You are on page 1of 8

12 Filipino

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)

Sulating Teknikal-Bokasyonal
Modyul 1

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang
natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-
aaralang modyul
Aralin
Teknikal-Bokasyonal na
1 Sulatin

Inaasahan

Magandang araw!

Simulan ang araw sa isang positibong pananaw.

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matutuhan ang mga kaalamang may
kaugnayan sa teknikal-bokasyonal na sulatin partikular ang kahulugan nito. Ang magiging
kaalaman mo rito ay maghahanda sa iyo sa mas mataas na antas ng karunungan tungo sa iyong
napiling larangan.

Kaya naman, pagkatapos sa modyul na ito kayong mga mag-aaral ay inaasahang:


Nabibigyang kahulugan ang teknikal- bokasyonal na sulatin.

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang ukol sa teknikal-bokasyonal na pagsulat.
Punuan ang mga patlang ng mga angkop na salita upang makumpleto ang kaisipan ng mga
ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.

1. Ang ay isa sa mga kasanayan ng pagsasatitik ng mga isipan ng mag- aaral at


sumusukat ng kahusayan nito sa paggamit ng wika.
A. pagsulat C. pagbasa
B. pakikinig D. panonood

2. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay gumagamit ng kumbensyonal na


__ _ at may sinusunod na anyo.
A. Istilo C. Pagsulat
B. Pananda D. Pamaraan

3. Huhubugin ng pagsulat ng mga teknikal-bokasyonal na sulatin ang ating mabisang


pakikipag-ugnayan sa lipunang Pilipino sa pamamagitan ng mga panulat gamit ang wikang
.
A. Filipino C. Kumbensyonal
B. Opisyal D. Pambansa

4. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay may angkop na mga terminolohiya sa pagsulat sa


bawat tiyak na gawain at ang pagpapahayag ng impor- masyon ay at hindi
maligoy.
A. tuwiran
B. masining
C. makatuwiran
D. mabulaklak
5. Ang sulating teknikal-bokasyonal ay nagpapahayag sa isang paksa na nangangailangan ng
direksyon, pagtuturo at _ _ sa mabisang paraan.
A. paggamit
B. pagpapaliwanag
C. pagdedemonstreyt
D. paghahalimbawa

Balik-tanaw
Binabati kita sa mabilis na pagsagot mo sa Unang Pagsubok!

Ngayon, balikan natin sandali ang natutuhan mo sa Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat, pag-


isipan natin ang kahalagahan nito sa panahong kinapapamuhayan natin sa kasalukuyan.

Sa panahon ngayon na may Pandemik ng Covid-19, napakalaki ng dulot nito sa ating mga
buhay partikular sa ating mga kabuhayan. Bilang mag-aaral ng Technical-Vocational na Strand,
natutuhan mo na ang kahulugan ng Teknikal- Bokasyonal na Pagsulat at ang kabuluhan nito sa
ating buhay. Ngayon sa totoong kalagayan mo kung pakaiisipin mo, paano mo nakita o nakikita ang
tulong na naibigay o maibibigay sa iyo ng mga bagay at kaalaman na ito na natutuhan mo sa
Teknikal-Bokaysonal na Pagsulat? Pakaisipin mo sandali at pagkatapos isulat sa kwaderno ang
iyong kasagutan at ipaliwanag.

GABAY SA PAGMAMARKA
Katotohanan ng Kalagayan 5
Pagsasaayos ng mga Ideya 5
Kaalaman sa Paggamit ng Wika 5
Kabuuan 15

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagsulat ay kabilang sa mga kasanayan ng komunikasyon. Ang mga kaisipang


mahirap bigkasin ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng pagsulat. Subalit ang kasanayang ito
ay hindi madaling matutuhan, kailangang may pormal na pagsasanay ang sinuman sa loob ng
paaralan.

Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng mga tiyak na kasanayang kaugnay ng


Teknikal-Bokasyonal na Sulatin. Huhubugin ang mabisang pakikipag- ugnayan mo sa
pamamagitan ng panulat gamit ang wikang Filipino. Magagamit mo nang lubos ang kakayahang
matututuhan dito sa pagharap mo sa larangang nais mong tahakin sa mga susunod na panahon.

Ang Teknikal-Bokasyonal na Sulatin

Ang teknikal- bokasyonal na sulatin ay nangangailangan ng masusing paghahanda at


pananaliksik upang maipahayag ito nang mabisa ayon sa pangangailangan ng mambabasa.
Ang pagsulat ay isa sa mga kasanayang sumusukat ng kahusayan sa paggamit ng wika. Ito
ay pormal na natututuhan sa paaralan sa patnubay ng mga guro. Ang sulating teknikal ay isang
obhektibong paraan ng pagpapahayag ng kaisipan. Ang salitang Ingles na technical ay mula sa
wikang Griyego na techne na ang katumbas ay sining at kasanayan. Ang sulating teknikal ay
nagpapahayag sa isang paksa na nangangailangan ng direksyon, pagtuturo at pagpapaliwanag sa
mabisang paraan. Ito rin ay nagpapahayag nang tuwiran, nagpapaliwanag sa pinakamadali at
epektibong paraan ng pagtuturo at paano ito maisasagawa.

Ito ay pasulat na pakikipag-ugnayan na nakatutok sa pang-unawa ng mga mambabasa sa


halip na kasiyahan sa pagbabasa sa pamamagitan ng malinaw at tiyak na pananalita. Gumagamit
ito ng kumbensyonal na istilo at may sinusunod na anyo. Dinesenyo upang itala at ipaliwanag sa
pinakamadaling paraan ang paggamit ng isang kasangkapan. Ang sulating teknikal ay mabisang
instrumento sa paghahatid ng isang ideya, pananaw, obserbasyon, instruksyon at mungkahi sa
pamamagitan ng lohikal at teknikal na paraan.

Gawain 1
Panuto: Pumili ka ng kapareha sa tulong ng text messaging or chat. At mula sa salitang SULATIN,
bigyan ng pagpapakahulugan ang bawat titik sa pama- magitan ng pag-alala sa mga
natutuhang kahulugan ng teknikal- bokasyonal na sulatin.

S-

U-

L-

A-

T-

I-
Panuto: Bumuo ng diyalogo ukol sa natutuhan mong kahulugan ng teknikal- bokasyonal na sulatin.
Pagkatapos, makipag-usap sa isang kamag-aral sa pamamagitan ng text o messenger chat
kung hindi makapag-uusap nang personal. Magbahagihan ng mga pagkakatulad at
pagkakaiba ng inyong nabuong mga diyalogo.

Mga Mag-aaral A Mga Mag-aaral B


Tandaan

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Humarap sa salamin. Sipatin mo ang sarili mo at ipagpalagay na ikaw ay mag-uulat sa


telebisyon. Ibahagi mo ang iyong natutuhan tungkol sa teknikal-bokasyonal na sulatin.

Pamantayan sa Pagmamarka

Kaangkupan ng 5 puntos
paksa
Malikhain 5 puntos

Hikayat sa madla 5 puntos

Kabuuan 15 puntos

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin ang mga pangungusap na tumatalakay ukol sa teknikal- bokasyonal na sulatin.
Sagutin ang mga tanong at isulat sa kwaderno ang sagot.

1. Anumang uri ng propesyonal na gawain ang ginagawa mo, maaaring ito ay


nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at marami rito ay likas na
.
A. teknikal
B. malikhain
C. matalinghaga
D. Mapang-aliw
2. Ikaw ay naatasan ng iyong guro na sumulat ng isang teknikal-bokasyonal na sulatin ukol
sa isang negosyong maaari mong pasimulan sa maliit na puhunan at resorses na mayroon
ka, gayundin batay sa kakayahan mo. Ano-ano ang dapat mong isaalang-alang sa
pagsulat?
A. Malalim na pag-iisip
B. Malawak na pagsasanay
C. Masusing paghahanda at pananaliksik
D. Paggamit ng mabubulaklak na pananalita upang makakumbinsi
3. Ikaw ay maglalahad sa harap ng klase sa pamamagitan ng Zoom Meeting ng isang sulating
teknikal-bokasyonal na isinulat mo ukol sa isang usapin sa larangan ng Automotive o
Cookery. Alin sa mga katangian ng sulatin ang HINDI angkop sa nilikha mo?
A. May angkop na pananalita.
B. Nagpapalawak ng imahinasyon.
C. Ito ay nagpapahayag nang tuwiran.
D. Nagpapaliwanag sa pinakamadali at epektibong paraan ng pagtuturo at paano
maisasagawa ang gawain.
4. Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang introdaksyon ng mag-aaral sa iba’t
ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon. Sa
ganitong kalagayan, ano ang nararapat na laging isinasaisip para sa mabisang
pagpapahayag?
A. pananaliksik C. pagbabalangkas
B. pag-iisip D. pagsusulat
5. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay nagpapahayag sa isang na
pananalita.
A. tuwiran C. maligoy
B. makatuwiran D. mabulaklak
6. Susulat ka sa inyong kapitan ng barangay upang humiling ng tulong para sa iyong
kapitbahay na napuna mong ilang araw ng nilalagnat. Anong partikular na katangian ng
sulating teknikal-bokasyonal ang dapat mong isaisip?
A. Batay sa katotohanan
B. Mapaglaro ng imahinasyon
C. Punong-puno ng impormasyon
D. May sariling istilo ng pagpapahayag
7. Nais mong maging mahusay na Chef balang araw. Kinakailangan mong magsanay sa
pagsulat ng mga teknikal-bokasyonal na sulating may kaugnayan sa
pinagpapakadalunhasaan mo. Anong uri ng detalye ang dapat mong isaisip ukol sa
pagsulat ng mga teknikal-bokasyonal na sulating ito?
A. makatuwiran C. obhetibo
B. batay sa opinyon D. matalinghaga
8. Ano ang pangunahing tunguhin mo sa pagsulat ng teknikal-bokasyonal na sulatin?
A. Pagsulat na nagkapagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
B. Pagsulat na nagpapagalaw ng imahinasyon.
C. Pagsulat na nanlilibang.
D. Pagsulat na nag-uulat.
9. Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal na pagsulat,
mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo sapagkat
A. alam mo ang mga tiyak na istilong dapat gamitin sa pagsulat.
B. walang makapipigil sa iyong kahusayan at kabisaan.
C. mataas ang tiwala mo sa sarili na kaya mo ang gawain.
D. naranasan mon a ito.

10. Nais mong aralin at hasain ang kakayahan mo bilang nagpapakadalubhasa sa larangang
iyong pinili. Kaya naman sulat ka nang sulat ng iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin
kaugnay ng iyong larangan. Dahil diyan, ano ang malilinang sa iyong sarili?
A. Makabubuo ka ng sarili mong istilo.
B. Mapatataas mo ang antas ng iyong tiwala sa sarili.
C. Magiging mahusay kang chef.
D. Magiging matalino ka.
Papel sa Replektibong Pagkatuto
Panuto: Mula sa iyong natutuhan ukol sa Teknikal-bokasyonal na Pagsulat, ano ang maitutulong
nito sa iyong pagkatao at sa iyong pakikipamuhay sa lipunang ginagalawan mo at sa
iyong pinag-aaralang larangan? Isulat ang sagot sa kwaderno sa pamamagitan ng
paggamit n g unang linyang, “Napag-isip-isip kong …

Napag-isip-isip kong
_
_
_

You might also like