You are on page 1of 30

ETIKAL NA

PANANALIKSIK AT MGA
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
PA G B A S A AT PA G S U S U R I N G
I B A’ T I B A N G T E K S T O T U N G O
S A PA N A N A L I K S I K
LAYUNIN NG TALAKAYAN:
• Maisa-isa ang mga gabay sa etika sa
pananaliksik
• Maunawaan ang ibig sabihin ng plagiarism
• Matukoy ang mga responsibilidad ng
mananaliksik
DALOY NG
TALAKAYAN:
 M G A G A B AY S A E T I K A L N A
PA N A N A L I K S I K

 P L A G I A R I S M AT M G A
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
ETIKAL NA
PANANALIKSIK
- Naitala ang pinakaunang
paggamit ng salitang etika noong
ika-14 siglo ayon sa diksyonaryong
Merriam Webster (2014). Nagmula
ang salita sa Middle English na
ethik, mula sa griyegong ethike, na
galing naman sa katagang ethiko.

- Ang lahat ng ito ay tumutukoy


sa nakaugaliang pamamaraan ng
pamumuhay at pakikipag-
kapuwa.
ETIKAL NA
PANANALIKSIK
- Ayon sa Free Dictionary
(2014), ang etika ay
tumutukoy sa mga
pamantayan ng pagkilos at
paguugali batay sa mga
katanggap tanggap na ideya
sa kung ano ang tama at
mali.
ETIKAL NA PANANALIKSIK

• Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan,


matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao. Kung ilalapat ito sa
pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa
larangang ito ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa
katapatan, kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan ng kapuwa.
MGA GABAY SA
ETIKAL
NA PANANALIKSIK
S U N D I N PA R A _ _ _ _
1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga
Ideya sa Pananaliksik
 Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik
ay maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo.
Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang
naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong
unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala
sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at
pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng
diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga
mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
2. Boluntaryong Partisipasyon
ng mga Kalahok

 Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa


pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa
pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o
eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot
ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang
partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng
kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at
kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa kabila nito.
3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli
sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
 Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon
na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng
pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano
ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga
pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong
kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya’y ibahagi sa
colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingin ang
permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng
pananaliksik.
4. Pagbabalik at Paggamit sa
Resulta ng Pananaliksik
 Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng
mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga
kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng
mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala
ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilanngilan lamang na mananaliksik ang
bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung
may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang
rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan
upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong
pinag-aaralan.
PLAGIARISM AT
ANG MGA
RESPONSIBILIDAD
NG MANANALIKSIK
PLAGIARISM? NO, NO, NO, NO, NO CHECK!
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang
plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga
salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa
pinagmulan nito.
IBA PANG ANYO NG PLAGIARISM:
 pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
 hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
 pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping
pahayag;
 pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng
teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na
pagkilala;
 ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang
pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man
SUPER PLAGIARISM
 Isa pang kaso ng plagiarism ang pagsusumite ng papel o anumang produkto na
gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite papel sa iisang kurso (Council of
Writing Administrator 2003).
Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication kung saan nagpapasa ang
isang mananaliksik ng iisang pagaaral sa dalawang magkaibang referred journal
para sa publikasyon.
Kasama rin dito ang self-plagiarism kung saan ang bahagi ng pananaliksik ay
inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na pagbanggi kahit pa sarili ring
ideya ang pinagmulan nito; at
Maging ang gawain ng ilang mananaliksik na pagpaparami ng listahan ng
sanggunian kahit na hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik ay porma rin
ng plagiarism.
PAGKOPYA NI KAREN DAVILA SA ILANG BAHAGI NG AKDA
NI ANGELA STUART SANTIAGO PARA SA KANIYANG
DOKUMENTARYO TUNGKOL SA PAGKAMATAY NI CORY
AQUINO
PLAGIARISM NI KAREN DAVILA
PAGGAMIT NI MANNY V. PANGILINAN, ISANG
MAKAPANGYARIHANG NEGOSYANTE, NG MGA KATAGA
MULA SA MGA KILALANG PERSONALIDAD SA KANIYANG
TALUMPATI NANG WALANG PAGKILALA
PAGKOPYA NI MVP SA ISANG SIKAT
NA MANUNULAT NA SI J.K ROWLING
PAGKOPYA NI MVP SA ISANG SIKAT
NA TV HOST NA SI OPRAH WINFREY
PAGKOPYA NI MVP SA COMMENCEMENT
ADDRESS NI CONAN O’BRIEN SA HARVARD
UNIVERISITY NOONG 2000
PAGGAMIT NI SENADOR TITO SOTTO NG ILANG
MAHAHALAGANG SINABI NI ROBERT F. KENNEDY SA
KANYANG TALUMPATI SA SENADO NG WALANG
KAUKULANG PAGBANGGIT SA PINAGMULAN NITO
DIREKTANG PAGSALIN NI TITO SOTTO SA
FILIPINO NG MGA SINABI NI ROBERT
KENNEDY
PAGKOPYA NI MELANIA TRUMP SA
ISANG TALUMPATI NI MICHELLE OBAMA
BAKIT NGA BA MARAMI
ANG MADALAS NA
GUMAGAWA NG
PLAGIARISM?
A.
KAMANGMANGAN
O KAWALAN NG
IDEA
B. KAMALAYAN SA
PANUNTUNAN NGUNIT
SADYA O HINDI SADYANG
BINABALEWALA ANG MGA
ITO
C. LA BIS NA
PA G MA M A D A L ING
MA TA P OS S A
P A NA NA LI K SI K
D . HIND I NA BI BIG Y A N
NG SA P A T NA
P A GTALA KA Y U KOL
S A P LA GI A R IS M
BATAYANG AKLAT:
PAGBASA AT
PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
C R I Z E L S I C AT- D E L A Z A
M AY- A K D A

You might also like