You are on page 1of 40

Filipino sa Piling Larang

(Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan –
ARALIN 4: Manwal
Matapos ang aralin na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa


pagsasagawa ng mga binasang
halimbawang sulating teknikal-
bokasyunal (CS_FFTV11/12PB-0g-i-
106).
1.a. Natutukoy ang mga bahagi ng
manwal.
1.b. Nasusuri ang mga hakbang sa
pagsasagawa ng manwal
SAGUTAN
NATIN!
TAMA o MALI.
Isulat sa patlang ang TAMA
kung wasto ang pahayag at
MALI kung hindi.
1. Sa pagsulat ng manwal kinakailangang payak at
simple ang mga salita.
2. Hindi na kinakailangan pang alamin kung para
kanino ang manwal.
3. Mahaba at detalyadoang ilalagay sa manwal
4. Magkaugnay ang nilalaman at paksa ng manwal
5. Pormal ang wikang gagamitin at kakikitaan ng
salitang teknikal na naaayon sa isang partikular na
trabaho.
SAGOT:

1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
Aralin 1:
Mga Bahagi
ng manwal
Mga Bahagi ng
Manwal
Mga Bahagi ng Manwal
1. Pamagat- Nagbibigay ng pangunahing
ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal.
Mga Bahagi ng Manwal
2. Talaan ng nilalaman- Nakasaad dito ang
pagkakahati-hati ng mga paksa sa
loob ng manwal at ang pahina kung saan ito
tinalakay.
Mga Bahagi ng Manwal
3. Pambungad- Naglalaman ng paunang
salita ukol sa manwal gayundin ang
mensahe o pagpapaliwanag ukol sa
nilalaman nito mula sa may-akda o sa
isang taong may kaugnayan sa
kompanyang nagmamay-ari ng manwal.
Mga Bahagi ng Manwal
Mga Bahagi ng Manwal
4. Nilalaman- Tumatalakay sa katawan ng
manwal sa mismong pagpapaliwanag
ng mga gabay, pamamaraan at/o
alituntunin.
Mga Bahagi ng Manwal
Mga Bahagi ng Manwal
Mga Bahagi ng Manwal
5. Appendise- Matatagpuan dito ang mga
kalakip na impormasyon hinggil sa
manwal tulad ng mga impormasyon sa
pagkontak, mga tala atbp.
Mga Bahagi ng Manwal
Aralin 2:
Mga Hakbang sa
Pagsasagawa ng manwal
Hakbang sa Pagsulat
ng Manwal
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
1.Panatilihin ang pagiging payak at simple
ng mga salita.
- Gumamit ka ng mga salitang madaling
maunawaan. Hindi kinakailangang maligoy ang mga
salitang iyong gagamitin. Huwag ding gumamit ng
malalalim na salita.
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
2. Alamin kung para kanino ang manwal na
gagawin.
--Kinakailangang alam mo kung sino ang target na
gagamit ng manwal. Para kanino ang manwal na
iyong ginagawa o gagawin. Para ba ito sa isang
kompanya na madalas ay ibinibigay sa mga
empleyado, Sa Tahanan na ginagamit upang
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
2. Alamin kung para kanino ang manwal na
gagawin.
--maging gabay sa pagbuo at kung paano paganahin ang
isang produkto o appliances na naabili, Sa mga
Tindahan/Negosyo ito ay paghahanda kung upang
maturuan ang mga tao/mamimili kung paano gagamitin
ang kanilang produkto. At sa Edukasyon na isang sulating
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
3. Maging maigsi at tiyak sa pagkakabuo
ng mga detalye na ilalagay sa manwal.
-- Gawin mong maikli ang mga detalye sa
manwal. Hindi kinakailangang malawak ang
paglalahad sa nilalaman ng manwal. Kung ano
lang ang impormasyon iyon lamang ilalagay.
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
4. Bigyang tuon sa isusulat na manwal ang
paksang ipapaloob dito.
-- Pag-isipang mabuti kung ano ang ilalagay na
paksa sa isang manwal. Ang nilalaman at kabuoan
ng manwal na iyong ginagawa at isinusulat ay may
kinalaman sa napili mong paksa.
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
5. Pormal ang gagamiting wika na
kakikitaan ng mga salitang teknikal na
kailangan sa isang partikular na trabaho.
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
-Gumamit ka ng pormal na salita o wika sa iyong
ginagawang manwal. Ang mga wika na iyong
gagamitin ay mga salitang teknikal na may
kinalaman sa isang partikular na trabaho. Isaalang-
alang mo rin ang produkto, negosyo,
gusali, at edukasyon kinabibilangan ng manwal na
iyong ginagawa.
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
6. Alamin ang gamit ng transition devices
(Mga salitang ginagamit sa pagbuo ng mga
hakbang.
-- Ang transitional devices mga katagang nag-
uugnay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
o gawain ang mga halimbawa nito ay:
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
a. Naghuhudyat o nagsesenyas; halimbawa nito ang una,
ikalawa (pangalawa), ikatlo, pagkatapos, saka, sumunod,
wakas at pati.
b. Pagbabagong-Ilahad- sa iba pang salita, sa madaling-
sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang dako atbp.
c. Pagtitiyak- Katulad o tulad ni o ng, gaya, sumunod,
kahalintulad.
Hakbang sa Pagsulat ng
Manwal
d. Paglalahat- bilang pagtatapos, bilang pagwawakas at
iba pa.
e. Panandang naghuhudyat- sa akin, palagay/opinion,
bagaman, at iba pa
f. Pagsalungat- ngunit, datapwat, subalit at iba pa.
g. Pananhi- kaya, dahil sa, sapagkat.
-Ito rin ay paglilista ng mga ideya at iba pa sa paglalahad.
Mga Uri ng
Manwal
Mga Uri ng Manwal:
1.Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual)
- Para sa konstruksiyon o pagbuo ng isang
gamit, alignment, calibration, testing, at
adjusting ng isang mekanismo.
Mga Uri ng Manwal:
2. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa
Paggamit (User Manual o Owner’s Manual)
- Naglalaman ng gamit ng mekanismo,
routine maintenance o regular na
pangangalaga at pagsasaayos ng mga
kagamitan, at mga pangunahing operasyon
o gamit ng isang mekanismo.
Mga Uri ng Manwal:
3. Manwal na Operasyonal
(Operational Manual)
- Kung paano gamitin ang mekanismo at
kaunting maintenance.
Mga Uri ng Manwal:
4. Manwal-Serbisyo (Service Manual)
- Routine maintenance ng mekanismo,
troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira,
o pagpapalit ng depektibong bahagi.
Mga Uri ng Manwal:
5. Teknikal na Manwal (Technical Manual)
- nagtataglay ng espesipikasyon ng mga
bahagi, operasyon, calibration, alignment,
diagnosis, at pagbuo.
6. Manwal para sa Pagsasanay
(Training Manual)
- Ginagamit sa mga programang
pampagsasanay ng particular na mga grupo
Mga Uri ng Manwal:
7. Employees’ Manual o Handbook o ang
mga itinakda para sa mga empleyado ng
isang kompanya upang makapaglahad ng
mga kalakaran, alituntunin at iba pang
prosesong mahalaga sa kompanya.
Nagsisilbi itong gabay sa mga empleyado
nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga
kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi
dapat gawin sa loob ng kompanyang
pinapasukan.
Mga Katangian ng
isang mahusay na
manwal
Mga Katangian ng isang
mahusay na manwal
1. Malinaw ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng
paggamit ng sino, ano, kailan, saan, bakit, at paano.
2. Ang mga impormasyon ay mula sa mga eksperto.
3. Sistematiko ang pagkakaayos ng impormasyon.
4. Angkop at mahusay na paggamit ng disenyo at ilustrasyon
5. May maayos na pagkakalatag ng balangkas
Sanggunian
Filipino sa Piling Larang- Teknikal-Bokasyunal
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Ikaapat na Linggo: Sulating
Teknikal-Bokasyunal: Ang Manwal
Unang Edisyon, 2020

Filipino sa Piling Larang – Ikalabing-isang


Baitang/Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Manwal
Unang Edisyon, 2020
Salamat sa
inyong
pakikinig!
www.reallygreatsite.com

You might also like