You are on page 1of 13

SHS

11/12

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING


LARANG (TECH-VOC)
MODYUL 5
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan, kalikasan,
katangian ng iba’t ibang anyo ng teknikal –bokasyonal. CS_FTV11/12EP-0D-F-42

1
Modyul 5: LIHAM-PANGNEGOSYO
MELC:Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan, kalikasan, katangian
ng iba’t ibang anyo ng teknikal -bokasyonal. CS_FTV11/12EP-0D-F-42

I. ALAMIN
A. PANIMULA

Sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi dapat isinasantabi ang kaalaman sa pagsulat ng


liham. Isa sa mga uri nito ay ang liham pangnegosyo na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at
pakikipagkalakan. Katulad ng iba pang uri ng liham, taglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong-
sulat, petsa, patunghuhan, bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas at lagda. Nakatuon
ang liham-pangnegosyo sa mga transaksyon sa pangangalakal. Samakatuwid, ang liham pangnegosyo
ay isang pormal na sulatin na ipinadala sa isang tao, grupo, organisasyon, institusyon o kompanya.
Nagsisilbi itong transaksyon sa nais na hilingin o gawin ng sumulat. Pormal ang paggamit ng wika sa
ganitong uri ng liham.
Ginagamit bilang pakikipag-ugnayan na nasa isang organisasyon. Kinakailangang taglayin ng
isang empleyado ang kahusayan sa paggawa at paggamit ng mga liham pangnegosyo at liham-
transaksyon. Dapat taglayin nito ang metodo na di-lamang pakinabangan ng kompanya bagkus
makapgbigay din ng kredibilidad sa kanyang propesyong napag-aralan. Ayon kay Gracia et.al (2008),
ito ay magiging mahalagang dokumento ng kompanya.
B. PAGTALAKAY
LIHAM-PANGNEGOSYO
Karaniwang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng organisasyon o
kompanya. May iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw ang liham pangnegosyo:

1. Paghahanap ng trabaho
2. Paghingi ng impormasyon
3. Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw
4. Promosyon ng mga ibinibenta at/o serbisyo
5. Pagkalap ng pondo
6. Pagrehistro ng mga reklamo
7. Pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ngmga patakaran o sitwasyon
8. Koleksiyon ng mga bayad
9. Pagbibigay ng instruksiyon
10. Pagpapasalamat at pagpapahayagng pagpapahalaga o pagkalugod
11. Pag-ulat tungkol sa mga aktibidad
12. Pagbibigay ng magandang balita o positibong mensahe
13. Pag-aanunsiyo
14. Talaan o rekord ng mga kasunduan
15. Follow-up tungkol sa mga usapan sa telepono
16. Pagpapadala ng ibang dokumentong-teknikal

2
Pagsulat ng Liham Pangnegosyo

Mga Bahagi:

1. Pamuhatan
2. Patunguhan
3. Bating Pambungad
4. Katawan
5. Pamitagang Pangwakas
6. Lagda

Katangiang dapat taglayin ng Liham Pangnegosyo

1. Malinaw ngunit magalang


2. Maikli ngunit buong-buo
3. Tiyak
4. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa.
5. Wasto ang gramatika
6. Maganda sa paningin

Tatlong Pormat Ng Liham-Pangnegosyo

1. Block Form– lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan at walang indensiyon.

3
2. Semi-Block Form– ang unang linya ng talata ay may indesiyon salita at ang patunguhan ay nasa
kaliwang bahagi. Nasa kanan naman ang pamuhatan at pamitagang pangwakas.

3. Modified-Block Form- halos katulad ng semi-black form pero ang katawan ay walang
indensiyon.

II. MGA GAWAIN

4
Gawain 1: Magtalasalitaan Tayo!
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng sumusunod na mga salita at gamitin sa makabuluhang
pangungusap.

1.
korespondensiya

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2.
liham

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3.
pangangalakal

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4.
tanggapan

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5.
transaksyon

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5
Gawain II : FACT o BLUFF
Panuto: Isulat ang FACT sa patlang kung ang isinasaad ng bawat pahayag ay wasto at
BLUFF naman kung hindi.
________ 1. Gumagamit ng porma na wika sa pagsulat ng liham-pangnegosyo.
________ 2. Tinatawag na kalatas ang sulat liham.
________ 3. Iisa lamang ang pormat na ginagamit sa pagsulat ng liham.
________ 4. Sa pagsulat ng liham-pangnegosyo kinakailangan masunod ang mga bahagi
nito.
________ 5. Hindi mahalaga ang paglalagay ng petsa kung susulat ng liham-
pangnegosyo.

I. Gawain III. Ginulong titik, aayusin ko!


II. Panuto:Tukuyin ang isinasaad ang bawat pangungusap. Ayusin ang ginulong titik at
isulat sa patlang ang tamang sagot
________________ 1. Ito ang bahagi ng liham na nakasulat ang tirahan ng sumulat.
MUPATANHA
________________2. Katulad ng semi-block style ang anyo nito, ngunit ito at
nagkakaroon ng indensiyon sa simula ng katawan ng liham.Sa
liham pangnegosyo, karaniwang ginamit ang anyong ito. KALB
DIMOFAY
________________3. Ito ay may layuning magpabatid ng kaniyang reklamo maaaring
sa isang tao o isang kompanya. HILAM RAKAGANNI
________________4. Layunin nitong magpahayag ng isang malinaw at tiyak na
kahilingan. MAHIL LINGAKAHIN
________________5. Ito ang bahagi ng liham-pangnegosyo na nagsasaad ng kompanya
o institusyon pagmumulan ng liham. LATUS GULONG
________________6. Ito ay bahagi ng liham kung saan ay nakalagay kung para kanino
ang liham. NAHGUNPATUN
________________7. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham dahil dito nakasaad
ang
layunin o pinakapunto ng iyong mensahe. HIMALI TAKAWAN
GN
________________8. Ito ang panghuling bahagi ng liham kung saan makikita ang pirma
ng sumulat. LADAG
________________9. Ito ang ginagamit sa mga transaksyon ng kompanya o sa iba’t
ibang institusyon. HAMLI SYOPANEGONG
________________10. Ito ay naglalaman ng magalang na pagbati sa pagtatapos ng
liham. WAPANGKAS BAPAGTING

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

6
Pangalan: _________________________________ Baitang at
Seksyon:__________________
Guro:____________________________________ Petsa: ____________________________

A. Thinking Balloon
Panuto: Ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa block form, semi block form at
modified block form sa pamamagitan ng pagpuno sa mga thinking balloon.
Semi-block modified block
block form
form form
Pamantayan sa Pagmamarka

Batayan Puntos
Wasto ang nilalaman 10
Maayos at angkop ang pagkakagamit ng mga salita 10
Kabuoan 20

B. Sagutin Mo
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Saan madalas na ginagamit ang liham pangangalakal?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang maitutulong ng wasto at 7mahusay na pagsulat ng liham?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Bakit mahalagang matutuhan ang mga hakbang sa pagsulat ng liham pangangalakal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Paano nakatutulong ang liham pangangalakal sa buhay ng isang tao?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay susulat ng liham pangangalakal, ano-ano ang dapat mong isaalang-alang
sa pagsulat nito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman - 5puntos
Organisasyon ng ideya - 5 puntos
Kabuoang Puntos -10 puntos
8
C. Tala-Liham!
Panuto: Suriin ang isang halimbawa ng liham na nasa loob ng kahon. Isaayos ang liham
sa pamamagitan ng pagsulat sa tamang porma/estilo at pagkakasunod-sunod ng mga
bahagi
nito. Gamitin ang istilong block form at isulat sa buong papel ang iyong sagot.

MagandangAraw,
Nasabik ako nang makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng chef para sa inyong
kompanya.Nais kong ipaalam sa inyo na interesado ako na pumasok bilang chef ng AAA
Restaurant Inc.Matagal na akong kumakain sa AAA Restaurant Inc.at nais kong makatulong
sa tagumpay ng AAA Restaurant Inc.

Ang aking anim na taong karanasan bilang chef sa DEF Hotel Inc. ay makatutulong sa akin
upang maisagawa ang trabaho ng pagiging chef sa AAA Restaurant Inc. Sa DEF Hotel natuto
ako kung paano humawak ng tao kung paano magluto kahit na gahol sa oras, at kung paano
mahikayat ang mga customers sa pamamagitan ng masasarap na pagkain.

Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman po inyo ang aking karanasan sa DEF
Hotel,Inc.Maaari Ninyo akong ma-contact nang kahit na anong oras sa pamamagitan ng
aking email (renerg17@gmail.com) at cellphone number (+639083539298)

Maraming salamat.

G. Max Santos
Human Resources Manager
AAA Restaurant Inc.
No.123 Pini Street,Angono Rizal

Lubos na gumagalang,
Rener Gonzales

Agosto 30, 2021

Mahal na Ginoo:
SUSING SAGOT

Gawain I. Magtalasalitaan Tayo!


1. FACT 94. FACT

2. FACT 5. BLUFF
3. BLUFF
Gawain II. Mag-isip Tayo!
Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.Pupuntusan ayon sa pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman - 4puntos
Organisasyon - 3 puntos
Wastong gamit ng mga salita - 3 puntos
Kabuuang Puntos -10 puntos

Gawain III. Ginulong titik, aayusin ko!


1. Pamuhatan 6. Patunguhan
2. Modified black form 7. Katawan ng Liham
3. Liham Karaingan 8. Lagda
4. Liham Kahilingan 9. Liham-Pangnegosyo
5. Ulong-Sulat 10.Bating Pangwakas
Sanggunian:

Francisco, Christian George C., et al. 2017. Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) Rex
Bookstore, Incorporated.

Department of Education,K to 12 Basic Education Curiculum Senior High School-


Applied Subjects ,Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)

Internet site
https://www.scribd.com/presentatiom/438700547/LIHAM-PANG-NEGOSYO-1pptx

SUSING SAGOT SA PANGWAKAS NA PAGSUSULIT


10
A. Thinking Balloon
Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Pupuntusan ayon sa pamantayan sa ibaba.
Pamantayan sa Pagmamarka

Batayan Puntos
Wasto ang nilalaman 10
Maayos at angkop ang pagkakagamit ng mga salita 10
Kabuoan 20

B. Sagutin!
Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Pupuntusan ayon sa pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman - 5puntos
Organisasyon ng ideya - 5 puntos
Kabuuang Puntos -10 puntos

C. Tala-Liham
No.123 Pini Street,Angono Rizal

Agosto 30,2021

G. Max Santos
Human Resources Manager
AAA Restaurant Inc.

Mahal na Ginoo:

MagandangAraw,
Nasabik ako nang makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng chef para sa inyong
kompanya.Nais kong ipaalam sa inyo na interesado ako na pumasok bilang chef ng AAA Restaurant
Inc.Matagal na akong kumakain sa AAA Restaurant Inc.at nais kong makatulong sa tagumpay ng
AAA Restaurant Inc.

Ang aking anim na taong karanasan bilang chef sa DEF Hotel Inc. ay makatutulong sa akin upang
maisagawa ang trabaho ng pagiging chef sa AAA Restaurant Inc. Sa DEF Hotel natuto ako kung
paano humawak ng tao ,kung paano magluto kahit na gahol sa oras ,at kung paano mahikayat ang
mga customers sa pamamagitan ng masasarap na pagkain.

Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman po inyo ang aking karanasan sa DEF
Hotel,Inc.Maaari Ninyo akong ma-contact nang kahit na anong oras sa pamamagitan ng aking email
(renerg17@gmail.com) at cellphone number (+639083539298)

Maraming salamat.

Lubos na gumagalang,
Rener Gonzales

11

You might also like