawaan, pag-aralan, at mabatid mo ang mga layunin at
kasanayan sa pagsulat ng akademikong sulatin? Ipaliwanag.

2. Kung hindi magagampanan ng isang manunulat ang katangiang kailangan ng akademikong sulatin,
paano nito maaapektuhan ang mithiin ng sulatin na magpahayag at makipagtalastasan? Pangatwiranan.

Ang Aking Karanasan ng Pagkatuto:


Nais kong malaman ang iyong saloobin! Inaasahan kong magiging matapat ka upang patuloy kitang
magabayan.
1. Anong natutuhan mo sa modyul na ito?

2. Ano ang mga nagustuhan mong gawain?

3. Ano ang mga tanong na gumugulo sa iyong isipan tungkol sa ating mga pinag-aralan?

5
Susing Kasagutan:
Sa anong bilang ka nakakuha ng tamang sagot? Saan ka naman nagkamali? Paano mo kaya
makukuha ang tamang sagot? Mula roon, naniniwala akong maaari mo nang ipagpatuloy ang
iyong pagtuklas ng mga panibagong kaalaman sa modyul ng pagkatutong ito. Bumalik sa unang pahina
upang magsimula sa aralin.

TAMA 5.
MALI 4.
MALI 3.
TAMA 2.
TAMA 1.

Panimulang Pagtataya

Sanggunian:
Garcia, Florante C. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Quezon City: SIBS Publishing House, Inc.

Pagbati:
Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa kabuuan ng modyul ng pagkatutong ito!
Nawa’y lalo pang umalab ang iyong pagmamahal sa pagkatuto. Hanggang sa susunod na mga aralin.
Paalam!

Walang bahagi ng lathalang ito ang maaaring sipiin, ipamahagi o maipadala sa anumang anyo o
sa anumang paraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng may-akda.

6
Mga Tala

You might also like