You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Senior
High
School Zest for Progress
Z Peal of artnership

Filipino sa Piling Larang: Tech-Voc


Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Feasibility Study at Naratibong Ulat

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino sa Piling Larang (Tech-voc) – Ikalabindalawang Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 6: Feasibility Study at Naratibong Ulat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Catrina S. Auguis


Editor/Tagasuri: Jade A. Bengua/ Riela Angela C. Josol
Tagalapat: Chithrill S. Maquiling
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto:

• Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa


pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino. CS_FTV11/12PS-
Oj-I-93

Aralin
Feasibility Study at Naratibong Ulat
6

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang pag-aaral na ginagawa
upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing
produkto at/o serbisyo?
A. Naratibong Ulat B. Feasibility Study C. Marketplace D. Abstrak
2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang dokumento na nagsasaad
ng pagkakasunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo
ng tao?
A. Naratibong Ulat B. Feasibilities Study C. Marketplace D. Abstrak
3. Ano ang kahalagahan ng isang pag-aaral na ginagawa upang malaman
ang iba’t ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto at/o
serbisyo?
A. upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad sa isang
produkto o serbisyo
B. para matiyak kung maaari bang ibigay at/o ipamahagi ang
produkto.
C. para makita ang benepisyo ng pananalapi.
D. upang malaman kung ano ang kahinaan ng produkto.

1
4. Anong bahagi ng feasibility study na tumutukoy sa pamamaraan kung
paano magagamit ng tao ang produkto/serbisyo?
A. Iskedyul C. Abstrak
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
5. Bahagi ng feasibility study na binigyang diin dito ang kalakasan ng
produkto o serbisyo
A. Iskedyul C. Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
6. Ito’y madalas na isinusulat na huli sa isang feasibility study.
A. Iskedyul C. Executive Summary
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
7. Ang naratibong ulat ay isang dokumento na nagsasaad ng ____________
na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao.
A. sunod-sunod B. detalyado C. abstrak D. epekto
8. Sa feasibility study ay matatagpuan din dito ang mga ________________
na may kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng pag-
aaral.
A. sunod-sunod B. detalyado C. abstrak D. salitang teknikal
9. Ang mga sumusunod ay ang mga elemento ng naratibong ulat MALIBAN
sa isa.
A. kronolohikal na pagkakaayos
B. walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari
C.buo ang mahahalagangelemento ng isang talatang nagsasalaysay
D. Projection sa Pananalapi at Kita
10. Alin sa sumusunod na elemento ng naratibong ulat ang tumutukoy sa
pagiging obhetibo at hindi maaaring maglagay ng personal na opinion?
A. kronolohikal na pagkakaayos
B. walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari
C.buo ang mahahalagang elemento ng isang talatang nagsasalaysay
D. Projection sa Pananalapi at Kita
11. Ito’y ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa mga pananaliksik na may
kinalaman sa agham at teknolohiya, inhenyeriya at iba pang katulad ng
mga larangan.
A. Naratibong Ulat B. Feasibilities Study C. Marketplace D. Abstrak
12. Bakit mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talatang nagsasalaysay?
A. upang maging mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat
B. upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nais

2
makakuha ng impormasyon
C. upang magkaroon ng sistemaatikong dokumentasyon
D. upang sunud-sunod ang mga pangyayari o kaganapan
13. Bahagi ng feasibility study na itinakda ang panahon kung kailan dapat
magawa ang mga produkto o serbisyo.
A. Iskedyul C. Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta

14. Sa pagsulat ng naratibong papel mahalaga na banggitin ang ________ at


panahon kung kailan naganao ang pag-uusap/pagpupulong/gawain,
kailangan kilalanin din kung sino-sino ang kasali sa gawain.
A. tauhan B. tagpuan C. Iskedyul D. Abstrak
15. Anong bahagi ito ng FS na nagbibigay ng kabuuang pagtanaw sa
nilalaman.
A. Iskedyul C. Abstrak
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta

Balikan

Gawain A (Gawin Natin!)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kalahating papel nasa


anyong pahalang.

1. Magbigay ng pinakahuling bagay na iyong binili.

2. Maaari ba na ilarawan mo ito?

3. Bakit mahalaga and deskripsyon ng mga produkto?

3
Tuklasin

Gawain B

Panuto: Sumulat ng mga posibleng maging negosyo o produktong puwedeng


ialok sa publiko. Sagutin ang mga sumusunod sa hiwalay na sagutang papel.

1. Kung produkto ang napili, ano ang bagong puwede nilang ibigay sa publiko
para ito ay mabili?

2. Kung negosyo naman ang itatayo, saan, sino at magkano ang mga mga
kakailanganin para ito magtagumpay.

3. Sa paanong paraan naiproseso ng magkapareha bago nakarating sa


desisyon?

4. Naging madali ba o naging mahirap ang pagpili?

5. Bakit mahalagang pag-isipan ang mga dapat gawin sa pagtatayo ng


negosyo o pagbebenta ng produkto sa publiko?

6. Mahalaga ba ang pananaliksik o feasibility study bago magtayo ng negosyo


o magbenta ng produkto? Bakit?

Suriin

FEASIBILITY STUDY

• isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sangkap


at epekto ng iminumungkahing produkto o serbisyo at kung ito ay
naaayon sa pangangailangan sa pamilihan

• komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang


pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita

• may mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study

4
• kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study ay matatagpuan
dito ang mga salitang teknikal na may kinalaman sa proyekto o
pangunahing paksang ginagawan ng pag-aaral

• kalimitan itong ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa mga


pananaliksik na may inalaman sa agham at teknolohiya, inhenyeriya
at iba pang katulad ng mga larangan

• dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong


nilalaman ng isang feasibility study dahil nakatutulong ito upang
makita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain

• karaniwan ding nilalakipan ng mga apendise ang ganitong uri ng


sulatin na maaaring maging sanhi upang lalo pang maging malaman
ang isang feasibility study

pinagkunan: Enero, J., Bitoon, M.A. (2020).ADM/FILIPINO SA PILING LARANG: TECH


VOC Kuwarter 4-Modyul 5 Feasibility Study at Naratibong Ulat.Department of Education
- Dibisyon ng Cagayan de Oro City, Philippines

Kahalagahan ng Feasibility Study (FS)

• upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad sa isang produkto o


serbisyo

• mapaghahandaan ang iba’t ibang sanhi at epekto na makapagbago sa


produkto o serbisyo

Iba’t Ibang Bahagi ng Feasibility Study

1. Abstrak
• nagbibigay ng kabuuang pagtanaw sa nilalaman ng FS

• huli itong isinusulat kapag buo na ang lahat ng iba pang bahagi

2. Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo


• malinaw na inilalarawan dito ang produkto o serbisyong ibebenta o
ibinibigay

• bigyang-diin dito ang kalakasan ng produkto o serbisyo

3. Mga Kagamitan
• ipinapaliwanag nito ang mga konsiderasyong kinakailangan kaugnay ng
aspektong teknolohikal

5
4. Markeplace
• inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta
ang produkto
• nababanggit din dito ang bentahi nito sa iba

5. Estratehiya sa Pagbebenta
• tatalakayin sa bahaging ito ang paraan sa pagpapaabot sa produkto o
serbisyo

6. Mga Taong may Gampanin


• tinitiyak sa bahaging ito ang mga tao at ang kanilang espisikong trabaho
para sa produkto o serbisyo

7. Iskedyul
• itinakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa ang
mga produkto o serbisyo

8. Projection sa Pananalapi at Kita


• tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong nakiki-tang benepisyong
pananalapi

9. Rekomendasyon
• inilalahad sa bahaging ito ang paglalagom at pagbibigay mungkahi batay
sa ikalawa hanggang ikawa-long bahagi

pinagkunan: Enero, J., Bitoon, M.A. (2020).ADM/FILIPINO SA PILING LARANG: TECH


VOC Kuwarter 4-Modyul 5 Feasibility Study at Naratibong Ulat.Department of Education
- Dibisyon ng Cagayan de Oro City, Philippines

NARATIBONG ULAT
• isang dokumento na nagsasaad ng sunud-sunod na pangyayari o
kaganapan sa isang tao o grupo ng tao

• isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa, mahalaga ito


upang magkaroon ng sistematikong dokumentasyon ang mga nangyari o
kaya’y kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan na

• isa pang kahalagahan ng naratibong ulat ay upang makapagbigay ng


sapat na impormasyon sa mga taong nais makakuha ng impormasyon
hinggil sa isang espesipikong bagay, serbisyo, produkto o pangyayari

6
Mga Elemento ng Naratibong Ulat

1. Kronolohikal na pagkakaayos
• Sa pagsusulat ng naratibong ulat, mahalaga na nagsisimula at magtapos
batay sa nangyari.
• Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari. Makagugulo
ito sa sinumang magbabasa ng nagawang pag-uulat.

2. Walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari


• Dahil ang isang naratibong ulat ay obhetibo, hindi maaaring maglagay ng
personal na opinyon o kaya’y personal na opinyon.
• Iwasan ang paggamit ng mga pang-uri upang ilarawan ang pangyayari.
Mas mahalaga na marami ang mga pandiwa.

3. Buo ang mahahalagang elemento ng isang talatang nagsasalaysay


• Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talatang nagsasalaysay upang
maging mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat

a. Konteksto
Kailangang masagot ang sumusunod na tanong:
• Kailan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?

• Saan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?

• Tungkol saan ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?

• Bakit naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?

b. Mga kasaling tao


• Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganao ang pag-
uusap/pagpupulong/gawain, kailangan kilalanin din kung sino o sino-
sino ang kasali sa gawain.
• Mahalagang kilalanin sila sa pamamagitan ng pagbanggit ng buong
pangalan sa unang beses na banggitin ang pangalan nila. Sakaling
babanggitin uli, maaaring sabihin na lamang ang apelyido. Kung may
kaparehong apelyido, banggitin ang unang letra ng pangalan bago ang
buong apelyido.

halimbawa: Binanggit ni Bb. A. Perez ang kahalagahan ng pinupuntong


resolusyon ni G. S. Perez.

c. Resolusyon (kung mayroon man)

• Kung ang pangunahing dahilan ng paguusap/pagpupulong /gawain ay


para magkaroon ng paglilinaw, desisyon, o rekomendasyon, mahalaga na

7
maitala ang resolusyong ito sa pinakamatapat na pamamaraan. Kung
kakayanin, maging verbatim ang nabuong resolusyon.

pinagkunan: Enero, J., Bitoon, M.A. (2020).ADM/FILIPINO SA PILING LARANG: TECH


VOC Kuwarter 4-Modyul 5 Feasibility Study at Naratibong Ulat.Department of Education
- Dibisyon ng Cagayan de Oro City, Philippines

Pagyamanin
Gawain C
Panuto: Magbigay ng kahalagahan ng feasibility study sa isang desisyon?
Anong kaugnayan ng feasibility study sa piling larang ng mga mag-aaral.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gawain D

Panuto: Alamin kung anong produkto o serbisyo ang kailangan sa inyong


lugar. Itala sa kwaderno ang mga naturing na mga produkto. Mula rito,
umisip ng mga paraan upang matugunan ang pangangailangan na ito. (10
puntos)

Isaisip

Gawain E
Panuto: Punan ang patlang sa bawat bilang ng pinakaangkop na salita upang
mabuo ang pangungusap nito. (2 puntos bawat bilang)

1-2. Ang feasibility study ay isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang
iba’t ibang __________ at __________ ng iminumungkahing produkto at/o
serbisyo at kung ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan.

3. __________ ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang


feasibility study dahil nakatutulong ito upang Makita ang kahihinatnan ng
isang negosyo o gawain.

8
4. _______________ ang ga nitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang
pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita.

5. Mahalaga ang feasibility study upang matiyak ang ______________ na


paglulunsad sa isang produkto o serbisyo.

6. Ang __________ ay nagbibigay ng kabuuang pagtanaw sa nilalaman ng


feasibility study.

7. Sa rekomendasyon na bahagi, inilalahad ang _____________ at pagbibigay


mungkahi batay sa ikalawa hanggang ikawa-long bahagi.

8. Sa feasibility study ay matatagpuan din dito ang mga ________________ na


may kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng pag-aaral.
9. Ang naratibong ulat ay isang dokumento na nagsasaad ng ____________ na
pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao.

10. Isa pang kahalagahan ng naratibong ulat ay upang makapagbigay ng


____________________________ sa mga taong nais makakuha ng impormasyon
hinggil sa isang espesipikong bagay, serbisyo, produkto o pangyayari.
Gawain F.
Panuto: Gamit ang semantic web, isa-isahin ang mga bahagi ng Feasibility
Study. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian.

Mga Bahagi
ng
Feasibility
Study

9
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang pag-aaral na ginagawa upang


malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto
at/o serbisyo?
A. Naratibong Ulat B. Feasibility Study C. Marketplace D. Abstrak
2.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang dokumento na nagsasaad ng
pagkakasunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng
tao?
A. Naratibong Ulat B. Feasibilities Study C. Marketplace D. Abstrak
3. Ano ang kahalagahan ng isang pag-aaral na ginagawa upang malaman
ang iba’t ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto at/o
serbisyo?
A. upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad sa isang
produkto o serbisyo
B. para matiyak kung maaari bang ibigay at/o ipamahagi ang
produkto.
C.para makita ang benepisyo ng pananalapi.
D. upang malaman kung ano ang kahinaan ng produkto.
4. Anong bahagi ng feasibility study na tumutukoy sa pamamaraan kung
paano magagamit ng tao ang produkto/serbisyo?
A. Iskedyul C. Abstrak
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
5. Bahagi ng feasibility study na binigyang diin dito ang kalakasan ng
produkto o serbisyo
A. Iskedyul C. Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
6. Ito’y madalas na isinusulat na huli sa isang feasibility study.
A. Iskedyul C. Executive Summary
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta

7. Ang naratibong ulat ay isang dokumento na nagsasaad ng ____________


na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao.
A. sunod-sunod B. detalyado C. abstrak D. epekto

10
8. Sa feasibility study ay matatagpuan din dito ang mga ________________
na may kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng pag-
aaral.
A. sunod-sunod B. detalyado C. abstrak D. salitang teknikal
9. Ang mga sumusunod ay ang mga elemento ng naratibong ulat MALIBAN
sa isa.
A. kronolohikal na pagkakaayos
B. walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari
C.buo ang mahahalagangelemento ng isang talatang nagsasalaysay
D. Projection sa Pananalapi at Kita
10. Alin sa sumusunod na elemento ng naratibong ulat ang tumutukoy sa
pagiging obhetibo at hindi maaaring maglagay ng personal na opinion?
A. kronolohikal na pagkakaayos
B. walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari
C.buo ang mahahalagang elemento ng isang talatang nagsasalaysay
D. Projection sa Pananalapi at Kita
11.Ito’y ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa mga pananaliksik na may
kinalaman sa agham at teknolohiya, inhenyeriya at iba pang katulad ng
mga larangan.
A. Naratibong Ulat B. Feasibilities Study C. Marketplace D. Abstrak
12. Bakit mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talatang nagsasalaysay?
A. upang maging mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat
B. upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nais
makakuha ng impormasyon
C. upang magkaroon ng sistemaatikong dokumentasyon
D. upang sunud-sunod ang mga pangyayari o kaganapan
13. Bahagi ng feasibility study na itinakda ang panahon kung kailan dapat
magawa ang mga produkto o serbisyo.
A. Iskedyul C. Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta
14. Sa pagsulat ng naratibong papel mahalaga na banggitin ang ________ at
panahon kung kailan naganao ang pag-uusap/pagpupulong/gawain,
kailangan kilalanin din kung sino-sino ang kasali sa gawain.
A. tauhan B. tagpuan C. Iskedyul D. Abstrak
15. Anong bahagi ito ng FS na nagbibigay ng kabuuang pagtanaw sa
nilalaman.
A. Iskedyul C. Abstrak
B. Markeplace D. Estratehiya sa Pagbebenta

11
Karagdagang Gawain

Gawain G
Panuto: Mag-isip ng magandang produkto na maaaring gawin sa isang
feasibility study. Bumuo ng isang pamagat at plano ng feasibility study na
sasaliksikin. Gamitin ang mga produkto na naangkop o kailangan sa inyong
lugar.

RUBRIK SA PAGGAWA NG FEASIBILITY STUDY


Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangan pang
(10) (8) magsanay
(6)
Nilalaman Wasto ang lahat May isa o May tatlo o higit
ng nilalaman nG dalawang mali pang mali sa
gawain ang gawain gawain
Organisasyon Napakaayos ng Maayos ang May kaguluhan
ng mga ideya mga ideya ang mga ideya
Ideya
Gramatika Naisulat nang Di-gaanong Nangangailangan
wasto ang wasto ang ng tulong sa
baybay ng mga pagkakasulat ng pagsulat ng
salita baybay ng mga baybay ng mga
salita salita
Puntos 30 24 18
Kabuuan 30 puntos

12
13
Subukin
GAWAIN E:
1. B 1-2. sangkap, epekto GAWAIN A:
2. A 3. detalyado
Iba-iba ang
3. B 4 komprehensibo
kasagutan.
4. D 5. matagumpay
Gamitin ang
5. C 6. abstrak
Pamantayan sa
6. C 7. paglalagom
Pagmamarka para
7. A 8. salitang teknikal
sa mga gawaing
8. D 9. sunod-sunod
ito.
9. D 10. sapat na
10. B impormasyon GAWAIN B, C, at D:
11. B Iba-iba ang
12. A kasagutan.
GAWAIN F :
13. A Gamitin ang
14. B 1.abstrak Pamantayan sa
15. C 2.Paglalara wan ng Pagmamarka para
Produkto o Serbisyo sa mga gawaing
3.Mga Kagamitan ito.
GAWAIN G : Iba-iba ang
4.Markeplace
kasagutan. Gamitin ang
5.Estratehiya sa
Pamantayan sa
Pagbebenta
Pagmamarka para sa
6. Mga Taong may
gawaing ito.
Gampanin
7. Iskedyul
8. Projection sa
Pananalapi at Kita
9. Rekomendasyon
Susi sa Pagwawasto
14
Ht/edit
https://docs.google.com/document/d/1On3SrAA6fFFtuxIknaWwex_J2tAss
Hanguang elektroniko
of Education - Dibisyon ng Cagayan de Oro City, Philippines
Kuwarter 4-Modyul 5 Feasibility Study at Naratibong Ulat. Department
Enero, J., Bitoon, M.A. (2020).ADM/FILIPINO SA PILING LARANG: TECH VOC
Aklat
MGA SANGGUNIAN
TAYAHIN
GAWAIN E:
16. B 1-2. sangkap, epekto GAWAIN A:
17. A 3. detalyado
Iba-iba ang
18. B 4 komprehensibo
kasagutan.
19. D 5. matagumpay
Gamitin ang
20. C 6. abstrak
Pamantayan sa
21. C 7. paglalagom
Pagmamarka para
8. salitang teknikal
22. A sa mga gawaing
9. sunod-sunod
23. D ito.
10. sapat na
24. D impormasyon GAWAIN B, C, at D:
25. B Iba-iba ang
26. B kasagutan.
27. A GAWAIN F:
Gamitin ang
28. A 1.abstrak Pamantayan sa
29. B 2.Paglalara wan ng Pagmamarka para
30. C Produkto o Serbisyo sa mga gawaing
3.Mga Kagamitan ito.
4.Markeplace
GAWAIN G : Iba-iba ang 5.Estratehiya sa
kasagutan. Gamitin ang Pagbebenta
Pamantayan sa 6. Mga Taong may
Pagmamarka para sa Gampanin
gawaing ito. 7. Iskedyul
8. Projection sa
Pananalapi at Kita
9. Rekomendasyon

You might also like