You are on page 1of 10

Paunang Gawain:

(Hatiin ang Klase sa 6 na pangkat)


Magbigay ng limang bagay o prdoukto na madalas niyong
bilhin.
• Ano-ano ang katangian nito na naging dahilan kaya mo
ito binili?
• Ilarawan at ibigay ang deskripsyon ng produkto.
• Bakit mahalaga ang deskripsyon ng produkto sa iyo
bilang mamimili.
Deskripsyon ng
Produkto
Ang Deskripsyon ng Produkto
Isang maikling sulatin na ginagawa para sa
pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo.
Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto
upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa mga
target na awdiyens o mamimili.
Kahalagahan ng Deskripsyon ng Produkto
1. Upang maipabatid sa mamimili ang kaukulang impormasyon hinggil
sa mga benipisyo, katangian, gamit o estilo, at presyo.
2. Pagpapakita sa mamimili ng angkop na produkto batay sa kanilang
pangangailangan.
3. Pagpapataas sa kalakasan ng produkto sa larang ng kompetensiya
sa merkado.
Paraan sa Paglilista ng mga Katawagan Teknikal na
Ginagamit sa Pagsulat ng Deskripsyon ng isang Produkto
1. Magsaliksik ng mga salita o terminolohiya na aangkop sa maayos na
gagawing paglalarawan sa isang produkto at humanap ng mga
salitang makakaapekto sa kanilang pandama.
2. Isulat ng buo ang teknikal na salita sa paglalarawan at iwasan na
isalin ito sa iba pang wika upang di magkaroon ng kalituhan ang
mambabasa.
3. Iangkop ang teknikal na mga salita sa pagkakabuo ng paglalarawan
sa isang produkto na naaayon sa nilalaman nito.
4. Sumunod sa tamang tuntunin mula sa masinop na
pagsulat sa ilalim ng paglalarawan ng isang bagay o
produkto.
5. Isinusulat sa malaking titik ang simula ng mga
pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at
trademarks.
6. Sistematikong isaayos ang mga teknikal na salita
sa loob ng pangungusap upang mabilis na
maintindihan ng mamimili ang nais ilarawan ng
produktong ibebenta.
INDIBIDWAL NA GAWAIN
Pumili ng dalawang produkto at ibigay ang mga sumusunod na
impormasyon:
1. Pangalan ng Produkto
2. Deskripsyon ng Produkto:
 Mga teknikal na salita at ibigay ang kahulugan nito
 Nilalaman ng produkto katulad ng benepisyo nito
 Orihinal na katangian
3. Ano-ano ang kahinaan at kalakasan na Nakita mosa pagsulat ng
isang deskripsyon ng produkto.
Takdang Aralin.

Ikaw ay magbubukas ng bagong negosyo


kung saan ikaw ay maglalabas ng bagong
produkto sa merkado.
Magdala ng isang larawan ng nais mong
produkto at gawan ito ng panibagong
deskripsyon.

You might also like