You are on page 1of 10

1

Pangalan: ___________________________________ Guro: ______________

Baitang at Seksyon: __________________________ Petsa: _____________

Aralin
Teknikal-Bokasyunal: Layunin at Gamit
2 Isinulat ni Froilan E. Leoligao

Mga Inaasahan

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang mga iba’t ibang gamit, layunin, at


katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


kasanayan na :

1. Nakikilala ang iba’t-ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin,


gamit, at katangian nito (CS_FTV11/12PT-0a-c-93)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna


ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang sumusunod na tanong at ilagay ang tamang sagot sa nakalaang


patlang.

_______1. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng teknikal


bokasyunal na sulatin?
A. Obhetibo C. Analitikal
B. Emosyunal na paraan D. Sumusunod sa pamantayan

_______2. Isa sa layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay magpaliwanag ng mga


implikasyon sa pangyayari, alin sa sumusunod ang tinutukoy ng layuning ito?
A. magturo C. magsuri
B. manghikayat D. maghanap

_______3. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng teknikal bokasyunal na sulatin,


maliban sa:

A. Youtube vlog C. Dayagram


B. Ulat panglaboratoryo D. Mga panuto

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
2

_______4.Bakit mahalaga sa industriya ang teknikal na pagsulat?


A.napapaunlad nito ang kakayahang makapagsulat ng epektibo
B.nahahasa nito ang kakayahang makakilos ng tao ayon sa nais niya
C.malaki ang naitutulong nito sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento
para sa kaunlaran ng teknolohiya
D. marami ang nagagawa ng teknikal na pagsulat sa larangan ng akademiks

_______5. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa layunin ng teknikal bokasyunal na


magsuri?
A. kumbinsihin ang mambabasa C. mapanghikayat na mga salita
B. magbigay ng mga impormasyon D. analisahin ang mga pangyayari

_______6. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ng teknikal bokasyunal na


pagsulat?
A. magbigay ng impormasyon C. may strukturang subhetibo
B. magsuri D. manghikayat

_______7. Alin sa sumusunod na katangian ng teknikal bokasyunal na pagsulat ang


nagpapaliwanag ng paksa sa malinaw, tumpak, at di-emosyunal na paraan?
A. Analitikal C. Obhetibo
B. Pisikal D. Subhetibo

_______8. Alin sa sumusunod ang kasama sa layuning magsuri ng teknikal


bokasyunal na pagsulat?
A. manghikayat C. magbigay puri
B. magbigay ng impormasyon D. magpaliwanag

_______9. Ito ang pagsulat na naghahanda sa mga teknikal na dokumento.


A. akademikong pagsulat C. teknikal bokasyunal na pagsulat
B. malikhaing pagsulat D. malayang pagsulat

_______10. Ano ang hindi saklaw ng teknikal na pagsulat?


A. mga pang-akademikong sulatin C. mga dayagram
B. pagsulat ng feasibility study D. mga teknikal bokasyunal na sulatin

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


aral sa nakaraang aralin.

Balik -tanaw

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng sumusunod na pahayag at
MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
______1. Ang teknikal bokasyunal na sulatin ay isang komunikasyon sa pamamagitan
ng pasulat.

______2. Ang teknikal bokasyunal na sulatin ay isang propesyunal na sulatin at


ginagamit sa iba’t-ibang larangan ng propesyon

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
3

______3. May espesyalisadong bokabolaryo ang teknikal bokasyunal na sulatin na


natatangi sa isang larangan.

______4. Ang sulating pananaliksik ay maibibilang sa teknikal bokasyunal na sulatin.

______5. Ang akademikong sulatin at teknikal bokasyunal na sulatin ay magkapareho


ayon sa katangian nito.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, makikilala mo ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na


pagsulat ayon sa layunin, gamit, at katangian nito.

Layunin, Gamit, at Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat


at komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga
proyekto, mga panuto, at mga dayagram. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang
bahagi ng industriya. Malaki ang naitutulong nito sa paghahanda ng mga teknikal na
dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mabilis,
episyente, at produktibo.

Anumang uri ng propesyonal sa gawain ang ginagawa mo, maaaring ito ay


nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at marami rito ay likas na teknikal.
Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal na
pagsulat , mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo.

Talakayin natin ang Layunin, Gamit, at Katangian ng Teknikal


Bokasyunal na sulatin.

Layunin ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin


1. Magbigay ng impormasyon. Isinusulat ito upang bigyan ang mambabasa ng
impormasyon ukol sa isang bagay o ng direksyon sa paggamit ng isang
produkto
2. Magsuri. Ang sulatin ay binubuo upang analisahin at ipaliwanag ang
implikasyon ng mga pangyayari upang magamit bilang basehan ng mga
pagdedesisyon sa kasalukuyan at sa hinaharap.
3. Manghikayat. Kabilang sa layunin ay ang kumbinsihin ang mambabasa o
pinatutungkulan nito. Bagaman kasama nito ang layuning makapagbigay
impormasyon.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
4

Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin


1. Nagbibigay-ulat
2. Nagbibigay-instruksyon
3. Naghahain ng isang serbisyo o produkto
4. Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisyon
5. Nagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon

Katangian ng isang mahusay na manunulat ng sulating teknikal-bokasyunal

1. Mataas sa wika
2. Analitikal
3. Obhetibo. Naipapaliwanag ang isang paksa sa malinaw, tumpak, at di-
emosyunal na paraan.
4. Mataas ang kaalaman sa paksa
5. Mahusay sa kumbensyon sa pagsulat
6. Sumusunod sa etikal na pamantayan

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating tinalakay. Ngayon ay handa ka


nang sagutin ang mga gawain.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa sariling


pangungusap.

1. magsuri - __________________________________________________________

2. pamantayan - __________________________________________________________

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
5

3. analitikal - __________________________________________________________

4. subhetibo - - __________________________________________________________

5. obhetibo - _____________________________________________________________

Gawain 1.2 Pagkilala sa iba’t ibang teknikal-bokasyunal

Pumili ng isa sa sumusunod na halimbawa ng sulating teknikal-bokasyul at alamin


ang layunin, gamit, at katangian nito. Gamitin ang Internet sa pagsasaliksik at itala
ang inyong sagot sa ilustrasyong makikita sa ibaba:

*Lagyan ng tsek sa nakalaang patlang ang napiling sulating teknikal-bokasyul.

[ ] Manwal [ ] Liham Pangnegosyo

[ ] Flyers [ ] Promo Materials

Layunin: Gamit: Katangian:

Gawain 1.3 Pagsagot sa mga Tanong

1. Ano ang mga mahahalagang impormasyon ang nabatid mo habang nagsasaliksik sa


napiling teknikal-bokasyunal?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
6

2. Ano ang masasabi mo tungkol sa nilalaman ng isang sulating teknikal-


bokasyunal?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Bakit kailangan na mabatid ang layunin, gamit at katangian ng isang sulating


teknikal-bokasyunal?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga maitutulong ng layunin, gamit at katangian ng isang sulating


teknikal-bokasyunal sa isang mambabasa?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5.Bilang mamimili, ano ang unang hinahanap mo kapag tumitingin ka sa flyers o


promo materials? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan
Matapos mong pag-aralan ang kaligiran ng Sulating Teknikal Bokasyunal:
layunin, gamit, at katangian, narito ang mga dapat mong tandaan.

Kaligiran ng Layunin, Gamit, at Katangian ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin

1. Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay isang propesyunal na pagsulat na


nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga
produkto.
2. Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay may mga katangiang magbigay ng
impormasyon, magsuri, at manghikayat sa mga mambabasa.
3. Ginagamit ang teknikal-bokasyunal na sulatin upang magbigay ulat, magbigay
instruksyon, maghain ng serbisyo o produkto, at magsilbing basehan ng mga
pagdedesisyon.
4. Ang manunulat ng sulating teknikal-bokasyunal ay may mga katangian na
analitikal, obhetibo, may mataas na kaalaman sa paksa, may mahusay na
pagsulat sa wika at sumusunod sa etikal na pamamaraan.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Modyul sa Senior High School-Filipino
Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
7

Gumawa ng isang sulating pang teknikal-bokasyunal na naglalaman ng layunin,


gamit at katangian nito. Maari kang pumili ng isa sa mga uri ng teknikal
bokasyunal na sulatin sa ibaba. Maaari kang maghanap sa Internet. Tiyakin lang
na maisusulat ang sanggunian/ bibliyograpiya ng napili mong halimbawa bilang
gabay. Ipaliwanag ang layunin, gamit at katangian ng napili at nagawa mong
teknikal bokasyunal na sulatin.

1. Liham Pangnegosyo 6. Leaflets 11. Ulat panglaboratoryo


2. Memorandum 7. Ulat ng progreso 12. Anunsiyo
3. Katitikan ng pulong 8. Manwal 13. Naratibong ulat
4. Menu ng pagkain 9. Ulat-Analitikal 14. Proposal
5. Flyers 10. Feasibility study

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________

Rubrik sa Sulating Teknikal Bokasyunal

Panukatan Bahagdan

Angkop na nilalaman ng Teknikal- 40%


Bokasyunal batay sa kaligiran nito

Naitala ang layunin, gamit at katangian 40%


sa epesipikong teknikal-bokasyunal

Gumamit ng angkop na mga salita sa 20%


pagsulat

Kabuoan 100%

Pangwakas na Pagsusulit

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
8

Unawain ang bawat tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

______ 1. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng katangian ng teknikal bokasyunal na


pagsulat?

A. Pagsulat na may sinusundang gabay o pamantayan


B. Pagsulat na may sinusundang halimbawa
C. Pagsulat na naaayon sa sariling hilig at gusto
D. Pagsulat na naaayon sa pananaw ng manunulat

______ 2. Ang teknikal bokasyunal na pagsulat ay____________________

A. komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo


B. isang makabuluhang pagsasalaysay at tinatawag din na intelektuwal na
pagsulat
C. pagsulat ng mayamang imahenasyon ng isang manunulat
D. may pagkakatugma sa pagsulat ng sariling likha ng kaisipan

_______ 3. Ang layunin ng teknikal bokasyunal na pagsulat ay magsuri, manghikayat


at ______________________

A. maglatag ng mga katibayan C. magsuri ng wastong konsepto


B. magpahayag ng kathang isip D. magbigay ng impormasyon

______ 4. Alin sa sumusunod ang teknikal bokasyunal na sulatin?

A. Talumpati B. Leaflets C. Abstrak D. Sintesis

______ 5. Ang katangiang naipapaliwanag ang isang paksa sa malinaw, tumpak, at di-
emosyunal na paraan ay tinatawag na ___________________

A. Subhetibo B. Obhetibo C. Lohikal D. Pisikal

______ 6. Paano maipapakita ang layuning magsuri sa sulating teknikal bokasyunal?

A. Kapag binibigyan ang mambabasa ng impormasyon ukol sa isang bagay o


ng direksyon sa paggamit ng isang produkto
B. Kapag inaanalisa at ipinapaliwanag ang implikasyon ng mga pangyayari
upang magamit bilang basehan
C. Kapag kinukimbinsi ang mambabasa hinggil sa pinatutungkulan ng
nilalaman ng sulatin
D. Kapag ipinapaliwanag ang isang paksa sa malinaw, tumpak, at di-
emosyunal na paraan.

______ 7. Bakit mahalaga ang pagsulat ng teknikal bokasyunal?

A. Sapagkat ang teknikal bokasyunal na pagsulat ay nagpapaunlad malikhaing


pag-iisip
B. Sapagkat malaki ang naitutulong nito sa paghahanda ng mga teknikal na
dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya
C. Sapagkat malaki ang naibabahagi nito sa ikauunlad ng ekonomiya ng ibang
bansa
D. Sapagkat ang teknikal bokasyunal na pagsulat ay may sinusunod na
pamantayan

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
9

______ 8. Nagbibigay-ulat at instruksyon, naghahain ng serbisyo, nagsisilbing batayan


ng pagdedesisyon ay mga gamit ng teknikal bokasyunal na pagsulat. Alin pa sa
sumusunod ang kabilang dito?
A. Nagbibigay ng impormasyon C. Nagaanalisa ng impormasyon
B. Nagsusuri ng impormasyon D. Nagpapaliwanag ng impormasyon
______ 9. Alin sa sumusunod ang isa sa katangian ng teknikal bokasyunal na
pagsulat?
A. Sumusunod sa etikal na pamantayan C. Sumusunod sa porma
B. Naglalaman ng instruksyon D. Naglalaman ng struktura
______ 10. Alin sa sumusunod ang saklaw ng teknikal bokasyunal na pagsulat?
A. Lakbay sanaysay B. Pictorial essay C. Abstrak D. Manwal

Pagninilay

Matapos mong sumulat ng pang teknikal-bokasyunal na naglalaman ng layunin,


gamit at katangian nito, ilahad sa talahanayan iyong napag-alaman, napatunayan
at mga tanong pa sa isipan.

Napag-alaman
ko…

Napatunayan
ko…

Mga Tanong sa
Aking Isipan…

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
10

Ang mga emoticon ay iginuhit ni Ferdinand B. Jara

Mahusay! Madali mong naunawaan ang ating aralin. Kung mayroong pang
tanong sa iyong isipan ay huwag kang mag-atubiling ipaalamsa iyong guro.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo

You might also like