You are on page 1of 44

GUAGUA NATIONAL COLLEGES, INC.

Guagua, Pampanga
1989
A.Y 2021-2022

1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
TALAAN NG NILALAMAN

Yunit I …………………………………………………………………………………….………. 2

Modyul 1: Tekstong Impormatibo (Unang Linggo) ……………………………………………….. 3-8

Modyul 2: Tekstong Deskriptibo (2 Linggo) ……………………………………...........………….. 11-19

Modyul 3: Tekstong Persuweysibo (3 Linggo) ………………………………………..……….…. 20-27

Modyul 4: Tekstong Naratibo (4-5 Linggo) ………………………………………………….……. 28-37

Modyul 5: Tekstong Argumentatibo (6-7 Linggo) ………………………………………………… 38- 43

Yunit II…………………………………………………………………………………………….

Modyul 6: Tekstong Prosidyural (1-2 Linggo) ……….…………………………………………… 44-49

Modyul 7: Bilbliyograpiya (3-4 Linggo) ………………………………………………….………. 50-55

Modyul 8: Pagbuo ng Tentatibong Balangkas (5-6 Linggo) ……………………………………… 56-62

Sanggunian: .………………………………………………………………………………………… 62

2
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
YUNIT Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
1 Pananaliksik

Ang Pananaliksik ay ang sistematikong paghahanap ng mga kaalaman upang matuguna n


ang isang suliranin o maipaliwanag ang isang phenomena tinatangka nitong punan ang ulang na
kaalaman o lutasin ang mga magkakataliwas na kaalaman sa isang laragan. Isa itong gawaing
iskolarli sapagkat bukod sa pinatutunayan nito mas mataan ang karungan ng isang taong
nagsasagawa ng pananaliksik, nagbibigay rin ito ng oportunidad na makapag-ambag ng bago at
kapaki-pakinabang na kaalaman sa isang larangan. Pananaliksik ang susi sa pagtuklas ng mga
bagong produkto, teknolohiya, polisiya, at iba pang kaalamang titiyak ng patuloy ng pagsulong ng
buhay.

Bagama’t nasasaksikhan ng pananaliksik ang pinakaproduktibo nitong yugto sa antas


gradwado at antas propesyunal, nagisisimula ito sa batayang edukasyon pa lamang. Dito
ipinakikilala ang konsepto ng pananaliksik; paisa-isang itinuturo ang mga hakbang sa
pananaliksik; mula sa pagpili ng paksa hanggang sa paghahanda ng bibliyograpiya; at nagbibiga y
ng ilang pagkakataon na maitanghal ang saliksik sa pamamagitan ng pagbasa ng papel; eksibit
poster, o paglalathala online.

Sa yunit na ito, lilinangin ang mga pundasyong kasanayan sa paglaon ay magiging kapaki-
pakinabang sa pananaliksik. Gagawing pamilyar ang iba’t ibang uri ng teksto na hindi lamang
maaaring mapagkunan ng datos sa pananaliksik kundi maaring maging anyo mismo ng saliksik.
Nariyan ang tekstong impormatibo, tekstong deskriptibo, tekstong perswaysibo, tekstong naratibo,
tekstong argumentatibo, at tekstong prosidyural. Sa bawat modyul, ipinapakila la ang katangian at
katuturan ng bawat uri ng teksto. Magbibigay ng mga pagsasanay sa pagkilala at pagusuri ng iang
teksto. Magkakaroon din ng paghahanda sa pagsulat ng nasabing uri ng teksto na magtatapos sa
aktuwal na pagsulat ng tekstong iyon. Sa, huli lilinagin ang pagpapahalaga sa isang uri ng teksto
bilang sanggunian sa pananaliksik o bilang anyo mismo ng pananaliksik.

3
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
LAYUNIN:
Sa modyul na, inaasahang magagawa mong:
 Matukoy ang mga paksang tinatalakay sa tekstong ipormatibo;
 Makilala ang mga bahagi ng tekstong impormatibo at mabatid kung paano
nakakatulong ang mga ito sa pagtukoy kung ang isang teksto ay nasa ganitong anyo;
 Magamit ang tekstong impormatibo bilang pangunahing sanggunian ng mga bagong
impormasyon na magbibigay ng dagdag na kaalaman;
 Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa;
 Matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na ginamit sa tekstong
binasa;
 Maibahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo;
 Makasulat ng isang tekstong impormatibo gamit ang cohesive devise;
 Makakuha ng mga angkop na datos upang mapaunlad ang isinusulat; at
 Maiugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa iba’t ibang disiplina ng
karungungan at sa tunay na buhay.

4
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PANIMULA

May iba’t ibang paraan ng diskurso o pagpapahayag, ayon sa layuning tinutungo nito.
Maari itong impormatibo, deskriptibo, perswaysibo, naratibo, argumentatibo o prosidyural. Bilang
isang estudyante o indibidwal na may kaalamang bumasa ng ibat ibang uri ng teksto. Mula sa mga
aklat, diyaryo mga magasin, hanggang sa mga paskil sa kalsada, bumubungad sa iyo ang iba’t
ibang uri ng babasahin na nakakadagdag sa iyong kaalaman.

Panimulang Gawin

Ang mga sumusunod na pahayag ay halimbawa ng isang tekstong impormatibo. Sagutin


ang mga ito sa abot ng inyong makakaya. Pumili sa kahon kung ano alin ang tamang kasagutan at
isulat sa patlang.

Balita Pananaliksik Encyclopedia

Almanac Diksyunaryo Pahayagan

_______________ 1. Ito ay nagsasaad ng pagbabaybay, pabbigkas at pagpapantig. Nagbibigay


rin ito ng kahulugan ng isang salita na nakahanay ng paalpabeto.

_______________ 2. Naglalaman ng mga kalendaryo ng mga araw sa isang taon na


kinasusulatang ng mga oras sa iba’t ibang pangyayari at katotohanan tulad
ng anibersaryo, pagsikat ng araw at paglubog ng araw, pagbabago ng
buwan pagtaas at pagbaba ng tubig at iba pa.

_______________ 3. Kalipunan ng mahahalagang impormasyon tulad ng ekonomiya,


teknolohiya, kabuhayan, edukasyon, pulitika at iba pa.

_______________ 4. Nagbibigay batid kaalaman na magiging gabay tungkol sa nangyayari sa


iba’t ibang panig ng mundo.

_______________ 5. Isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri,


pag-aayo, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos na nakalap
tung sa paglutas ng suliranin, pagpapatoto ng prediksyon at pagpapatunay
ng inbensyong nagawa.

5
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PAGGANYAK

Bago tayo dumako sa ating aralin, halina’t alamin ang iba’t ibang Trivia na maaring
makadagdag ng kaalaman sa inyo. Tatawagin natin itong, ALAM MO BA!?

ALAM MO BA?

Ang “Wika” ay nagmula sa Wikang Malay,


Samatalang ang “Lengguwahe” ay nagmula
naman sa Kastila.
Ito ay nagmula sa salitang Latin na “Lingua”
na ang ibig sabihin ay “Dila”.
(Sanggunian: Komunikasyon sa Wika at Kultura)

ALAM MO BA?

Ang Pink sa Filipino ay Kalimbahin.


(Sanggunian: UP Diksyunaryong Filipino pahina 555)

ALAM MO BA?

Kapag pinagsama ang Tandang Padamdam (!)


at Tandang Pananong ang tawag ay,
Interrobang.(!?)
(Sanggunian: best life)

ALAM MO BA?

Ang puso ng hipon ay matatagpuan sa


Ulo.
(Sanggunian: everything about shrimps http:IIaquarium
breader.com)

6
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
TUKLASIN

MODYUL 1: ANG TEKSTONG IMPORMATIBO

Ano nga ba ang Teksto at Impormatibo?

Tumutukoy ang teksto sa anumang uri ng sulatin na mababasa ninuman. Mahalaga ang
mga tekstong impormatibo sa isang mananaliksik dahil ang mga ito ang nagiging batayan niya ng
datos ng kaniyang isinulat samantlang ang Impormatibo ay naglalaman ng mga teksto na layong
magbigay ng impormasyon o kaalaman.

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na nagpapaliwanag ng


mahahalagang impormasyon o kaalaman, na may taaglay na lohikal na paghahanay ng mga
kaisipan para sa lubusang pang-unawa. Isa rin itong tekstong nagagamit bilang pangunahing
snggunian ng isang mananaliksik. Naglalahad ito ng mga bagong punto o kaalaman tungkol sa
isang paksa.

Mga halimbawa ng tekstong impormatibo.


Disyunaryo
Encyclopedia
Almanac
Pamanahong papel o pananaliksik
Syentikong ulat
Balita sa pahayagan

Ang tekstong impormatibo ba ay isang piksiyon o di piksiyon?

Ayon kay Duke at Bennett-Armistead, 2003, ang tekstong impormatibo ay di piksiyon. Ito
ay bunga ng maingat na pananaliksik at hindi nakabatay sa sariling pananaw lamang o kathang-
isip. Ang mga katotohanan, datos at pangyayaring inilalahad nito ay nakabatay sa
mapagkakatiwalaang sanggunian.

Ayon kay June Kier, sa kaniyang aklat na Informative Texts: Recognizing and Creating
Procedures, explanation, recounts, and procedures (2009), ang tekstong importibo ay may mga
sumusunod na uri:

1. Tekstong prosidyural - nagbibigay ito ng mga panuto o hakbang paano isakutuparan ang isang
gawain o kumpletuhin ang isang proseso. Naglalaman ang tekstong prosidyural ng mga salitang
kilos, salitang nagsasaad ng pagkakasunod, pang-abay na pamanahon, utos at salitang teknikal.

7
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
2. Tekstong nagpapaliwanag - may dalawang anyo ng pagpapaliwanag sa pagkakaganap ng isang
bagay – yaong nagpapaliwanag kung (a) “bakit” at (b) “paano” nagaganap ang isang bagay. Isang
halimbawa ng unang anyo ay ang tekstong nagpapaliwanag kung bakit madalas daanan ng bagyo
ang Pilipinas. Sa ikalawang anyo naman kung paano naapektuhan ang komersyalisasyon ang
balanse ng kalikasan ng mga hayop at halaman.

3. Tekstong Gumugunita – inilalahad ng tekstong ito kung paano nagaganap ang isang
pangyayari sa impormatibo o nakakaaliw na paraan. Inilalahad nito ang mga pangyayari ayon a
pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang wakas.

4. Mga ulat – naglalahad ang ulat ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay sa paraang
obhektibo. Nagbibigay muna ito ng mga pangunahing kaisipan tungkol sa paksa na sinusundan ng
mga talatang nagbibigay ng karagdagang-paliwanag tugkol dito.

5. Tekstong naglalarawan – nakatuon ang tekstong ito sa mga katangian ng isang bagay, gaya ng
detalye ng pisiklal na anyo, amoy, tunog, lasa, hatid ng damdamin, at iba pa.

Mga Bahagi ng Tekstong Impormatibo

1. Panimula –naglalaman ito ng mga paksang tumutukoy sa tema o bagay na tatalakayin sa teksto.
Maari ring magbigay sa bahaging ito ng mga pahiwatig sa mga impormasyong tatalakyin sa
kabuuan ng teksto.

2. Katawan – dito inilalahad ang mga impormasyong nagbibigay ng tiyak na detalye tungkol sa
paksa. Ito ang bahaging nagpapaliwanag o nagpapalawak sa paksa. Ang mga datos na binabanggit
dito ay obhetibo at nakabatal sa pag-aaral.

3. Kongklusyun – nilalagom sa bahaging ito ang mahahalagang punto na nabanggit sa teksto. Dito
rin maaring talakayin ang halaga o implikasyon ng mga impormasyong natalakay.

4. Talasanggunuian – iniisa isa rito ang mga sanggunian pinababatayan ng teksto. Pinatitibay nito
ang kredibilidad ng mga impormasyong inilahad. Kung hindi maglalagay ng hiwalay na
talasanggunian, maari ring nasa katawan mismo ng teksto ang mga sanggunian ginamit gaya ng
pagtukoy sa isang aklat dyornal o sinangguni, taon ng pagkakalimbag, at pangalan ng may akda.

8
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
GAWAIN

Bashin ang isang halimbawa ng isang Tekstong Impormatibo

CYBERBULLYING
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng
pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit
ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail;
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social
media; pag-bash o pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga
pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang
magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa
pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya,
pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Naririto ang ilan sa mga epekto
ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na
gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa
paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging
biktima rin ng harapang bullying.

Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may
pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas.
Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating
bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa
cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang
12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15%
ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

I. Suriin ang nilalaman ng Impormatibong teksto gamit ang mga katanungan sa ibaba.
Isulat ang kasagutan sa paraang pasalaylay na nasa anyo ng isang pananaliksik.

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?


2. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong katangian ng tekstong binasa ang
magpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo?
4. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon?
5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa tekstong
binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito.

9
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PAGTATAYA

Batay sa sariling paghihinuha, isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang
pahayag at isulat naman ang salitang MALI kung mali ito.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.

_____ 2. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating


pangkasaysayan.

_____ 3. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginagamit sa tesktong


impormatibo.

_____ 4. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang


impormasyong patungkol sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at
mga pangyayari sa paligid.

_____ 5. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at


bakit nagaganap ang isang bagay o pangyayari.

_____ 6. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.

_____ 7. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, mga facebook post at


sanaysay.

_____ 8. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay o magpaliwanag nang


malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga
hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay,
heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.

_____ 9. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o


balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad
ng encyclopedia at sa ibat’ ibang websites sa internet.

_____ 10. Ang Tekstong Impormatibo ay maituturing na piksyon na babasahin.

10
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
LAYUNIN:
Sa modyul na, inaasahang magagawa mong:
 Magamit ang kakayahan sa paglalarawanng isang bagay o konsepto;
 Matukoy ang isang teksto bilang isang tekstong deskriptibo;
 Magamit ang kahusayan sa paglalarawan ng isang kaisipan tungo sa pagsulat;
 Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa;
 Maibahagi ang katangian at kalikasan ng teksto deskriptibo; at
 Makasulat ng isang tekstong deskriptibo

PANIMULA

Layuin ng tekstong deskritibo na maipinta sa hiraya ng mambabasa ang hitsura, amoy, lasa,
tono, at pakiramdam ng anumang bagay, tao, lugar at/o panahon na nais ibahagi ng manunulat. Sa
paglalarawan, kailangan gamitin ang limang pandama.

Panimulang Gawain

Basahin ang mga sumusunod na mga halimbawang pangungusap. Anong pandama ang
ginamit sa paglalarawan? Isulat sa patlang ang pandamana. Salungguhitan pagkatapos ang salitang
nagpapahiwatig ng pandamang ito.

______________ 1. Halos nanggigitata ang suot niyang maruming sando na ulani’t arawin sa kanyang
katawan.

_______________ 2. Bangkay nang matagpuan ang batang may dalawang araw nang nawawla.
Natunton lamang ito nang mapansin ng ilang kapitbahay ang umaalingasaw na
amoy na nagmumula sa damuhan.

______________ 3. Makapigil hininga ang sumunod na sandal. Di-kasaway narinig ang lagitik ng
pintuan. Pagkatapos ay isang putok ang umalingawngaw.

______________ 4. Natikman mo na ba ang nilutong kare-kare ni Nanay? Aba, Super!


Malambot ang karne ng baka na pinakulo sa peanut sauce. Isama mo pa
ang ginisang bagoong at tiyak malilimutan moa ng iyong pangalan.

11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
______________ 5. Nangangaligkig sa ginaw ang mga kabataang nasagip mula sa lumubog na
bangka.

PAGGANYAK

Ang tekstong deskriptibo ay paglalarawan gamit ang iba’t ibang uri ng pandama.
Nailalarawan ang isang bagay batay sa nakikita, nararamdam, nasasalat, nalalasahan at naamoy.
Bilang isang hamon sa paraan ng paglalarawan, may mga inahanda akong tanong na tiyak na
masusukat ang inyong sarili sa paraan ng paglalarawan.

Paano mo ilalarawan sa isang bulag ang kulay na pula?

Paano mo ilalarawan o sasabihin sa isang taong walang panlasa ang maasim?

Paano mo ilalarawan ang tunog ng tambol sa isang bingi?

Paano mo ipaparamdam sa isang tao na mahal mo siya?

12
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
TUKLASIN
MODYUL 2: ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang tekstong deskriptibo ay nagbibigay ng mga katangian ng isang tao, bagay, lugar,
karanasan, o pangyayari upang makabuo ng “imahen” sa isip ng mambabasa. Gumagamit ito ng
mga malinaw na salitang naglalarawan upang “makita” o “maranasan” ng mambabasa ang
detalyeng nais isalin ng teksto. Sa pamamagitan ng mga detalyeng pumupukaw sa limang pandama
(paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa, at pansalat), nararamdaman ng isang bagay na para bang
ito ay buhay. Nabubuo ang hitsura nito sa kanyang isip na tila aktwal niyang nararanasan.
Pumapaloob ito sa kanyang kamalayan. Lumilikha ito ng “impresyon”.

Sa pagsulat ng tekstong deskriptibo, isang mahalang prinsipyo ang “show, don’t tell”.
Dapat buuin ang imahen ng isang tao, bagay lugar karanasan, o pangyayari sa pamamagitan ng
piling salitang naglalarawan.

Halimbawa:
Maaring sabihin lamang sa mambabasa, “Masarap ang kanilang ulam” ang salitang masarap ay
maraming pagpapakahulugan.
Ang isang masarap na sinampalukang manok na may natural na asim ay ‘masarap”.

Ang “masarap” ay may iba’t ibang lasa kaya mahirap makabuo ng tiyak at malinaw na imahen sa
isip ng mambabasa. Ito ang sinasabing “telling” o pagsasabi lamang.

Ngunit kung magbibigay ng buhay na buhay na mga paglalarawan na pumupukaw sa pandama, as


magiging mabisa ang paglalarawan.

Halimbawa:
“Ang adobo ay may tamang-tamang alat at asim. Malambot ang karne nito kaya madaling nguyain.
Nakatatanggal din ng umay ang pagkamanamis-namis na timpla.

Dalawang Paraan ng Paglalarawan.

Karaniwang paglalarawan – ang tekstong ito ay tuwiran lamang naglalahad ng mga katangian
ng isang tao, bagay, lugar, karanansan o pangyayari. Nagbibigay ng tiyak na deskripsyon o
impormasyon ukol sa inilalarawan.

13
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Halimbawa:

“Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na nasa kahabaan ay ipinag-ilang lilis


ang kanyang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod,
na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natitiyak ni Aling Marta na ang bata ay
anak-mahirap”

Hango sa “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual

Masining na paglalarawan – ang tekstong nasa gamitong anyo ay naglalayong magparamda m


ng emosyon sa mga mambabasa. Gumagamit ito ng mga matatalinghagang salita sa proseso ng
paglalarawan.

Halimbawa:

“Noong araw, tatawagin siyang ganyan, parang nagniningning ang kanyang noo. Kapag
sinundan pa ito ng salitang “mahusay” at “batikan” parang bag aba pinag-aapoy ang kanyang
dibdib. Pakiramdam niya, hindi siya nakatapak sa lupa; pakiramdam niya ay inaakyat siya sa
langit at doon tinitingala ng mga kapwa niya Kapampangan”

Hango sa “Sumpa ng Makata” ni Jose M. Gallardo

URI NG PAGLALARAWAN
1. Subhektibo- ang manunultat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi
nakabatay sa katotohanan. Ang tekstong ito ay layuning magparamdam mg emosyon.

Halimbawa:
Sa gulang na dalawampu ay maaninag sa binata ang kasipagan dahil sa matitipuno ng
pangangatawan at magagaspang na palad na pinanday ng kahirapan.

2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan. Ang tekstong ito ay tuwiran lamang na


naglalahad ng mga katangian ng isang tao, bagay, lugar, karanasan o pangyayari.

Halimbawa:

Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalikbalikan ng mga turistang
nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan.

14
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
GAWAIN

Basahin ang isang tekstong tumutukoy sa masining na paraan ng paglalarawan. Paano


ipininta ng manunulat ang katangian ng tauhan? Naging eprktibo ba at makatotohanan ang
paglalarawan ito?

ANG KWENTO NI MABUTI Ni Genoveva Edroza-Matute

Ito ay sulating nagwagi ng Gawad Palanca sa pagsulat ng maikling kwento noong 1951

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang
pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang
hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manun ungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.
Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko
lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa t anawin, sa isang isipan o sa
isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa
kanyang buhay…

Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag -ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa
kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing
anumang pangkaraniwan sa kanya.

Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng
halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging
pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa
buhay.

“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa
bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”

15
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang
lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring su liranin.

Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng


mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid -aklatan, pinilit kong
lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag -aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin ..
mabuti sana kung makakatulong ako.”

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipa n ay ibinilang kong
kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon.
Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito.. naparito ako upang umiyak din.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa
aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa
palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y
nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig
nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang
bigla akong makaalala.

“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan
ko?”

Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin… nating
dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin..
kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag,
pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo
niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid -aklatan. Ang
sulok na iyon, “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang
kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid -
aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyo ng… aming dalawa…

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay
ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag -asa ang taglay niya sa
aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw
sa kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang
kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na
lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

16
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na
aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng
kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag -aaral naming sa
kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit -ulit. Hindi rin
siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag -aral naming ang
nakababatid na siya’y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon.
Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon
sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot
niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang an ak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-
ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagka t noon pa ma’y
nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong
kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga
handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag -aral. At ibig
ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya
ng kanyang ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.

“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay
ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan.

Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At
habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa
pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok
ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may
mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag -
aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang
tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na
pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe -lyon lamang
nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsimula sa ating aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga
pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi
niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat
nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.

17
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli
niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang
kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng
manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay
namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang
anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang
lahat

GAWAIN
GABAY SA TALAKAYAN

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ilarawan mo ang iyong sarilin g pananalita ang mga katangian ni Mabuti. Bumanggit ng lima.
a.
b.
c.
d.
e.

2. Dalawa ang dahilan marahil kung bakit siya pinangalanang “Mabuti” ng may akda. Ano-ano
kaya ang mga dahilang ito?
a.

b.

3. Ang paglalarawan ng may-akda sa mabuting guro ay nagkakaroon ng di-inaasahang rebelasyon


sa hulihan ng kwento. Ang ang twist na ito? Paano nito pinatingkad ang katangian ng tauhan.

4. Hanapin ang ilang pangungusap na tumtukoy sa masining na paglalarawan kay Mabuti.

18
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang tekstong Deskriptibo? Bakit isinusulat ang ganitong uri ng teksto?
2. Ipaliwanang ang prinsipyo ng show, don’t tell .
3. Paano nagkakaiba ang obhektibo at subhektibong paglalarawan? Magbigay ng tig-isang
halimbawa.
4. Ano ang pagkakaiba ng karaniwan at masining na paglalarawan?

19
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
LAYUNIN:
Sa modyul na, inaasahang magagawa mong:
 Matukoy ang isang tekstong persuweysibo, gayundin ang paksang tinalakay nito;
 Malaman ang mga gabay upang makapanghikayat;
 Magamit ang pamamaraan ng panghihikayat bilang mahalagang punto sa pagbuo ng
isang pananaliksik;
 Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa;
 Matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na gamit sa tekstong
binasa; at
 Makasulat ng isang tekstong persuweysibo gamit ang mga angkop na datos.

PANIMULA

Basahin ang mga sitwasyong inilalarawan sa bawat bilang. Pumili ng isa sa mga opsiyon;
pagkatapos, maglahad ka ng isang mahahalagang dahilan king bakit ito ang iyong napili.

1. Kung naatsan kang mag-organisa ng isang outdoor adventure, saang lugar mo dadalhin ang
iyong kasamahan?

______ a. sa dagat ______ b. sa bundok

Bakit?

20
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
2. Kung mahilingan ka na gumawa ng logo ng iyong asosasyon, ano ang pipiliin mong kulay sa
background ng logo?

______ a. puti ______ b. pula

Bakit?

3. Kung yayain moa ng iyong kamag-aral na mamasyal sa probinsya, ano ang pipiliin ninyong
sasakyan?

______ a. bus ______ b. jeep

Bakit?

PAGGANYAK

Bilang bahagi ng isang masayang tlakayan, papangkatin ng guro ang mga mag-aaral ayon
sa nais nitong bilang o pangkat. Maaring pangkatin sa dalawa , tatlo o apat depende sa bilang ng
mag-aaral.

Magkakaroon ng isang pangganyak at tatawagin natin itong, Ibigay mo pa!


(Mekaniks) Ang guro ay magbibigay ng salitao parirala ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
kanilang kasagutan. Ang pinakahuling pangkat na nakapagbigay ng sagot ang panalo.

Halimbawa, ang salita o parirala ay “panlinis ng ngipin” ay ang mag-aaral ay magbibigay ng


kasagutan ng brand o tatak ng isang produkto, ( Colgate, Close-up, hapee…)

 Pampaputi
 Sabon
 Shampoo
 Deodorant

21
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
TUKLASIN

MODYUL 3: ANG TEKSTONG PERSUWEYSIBO


Ang tekstong persuwaysibo ay may layuning makapanghikayat o makapagkumbinsi sa
pamamagitan ng mga salitang mapanghikayat na sinusuportahan ng matibay na patunay o
ebidensya. Ginagawa ito upang mapilit ang isang mambabasa na maniwala, o kung hindi ma’y
magkaroon ng matibay na posisyon hinggil sa isang isyu.

Kadalasan inilalahad ang tekstong persuweysibo sa punto de bista ng una o ikalawang


panauhan. Ang panghihikayat na teksto ay personal, madamdamin at emosyunal. Ginagamit ng
manunulat ang kanyang emosyon o pandamang pamamaraan upang mabisa niyang mahikayat ang
iba.

Ayon kay Juliet Erickson (2004), ang unang dapat isaalang-alang sa panghihikayat ay ang
maging malinaw muna sa may akda kung ano baa ng nais niya at bakit niya ito nais. Dapat niya
itong maipaunawa sa kanyang mambabasa nang tiyak at walang pagbibiro, pagpapalingoy o
pagpapaumanhin.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Tekstong Persuweysibo

Ayon kina Pie Corbett at Julia (2011) ang mga sumusunod ay ilan sa mga gabay sa pagsulat
ng tekstong persuweysibo:

1. Ang isang persuweysibo ay pumupukaw dapat ng damdamin.

Halimbawa:
Kung ang intension ng awtor ay kumbinsihin ang mga mambabasa na masaya o nakagagalit ang
isang bagay, iyon dapat ang emosyong mangibabaw sa akda.

2. Ang isang tekstong persuweysibo ay sisismulan sa isang pahayag na nagpapakilala ng


kaisipang “ibinebenta” ng may akda. – ito ang nagsisilbing thesis statement. Ang pahayag na ito
ang nagiging unang panghikayat sa mga mambabasa. Matapos nito ay gugustuhin nilang basahin
ang mga kasunod na talata upang malaman ang buong detalye ideya, paniniwala, damdamin o
pagkilos na isinusulong.

3. Ang mga kasunod na talata ng tekstong persuweysibo ay sumusuporta dapat sa paksang


pangungusap – Kung ang tekstong persuweysibo ay maikli, ang iisang paksang pangungusap na
ang nagsisilbing paksang pangungusap para sa buong akda. Samantala, kung ang tekstong
persuweysibo ay mahaba, bawat talata ay nagkakaroon ng sariling paksang mangungusap. Bawat
talatang ito ay dumaragdag sa pagbuo ng damdaming nais maipadama sa mambabasa.

22
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
4. Personal ang wikang gamit sa pagsulat ng tekstong persuweysibo – direkta itong
nangungusap sa mambabasa. Pinanatili ng teksto ang kanyang interes.

5. Kinikilala dapat mg sumulat ng tekstong persuweysibo ang target niyang mga babasa –
ibinibigay dapat ng manunulat ang akda sa mga mambabasa upang lalong makuha ang kanilang
loob. Halimbawa, kung ang mambabasa ay botante, mainam na alamin ng kandidato kung ano-
ano ang kanilang mga pangngailangan upang maibatay rito ang gagawing panghihikayat at kung
bakit siya ang dapat iboto.

ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT
AYON KAY ARISTOTLE

Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita Ang salitang ethos ay
salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika

ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos upang
tukuyin ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang
elementong ethos ang magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig
ang tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat. Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag
ang tagapagsalita ay kilalang may pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at
maganda ang hangarin.

Halimbawa:
Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas.

Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita

Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan din itong


panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilala ma n
o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay
totoo. Sa ating lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga
estratehiya gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at pasaklaw
(Inductive). Halimbawa:

Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na iyon ay
makakaputi.

Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig

Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o


tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-
iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na
malaki rin ang impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at
paghuhusga. Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao.

Halimbawa:

23
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad ng galit o awa ay isang
mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
PROPAGANDA DEVICES

Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang isang kandidato ay
isang bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang mga patalastas sa
telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin ay kinakailangang makapukaw ng atensiyon upang
mapansin. Ang mga eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginamit na
propaganda device. Ating alamain kung ano-ano ito:

Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.

Halimbawa:
Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.

Halimbawa:

Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran,
bossing sa kaputian.

Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao
ang kasikatan.

Halimbawa:
Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand

Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o
produkto.
Halimbawa:

Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa pamamagita n
ng pagpapakita ng ebidensiya.

Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimuta n
ng sambayanan ang kanyang kapartido.

Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o
tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.

Halimbawa:
Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na
nagmula at galing rin sila sa hirap.

24
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa:

Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito,
nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.

Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o
sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.

Halimbawa:
Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

GAWAIN

Gumawa ng isang patalastas at hikayatin ang mga manood na bumili iyong produkto. (1-3
minutong bidyo)

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos


Galing sa
panghihikayat 50%
Kaakmaan ng
produktong ibebenta 50%
Kabuuan 100%

25
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PAGTATAYA

PANUTO: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan. Titik lamang ang isulat na sagot sa
nakalaang espasyo.

______1. Ang salitang Griyego na _______ ay tumutukoy sa pangangatwiran.


a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos

______2. Paraan ito ng panghihikayat kung saan ginamit ni Aristotle ang ethos
upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa
paningin ng nakikinig
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos

______3. Ito ay elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o


damdamin ng mamababasa o tagapakinig
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos

______4. Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto
o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa
mundo ng politika.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Testimonial d. Plain folks

______5. Ito ay isa sa propaganda devices na ginagamit kapag ang isang sikat na
personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Testimonial d.Plain Folks

______6. Ito ay panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang
produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Band wagon d. Plain Folks

______7. Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit


hindi binabanggit ang hindi magandang katangian
a. Name -Calling c. Transfer
b. Bandwagon d. Card Stacking

______8. Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga
kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat
sa boto, produkto, o serbisyo.
a. Name -Calling c. Plain Folks
b. Bandwagon d. Card Stacking

26
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
______9. Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikataan.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Bandwagon d. Card Stacking

______10. Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang


produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa
a. Glittering Generalities c. Transfer
b. Bandwagon d. Card Stacking

27
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
LAYUNIN:
Sa modyul na, inaasahang magagawa mong:
 Matukoy ang isang tekstong naratibo, gayun din ang pkasang tinatalakay nito;
 Magamit ang mga element o pamamaraan upang makabuo ng isang tekstong
naratibo;
 Magamit ang pagiging sistematiko bilang isa sa pinakamahalagang paraan sa pag-
unawa at paggaamit ng isang tekstong naratibo;
 Maiugnay ang tekstong naratibo sa pagsulat ng isang pananaliksik ng papel;
 Maibahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong naratibo;
 Matukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salita na ginamit ng tekstong
binasa; at
 Makasulat ng isang tekstong naratibo gamit ang mga angkop na datos at sa tulong
na rin nga narrative device.

PANIMULA

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman sa
kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga modyul na
iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Ang mga paksa, babasahin gawain, at mga pagsasanay ay sadyang
iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging integratibo
at nakalilinang ng mapanuring pag-iisip.

28
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PAGGANYAK

Ilahad sa pamamagitan ng pagkukwento ang mga sumusunod na larawan ayon sa


pagkasunod-sunod

29
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
TUKLASIN

MODYUL 4: ANG TEKSTONG NARATIBO


Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao
o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan na may maayos na
pagkasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan. Ang tekstong naratibo ay naglalahad ng
kwento. Dinadala nito ang mambabasa sa isang karanasan o isang pangyayari na parang sila ay
naroon.

MGA LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO:


1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o nakapagbibigay-
aliw at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.

MGA HALIMBAWA:
1. Maikling kuwento
2. Nobela
3. Kuwentong-bayan
4. Mitolohiya
5. Alamat
6. Tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan,
anekdota, parabula, science fiction

May Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo


1. Tauhan - ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang
pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito.

Paraan Sa Pagpapakilala Ng Tauhan


Expository - ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o
maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at
Dramatiko - kusang mabubunyag ang karakter dahil
sa kaniyang pagkilos o pagpapahayag

30
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
 Karaniwang Tauhan

 Pangunahing Tauhan – bida; umiikot ang mga pangayayari


sa kuwento simula hanggang sa katapusan
 Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan
 Katunggaling Tauhan – kontrabida; siyang sumasalungat o
kalaban ng pangunahing tauhan
 Ang May-akda - sa likod ay laging nakasubaybay ang
kamalayan ng makapangyarihang awtor.

 Dalawang Uri ng Tauhan ayon kay E. M., Froster


 Tauhang Bilog (Round Character)- Isang tauhang may multi-
dimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
 Tauhang Lapad (Flat Character) - tauhang nagtataglay ng
iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.

2. Tagpuan at Panahon - tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng mga
pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming
umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng
pagdiriwang, takot, romantikong paligid, matinding pagod, kalungkutan at iba pa.

3. Banghay - maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga


tekstong naratibo upang mabigyang- linaw ang temang taglay ng akda.

 Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo


 Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakila la
ang mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or introduction)
 Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan
partikular na ang pangunahing tauhan (problem)
 Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahang hahantong sa pagpapakita
ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa sulira nin
(rising action)
 Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa isang
kasukdulan (climax)
 Pababang pangyayari na humantong sa isang resolusyon o
kakalasan (falling action)
 Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

31
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
 Anachrony O Mga Pagsasalaysay Na Hindi Nakaayos Sa Tamang
Pagkakasunod-Sunod
 Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga pangyayar ing
naganap sa nakalipas.
 Prolepsis (Flash-forward) - dito nama’y ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
 Ellipsis- may mga nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na
tinanggal o hindi isinama.

4. Paksa o Tema - sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo

GAWAIN

Pagsusuring Tekstong Naratibo


I. Panimula
A. Ano ang Maikling Kuwento?
B. May-akda
II. Pagsusuring Pangnilalaman:
a. Pamagat
b. Tauhan
c. Tagpuan
d. Problema
e. Simbolo
f. Pinaka Tema
III. Pagsusuring Pangkaisipan:

a. Reaksyon
III. Sanggunian:

32
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
MABANGIS NA LUNGSOD ni: Efren R. Abueg
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na
lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may
bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng
dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Anggabi sa
kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ayhinahamig
lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong.


Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y
naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon
katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kaniyakung
naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.

Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang
mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at mabawasan ang mga
taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikitna altar.
Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng
suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mgahanay na
iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala namanang mga hanay na
iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa
bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.

Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang


mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob
ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang mga bisig sa wala
pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang
ipinararamdam ng pangangalam ng kaniyang sikmura at sinasapian pa ng takot na
waring higad na gumagapang sa kaniyang katawan.

“Mama... Ale, palimos na po.”

Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng


mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng
pagmamadali ng pag-iwas.

33
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may pumapansin man sa panawagan
ni Adong, ang nakikita niya ay irap,
pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,”
madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap
na iyon ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa
dakong liwasan ng simbahan.

At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling
Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang
paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik
kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim


na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa, ngunit
kailan man ay hidni nakarating sa kaniyang bituka.
“Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!”
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak
ng lupa. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng
karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali,
narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sawala
pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi,hindi sa
katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahadng kaniyang palad
at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kaniyangk inaroroonan.

“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang
nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman
at nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ngisang
mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taon malamig,

walang awa, walang pakiramdam- nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa
kaniyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang
kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon
ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng isangmarahas na bagay.

34
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat
ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari
bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang
mga barya sa kaniyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At
sakaabalahan niya’y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa
simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga
kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadalingpag-
iwas.

“Adong... ayun na si Bruno” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.


Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng.Si Bruno nga. Ang malapad
na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na
gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At
ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ngunitang lamig na
iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamamatay.
Mahigpit niyang kinulong sa kaniyang palad ang mga baryangnapagpalimusan.

“Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang
sinabi sa matanda.
“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!”
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa
simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng
takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa
kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala nasiya sa loob ng
sinuot niyang mumunting iskinita.

Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan
ng kaniyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng
isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa
gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula’t pa’y
nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon
ay matagal din niyang ipinakalansing.
“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.

Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang
tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni
Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas

35
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan.

“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” Naisigaw na lamang ni Adong.


Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya
ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi
na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya.

PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang angkop na kasagutan.

__________1. Ito ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga


tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan na may maayos na pagkasunod-
sunod mula sa simula hanggang katapusan.

__________2. Mga karakter na nagpapagalaw sa kwento.

_________3. Ito tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.

_________4. Sila ang mga kontrabida; siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.

_________5. Isang tauhang may multi-dimensiyonal o maraming saklaw ang


personalidad.

_________6. Tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o


predictable.

__________7. Tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng mga pangyayari sa
akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang,
takot, romantikong paligid, matinding pagod, kalungkutan at iba pa.

_________ 8. Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.

__________9. Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa


hinaharap.

__________10. Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong

36
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
naratibo.

II. Bumuo ng isang kwentong naratibo na nagpapakita ng mga sumusunod. (Tagpuan,


banghay, tauhan lapad at tauham bilog, tema o paksa) 10-15 pangungusap. (10 puntos)

37
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
LAYUNIN:
Sa modyul na, inaasahang magagawa mong:

 Nalalaman ang kahulugan ng Tekstong Argumentatibo.


 Nakakapagbigay ng obhetibong pananaw sa paksa.
 Nalalaman ang pagkakaiba ng Tekstong Argumentatibo at Tekstong Persuweysibo.
 Magagamit ang mga bahagi at hakbang sa paggawa ng tekstong argumentatibo; at
 Makasusulat ng isang tekstong argumentatibo sa pamamaraang pagsusuri at
pananaliksik.

PANIMULA

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa upang mas mapalawak ang kaalaman ng isang mag-
aaral hinggil sa pakikipagtalastas sa ibang tao. Sa bawat isyung kinahaharap ng ating bansa
kinakailangan marinig ang kanilang boses sa bawat usapin. Ang mga kabataan ay may kanya-
kanyang boses na kailangang marinig. Sila ang magiging haligi ng ating bansa sa hinaharap, kaya
marapat lang na bigyan sila ng pansin at marinig ang kanilang bawat panig.

Sa modyul ring ito matututo an gang mag-aaral na sa isang argumento kinakailangan ng


mga datos at matibay na ebidensya na siyang magiging sandigan upang panigan ang kanyang
punto.

38
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PAGGANYAK

Maraming isyung panlipunan kinakaharap ang ating bansa. Bilang isang mag-aaral nais
naming marinig ang inyong boses patungkol sa mga napapanahong isyu. Sagutin ang katanungan
pabor o hindi at ihayag mo ang iyong panig sa namili mong panig.

Panig mo ihayag mo!


Pabor o Hindi Pabor ( Prangkisa ng ABS CBN)

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____

TUKLASIN

Modyul 5: Tekstong Argumentatibo


 Naglalayong kumbinsihin ang mambabasa batay sa datos o impormasyong inilatag
ng manunulat.
 Upang makumbinsi ang mga mambabasa, inilalahad ng mambabasa ang mga
argumento, katwiran, at ebidensiya nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.

PAALALA

39
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
 Kung ang tekstong binasa ay sumasagot sa katanungan gaya ng paano, kailan at ano,
ito ay HINDI maituturing na tekstong Argumentatibo, dahil ang tekstong
argumentatibo ay sumasagot sa tanong na bakit.

Paghahambing ng Tekstong Argumentatibo at Tekstong Persuweysibo

Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysibo


1. Nangungumbinsi batay sa datos. 1. Nangungumbinsi batay sa impormasyon.

2. Nanghihikayat batay sa mga ebidensiya. 2. Nanghihikayat batay sa pananaw ng mambabasa


at pagpokus sa kredibilidad ng may akda.

3. Obhetibo 3. Subhetibo

Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo

1. Panimula
 Ang panimula ay kinakailangang mapanghikayat, nilalahad dito ang thesis statement kung
saan binabanggit ng manunulat ang pangunahing paksang tatalakayin.

2. Gitna o Katawan
 Inilalahad sa bahaging ito ang mga opinyon o pananaw ng manunulat kaugnay sa paksang
tinatalakay at inihahanay batay sa mga datos na ilalahad.
 Mahalagang malawak ang kaalaman ng manunulat sa paksang tinatalakay.

3. Konklusyon
 Inilalatag ng sumulat ang kanyang kabuuang pananaw ukol sa pinag-uusapang paksa.
 Kinakailangang maging matibay ang konklusyon na binuo ng manunulat na nakabatay sa
mga nabanggit na datos sa katawan ng teksto.

Mga gabay sa pagsulat ng Tekstong Argumentatibo


(Pure Online Writing Lab ng Purdue University)
1. Simulan ang tekstong argumentatibo sa isang buo, malinaw, at maikling tesis.
Halimbawa:
 Bakit ito mahalaga?
 Bakit ito dapat pag-usapan?
 Bakit magkaroon ng pakialam dito?

2. Bumuo ng mga talatang nagpapaliwanag ng mga argumento


 Palawakin ang tesis ng pangungusap sa pagbibigay ng suporta sa pangungungusap.
 Italaga ang bawat argumentong ito sa bawat talata upang mabigyan ng sapat na
paliwanag.

40
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
3. Maglatag ng suportang ebidensiya.
 Lalong magiging matibay ang argumentong ipinapaliwanag kung lalapatan ito ng mga
talata kung susuportahan ito ng mga ebidensya.
 Lalong magiging matibay ang argumentong ipinapaliwanag kung lalapatan ito ng mga
talata kung susuportahan ito ng mga ebidensya.

4. Magbigay ng konklusyon na muling magbibigay-diin sa tesis na pangungusap


 Tapusin ang argumento sa isang kongklusyon na maglalagom sa mga pangunahing
argumento ibinigay at inilatag.

GAWAIN

Manood ng balita sa, pumili ng nais ipaksa at gumawa ng isang tekstong


argumentatibo, Sundan ang panuntunan ng gabay sa paggawa ng tekstong argumento.
Isulat ito sa pamamagitan ng pagsunod sa bahagi ng tekstong argumentatibo.

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman (datos at ebidensya) 60%

Pagsunod sa Bahagi at Gabay 40%


sa pagsulat ng tekstong
argumentatibo

Kabuuan 100

41
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Paksa: ______________________________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
PAGTATAYA
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

42
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Subukin ang natutunan:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (5 puntos)


PAALALA: Sagutin ang mga tanong ayon sa kung paano
naiintindihan huwag gayahin ang mga paliwanag sa modyul.
1. Ano ang tekstong argumentatibo? Paano ito natutulad at naiiba sa isang tekstong
persyuweysibo?

2. Paano sisimulan ang tekstong argumentatibo?

3. Ano ang dapat na nilalaman ng katawan ng tekstong argumentatibo?

4. Paano mapatitibay ang mga argumento ang mga argumento sa isang tekstong
argumentatibo?

43
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
SANGGUNIAN
MGA AKLAT

Reyes, Alvin Ringgo C., et al. (2019). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik (Ikalawang Edisyon). Makati City: Diwa Learning System INC.

Coralejo, James A., et al. (2016) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik (Daloy ng Wika). Novaliches, Quezon City: Brilliant PUBLISHING INC.

ELEKTRONIKO
https://drive.google.com/drive/folders/1shilyflnsXW6Thz-
P0b4otJuferPkQDV?fbclid=IwAR3N6z4ymvaHblRo6pUwHeijFxdO6TYJFkom1oEspybbH0iO
o4

https://drive.google.com/drive/folders/1kvMqe-
7B3AHzFnWMZ0dLFI57_xNdv9ha?fbclid=IwAR380_QGBNfvkIyH3lh4ho_twSEs2pwkGNw
THbMiy4kgOUiMprtIZ2RYg5U

44
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

You might also like