You are on page 1of 19

Senior High School

FILIPINO SA PILING LARANG


(TECH -VOC)
Kuwarter 3 – Modyul 4
Deskripsiyon ng Produkto at Dokumentasyon
sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino- Ikalabingdalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 3- Modyul 4: Deskripsiyon ng Produkto at Dokumentasyon sa Paggawa ng Bagay O Produkto
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V
Mga Bumuo Ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Jenelin S. Enero, MAFIL at Ma. Angelie A. Bitoon
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout: Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pumapangalawang Panrehiyong Direktor

Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V


Tagapamanihala

Rowena H. Paraon, PhD


Pumapangalawang Tagapamanihala

Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD


Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief
Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe, SSP- 1
Marisa D. Cayetuna, P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes, MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMDS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisiyon ng Cagayan de Oro City
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

FILIPINO SA PILING LARANG


(TECH- VOC)
Kuwarter 3 – Modyul 4
Deskripsiyon ng Produkto at Dokumentasyon
sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong paaralan.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com.

Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman
Para Saan ang Modyul na Ito…………………………………………………………i
Ano ang Inaasahan Mo…………………………………………………………………i
Paano Mo Matutunan ………………………………………………………………ii
Mga Icon Ng Modyul……………………………………………………………………iii
Ano ang Nalalaman Mo………………………………………………………………...ix
Modyul 4
Aralin 1 : Deskripsiyon ng Produkto at Dokumentasyon sa Paggawa ng
Isang Bagay o Produkto
Balikan ……………………………………………………………………………… 1

Tuklasin …………………………………………………………………………….. 1

Suriin ………………………………………………………………………………… 2

Pagyamanin ………………………………………………………………………… 4

Isaisip ………………………………………………………………………………… 5

Isagawa ……………………………………………………………………………… 6

Tayahin ……………………………………………………………………………… 7

Karagdagang Gawain …………………………………………………………….. 8

Susi sa Pagwawasto……………………………………………………………….. 9

Sanggunian………………………………………………………………………….. 10
Para Saan ang Modyul na Ito

Kumusta Kaibigan, ang modyul na ito ay gawin mong isang kagamitang


pansarili sa pagkatuto mo sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Teknikal-
Bokasyunal (Tech-Voc). Sa tulong ng mga tiyak na takdang gawain sa
pagkatuto magiging handa ka sa pagharap ng mga hamon sa totoong buhay.
Tatalakayin dito ang iba’t ibang uri at anyo ng sulating lilinang sa mga
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na
pagsusulat sa pinili mong larangan (Tech-Voc).
Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat
yugto ng pagkatuto ay iniangkop ayon sa iyong kakayahan at interes upang
magkaroon ka ng analitikal, kritikal at mapanuring pag-iisip.

Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang


makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na
masagot ang mga gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na
magugustuhan mo ang mga konseptong pangteknikal.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin.
Ang dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang
pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.

Ano ang Inaasahan Mo


Inaasahan na pagkatapos mong basahin ang bahaging ito, ikaw ay may
sapat na kaalaman sa mga katawagang sulating teknikal-bokasyunal.
Kaugnay nito, ang pag-iisa isa ng mga hakbang at mga katawagang teknikal
sa paraang sistematiko at ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay
hihimukin. Ang dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang
karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo
mo ang kasanayang pampagkatutong:
❖ Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo
(CS_FTV11/12PT-Og-I-94)

i
Paano Mo Matututunan:
Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:
1. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
2. Sundin ang mga direksyon o panuto habang binabasa ang materyales.
3. Sagutin ang mga tanong lalong lalo na sa panimulang pagtataya na
susukat sa iyong dating kaalaman.
4. Maging mahinahon sa pagsagot at maging pasensyoso upang maging
matagumpay ang pagsagot mo.
5. Sagutin mo nang maayos at iwasto ang mga sagot. Hingin mo ang susi
sa pagwawasto sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang mag-
alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na
nakapaloob dito.
6. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli
sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
7. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang
huwag masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.
Mga Icon ng Modyul
Alamin Inihanay ang mga layunin sa aralin. Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan
nila sa aralin.
Subukin Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang lawak
ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying paksa.
Balikan Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga magaaral
tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy ito
upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.
Tuklasin Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng
kwento, pagsasanay, tula, awitin, sitwasyon at iba pang
paraan. Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng
mahalagang kaisipan.
Suriin Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa
pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin. Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.
Pagyamanin Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing
magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Magtitipon sila ng
kanilang likhang mga sulatin at gawain batay sa natutunan
sa aralin.
Isaisip Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit, gawain at pagsasanay.
Isagawa Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng
mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa
tunay na buhay
Tayahin Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto
mula sa natamong kasanayan

ii
Karagdagang Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang malinang
Gawain ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral.
Susi sa Mga kasagutan sa anumang pagtataya, pagsasanay at mga
Pagwawasto Gawain.

Ano ang Nalalaman Mo


SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

I. Panuto: TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung
mali, tukuyin ang salitang nagpamali sa pahayag. (2 puntos bawat isa)
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk para sa iyong
kasagutan.
1. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, gumagamit ng pangangatwiran
ang manunulat.
2. Inilalagay sa deskripsiyon ng produkto ang detalyadong paglalarawan dito.
3. Kolokyal ang ginagamit na wika sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto.
4. Marapat na panatilihing payak ang pagkakabuo ng mga pangungusap
kung susulat ng deskripsiyon ng produkto.
5. Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang higit na masuri at makilatis
ang isang produkto.
6. Sa pagbuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto,
isinasaad ang mga kinakailangan sa proseso ng paggawa ng produkto.
7. Mahalaga ang kronolohiya ng mga hakbang na nakasaad sa
dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto.
8. Maaaring maglagay ng ilustrasyon kung susulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto.
9. Masasabing teknikal ang pagkakaayos ng mga proseso kung nasa tamang
pagkakasunod-sunod ang mga ito.
10. Nagsisilbing gabay ang dokumentasyon sa sinumang nais gumawa ng
isang bagay o produkto.

II. SANAYSAY. Sagutin ang mga tanong. Ipaliwanag ang sagot gamit ang
mga tinalakay sa buong kabanata. (10 puntos bawat isa)

iii
1. Ano ang kahalagahan ng isang mahusay na Deskripsiyon ng isang
produkto?

2. Ano-ano ang mga nilalaman kung susulat ng dokumentasyon sa paggawa


ng isang bagay o produkto?
3. Sa iyong palagay, ano ang maaaring maging kahinaan ng isang
Deskripsiyon ng produkto at ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay
o produkto?

ix
Aralin Deskripsiyon ng Produkto at
4 Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang
Bagay o Produkto
Baitang : 12 Markahan: Ikatlo
Panahong Igugugol: Unang Linggo

Alamin

Ang isang mahusay na mamimili ay tiningnan nang maigi ang


nilalaman ng produkto at maingat na sinusuri kung paano ito ginawa. Ang
tawag sa mga nakasulat nito ay deskripsiyon at dokumentasyon sa paggawa
ng isang bagay o produkto.

Balikan

Ang nakaraang aralin ay tumatalakay sa iba’t ibang sulating Teknikal-


Bokasyunal tulad ng Flyers, Leaflets at Promotional Materials. Sa bahaging
ito pag-aralan naman ang pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto at
Dokumentasyon sa Paggawa ng isang Bagay. Handa ka na ba?

Tuklasin

GAWAIN 1

Suriin kung ang nakasulat sa ibaba ay deskripsiyon ng produkto o


dokumentasyon sa paggawa. Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung tama at
lagyan (X) kung mali.
1. Pag-Install ng Sim Card at Battery

2. Mga Makina sa Pag-ani

1
3. Isang Espesyal na Durian

4. Mga Uri ng Binhi sa Organikong Paggugulayan

5. Kalusugan ng Bata

Suriin

Deskripsiyon ng Produkto at Dokumentasyon sa


Paggawa ng isang Bagay o Produkto
Sadyang mahalaga ang wasto at sapat na pagpapakilala at
pagbibigay-katangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilikin ng
isang mamimili. Kaugnay nito, kalimitang matatagpuan ang ganitong
paglalarawan sa pabalat, sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang
babasahin tungkol dito. Tiyak, wasto at makatotohanan ang inaasahang
deskripsyon sa isang produkto. Marapat ding madali itong maunawaan ng
mga ibig tumangkilik dito sapagkat ito ang maaaring magtakda kung ito ba
ay tatangkilikin o hindi. Nakatutulong din ito upang mailahad kung ano ang
katangi-tangi o kaya nama’y limitasyon ng isang bagay gayundin kung
paaano ito gagamitin nang tama.

Hindi rin maitatanggi ang kagustuhan ng isang indibidwal sa patuloy


na pagkatuto kung kaya’t lagi tayong handa sa pagkakaroon ng mga bagong
kaalaman. Mas madaling matutunan ang iba’t ibang bagay kung may daanan
sa mga materyales na nagtuturo kung paano gawin ang isang bagay o
produkto. Kalimitang may sinusunod na proseso o mga hakbang sa paggawa
ng isang bagay. Nakalagay rin ang mga ispesipikong gamit na kinakailangan
upang mabuo at magawa ang isang bagay bago ang mga hakbang sa paggawa.
Maaari ring maglagay ng mga larawan ng ginagawa sa bawat hakbang para
sa mga mambabasa upang makita ang dapat na kalabasan sakaling gagawin
nila ito. Marapat lamang na sundin ang mga ito upang hindi magkamali at
maging angkop ang kinakalabasan ng isang gawain. Malaking tulong ang
dokumentasyon ng mga ito upang higit na madali para sa mga tao ang
sumusunod sa mga hakbang na nakasaad dito.

2
ALAMIN
Deskripsiyon ng Produkto
Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay ng paglalarawan sa isang
produkto.
Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, mahalagang panatilihin ang
pagiging tiyak sa mga katangiang ilalahad sa deskripsiyon .
Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, tiyak, makatotohanan,
at akma sa aktuwal na produkto ang pagkakabuo ng deskripsiyon nito
upang maiwasan ang kalituhan ng mambabasa.
Kalimitang binubuo ang deskripsiyon ng tuwiran at detalyadong
paglalarawan sa mga produktong inaasahan ng mga ibig bumili o
gumagamit nito.
Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng deskripsiyon ng
produkto at maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na
kinakailangan sa isang partikular na trabaho.

Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto

Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ay


nagtataglay ng mga kailanganin, hakbang o proseso ng paggawa ng
isang bagay. Isinusulat ito upang maging gabay sa kung paano
gagawin o bubuuin ang isang bagay o produkto.
Mahalagang panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa
ng isang bagay upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga
mambabasa.
Maaari ding maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal
na anyo ng produktong ginagawa.
Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay, napakahalaga ng
pagsunod sa mga hakbang na nasa dokumentasyon
Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto at inaasahang payak, malinaw, at
tiyak ang pagkakasulat ng mga hakbang upang maging madali ang pag-
unawa ng mga mambabasa.

3
Pagyamanin

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (5 puntos bawat


bilang
1. Ano ang karaniwang nilalaman ng isang dokumentasyon sa paggawa ng
isang bagay o produkto?
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Saan kadalasang ginagamit ang isang dokumentasyon sa paggawa ng


isang bagay o produkto?
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit sumusulat ng dokumentasyon sa


paggawa ng isang bagay o produkto ang isang indibidwal?
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4. Bakit mahalagang malaman natin, ang nilalaman ng isang produkto bago

tayo bibili?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________
GAWAIN 3
4
Pag-aanalisa ng mga kaisipan
Panuto: Sa pamamagitan ng concept mapping, tukuyin ang mahahalagang
detalye ng araling ito.

SULATING TEKNIKAL-BOKASYUNAL

DESKRIPSIYON
NG DOKUMENTASYON
PRODUKTO NG

PRODUKTO

Paano nakatutulong
ang araling ito para
sa iyong magiging
trabaho sa
hinaharap?

Isaisip

GAWAIN 4
Panuto: Punan ang patlang sa bawat bilang ng pinakaangkop na salita upang
mabuo ang pangungusap nito. (2 puntos bawat bilang)

1. Mahalagang panatilihin ang_____________ng mga hakbang sa paggawa ng


isang bagay upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga
mambabasa.

5
2. Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay ng paglalarawan sa isang
___________.

3. Mahalaga ring panatilihin ang pagiging__________, _________,


makatotohanan, at ______ sa aktuwal na produkto ang pagkakabuo ng
deskripsiyon nito upang maiwasan ang kalituhan ng mambabasa.

4. Maaari ding maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang _______
na anyo ng produktong ginagawa.

5. _________ ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng dokumentasyon sa


paggawa ng isang bagay o produkto at inaasahang payak, malinaw, at tiyak
ang pagkakasulat ng mga hakbang upang maging madali ang pag-unawa ng
mga mambabasa.

Isagawa

GAWAIN 5

Panuto: Magsagawa ka ng isang pananaliksik sa pamamagitan ng


pagtatanong maaaring kay ate, kuya, kaibigan o kapitbahay o di kaya’y sa
internet. Mula sa mga nakatalagang trabaho na nakasulat sa ibaba, pumili
ng isang trabaho at gumawa ng isang deskripsiyon ng produkto o
dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. Tiyaking isulat ang
bibliyograpiya/sanggunian ng pinagkukunan ng impormasyon.

1. automotive servicing
2. barbering
3. bartending
4. beauty care services
5. bread and pastry production
6. catering
7. commercial cooking
8. driving
9. food and beverages
10. food processing
11. hilot (wellness massage)

6
12. massage therapy
13. tailoring
14. technical drafting
15. visual graphics design

Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

PANUTO: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. (20 puntos bawat bilang)
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk para sa iyong sagot.

1. Ano ang natutuhan mo sa ginawang maikling pananaliksik?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano kaya ang masasabi mo tungkol sa pagsulat ng dokumentasyon sa


paggawa ng isang bagay o produkto sa iyong piniling trabaho?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. May epekto kaya ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o
produkto sa trabahong iyon? Ano/ano-ano ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Sagot – 10 puntos
Kawastuan sa Gramatika – 5 puntos
Organisasyon ng Ideya – 5 puntos
Kabuuang Puntos - 20 puntos

7
Karagdagang Gawain

GAWAIN 7

PANUTO: Paglikha ng Video Bumuo at lumikha ng maikling video ng isang


patalastas para sa produktong nais itanghal at ibenta. Tiyaking makikita sa
video ang deskripsiyon ng teksto na kaugnay ng produkto. Gawing malikhain
at angkop sa uri ng produkto ang estilo ng presentasyon. Magpost sa Group
Chat ng klase pagkatapos mabuo. Sundin ang Pamantayan sa Pagmamarka.
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Video – 40 puntos
Kawastuan sa Gramatika – 5 puntos
Organisasyon ng Ideya at Pagkamalikhain
– 5 puntos
Kabuuang Puntos - 50 puntos

8
9
SUBUKIN TUKLASIN
I. TAMA O MALI.
1. Pangangatwiran
SANGGUNIAN
3. Kolokyal 1. √
4. Tama 2. √
5. Tama 3. √
6. Tama 4. √
7. Tama 2. x
8. Tama
9. Teknikal
10. Tama
II. SANAYSAY.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng sanaysay 10 puntos
Wikang ginamit sa pagsulat 5 puntos
Organisasyon ng sanaysay 5 puntos
PAGYAMANIN
Iba-iba ang kasagutan. Gamitin ang Pamantayan sa Pagmamarka para sa mga
gawaing ito
ISAISIP
1. Kronolohiya
2. produkto
3. payak, tiyak, akma
4. biswal
5. pormal
TAYAHIN AT KARAGDAGANG GAWAIN
Iba-iba ang kasagutan. Gamitin ang Pamantayan sa Pagmamarka para sa mga
gawaing ito.
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN

A. AKLAT

Corazon L. Santos, et al , Filipino sa Piling Larang Tech-Voc Patnubay ng Guro


(Tech-Voc) Davao City: Vibal Group, Inc

Bandril, L. T. at Villanueva, V. M. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan


(Isport at Teknikal-Bokasyonal. Davao City: Vibal Group, Inc

B. WEBSITES
https://www.slideshare.net/RochelleNato/deskripsiyon-ng-produkto

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


DepEd Division of Cagayan de Oro City
Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like