You are on page 1of 3

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech Voc) Grade: 12 Level: SHS Quarter: 3 Week : 2
MELC: Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal Competency Code: CS_FTV11/12PT-0a-c-93
na sulatin ayon sa:
a. Layunin,
c. Katangian
d. Anyo
e.Target na gagamit
Pangalan: Seksyon: Industry Petsa:
Paaralan: ALCOY NATIONAL HIGH SCHOOL District: ALCOY

A. Babasahin/Pagtatalakay sa Paksa
Uri ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin
Mahalagang bahagi ng industriya ang teknikal bokasyunal na sulatin dahil ito ay nagbibigay ng mahahalagang
dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat industriya. Ang iilan sa mga uri nito
ay ang mga sumusunod:
1. MANWAL – naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o
samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa
mga magbabasa nito.
Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga
impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang
manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika.
Maaari rin namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na
maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng
pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeks ang mga manwal.
2. LIHAM PANGNEGOSYO - na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan. Katulad ng iba pang
uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong sulat, petsa, patunguhan, bating pambungad, katawan
ng liham, bating pangwakas at lagda.
Nakatuon ang liham pangnegosyo sa mga transaksyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng halaga ng
mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham.
Isang pormal na sulatin, higit na pormal kaysa sa isang personal na sulat. Saklaw nito ang paghahanap ng trabaho,
paghingi ng impormasyon, pagtugon sa mga tanong o paglilinaw, promosyon ng mga ibinebenta o serbisyo, pagkalap
ng pondo, pagrehistro ng mga reklamo, pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon
atbp.
3. FLYERS / LEAFLETS - kalimitang ipinamumudmod ito upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o
serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay impormasyon din ang mga materyales na ito para sa mga mamimili o kung
sinomang makababasa ng mga ito.
Hindi maligoy ang pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa.
Ilan sa mga kadalasang nilalaman ng mga flyers/leaflets at promo materials ay mga katanungan at kasagutan
hinggil sa produkto o ang mga batayang impormasyong may kinalaman dito.
Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang mga ito upang higit na makita ang biswal na Kapansin-
pansin din ang pagiging tiyak at direkta ng mga impormasyong nakasulat sa mga ito. katangian ng isang produkto,
makulay rin ang mga ito na posibleng makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o susubok sa isang
bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami.
Posible ring makita ang ilang mga detalyeng may kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa likod ng pagbuo
ng mga nasabing materyales gayundin ang kanilang logo.
May mga pagkakataon ding pumapasok ang paglalaro sa mga salita at iba pang pakulo sa paglikha ng mga
flyers at promo materials upang higit na tumatak sa mga mamimili ang pangalan o kaya’y iba pang impormasyon
hinggil sa isang produkto o serbiyo. Makikita ito halimbawa sa kanilang mga tag line.
4. PROMO MATERIALS - makakatawag-pansin sa mga nakakakita nito, nakakamit ang layunin nitong makapagbigay
impormasyon hinggil sa isang produkto at makahikayat ng mga taong tatangkilik sa mga produkto. Importante ang
disenyo, konsepto, at tekstong nakapaloob sa gagawing promotional material. Nakaaapekto ito sa pagpukaw ng
atensiyon at sa magiging dating at tatak ng mga ito sa mga makakakita.
Ito ang mga materyales na ginagamit sa mga promo ng produkto. Ginagamit ito upang itanyag at ipakilala ang
binibentang produkto at mas lalong tangkilikin ng mga mamimili. Sa paraang ito, mas lalong nagiging sikat ang
kanilang binebenta at gayundin napatataas ang kita sa pamamagitan ng pagkuha ng interes ng mga mamimili.
5. DESKRIPSIYON NG PRODUKTO - Sadyang mahalaga ang wasto at sapat na pagpapakilala at pagbibigay-katangian
sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili. Kaugnay nito, kalimitang matatagpuan ang
ganitong paglalarawan sa pabalat, sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang babasahin tungkol dito. Tiyak,
wasto at makatotohanan ang inaasahang deskripsyon sa isang produkto. Marapat ding madali itong maunawaan ng
mga ibig tumangkilik dito sapagkat ito ang maaaring magtakda kung ito ba ay tatangkilikin o hindi. Nakatutulong din
ito upang mailahad kung ano ang katangi-tangi o kaya nama’y limitasyon ng isang bagay gayundin kung paaano ito
gagamitin nang tama.

1|Page
Hindi rin maitatanggi ang kagustuhan ng isang indibiduwal sa patuloy na pagkatuto kung kaya’t lagi tayong
handa sa pagkakaroon ng mga bagong kaalaman. Mas madaling matutunan ang iba’t ibang bagay kung may akses sa
mga materyales na nagtuturo kung paano gawin ang isang bagay o produkto.
Kalimitang may sinusunod na proseso o mga hakbang sa paggawa ng isang bagay. Nakalagay rin ang mga
ispesipikong gamit na kinakailangan upang mabuo at magawa ang isang bagay bago ang mga hakbang sa paggawa.
Maaari ring maglagay ng mga larawan ng ginagawa sa bawat hakbang para sa mga mambabasa upang
makita ang dapat na kalabasan sakaling gagawin nila ito. Marapat lamang na sundin ang mga ito upang hindi
magkamali at maging angkop ang kinakalabasan ng isang gawain. Malaking tulong ang dokumentasyon ng mga ito
upang higit na madali para sa mga tao ang sumusunod sa mga hakbang na nakasaad dito.

B. Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
A. Ano-ano ang unang lima sa mga uri ng teknikal bokasyunal na sulatin?
_____________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

B. Para saan kinakailangang gamitin ang bawat isa?

C. Anong katangian ang magkakatulad sa lahat ng nabanggit na teknikal bokasyunal na sulatin?
_____________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
D. Para kanino ang teknikal bokasyunal na sulatin?

Gawain 2:
Pagsulat ng Sanaysay

Panuto: Bumuo ng maikling sanaysay tungkol sa karanasan sa pagsulat ng 3 sa mga uri ng teknikal bokasyunal na
sulatin. (Gumamit ng isang malinis na papel)

2|Page
C. Paglalapat/Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.
1. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o
samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura at iba pang mga detalyeng nagsisilbing
gabay sa mga magbabasa nito.
a. Manwal b. Liham Pangnegosyo c. Flyers / Leaflets d. Promo Materials
2. Ito ay kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan.
a. Liham Pangnegosyo b. Manwal c. Promo Materials d. Flyers / Leaflets
3. Ito ay kalimitang ipinamumudmod upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo.
a. Flyers / Leaflets b. Promo Materials c. Manwal d. Liham Pangnegosyo
4. Makakatawag-pansin sa mga nakakakita nito, nakakamit ang layunin nitong makapagbigay impormasyon
hinggil sa isang produkto at makahikayat ng mga taong tatangkilik sa mga produkto.
a. Promo Materials b. Flyers / Leaflets c.Liham Pangnegosyo d. Manwal
5. Nakalagay dito ang mga ispesipikong gamit na kinakailangan upang mabuo at magawa ang isang bagay bago
ang mga hakbang sa paggawa.
a. Manwal b. Deskripsiyon Ng Produkto c. Flyers / Leaflets d. Promo Materials
6. Komprehensibo ang nilalaman nito dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon
tungkol sa isang bagay o paksa.
a. Liham Pangnegosyo b. Manwal c. Promo Materials d. Flyers / Leaflets
7. Saklaw nito ang paghahanap ng trabaho, paghingi ng impormasyon, pagtugon sa mga tanong o paglilinaw,
promosyon ng mga ibinebenta o serbisyo, pagkalap ng pondo, pagrehistro ng mga reklamo, pagbibigay ng
tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon atbp.
a. Flyers / Leaflets b. Promo Materials c. Manwal d. Liham Pangnegosyo
8. Ginagamit ito upang itanyag at ipakilala ang binibentang produkto at mas lalong tangkilikin ng mga mamimili.
a. Liham Pangnegosyo b. Manwal c. Promo Materials d. Flyers / Leaflets

Mga Sanggunian:

FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC Kagamitan ng Mag-aaral

FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC Patnubay ng Guro

GUIDE
For the Teacher: Please advise the students to read the discussion carefully to ensure total assimilation of the topic.
In doing so, they will be able to answer the given exercises smoothly.

For the Learner: Read the self-learning home task carefully from the first part to the last part. This will help you get a
clearer understanding of the subject matter.

For the Parent/Home Tutor: Please guide your child as he/she go through with the whole self-learning home task.
Make sure that he/she handles her time properly in order to prevent any deviations of the whole learning process.

3|Page

You might also like